CHAPTER TWENTY NINE - AZURE

"You were born an original so don't die a copy." - John Mason

--------------------------

Kay's POV

Hindi ko magawang gumalaw.

Hindi yata ako makahinga sa nagawa ko. Nanatili lang akong nakatalikod ng higa sa lalaking katabi ko sa kama. Ayokong maramdaman niyang gising ako. Hindi ko kayang humarap sa kanya.

Napapikit ako ng mariin sa tuwing maiisip ko kung anong nagawa ko. Ano ba ito? Bakit ko ba nagawa ito? Pinabayaan kong maglandas ang mga luha sa pisngi ko dahil sobrang nakukunsensiya ako sa nagawa kong pagtataksil kay Jeremy.

Hindi ako ganito. Mahal ko si Jeremy at siya lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako. Pero miss na miss ko na siya. Pakiramdam ko kalahating pagkatao ko ang nawala ng mamatay siya at si Xavi. Nandito. Umaalalay sa akin pero sinamantala ko.

Nahihiya ako sa nagawa kong pagtataksil sa asawa ko at nahihiya din akong humarap kay Xavi. Hindi ako ganitong klaseng babae. Si Jeremy kasi ang tingin ko sa kanya kanina at ng halikan ko siya, pakiramdam ko ibinalik ako noong gabi na unang beses uli kaming nagsiping ng asawa ko.

Napaka-pamilyar ng halik. Napaka-pamilyar ng bawat hawak. Katulad na katulad ng gabing iyon. Pero imposible. Imposibleng si Xavi iyon dahil nagising akong si Jeremy ang katabi ko. At hindi papayag si Jeremy na mahawakan ako ng iba at hindi rin naman gagawin ni Xavi ang magsamantala.

Nanigas ang katawan ko ng maramdaman kong gumalaw ang katabi ko sa kama. Rinig ko ang malalalim na paghinga.

"Kay," mahinang-mahina ang boses ni Xavi.

Hindi ako sumagot. Magkukunwa akong tulog o kung anuman para huwag na lang namin pag-usapan ang nangyaring ito.

"Kay, kung anuman ang-"

"Wala tayong pag-uusapan," putol ko sa sinasabi niya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

Napahinga ng malalim si Xavi.

"Alam kong masyado pang maaga pero-"

Mabilis akong humarap kay Xavi at nakita kong parang nalulungkot siyang nakatingin sa akin.

"Nagkamali ako. Hindi dapat nangyari ito." Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. "Mali ito. Nagkasala ako kay Jeremy." Hindi ko na napigil ang mga luha ko.

Hindi ko maintindihan pero parang nasaktan si Xavi sa mga sinabi ko.

"But Jeremy is dead. He won't be back."

Alam ko ang katotohanang iyon pero bakit napakasakit pa rin na marinig iyon sa ibang tao?

"And no one can replace him in my heart."

Hindi nakasagot si Xavi sa sinabi ko. Napalunok lang siya habang nakatingin sa akin.

Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa kagagahang nagawa ko ngayon.

"Miss na miss ko si Jer. Nangyari lang ito dahil nami-miss ko ang asawa ko. Nagkamali ako." Paulit-ulit ko iyong sinasabi.

"If this is a mistake then I don't want to make this right. Okay lang sa akin kung pagkakamali ako, Kay. I'll be with you. Even if you keep on calling me Jeremy. Okay lang," nakatitig sa mukha ko si Xavi.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?
Bumuga ng hangin si Xavi na parang doon kumukuha ng lakas ng loob at mapait na ngumiti sa akin.

"Jeremy is not coming back. That's the reality. Ako. Nandito ako, Kay. Hindi kita iiwan."

Parang napapasong lumayo ako kay Xavi. Ano ba ang sinasabi niya?

"Call it crazy but I am in love with you all along." Ngumiti siya ng mapakla sa akin.

Lalo akong napaurong at parang napapasong umalis ako sa kama at lumayo sa kanya. Ibinalot ko lang ng kumot ang katawan ko habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"I am in love with you, Kay. I don't know why, I don't know how. I just felt it."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Sunod-sunod ang iling ko. "Sir, hindi ako-"

"Stop calling me Sir, please." Halatang nairita si Xavi doon at tumayo at akmang lalapit sa akin pero pinigilan ko siya.

"Please huwag kang lumapit sa akin. Ayoko. Ayoko." Sumisenyas ako na lumayo siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang pangyayaring ito.

Kita kong parang napahiya si Xavi sa ginawa ko kaya nanatili siyang naka-distansiya sa akin.

"Kay, I don't know how to explain but I just felt it. Kahit sobrang sakit na nakikita kita na mahal na mahal mo si Jeremy tinitiis ko. I am contented on loving from you a far. I mean, makukuntento na nga sana ako sa ganoon. But this happened. I never wanted Jeremy to die. He was my friend."

"Friend? Pero ano itong sinasabi mo sa akin? Kung itinuturing mong friend ang asawa ko, hindi ka magkakagusto sa akin. At bakit ako? Ang dami mong babae." Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang mga sinasabi niya.

"I don't know. Basta alam ko mahal kita. Naramdaman ko na lang."

"Mahal mo ako o naaawa ka lang sa akin? O nakukunsensiya ka dahil sa kumpanya 'nyo namatay ang asawa ko?"

"What? Of course not. Mahal kita Kay and I am here. I won't leave you." Akmang lalapit ulit sa akin si Xavi pero umatras ako at umiling.

"Wala na akong ibang mamahalin pa kundi si Jeremy lang. Hindi ko na kayang magmahal ng iba. Itong nangyaring ito ay isang pagkakamali na pilit kong ibabaon sa limot. Hindi kita mahal at kahit kailan, hindi ko mamahalin." Nakatitig ako sa mga mata niya habang sinasabi iyon.

Kitang-kita ko ang paglatay ng sakit sa mukha ni Xavi ng marinig ang mga sinabi ko tapos ay mabilis siyang lumapit sa akin at kahit akma akong iiwas ay wala na akong nagawa.

Ang lapit-lapit niya. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko at nakatitig lang siya doon.

"But you cannot deny the fact that there was something. I know you felt it too. You felt something familiar because that's what I was feeling when we're doing that." Titig na titig sa mata ko si Xavi.

Mabilis akong nagbawi ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

Totoo kasi ang sinasabi niya. Pamilyar na pamilyar iyon. Ang bawat galaw niya, ang bawat halik niya. Para bang nangyari na ito sa amin noon.

Malakas ko siyang itinulak.

"Nami-miss ko lang ang asawa ko. Si Jeremy ang tingin ko sa iyo habang nagpapaangkin ako. Si Jeremy lang ang nakikita ko. Hindi ko na magagawang tumingin sa iba." Hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha ko.

"Then I'll be Jeremy." Naihilamos ni Xavi ang mga kamay sa mukha niya. "'Tangina, Kay you want to call me Jeremy? Okay lang. As long as you let me love you."

Umiling ako at lalong lumayo sa kanya.

"Isa lang si Jer. Isa lang ang asawa ko. You cannot be Jeremy. Umalis ka na, please." Tinalikuran ko na siya at pumasok ako sa banyo at doon nagkulong. Hindi ko na kayang humarap sa kataksilang nagawa ko sa asawa ko.

"Kay, please. Mag-usap naman tayo." Kumakatok sa pinto si Xavi.

"Umalis ka na. Kung puwede lang, huwag ka ng babalik dito."

"Fuck. Kay. Come on. Please. Mag-usap tayo," patuloy pa rin siya sa pagkatok.

Painis kong binuksan ang pinto at nakatayo doon si Xavi.

"Wala na tayong pag-uusapan. Si Jeremy lang ang mahal ko at mamahalin ko hanggang mamatay ako. Wala kang magiging puwang sa buhay ko. Umalis ka na!" Itinulak ko pa siya at malakas kong isinara ang pinto.

Wala na akong narinig na mga katok. Mahihinang kaluskos lang tapos maya-maya ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at mahinang pagsara. Alam kong lumabas na siya ng kuwarto.

Para akong nanghihinang napaupo sa tiled floor ng banyo. Wala akong hinto sa pag-iyak. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad kay Jeremy dahil sa nagawa ko. Napakatanga ko at pinabayaan kong kainin ako ng emosyon ko. Hindi ko naisip ang magiging consequence at ngayon, hindi ko alam kung paano kakalimutan ito.

---------------------

Xavi's POV

Gusto kong sagasaan ang lahat ng nakakasalubong ko. I've never felt this rage, this embarrassment in my entire life.

'Tangina. Ganoon ako katanga pagdating kay Kaydence. Kahit ang tingin niya sa akin si Jeremy papayag ako. Kahit nga Jeremy ang itawag niya sa akin paulit-ulit papayag ako. Ganoon ako kagago.

At gusto kong murahin ang sarili ko. Babae ang naghahabol sa akin. Babae ang nagmamakaawa sa akin na bigyan ko ng pansin. Babae ang umiiyak sa akin. Pero ngayon, kung sabihin ni Kaydence na lumuhod ako sa harap niya, magmakaawa ako para mahalin niya gagawin ko iyon. Ganoon ako katanga pagdating sa kanya.

Pero sa nakita ko kanina, patay na si Jeremy pero kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha ni Kaydence dahil sa nagawa namin. Patay na si Jeremy pero pakiramdam ni Kaydence nagkasala pa rin siya. Nasasaktan ako noon dahil alam kong may asawa si Kaydence pero ngayon na wala na ang asawa niya, mas nasasaktan ako kasi parang mas lalo lang naging imposible na maging akin siya.

Kasi talagang ipinamukha niya sa akin kanina na hanggang kamatayan, si Jeremy lang ang mamahalin niya.

Malakas kong hinampas ang manibela ng sasakyan ko at ipinarada iyon sa isang gilid. Ilang ulit kong pinaghahampas ang manibela sa sobrang galit. Doon ko ibinunton ang lahat ng frustrations ko. Patuloy ako sa paghampas hanggang sa mamanhid ang mga daliri at kamay ko.

Tama si Kaydence. Ang dami kong babae pero bakit sa kanya ko naramdaman 'to?

Hindi ko rin alam ang sagot. Basta naramdaman ko na lang. Sino ba ang mag-aakalang mamahalin ko si Kaydence ng ganito? Sabi nga ni Uncle Guido, when love struck you, you couldn't explain it. You just felt it. Everything felt right even if it's wrong.

Iyon ang nararamdaman ko kay Kaydence. Loving her was right event if it's wrong.

Alam kong mahirap magmahal sa babaeng may-asawa. I take that from Uncle Guido. Pero ngayong malaya na si Kaydence, bakit pakiramdam ko mas mahirap siyang mahalin? Mas mahirap kuhanin ang pansin niya dahil sa totoo lang, ramdam ko rin na pinapatay na rin niya ang puso niya.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at dumiretso ako sa condo ni Uncle Guido. Hindi na ako tumawag sa kanya dahil sanay naman siyang bigla akong sumusulpot sa mga bahay niya. Tumawag ako sa mismong bahay niya pero wala daw doon si Uncle. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Alam kong kapag wala siya sa bahay, doon siya nagbababad sa condo niya sa BGC. Escape to reality daw niya ang condo niya na iyon. Pareho lang kami ni Uncle Guido. May pagka-weird din ang taong iyon.

Marahan ko pang hinihilot ang ulo ko dahil literal na sumasakit iyon. Kailangan ko ng makakausap. Kailangan ko ng taong magpapaliwanag ng isip ko. Kasi sa totoo lang, ngayon ang gusto ko ay kidnappin na si Kaydence at ikulong sa isang lugar na magkasama kaming dalawa. Tapos hindi ko siya iiwan. Maghihintay lang ako kung hanggang kailan niya makalimutan ang asawa niya at ako naman ang mahalin niya.

If Uncle Guido would back me up with my stupid plan, gagawin ko talaga iyon.

I pressed the buzzer when I reached his unit. Matagal bago may magbukas kaya dinalawang-ulit ko pa iyon.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Uncle Guido ng makita akong nakatayo doon. Napahigpit ang paghawak sa pinto. Halata ang pagkataranta sa mukha.

"Uncle," naiiling na sabi ko at napahinga ng malalim.

"X-Xavi! W-what are you doing here?" Halatang gulat na gulat siya na naroon ako.

"I need someone to talk. Mababaliw na ako, Uncle. Ngayon lang sumakit ang ulo ko dahil sa babae."

Lumikot ang mata niya at napakamot ng ulo.

"Why are you looking like that? This is not a good time? May babae ka diyan?"

"Ah- kasi- umm-" Hindi malaman ni Uncle ang sasabihin niya at tingin ko ay lalong nataranta. Lalong hinigpitan ang hawak sa pinto para hindi tuluyang bumukas.

Nagliwanag ang mukha ko.

"Mercedes is there?" Paniniguro ko. I am sure my Uncle was hiding something from me. Gusto kong matawa. Katulad ko lang din itong si Uncle Guido. Marupok pagdating sa babaeng minamahal niya. Sabi niya nakipag-break na daw siya pero sigurado akong hindi rin niya makakaya. Imagine having an affair for twenty-nine years. Alamat na talaga itong si Uncle.

"X-Xavi, you won't understand." Tonong nakikiusap siya.

Tiningnan ko ng nakakaloko si Uncle. Ako pa ba ang hindi makakaintindi? Ano naman kung nandito ang ka-affair niya?

"Let me meet her." At wala ng nagawa si Uncle Guido ng sapilitan akong pumasok sa loob ng unit niya.

Pero agad nawala ang ngiti sa labi ko nang makapasok at makita ko ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa ni Uncle Guido. She was wearing my Uncle's shirt. Halatang hindi na asiwa dito. Kita ko ang takot na rumehistro sa mukha ng babae ng makita ako. Natatarantang tumayo.

"Mommy?" Takang-taka akong nakatingin sa kanya. Nagtatanong na tumingin ako kay Uncle at nakatingin lang ito sa akin.

"X-Xavi, umm- let me-"

"What are you doing here, mom?" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng nanay ko. Halatang natataranta siya at parang naiiyak na nagpapasaklolo kay Uncle Guido.

And reality hits me. Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Uncle tapos ay kay mommy.

"You are Mercedes?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top