CHAPTER TEN - MULBERRY

"A true artist is not one who is inspired, but one who inspire others." - Salvador Dali

------------------

Xavi's POV

Kahit nakainom ako ng nagdaang gabi ay pinilit ko pa ring pumasok ng maaga sa trabaho. Gusto ko ding malaman kung nakapasok si Jeremy dahil alam kong nalasing siya kagabi. I could still remember the horror on Kaydence's face when she saw me brought his drunk husband last night. She was afraid that I might be using Jeremy to get even to her because of her rejection to me.

Oo. Noong una, iyon ang plano ko. Gusto ko siyang balikan dahil talagang hindi matanggap ng ego ko na tinanggihan niya ang katulad ko. Pero ng makilala ko si Jeremy, ibang klaseng tao ang lalaking iyon. Madaming ipinapa-realize si Jeremy sa akin. Kung gaano ako kasuwerte dahil kumpleto ang katawan ko, suwerte ako at maayos ang buhay ko na ang tanging problema ko lang ay ang misunderstanding namin ni dad at kung paano ako magkakaroon ng bagong model sa upcoming exhibit ko. Ang babaw na dahilan na talagang pinoproblema ko ng sobra. Samantalang siya, parang pasan na niya ang daigdig pero siya, patuloy siyang lumalaban at nagpapatuloy para sa asawa niya.

Suwerte si Jeremy. Nagkaroon lang siya ng diprensiya at hikahos sa buhay and yet someone was still loving him unconditionally. Samantalang ako, siguro kung malulumpo ako ngayon mawawala ang lahat ng mga babaeng umaaligid sa akin. Mawawala ako sa limelight. Walang mag-iintindi sa akin. I'll be sulking in one corner of my room alone or worst, I might die alone and lonely.

Dumiretso ako sa table ni Jeremy at nakita ko na siyang nakaupo doon at nagta-trabaho na. Tulad ng madatnan ko siya doon kagabi. Kaharap na ang mga trabaho na dapat niyang tapusin. Wala sa itsura niya na kagabi lang ay langong-lango ko siyang inihatid pauwi sa bahay nila.

"Jer." Bati ko ng makalapit sa kanya.

Nahihiyang ngumiti siya sa akin at napakamot ng ulo.

"Sir," naiiling siya at napayuko bago tumingin sa akin. "Pasensiya na kagabi. Nalasing ako. Sabi ko naman sa inyo hindi talaga ako sanay uminom."

Tumawa na lang ako. "Pinagalitan ka ba ng asawa mo?"

"Hindi naman. Konti lang. Nakakahiya lang daw at boss ko pa ang naghatid sa akin pauwi. Inasikaso pa niya ako kagabi kasi talagang blackout na ako. Hindi ko na uulitin iyon."

Napatango lang ako at nakatingin sa kanya. Sa akin, wala pang babae ang nag-asikaso sa tuwing malalasing ako. Malalasing ako ng sobra, susuka, matutulog ng amoy alak at paggising ko, ganoon pa rin ako. Ako pa rin ang mag-iintindi sa sarili ko.

"Sana sinabi mo na minsan lang naman iyon. Nag-unwind ka lang. Nga pala, i-forward mo sa akin ang lahat ng reports na ipinakita mo sa akin kagabi para mas mapag-aralan ko. And please don't tell this to anyone."

Tumango si Jeremy sa akin at nagpatuloy na sa pagta-trabaho.

"I remember last night you told me that you and your wife are going to celebrate your wedding anniversary tomorrow. You can take the day off para makapag-celebrate kayo."

"Ah iyon ba, Sir? Usapang lasing lang po iyon. Sanay na naman kami ng asawa ko na hindi nagsi-celebrate ng anniversary. Ordinaryong araw lang sa amin iyon."

Tumango-tango lang ako. Sa isip ko ay may nabubuo akong plano.

"Sige. Dalhin mo na lang sa akin ang report," pagkatango ni Jeremy ay tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa office ko.

Pabagsak akong naupo sa upuan at tumingala sa kisame. Wala akong maisip na gawin kahit napakaraming papel ang nasa harap ko. My mind is filled with thoughts of my upcoming exhibit pero wala pa rin akong nauumpisahan. I contacted several models and I'll meet them later to see if they will pass my taste. Sa dami noon, baka sakaling may pumasa na at maumpisahan ko ang pagpi-paint.

Napatingin ako sa desk calendar ng Makati Shangri-La Hotel na nakapatong doon. Dinampot ko ang telepono at tinawagan ang sekretarya ko. Inutusan ko siyang magpabook ng room sa hotel at magpa-book ng dinner for two sa Sage Bespoke Grill. Nagpahanap din ako ng maayos na salon.

Nang maayos ang mga reservations na inutos ko ay binalikan ko si Jeremy. Malayo pa lang ako ay kita ko na kunot na kunot ang noo niya. Halatang may hindi magandang nakikita sa mga reports na kaharap.

"Jer," tumayo ako sa tapat niya.

"Sir, may kailangan kayo?"

Inilapag ko ang ilang piraso ng papel sa harap niya.

"Treat your wife tomorrow. I already reserved a dinner for you two and booked a room in Makati Shangri-La. You deserve that," sabi ko sa kanya.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jeremy ng makita ang ibinigay kong papel. Nakapangalan kasi sa kanya ang reservation at nakasulat doon at lalong nanlaki ang mata niya ng makita ang presyo kung magkano ang reservation ng kuwarto.

"S-sir, hindi ko ho matatanggap 'to. Wala ho akong pambayad dito." Ibinabalik niya sa akin ang papel.

"Hindi naman iyan utang. Bigay ko iyan. A gift. Kailangan mo iyan. Kayo ng asawa mo. Hindi puwedeng hindi mo puntahan dahil bayad ko na iyan. Kapag hindi mo pinuntahan, that's the time that you need to pay me," ngumiti ako sa kanya.

Napalunok si Jeremy at muling tiningnan ang papel. Parang hindi makapaniwala sa ibinigay ko.

"P-pero, Sir ang mahal ho nito. Hindi 'nyo ho kailangang gumastos ng ganito." Halatang ayaw pa rin tanggapin ni Jeremy ang ibinigay ko.

"Ganito na lang. Isipin mo na incentive mo iyan kasi nalaman mo 'yung five hundred thousand na nawawala and up to now you're still looking for those missing funds. Mahirap ang ginagawa mo and I think you need to pause for a while. Have fun."

"Pero trabaho ko to, Sir at-"

"May susundo sa inyong kotse bukas and tell your wife she needs to go to a salon. Nandiyan na din." Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. "You deserve that." Bago pa siya sumagot ay tinalikuran ko na siya at bumalik ako sa kuwarto ko.

Napahinga ako ng malalim at napapikit na nahiga sa couch na naroon. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito pero sa tingin ko, tama lang na i-treat sila ng ganoon dahil sa dami ng hirap na dinanas na nila.

---------------------

Kay's POV

"Makati Shangri-La? Jer, ang mahal doon. Hindi natin kaya doon." Bahagya ng tumaas ang boses ko ng sabihin sa akin ni Jeremy na plano niyang mag-date kami bukas para i-celebrate ang anniversary namin. Sanay na naman kaming walang celebration ng anniversaries o kahit na birthday kaya nagugulat ako at ito ang sinasabi niya.

Ngumiti lang siya sa akin at pinaupo ako sa harap ng mesa. Napatingin ako sa pagkain na ihinain ko. Pritong galunggong at tinolang dalawang pakpak ang halo at sayote. Bumili lang ako ng coke para naman kahit paano may ibang lasa ang hapunan namin.

"Wala nga tayong babayaran. Libre 'to." Ipinakita niya sa akin ang mga papel at nabasa kong naka-reserve na nga under his name ang kuwarto at dinner for two sa isang mamahaling restaurant sa loob ng hotel.

"Saan galing ito, Jer? Ang mahal dito." Nag-aalala pa rin ako. "Jer, gumagawa ka ba ng kalokohan sa opisina?"

Parang nagtampong tumingin sa akin ang asawa ko.

"Kay, sa iyo pa talaga nanggaling iyan? Parang wala ka namang tiwala sa akin. Tingin mo ba talaga na hindi kita kayang bigyan ng isang magandang anniversary gift?" Pati tono ng pagsasalita ni Jer ay halatang nagtatampo na din.

"Sorry. Hindi naman sa ganoon. Pero alam mo naman na hindi natin kakayanin iyan. Marami tayong gastusin sa gamot mo. Ang nanay mo nanghihingi na naman ng pera sa tuition na naman daw ni Jerika. Kakabigay ko lang last week." Napahinga ako ng malalim at napahinga ng malalim. "Jer, nadi-drain na ako kasi hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pera para ipambigay sa nanay mo."

Hindi ko na natiis na hindi sabihin iyon sa kanya. Kasi talagang nakakapuno na ang biyenan ko. Every two days yata ay kailangan niya ng pera para sa kung anong mga pagkakagastusan.

"Pasensiya ka na doon. Ako na ang bahalang kumausap kay nanay. Huwag mo ng intindihin. Sa ngayon, pumayag ka na dito. Sinasabi ko sa iyo wala tayong gagastusin kahit singko. I-celebrate na lang natin ang anniversary natin para naman makabawi tayo sa isa't-isa sa ilang taong paghihirap natin." Ngumiti ng malungkot sa akin si Jeremy.

Napahinga ako ng malalim at naramdaman kong hinawakan ni Jer ang kamay ko.

"Payag ka na. Minsan lang natin mararanasan 'to," ngayon ay tunay na ngiti na ang nakita ko sa mukha niya.

Napangiti na rin ako at pinisil ko ang kamay niya.

"Wala talaga tayong gagastusin, ha?" Paniniguro ko.

Sunod-sunod ang tango niya tapos ay biglang tumayo at kinuha ang saklay at pumunta sa sala. May kinuhang isang paper bag at ibinigay sa akin.

"Ano 'to?" Hindi ko napansin na may dala siya nito pag-uwi niya kanina.

"Tingnan mo." Nakangiting sabi niya. Kita ko ang excitement sa mukha niya habang binubuksan ko ang paper bag.

Nanlaki ang mata ko ng makita na isang black off shoulder with v-neckline evening dress iyon. Iniladlad ko pa sa harap ko ang damit. Tela pa lang, halatang mamahalin na.

"S-saan mo nakuha 'to?" Nanlalaki ang mata kong nagpapalit-palit ng tingin mula sa damit at kay Jer.

Nakangiti lang ang asawa ko sa akin. "May nag-sponsor. Tingin ko bagay na bagay sa iyo 'yan. Isuot mo bukas. Tapos pumunta ka sa salon para maayusan ka. Doon kita susunduin bukas."

"Jer, nakakalula na ito. Hindi ko alam kung paano mo ito nakuha? Hindi biro ang presyo nito," kinakabahan talaga ako. Sa loob ng paper bag ay may isang pares ng nude stiletto shoes na alam kong mahal din ang presyo.

"Kay, ang sabi ko i-enjoy lang natin 'to. Bayaan mo ng minsan narasanan natin na maging prinsesa at prinsipe." Natatawang sabi ni Jer tapos ay dinampot na nito ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain.

Hindi ko alam kung makakakain ba ako dahil sa nangyayari. Pero sa nakikita kong pagiging kaswal ng asawa ko na parang walang iniintindi, maniniwala na lang ako sa kanyang siya ang bahala sa lahat ng ito.

-----

Paglabas ko kinabukasan sa opisina ay dumiretso ako sa salon na sinabi ni Jer. Pagdating ko doon ay talagang inaasahan na ako ng mga staff. Kumbaga sa sasakyan, overhaul ang ginawa sa akin. Inayos ang buhok ko, kinulayan, blinow-dry. Binigyan din ako ng manicure and pedicure. Tapos nilagyan ako ng make-up. Hindi ko nga makilala ang sarili ko ng matapos akong ayusan. Pakiramdam ko ibang tao ako.

"Cyst, in fairness maganda ka naman pala. Bakit mo itinatago sa pagiging pindangga ang itsura mo?" Tinapik pa ako sa balikat ng baklang nag-ayos sa akin. Inayos pa nito ang pagkakababa ng damit sa balikat ko.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa salamin at titig na titig sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na ako ito. Gusto kong maiyak. Sa loob ng ilang taon, ngayon ko na lang naranasan ulit na magmukhang tao.

"Bakla, dapat pala kinunan natin ng picture kanina si cyst bago inayusan. Para may before and after tapos i-paskil natin sa harap ng salon para makita ng ibang mga customers na nakakagawa tayo ng milagro dito," komento pa ng isang bakla din.

"Ganda-ganda mo, cyst. Ang boobs mo nagmumura. Minumura kami," inirapan pa ako kunwari ng bakla. Kitang-kita ang pagkainggit sa boobs ko na lalong na-emphasize dahil sa v-neckline ng damit.

Natawa ako at namumuo ang luha sa mata ako.

"Bruha ka, 'wag kang iiyak. Sayang ang make-up. Tutusukin ko ang mata mo kapag may pumatak na luha diyan," saway ng isa pa at dinagdagan pa ang blush on sa pisngi ko.

Pumikit-pikit ako at pinigil ang mga luhang gustong dumungaw doon. Tama ang mga baklang ito. Hindi ako dapat umiyak. Dapat maging masaya ako dahil anniversary namin ni Jeremy ngayon. I-e-enjoy ko ang gabing ito dahil first time naming mararanasan ito ng asawa ko.

Pinatayo ako ng bakla at iniharap uli sa full sized mirror. Lalo lang akong humanga sa sarili ko. Bumagay ang pagkaka-taas ng buhok ko sa suot kong damit dahil lumitaw ang mahaba kong leeg at magandang shape ng balikat. Hakab ang damit sa bewang ko at ngayon ko na lang ulit napansin, maganda pala ang shape ng mga binti ko. Makinis pa din pala.

"Alam mo, cyst. Naiinis ako sa iyo. Bakit ka pinagpala?" Sabi pa ng bakla habang inaayos ang buhok ko. Naka-messy bun lang iyon. "Kapag mamaya, medyo lasing na kayo ng ka-date mo, ilugay mo lang ang hair para lalo kang maging seductive."

"Hindi naman kami umiinom ng asawa ko," sagot ko sa kanya.

"Ang taray, may-asawa na pala. Sabagay, kanina 'nung dumating ka, mukhang kang bilasang biyuda. Pero ngayon, fresh ka na, inday. Winner ka na." Tinapik pa niya ako sa balikat.

Natawa lang ako at nanatiling nakatingin sa repleksyon ko.

"Ay, wait. Mag-perfume ka naman. Wala kang amoy," sabi pa nito at may dinampot na pabango sa mesa. Acqua di Gioia Giorgio Armani ang nakita kong nakalagay sa bote. Winisikan ako ng bakla sa puno ng tenga, sa leeg, sa dibdib. "Dapat pati sa boobs mabango din kasi baka biglang sumubsob si mister." Humagikgik pa ito.

"Gaga ka, bakla. Ginamit mo pa ang pabango ni madam." Natatawang sabi ng bading.

Umirap ang isa. "Naku, bayaan mo nga. Hindi naman bagay kay madam ang pabango na 'to. Ang isang iyon, kahit i-overhaul ng bongga wala ng pag-asa. Itong si cyst, total make-over. I am so proud of myself."

Lalo akong natawa sa kanila.

Napatingin kami sa pinto dahil may pumaradang kotse sa tapat ng salon. Bumukas ang pinto at nakita kong bumaba si Jer at nakaalalay ang katawan sa saklay. Napangiti ako dahil ang guwapo-guwapo ng asawa ko sa suot niyang white gray longsleeves at black slocks. Naka-balat na sapatos din. Bagong gupit pa ang buhok. Mukhang fresh.

"Alis na ako. Salamat, ha? Wala pala akong maibibigay na tip sa inyo." Nahihiyang sabi ko sa mga bakla.

Kumumpas lang ang mga ito sa hangin.

"Maliit na bagay, cyst. Bayad na naman ang services mo and nabigyan na din kami ng tip in advance. Siya ba ang dyowa mo?" Pare-parehong nakatingin ang mga ito kay Jeremy na naghihintay sa akin.

Tumango ako at muling tumingin kay Jeremy. Naglakad na ako palabas ng salon pero panay chismisan pa rin ang mga bakla.

"Guwapo si kuya, kaya lang disabled. Sayang." Komento ng isa.

"Ano naman? Fezlak naman ang labanan. Malay mo naman, halimaw sa kama." Sabi naman ng isa.

Hindi ko na inintindi ang iba pang sinasabi nila. Si Jeremy na lang ang focus ko. Nakangiti siyang naghihintay sa akin.

Kahit hindi kumpleto si Jeremy, kahit may kakulangan siya pagdating sa kama, hinding-hindi ko pa rin siya ipagpapalit sa iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top