CHAPTER THIRTY SEVEN - BABY BLUE
"A lie is a lie.
A white lie is a lie.
A half-truth is a lie.
A lie by ommision is a lie.
A lie is a lie."
---------------------------------
Xavi's POV
Just like before, Uncle Guido gave me the most reasonable explanation about what I am going through.
Siguro, kung hindi ako umalis seven years ago at pinakinggan ko siya sa mga paliwanag niya dahil sa mga nangyayari sa kanila nila mommy, matagal ko ng naayos ang sa amin ni Kaydence.
Tawa nga siya ng tawa ng ikuwento ko ang lahat sa kanya. Hindi siya makapaniwala na si Kaydence ang babaeng magpapabago daw sa akin. Kilala daw niya akong walang pakialam sa babae. Numero unong babaero pero never na magko-commit pero sa may-asawa pa daw ako bumagsak. Bakit daw hindi ko sinabi noon sa kanya? Sabi ko, kuntento naman na ako noon na minamahal si Kaydence sa malayo dahil alam kong imposible na maging kami dahil nga sa may-asawa niya.
Isa lang ang tinanong sa akin ni Uncle Guido kagabi.
Kung mahal ko pa daw ba si Kaydence.
Hindi agad ako nakasagot. Ang tagal kong pinilit na kalimutan si Kaydence at akala ko nga nagawa ko na. Pero ng makita ko siya, the same feeling came back. Lahat. 'Yung kilig kapag nakita ko siya, 'yung excitement. Pati na ang sakit na naramdaman ko ng tanggihan niya ako at sabihing kahit kailan ay hindi na siya magmamahal ng iba.
And then I saw Joshua.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pag-asa ng makita ko ang batang iyon. Deep inside me, I was hoping that he is my son. Magkakaroon na kami ng connection ni Kaydence.
Then Uncle Guido asked me again if I still love Kaydence.
The answer is still yes.
Saktan man niya ako ng paulit-ulit, siya pa rin talaga. Siguro sasabihin ng mga tao tanga na ako o bobo. Kasi bakit pinipilit kong makuha ang babaeng kahit kailan ay hindi naman magmamahal sa akin pero dito ako masaya. Natiis ko nga noon na magtiyagang magmahal ng lihim sa kanya. Ngayon pa ba ako bibigay na alam kong wala na si Jeremy.
I've wasted seven years in other country trying to forget her. Pero sa ilang beses na makita ko siya uli, bumigay agad ang feelings na pilit kong pinapatay para sa kanya.
Magkakaharap kami sa almusal nila mommy. Nandoon din si ate Xandra. Kahit may sarili itong bahay, may pagkakataon pa rin na dito ito natutulog.
"What's with the long face?" Komento niya habang kumakain siya.
Tumingin ako sa kanya at siniguro ko kung sino ang sinasabihan niya noon.
"Ako ba?" Paniniguro ko.
"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang mukhang nalugi dito. Alangan naman si mommy and Uncle Guido? Pareho ng masaya ang mga iyan. Alangan naman ako? Masaya ako sa boyfriend ko. So, ikaw nga ang tinatanong ko."
Natawa si Uncle sa sinabi ni ate.
"Gutom lang ako." At hinarap ko na ang pagkain ko.
"Heartbroken." Sabat ni Uncle Guido. Natawa naman si mommy.
Parang hindi maniwala si ate sa sinabi ni Uncle.
"Ikaw? Maha-heartbroken? Sa dami ng babae mo? Sino nga 'yung girl na kasama mong dumating dito?"
"Si Sophie. Agent ko iyon." Patuloy ako sa pagsubo ng pagkain.
"Agent slash agent in bed too. Tigilan mo nga ako ng ka-dramahan, Xavi. Sa dami ng babae mo, hindi ka malulungkot 'no."
Napailing lang ako at hindi ko na lang siya pinansin. Wala ako sa mood na makipagtagisan ng pang-aasar sa kapatid ko.
"So, what are your plans? Do you want to have a DNA test with the kid para makasiguro ka?" Boses ni Uncle Guido iyon.
"What? You have a kid?" Nanlalaki ang mata ni ate Xandra.
"Siguradong hindi naman papayag si Kay. Saka baka ma-trauma ang bata kung ipipilit ko. I think he has some issues already. Mukhang ayaw ng mommy niya na maging artist din siya." Hindi ko pinansin si ate Xandra.
"What? Hindi ko yata nakilala si Kay na ganoon. Si Kay na ang nakilala kong pinaka-reasonable na tao. She would support her son kung anuman ang gustuhin nito." Sumeryoso na ang mukha ni Uncle.
"Pain changes everyone, Uncle." Naiiling na sagot ko.
"And it should change you too. Xavi, ilang taon ka ng nagmumukmok? Seven years na. Hanggang kailan ka magtitiis ng ganyan?"
Napatingin ako kay Uncle at natawa sa narinig kong sinabi niya.
"And it really came from you? You who waited for twenty-nine years and had an affair," at tumingin ako sa gawi ni mommy.
"But look where it got me? I still got her. I've waited for twenty-nine years and it was painful, it was hard. Kaya huwag mo na akong gayahin. Kaydence is free already so why don't you do your move this time?"
Unti-unting nawala ang pagtawa ko sa narinig na sinabi niya.
"Xavi, mahirap ang maghintay habang nasasaktan. Kaya kung ako sa iyo, gumawa ka na ng paraan kung gusto mo pa rin si Kaydence. If you want, give her a little dose of her own medicine. Make her fall for you but make some little adjustments. A little jealousy might do the trick," kumindat pa sa akin si Uncle Guido.
"Naku, umandar na naman ang pagiging love guru ni Uncle. Alam mo ba, iyan din ang turo niya sa akin para bumalik ang ex-boyfriend ko." Natatawang sabi ni ate Xandra. "Saka bakit kailangan pang pagselosin? Hindi mo ba makukuha ang girl? Samantalang ang mga babae mo, kindatan mo lang maghuhubad na sa harap mo."
"Iba si Kaydence, ate."
Lalong natawa si ate Xandra.
"Ah, nakakuha ka pala ng katapat. Mahirap nga 'yan. Well, goodluck." Pinahid ni ate Xandra ang bibig niya ng table napkin at tumayo na. Humalik sa pisngi ni Uncle Guido at ni mommy tapos ay sa akin. Paalis na lang ito ng may makalimutan.
"May isang box pala na nakuha ako doon sa office ni dad. I think it's yours 'nung time na nag-work ka doon. Kunin ko lang." Mabilis na umakyat si ate Xandra sa kuwarto niya at pagbaba ay may bitbit ng isang maliit na box at inilapag sa tabi ko. "I didn't check what's inside. 'Yung ibang mga gamit mo na hindi nasama sa sunog. Ayoko naman itapon kasi baka may importante ka pang kailangan diyan." Muli na siyang nagpaalam sa amin at tuloy-tuloy ng lumabas.
Tinapos ko lang ang pagkain at umakyat ako sa kuwartong tinulugan ko. Binuksan ko ang box at nakita ko doon ang ilang mga papeles, notebooks, old laptop na gamit ko noon. Isa-isa kong binuklat. Natawa pa ako dahil nakita ko pa doon ang ilang mga reports na ibinigay ni Jeremy sa akin. Mga folders ng mga discrepancies na nakita niya. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa headboard ng kama. Nalulungkot din ako sa pagkawala ni Jeremy. He was a good friend. Napaka-simpleng tao pero talagang sobrang kinainggitan ko.
Isa-isa kong binuklat ang mga papel na naroon. Inilalagay ko sa isang tabi ang mga hindi na kailangang gamitin pa. May notepad na may mga computations at ibang mga handwritten reports ni Jeremy. Isa-isa kong tiningnan. Hanggang sa pagbuklat ko sa bandang gitna ay may nakita akong nakasulat.
Sir.
Kumunot ang noo ko. Sulat iyon ni Jeremy. Binuklat ko ng maige ang notepad at ilang pages iyon na nakita kong may nakasulat na Sir. Parang nag-uumpisang gumawa ng letter na hindi lang maituloy. Sige ako buklat at ang kasunod kong nabasa ay:
Sir, I'm sorry.
What the fuck is this? Parang kinabahan ako. Gumawa nga kaya talaga ng kalokohan si Jeremy sa company?
Ipinagpatuloy ko pa ang pagbuklat hanggang umabot ako sa bandang likod ng notepad at doon ko nakita ang isang mahabang sulat ni Jeremy.
Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Para na akong mababaliw sa kakaisip sa nagawa ko. Sinamantala ko ang pagmamahal ng asawa ko at sinamantala ko ang pagtitiwala mo sa akin, Sir.
Gustong-gusto ko na mabuo ang pamilya namin ni Kaydence. Anak na lang ang kulang sa amin. Nagpapasalamat ako at tinulungan mo ako na may makilalang doctor para sa paggaling ko at mabigyan ko ng anak si Kay. Napakalaki ng tulong mo sa aming mag-asawa. Financially, emotionally. Pero siguro talagang hindi lahat puwede kong makuha. Wala na akong pag-asa na mabigyan pa ng anak si Kay. Doctor na mismo ang nagsabi sa akin. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya kaya ayoko ng dagdagan iyon dahil hindi ko na siya mabibigyan ng anak.
Ginamit kita, Sir. Patawad talaga. Ginamit kita para mabuo ang pangarap naming mag-asawa. Ginamit kita para mabigyan ng anak si Kay. Birthday ko ng gabing iyon pero pakiramdam ko pinatay ko ang sarili ko dahil sa nagawa ko. Patawad kung nilasing ko kayo pareho at pinabayaan kong may mangyari sa inyo. Napakasakit noon sa akin pero tiniis ko para lang kay Kay. Gusto ko ng sabihin sa iyo ang totoo pero hindi ko kaya. Pinapatay ako ng kunsensiya ko sa tuwing makikita ko si Kay at makikita kita.
Parang napapasong binitiwan ko ang notepad at bumagsak iyon sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa nabasa ko.
"What did you do, Jer?" Para akong nababaliw na dinampot uli ang notepad at muling binasa ang nakasulat doon.
Sigurado akong sulat kamay ito ni Jeremy at pilit kong binabalikan ang nangyari ng gabi ng birthday niya.
Parang nanlalaki ang ulo ko ng maalala ang gabing iyon. Kahit lasing na lasing ako ay pilit kong inalala ang babaeng nakasama ko.
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala.
It was Kaydence?
And, Joshua is my son.
------------------------------
Kay's POV
Magdamag akong hindi pinatulog ng nangyaring paghaharap namin ni Xavi.
Bakit niyang tinatanong kung sino ang tatay ni Joshua? Alam naman niyang si Jeremy ang asawa ko kaya si Jeremy ang tatay ng anak ko. Ang isang gabing pagkakamali na nagawa namin ay malabong makabuo ng bata dahil buntis na ako noon. Pero sa totoo lang, kahit ako ay naguguluhan din. Sigurado ako na si Jeremy ang tatay ni Joshua pero tama din si Xavi. Siya ang nakikita ko sa anak ko.
Lahat ng characteristics ni Joshua ay kuhang-kuha kay Xavi. Posible ba iyon?
Possible kayang 'nung gabi ng birthday ni Jeremy ay hindi nga si Jeremy ang nakasiping ko? Pare-pareho kaming lasing at hindi na namin alam kung anong nangyayari. Shit. Pero malabo iyon. Hindi pababayaan ni Jeremy na mangyari iyon. Mahal ako ni Jeremy at hindi niya gagawin na may ibang lalaking makalapit man lang sa akin. Sigurado ako na si Jeremy ang nakasiping ko.
Naisip kong ihatid si Joshua sa school ngayong araw. Sa nalaman kong nagkita sila ni Xavi sa school, gusto kong makausap ang teacher ng anak ko kung paanong nangyari iyon. Napaka-imposible naman kasi na alamin pa ni Xavi ang tungkol sa anak ko. Paano niya malalaman na anak ko si Joshua at kung saan ito nag-aaral? Gusto ko din tanungin si Joshua pero baka matakot na naman ang anak ko sa akin kaya dinadahan-dahan ko ang pagkausap sa kanya.
"Joshua, baby. What happened in your school yesterday?" Malumanay na malumanay ang tanong ko sa kanya. Gusto kong magsabi ang anak ko ng kung anong nangyari at nagtagpo ang landas nila ni Xavi.
Inosenteng tumingin sa akin ang bata.
"In school, mommy?" Kita ko na parang kinakabahan na siya.
"Yes. In school. You told me you're going to bring your painting. You showed it to everyone?" Dinagdagan ko ng pagkain ang plato niya. Napansin ko kasi na medyo payat si Joshua.
Medyo na-excite si Joshua sa tanong ko. Nawala ang itsurang nag-aalala.
"Yes, mommy. My classmates and teachers saw it. And they said you are beautiful." Punong-puno ng pagmamalaki ang tono niya.
"Only teachers and classmates saw it?"
Saglit na nag-isip si Joshua tapos ay sumubo ng pagkain tapos ay nagliwanag ang mukha ng parang may naalala.
"We had a visitor in school, mommy. You know he is a good painter too and he liked my painting." Ngiting-ngiti na ngayon si Joshua.
"He did? What's his name?" Pakiramdam ko ay kumakabog ang dibdib ko.
"I can't say his name, mom. I am having a hard time saying his name. It doesn't sound okay I guess," sumimangot pa ang mukha ng bata.
Gusto kong matawa sa kainosentehan ni Joshua. Batang-bata talaga.
"Xavi ba ang name ng visitor 'nyo?" Paniniguro ko.
Nanlaki ang mata ni Joshua. "Yes, mommy! You know he painted in front of us and he was very good." Saglit na tumahimik si Joshua at alanganing tumingin sa akin. "Mom."
"What?" Nagsimula din akong kumain. Sa isip ko ay iniisip ko kung paano napunta doon si Xavi.
"I want to be like that man. I want to be a painter like him. He told me he was travelling the world. He could go to different places and he can show his works to everyone and everyone was admiring him."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"But I guess I cannot do that, mommy." Malungkot na tumungo si Joshua.
"Why? You can do whatever you want when you grow up."
"Because I don't want to leave you. I don't want to see you lonely and alone. I'll be with you, mommy forever. I won't leave you like daddy did."
Hindi ko namalayan na biglang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Joshua. Sa kabila ng mga naging pagkukulang ko sa kanya, ako pa rin ang iniisip niya. Tumayo ako at niyakap ko ang anak ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang paulit-ulit na nagso-sorry sa kanya.
"Why are you saying sorry, mommy? And why are you crying?" Tanong pa ni Joshua.
"Because I did something wrong. Because I neglected you for so long. You won't understand it, but I love you baby. I love you so much and I am really sorry," humahagulgol na ako ng iyak.
Naramdaman kong pumulupot ang maliliit na braso ni Joshua sa akin at niyakap din ako.
"It's okay, mommy. I love you too."
Hindi na ako kumibo. Basta niyakap ko lang siya ng mahigpit at talagang ipinapangako ko na magmula ngayon, magiging mabuting ina na ako sa kanya. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Susuportahan ko ang lahat ng gusto niya.
Kung si Xavi man ang nakikita ko sa kanya at hindi si Jeremy, wala na akong pakialam. Anak ko si Joshua at kahit ano pa siya ay tatanggapin ko siya.
Napatingin ako sa labas dahil nakarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell. Sino ba iyon? Para namang may emergency.
Kami lang ang tao dito sa bahay ni Joshua dahil nag-grocery si mommy kasama ang maid namin. Si Kenneth naman ay maaga ding umalis para pumasok sa trabaho. Napilitan akong tumayo at tunguhin ang gate at nagulat ako ng pagbukas ko doon ay si Xavi ang nakita kong nakatayo.
"Ikaw na naman? Hanggang dito ba?"
Seryosong-seryoso ang mukha ni Xavi habang nakatingin sa akin.
"He is my son, Kay."
Napabuga ako ng hangin at napapailing. Ayaw talagang tumigil ng lalaking ito.
"Please naman, Xavi. Tumigil ka na. Huwag mong ipilit ang gusto mo dahil hindi mo anak si Joshua." Napapagod na akong mag-explain sa kanya.
"He is my son, Kay!" Tumaas na ang boses ni Xavi at ngayon ay parang naiiyak na siya. "Fuck, why did I leave?"
"Hindi ko alam kung bakit mo naiisip 'yan. Magkapareho lang kayo ni Joshua sa maraming bagay pero-"
"Jeremy did something that night. He made it happen." Putol niya sa sinasabi ko. Naisuklay niya ang mga kamay sa buhok niya ng sabihin iyon.
Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Huwag mong idamay si Jeremy dito. Kung anuman ang pagkakamaling nagawa natin ng mamatay siya-"
"We did it even before he died. On the night of his birthday, Kay. Remember. Please." May kinuha sa bulsa niya si Xavi at ibinigay sa akin. "Jeremy made it happen."
Kunot-noong kinuha ko ang papel na ibinigay niya at binuksan iyon. Sulat-kamay iyon ni Jeremy.
Nanginig yata ang tuhod ko ng mabasa ako ang nakasulat doon. Hindi ako makahinga. Hindi. Hindi totoo ito. Hindi iyon magagawa sa akin ni Jeremy. Hindi niya magagawang ipagamit ako sa ibang lalaki.
Pero imposibleng gawa-gawa lang ito ni Xavi. Sulat ito ni Jeremy. Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Xavi at nanatili siyang nakatingin lang sa akin.
"Kay-"
Wala na akong narinig sa sasabihin ni Xavi. Pakiramdam ko ay nabibingi ako. Para lang akong nanghihinang napaupo at mabilis niya akong inalalayan.
Literal na para akong pinangangapusan ng hininga. Tapos ay bigla akong napasigaw at umiyak na lang ng umiyak.
Hindi ko akalain na sa kabila ng pagmamahal ko kay Jeremy, na kahit buong buhay ko ay ibinigay ko sa kanya, magagawa pa rin niya akong saktan ng ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top