CHAPTER TWENTY - PLUM

"Painting is silent poetry. And poetry is painting that speaks." - Simonides of Ceos

----------------------------

Kay's POV

Mukha ni Jeremy ang namulatan ko nang magising ako kinabukasan. Nakatitig lang siya sa akin. Siguro kaya ako nagising dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin habang natutulog ako.

Ngumiti ako sa kanya at nahihiyang tinakpan ang mukha ko. Kahit ilang taon na kaming mag-asawa ni Jeremy, nahihiya pa rin akong makita niyang pangit ako pagkagising. Baka may panis na laway pa ako, may muta pa o kung anong dumi sa mukha.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Hindi siya sumagot at lalong sumiksik sa akin. Niyakap ako at isinubsob ng mukha sa balikat ko.

Nangingiting kinusot ko ang mukha ko. Ramdam ko ang kahubaran ni Jeremy mula sa ilalim ng kumot at sigurado ako, hindi panaginip ang nangyari kagabi. Magaling na ang asawa ko. Puwedeng-puwede na talaga kaming magka-anak.

Yumakap din ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Belated happy birthday, Jer. Nakakatawa ka talaga. Ikaw ang may birthday pero ako ang binigyan mo ng regalo. Ang gandang pa-birthday sa 'yo 'no? Gumaling ka na," parang gusto kong maiyak. Hindi ko akalaing mangyayari pa ito. Hindi ko akalaing magiging normal pa ang buhay naming mag-asawa pagdating sa kama.

Hindi sumagot si Jeremy. Lalo lang isinubsob ang mukha sa balikat ko. Tapos ay nakaramdam ako ng parang may mainit na likido na umagos sa balikat ko. Taka akong tumingin sa kanya. Umiiyak ba si Jeremy?

"Jer? Umiiyak ka ba?" Marahan ko siyang inilayo sa akin at mabilis siyang nagpahid ng mata at pilit na ngumiti sa akin tapos ay umiling.

"Hangover. Alam mo naman kapag nagkaka-hangover kung ano-ano ang naiisip. Okay lang ako. Ikaw? Okay lang?" Muntik pang pumiyok ang boses niya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Mukhang hindi okay si Jeremy. Nakatitig lang siya sa mukha ko.

"Bakit ka ganyan? Dapat masaya tayo 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya at yumakap. Hinihimas ko ang katawan niya at gusto kong maulit uli ang nangyari sa amin kagabi. Miss na miss ko na ang asawa ko. Gusto kong araw-araw namin na gawin iyon para mabilis kaming makabuo.

Pero mabilis na umiwas sa akin si Jeremy. Bumangon siya at naupo patalikod sa akin.

"Jer? May problema ba?" Nagtataka ako sa kanya. Akala ko ba magiging okay na kami? Sabi niya, magiging okay na siya. Magiging normal na. Lasing na lasing ako kagabi pero alam kong may ginawa kami.

Umiling siya at bumuga ng hangin.

"N-nahihiya lang ako kay Sir Xavi. Pare-pareho tayong nalasing kagabi. Hindi ko na nga alam kung paano siya nakauwi."

Bumangon ako at tumabi sa kanya. Humalik pa ako sa balikat niya pero mabilis na tumayo si Jeremy at nagbihis.

"Malaki na ang boss mo na iyon. Saka sanay iyon uminom. Araw-araw laman ng inuman iyon. Huwag mo ng intindihin," iyon na lang ang nasabi ko. Naninibago talaga ako sa asawa ko. Bakit parang hindi siya masaya?

Nanatili lang akong nakatingin kay Jeremy habang nagbibihis siya. Akala ko ba okay na siya pero bakit parang hindi siya masaya?

"Jer, naninibago ka ba? I mean, dahil sobrang tagal na ba nating hindi ginawa kaya parang ayaw mo na sa akin?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong noon.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Jeremy ng humarap sa akin tapos ay naupo sa kama at yumakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Kay. Gagawin ko ang lahat para iyo. Kahit masakit, gagawin ko para lang sa iyo." Nanginginig na ang boses ni Jeremy.

"Jer, ganyan din naman ako sa iyo. Nahihirapan ka ba sa treatment? Hindi mo naman kailangan magtiis. Itigil mo na kung mahirap." Yumakap ako sa kanya. "Hindi naman ako naghahanap. Basta nandito ka lang."

Huminga siya ng malalim tapos ay hinawakan ang mukha ko.

"I'm sorry." Titig na titig siya sa mukha ko habang sinasabi iyon.

"Sorry saan?" Ngumiti ako sa kanya. "I had a great time last night. Pero kung hindi na mauulit okay lang. Itigil mo na ang treatment dahil nahihirapan ka. Sabihin mo sa boss mo na hindi mo kaya." Marahan kong hinaplos ang mukha niya. "Sabi ko sa iyo, Jer ikaw lang sapat na. Wala na akong hihingin na iba."

Nakita kong nagtagis ang bagang ni Jeremy at pilit na pilit na ngumiti sa akin tapos ay tumayo na.

"Baka gabihin ako mamaya. Nakakahiya kay Sir kasi late na akong papasok ngayon." Tumawa siya ng pilit na pilit. "Lasing na lasing si Sir Xavi. Ako na ang nag-book ng sasakyan niya pauwi. Hindi ko na alam kung anong nangyari doon."

Napakibit-balikat lang ako. Naalala ko kung gaano kasaya si Jeremy habang kausap si Xavi kagabi at ganoon din naman ang lalaki.

"Hayaan mo siya. Sanay malasing iyon."

Tinungo ni Jeremy ang pinto at muling tumingin sa akin. Parang may gustong sabihin pero tinitingnan lang ako.

"You are so pretty. Basta tandaan mo, mahal kita." Seryoso na siya ngayon.

Dumampot ako ng unan at ibinato sa kanya. "Ang seryoso mo nakakainis ka. Ligo na. Sabay na tayong pumasok. Mamaya na lang ako magliligpit ng mga kalat."

Nagkakamot ang ulong tuluyang lumabas si Jeremy.

Nakangiti akong muling nahiga sa kama. May konting hilo pa akong nararamdaman. Grabe din ang pagkalasing ko kagabi. Parang hindi normal na lasing. Pero sigurado akong may nangyari sa amin ni Jeremy. Sobrang na-miss ko siya. Na-miss kong gawin namin iyon. After three years, kagabi na lang ulit naulit. Feeling ko nga virgin uli ako kaya natatawa ako. Ganoon siguro iyon. Sa sobrang tagal na namin na hindi naging intimate, pakiramdam ko ay first time ulit. Ibang-iba sa ginagawa namin noon. Mas agresibo si Jeremy kagabi. Parang ang wild. 'Yung mga dati naming hindi ginagawa, bigla niyang ginawa kagabi. Siguro dapat madalas kaming maglasing para nagiging wild siya.

Natawa ako sa naisip kong iyon at parang luka-luka na bumangon sa kama. Inayos ko ang kama namin at pinagpag. Napakunot ang noo ko dahil napansin ko ang ilang strands ng mahahabang buhok sa kama at sa unan. Brown? Tiningnan ko ang buhok ko. Itim ang buhok ko at hindi kulot. Itim din ang buhok ni Jeremy kaya saan galing ang mga lagas na buhok na ito?

-------------------

Xavi's POV

I had the worst hangover this morning.

Hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa tindi ng sakit ng ulo. Pakiramdam ko ay binabayo iyon kasabay ng pagkalampag ng kung ano mula sa kung saan. Nawala ang mga kalabog ngayon naman ay nakakarinding tunog ng telepono ang naririnig ko.

"Where the fuck is that?" Pagapang akong kumilos sa kama at pilit na kinakapa kung nasaan ang telepono ko. Natagpuan ko iyon sa lapag at nakapikit na dinampot at sinagot.

Hindi pa ako nakakasagot ay maingay na boses na ni Jet ang naririnig ko.

"Fuck you, Jet." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Open your fucking door." Nakakairita ang boses niya sa kabilang linya.

"It's open." Nakapikit na sagot ko.

"It's locked. Open this now," daig pa ni Jet ang taas ng boses ng mommy ko. Naririnig kong may kumalampag pa sa pinto.

"Asshole," inis kong pinatay ang telepono ko at kahit nahihilo ay tinungo ko ang pinto at binuksan iyon. Pinabayaan ko na siyang makapasok. Siya na rin ang magsara ng pinto.

Dumiretso ako sa kusina at naghilamos sa lababo. Nagmumog din ako kasi parang nalalasahan ko pa ang pait ng gin na ininom namin kagabi. Ayoko ng uminom ng gin. Worst hangover in my entire life.

"What happened last night?" Parang imbestigador sa pagtatanong si Jet.

"What happened? I got drunk, I went home, and I fucked someone. Did you see the girl?" Pilit kong imulat at ipikit ang mata ko habang nagtitimpla ng kape.

"What girl? I don't see any girl here." Sumilip pa si Jet sa sala.

"The one that I picked up and fucked last night. Baka umuwi na. Fucking headache. I hate to drink that shit," gustong kong inumin ng diretso ang umuusok na kape sa harap ko para mawala lang ang hangover na ito.

"You got laid last night? Where?"

Sinamaan ko ng tingin si Jet. "Here. Saan pa ba? What do you want?"

Hindi kumibo si Jet at nakatingin lang sa akin. Tiningnan ko din ang sarili ko at suot ko pa ang damit na suot ko kagabi. Ang baho ko. Amoy alak, amoy sigarilyo.

"What happened last night, Xav?" Seryoso na ngayon ang mukha ni Jet.

"What do you mean what happened? Nothing. I attended a birthday and we celebrated it. If you were asking about the wife, I told you I'll forget about her. Ayokong mapanood mo ako sa Tulfo." Humigop ako sa hawak kong mug ng kape.

Tingin ko ay parang nakahinga ng maluwag si Jet sa sinabi ko.

"I am just worried about you, man. Kung kailangan kong i-remind sa iyo araw-araw na may-asawa ang babaeng gusto mo, gagawin ko para hindi ka magkamali. It's okay to get fucked up over women that are single but not with a married woman."

Natawa ako naiiling sa sinasabi ni Jet.

"What's with you, kalbo? Naninibago talaga ako sa iyo. Masyado kang concerned sa akin dahil na-inlove ako sa may asawa?"

Napakamot ito sa ulo. "Because it's not you. And I know you're fucking serious dahil ngayon lang kita nakitang ganyan."

"Nakitang ano?" Napahinga ako ng malalim at tinungo ko ang painting area ko. Nagpatong ako ng blank canvass sa easel at tumitig doon. I don't know. I just felt something. Some urge to paint right now.

"Ganyan. Apektado. Ipinapakita mo lang na okay ka pero alam kong hindi. It's not okay to love on the sidelines dahil darating ang panahon, hindi ka makukuntento sa ganoon. You will covet her kapag hindi mo pinigilan iyan."

Napalunok ako at hindi nakasagot. Naalala ko si Kaydence kagabi. Lalo na ng makita ko siya sa kusina at nilalambing ni Jeremy. Inggit na inggit ako doon. Selos na selos ako. Sa pagtitinginan nila, sa paglalambingan nila. Isinasayaw pa ni Jeremy ang asawa niya at kitang-kita ko na gustong-gusto ni Kaydence.

"I am not going to do that. See? I was with someone last night. I don't know where I picked her up. It was bit and pieces, but I know I fucked her brains out last night," kumindat pa ako kay Jet.

"What's her name?"

What's her name? What the fuck was her name? I don't even remember. All I can remember that, that was the best sex that I had. Wait? Was it sex? No. For the first time, I felt I was making love last night. In my mind, I was thinking I was making love with Kaydence. Napangiti ako ng mapakla. Doon ko lang din naman siya naaangkin. Sa isip ko lang. Doon, maraming possibilities na puwedeng mangyari na imposibleng mangyari sa totoong buhay.

"Why are you asking? Do you ask the name of every women that you had one-night stand with? 'Tangina mo, Jet. Nagpapaka-righteous ka masyado ngayon. Ikaw na perfect." Pang-aasar ko sa kanya.

He gave me a dirty finger sign at pumunta sa kusina at nagsalin din ng kape.

"So, are you sure? Kakalimutan mo na siya? You're going to distance to the husband too?" Paniniguro pa ni Jet.

Tumango ako. Matagal ko na rin naman talaga dapat ginawa ito. Maling-mali na nakipaglapit din ako kay Jeremy. Magmula ngayon, lalagyan ko na ng distansya ang pagitan naming dalawa. Employee-employer na lang ang magiging koneksyon namin ni Jeremy.

"What's her name? Para makita ko kung worth talagang kabaliwan ni Xavier Costelo." Sabi pa ni Jet.

Umiling ako at dumampot ng paint brush at pintura at nagsimulang gumuhit sa canvass. Weird, I feel so light right now. So many emotions, so many images are starting to take over my head and I needed to paint them. Every stroke of the brush on the canvass was like a color that gives a meaning into my life.

I can feel the urge to paint again. Not nude body of my subject, not the face of Kaydence. Just abstract hues that has a different meaning.

Hindi ko na nga intindi ang mga sinasabi ni Jet. Basta patuloy lang ako sa paghagod ng pintura sa canvass. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako at inilalagay ko sa canvass ang mundo na iyon.

A colorful oblivion where I wanted to share with the world.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top