CHAPTER TWENTY FIVE - TAWNY
"I don't want life to imitate art. I want life to be art." - Ernst Fischer
PS. This chapter is dedicated to those continuously follow this story. Thank you for your comments, your suggestions, clarifications. It helps me a lot to write the next chapters.
Keep reading.
- HM.
---------------------
Xavi's POV
Nakaupo lang ako sa harap ng mesa habang nakatingin ako sa natutulog na si Kaydence sa sofa. Suot lang niya ang polo ko na pinasuot ko sa kanya kanina. She was hysterically crying. She was begging me to paint her so she could get her payment in return. She was desperate to have any amount of money just to save her husband.
I don't want to see her like this. Pakiramdam ko pinupunit din ang puso ko habang umiiyak siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya tungkol kay Jeremy na may kaso daw ito sa opisina. Sinasabi pa niyang pinagbibintangan daw si Jeremy ang gumawa ng sunog.
Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan si Sid. Isang ring pa lang ay sinagot na niya iyon agad.
"Why are you not answering my calls?" Halata sa boses nito ang pagkataranta.
"Sid, tell me. What is happening there?" Nanatili akong nakatingin sa tulog na babae.
"Everything is fucked up. The board made their own investigation. Jeremy is behind all of this. Siya ang gumawa ng sunog para mapagtakpan ang ginagawa niyang pagnanakaw sa kumpanya."
"What? Katarantaduhan iyan. Alam mong hindi iyan magagawa ni Jeremy. Kilala ko 'yung tao. Sid, alam mong hindi niya magagawa iyon." Hininaan ko ang boses ko para hindi magising si Kaydence. Tingin ko, ngayon lang siya nakakuha ng matinong tulog.
"Xavi, wala akong magagawa dito. Ipinakita na rin sa akin ni Jeremy ang mga reports na ibinigay niya sa iyo at naniniwala akong hindi niya magagawa iyon. Kulang na kulang ang access ni Jeremy para makapasok sa mga accounts ng opisina. Napakahirap gumalaw dito. Hindi natin alam kung sino ang kalaban." Mahina na rin ang boses ni Sid.
"Natunton ni Jeremy na sa fake accounts ni Danica napupunta ang pera. Tapos nangyari iyan. Nagkataon lang ba?" Punong-puno ng sarcasm ang tono ko.
"You know they can do anything here." Tanging sagot niya.
"What about Jeremy's compensation? Sino ang magbabayad ng hospital bills niya? The company should cover this." Marahan kong hinilot ang ulo ko.
"I am so sorry, Xavi. Management decision iyon. Walang kahit na magkanong makukuha si Jeremy. Wala ring babayaran ang kumpanya sa hospital bills niya. In return, hindi na siya kakasuhan."
"What the fuck?! That is bullshit!" Agad kong naitikom ang bibig ko ng mapansing kong gumalaw si Kaydence. Hindi agad ako nagsalita at siniguro kong tulog pa rin siya. "Sino ang gagong nagpakana niyan?"
"Daddy mo." Mahinang sagot niya.
Napamura ako at gusto kong ipukol ang nahawakan kong bote ng alak.
"Xav, usapan na nila iyon ng board. Ayaw na lang nilang maglabas ng pera. This is god damn politics here. Hindi lang naman kasi ang daddy mo ang magde-desisyon noon. May mga members din ng boards."
"At walang kahit isa na nakaisip sa kanila na tulungan 'yung tao?" Umaalsa talaga ang galit na nararamdaman ko. "His wife was asking for my help."
"Hindi naman daw kasi regular pa si Jeremy. At isa pa nga, may on-going case pa. Sa kanya lahat nakaturo 'yung proof na siya ang nagnanakaw dito."
"Bobo na lang ang maniniwala doon. Since 2015 may nagnanakaw na sa company. Kelan lang dumating si Jeremy. Ginagamit lang nila 'yung tao para sumalo sa katarantaduhan nila. I swear, Sid. I am going to track who are these assholes. Sigurado ako, sila din ang may kagagawan ng sunog na iyon."
"Better do it fast, Xavi. I think they can get away. Ipinalangin mong maka-recover na agad si Jeremy."
Napabuga ako ng hangin at napailing.
"Sige. Dadaan ako diyan. Kailangan magkausap kami ng daddy ko."
Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Sid at pinatayan ko na lang siya ng telepono. Tumayo ako at lumapit sa kinahihigaan ni Kaydence. Naupo ako sa gilid niya at tinitigan lang siya habang natutulog.
I know she was still young. Same age as mine or one to two years younger. But her face shows so much hardships. Bakas na bakas ang lungkot, ang hirap na pinagdadaanan. Tiningnan ko ang kabuuan ni Kay and this is the first time that I allowed any woman to wear my clothes. Ayoko ng ganoon. Kahit ang mga naikakama ko na nagtatangkang gumawa noon ay pinapaalis ko agad. But not her. She looked relaxed wearing my polo. She looked good wearing it.
Her hands were placed on her stomach. Naalala ko ng dalhin ko siya sa ospital, parang bibigay na rin ako noon habang sinasabi niya kay Jeremy na magiging pamilya na sila. Na buntis siya at gusto niyang buo ang pamilya nila. God damn tragedy. Buntis pa si Kaydence at nangyari ito.
Gumalaw siya at dahan-dahang nagmulat ng mata. Parang nagulat pa si Kaydence ng makita ako at iginala ang tingin sa paligid niya. Mabilis itong bumangon at parang natatakot na tumingin sa akin.
"Relax."
Nakita kong naiiyak na naman si Kaydence kasi parang bumabalik na sa kanya ang lahat bakit siya nandito sa unit ko.
"Are you hungry? Do you want to eat anything?" Gustong-gusto kong yakapin si Kaydence pero pigil na pigil ko ang sarili ko.
"Sir, tulungan mo naman si Jeremy. Pinagbibintangan nilang magnanakaw ang asawa ko. Alam mong hindi niya magagawa iyon. Alam mong hindi masamang tao si Jer. Kaibigan ang turing niya sa iyo." Napatingin ako sa kamay ni Kaydence na humawak sa kamay ko at kinuha niya iyon para ipatong sa tiyan niya. "Kahit para na lang dito. Para na lang sa magiging anak namin." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ni Kaydence.
Napalunok lang ako at wala akong masabi. Ang higpit-higpit ng hawak ni Kaydence sa kamay ko.
"D-don't worry. I'll help you. Gagawan ko ng paraan ito." Kinuha ko na ang kamay kong hawak niya dahil hindi ko maintindihan ang parang kuryenteng gumapang doon.
Her touch felt familiar.
Napayuko lang si Kaydence habang iyak ng iyak.
"Ano ba ang kasalanan namin para bigyan kami ng ganitong klaseng parusa? Ngayon pa? Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin, sa amin ng magiging anak namin kung mawawala si Jeremy." Mabilis na pinahid ni Kaydence ang mga luha niya sa mukha. "Hindi naman kami masamang tao. Wala naman kaming inagrabyado kaya hindi ko alam kung bakit kailangang ganito ang mangyari sa buhay namin? Nagmamahalan lang naman kami. Gusto lang namin ng maayos at tahimik na buhay. Pero bakit hindi maibigay iyon?" Umiiling siya na parang hindi na niya alam ang gagawin niya.
"Hindi kita pababayaan. Kayo ng anak mo. Kung tatalikuran ng kumpanya namin ang mga obligasyon nila, ako hindi. Kahit na anong tulong ang kailangan mo, ibibigay ko." Nakatitig lang ako sa mukha ni Kaydence.
Ngumiti siya sa akin kahit patuloy na lumuluha.
"Nagtatanong ako noon kay Jeremy kung anong nakita niya sa iyo. Lagi niyang sinasabi na maayos kang tao. Na mabait ka. Ayokong maniwala kasi galit ako sa iyo dahil sa ginawa mo noon sa akin. Pero nagkamali ako," muling hinawakan ni Kaydence ang mga kamay ko at sumubsob doon. "Bibigay na ako, Sir. Hindi ko na talaga kaya."
Wala sa loob na binitiwan ko ang kamay niya at tumingin ako sa mga kamay ko. This is strange. Kahit kailan hindi ko pa nahawakan si Kaydence. Hanggang tanaw nga lang ako sa kanya. Pero bakit ganito kapag hinahawakan niya ang kamay ko? Nakakuryente. Napalunok ako at naalala ko ang babaeng naka-sex ko noong birthday ni Jeremy. It was the same touch.
Mabilis na pinahid ni Kaydence ang mga luha niya at tumingin sa akin.
"Sir, tulungan mo naman na mawala ang kaso ni Jeremy. Alam mo naman iyon na hindi niya magagawa iyon."
Paulit-ulit na lang ang sinasabi ni Kaydence. Tingin ko ay bibigay na talaga siya. She could suffer from depression or nervous breakdown. Baka lalong hindi kayanin kung mawawala pa ang asawa niya.
"Don't worry, Kay. Tutulungan ko kayo. We will fix this." Inayos ko ang sabog-sabog niyang buhok at nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti ako ng mapakla habang nakatingin din sa mukha ni Kay. If only those eyes will see me as the man who loves her too. Kaso imposible. Those eyes only look for her husband. She was just looking at me like this because I am her savior.
"Do you want to take a bath? Clean yourself? You need to take care of yourself too, Kay. For you and for your baby."
Ngumiti siya ng pilit at inipit sa tenga ang ilang mga hibla ng buhok na nakasabog sa mukha niya.
"Kailangan ko na kasing bumalik sa ospital. Naghahanap lang talaga ako ng pambayad." Sagot niya.
"I said, gagawan ko ng paraan iyon. Go ahead," tinulungan ko siyang tumayo at sumunod naman siya at inihatid ko siya sa banyo. "Take a shower. Use the bathtub, relax yourself. I'll prepare some food."
"Okay lang?" Nag-aalalang tanong niya.
Nauna akong pumasok sa loob ng banyo at binuksan ang tubig sa bathtub para mapuno iyon. Tinimpla ko pa ang init sa makakaya lang niya at mare-relax siya.
Tumitingin lang siya sa paligid ng banyo ko. Tinungo ko ang lumang cabinet na nandoon at hinanap ang ilang piraso ng damit na naiwan dito ng ate Xandra ko. Hinugot ko iyon at ibinigay sa kanya. T-shirt at shorts iyon na puwede niyang isuot pansamantala.
"These are my sister's. Naiwan niya dito 'nung naglayas siya sa bahay." May ilang mga shower gel din na naiwan doon si ate kaya ibinigay ko na din kay Kaydence. "Use this. Tiyagain mo na lang if you don't like the scent. Medyo weird ang pang-amoy ng kapatid ko. And be careful going inside the bathtub kasi baka madulas ka. We don't want to lose that baby, right?" Ngumiti ako sa kanya dahil gusto kong pagaanin ang mood niya.
Tumango lang siya at tipid na ngumiti sa akin. Hindi naman siya kumikilos at nakatayo lang siya doon.
"Go ahead. Take a bath. The water is warm already."
"B-baka puwedeng lumabas ka na para makaligo ako." Ngumiti siya ng alanganin sa akin.
Shit. Nagmamadali akong lumabas ng banyo at isinara iyon. Napabuga pa ako ng hangin at napakamot ng ulo. 'Tangina. Ano ba itong nangyayari sa akin?
Mabilis akong pumunta sa kusina at inayos ko ang mga naiwang hugasin sa lababo. May helper naman akong dapat na gagawa nito pero ako na lang. Tiningnan ko kung anong pagkain ang naroon at nakita kong may nilutong tinola si Manang. Ininit ko iyon. Ihinanda ko ang mesa para makakain ng mabuti si Kaydence. I think she really need this.
Gusto kong matawa sa sarili ko. First time kong ginawa ito na maghain ng mesa para sa babae. Girls are going to do this for me kung iuutos ko. Well, technically hindi naman na talaga kami nakakakain dahil sa kama na kami dumidiretso.
Nagtatalo pa ang isip ko kung mango juice o orange ang ilalagay ko mesa. Ano kaya ang gusto niya? Bahala na. Nagsalin ako ng mango juice at orange juice sa magkaibang baso. Nagsalin din ako ng tubig para may iba pa siyang option.
First time kong nakita na maganda ang set up ng mesa ko. Hindi nagkakaroon ng plato dito para kainan. Minsan lang kung darating si ate o si Jet. Madalas kasi, hindi ko na nagagamit ang mesa. Sa counter na lang ako kumakain dahil lagi naman akong mag-isa.
Maya-maya ay narinig kong bumubukas ang pinto ng banyo. Dahan-dahang lumabas doon si Kaydence na suot ang damit ni ate Xandra. Basang-basa pa ang buhok niya at tumutulo pa iyon sa damit niya.
"You want to put towel on your hair para mabilis matuyo?"
"Okay na. Matutuyo na rin naman 'to. Salamat. Ibabalik ko na lang 'tong damit kapag nakapagpalit ako sa bahay."
"Keep it. Hindi na 'yan hahanapin ng ate ko. Come on. May food dito. Kumain ka muna."
"Gusto ko na sanang bumalik ng ospital. Baka kung ano na ang nangyari kay Jeremy." Naiiyak na naman ang itsura ni Kaydence.
"Kumain ka na muna then ihahatid kita."
Walang-imik siyang lumapit sa mesa at naupo. Nakatingin lang siya sa pagkaing nakahain sa mesa.
"Ang dami. Hindi ka ba kakain?" Baling niya sa akin.
"No. Sige na. Kumain ka muna diyan. I'll change clothes then we will go."
Tumango na lang siya at nagsimula ng kumain. Tingin ko, ngayon pa lang nakakain ng maayos si Kaydence.
Dumiretso ako sa sala para kunin ang telepono tapos ay maliligo ako. Napakunot ang noo ko dahil nakita kong nagbi-blink ang isang telepono doon. Siguradong kay Kaydence iyon. Tumingin ako sa gawi niya at tahimik lang siyang kumakain. Dinampot ko ang telepono at tanging number lang ang nag-a-appear doon.
Nagdadalawang-isip ako kung ibibigay ko ba ang tawag kay Kaydence pero naisip ko na ako na lang ang sumagot para naman kahit sandali ay matahimik ang isip niya. Kahit sandali, wala siyang iniintindi.
"Hello?" Lumayo ako para hindi niya ako makita.
"Kay Mrs. Kaydence Montecillo."
Tumingin ako kay Kaydence at umiinom siya ng tubig.
"She is not here now, anything I could do? I could rely the message to her."
Napa-oh ang kausap ko. "Importante kasing makausap siya."
"Ako na lang ang magsasabi kung anuman iyon. I am her boss."
Napahinga ng malalim ang nasa kabilang linya.
"Si Mr. Jeremy Montecillo kasi, 'yung asawa niya." Saglit na nag-pause ang kausap ko.
"What happened to Jeremy?" Hindi ko maintindihan ang kaba na biglang bumundol sa dibdib ko.
"Nag-cardiac arrest ang pasyente. Nag-expired fifteen minutes ago."
Hindi ako nakapagsalita at tumingin lang kay Kaydence. Patuloy lang siya sa pagkain at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang balita na nalaman ko.
Marami pang sinasabi ang kausap ko sa telepono pero parang wala sa sariling pinatay ko iyon. Ilang beses akong nagbuga ng nagbuga ng hangin dahil parang nalulunod ako. Hindi ko alam kung paano ida-digest ang balitang nalaman ko.
Paano ko sasabihin kay Kaydence na iniwan na siya ni Jeremy?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top