CHAPTER THIRTY TWO - YELLOW
"No artist is ahead of his time. He is his time, it's just that others are behind the times." - Martha Graham
--------------------
Xavi's POV
Iginala ko ang paningin ko sa bagong unit na tutuluyan ko. I rented this for a month only. Wala naman akong planong magtagal talaga. Si Sophie lang ang nagsabi sa akin na isama ko ang Pilipinas sa Asia visits ko. Kung ako ang masusunod, lalampasan ko talaga ito. Ayoko na kasing balikan pa ang lahat.
Tulad ngayon. Alam na ng pamilya ko na umuwi ako dito. I told my sister that I'll visit her and knowing my sister, she couldn't keep a secret even just for a minute. Sinabihan na agad niya si mommy and my mother called me. She was asking me, no. She was begging me to see her immediately.
Hindi ko alam kung kaya ko ng humarap kay mommy. She tried to visit me in Paris so many times pero lagi kong sinasabi na hindi ako nag-i-stay doon. Lagi kong sinasabi na lagi akong nasa travel kahit hindi naman. Hindi ko pa talaga kayang humarap sa kanya. Sa kanila ni Uncle Guido. I still couldn't forget the betrayal that I felt.
Two years after I left, my sister told me na na-annul na ang marriage nila mom and dad. My dad decided to leave and went to the US. Ang alam ko may sariling family na rin doon. His company was being managed by my sister. Natawa ako ng malaman kong si ate Xandra na ang nagma-manage doon. My carefree irresponsible sister is now the head of a big company. At hindi lang siya basta-basta CEO. According to my sources, ate Xandra was one tough CEO. Nakahanap ng katapat ang mga nagnanakaw sa company ni dad.
Pina-imbestigahan lahat ni ate ang mga anomalya sa company. Lahat ng involve sa pagnanakaw, pinatanggal. Si Danica ang unang-una. May mga kasabwat din sa Audit and Accounting department. Dalawang share holders ang damay din at talagang hindi iyon tinigilan ni ate na hindi matanggal. And so far, the company was doing well with the help of Uncle Guido.
My mother and Uncle Guido's relationship was out in the open. Natawa ako. Hindi ko nga pala siya Uncle. Siya nga pala ang totoong tatay ko. Tatay namin ni ate. My dad cannot bear a child. Alam niya ang affair ni mommy at ng half brother niya but he didn't do anything. He didn't say anything. Ayaw din niya ng eskandalo sa pamilya. Si Uncle Guido ang totoong boyfriend ni mommy at inagaw lang niya. He was thinking that my mother would forget Uncle, but it didn't happen. Sa huli, siya pa rin ang natalo. Natawa ako sa naisip ko. Sabi ni ate Xandra true love wins daw. Ako? I don't believe in true love anymore. I have a one fucked up family. That's the reality.
Marami pa akong aayusin dito. I needed to settle first. Nakaka-kahon pa ang mga gamit ko. Ang mga paintings, ang mga painting tools ko. Kailangan ko pang i-unload isa-isa pero tinatamad pa ako. Pagbibigyan ko na lang si mommy.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si mommy ang tumatawag sa akin. Ayoko pa sanang sagutin pero hindi rin naman titigil ito.
"Mom." Inilagay ko iyon sa speaker at nagsimulang magbihis.
"Xavi, iho. Nakapagpahinga ka na ba? What time ka darating dito sa bahay?" Damang-dama ko na parang nag-aalala ang boses niya.
"Maliligo lang ako. Maya-maya punta na ako diyan." Hinubad ko ang suot kong t-shirt at pantalon.
"Paborito mo pa rin ba ang sinigang na bangus sa miso?"
Napalunok ako at parang bigla ko ngang na-miss ang pagkain na iyon. My mom cooks that food so good.
"Matagal na akong hindi nakakain. We don't have that food in Paris. Wala ding nagluluto para sa akin," iyon na lang ang naisagot ko.
"I'll cook that for you. Iyon talaga ang naisip kong iluto kasi darating ka. I can't wait to see you, Xavi." Halatang gumagaralgal ang boses ni mommy.
Napangiti ako ng mapakla.
"I'll be there, mom. I'll see you."
Marami pang sinasabi si mommy pero pinutol ko na siya. Kung anuman ang gusto niyang sabihin o ipaliwanag, mamaya na lang. O kahit nga huwag na siyang magpaliwanag. I don't want issues anymore. Sawa na ako sa problema. Sawa na ako sa paliwanag ng mga tao. Ang katwiran ko ngayon, kung ayaw, ayaw. Kung gusto, gawan ng paraan.
Halatang inip na si mommy sa paghihintay sa akin ng dumating ako sa bahay niya. This is a new house that she bought when she separated with my dad. Kahit naman hindi ko totoong daddy si Xanthus Costelo, siya pa rin ang nakalakihan kong tatay at kahit mamatay ako, siya pa rin ang kikilanin kong tatay kahit na hindi naging maganda ang pagsasama namin.
Hinati ang properties ng parents ko then my mother bought her own house. Hindi masyadong malaki compared sa dati naming bahay but when I stepped inside, everything felt right. I felt peace. Contentment na kahit kailan hindi ko naramdaman sa bahay namin noon.
Nakatayo lang ako sa pinto habang pinagmamasdan si mommy na nagmamando sa mga assistants niya kung anong gagawin sa pagpi-prepare ng kung ano-ano. Halatang pinalinis ng todo ang bahay. Pinaghandaan ang pagdating ko.
Napangiti ako ng makita si mommy. Wala sa mukha ni mommy na fifty-six na siya. Kung titingnan parang nasa mid-forties lang. Mas mukha nga siyang bumata compared sa huli naming pagkikita na mukha siyang problemado. At least, Uncle Guido was making her happy. Plus points na sa akin iyon.
Hindi pa rin ako nagpaparamdam sa kanya. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa mapatingin siya sa gawi ko. Ngumiti ako kay mommy at nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Kitang-kita ang surprise sa mukha pero pinipigil ang mapaiyak. Lumapit siya sa akin at parang kinakabisado ang mukha ko.
"You came," tuluyan ng nahulog ang luha ni mommy.
"Of course I'll come here." Parang maiiyak na rin ako habang nakatingin sa mukha niya.
I missed my mom. Nagsisi ako at natiis ko siyang hindi makita ng pitong taon. Sana hindi ko pinabayaang kainin ako ng galit ko noon. I was devastated back then. Pakiramdam ko buong mundo tumalikod sa akin kaya tinalikuran ko din silang lahat.
Napahagulgol na si mommy at yumakap ng mahigpit sa akin.
"I am so sorry, iho. I am so sorry," paulit-ulit iyong sinasabi ni mommy.
Napabuga ako ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi ni mommy and I couldn't let her cry like this anymore.
"Stop saying sorry, mom. I am happy that you are happy."
Lumayo siya sa akin at punong-puno ng luha ang mukha niya.
"Where is my favorite dish?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Ngumiti na rin si mommy at pinahid ang mga luha. Hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa dining. Nakahain doon ang sinigang ng bangus sa miso. May ibang mga putahe din.
"Parang ang dami naman nito." Pinaupo ako ni mommy sa harap ng mesa.
Ngumiti lang siya at nilagyan ng kanin ang plato ko. Apat ang plato na nakahain sa mesa.
"You still have visitors?" Komento ko habang nagsisimulang kumain.
"Darating ang ate mo saka si-" hindi naituloy ni mommy ang sasabihin niya at parang nahihiyang tumingin sa akin.
"Uncle Guido is coming," paniniguro ko.
"Xavi, you know that-"
"It's okay mom. As long as you're happy. Wala na tayong pag-uusapan."
Malayo pa lang ay naririnig ko ang malakas na tawa ni ate Xandra at boses ni Uncle Guido. Pareho pa silang napahinto ng makita akong nakaupo sa harap ng mesa at nanlalaki ang mata ni ate.
"Surprise," natatawang sabi ko sa kanya.
"I hate you!" Sigaw nito at tumakbo sa akin at yumakap ng mahigpit. "Sabi mo hindi ka pupunta dito?" Sinuntok pa ako sa braso ni ate.
"I can't say no to mom." Natatawang sagot ko at tumingin ako sa gawi ni Uncle Guido. Pakiramdam ko ay asiwa siya sa akin. Nawala 'yung closeness namin noon na parang tatay ang turing ko sa kanya. Ang weird. Ngayong nalaman ko na siya nga talaga ang totoong tatay ko, bigla ko naman naramdaman ang napakalaking distansiya sa aming dalawa na ako naman ang gumawa.
"Sit down. Let's eat," ang saya-saya ng mukha ni mommy. Tumabi sa akin si ate Xandra at panay ang kurot niya sa tagiliran ko. Si Mommy ay naupo sa harap ko tapos si Uncle Guido ay sa kabisera ng mesa.
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Pinagsisilbihan ni mommy si Uncle. Nilalagyan ng pagkain sa plate. Tinatanong kung ano pa ang gusto. Things that my mother didn't do to our dad. Their relationship back then was more on fear. Iyon ang nakikita ko kay mommy sa tuwing maghaharap sila ni dad. Sa ganoon kasi kami pinalaki ni dad.
But right now, my mom was very happy. I could see happiness and contentment in her eyes.
I remember the story of Count of MonteCristo the first book that my Uncle Guido asked me to read. I remember Edmond Dantes. He didn't give up. Just like my Uncle that he didn't give up to get the affection of my grandparents. Ang kaibahan nga lang, my Uncle didn't plot any revenge for my father for taking the woman that he loves. He just waited until he got the girl. And he did in the end.
Napangiti ako habang pinagmamasdan silang lahat. Masayang nagkukuwentuhan. Nagtatawanan.
For the first time, nagkasama-sama kaming isang buong totoong pamilya.
--------------------
Kay's POV
Nanlalamig na ang kamay ko habang magkakaharap kami ng mga kasama ko sa loob ng conference room. Lahat ay kabado dahil first time naming mami-meet ang may-ari Women in Power Magazine. Tatlo kaming contributor online na pinilit na mag-office na. Hindi na yata ako sanay sa office setting. Nasanay akong sa bahay na lang nagta-trabaho.
Pumasok si Charisse sa loob ng conference room. Kahit siya tingin ko ay kabado rin. Naupo siya sa tabi ko.
"Where's my article?" Iyon agad ang bulong niya sa akin.
"Na-email ko na sa iyo. Kagabi pa." Napahinga ako ng malalim. "Hindi na ako sanay sa ganito. Seven years ago pa ng huli akong makapasok ng conference room." Lalo yatang nanlalamig ang kamay ko sa kaba.
"Masanay ka na. This will be your life now. Ayaw na ni Tom na hindi nakikita ang mga empleyado niya." Tiningnan ni Charisse ang email niya at hinahanap ang pinadala kong article.
"Masungit ba iyon?" Kabado talaga ako. Kasi naman, kahit limang taon na akong contributor sa magazine na ito, hindi ko naman talaga kilala ang pinaka-may-ari ng magazine. Magsusulat at mag-e-email lang ako ng articles. Hihintayin ang suweldo ko na pumapasok sa account ko.
"Strikto. Masungit minsan." Nanatiling nakatuon ang pansin ni Charisse sa binabasang email.
"Gay?" Ipinapanalangin ko na hindi naman sana. Kasi sigurado ng matindi pa sa pinaka-istriktong boss kung bakla ito. Knowing ang mga bakla. Most of them are perfectionist. Ayaw ng pangit. Gusto lahat maganda.
"Of course not. Totally straight si Tom. Babaero nga iyon. He just wanted everything to be perfect. Ayaw niya ng pangit." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Charisse. "I think papasa ka naman."
Ito ang ayaw ko sa ganitong setting. Kailangan pang mag-effort magpaganda para lang ma-appreciate ng mga tao. Hindi katulad kung sa bahay lang ako nagta-trabaho. Kahit naka-pambahay puwedeng-puwede kong gawin ang mga trabaho ko.
"Foreigner ba? Hugswerth and apelyido 'di ba?" Bakit kasi hindi ko inintindi ang mga sinabi ni Charisse kagabi. Sana na-research ko muna kung sino ang Tom Hugswerth na iyon.
Rumolyo ang mata ni Charisse.
"Sounds foreigner lang surname noon pero pinoy na pinoy. Nakapag-asawa ng foreigner ang nanay niya and ini-adopt siya. Strikto lang pero mabait naman. Huwag kang matakot. Alam mong magaling ka so kayang-kaya mo siya." Muling nagbasa sa email niya si Charisse.
Napabuga ako ng hangin at kinuha ko ang telepono ko. Mai-research nga para hindi naman ako magulat kapag dumating na dito.
Pero magsisimula pa lang akong mag-browse sa Google ng biglang bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang isang mataas na lalaki na nakasuot ng abuhing suit. Kasunod nito ang isang maganda at seksing babae. Girlfriend siguro o asawa o kaibigan. Hindi ko alam basta close sila. Nagtatawanan pa ang mga ito pero huminto lang ng makapasok. Seryosong tumingin sa amin ang lalaki.
"I am Tom Hugswerth and I am the editor in chief of Women in Power Magazine here in Manila." Pakilala nito at naupo sa pinakadulong parte ng mesa. Pumasok ang sekretarya at binigyan ito ng puswelo ng kape.
"No cream and sugar?" Paniniguro nito sa nagbigay ng kape. Kinakabahan na ako. Parang ang istrikto nga. Nakakatakot.
"Y-yes Sir." Halatang kabado ang sekretarya dito.
Tumango lang ito at sinenyasang lumabas ang sekretarya. Bumaling ito sa kaharap na babae.
"How about you Sophie? Anything to drink?"
"Puwedeng wine?" Nakakalokong sabi ng babae.
Tumawa ang lalaki at naisip kong marunong naman palang tumawa kaya siguro hindi naman masyadong istrikto.
"Mamayang gabi na tayo mag-wine kapag ipinakilala mo na sa akin ang artist mo."
"Oh, I am sure you're going to love him. Hindi ka magsisisi na isasama mo siya sa magazine mo," ngumiti ng malandi ang babae.
"Good morning, Tom." Sabat ni Charisse at tumingin sa gawi nito ang lalaki.
"Hi Charisse. How's your flight?" Tanong nito sa kabila ng pag-inom-inom ng kape.
"Fine. I want you to meet our online contributors. This is Richard, this is Viv and Kaydence." Pakilala sa amin ni Charisse.
Sa aming tatlo ay sa akin napako ang tingin ng lalaki. Napalunok ako at hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o iiwasan ko ang tingin niya. Nakakatakot na naman ang itsura.
"You're the widow?" Paniniguro niya habang nakatingin sa akin.
Nagtagis ang bagang ko at tumingin sa gawi ni Charisse. Naiinis ako sa kanya. Kailangan pa ba niyang sabihin sa mga tao na biyuda na ako? Siya lang naman ang pinagsabihan ko tungkol sa pagiging biyuda ko. Pinandilatan niya ako ng mata ng hindi agada ko sumagot at sinenyas na tumango ko.
"Y-yes Sir." Tipid akong ngumiti.
Napa-hmm lang ito at itinuon ang tingin sa hawak na folder.
"For this month, I want to feature all kinds of artists. Musicians, writers, painters, film makers, actors, actresses, etcetera. I want people to know their kind. What is inside their minds. What are their passions, their inspirations, anything about them. Our magazine promotes power for people, and I want everyone to know these artistic people that contributes their minds to our society."
Gusto kong magmura. Talaga yatang hindi ako tatantanan ng mga artist na ito. Nakarinig na naman ako ng painter. Kapag nakakarinig ako ng painter si Xavi Costelo agad ang naiisip ko.
"So tonight, we are going to have a get together. All of the staff and the artists that you're going to interview."
Tumingin ako sa gawi ni Charisse. Ayokong mag-attend sa mga ganoon. Alam ni Charisse iyon.
"I expect everyone to be there. Ayokong makarinig ng kung ano-anong dahilan para lang hindi makapunta. I want results. I want a concise article. I want empowerment. If you cannot do that, the door is open for you to go." Seryosong sabi ng lalaki.
Masusuka na yata ako sa sobrang kaba. Parang gusto ko na nga yatang mag-resign.
Tumayo na ito at binitbit ang mga folders na dala. Kasunod nitong tumayo ang kasamang babae tapos ay muling tumingin sa amin partikular sa akin.
"I expect you to be there tonight, Miss Montecillo." Pagkasabi noon ay tinalikuran na kami at dire-diretsong lumabas.
Napalunok ako sa sobrang kaba at tumingin kay Charisse.
"He read your articles and he is asking about you," alanganin niyang sabi sa akin. "Humanda ka na mamaya. Siguradong marami siyang itatanong sa iyo."
Napapikit ako at napabuga ng hangin. Mukhang kailangan ko ng maghanap ng bagong trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top