CHAPTER THIRTY - RED
"Not all who wander are lost." - J.R.R. Tolkien
------------------------
Xavi's POV
Natatarantang tumingin si mommy sa gawi ni Uncle Guido. Naiiyak na talaga siya.
"Mommy, you are Mercedes?" Alam kong siya na iyon pero gusto kong marinig mismo ang sagot sa kanya.
"X-Xavi, anak. I-I hope you would understand," mabilis na pinahid ni mommy ang mga luha niya. Tahimik lang si Uncle Guido na tahimik na nakatayo sa isang sulok.
"Uncle! What the hell is this?" Sumasakit na ang ulo ko.
Lumapit sa akin si mommy pero lumayo ako sa kanya. Itsurang nagmamakaawa si mommy.
"Xavi, anak. Makinig ka naman. I love your Uncle. It's not my fault that I am in love him. Siya lang," umiiyak na sabi ni mommy.
"Mom, pilit kong inintindi na may-ka-affair ka. But with Uncle?"
Tumingin si mommy kay Uncle.
"Xavi, I told you I am loving her for twenty years." Si Uncle ang nagsalita noon.
"But she is married to your own brother! How could you do this? Maiintindihan ko kung babaeng may-asawa ang mahal mo. Pero asawa ng kapatid mo?"
"I have known her first. I told you it was complicated."
"At hindi ko alam na ganitong ka-kumplikado! This is fucked up! Galit na galit ako kay daddy dahil sa ginagawa niya sa akin pero mas nagagalit ako sa iyo. Niloloko mo ako? Pinaniwala mo ako na ikaw lang ang nakakaintindi sa akin dahil may gusto ka pa lang pagtakpan." Naiiyak na ako. Masakit na nga ang damdamin ko sa nangyari sa amin ni Kay, pagdating ba naman dito masasaktan pa rin ako. I felt betrayed by the person that I trusted the most.
Napayuko si Uncle at napailing.
"I love you like a son, Xavi."
"But you are not my father!" Bulyaw ko sa kanya.
"Xavier, iho, he is really your father." Umiiyak na singit ni mommy.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Uncle na tumingin kay mommy.
"Susan, what are you talking about?" Nanginginig ang boses ni Uncle.
"What?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni mommy.
"I am so sorry, Guido. I didn't tell you. Ayoko ng madagdagan ang mga kasalanan ko kay Xanthus. Ayoko ng madagdagan ang mga kasalanan natin."
Hindi ako makapagsalita. Gusto kong sugurin si Uncle Guido at bugbugin. Gusto kong pagsalitaan ng masasakit si mommy. Napaka-understanding kong tao. Lahat iintindihin ko. Naiintindihan ko nga na may ka-affair si mommy pero hindi ganito. Ayoko ng ganito.
Wala na akong sinabi at lumabas na lang doon. Hindi ko na pinakinggan ang kung anuman na sasabihin nila. Hindi ko pinakinggan ang pagtawag ni mommy sa akin.
They've been fooling around for twenty-nine years. Niloloko na nila ang mga tao sa paligid nila noon pa lang. Si daddy, si ate Xandra, ako. Pati ang grandparents ko niloloko na nila. Hindi ko akalaing magagawa iyon ng mga taong sobrang pinagkakatiwalaan ko. At ngayon ko pa talaga malalaman na kailangang-kailangan ko ng mga taong masasandalan dahil sa pinagdadaanan ko.
Diretso ako sa unit ko. I turned off my phone dahil ayokong may makausap ako kahit na sino. I wanted to be alone dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Ang bigat-bigat ng ulo ko. Diretso ako sa lalagyan ko ng mga alak at nagbukas ng isang bote ng whisky at tinungga iyon. I wanted to call someone pero hindi ko alam kung sinong tatawagan ko.
I've never felt so alone in my life until now.
Napatingin ako sa mga nakahilerang canvass sa gilid ng studio. Nakita ko doon ang isang canvass na may painting ng mukha ni Kaydence. Ang sama ng tingin ko doon. Binitbit ko ang bote ng whisky at tumutungga habang lumapit sa canvass tapos ay malakas kong ibinato sa mga canvass ang bote.
Dinampot ko ang painting ni Kaydence at pinaghahampas iyon sa sahig hanggang masira. Parang napapagod akong napaupo sa sahig at nakatingin lang sa sirang painting ni Kaydence tapos ay dinampot ko uli. Pilit kong inaayos ang nagkasira-sirang painting.
"Sorry. Sorry, Kay." Para akong tanga na kinakausap ang sirang painting niya. Pinipilit kong buuin ang nasirang canvass. Pinipilit na muling mabuo ang ipininta kong mukha niya pero alam kong hindi na iyon maaayos pa.
Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Masakit ang dibdib ko dahil harapan akong tinanggihan ni Kay. Masakit din na malaman na niloloko ako ng taong buong buhay kong pinagkatiwalaan. Bakit kailangan nila akong saktan ng ganito? Ganito ba talaga? Lahat talaga ng tao sa paligid ko sasaktan ako?
What did I do wrong? Is this a sign that this place was never been on my side all along?
I don't want to leave. Kahit napakaraming opportunity na umalis ako sa bansang ito pero hindi ko ginawa. Kahit mas malaki ang opportunity sa akin bilang artist na mag-excel sa foreign land, mas pinili ko dito kahit mahirap. Kahit wala sa pamilya ko ang naniniwala sa kakayahan ko. Pero si Uncle Guido na inaasahan kong magiging kakampi ko sa lahat ng bagay, isa din pala siya sa mananakit sa akin.
Hindi ko na alam kung gaano kadami na ang nainom ko. I stayed on the floor lying down. Umiikot ang ulo ko sa dami ng nainom. Hindi ko na nga alam kung ilang oras akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na may sumisipa sa mga hita ko.
Pilit akong nagmulat ng mata at kahit nanlalabo ang mga mata ko ay tiningnan ko kung sino iyon.
Nakilala kong si Jet ang nakatayo doon. Itsurang concern na nakatingin sa akin.
"Your Uncle called me to check on you. You're not answering your phone." Seryosong sabi ni Jet.
Hindi ako kumilos at nanatili lang na nakahiga sa tiled floor. Ipinikit ko ang mata ko dahil nararamdaman kong umiikot pa ang piningin ko.
"I don't want to talk to anyone." Paungol na sagot ko. Pilit kong kinakapa ang bote ng whiskey na ibinato ko kanina pero dinampot lang iyon ni Jet. Tinulungan akong makatayo at dinala sa sofa.
"What the hell are you doing, Xavi?" Seryosong tanong niya.
Umiling lang ako. Ipinikit ko ang mata ko at sinalo ang bigat na bigat na ulo.
"Your Uncle told me everything and I am so sorry to hear that."
Natawa lang ako ng mapakla at kumumpas sa hangin.
"Matanda na sila. They can fuck each other all they want. Wala na akong pakialam. 'Tangina. Ang tatanda na pero parang mga gago," Tumayo ako at tinungo ang mga bote ng alak na nasa gilid at dumampot uli ng isang whisky doon. Pabagsak uli akong naupo sa sofa at binuksan ang bote tapos ay tumungga. Naramdaman kong kinuha ni Jet ang bote at tumungga din doon pero hindi na niya ibinalik ang bote sa akin.
"Alam ko naman na hindi 'yun ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." Sagot ni Jet sa akin.
Hindi ako kumibo at nanatiling nakapikit lang. Pinigil ko ang sarili kong magwala ng maalala ko ang mga sinabi ni Kaydence sa akin.
"How's the married woman?" Tanong pa niya.
Tumawa ako ng nakakaloko.
"Widowed."
"For real?" Hindi makapaniwala si Jet sa sinabi ko.
Kinuha ko ang bote ng whisky sa kanya at tumungga doon.
"'Di may pag-asa ka na. Hindi na kita pipigilan diyan. Hindi ka na matu-Tulfo kung syotain mo man. Biyuda na pala." Sabi pa ni Jet.
Umiling lang ako at muling tumungga sa bote ng alak.
"She told right in my face that she won't love me. Kahit anong gawin ko hindi na siya magmamahal ng iba." Tumawa ako pero nararamdaman kong nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha. "Ang sakit pala noon. Alam kong wala na 'yung asawa pero ang hirap tanggapin na hindi na siya magmamahal ng iba."
Napahinga lang ng malalim si Jet at sumandal sa inuupuan naming sofa.
"Nagpapakatanga na nga ako. 'Tangina. Kahit na sabihin niya sa mukha ko na si Jeremy pa rin, okay lang. Kahit tawagin niya akong Jeremy paulit-ulit, okay lang. Pero nakita ko. Ramdam ko. Kahit anong gawin ko, hindi siya magiging akin." Mariin kong pinahid ang mga luha ko sa mata.
"Marami namang babae, Xav. Ngayon lang 'yan. You will forget her soon."
Umiling ako at muling tumungga sa alak na hawak.
"She was never mine. But losing her really broke my heart into pieces." Malakas ko pang sinuntok ang dibdib ko.
"Fucking love. Hindi ko akalain na tatamaan ka niyan." Naiiling na sabi ni Jet.
"I am in love, stupid and heartbroken all at the same time. Bigyan mo ako ng award." Tumawa ako ng malakas pero halatang-halata ang pagka-pilit noon.
Sinuntok ako sa braso ni Jet at dinampot ang telepono kong nagba-vibrate.
"Kanina pa ito tumatawag sa iyo. Sagutin mo baka 'yan na ang silver lining na hinahanap mo."
Kinuha ko ang telepono at number lang ang lumalabas doon. Sinagot ko at pamilyar na boses ang narinig ko. Ungol lang ang mga sagot ko sa sinasabi ng kausap ko. Marami siyang ini-explain pero tahimik lang ako. Hanggang sa may itanong siya at matagal ako bago sumagot.
"Xavi, are you still in there?" Narinig kong tanong muli ng kausap ko.
"Yeah," nakatingin lang ako sa kisame.
"What's your decision? We need your answer right now." Halata ang pagmamadali sat ono nito.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Jet. Nakatingin lang din siya sa akin.
"Yes." Iyon lang nasabi ko.
"Good. You made the right decision, Mr. Costelo. We are excited to see you soon."
Hindi ko na pinakinggan ang ibang sinasabi niya. Pinatay ko na ang telepono at hinagis iyon sa isang sulok.
"And?" Si Jet iyon.
"I'll be going somewhere." Nilalaro ko ang bote ng alak na hawak ko.
"Where?" Taka niya.
"Far away from here. Far away from this pain."
Naramdaman kong inakbayan ako ni Jet.
"Is it Paris? I think you need that. Heal yourself first, Xavi. You will get over from all of this mess soon." Seryosong-seryoso ang tono ni Jet.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kisame.
Siguro nga, dapat lang akong lumayo. Hindi talaga siguro dito ang lugar ko.
-----------------------
SEVEN YEARS LATER
Kay's POV
"Mommy, are you busy?"
Tinapunan ko ng tingin ang anak ko na parang nahihiyang sumilip sa kuwarto ko. Hinintuan ko ang trabahong kaharap ko at tumingin sa kanya.
"Joshua? Why? Do you need anything?"
Ngumiti siya at lumapit sa akin.
"I know you're busy, but I just want to show you something." Kumagat-labi pa ang anak ko.
Kahit kailangan kong tapusin ang mga ginagawa ko sa laptop ay napilitan akong tumayo at sumunod sa anak ko. Nakahawak pa siya sa kamay ko at hila-hila iyon papasok sa kuwarto niya.
Napahinga ako ng malalim ng tumambad sa akin ang mga drawing niya na nakadikit sa pader. Mga paintings sa canvass na nakasalansan sa isang gilid. Sa easel na naroon ay nakapatong ang isang canvass na may drawing.
"I painted you mom," parang nahihiyang sabi ni Joshua at ipinakita ang naka-painting sa canvass na nakapatong sa easel. Napalunok ako dahil kuhang-kuha ng anak ko ang mukha ko doon. Napaka-kulay ng pagkakagawa. Hindi aakalain na gawa ng isang seven years old na bata.
Alam kong hinihintay ng anak ko na purihin ko ang gawa niya pero pinigil ko ang sarili ko.
"Wala ka bang mga assignment, Joshua?" Seryoso na ang timbre ng boses ko.
Nakita kong natakot ang mukha niya at humarang sa painting na ginawa niya.
"I've finished my assignments, mommy. Sabi mo makakapag-paint ako kapag natapos ko na ang mga schoolworks ko and I finished it all."
Inis kong dinampot ang school bag niya at pinaglalabas ang mga librong naroon.
"Then read your books. Hindi 'yung inuubos mo sa walang kuwentang bagay ang oras mo. Ang daddy Jeremy mo, mahilig magbasa so you should read too." Iniabot ko ang English book at Math book niya.
"You didn't like my painting, mommy?" Itsurang maiiyak na ang anak ko.
Tinapunan ko lang iyon ng tingin.
"Just read your books. Magre-review tayo mamaya." Hindi ko na nilingon ang anak ko at dire-diretso na akong lumabas ng silid.
Sumakit yata ang ulo ko nang muli akong bumalik sa harap ng laptop ko. Tiningnan ko ang mga trabaho kong gagawin pero nawala na ako sa focus. Naiisip ko ang painting na ginawa ng anak ko.
Napakaganda ng gawa ni Joshua. Puwedeng ihilera sa mga magagaling na kilalang artist sa bansa. Pero hindi ko maintindihan bakit hindi ako maging proud sa talentong iyon ng anak ko.
Dahil ipinapaalala noon ang isang pagkakamali na nagawa ko. Ang pagtataksil ko kay Jeremy.
It's been seven years and I should have forgotten that incident already. Pero hindi ko maintindihan kung bakit lumalaki ang anak ko at hindi siya nagiging katulad ni Jeremy.
Lumalaki si Joshua pero si Xavi ang nakikita ko sa kanya.
Napabuga ako ng hangin at marahang hinilot ang ulo ko. Imposible. Imposibleng si Xavi ang tatay ni Joshua. Buntis na ako ng may mangyari sa amin ni Xavi. Ipinagbubuntis ko na ang anak namin ni Jeremy noon kaya imposible.
Kaya nagtataka talaga ako kung bakit ibang-iba ang itsura ni Joshua. Kahit konting traits ni Jeremy ay wala akong makita sa kanya. Sa buhok pa lang, walang kinuha sa amin ni Jeremy ang bata. Ipinanganak itong dark brown and buhok. Kulot pa. Kaya nga magmula ng maliit pa ito, hindi ko na talaga pinapahaba ang buhok ni Joshua.
Pumikit ako at ilang beses akong huminga ng malalim bago muling humarap sa laptop. Nagpindot at ako sa google at sinubukan kong hanapin ang pangalan ni Xavi Costelo. Ang daming lumabas sa search engine ng google. Ang daming articles tungkol sa kanya. Kung gaano siya kasikat na painter sa Paris.
Ini-open ko ang isang link at tiningnan ang article tungkol sa kanya. Pagkatapos ng may mangyari sa amin seven years ago, umiwas na talaga ako at hindi na rin naman siya bumalik dito. Nag-resign ako sa kumpanya ng pamilya niya at nagtrabaho na lang ako content writer sa isang international women's magazine online. Mas pinili kong dito sa bahay mag-trabaho. Paminsan-minsan na lang akong lumabas kung may meeting kami ng local partner ng magazine.
Itsurang successful na talaga si Xavi. Mga sikat sa art world ang mga kasama niya. Living in Paris for seven years changed everything in him. The way he looks, the way he smiles. Everything changes about him. Iyon siguro ang nagagawa ng fame.
Mabilis kong ini-exit ang article at ibinalik sa ginagawa ko pero hindi ko na magawang magtrabaho ulit. Tumayo at tinungo ang silid ng anak ko. Sumilip ako doon at nakita kong nakaupo sa kama si Joshua at nakaharap sa mga librong ibinigay ko sa kanya. Malungkot ang mukha habang nagbabasa.
Napahinga ako ng malalim. Nakaramdam ako ng kunsensiya at awa sa anak ko. Gusto ko siyang lapitan at sabihin sa kanya kung gaano siya kagaling dahil magaling talaga siya. Pero pinigil ko ang sarili ko. Talagang ipaparamdam ko sa kanya na hindi tama ang pag-ubusan niya ng panahon ang pagpipinta.
Dapat maging katulad siya ng tatay niya. Si Jeremy. Matalino, mahilig magbasa. Normal. Iyon dapat ang maging katulad ni Joshua.
Nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto ko. Sigurado akong si mommy ito.
"Bukas iyan, mommy." Sagot ko at nanatiling nakaharap sa laptop ko.
Pumasok si mommy at dire-diretsong lumapit sa akin.
"Hindi mo na naman na-appreciate ang gawa ng anak mo." Sermon niya.
Napakamot ako ng ulo. "Hindi niya dapat pinag-uubusan ng oras ang mga ganoong kawalang-kuwentang bagay."
"Walang kuwenta? Nakita mo ba ang gawa ng anak mo? Kaydence, napakagaling na pintor ni Joshua. Bakit hindi mo makita iyon?"
Inis akong humarap kay mommy. "Kayo lang naman kasi ang nagpipilit, mommy. Kayo ni Kenneth. Tigilan 'nyo na 'yan. Ayokong maging pintor ang anak ko. Mas mabuting mag-excel siya sa ibang bagay." Humarap ako sa laptop ko.
"Hindi kami nagpipilit. Nakikita kasi namin ang potensyal ng bata. Bakit kailangan mong pigilan iyon? Instead of supporting him, ganyan ang ginagawa mo? Kailan mo pa balak iparamdam sa anak mo na susuportahan mo siya? Kaya tuloy sa school, ayaw ng sumali sa mga art contest ng anak mo dahil daw baka magalit ka." Alam kong galit na si mommy.
"Huwag na tayong magtalo, mommy. Marami ho akong kailangan na tapusin na trabaho. Mamaya na kami magri-review ni Joshua." Gusto ko na lang siyang umalis na para hindi na naman kami mag-away.
"You are impossible. Sana maisip mo na hindi sa lahat ng pagkakataon sa academic nag-i-excel ang isang bata. Sana makita mo kung ano talaga ang hilig ng anak mo at sana isang araw magawa mo ring suportahan ang passion niya." Padabog na tinalikuran ako ni mommy at malakas nitong isinara ang pinto.
Inis kong isinara ang laptop ko at sumandal sa upuan. Hinilot-hilot ko ang ulo ko at napahinga ng malalim.
Ako pa rin ang nanay ni Joshua at ako pa rin ang masusunod kung ano ang dapat na maging siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top