CHAPTER TWENTY FOUR - PRUSSIAN

"Art is much less important than life, but what a poor life without it." - Robert Motherwell

-------------

Kay's POV

            Wala akong maintindihan sa mga ini-explain ng doctor sa akin tungkol sa kalagayan ni Jeremy. Basta ang alam ko lang kaya siya ganito dahil daw matinding usok na nalanghap niya. Hindi ko makausap si Jeremy. Ayaw niyang gumising. Kahit anong gawin ko hindi siya magising.

            Ilang araw ng nandito sa ICU si Jeremy. Hindi na ako nakakapasok dahil ayokong iwan ang asawa ko. Gusto ko kapag nagising siya, ako agad ang makikita niya. At paggising niya, sasabihin ko ang magandang balita. Sigurado ako mabilis na makaka-recover si Jeremy kapag nalaman niyang magiging tatay na siya.

            Naiiyak ako habang tinitingnan ko ang katawan ni Jeremy. Ang daming paso. Ang daming sugat. Sabi ng mga imbestigador, sa hagdan daw nila natagpuan si Jeremy na walang malay. Nag-pass out na dahil sa kapal ng usok. Sa third floor daw nagsimula ang sunog kaya buong third floor ang natupok. Suwerte nga daw at natagpuan agad ng mga bumbero kasi kung hindi, malamang kasama na si Jeremy sa natupok ng sunog na iyon.

            Iniimbestigahan pa nila kung anong nangyari at ano ang pinagsimulan ng sunog. Wala na akong pakialam doon. Ang utak ko ay naka-focus kung paano magigising ang asawa ko. Hindi ko talaga kakayanin kung may mangyayaring masama sa kanya.

            Napalingon ako dahil may maingay akong naririnig na papasok sa loob ng ICU. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko dahil nakilala kong ang biyenan ko iyon kasama si Jerika. Nagsisisigaw ng makapasok at kulang na lang ay buhatin sa kama ang latag na katawan ni Jeremy.

            "Anak ko! Anong nangyari sa iyo?" Ang lakas ng palahaw ng biyenan ko. Tumabi na nga lang ako kasi muntik pa akong hawiin para lang makalapit sa asawa ko. Kasunod nito si Jerika na umiiyak.

            "Jeremy! Gumising ka diyan? Anong ginawa nila sa iyo?" Humagulgol sa iyak ang nanay niya.  Hindi naman ako kumikibo. Ilang araw na ang nakalipas dito sa ospital pero ngayon lang dumalaw ang nanay ni Jeremy.

            "'Nay, huwag ho kayong masyadong maingay. May mga pasyente din ho sa kabilang kuwarto." Saway ko sa biyenan.

            "Wala akong pakialam! Anak ko ito!" Humarap sa akin ang biyenan ko na nagagalit. "Ikaw ang may kasalanan nito. Kung hindi mo pinabayaang magtrabaho ang anak ko, hindi mangyayari ito sa kanya."

            "Ano ho? Bakit kasalanan ko?"

            "Ikaw naman talaga ang may kasalanan ng lahat! Mula pa sa umpisa, kung hindi ka nagpabuntis kay Jeremy, hindi mamalasin ang buhay niya. Ikaw ang malas sa buhay niya. Ikaw ang malas sa buhay namin!" Nanlilisik ang mata ng biyenan ko sa akin.

            "Teka. Bakit kasalanan ko? Hindi ba dahil sa inyo kaya nagkakandakuba sa trabaho si Jeremy? Dahil wala kayong hinto sa paghingi ng kung ano-anong suporta sa kanya. Lahat na lang hiningi 'nyo sa kanya. Hindi ako ang may kasalanan nito. Kayo! Kayong dalawa ng anak mo!" Hindi na ako nakatiis na hindi sumagot sa biyenan ko.

            Nakita kong parang nagulat ang nanay ni Jeremy sa sagot ko. First time kasi itong sumagot talaga ako sa kanya.

            "Ang kapal talaga ng mukha mo. Ang sabihin mo, makasarili ka talaga. Gusto mong solohin ang kinikita ni Jeremy at pabayaan na kami ng kapatid niya. Hindi ko talaga alam kung anong nakita ng anak ko sa iyo. Napaka-walang kuwenta mo naman."

            "Kung may walang kuwenta dito, kayo 'yon. Kayo ng anak mo." Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Halos patayin ni Jeremy ang sarili niya sa pagtatrabaho maibigay lang ang lahat ng gusto 'nyo. Kahit may kapansanan na, pinilit pa ring magtrabaho para lang matustusan kayo pero wala kayong kakuntentuhan. Kayo ang walang awa." Napahagulgol na ako ng iyak.

            Naramdaman kong itinulak ako ng nanay ni Jeremy kaya mabilis akong kumapit sa kama.

            "Ang yabang mo. Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan. Ako ang nanay ni Jeremy at ako ang may karapatan sa kanya. Asawa ka lang. Sampid ka nga lang sa pamilya namin. Papel lang ang pinanghahawakan mo. Ako, ako ang nagluwal sa anak ko. Ako ang nagpakahirap magpalaki at magpaaral. Tapos bigla kang darating sa pamilya namin para lang agawin siya." Galit na galit ang mukha ng nanay ni Jeremy at dinuduro-duro pa ako.

            "Puwede ho bang kahit ngayon lang, tigilan na muna natin ito? Pagod na ako sa inyo. Pagod na ako sa pag-intindi kung bakit ganyan kayo. Sa totoo lang, mahal ko lang si Jeremy kaya kahit na anong masasamang salita 'nyo sa akin nilulunok ko. Pero ngayon lang. Tumigil na kayo." Tingin ko kasi ay wala namang kapupuntahan ang usapang ito. Mahirap makipagtalo sa taong sarado ang pag-iisip.

            Tumawa ng nakakaloko ang nanay ni Jeremy.

            "Sige. Mayabang ka naman. Kaya ikaw ang gumawa ng paraan para dito. Ikaw ang maghanap ng pambayad sa gastusin dito sa ospital. Ipinagmamalaki mo sa akin na ikaw ang asawa? Ayan. Panindigan mo. Ang lahat din ng obligasyon na ibinibigay sa amin ni Jeremy, ikaw ang magbigay."

            Sasagot na lang ako ng ilang mga tao ang pumasok sa loob ng kuwarto. Hindi ko kilala ang mga ito. Kilala ko ang mga imbestigador na kumausap sa akin pero hindi ito ang mga iyon.

            "Mrs. Montecillo?" Paniniguro ng mga ito.

            Tumingin ako sa nanay ni Jeremy at umirap lang siya sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko at pinilit na maging kalmado na humarap sa mga taong dumating.

            "Ako nga ho. Sino ho kayo?"

            Nagtinginan ang dalawang lalaking kaharap ko. Taga-opisina ba ito ni Jeremy?

            "I am Attorney Jun Nolasco and this is Harry Sapio from XV Metalworks. He is from the Audit department. May we have a word with you?"

            Napalunok ako at hindi ko maintindiha ang kaba na nararamdaman ko.

            "Kung ano ang sasabihin 'nyo sa manugang kong walang kuwenta, sabihin 'nyo rin sa akin." Sabat ng biyenan ko.

            Nahihiya akong tumingin sa dalawang lalaki.

            "Is it okay if we step outside?" Hindi pinansin ng abogado ang sinabi ng nanay ni Jeremy.

            Tumango ako at sumunod sa kanila. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng biyenan ko.

            "Tungkol ho saan ito?" Iyon agad ang tanong ko ng makalabas kami.

            "Mam, we are very sorry for what happened to your husband. Walang may kagustuhan nito." Tumingin ang abogado sa kasama tapos ay sa akin. "The company conducted their own investigation about the fire. And it is proven that the fire started from the stock room. It was seen from the cctv footage that your husband was the last person to enter the stock room."

            Kumunot ang noo ko. "Ano ang ibig 'nyong sabihin?"

            Huminga ng malalim ang abogado.

            "The investigators believe that your husband started the fire."

            "Ano? Anong pinagsasabi 'nyo? Hindi iyan magagawa ng asawa ko." Tumaas na agad ang boses ko.

            "Calm down, mam. Tinitingnan lang naman namin ang lumabas sa imbestigasyon. You see, your husband works with delicate cases. Money. We believe that he has been taking money from the company and he started the fire to cover his tracks."

            "Hindi totoo 'yan. Hindi magnanakaw ang asawa ko. Sinungaling kayo." Napaiyak na ako. "Nakita 'nyo ang lagay ni Jeremy 'di ba? Kulang na lang mamatay sa kumpanyang iyon. Hindi magagawa ng asawa kong magsimula ng sunog. Ni hindi nga niya magawang makatakbo dahil putol ang paa niya. Tapos sasabihin 'nyo pa na nagnanakaw din siya sa kumpanya?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

            Nagbuklat ng folder kasama ng abogado at ipinakita sa akin iyon.

            "Ito, mam. Ito ang bank account ni Jeremy. Ilang buwan lang siyang nagtatrabaho sa XV Metalworks pero nakakapagtaka na magkaroon siya ng ganito kalaking pera. Sa suweldo ng asawa mo, hindi niya kikitain ito."

            Nanlaki ang mata ko ng makita ang maraming pasok ng pera sa account ni Jeremy. Hundred thousands kada isang deposit. Hindi ko alam ito at imposibleng magkaroon ng ganito kalaking pera si Jeremy.

            "We believe that Mr. Jeremy Montecillo has been doing this fraudulent activity when he started in the company. I am so sorry, mam pero walang benefits na makukuha ang asawa mo mula sa kumpanya. We already froze the account of your husband to get the money back. The owner decided not to push thru with the charges against Jeremy. Iyon na lang ang magiging kapalit. He can't return in the company anymore and he cannot get any compensation."

            Wala akong masabi sa narinig kong sinasabi nila sa akin. Parang hindi mag-sink in iyon. Sa isip ko kasi ay hindi ako maniwalang magagawa ito ni Jeremy.

            "The company won't cover the hospital bills of your husband since he started the fire. Malaking halaga ang nalugi sa kumpanya dahil sa sunog na iyon. Mabait pa rin ang may-ari ng kumpanya at hindi nito ipapakulong ang asawa mo dahil sa ginawa niya. I suggest, when he recovers, you go somewhere for a fresh start. The owner won't be this good next time." Nakatingin sa mga mata ko ang abogado.

            "P-pero – hindi ito magagawa ni Jer." Parang sasabog na ang isip ko dahil sa nalalaman ko. "Mahal niya ang trabaho niya. May takot siya sa Diyos. Hindi magnanakaw ang asawa ko. Hindi niya magagawang sunugin ang kumpanyang iyon."

            Kita ko ang simpatya sa mukha ng mga lalaking kausap ko pero tingin ko ay wala naman silang magagawa.

            "I am really sorry, mam. We just wanted you to know this. We are wishing for the fast recovery of your husband so he could answer this allegation. As an attorney, I still believe in fair trial."

            Wala na akong nasabi at tiningnan ko na lang na umalis sa harap ko ang dalawang lalaki. Napasandal ako sa pader na nasa tabi ko. Nanghina yata ang tuhod ko dahil sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala dito.

            Nakakapit ako sa sementong pader habang pabalik ako sa kuwarto ni Jeremy. Naabutan kong kausap ng nanay ni Jeremy ang nurse na nandoon tapos ay sumama ang mukha ng makita ko. Paglapit ko ay inihagis sa mukha ko ang ilang piraso ng papel.

            "Iyan ang running bill ni Jeremy. Bayaran mo."

            Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon. Three hundred thousand plus at wala pang kasiguraduhan kung kailan magigising si Jeremy.

            Parang nanghihinang napaupo ako sa sofa doon. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ng biyenan ko.

            Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa Diyos para bigyan ako ng ganitong kabigat na problema. Hindi ko na yata kakayanin ito.

-----------------------

Xavi's POV

            Ilang araw ng nasa ospital si Jeremy pero hindi ko na nagawang bumalik pa doon.

            Hindi ko makayang tingnan na nasa ganoon siyang kalagayan. Kung alam ko lang may mangyayaring ganoon, isinabay ko na siya pauwi. I couldn't forget the face of Kaydence while she was crying in front of her husband and she was trying to tell the unconscious Jeremy that he would become a father soon.

            Inisang lagukan ko ang alak na isinalin ko sa baso. My dad has been trying to call me hundreds of times pero hindi ko sinasagot. Kahit si Sid ay tumatawag sa akin but I don't want to talk to them. I was trying to think of what could happen if I didn't get out of that building. Kung hindi muna ako umuwi. Kung sinamahan ko muna si Jeremy or niyaya ko muna siyang lumabas para kumain.

            According to initial investigation, the fire started at the third floor, kaya iyon ang tupok na tupok. Naroon ang office ko, ang office ng audit, ang office ng accounting. All files were caught on fire. Ang mga tinatrabaho ni Jeremy ay naabo lahat.

            Tiningnan ko ang files na ibinigay sa akin ni Jeremy ng gabing iyon. Iyon lang ang files na natira na nagsasabing si Danica ang gumagawa ng kalokohan sa kumpanya.

            But who would believe me? Jeremy is in coma. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng ginagawa naming ito.

            Napabuga ako ng hangin at muling nagsalin ng alak sa baso at ininom iyon. Nag-aalala ako kay Jeremy pero mas nag-aalala ako kay Kaydence. She is god damn pregnant and she shouldn't experience this kind of ordeal.

            Tumingin ako sa pinto dahil may narinig akong nag-buzz doon. Iinot-inot akong tumayo at tinungo ang pinto at binuksan at laking gulat ko ng biglang pumasok doon si Kaydence.

            "K-kay? What are you doing here?" Taka ko.

            She looks like a mess. Halatang wala pang tulog. Nanlalalim ang mga mata. Sabog-sabog ang naka-pony tail na buhok. Mukhang hindi na rin naliligo si Kaydence. Kitang-kita ang kalituhan sa mukha. How did she know where I live?

            Nakita kong sumungaw agad ang luha sa mga mata niya ng humarap sa akin.

            "'D-di ba sabi mo babayaran mo ako kung maghuhubad ako sa harap mo?" Tuluyang nahulog ang luha niya at mabilis niyang pinahid iyon.

            "What- o hindi na-"

            Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng walang salitang hinubad ni Kaydence ang suot niyang t-shirt tapos ay isinunod ang pantalon. Hinubad din ang suot ng mga panloob at nakahubad na humarap sa akin.

            "Nandito na ako. Ito na. Gawin mo lahat ang gusto mo pero kailangan kong iligtas ang asawa ko." Humagulgol siya ng iyak sa akin.

            Napalunok lang ako habang nakatingin sa kanya. Wala akong masabi.

            I was so obsessed to see Kaydence naked in front of me then. But right now, I couldn't even look at her naked body while she was crying. Mabilis kong dinampot ang polo kong nakapatong sa sofa at itinakip sa katawan niya.

            I can't see her like this.

            I can't let the woman I love cry like this.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top