CHAPTER THIRTY THREE - GREEN

"Pain is strange. A cat killing a bird, a car accident, a fire... Pain arrives. BANG, and there it is, it sits on you. It's real. And to anybody watching, you look foolish. Like you've suddenly become an idiot. There's no cure for it unless you know somebody who understands how you feel and knows how to help." - Charles Bukowski

----------------------------

Kay's POV

"Himala. Nag-ayos ka."

Hindi ko tiningnan si mommy na napadaan sa bukas kong kuwarto. Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng make up. Ang totoo, hindi naman talaga ako marunog nito. Kelan pa ako huling nag-make up. Noon pang last celebration namin ng wedding anniversary ni Jeremy.

"Pati damit mo bago. Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyang klaseng damit."

Tiningnan ko ang damit na suot ko. Si Charisse ang may bigay nito. Pasalubong sa akin galing Hongkong. Isuot ko daw ngayong gabi. Hindi pa naman ako sanay ng nakalabas ang mga braso ko at naka-hakab sa katawan ko ang damit.

"Kailangan lang, mommy. Requirement ng boss ko." Tiningnan ko ang mga pallete ng eyeshadow at blush doon. Hindi ko alam kung ano ang dadamputin.

"And I think I like this boss of yours. Nari-require kang mag-ayos," pumasok sa loob ng kuwarto ko si mommy at lumapit sa akin. Kinuha ang blush on at nilagyan ako sa pisngi. "Mas gusto pa rin ng lalaki ang natural looking. Hindi mo naman kailangan na mag-over do ng make up kasi maganda ka na." Dumampot pa si mommy ng loose powder at brush tapos ay nilagyan ang mukha ko.

Natawa ako ng mapakla. Siyempre nanay ko 'to kaya sasabihin niya na maganda ako.

"Kay, it's been seven years. Siguro naman sobra-sobra na iyon para sa pagdadalamhati mo sa pagkamatay ni Jeremy. Hindi na siguro siya magagalit kung magkakaroon ka naman ng bagong lovelife," naramdaman kong hinawakan ni mommy ang buhok ko at sinimulang suklayin iyon.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin.

"Kaydence, you are living in the past. Lahat kinalimutan mo na pati ang anak mo. Kailan mo maiisip na wala ng Jeremy na babalik sa iyo? Masyado ka ng unfair para sa sarili mo at para kay Joshua. Your son needs you."

Napalunok ako at pinigil kong mapaiyak.

"Move on na, anak. Maawa ka sa sarili mo. Hindi gugustuhin ni Jeremy na maging ganyan ka. If you don't want to find a new love, it's okay. Pero have a life. Ang bata mo pa. Imagine, you wasted seven years sulking here at hindi mo alam unti-unti kang pinapatay noon. Do you want to leave your son too?"

Napayuko ako at umiling.

"Then change. Kahit para na lang kay Joshua. Hindi mo nakikita na malaki ang impact ng ginagawa mo sa anak mo. He is distant, nagiging secretive. Nahihiyang ipakita ang mga ginagawa niya dahil mismong ikaw ang hindi nag-a-appreciate noon. Ikaw ang mommy, ikaw ang unang dapat na sumuporta sa kanya. Bakit hindi mo magawa?" Umupo na si mommy sa harap ko.

Mabilis akong kumuha ng tissue at pinahid ang luha ko. Ayokong masira ang make-up ko.

"Because Joshua reminds me something of my past. A mistake that I did." Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng sabihin ko iyon kay mommy.

Kumunot ang noo ni mommy sa akin.

"You had an affair?"

Sunod-sunod ang iling ko.

"Hindi ko po iyon magagawa kay Jeremy. He died and I was depressed that time and one thing led to another," nahihiyang tumingin ako sa kanya.

Napahinga ng malalim si mommy at napailing.

"At dahil sa ginawa mo ang nagsa-suffer ang anak mo? You are selfish."

"I know mommy and I am really sorry. I love my son kaya lang-"

"Kaya lang ano? It happened, Kay. Kung sa tingin mo nagkamali ka, bumangon ka sa pagkakamali mo. Harapin mo. Doon ka lang magiging okay. And stop saying sorry to me. Kay Joshua ka mag-sorry. Your son has been longing for you for so long. Pansinin mo naman ang mga gawa niya. Pansinin mo siya. Be proud of him kahit isang beses lang." Tumayo na si mommy at muling ni-retouch ang make up sa mukha ko at tinungo na ang pinto at lumabas.

Muli akong tumingin sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Maayos naman na ang itsura ko. Parang tumama lahat sa akin ang sinabi ni mommy. Mabilis akong tumayo at tinungo ko ang kuwarto ni Joshua.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong subsob ang ulo ng anak ko sa study table niya pero halatang hindi naman nag-aaral. May mga pencils, crayons na nakakalat doon at mga papel. Sigurado akong nagda-drawing na naman. Tuloy-tuloy akong pumasok sa silid niya at gulat siyang tumingin sa akin at napatayo. Agad na nilukot ang ginagawang papel at pilit itinago sa likuran niya.

"What are you doing, Joshua?"

Nanlalaki ang mata niya sa akin. Halatang takot na takot. Pasimpleng nililigpit ang mga nakakalat na crayons at pencils sa table.

"N-nothing, mommy." Pati ang timbre ng salita ay parang iiyak na.

"Let me see what's in your hand." Lumapit ako sa kanya at napaatras siya.

Napalunok ako sa takot na nakikita ko sa mukha ng anak ko. Ganito ang ginawa ko sa kanya? Nakatingin pa lang siya sa akin, kitang-kita ko na ang takot sa kanya. Gusto kong maiyak. Nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit ko nagawa ito.

Sunod-sunod ang iling niya. "There is nothing in my hand, mom." Naiiyak na siya.

Lumapit ako at kinuha ko ang nilukot na papel na hawak niya sa likuran niya. Tuluyan ng napaiyak si Joshua.

Binuklat ko ang papel at tiningnan kung ano ang naroon. Drawing ng bata at mommy na magkahawak ang kamay na papunta sa park. Makulay na makulay ang pagkakagawa sobrang kabaligtaran ng itsura ni Joshua na parang punong-puno ng lungkot ang mukha.

"You want to go to a park?" Pinilit kong ayusin ang papel na nalukot at inilatag sa study table niya.

Takang napatingin sa akin si Joshua tapos ay umiling.

"I know you're busy, mommy." Nakayuko niyang sagot. "I'm fine here."

Napahinga ako ng malalim. Kinakain na ako ng sobrang guilt at pagsisisi.

Lumapit ako sa kanya at parang nagtataka pa siya dahil hindi ako nagagalit na nahuli ko siyang nagdo-drawing instead na nag-aaral.

"You want to go to the park on Saturday?" Titig na titig ako sa mukha ni Joshua. Napansin kong mahaba na pala ang buhok niya. Lumalabas na ang pagkakulot. "Punta tayo sa barbershop tomorrow, ha? Papagupit tayo."

"Mommy, can I not have a haircut? I want my hair to be long."

"Hindi puwede, Magagalit si Teacher." Ginulo ko pa ang buhok niya.

Lalong lumungkot ang mukha nito pero hindi na sumagot.

"Mom." Alanganin si Joshua kung sasabihin ba sa akin ang gusto niyang sabihin o hindi na.

"What?" Alam kong nagtataka talaga siya dahil hindi talaga ako iritable at hindi ako nagagalit.

"Can I bring your painting tomorrow in school?"

"What painting?"

"Your painting. The one that I painted with your face. My teacher said I need to bring my favorite artwork and that's my favorite because it was your face," nahihiya pang ngumiti si Joshua.

Gusto ko ng umiyak. Sobra na ito. Talaga pinapatay na ako ng guilt na nararamdaman ko.

Kahit na ano ang ginawa ko kay Joshua, ganito pa rin siya. I was a fool for hurting my son.

Tumango ako. "Sure, baby."

Lalong nagliwanag ang mukha ni Joshua at mahigpit na yumakap sa akin.

"Thank you, mommy." Ang higpit-higpit ng yakap niya.

Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Sana pala noon ko pa ginawa ito.

---------------

Maaga akong dumating sa pagdadausan ng event ngayong gabi. Karamihan ng mga narito ay mga staff pa lang naman ng magazine saka mga nag-aayos ng venue. Tapos na rin naman ang pag-aayos. Finishing touches na lang. Kinuha ko ang telepono ko at nag-browse sa mga pictures doon. Tinitingnan ko ang mga paintings ni Joshua. Ang gaganda talaga.

"Kaninong gawa 'yan?"

Napalingon ako at si Charisse iyon na nakikitingin din sa cellphone ko.

Hindi ako sumagot at agad kong ini-off at isinilid ang cellphone sa bag ko.

"You look different." Komento pa niya.

Tumingin lang ako kay Charisse at natawa sa sinabi niya.

"Ngayon lang kasi ako nagmukhang tao. Salamat sa damit na bigay mo. Kung hindi naman ni-require ng boss mo 'to hindi naman ako magsusuot ng ganito. Nangangati na ang mukha ko sa make-up." Tumingin ako sa paligid ng bar na ni-rent ng boss namin para sa event ngayong gabi.

"Hindi iyon. You look fresh." Saglit akong tiningnan ulit. "Hindi rin. Hindi fresh pero maganda ka naman ngayon gabi. Hmm.. may spark ang mata mo. Mukha kang masaya. May someone na?" Tonong nanunukso si Charisse bago ininom ang hawak na wine.

Natawa ako.

"Wala. Na-miss ko lang ang anak ko then konting lambingan kanina." Napangiti pa ako ng maalala ko ang paglalambing ni Joshua kanina. Sobrang lambing pala talaga ni Joshua. Sabagay noon pa naman gusto ng gawin ng anak ko iyon hindi ko lang talaga pinapansin.

"Wow, at least nagba-bonding na kayo ng anak mo. Mukhang talagang nagmo-move on ka na."

"Baka palayasin na ako ng mommy ko at hindi ko na makita ang anak ko kapag hindi ko pa ginawa iyon."

"Talaga naman 'no. Ang tagal-tagal naman na kasi. Imagine seven years na. Tapos single ka pa rin tapos nagmumukmok ka pa rin. Hindi na normal na 'yan, Kay. Ginagawa mo na lang maging miserable ang buhay mo."

Napahinga ako ng malalim. Ilang tao pa ba ang magsasabi noon sa akin.

"Kay, I am telling you, you look good tonight. And you better be. Mukhang ikaw ang mainit sa mata ngayon ni Tom."

Doon ako nakaramdam ng pag-aalala.

"Bakit ba? May problema ba sa mga articles ko?"

"Problema? Wala. In fact, mukhang bilib sa iyo kaya na hindi na siya nakuntento na online contributor ka lang. Na-curious sa 'yo."

Napabuga ako ng hangin. "Siguro naman ngayon lang 'to 'no? After nito, balik na uli sa dati? Mas gusto kong sa bahay na lang nagwo-work."

Umiling si Charisse. "Mukhang for good ka na sa office. Ayaw na daw ni Tom ng mga online contributor. He wants to see his staff working." Sumenyas pa si Charisse sa waiter at muling nagpasalin ng wine sa baso. Tumingin ito sa pinto at kumaway ng makita ang ilang mga bisita na nag-uumpisa ng magdatingan.

Nakaramdam ako ng tensiyon. Naubos ko ang laman ng iniinom kong wine. Hindi talaga ako sanay na humarap sa maraming tao. Naninibago pa rin ako.

Pero sabi nga ni mommy, sabi ni Charisse, kailangan kong gawin ito kung gusto kong magkaroon ng pagbabago sa buhay ko.

Medyo naging stiff ang mga tao ng makitang dumating si Tom. Katulad ng una ko siyang nakita, seryoso pa rin ang mukha niya pagpasok sa bar. Agad na tiningnan ang paligid kung kumpleto ang mga ni-request. Nagmamando sa mga tao kung may nakikitang mali at kulang.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Nagpasalin ako ng wine sa baso at dire-diretso uli na ininom iyon.

"Do you think you can still interview our guests when you keep on drinking?"

Nanlalaki ang mata ko at nanatiling umiinom sa baso na hawak ko habang unti-unting humaharap sa nagsalitang iyon mula sa likuran ko. Nasamid pa ako ng makilala kong si Tom iyon at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Napa-ubo-ubo pa ako ng tuluyang makaharap sa kanya.

"S-Sir." Gusto ko ng kumaripas ng takbo at umuwi na lang.

Hindi naman itsurang galit si Tom pero naroon pa rin ang kaseryosohan ng mukha kaya mas lalong nakakatakot.

"What's that? Cabernet Sauvignon?" Sumenyas siya sa naroong waiter at kinuha ang wine na isinalin sa baso ko kanina lang.

"Umm.. ah.. Si Charisse kasi-"

Kumumpas siya sa hangin. "It's fine. Drink until you're satisfied. Pampalakas ng loob?" Komento pa niya at nagsalin din ito ng wine sa ibinigay na wine glass ng waiter.

Napa-ehem ako at para na talaga akong sinisilihan dito.

"I read your articles and it impressed me. You are good." Sinalinan din niya ng wine ang baso ko.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya habang tumitingin siya sa paligid.

"So, can you interview these artists tonight? I mean not a total interview. Get acquainted with them para sa formal interview may rapport na kayo."

Alanganin akong tumango.

"Kaya ni-require ko talaga ang mga online contributors na maging active na sa office para sa mga ganitong pagkakataon. Your articles are good pero nakakulong ka lang naman sa likod ng laptop mo. Sayang ang talent. Ang mga katulad mo, dapat inilalabas. Nakikita ng mundo." Sabi pa nito sa akin.

Hinanap ng paningin ko si Charisse dahil gusto ko na talagang magpatulong sa kanya. Hindi ko na kayang kausap itong si Tom. Bakit kasi ako pa ang nakita nito dito at ako pa ang kinausap.

Nakita kong inubos nito ang iniinom na wine at tumingin sa bumukas na pinto. Agad na nagliwanag ang mukha ng makilala ang babaeng pumasok. Nakilala kong ito ang babaeng kasama niya sa office. 'Yung babaeng sexy at maganda. Seksing-seksi sa suot na fitted sleeveless dress na hanggang tuhod. Ang baba din ng neckline at kita ang gustong kumawala na boobs doon. Wow. Ang laki. Parang nanliit ang boobs ko. Kumaway din ito kay Tom.

Maya-maya ay nakita kong may kasunod itong lalaki na nakatungo at inaayos ang suot na damit. Pumikit-pikit pa ako dahil ayokong maniwala sa nakikita ko. Baka niloloko ako ng paningin ko. Napalunok ako at tumingin sa paligid tapos muli ay ibinalik ang tingin sa lalaking pumasok na ngayon ay kausap na ng babaeng dumating.

Nag-mature lang ng konti ang itsura niya at nag-iba siya ng style ng porma. Mula sa ripped jeans at wornout style ng shirt na madalas niyang suot noon, ngayon ay napalitan iyon ng well fitted slocks, white crisp polo na pinatungan ng blazer. Pero ang buhok. Kahit pitong taon ang lumipas, hindi niya iniba ang style niya ng buhok.

Xavier Philip Costelo's long brown curly hair has still tied in a bun. Katulad pa rin noon.

Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko. Kung natatakot ako sa presensiya ni Tom kanina, mas natatakot ako na nandito si Xavi. Ano ang ginagawa niya dito?

Pero agad din napalitan ang kaba ko. Napalitan iyon ng curiosity. Nakita ko kasing humawak siya sa kamay ng babae at lumapit ito sa kanya at bumulong. Tumawa naman si Xavi na parang natuwa sa sinabi ng babae at humalik pa ang babae sa pisngi niya. Magkahawak kamay silang lumapit sa gawi ni Tom.

At ngayon ay nakatingin na sa gawi ko si Xavi.

Pero hindi na katulad noon. Wala na akong makitang pag-aalala sa tingin niya sa akin. Walang pagkagulat. Walang excitement.

Walang pagmamahal na kitang-kita ko noon ng huli kaming magkita.

Xavi Costelo looked successful and I could see that he already moved on.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top