CHAPTER THREE - WHITE

"The art of love is who you share it with." - Neil Diamond

-----------------

Kay's POV

            Bumagal ang lakad ko nang makarating sa floor ng opisina namin.

            May nakikita kasi akong tao na nakaupo sa mesa ko at isa-isang tinitingnan ang mga papel na nakasabog doon. Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang kulot na buhok na iyon na laging naka-bun. Talaga namang makikilala ko agad dahil siya lang ang lalaking nakilala ko na maganda ang mahaba at kulot na buhok na tipong laging babad sa parlor.

            Tumingin ako sa paligid tapos ay sa relo. Maaga pa. Past eight AM. Kahit kailan, hindi ko nakitang dumating ng ganito kaaga sa opisinang ito si Xavi Costelo. At wala pa ang Uncle niya. Ten o' clock pa dumadating si Sir Guido.

            Hindi agad ako lumapit sa mesa ko at pinagmasdan ko lang kung anong ginagawa niya. Nasa itsura niya ang pagkainip habang nagkakalkal sa mga papel. Mali. Hindi siya nagkakalkal. Iniimis niya ang mga papel na naroon. Gusto ko agad siyang sitahin. Kahit magulo ang table ko at hindi organized, kabisado ko kung saan ko makukuha ang mga files na kailangan ko. Sabog lang ang mga gamit ko pero organized naman sila sa utak ko.

            "Bakit ka late?"

            Tiningnan ko lang si Mahra at napailing. Ang aga-aga mukhang bubuwisitin na naman ako ng babaeng ito. Sigurado ako, magpapakitang-gilas na naman ito dahil nandito si Xavi.

            "Nagpaalam ako kay Sir. Sabi ko medyo mali-late ako dahil bumili pa ako ng gamot para sa asawa ko." Sagot ko sa kanya tapos ay muling tumingin kay Xavi. Ngayon ay palinga-linga na ito sa paligid at panay ang tap ng mga daliri sa mesa.

            "Kaya siguro hindi ka na rin nakaligo at hindi na rin nakapag-plantsa pa ng damit." Nakangiwing sabi ni Mahra. "Well, hindi ka naman mabaho. Buti na lang bumawi ka doon. But look at yourself. Parang hindi ka tumitingin sa salamin. My god, Kay nakakaloka ang fashion statement mo. Saang ukayan mo nabili ang skirt mo? And your top? Mukhang labang poso," nasa mukha nito ang pandidiri.

            Inirapan ko na lang siya habang lumakad ako papunta sa aking table.

            "Hinahanap ka niyan. Ni Xavi. Mukhang may trouble ka. Goodluck. Baka matatanggal ka na sa trabaho," nanunuya pang sabi ni Mahra bago sumakay sa bumukas na elevator.

            Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaba. Sa isip ko ay pilit kong inaalala kung may nagawa ba akong mali sa mga trabaho. Pero wala naman. Kahit marami akong problema sa bahay, sinisiguro ko na pagdating dito sa opisina, nagagawa ko ng tama ang mga trabaho ko.

            Nagliwanag ang mukha ni Xavi nang makita akong papalapit. Ngumiti agad siya at lumingon ako para masiguro na ako nga ang nginingitian niya. Alanganin akong lumapit sa mesa ko at inilagay ang bag ko sa drawer at agad na inayos ang mga papel na ginulo niya.

            "Kaydence? Right?" Nanatili siyang nakaupo sa dulo ng mesa ko habang tinitingnan ang ginagawa ko.

            "May kailangan po kayo, Mr. Costelo?" Gusto ko na siyang umalis. Wala namang business sa kumpanyang ito si Xavi. Kalat naman dito na ayaw nito ang pumasok sa Costelo Metal Works.

            Napa-hmm si Xavi at ngumiti sa akin tapos ay huminga ng malalim.

            "Do you want extra money?"

            Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano ang sinasabi ng lalaking ito?

            "Alright, sorry." Tumawa nang nakakaloko ang lalaki. "I'll rephrase it. Do you need extra money?"

            "Pareho lang ang sinabi mo. Hindi ko maintindihan." Nagsisimula na akong mainis sa kanya. Tingin ko ay ginu-goodtime ako ng lalaking ito. Nagti-trip at ako ang napagtripan.

            "Do you know me?" Paniniguro ni Xavi.

            "Kilala naman kayo ng lahat ng empleyado dito. The hard-headed heir of Costelo Metal Works." Napa-ehem ako. Gusto ko na lang na umalis siya. "Kung may kailangan kayo, sabihin 'nyo na kasi marami pa talaga akong trabaho." Talagang gusto ko na siyang itaboy.

            Itsurang nagulat si Xavi sa sinabi ko. Hindi naman siya nainis sa paraan ng pagsasabi ko noon. Mas mukhang na-amused pa nga. Siguro, ako pa lang ang babae dito sa kumpanya nila na hindi nagkakandarapa sa kanya.

            "I like you. Bakit ngayon lang kita nakita?" Tumatango-tangong sabi niya.

            "Dahil hindi ako kapansin-pansin. Sir, sige na po. Marami pa talaga akong gagawin."

            "But you got my attention." Seryosong sabi nito at nakatingin sa mukha ko. "Look, I want to offer you a job."

            "May trabaho na po ako."

            "Extra job. You're not going to do anything. Three to five sessions for one hour each. I'll pay you fifty thousand."

            Sinamaan ko siya ng tingin. Ano naman trabaho ang sinasabi nito?

            "You're just going to pose nude for my painting for my next exhibit." Ang ganda-ganda ng ngiti niya sa akin.

            Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit noon. Gusto kong sampalin si Xavi dahil sa sinabi niya. Nakakabastos. Kailangan ko ng pera pero hindi naman ako maghuhubad para lang magkapera. Sagrado ang katawan ko para lang sa asawa ko.

            "I'll provide the make-ups, food, everything. Wala kang gagastusin. You will get the fifty thousand clean. What do you think?" Nasa itsura siyang bilib na bilib siya sa sarili niyang hindi ako tatanggi sa offer. Mukhang hindi pa nakakaranas ma-reject ang lalaking ito.

            Ngayon pa lang kung saka-sakali.

            Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko kahit gusto ko nang sampalin ang lalaki sa harap ko. Nakakabastos siya. Anong tingin niya sa akin? Desperada? Nagagawa ko pang buhayin ang pamilya namin ni Jeremy ng hindi ko kailangan maghubad.

            "Sir," diniinan ko ang pagtawag sa kanya noon. Ngumiti naman siya. "You can have your fifty thousand and look for someone who would eagerly strip naked in front of you. Hindi po ako iyon. Sagrado para sa asawa ko lang ang katawang ito."

            Saglit na natigilan si Xavi sa sinabi ko.

            "You're married?" Paniniguro niya.

            "Happily." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

            Napa-oh lang siya at napatango-tango. "You think your husband won't allow you to pose naked for a well-known painter like me?"

            Umiling ako. "Maghanap na lang po kayo ng iba. Maraming mas maayos sa akin. Hindi po ako para diyan."

            "But you are perfect as my subject." Napakamot ng ulo si Xavi. Nawala na ang composure. Mukhang nasira na ang diskarte dahil sa pagtanggi ko.

            "Hindi po talaga ako papayag. At kung mag-iinsist pa kayo, mapipilitan na akong magsabi kay Sir Guido na hinaharass 'nyo ako." Seryoso ako sa sinabi kong iyon.

            Napahinga ng malalim si Xavi at halatang napikon sa sinabi ko. Napapailing na umalis na lang doon at dumiretsong pumasok sa opisina ng Uncle niya.

            Doon ako parang nakahinga ng maluwag. Tingin ko talaga, sabog sa ipinagbabawal na gamot 'tong si Xavi at ako lang ang napapagtripan. Sa tagal ko ng nagta-trabaho dito at kung daan-daanan niya, ngayon lang niya ako napansin at kukunin pa niyang model niya?

            Siguradong nababaliw na si Xavier Costelo.

-----------------

Xavi's POV

            Pabagsak akong nahiga sa couch na nasa loob ng opisina ni Uncle Guido.

            Kahit alam kong mamaya pa siya papasok, dito na muna ako magbababad. I need to think. Hindi pa yata mag-sink in sa akin na tinanggihan ako ng isang babae para maging model.

            'Tangina. Si Xavier Philip Costelo ako. Ilang beses na akong nakapag-exhibit here and abroad and I do commissioned painting for famous people. Government officials, businessmen and the likes. Ang mga models ko ay hindi mga basta-basta. May artista, may mga high paid ramp models.

            Tapos isang nobody lang ang tatanggi sa akin?

            "Who the hell she thinks she is?" Inis kong sabi sa sarili ko.  I can get better model than her. Mas maganda. Mas sexy. Mas maayos. Sikat pa. Bakit ba ako nagtitiyaga sa kanya?

            Inis kong ibinato ang maliit na unan na nahawakan. Kung ayaw niya, huwag. Hindi ko siya pipilitin.

            Hindi niya alam kung sino ang tinanggihan niya.

            Tumingin ako sa pinto at ngumiti lang ako kay Uncle Guido na pumasok. Agad na kumunot ang noo nang makita ko.

            "Are you sick?" Puna niya sa akin. Dumiretso siya sa table niya at inilapag doon ang laptop bag na dala at binuksan tapos ay kinuha ang laptop at binuksan.

            "No. How about you? Are you sick?" Tumingin ako sa relo dahil pasado alas-nuebe lang. Maaga ng isang oras pumasok si Uncle.

            "I need to be early today because of a brunch meeting. Ikaw ang mukhang maysakit. Dapat tulog ka pa ng mga ganitong oras."

            Napahinga ako ng malalim. "May inaayos lang ako."

            "At naayos mo naman ba?" Umupo sa harap ng laptop niya si Uncle at nagpindot-pindot doon.

            Umiling ako. "But, I have back-ups. 'Yung mga siguradong hindi tatanggi sa akin."

            Ngumiti si Uncle Guido. "Mukhang tinanggihan ka ng model na gusto mo. First time to experience rejection?" Tonong nang-aasar siya.

            Mabilis akong bumangon at pikon na humarap kay Uncle.

            "I was offering her fifty thousand pesos. Hindi naman madaling kitain ang ganoong kalaking pera. Ilang oras lang na magpo-pose ng nude. Hindi naman bastos ang mga gawa ko. All of it was artistically done kaya maraming bumibibili na clients here and abroad. At ayaw ba niya noon? Magiging sikat din siya dahil naging subject ko siya sa isa sa mga exhibits ko?" Hindi ko pa rin talaga ma-imagine na tinanggihan ako ng ganoon lang ng Kaydence na iyon.

            "Iho, hindi lahat natatapatan ng pera. Maghanap ka na lang ng iba. Sigurado naman na mas marami ang hindi tatanggi sa iyo."

            "But I think she is perfect for that painting. Her face. The innocence on it, iyon ang talagang magdadala." Inis kong naisuklay ang mga kamay sa buhok ko.

            "Mahirap mamilit." Tanging sagot niya at sinagot ang tumunog na telepono. "Kay? May problema?" Nangunot ang noo ni Uncle habang nakikinig sa kausap. "Alright. Alright. Slow down. Okay lang. If you need to go, you can go. Ibilin mo lang kay Mahra ang mga files na kailangan ko para sa meeting ko ngayong brunch."

            Matagal pa bago ibinaba ni Uncle ang telepono niya tapos ay napahinga ng malalim.

            "My assistant Kay. May problema na naman at kailangang umuwi." Naiiling na sabi ni Uncle at muling hinarap ang laptop.

            "Kay? Who's that?" Gusto kong makasiguro kung si Kaydence iyon na pinuntahan ko kanina.

            "Kaydence. Overworked staff here. Kailangan niyang umuwi dahil nagka-emergency daw sa bahay nila. Naaawa lang ako sa batang iyon kaya talagang hindi ko matanggal. Ang dami-daming reklamo ng mga kasamahan niya dahil sa itsura niya. They are not comfortable with the way she looks. But for me, I don't care about her personal life if  she can do her job properly. Hindi kasi nila alam ang pinagdadaanan 'nung tao." Dama ko sa tono ng pananalita ni Uncle na naaawa siya sa babae.

            "'Yung baduy?" Paniniguro ko pa.

            Tiningnan niya ako ng masama. "Isa ka pa. Judgmental ka din. Hindi 'nyo alam ang dahilan kung bakit kahit sarili niya ay hindi na niya maasikaso. She was taking care of her sick husband. An amputee. And she was taking care of the family ever since her husband's accident. Financially, she really needed money to support his medications. May pinapaaral pa yata siyang kapatid ng asawa niya." Napabuga ng hangin si Uncle. "Nakaka-depress ang life story niyang si Kay but I admire her for being tough and being positive in life."

            Napataas ang kilay ko. Kailangan naman pala ng pera ng babaeng iyon bakit tinanggihan pa niya ang offer ko? Bahagya akong napangiti. Baka naman gusto lang ng mas mataas na presyo.

            Tumayo ako at inayos-ayos ang damit ko tapos ay lumapit ako kay Uncle Guido at humalik sa pisngi niya.

            "Wow. May pa-kiss? Para talagang iba ang ihip ng hangin." Natatawang sabi ni Uncle.

            "Minsan ko lang gawin 'yan kaya i-enjoy mo na. Did you talk to dad?" Nakalimutan ko na ang gusto kong itanong kay Uncle tungkol sa tatay ko.

            Sumeryoso na ang mukha niya. "Ang sabi ko, dapat kayo ng daddy mo ang mag-usap."

            "Ayokong kausap 'yun. Siguradong wala pang limang minuto magsisigawan na kaming dalawa. Tell him, I am not going to give up my job. Maghanap siya ng ibang sasalo sa posisyon niya. He could give the position to you at ikaw talaga ang bagay doon."

            "I told you, imposible ang sinasabi mo."

            "Whatever. But I am telling you, I am not going to be a part of your company." Tinungo ko na ang pinto.

            "Hay, Xavier. Sana magkaroon ng milagro na isang araw ay magising ka na kailangan ka dito sa kumpanyang ito."

            Natawa lang ako at kumaway na kay Uncle bago tuluyang lumabas. Agad kong tiningnan ang table ni Kaydence at wala ng tao doon. Tanging ang mga nakasabog na papel na lang ang naiwan.

            Napangiti ako habang tinungo ang elevator.

            She needed money.

            Then I will offer her a bigger amount of money.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top