CHAPTER THIRTY NINE - SAPPHIRE

"Painting is easy when you don't know how, but very difficult when you do." - Edgar Degas

--------------------

Kay's POV

Pakiramdam ko ay walang laman ang utak ko habang papunta kami sa office ni Tom.

Maraming sinasabi si Tom. Maraming tanong. Lalo na kung paano nakilala ng mommy ko si Xavi. Ayoko ng magkuwento. Wala ako sa mood magsabi kung anong nangyayari sa buhay lalo na nga ngayon na may nalaman akong talagang nagpabago ng pagkatao ko.

Ngayon ko na-realize ang lahat. Kung bakit naiinis ako kay Xavi sa tuwing magkakasama sila ni Jeremy. Kung bakit asiwa ako sa kanya at pilit akong umiiwas. Kung bakit sa tuwing magdidikit kami ni Xavi parang may familiarity. May tensiyon kaya ayokong makikita siya. Lahat iyon defense mechanism ko dahil ang totoo may something naman talaga. Pilit ko lang iniiwasan dahil nga may asawa ako at hindi ako puwedeng tumingin sa iba.

Naiinis ako noon dahil ang landi-landi ni Mahra sa kanya. Kahit umalis si Xavi at nangibang-bansa bihira akong magbukas ng article tungkol sa kanya dahil nakikita ko kung gaano siya kasaya at kasama ang iba't-ibang babae samantalang ako, pinili kong magpakalugmok sa pagkawala ni Jeremy tapos ngayon malalaman kong may ginawang ganito sa akin.

Sagrado ang kasal sa akin. Nangako kami ni Jeremy na sa hirap at ginhawa kami lang kaya iyon ang ginawa ko. Pero sa ginawa niya, hindi ko alam kung ano pa ang iisipin ko.

Parang hindi ko kayang patawarin si Jeremy dahil sa ginawa niya sa akin. Niloko niya ako. Ginamit pa niya si Xavi. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyon sa akin.

"Kay, are you okay?"

Naglalakad na kami noon papasok sa opisina ni Tom ng magtanong siya. Ayoko naman talagang pumasok dahil nawiwindang ako pero pakiramdam ko ay mas mawiwindang ako sa bahay kung ibuburo kong mag-isip.

"Okay lang." Matipid na sagot ko.

"Mukhang totally acquainted naman kayo ni Xavi Costelo. Are you okay to do the interview? Or I could assign someone to him. Parang hindi rin ako kumportable na ikaw ang mag-interview sa kanya."

Umiling lang ako.

"Okay lang ako na ang mag-interview kay Xavi. Anong oras siya darating dito?"

"He wants to do the interview in his place. I could accompany you. I wanted to kaya lang may meeting ako ng five pm." Bakas ang disappointment sa boses ni Tom.

"I'll be fine. Sige. Ire-ready ko lang ang mga questions." Iniwan ko na si Tom at dumiretso ako sa cubicle ko. Kahit parang luting ang isip ko ay pinilit kong makapagtrabaho. Pero sa isip ko ay nagagalit ako kay Jeremy. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko siya, tinalikuran ang lahat para sa kanya, nagtiis ako ng mahirap na buhay kasama siya at sa huli ito pa ang igaganti niya?
Marahan kong hinilot ang ulo ko at napabuga ng hangin. Kailangan naming magkausap ni Xavi. Pareho kaming nagulo ang mundo dahil sa pangyayaring ito.

Naubos ang oras ko sa paggawa ng mga questions para sa interview. Ibinigay ni Charisse sa akin ang address ng condo ni Xavi at pumunta na ako doon. Alam naman daw ni Xavi na darating ako. Wala na talaga siguro akong magagawa. Kahit anong iwas ko sa sitwasyon na ito, kailangan kong harapin at talagang kaming dalawa lang ni Xavi ang makakaayos sa problemang ito.

Habang papunta ako sa condo niya ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Paano ko ipapaliwanag kay Joshua na hindi si Jeremy ang tatay niya? Matatanggap ba ng anak ko na si Xavi ang totoo niyang tatay? Baka malito lang. Ngayon pa lang ako bumabawi kay Joshua tapos ganito pa talaga ang pangyayari.

Ano ang mangyayari sa amin ni Xavi? Paano kami magiging magulang kay Joshua? Hindi ko naman yata kayang ipahiram sa kanya ang anak ko. Biglang-bigla siyang darating tapos aangkin siya ng karapatan sa anak ko. Napangiwi ako. Pero wala naman akong magagawa doon. Karapatan nga talaga ni Xavi na makasama at makilala siya ng anak niya.

Pero paano nga kami? Magsasama ba kami bilang mag-asawa? Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. Naalala ko noon sabi ni Xavi mahal niya ako pero hindi ako naniwala dahil hindi ang katulad ko ang magugustuhan niya. Napaka-pangit ko kumpara sa mga naging babae niya at isa pa, bakit siya magtitiyaga sa may-asawa o biyuda kung makakakuha naman siya ng dalaga.

Pakiramdam ko ay maloloka na ako habang pasakay ng elevator papunta sa unit ni Xavi. Hindi ko maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako sa floor ng unit niya. Tumapat ako sa unit number at talagang chineck ko pang maige kung tama nga pinuntahan ko. Huminga ako ng malalim at pinindto ang buzzer.

Walang sagot pero naririnig kong parang may tao sa loob. Muli akong pumindot sa buzzer tapos ay kumatok ako pero wala pa ring sumasagot.

Sinubukan kong buksan ang pinto at hindi naman naka-lock. Naglakas-loob na akong pumasok.

At hindi ko malaman kung tatakbo ba ako palabas o mananatiling naroon dahil sa nakikita ko.

Gustuhin ko mang lumabas uli ay hindi ko magawa kasi pakiramdam ko ay pinako ang mga paa ko sa pagkakatayo doon at nakatingin lang kay Xavi habang may pinapapak itong babae na ang mga panloob ay nakakalat na sa lapag.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko, parang sasabog ang ulo ko at gusto kong magwala sa mga oras na ito.

Ito ba ang gustong maging ama sa anak ko?

Nakita kong marahang lumayo si Xavi sa babae na nakilala kong si Sophie dahil nakita niya ako doon.

"Kay," tanging nasabi niya. Tumingin din sa gawi ko si Sophie at halata ang pagka-irita ng makita ako. Hindi nga nahiya na na wala na siyang suot sa harap ko samantalang si Xavi ay nakasuot lang ng maong na pantalon.

"I-I think, babalik na lang ako. Nakaistorbo pa ako sa inyo." Gusto ko na talagang lumabas dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nagagalit dahil sa nakita ko.

"No. Aalis na rin naman si Sophie," tumingin siya sa babae at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.

"What? Anong aalis? Hindi ako aalis. If she wanted to go, fine. I-set 'nyo sa ibang araw ang interview 'nyo." Iritableng sagot ni Sophie. Dinampot nito ang trench coat na nasa sahig at isinuot iyon.

"I want to do the interview now. Can you please go?" Pakiusap ni Xavi kay Sophie.

"What the fuck, Xavier? Are you fucking with me? I am your agent and karapatan kong nandito at malaman kung ano ang pag-uusapan 'nyo. Wala ka naman inililihim sa akin 'di ba?" Padabog na naupo si Sophie sa sofa at umirap kay Xavi. Simangot na simangot ang mukha.

Napahinga ng malalim si Xavi at parang nahihiyang tumingin sa akin.

Napalunok ako at pinilit kong lumakad palapit sa kanila. Marahang kong ibinaba sa mesa na naroon ang mga bitbit ko.

"Okay lang ba sa iyo kung nandito siya kung may pag-uusapan tayong personal?" Kay Xavi na ako nakatingin. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Anong personal? This is an interview. Para sa magazine. Personal sinasabi mo diyan," Inirapan ako ni Sophie at dinukwang ang sigarilyong naroon sa mesa at nagsindi. Halatang ayaw umalis.

Napahinga ako ng malalim at humarap ako kay Xavi.

"Okay lang sa iyo na malaman niya?" Tanong ko pa.

Kumunot ang noo ni Xavi at parang nagtataka sa sinasabi ko.

"Ano ang dapat kong malaman?" Sabi pa ni Sophie. "Sa totoo lang, ayoko naman talaga sa iyo na ikaw ang mag-interview kay Xavi. Masyado ka lang na-build-up ni Tom. Knowing Tom, malamang ikaw lang ang flavor of the month. Huwag kang masyadong magpaka-bilib na gusto ka talaga niya. If he is done with you, after you have sex, iiwan ka rin niya."

Napa-hmm lang ako. "Ganoon ba? Thank you for the heads up." Tumingin ako kay Xavi. Naghahamon ang tingin ko. Wala ng atrasan itong gagawin ko. "What are your plans for our child?"

Napaubo bigla si Sophie sa narinig na sinabi ko. Nanlalaki ang mata na tumingin kay Xavi tapos ay sa akin tapos pilit naghahabol ng hininga. Nalunok nito ang usok ng sigarilyo na hinithit.

"Child? A-anong child? Xavi? Ano ang sinasabi ng luka-lukang ito?"

Nakita kong nakatingin lang sa akin si Xavi at hindi ko maintindihan kung nangingiti ba siya o naiinis o ano. Basta hindi ko maintindihan ang reaksyon ng mukha niya.

"Child. May anak kami. Hindi niya sinabi sa iyo?" Pinagmukha kong inosente ang mukha ko habang nakatingin kay Sophie.

"Xavi. What is this?" Napatayo na si Sophie dahil nanatiling nakatingin lang sa akin si Xavi.

"Can you please go for now, Sophie? I'll explain everything soon." Hindi inaalis ni Xavi ang pagkakatingin sa akin.

"Fuck you, Xavier! Ang tagal-tagal na nating magkasama tapos nakalimutan mong banggitin sa akin na may anak ka? Kaya ba hindi ka makapag-commit sa akin?" Tumingin ng masama sa akin si Sophie. "At ikaw?" Tumawa ito ng nakakaloko. "You're the mother?" Tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumingin kay Xavi. "Mukhang na-indespair ka kaya pinatulan mo ang babaeng ito."

"Another word Sophie and I will forget that you helped me in Paris. You don't talk to the mother of my child like that." Tiningnan ng masama ni Xavi si Sophie.

Painis na pinatay ng babae ang hawak na sigarilyo at padabog na tumayo.

"You are still crazy. Dapat talaga hindi na kita tinulungan. Dapat talaga pinabayaan na lang kitang mabulok sa apartment mo noon at gabi-gabing nag-iinom. I own you, Xavi. Kung wala ako, hindi ka makikilala sa art world!" Galit na galit si Sophie.

"Excuse me. My name has been in the art world even before I met you. You think I don't know how much commission you're getting from my works? Huge. You think I didn't know that you're selling reprints of my work? I didn't say a word, Soph. It was okay kahit na over-over na ang nakukuha mo. Kahit dinadaya mo na ako. But this time, I just want to fix my personal life and you are not included there. You are just my agent."

Nakita ko ang sakit na lumatay sa mukha ni Sophie sa sinabing iyon ni Xavi.

"Go fuck yourself, Xavi. Maghanap ka ng ibang agent mo. Akala mo naman sisikat ka pa. Fuck you and fuck your personal life." Padabog na umalis doon si Sophie at malakas na ibinalibag ang pinto.

Wala akong imik na nakatayo lang doon. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ni Xavi. Nakita kong dinampot niya ang tshirt niya isinuot iyon. Tapos ay dinampot niya ang panty at bra na nasa lapag din at itinapon sa basurahan.

"I am so sorry about that." Tanging sabi ni Xavi at napapailing dahil sa nangyari.

"Kung may kasama ka naman pala dito, bakit nagpa-schedule ka ng interview? Sana sinabihan mo kami para hindi ka na naistorbo," hindi ko malaman kung bakit nagagalit talaga ako ngayon. Parang gusto kong hilahin pabalik dito ang Sophie na iyon at kalbuhin.

"It won't happen again."

"Talagang hindi na mangyayari. Ganyan ba, Xavi? Gusto mong maging tatay sa anak ko tapos ganito? Paano kung makita iyon ni Joshua?"

Tumaas ang kilay niya sa akin.

"So, tanggap mo na talaga na ako ang tatay ni Joshua?"

Hindi ako nakasagot. "Hindi ko alam."

"Kasasabi mo lang. And you even told Sophie that we have a child. Ready ka na, na malaman ng lahat ang tungkol sa atin?" Lumapit si Xavi sa akin at napalunok ako sa ginawa niya. Hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko.

"Sabi mo magpa-paternity pa." Gusto ko ng tumakbo palayo kay Xavi. Ngayong alam ko na, na siya ang nakasiping ko ng gabing iyon, pakiramdam ko ay natetensiyon na ako. Nararamdaman ko ang ang tensyon na sinasabi ni Xavi na nararamdaman niya sa tuwing magdidikit kami noon.

"You think kailangan pa ng paternity? Kasasabi mo nga lang. Our child. Hindi ka pa ba naniniwala na anak ko si Joshua? Buhok pa lang ng anak mo, alam kong akin na." Lalo siyang humakbang palapit sa akin.

Napalunok ako kaya umatras pa ako. Parang gusto na ring tumakbo palabas tulad ng ginawa ni Sophie.

"A-ano ngayon ang balak mo? Paano nating paghahatian si Joshua?"

Napangiti si Xavi sa sinabi ko.

"Paghahatian? Bakit kailangang paghatian if we can be a parent to him together. Siguro naman, nakatapos ka na ng babang luksa. Seven years? That's too much." Humakbang pa palapit sa akin si Xavi at wala na akong aatrasan dahil nasukol na ako sa mesa. Ang lapit-lapit na ni Xavi sa akin. Parang hindi na ako makahinga sa lapit ng mukha niya sa akin.

"What you need to do right now is to become a parent to Joshua by marrying me."

At bago pa ako nakapagsalita, hinawakan ni Xavi ang mukha ko at mabilis na inangkin ang mga labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top