CHAPTER SIX - BROWN
"Art is not always about pretty things. It's about who we are, what happened to us and how our lives are affected." - Elizabeth Broun.
------------------------
Xavi' POV
"What made you change your mind and you decided to work here at XV Solar Panels?"
Tumingin ako sa daddy ko na tinitingnan ang credentials ko na alam ko naman na hindi papasa sa kanya. Nakalagay lang sa curriculum vitae ko na graduate ako ng Mechanical Engineering. No job experience pero inilagay ko lahat ang mga achievements ko as an artist. Inilagay ko doon na ilang beses na akong nakapag-exhibit sa abroad. Inilagay ko ang pangalan ng mga nagco-commission ng mga gawa ko, inilagay ko din kung saang sikat na mga buildings makikita ang mga paintings ko.
Pahagis na ibinalik sa akin iyon ni daddy. I am fucking with him. Talagang inaasar ko siya kaya iyon ang inilagay ko sa papeles na hinihingi niya. Pumayag na akong magtrabaho dito sa isang company ng family namin dahil meron akong personal na interes.
Dito ko ipapasok para magtrabaho si Jeremy Montecillo.
"Hanggang kailan ka naman magta-trabaho dito?" Sumandal pa si daddy sa swivel chair habang nakatingin sa akin. Sa paraan ng pagkakatingin niya, halatang naaalibadbaran siya sa itsura ko. Napailing na lang ako hindi pinansin ang tingin niya.
"Hanggang kailan mo akong gustong magtrabaho dito?" Balik-tanong ko sa kanya.
"Xavier, hindi laro itong ginagawa natin. If you want to be a part of this company, you need to be dedicated. You need to be responsible. Hindi 'yung gusto mo ngayon tapos bukas ayaw mo na." Tumaas na ng konti ang boses ni daddy.
Iniiwas ko na ang tingin ko sa mukha niya. Dapat talaga sumama na sa akin si Uncle Guido ngayon na haharap ako kay dad. Konting usap pa namin nito siguradong magsisigawan na kami mamaya.
"Wala lang akong choice kundi ikaw kaya kita pinipilit na magtrabaho dito. Sa totoo lang ano ba ang nakukuha mo sa pagpipinta? Walang pera diyan. Ang pera nandito sa kumpanya natin. Ito ang pag-ubusan mo ng oras."
Inis kong tinabig ang mga lagayan niya ng ballpen sa mesa niya.
"Ito na naman ba ang pag-uusapan natin? First day ko sesermonan mo na naman ako? Ano pa ba ang gusto mo? Nandito na ako."
Kita kong namula ang mukha ni daddy sa pagpipigil ng galit.
"If I have a choice, dad I won't work here. I won't work with you. Mas gusto ko pang si Uncle Guido ang kasama ko kasi siya naiintindihan kung ano ako. Sumusuporta sa kung anong mga gusto ko."
"Dahil kunsintidor 'yang Guido na 'yan. Naambunan lang ng konting dugong Costelo kung umasta akala mo kung sino na." Lalong tumaas ang boses ni daddy.
Huminga ako ng malalim para kumalma ako. Ayoko ng patulan ang kung anuman ang sinasabi niya. Sabi nga ni Uncle Guido, pasok sa kabila, labas sa kabila. Ganoon na lang ang gawin ko sa tuwing kausap ko si dad.
"Dad, I am trying to be the nice son here. Tulad ng gusto mo. Kung anong trabaho ang ibibigay mo sa akin dito, gagawin ko. Para maayos na lang ang kung anong namamagitan sa atin." Sabi ni Uncle Guido, ako na lang din ang magpakumbaba dahil ako naman ang anak.
May dinampot na mga folders si dad at ibinagsak sa harap ko.
"These are the new applicants. Interview them. Titingnan ko kung tama kang tumingin ng tao."
"Iyon lang ba? Basic," sagot ko at dinampot ang mga folders tapos ay tumayo na para matapos na ang usapan namin. Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na ako sa pinto. Diretso akong pumunta sa opisina ni Sid. Ang head ng Human Resource department na kaklase ko noong elementary at highschool.
"How did it go?" Natatawang tanong niya sa akin nang makapasok ako sa opisina niya. Alam niya ang pangit na relasyon namin ng daddy ko.
"The usual. Walang maayos na pinagtapusan ang usapan naming dalawa. Nandiyan na ba ang mga applicants?"
"Nasa baba na. Pina-ready ko na ang conference room."
"Umpisahan ko na 'to. What about the man that I told you? The accountant?"
Naghanap sa bunton ng mga papel sa harap niya si Sid tapos ay may hinugot doon.
"Si Jeremy Montecillo? Napadalhan ko na ng invitation for an interview. Ikaw naman ang nag-vouch dito so formality na lang ang interview na ito. Well, I've seen his credentials and I think kahit na may diprensiya siya, magagawa naman niya ang trabaho niya. He got brains and maayos ang mga feedback na nakuha ko sa former employee niya."
Tumaas ang kilay ko at napatango-tango. Mukhang tama nga ang sinabi ni Jake sa akin. Mukhang bad luck lang talaga ang mag-asawang iyon kaya biglang nagkaganito ang buhay.
Bumaba ako sa conference room at nakita kong nakaupo sa harap ang mga applicants. Sa dulo noon ay nakakita ako ng crutches na nakasandal sa dingding. Nakaupo sa tabi noon ang isang lalaki na payat, at halatang kinakabahan. Ito na siguro si Jeremy na asawa ni Kaydence.
Kinausap ko ang secretary na naroon at ibinilin kong una kong kakausapin kong si Jeremy. Gusto ko siyang makausap ng personal at makilala para malaman ko kung anong klase siyang asawa kay Kaydence. Gusto kong malaman kung madali ko siyang mapapaikot at mapapapayag na magtrabaho sa akin ang asawa niya.
Pumasok ako sa loob ng conference room at binasa ko ang credentials ni Jeremy. Well, I am impressed. Halatang may laman ang utak ng lalaking ito.
May kumatok sa pinto ng conference at bumukas iyon. Pumasok ang nakasaklay na si Jeremy at pilit na lumapit sa akin at nakikipag-kamay. Tumayo naman ako para abutin ang pakikipagkamay niya at tinulungan ko siyang makaupo. Ako pa ang nagligpit ng mga crutches niya.
"Good morning, Sir." Bati niya sa akin. Halatang kinakabahan sa harap ko.
"Good morning, Mr. Montecillo. Jeremy? Can I call you Jer?" Gusto kong maging kaswal lang kaming dalawa at mawala ang asiwa niya sa akin.
"Okay lang ang Jer, Sir. Iyon din naman ang tawag ng asawa ko sa akin." Nakangiting sagot niya.
"You're married. How many kids?" Nanatili akong nakatingin sa papel na hawak.
"Wala pa kaming anak, Sir. Well, muntik na pero nakunan ang asawa ko. And ever since hindi na kami nakabuo."
Napa-hmm lang ako at muling tiningnan ang resume niya.
"What happened to you?" Itinupi ko ang papel na hawak ko at tumingin sa kanya. Halatang naging uneasy ang lalaki dahil sa tanong ko. Mukhang sensitive siya sa pagkakaroon niya ng kapansanan.
"Magkaka-apekto po ba ang pagkakaroon ko ng kapansanan sa pag-a-apply ng trabaho dito?" Kinakabahang tanong niya.
"Of course not. Hindi naman ako tumitingin kung may kapansanan ka. Kung magaling ka, kahit anong kapansanan mo, makakapagtrabaho ka. I just want to know what happened because you are young. I think hindi naman tayo nagkakalayo ng edad."
"I got into an accident three years ago. Car accident. The doctors need to amputate my leg." Ngumiti ito ng mapakla.
"I am so sorry to hear that." Napakamot ako sa ulo ko dahil gusto ko nang itanong ng diretso sa kanya ang tungkol kay Kaydence pero baka magtaka naman ito. Huwag muna ngayon. Kukunin ko na muna ang loob niya hanggang sa makampante siya sa akin. "Can you start today?"
Nanlaki ang mata niya sa narinig na sinabi ko.
"Ho? Start? As in ngayong araw na ito?" Gulat na tanong niya.
Tumango ako. "Yes. Today. You see, kulang kami ng tao sa Accounting department and you can fill the vacant position there. Bookkeeper. Alam kong medyo mababa sa dati mong posisyon but-"
"Sir, kahit nga janitor willing kong pasukan kung may tatatanggap lang sa akin. Isang malaking karangalan po ang makapagtrabaho dito at pagkatiwalaan 'nyo." Tingin ko ay parang maiiyak pa ang lalaki sa harap ko.
Ngumiti lang ako ng mapakla sa kanya. Parang nakunsensiya naman ako sa naisip ko noong una na i-frame up ang lalaking ito. Tingin ko ay maayos na tao ang asawa ni Kaydence. Ako lang talaga ang gago. Sa ngayon, ayoko ng isipin ang pansarili kong interes kaya ko binibigyan ng trabaho ang lalaking ito. Gusto ko na lang siyang tulungan dahil mukha siyang mabait at responsable.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon. Isang babae ang pumasok at agad na ngumiti nang makita ako. Dali-dali itong pumasok at lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.
"I missed you," mahinang sabi nito habang nakatitig sa mukha ko.
Nahihiyang tumingin ako kay Jeremy at ngumiti lang siya sa akin. Parang nahiya din siya sa ginawa ng babae kaya marahan ko itong itinulak palayo sa akin.
"Danica, I am in a middle of an interview." Tumingin ako sa gawi ni Jeremy at tumingin din dito ang babae.
Tumawa ito ng malandi at lumayo sa akin.
"Sorry. I just got carried away. Sobrang na-miss kasi kita. Hindi mo na kasi ako pinuntahan dito. But I've heard you're going to work here. Is it true?" Halata ang excitement sa boses ng babae.
Napahinga ako ng malalim at tumango.
Lalong lumapad ang ngiti ng babae at halatang pinipigil lang ang gustong sumambulat na saya.
"So, we're going to work together?"
"I am going to work with him. He is the new bookkeeper in the Accounting department. Kapalit ni Rommel."
Biglang sumeryoso ang mukha ni Danica at tumingin kay Jeremy.
"Are we hiring handicapped people now? Ano na tayo ngayon? Lamoiyan?" Umikot pa ang mata ni Danica na parang hindi gusto ang nangyayari. "Maraming applicants na mas you know-" bumaling ito kay Jeremy. "Don't get offended, okay? I mean maraming normal applicants na puwedeng mag-fill in sa posisyon ni Rommel."
"But I want him to work here. And it's final. He is going to start today, and he will report directly to me." Matigas na sabi ko.
"Are we still not in good terms? I mean, it's been months, Xavi and it was just a kiss with Rommel."
"Saka na tayo mag-usap, Danica. Okay? I need to finish this orientation." Tonong tinataboy ko na siya.
Halatang ayaw pang umalis ng babae pero napilitan na rin itong lumabas.
Tumingin ako kay Jeremy at nahihiyang nakangiti lang siya sa akin.
"I am so sorry about that. Women." Naiiling na sagot ko.
"Kaya ako, hindi na ako tumingin sa iba magmula nang makilala ko ang asawa ko. Masakit talaga sa ulo ang babae. Ako lang ang papasakit sa ulo ng asawa ko," tumawa ng nakakaloko si Jeremy.
Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong maramdaman na kahit na anong inis sa lalaki. Sa katunayan, ang gaang ng loob ko sa kanya. Sobrang nagsisisi ako sa naisip kong sirain ang taong ito. Nahiya ako sa sarili ko at naisip ko iyon. Ang totoo ngayon, nakakaramdam ako ng inggit sa kanya. Kasi kahit kulang sila sa pinansiyal na aspeto ng asawa niya, mukha silang masaya. Mukha silang kuntento kaya nagawa ni Kaydence na tanggihan ang offer ko.
"Are you ready to work today?" Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.
Tumango si Jeremy. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mukha.
"Follow me. We'll go to your office." Tumayo na ako at kinuha ko ang crutches niya at iniabot sa kanya.
Jeremy's first day in the office went well. Same with me. Si Sid ang tumulong sa akin para mas lalo kong malaman ang pasikot-sikot sa kumpanya ni daddy. Mabuti na nga lang at maghapon din wala si dad kaya hindi kami nagkaharap. Naka-receive ako ng call kay Uncle Guido at kinu-kumusta ako tungkol sa aking first day. Kahit kailan talaga supportive ang uncle ko na iyon. Kung kailangan ko daw ng tulong at nahihirapan ako, tawagan ko lang daw siya.
Naipagpasalamat ko din na hindi rin ako inistorbo ni Danica. Umiiwas naman talaga ako sa kanya. Ayoko ng magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Tama na 'yung naging mag-on kami ng anim na buwan. She cheated on me. Nagseselos kasi siya sa mga nagiging models ko sa nude paintings. Pati nga si Amber pinagselosan niya. Nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa dating Accounting staff dito. Si Rommel. Nang araw din na iyon at pinaalis ko sa trabaho ang lalaki. Nalaman ko din kasi ang malalaking discrepancies sa mga reports nito. Hanggang ngayon on going ang kaso laban sa lalaki dahil hanggang ngayon may mga nawawala pa ring pera ang kumpanya na hindi na-o-audit.
Wala lang tiwala sa akin ang daddy ko pero kahit paano inaalam ko din kung anong nangyayari dito. Turo din iyon sa akin ni Uncle Guido. Dapat daw alamin ko ang lahat ng nangyayari sa kumpanya para kung magkakaroon ng problema ay hindi ako mabubulaga.
Marahang kong hinilot-hilot ang leeg ko habang naglalakad ako papunta sa parking lot. Doon nakaparada ang Ducati Monster ko at kinuha ko ang helmet na nakapatong doon. Isusuot ko na lang ang helment ng mapakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na bulto ng babae na naghihintay sa entrance ng building namin.
Si Kaydence.
Halatang balisa ang babae. Nag-aalala at mukhang naiinip na sa paghihintay sa asawa niya.
Maya-maya ay lumalabas si Jeremy na nakasaklay. Nakangiti agad ito kay Kaydence at agad itong sinalubong ng babae. Inalalayan na makalakad. Kitang-kita ko na nagliwanag ang mukha ng babae ng makita ang asawa tapos ay humalik sa pisngi nito. They look happy together. Kahit alam kong may kulang sa kanila, they remain in love with each other after years of suffering.
Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa dibdib ko. Lalong lumalalim ang inggit ko kay Jeremy. He is just a plain looking guy, simple and yet someone was loving him truly. Samantalang ako, sikat. Maraming babae pero kahit kailan hindi ko naramdaman na may nagmahal sa akin ng totoo.
Napahinga ako ng malalim at isinuot ang helmet ko at ni-rev ng malakas ang motor. I need to get out of this place. Babalik na ako sa mundo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top