CHAPTER THIRTY FIVE - INDIGO
"Creative people don't have a mess. They have ideas lying around everywhere." - Unknown
----------
Xavi's POV
"Oh my God, Xavi!"
Natataranta ang boses ni Sophie ng makitang nagdudugo ang kamay ko gawa ng pagkakabasag ng hawak kong wine glass. Tiningnan ko iyon at marami ngang dugo. May mga piraso pa ng bubog na naka-tusok sa palad ko. This is bad. This is my dominant hand, and this is the one that I am using for painting. Naka-insured nga ito dahil ito ang pinagkakakitaan ko. Kaya hindi na ako nagtataka kay Sophie kung mataranta man siya ng ganito. Nagkagulo na rin ang mga tao dahil nga sa dugong nanggagaling sa kamay ko.
"What happened?" Hindi malaman ni Sophie ang gagawin niya.
"It's nothing." Tanging sagot ko at nanatiling nakatingin sa gawi nila Kaydence. Nakatingin din siya sa gawi namin at nakita kong lumayo si Tom sa babae at lumapit sa amin. Better. I think Kaydence doesn't like Tom being around with her.
"What happened, Xavi?" Alam kong nakainom si Tom pero mukhang normal pa rin naman siya.
"This is nothing. The wine glass just slipped my hand," Sagot ko at kinuha ko ang tissue na iniabot ng waiter sa akin at pinunasan ko ang mga dugo na nasa kamay.
"Anong nothing? Look at your hand. Paano kung may grabe pang mangyari diyan? That is your hand. You used that hand for painting. How can you paint if your hand is injured? We need to go to a hospital." Hindi na malaman ni Sophie ang gagawin niya.
"This is okay."
"I think Sophie was right. The doctor needs to check on that. I can drive you." Sabi ni Tom.
Agad akong tumango sa sinabing iyon ni Tom. At least he has a reason to stay away from Kaydence.
"Good. I think I cannot drive with hand injured." Para akong nakahinga ng maluwag noon. At least hindi na si Tom ang maghahatid kay Kaydence pag-uwi. May dahilan si Kay na mag-grab na lang at tingin ko mas safe siya na hindi kasama si Tom.
Diretso kami sa ER nila Sophie. Agad na tiningnan ang sugat ko sa kama. Minor injury lang naman. Hindi naman kailangan ng stitches pero gusto ni Sophie ng thorough check up kung talagang walang malalang epekto ang mga sugat sa kamay. She was protecting her investment too. Sinasabi nga ni Tom na bumalik pa kami uli sa event pero tumanggi na ako. Hindi ko na kayang kasama pa sila. Gusto kong umuwi na lang at magpahinga.
Pinabayaan ko si Sophie na bumalik doon kasama si Tom. She must do some damage control because of what happened. She needed to explain why I had to go early. Kaya naman iyon ni Sophie. Trabaho niya iyon. Ilang beses na ba niyang ginagawa iyon? Bago kami magkakilala ni Sophie, I was a messed-up artist in Paris. Always drunk attending exhibits, a total loser. I had a hard time coping up because of the heartbreak. Many agents turned me down because of my anger issues. Kahit magaling ako, hindi naman nila makaya ang attitude ko. Si Sophie lang ang nagtiyaga sa akin. She was taking much of her commission, but it doesn't matter. Naima-market naman niya ang mga gawa ko kaya okay lang. But one day, I realized ako lang din ang talo kung magpapakalunod ako sa sakit na nararamdaman ko. Ako na mismo sa sarili ko ang nagsabi na kailangan kong mag-move on. Walang mangyayari sa buhay ko kung pipilitin kong mabuhay sa sakit na dulot ni Kaydence. Unrequited love is always a fucked up one. At mas lalong fucked up dahil siya na mismo ang ayaw mag-move on sa namatay niyang asawa.
I was okay for so many years. I am successful, I am contented, I am happy. That's what I thought. But seeing Kaydence again, the pain, the heartbreak, it's all coming back, and I don't want to feel it anymore. I had enough.
Pabagsak akong nahiga sa sofa na naroon. Hindi naman ako lasing pero sumasakit ang ulo ko. Naririndi ako kahit na nga mahinang tunog lang ng music ang nanggagaling sa speaker na naroon. Pinakinggan ko ang tumutunog na kanta.
Can't take my eyes off you.
Napangiwi ako at dinampot ko ang isang basyo ng bote ng beer na nakapatong malapit sa akin at binato ko ang speaker. Basag ang bote. Namatay ang speaker.
Napahinga ako ng malalim at pumikit.
I had enough. I won't let Kaydence to hurt me again.
-------------
Buzzing sound ang nagpagising sa akin. Saan ba nanggagaling iyon?
Malalakas na katok naman tapos buzz ulit. Sa pinto galing ang ingay.
Bumangon at ako at binuksan iyon at tuloy-tuloy na pumasok si Sophie.
"Ang aga mo." Napakamot ako ng ulo habang isinara ang pinto.
"Maaga? It's past nine already. May show and tell ka ng eleven 'di ba?" Paalala niya.
Marahan kong hinilot ang ulo ko. "Sa school?"
"Yeah, sa school and you need to be there. You cannot ditch this, Xavi. The kids are expecting you to be there." Tinungo ni Sophie ang kusina ko at nagtimpla ng kape. Just what she always did in Paris. Iniabot niya iyon sa akin. "May hangover ka ba? Hindi ka naman masyadong uminom kagabi 'di ba?"
"Jet lag maybe. Wala pa akong pahinga." Kinuha ko ang kape at ininom iyon.
"You're in demand what can I do? Sabi nga, strike while the iron is still hot. Fix yourself para makaalis na tayo. And how's your hand?" Kinuha niya ang nakabenda kong kamay ko at tiningnan iyon. "Masakit ba?"
Umiling ako. "I'll live." Iniwan ko na siya at tinungo ko ang banyo.
Tinanggal ko ang pagkakabenda ng kamay ko at napangiwi ako sa dami ng sugat doon. Gusto kong murahin ang sarili ko. Napakagago ko din para durugin ang wine glass na iyon sa kamay ko. Pero kahit ako ay nagulat din ng mangyari iyon. Naalala ko kasi ang pagdidikit ni Kaydence at ni Tom. Inis akong napamura. Mabilis ko silang inalis sa isip ko. Binuksan ko ang shower pinabayaan kong ibabad ang sarili ko sa tapat ng tubig. I needed to clear my mind.
Napakaraming sinasabi ni Sophie habang bumibiyahe kami papunta sa school. Ikinukuwento niya kung ano pa ang nangyari kagabi. Proud siya at successful ang event ni Tom. Napaparolyo ang mata ko sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng lalaki. Mukha namang magaling si Tom, matalino pero hindi ko siya gusto. Mayabang siya.
Agad kaming sinalubong ng principal ng school. Naalala ko na siya. Si Mrs. Guerra. Teacher ko na madalas makunsumi sa akin noon sa grade school dahil sa tigas ng ulo ko. Hindi kasi ako nakikinig sa kanya. Madalas lagi lang akong nasa likod ng classroom at hindi nakikinig sa mga lectures. Drawing lang ako ng drawing.
Pero ngayon, kitang-kita ko kung gaano siya ka-proud sa akin. Ipinakilala ako sa lahat ng faculty, sa ibang mga parents na naroon din. Dumiretso kami sa isang room na maraming bata. Aged around six to twelve. Lahat sila ay excited na may mga bitbit na mga drawings nila at gustong ipakita sa akin. Sa harap ay naroon ang isang table, may ilang mga art materials. Ipinakilala ako doon na once din akong naging student ng school and kung paano ako naging successful. I know kids won't understand it but I could see to their faces that they are really amazed to me especially when I started to paint on the canvass.
Panay wow ang naririnig ko. Lahat ng bata ay nanlalaki ang mata kung paano ako nakagawa ng magandang painting na walang pinagko-kopyahan at mula sa mga ordinaryong art materials na ito. Lahat ay lumalapit sa akin. Ipinagmamalaki ang mga gawa din nila. Pero ang nakapukaw ng pansin ko ay ang isang batang nanatiling nakaupo lang sa likod. Hindi man lang ito nakigulo sa mga kasama niya. Tahimik lang na nakayuko doon at hawak ang isang canvass. Hindi siya tumatayo. Parang nahihiya pa nga.
Tinawag ko si Mrs. Guerra at tinanong kung sino ang batang iyon.
"Si Joshua 'yan. Napakagaling na bata. Seven pa lang pero napakahusay na ng kamay. Parang ikaw noong maliit ka."
"Bakit siya ganyan? Wala ba siyang drawing na dala?" Tumingin uli ako sa bata at ngayon ay nagkukuyakoy lang ito sa inuupuan habang yakap pa rin ang maliit na canvass.
Napahinga ng malalim ang principal at tumingin din sa bata.
"Nahihiyang ipakita ang gawa niya. Ang totoo kasi, ayaw ng mommy niya na ganito. Lagi nga namin iyan isinasali sa mga art contest here and in other schools pero hindi pumapayag 'yung nanay. Hindi ko alam kung bakit. Magaling naman talaga. Nasasayangan ako sa talento. Mabuti nga ngayon nakapagdala ng gawa niya."
"Really?" Parang nakaramdam ako ng inis sa magulang ng bata. Siguro kasi ganoon din ang nararamdaman ko noong maliit pa ako. Walang appreciation akong nakuha kay daddy kaya habang lumalaki ako, nahihiya akong ipakita ang mga drawings at paintings ko. Tingin ko nga talaga sa bata ay ako noong maliit pa. Ganitong-ganito ang itsura ko noon. Mahiyain, payat and with brown curly hair kahit maikli ang buhok niya.
Tumayo ako at lumapit sa bata. Nakita kong parang natakot pa siya ng lumapit ako at lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa canvass niya.
"Hi, kid. What's your name?" Humila ako ng isang upuan at tumabi sa kanya.
Alanganin siyang tumingin sa akin tapos ay sa principal. Sumagot lang ito ng makitang tumango ang teacher sa kanya.
"Joshua." Lalo itong yumuko para itago ang mukha.
Gusto kong magmura. Ganitong-ganito ang epekto sa bata kapag talaga sa bahay pa lang ay wala ng makuhang suporta. Nawawala ang self-confidence.
"Mrs. Guerra told me that you are a good artist. Like me. Can you show it to me?"
Umiling lang ito.
"It's okay to show your work to everyone. Tell the world how good you are."
"My mom would get mad." Nahihiyang tumingin siya sa akin tapos ay yumuko uli.
Kumunot ang noo ko. "Why would she get mad? You have a talent. Is that your painting? Can you show it to me?"
Muli siyang tumingin sa akin at umiling.
"Come on, Joshua. Your mommy is not here, and I won't tell her that you show your work to us." Gusto kong matawa sa sarili ko. Wala akong katiyaga-tiyagang mang-uto ng mga bata pero ang isang ito, parang ayokong mag-give up. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya noon.
Alanganing tumingin sa akin ang bata at sa principal.
"Go ahead, Joshua. Show him your work." Nakangiting sabi ng principal.
"But mom would be-"
"Don't worry about your mom. We won't tell a thing." Pinaparamdam ko sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala.
Dahan-dahang lumawag ang pagkakahawak niya sa canvass na hawak at iniabot sa akin.
Agad na nawala ang ngiti ko ng makita ko ang makulay na painting sa canvass. The striking colors, the rendering of the image parang hindi gawa ng isang seven years old. Puwede nga itong ihilera sa mga gawa ko.
Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mukha ng nakapinta doon. Bakit mukha ni Kaydence ang nandito?
"W-who is this?" Napalunok pa ako habang nakatitig sa mukha ng bata.
"She's my mommy." Nakatingin din sa akin si Joshua.
Hindi ko maintindihan ang biglang kabog ng dibdib na naramdaman ko at hindi ko maialis ang tingin ko sa mukha ni Joshua.
--------------------
Kay's POV
"Ang sakit ng ulo ko." Naupo sa harap ng table ko si Charisse at sumubsob doon.
"Madami ka yatang nainom." Komento ko at itinutok ang pansin sa kaharap kong laptop.
"Dami nga. Iba-iba pa. Ikaw? Hindi ka ba nalasing?"
Umiling lang ako habang nagpapatuloy sa pagta-type sa laptop.
"Tinawagan ka na ni Tom?"
Tinapunan ko siya ng tingin.
"Bakit naman ako tatawagan ni Tom?" Ano na nga ba ang nangyari doon pagkatapos na masugatan si Xavi? Kita kong nataranta silang lahat kasi ang famous painter na si Xavier Costelo ay nasugatan sa event.
"Ewan ko. Bumalik sa event kagabi tapos hinahanap ka. Bakit daw umuwi ka agad? Sabay daw dapat kayong uuwi." Nilaro-laro nito ang mga ballpens sa table ko.
"Tingin ko diyan sa boss mo ay walang magawa." Iyon na lang ang nasabi ko.
"Mukhang type ka nga. Ayaw mo? Guwapo si Tom." Tonong nanunukso pa si Charisse.
"Sa iyo na lang." Muli kong itinutok ang pansin ko sa ginagawa ko.
"Corny mo. Ang tagal mo ng biyuda. Wala ka man lang naging boyfriend?"
"Hindi ko kailangan ang mga lalaki sa buhay. May nag-iisang lalaki sa buhay ko ngayon at iyon ang anak ko. Masaya na ako doon." Nagpatuloy ako sa ginagawa.
"Pero siyempre iba naman ang boyfriend 'no. Saka hindi na magagalit ang asawa mo kung magkaroon ka ng bago. Seven years na siyang dead and baka naman pati 'yang-," inginuso niya ang bandang ibaba ko. "Baka pati 'yang kuweba mo dead na rin."
Natawa lang ako sa sinabi ni Charisse.
"Bakit ka natawa? Bakit? Active ba 'yan?" Kunwa ay nanlalaki ang mata ni Charisse. "Legend ka kung wala kang boyfriend pero active 'yan."
"Gaga, hindi. Ano ka ba? Wala na sa isip ko iyon. Ayoko ng sumakit ang ulo ko." Sumeryoso ako at napahinga ng malalim.
"Sige, hindi mo type si Tom? 'Yung madungis pero hot na painter na si Xavi. Siguro iyon ang type mo?" Nanunuksong sabi ni Charisse.
Sumimangot ang mukha ko. "Lalong ayoko doon."
"Ha? Bakit? He is hot. I mean, totally hot. His personality is so strong. Kaya nga parang pandikit na 'yung babaeng kasama niya kagabi. Si Sophie." Umirap pa si Charisse.
"'Yung girlfriend niya?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi naman ako interesado kung anuman niya ang babaeng iyon. Alam ko naman na maraming babae si Xavi kaya nga hindi ako maniwala sa kanya ng sabihin niyang gusto niya ako. Tingin ko noon, nagti-trip lang siya at ako ang naisip niyang pagtripan.
"Hindi, ah. Hindi sila couple. Well, I think the girl is assuming na couple sila pero according to Tom, agent lang ni Xavi si Sophie. Agent slash fuck buddy. Uso naman iyon," kumumpas pa si Charisse sa hangin.
Hindi na ako nagulat. Ganoon naman talaga si Xavi. He can get all the woman that he wanted at nakasama pa ako doon.
Inis kong isinara ang laptop ko ng maalala na naman ang nangyari sa amin.
"Bakit?" Taka ni Charisse.
"Nawala na ako sa focus magtrabaho. Dapat talaga sa bahay na lang ako. Mas maayos pa akong makaka-trabaho doon. Walang istorbong katulad mo."
Kunwari ay sinamaan ako ng tingin ni Charisse. "Sobra ka, ha? Ako na nga lang ang friend mo inaaway mo pa ako. Pero, may napansin lang ako kagabi. Hindi ba kayo magkakilala ni Xavi?"
Sunod-sunod ang iling ko. Ayokong may makaalam na may nakaraan kami ni Xavi.
"Bakit ba tanong ka ng tanong tungkol kay Xavi?"
"Wala lang. Para lang kasing iba 'yung tension between sa inyong dalawa. Alam kong hindi ka sanay humarap sa mga tao pero-," saglit akong tiningnan ni Charisse. "parang may something."
"Nag-i-imagine ka na naman. Well, siguro na-meet ko na siya kasi pamangkin siya gn dati kong boss. Pero iyon lang. Walang something."
"Okay. Sabi mo." Tumayo na si Charisse at tinungo ang pinto pero muli ding bumalik ng parang may naalala. "Sabi nga pala ni Tom, isasama ka daw niya sa isang meeting mamaya."
"Saan?"
Nagkibit-balikat si Charisse. "I don't know. And he said, dress well."
"Pati damit? Ano ba ako dito Charisse? Contributor lang ako 'di ba? Bakit feeling ko sekretarya na niya ako?" Hindi ko na napigil ang hindi mainis.
"You're not my secretary. I have one already. I want you to be my date. Dress well later. I think this one will fit you. We'll leave at four."
Nanlaki ang mata ko ng biglang magsalita si Tom habang papasok sa cubicle ko at inilapag ang isang paper bag sa table ko at umalis din agad. Tinungo ang sarili nitong opisina at nagkulong doon.
Grabe ang kaba na naramdaman ko at napatingin ako kay Charisse na tatawa-tawa.
"Tom doesn't take no for an answer. I suggest, mag-ready ka na. May salon sa baba." Lalong lumakas ang tawa ni Charisse habang palayo sa akin.
Parang nanghihinang napaupo ako. Inis kong dinampot ang paper bag at sinilip iyon tapos ay inis na binitiwan din. Sumakit na ang ulo ko sa pagbalik ni Xavi, tingin ko pati din dito sa boss ko ay bibigyan din ako ng sakit ng ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top