CHAPTER THIRTEEN - THULIAN
"Without art, the crudeness of reality would make the world unbearable." - George Bernard Shaw
----------------
Xavi's POV
I tried hard to paint after Geneva and I had sex the other night. She insisted on me that I try to paint her since nagawa ko na naman iyon noon. I used her as my subject when I had my exhibit in Japan two years ago and it was successful. Nabanggit ko kasi sa kanya ang dilemma ko about finding a model for my exhibit and she gave me a very nice sex experience. Baka sakaling makatulong daw na bumalik ang drive ko sa pagpipinta.
But just like before, I couldn't even start to paint her while she was tired posing in front of me. Ilang oras din iyon na pinipilit ko siyang ipinta pero sa tuwing ipapahid ko ang mga pintura sa canvass, mukha lang ni Kaydence ang automatic kong nagagawa.
Napahinga ako ng malalim habang nanatiling nakahiga sa kama. Tumingin ako sa relo at pasado alas-nuebe na. Iniisip ko kung papasok ako ngayon. Parang wala din ako sa mood pumasok. Parang gusto kong maghapon na magbabad na lang dito sa kuwarto ko at magmuni-muni kung anong nangyayari sa buhay ko.
Feeling ko unti-unti akong nagsi-sink in sa isang shit hole. I am getting drowned with this feeling na first time ko lang naramdaman. My mind was filled with thoughts about Jer and Kaydence. Ano kayang nangyari sa anniversary celebration nila?
Kinapa ko ang sigarilyo sa bedside table ko at nagsindi habang nanatiling nakahiga. Nakatitig lang ako sa kisame habang patuloy sa paghithit-buga ng usok. I can't forget Kaydence when I saw her the last time. Ang ganda-ganda niya sa suot na damit. Ang ganda-ganda niya sa pagkakaayos niya. Simple and yet lustful. Napangiti ako. Sabi ko na. Kahit kailan, hindi pa ako sumablay sa pagpili ng magiging model ko. Kahit walang ayos noon si Kaydence, alam kong mayroon pa siyang igaganda and I saw it already. I found a beauty behind those ugly glasses and worn out clothes that she was wearing. Ayusin lang talaga, tatalunin niya ang mga high paid models and actresses na naipinta ko na.
Patuloy ako sa paninigarilyo habang umunan ako sa isang braso ko. Iniisip ko pa rin talaga kung ano ang nangyari doon sa mag-asawa. Gusto kong matawa sa sarili ko. This is the first time na talagang nagka-interes ako ng ganito sa babae. Curious lang ako kay Kaydence noong una. Curious dahil siya pa lang ang unang babaeng tumanggi sa akin. Then the curiosity became a challenge. Na-challenge ako dahil hindi ko matanggap na tinanggihan niya ako. But this time, I think I really wanted to know her more. Sa mga ikinukuwento ni Jeremy tungkol sa kanya, sa nakikita kong sakripisyo at pagmamahal niya sa asawa niya, the way she was looking at Jeremy with full of love, I think this time, she already got me.
"Shit," mahina akong napamura at pinatay ang sigarilyo sa ashtray na nasa tabi ko. Inis akong bumangon at ipinusod ang mahaba kong buhok. Ini-on ko ang Bose Soundbar na naka-mount sa dingding ng silid ko. Ikinonekta ko sa telepono ko at naghanap ako ng mapapatugtog para mawala ang kung ano-anong pumapasok sa utak ko. I found in my playlist the songs of Frankie Valli. Napangiti ako. Favorite ito ni Uncle Guido. He was the one who introduced me to this great singer.
Search ako ng mga kanta ng singer. Iniisip ko kung ano nga 'yung favorite song ni Uncle Guido. Hanggang sa nakita ko. Can't take my eyes off you. I smiled and played the song then I hit the showers.
I was humming when the song was playing. I've heard this song a couple of times. Walang bearing sa akin. The beat is good, the melody is nice. The trumpet solo part was catchy.
But now I've realized when someone has some unresolved feelings, everything was becoming personal. The song became something sentimental to me somehow. Ilang beses ko ng napakinggan at hindi iniintindi ang lyrics pero ngayon, every word of the song was like shouting at me.
You're just too good to be true
I can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
I can't be like this. I can't feel anything for a married woman. Sabi nga ni Jet, maraming babaeng walang sabit kaya bakit magtitiyaga ako sa babaeng pag-aari na ng iba? But still, I can't take off my eyes from her every time I sees her. I am listening to Jeremy every time he was telling me anything about his wife.
Pardon the way that I stare
There's nothing else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that is real
You're just too good to be true
I can't take my eyes off you
Natawa ako habang pinapakinggan ang kanta. I am fucking stupid for listening to this song. Uncle Guido must really a lovesick for having this song as his favorite one. The lyrics was a god damn mess. Imposibleng ma-inlove ako kay Kaydence. This is not love. This is just infatuation. A challenge on myself. Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili ko.
I love you baby
And if it's quite all right
I need you baby
To warm the lonely nights
I love you baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down I pray
Oh pretty baby
Now that I've found you stay
And let me love you, baby
Let me love you
"Fuck!" Inis akong lumabas ng banyo at kahit tumutulo ang tubig mula sa katawan ko at wala akong kahit na anong saplot ay pinatay ko ang kantang iyon. I hate that song. Namili ako ng ibang kanta. I looked for Rage Against the Machine. Looked for their song Bulls on Parade and played it. The rock and heavy song filled my room. Bumabayo ang lakas ng bass and drums. Parang mababasag ang speakers sa lakas. Nagba-vibrate ang ibang gamit. Napangiti ako. And this song is what I really need. I need something or someone who could remove those thoughts of Kaydence in my head.
-------
Lunch time na ako dumating sa opisina. People were busy doing their thing. Hindi ko na nga dinaanan si Jeremy sa table niya. Ayoko na muna siyang makita o makausap dahil ayokong makarinig ng kahit na anong nangyari tungkol sa date nila. Okay na akong nakita ko silang masaya at nag-enjoy ng gabing iyon. Maybe the anniversary sex was hot too. Naisip ko ang mag-asawa na nasa intimate na posisyon sa kama at pumikit ako at huminga ng malalim. Nag-isip ako ng iba para mawala lang ang imahe ng iyon. What the fuck is wrong with me? Nagiging obsessed na yata ako sa buhay mag-asawa ni Jeremy at Kaydence.
Pabagsak akong naupo sa swivel chair ng makarating ako sa office ko. Hindi ko pinansin ang mga reports na nasa mesa. May nakita lang akong note doon na darating daw ang daddy ko next week. Ang isang buwan dapat na stay out of the country ay mapuputol dahil may problema daw na nakita dito sa opisina. Tumaas ang kilay ko at itinapon ko sa basurahan ang note na nakita ko. Ngayon lang napansin ni daddy na may problema dito sa negosyo niya? Sobrang magkaiba talaga sila ni Uncle Guido. Ang mga problemang nakikita ko dito sa kumpanya ni daddy, never na makakaligtas kay Uncle.
I opened my laptop and checked my emails. Napangiwi ako ng makita ko ang sunod-sunod na emails ng organizer ng upcoming exhibit ko. They were asking for my paintings already. At ano ang ipapadala ko sa kanila? Wala pa nga akong nauumpisahan kahit isa.
Tumingin ako sa pinto dahil may kumatok doon. Nakangiting mukha ni Jeremy ang nakita ko.
"Good day, Sir. Puwedeng pumasok?" Alanganing tanong nito.
"Oo naman. Halika. Pasok ka," pinilit kong ngumiti kay Jeremy kasi sa totoo lang, nakakahawa ang positive vibes na dala niya. 'Yung mga ngiti ni Jeremy alam kong genuine. Walang halong kaplastikan. Totoong tao lang. Pumasok siya at lumapit sa mesa ko at may inilapag na isang microwavable container na may laman na kung ano.
"Nagluto kasi si Kay ng spaghetti at pinabaunan ako. Sabi ko dagdagan at may pagbibigyan ako. Hindi naman espesyal 'to, Sir. Nahihiya nga ako baka hindi mo magustuhan pero subukan ko na rin. Pa-thank you lang sa anniversary gift mo sa aming mag-asawa."
"Hindi ka na sana nag-abala. Okay lang naman kahit walang ganito." Sagot ko at nakatingin sa container na may pasta at naka-ibabaw na spaghetti sauce. Halatang lutong-bahay.
"Bahala ka na, Sir kung kakainin mo o kung itatapon mo. Alam ko naman hindi ka sanay kumain ng mga ganyan. Spaghetti ng mahirap. Pero hindi naman puro ketchup 'yan. Masarap magluto si Kay. Saka Sir, nag-enjoy kami ni Kay sa experience na iyon sa hotel. Nakakatawa nga, takot na takot siya kasi baka daw makulong kami dahil wala kaming pambayad doon. And 'yung bracelet, nagustuhan niya. Nagalit noong una kasi mahal daw iyon pero tinanggap din." Napapangiti pa si Jeremy habang nagkukuwento.
"That is good to hear, Jer. At least, nag-enjoy at nakapag-unwind kayong mag-asawa. And, I am glad that I made other people happy. Deserve mo naman kasi iyon. Kayo ng asawa mo," hindi ko maintindihan kung bakit parang kinurot ang dibdib ko sa pagkakasabi ko ng salitang asawa kay Jer.
Ngumiti din siya. Parang hindi matatapos ang pasasalamat niya sa akin.
"Try the spaghetti, Sir. Hindi alam ni Kay na ibibigay ko iyan sa iyo." Akmang aalis na si Jer pagkasabi noon pero muling bumalik sa harap ko. "Sir, puwede ba akong magpunta sa stock room? Discreet naman ang gagawin kong pagpunta doon. May gusto lang akong i-verify. Mukhang nahahanap ko na kasi ang paper trail ng mga discrepancies sa audit." Seryoso na ngayon ang mukha ni Jeremy.
"Jer, kung ito ay makaka-apekto sa iyo, huwag mo ng ituloy. I could find someone to do this for you. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa stock room. People might suspect that you are digging into something and we don't want that to happen. Baka makahalata ang gumagawa niyan at biglang tumakas ng hindi natin alam." Ang totoo, nag-aalala ako sa baka kung ano ang matuklasan pa ni Jeremy at pati siya ay madamay. Sa tingin ko kasi, hindi basta-basta ang taong gumagawa ng ito sa opisina.
"Huwag kang mag-alala, Sir. I will be discreet. Walang makakaalam nito. Ikaw lang. Gusto ko rin talagang malaman kung saan napupunta ang nawawalang pera. Ang laki, Sir. Sa totoo lang, gusto ko na talagang dumiretso sa audit at ipakita ito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ito nakikita o sinasadya lang na hindi tingnan." Alam kong may ibig siyang sabihin doon.
Napahinga ako ng malalim.
"Ikaw ang bahala. But if you think there is a threat, you immediately stop. Okay?" Paalala ko sa kanya.
Tumango si Jeremy at muling ngumiti sa akin. "Thank you ulit, Sir sa gift. Alam kong sobra-sobra iyon pero napasaya mo ng sobra si Kaydence." Iyon lang at tumalikod na si Jeremy sa akin at gamit ang saklay ay tuluyan ng lumabas.
Wala na si Jeremy pero nanatili akong nakasunod sa dinaanan niya. Napangiti din ako dahil sa sinabi niya.
Napasaya mo ng sobra si Kaydence.
At least I made her happy in some way. Napatingin ako sa iniwan niyang spaghetti. Kinuha ko iyon. Mainit pa. Mukhang nainit na sa microwave. Binuksan ko at umusok pa ng konti. Umalingasaw ang amoy ng spaghetti sauce. I don't see anything special with this spaghetti. May mga budbod lang ng herbs sa ibabaw. But in fairness, kahit na lutong bahay ito, mukhang maayos pa rin ang pagkakaluto. Mukhang masarap kainin.
The truth, I don't like spaghetti. I don't like pasta at all but of course I tasted some in places that I went especially in Italy. But I'll make an exemption on this. I took the fork and started to mix the spaghetti. I smelled it before I put some in my mouth.
There was nothing special in it. Tama si Jer. Lutong-bahay. But the thought that someone prepared this with love, that's the special flavor that I am tasting right now.
I didn't munch on it yet. I tasted it first and smiled bitterly then looked at the door again where Jeremy went.
This time, I could feel that I really envy Jeremy.
He got the perfect wife.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top