CHAPTER THIRTY ONE - ORANGE

"Every child is an artist. The problem is how to remain an artist once we grow up." - Pablo Picasso

---------------------

Kay's POV

            Tiniis ko talaga na hindi lumabas ng kuwarto kahit na nga tinatawag ako ni mommy para sumabay sa kanilang maghapunan. Nangatwiran akong may kailangan akong tapusin na article at deadline ko bukas. Hindi na rin ako kinulit ni Joshua. Naririnig kong ang kapatid kong si Kenneth ang kausap niya. Silang dalawa ang nag-uusap tungkol sa mga kailangan niyang gawin sa school.

            Pasado alas-diyes na iyon ng maisipan kong lumabas. Kakain lang ako ng bread dahil ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Alam kong ako na lang ang gising sa bahay. Tinungo ko ang kuwarto ng anak ko at sumilip. Tulog na si Joshua. Nakatulog na sa kama katabi ang mga libro at notebooks na inilabas ko kanina. Inayos ko siya sa pagkakahiga at niligpit ang mga libro na naroon. Natuon ang pansin ko sa painting ko na ginawa niya. Napahinga ako ng malalim at kinuha ang telepono ko. Inayos ko ang pagkakapatong ng painting sa easel at kinuhanan ko ng litrato bago iniligpit iyon. Isinama ko sa mga canvass na may painting niya na inilalagay ko sa kahon para iligpit.

            Tiningnan ko ang mga paintings ni Joshua na nasa phone gallery ko. Hindi alam nila mommy na ginagawa ko ito. Lahat ng drawings niya mula pa noong maliit siya ay naroon. Hindi ko naman binubura. Napakagaling talaga ni Joshua. Three years old siya ng mapansin ko ang galing niya sa pagguhit. Sa pag-blend ng mga kulay. Wala siyang proper studies pero iba talaga siya humagod ng drawing sa papel. Kayang-kaya niyang gayahin ang mga nakikita niyang mga cartoons na napapanood niya sa TV. Hindi ko iyon pinapansin dahil ayoko talagang maging ganoon siya. Gusto kong maging katulad siya ni Jeremy. Pero lumilipas ang mga taon, lalo pa yatang nahahasa ang talent niya. Ito ngang seven years old siya at nasa Grade 2 na, ilang beses na laging pinapasali sa mga art contest ng school si Joshua pero hindi ko pinapayagan. Ayoko talaga na maging pintor siya.

            Napapangiti pa ako habang bina-browse ko ang mga paintings at drawings niya na nasa cellphone ko. Maganda kasi talagang tingnan. Sabi nga ni Kenneth kung i-enroll ko daw sa art school si Joshua, mas lalo pang mahahasa ang talento nito pero as usual, nag-aaway lang kami ng kapatid ko dahil tumatanggi lang ako lagi.

            Nilapitan ko si Joshua at naupo sa tabi ng kama niya. Tulog na tulog. Hinaplos ko pa ang ulo niya at hinalikan iyon. Nagulat ako ng biglang nag-vibrate ang telepono ko. Napangiwi ako dahil tumatawag ang boss ko na naka-base sa Hongkong. Hindi ba nito alam kung anong oras na? Sabagay, kailan ba natuto sa oras ang boss kong ito? Lagi kasi itong nasa iba-ibang bansa kaya minsan ay nakakalimutan na nito ang mga time zone.

            "Charisse." Lumakad ako palabas ng kuwarto at dahan-dahang isinara ang pinto.

            "Kay, how's my article?" Iyon agad bungad niya sa akin.

            "I am going to finish it tonight. Isi-send ko na sa iyo maya-maya. Mag-dinner lang ako." Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang tinapay na naroon. Inilagay ko sa speaker ang call niya para makagawa ako ng pagkain ko.

            "Good. I just want to give you a heads up. Starting tomorrow, you need to join the local team. Kailangan mo ng pumasok sa office."

            Napahinto ako sa ginagawa ko.

            "What? Charisse, hindi iyon ang scope ng trabaho ko. I told you I cannot work in the office. May anak ako na kailangan kong tutukan."

            "I can't do anything about this, Kay. Kahit nga ako mapipilitan na mag-base sa Manila. Utos ito ng top management. Lahat ng online contributors ng magazine nire-require ng pumasok and ikaw ang pinaka-matagal na. Five years ka ng online content support, kuntento ka na ba diyan?"

            Inis kong binitiwan ang hawak kong kutsarita.

            "And ayaw mo bang ma-expose sa mga tao? Kay, huwag mong iburo sa bahay ang beauty mo. I mean, if you're going to work in the office mas marami kang mami-meet. Marami kang mai-interview. Saka baka matagpuan mo na ang bagong love life mo," tumawa pa ng mahina si Charisse.

            "I am not looking for a love life. Kuntento na ako na kasama ang anak ko." Dinampot ko uli ang kutsarita at nagpahid ng peanut butter hawak kong tinapay.

            "New friends. Grabe, Kay. Ikaw lang ang nakilala kong tao na nakuntento na lang sa pagiging mag-isa." Napahinga pa ng malalim ang kausap ko.

            "Anong problema kung mag-isa ako? Charisse, this is the life that I wanted."

            "Ang iburo ang sarili mo sa alaala ni Jeremy? I know your story. You told it to me hundreds of times and I know how much you love your dead husband. But he is dead. He is not coming back and he would want you to have a life."

            Hindi ako sumagot sa sinabi ni Charisse pero napipikon ako sa sinabi niya. Wala siyang alam sa pinagdaanan ko. Hindi niya alam ang hirap ko para lang maka-recover ako sa pagkawala ni Jeremy. Hindi dahil sa naging kaibigan ko siya at pinagkatiwalaan ko ng mga nangyayari sa buhay ko ay sasabihan na niya ako ng mga ganito. Pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Alam kong concern lang sa akin si Charisse.

            "So, tomorrow kailangan mo ng pumasok sa office. Darating si Tom. You know Tom Hugswerth the chief editor here in Manila and he wants to meet everyone that is working with him. You need to dress nice, you need to look nice. Maarte ang isang iyon."

            "Kung hindi ako pumayag?"

            "Then find another job. Sorry, I cannot back you up here. My hands are tied regarding this matter." Seryosong sagot niya.

            Napahinga na lang ako ng malalim.

            "See you tomorrow." Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng call ni Charisse.

            Pahagis kong binitiwan ang telepono ko sa inis. Bakit pabigla-bigla naman ang ganitong changes? Kung hindi lang talaga maganda ang pasuweldo dito ay hindi naman talaga ako magtatagal.

            Dinampot ko ang tinapay ko at dumiretso ako sa kuwarto ni mommy. Kumatok ako at binuksan iyon at naabutan ko siyang nakahiga sa kama at nagse-cellphone. Tiningnan lang ako tapos ay muling itinutok ang pansin sa cellphone.

            "Mommy, I need to tell you something."

            Hindi siya kumibo. Alam kong inis pa rin siya dahil sa pag-uusap namin kanina.

            Lumapit pa ako sa kanya at naupo ako sa couch na malapit sa kama niya.

            "May nabago sa trabaho ko. Kailangan ko ng pumasok sa office simula bukas."

            "Anong nabago? Kahit naman nandito ka sa bahay, para ka din namang wala dahil maghapon kang nakakulong sa kuwarto mo at nakatutok sa laptop mo." Hindi pa rin ako tinitingnan ni mommy.

            "Alam mo naman na nagtatrabaho ako para sa kinabukasan ni Joshua."

            Binitiwan ni mommy ang hawak na telepono at humarap sa akin.

            "Nagtatrabaho ka nga pero nakikita mo ba ang paglaki ng anak mo? Kay, you keep on telling me that you are always present for your son pero hindi iyon nararamdaman ng anak mo. Lagi kang busy. Lagi kang nakaharap sa laptop mo. Tapos, konting atensyon, konting appreciation para sa mga nagawa niya hindi mo pa maibigay. You are physically present but mentally, wala ka dito."

            Napailing ako sa narinig na sinabi niya. Nagi-guilty ako dahil totoo ang sinasabi na iyon ng mommy ko.

            "Sana maintindiha mo naman ako, mommy."

            "Pilit kitang iniintindi, Kay. Alam kong mahirap mawalan ng asawa pero huwag naman sana dumating ang panahon na pati ang anak mo mawala din sa iyo. It is still not too late na bumawi. Nagkaka-isip ang anak mo."

            Napabuga ako ng hangin pero hindi na ako sumagot. Ayoko na lang na magtalo kami ng mommy ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sa kanila ng kapatid ko. Silang dalawa ang naging katuwang ko sa pag-recover ko sa pagkamatay ni Jeremy. Sila din ang tumulong sa akin para mapalaki ko si Joshua.

            "I am just going to ask a favor, mom. Nire-require na ako ng company ko na mag-report sa office every day. Para na akong nagtatrabaho talaga sa opisina pero alam kong pansamantala lang ito. I am just asking for you to take care of Joshua."

            Tumaas ang kilay ni mommy. "Pababayaan ko ba naman ang apo ko?"

            "I know na hindi mo siya pababayaan pero hinahabilin ko pa rin. Magsi-set pa rin naman ako ng rules sa kanya. Matalino naman si Joshua at alam kong susundin niya iyon."

            "Kung ako ang mag-aalaga sa apo ko, ako ang masusunod. If you don't like my rules, maghanap ka ng ibang mag-aalaga sa kanya." Matigas na sabi ni mommy.

            "Mommy naman-"

            "Lola ako and I am bound to break all your rules for your son. Lola ako at obligasyon kong i-spoil at ibigay ang lahat ng mga gusto ng apo ko. Kung gustong magpinta ni Joshua, ibibigay ko iyon sa kanya. Take it or leave it."

            Pakiramdam ko ay sumakit lang ang ulo ko sa nangyayaring ito.

            "Hindi ko maintindihan sa iyo kung bakit pilit mong pinipigil ang talento ng anak mo. Huwag mong hintayin na dahil sa kagagawan mo ay mag-rebelde iyan. Hindi dahil sa ikaw ang nanay, akala mo tama na lahat ang ginagawa mo para sa anak mo."

            Alam kong wala na akong masasabi pa kay mommy. Hindi na lang ako nakipagtalo. Kung gusto kong magtrabaho ay kailangan kong makisama sa kanya. Ayoko naman na ibang tao ang tumingin sa anak ko.

            Pasasaan ba at babalik din ang lahat sa normal.

            Palabas na lang ako sa kuwarto niya ng magsalita uli si mommy.

            "And puwede bang paki-dispose mo na ang mga kahon na nasa stockroom? Pitong taon ng nakatambak iyon doon and siguro naman wala ng gagamit ng mga gamit na nasa kahon. I need the space for my other things too."

            Tumingin ako kay mommy at nakatutok na uli ngayon ang tingin niya sa cellphone niya.

            Mga gamit ni Jeremy ang tinutukoy niya. Gusto kong magalit kay mommy. Alam naman niyang mahalaga ang mga gamit na iyon para sa akin. Pero alam ko kung ano ang ginagawa niya.

            Gusto na rin talaga niya akong mag-move on.

            "Sige, mommy. Sa weekend po."

            Tumango lang siya at iniwan ko na.

-------------------

Xavi's POV

            "You're ready?"

            Tiningnan ko ang babaeng katabi ko at kinuha ko ang baso na ibinigay niya sa akin may laman na whisky.

            Ininom ko ang laman ng baso at huminga ng malalim.

            "Yeah," maikling sagot ko at ngumiti sa kanya.

            Kinuha ng babae ang baso ko at iniabot sa dumaan na flight attendant.

            "Seven years, huh? Ang tagal. You didn't miss Philippines? I mean you didn't miss your family?" Umayos ng upo ang babae sa tabi ko at lalo pang dumikit sa akin.

            Ngumiti lang ako kay Sophie at ipinikit ko ang mga mata ko.

            Kung may dahilan nga lang talaga na huwag ng bumalik dito, hindi na ako babalik pa.

            "You know, travelling around the world is an additional promotion for your works. I mean, who doesn't know Xavi Costelo in Paris? Dapat, pati dito sa bansa mo ipakilala mo uli ang pangalan mo." Kumindat pa siya sa akin.

            "That's your job, Soph. Taga-paint lang ako."

            Hinawakan ni Sophie ang kamay ko at bahagya pang hinimas-himas ang braso ko.

            "And it's my job to keep you satisfied too." Ngumiti siya ng makahulugan sa akin.

            Natawa ako sa sinabi niya at napailing. The perks of having a pretty agent. Magaling si Sophie. Smart. Pretty, sexy at maraming connections. She helped me establish my name in Paris.

            "When are we going to make it official?"

            Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

            "Official? Saan?" Umayos ako ng upo at patay-malisya kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

            Umirap siya sa akin at humingi ng wine sa dumaang flight attendant.

            "Us. When are we going to make it official about us." Napailing pa ito.

            Napakamot ako ng ulo at ngumiti ng pilit.

            "You know I don't do commitments. I told you that from the very beginning."

            "But we've been like this like for how many years already. We fuck, we date, we're always together. Label na lang ang kulang sa atin."

            "I told you, you can date anyone. I am just not yet ready." Kinuha ko ang wine na iaabot ng flight attendant kay Sophie at ako ang uminom noon. "Saka hindi mo naman kino-correct ang mga tao kapag sinasabi nilang couple tayo. Karamihan ng mga kakilala mo akala may relasyon tayo."

            "Yes but iba pa rin 'yung official na galing aa iyo na in a relationship tayo. And I don't want to date anyone but you." Painis na umayos ng upo si Sophie. "You're thirty-four already, Xavi. And until now, takot ka pa rin sa commitment? Sino ba ang nanakit sa iyo at ganyan ka katigas?"

            Hindi ako sumagot at naisip ko si Kay pero mabilis ko din siyang inalis sa isip ko. I forgot her already. I won't allow her to enter my system again. And besides, sigurado naman ako na hindi na kami magkikita pa ng babae. Wala ng dahilan para magkita pa kami.

            Muling hinawakan ni Sophie ang kamay ko at dumikit sa akin. Ihinilig pa ang ulo sa balikat ko.

            "I am not pressuring you, Xavi. Fine if you're not yet ready. I'm still be here. Waiting." Ngumiti pa siya sa akin at narinig namin na nag-announce na ang piloto na magla-land na kami in a few minutes.

            Napabuga ako ng hangin at hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

            Maraming unresolved issues akong haharapin pagbalik ko dito. Kahit ayaw ko, kailangan ko ng harapin si mommy at si Uncle Guido. Si daddy, si ate Xandra. Ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay naghahanap ng paliwanag ko kung bakit pinili kong umalis at talikuran silang lahat.

            Dumungaw ako at nakita ko ang airport ng Manila.

Familiar place, familiar feeling and it's all coming back.

            Feelings ko na lang kay Kaydence ang hindi ko na magagawang ibalik pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top