CHAPTER ONE - GRAY
"Art is not what you see, but what you make others see." - Edgar Degas
---------------------
Xavi's POV
"Didn't you get an invite on Amber's shotgun wedding?"
Sumandal lang ako sa inuupuan kong lazy boy at ni-relax ang sarili ko doon. Iginala ko pa ang paningin sa loob ng silid ng Uncle Guido ko tapos tumingin sa kisame.
"I did but I decided not to go. Magkikita pa naman kami dito pagbalik niya ng Manila. May exhibit pa kami ng asawa niya," lalo kong inulubog ang sarili ko sa malambot na sofa.
"She got married with the famous Hunter Acosta? Mayaman ang pamilya noon." Komento ni Uncle.
"Mayaman nga, weird naman." Natawa ako. "Parang ako lang din iyon."
"Mayaman na weird? I know. Nag-usap na kayo ng daddy mo?" Tumingin ng makahulugan si Uncle sa akin at napailing lang ako.
"You better talk to him, Xavi. Huwag mo nang pahabain pa ang pagitan 'nyong dalawa." Napahinga siya ng malalim. "Your dad has a point. Ano ba ang mapapala mo sa pagpipinta? Don't get me wrong. I am proud of you because I know you are good, but you have a family business to take care of. Ikaw na lang ang inaasahan ng daddy mo."
Napabuga ako ng hangin. "Ako ang inaasahan dahil wala na siyang aasahan. 'Yung inaasahan niyang sasalo ng negosyo niya, sumama sa ibang lalaki. And you know, I am proud of my sister for doing that. At least, nagawa niya ang gusto niya. Alam ko naman napipilitan lang si daddy na ibigay sa akin ang pamamahala sa negosyo niya. Tingin ba niya gusto ko iyon? I don't want to waste my time inside that four walled room na tanging computer lang ang kaharap. I'd rather stay inside my studio and be with my paints. Mas naiintindihan ng canvass ko ang emotions ko. Hindi katulad ng parents ko na hindi alam kung anong nararamdaman ko."
Nakita kong nakatitig lang sa akin si Uncle at hindi yata makapaniwala sa sinasabi ko.
"I can't believe you could say that. Your parents just want the best for you."
Pakiramdam ko ay napikon yata ako kay Uncle Guido.
"And you're taking their sides now? Akala ko ba ikaw na lang kakampi ko sa pamilya? And now, sa iyo pa nanggaling 'yan? Since I was small, I never felt that my dad was proud of me. Kahit ilang medalya ang iharap ko sa kanya, ilang perfect exams ay wala lang sa kanya. Samantalang si Ate Xandra," natawa ako nang nakakaloko nang maalala ang mga kalokohan ng nakakatanda kong kapatid. "Laging bagsak. Laging trouble ang ibinibigay sa kanila. She didn't even pass the board exam for Civil Engineering and yet, sa kanya pa ibibigay ang pamamahala nito? Don't you think it's funny, Uncle?" Punong-puno ng sarcasm ang boses ko.
"I don't take any sides, Xavi. You know I am always on your side. Ako nga ang number one supporter mo." Tumayo si Uncle at lumapit sa akin. "What I am trying to say, your family will need someone to take care of the business here. I mean, sino pa ba ang aasahan? Me? Sampid lang ako dito. Sa iyo pa rin ibibigay ang pamamahala ng kumpanya na ito. You are a Mechanical Engineer and you could practice your profession here. You could still paint even if you are running the company."
Umayos ako ng upo at marahang iniikot-ikot ang leeg ko.
"Dad would love to take care things by himself here." Tapos ay umiling ako. "I don't want any part of that. Masaya ako sa kung anong nagagawa ko ngayon. It's okay if he hates me. It's okay if he hates what I do. Marami pa rin naman naniniwala sa galing ko. Maraming tumatangkilik ng mga gawa ko and it's a good thing."
Halatang hindi nagustuhan ni Uncle Guido ang mga sinabi ko.
"Your dad is getting old, Xavier. Hangga't maaga, ayusin mo na ang relasyon 'nyo. It will be for your own good."
"No, Uncle. This will be for you. Mas mabuti pang ikaw na lang ang mamahala nito. You know, I think grandpa made a wrong decision giving this company to dad. Mas may malasakit ka dito. Ikaw na lang ang laging umaayos sa mga trouble na nagagawa ni daddy. You should be the head of this company not dad." Tumingin ako ng makahulugan sa uncle ko.
Ngumiti ng mapakla si Uncle. Alam naman kasi niyang tama ang sinasabi ko. Between him and my dad, mas alam kong mas may malasakit si Uncle Guido sa kumpanya. Kahit pa lagi nga siyang nasa sidelines lang.
Well, I couldn't blame him kung wala siyang boses sa pamilya namin. He was a mistake that my grandfather did when they were having marital problems with my grandma. Anak sa labas. Kahit na may lehitimong karapatan sa pamilya, hindi pa rin niya magawang magkaroon ng boses sa pamilyang ito. Sunud-sunuran sa kung anong gustuhin na ipagawa sa kanya.
"You know that would impossible to happen. Huwag na lang ako. Ikaw na lang."
Bumuga ako ng hangin at tumayo. "I don't want it. And if ever na ibigay nila sa akin, I still don't accept it. Or I could accept it," nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Gumanda ang mukha ni Uncle at halatang natuwa sa sinabi ko. "I could accept it and I will give it to you. See? That's a good idea."
Lumukot uli ang mukha ni Uncle sa narinig na sinabi ko.
"Puro ka kalokohan. Umalis ka na. Maghanap ka na ng mga babae mo." Pagtataboy niya sa akin.
Tawa lang ako ng tawa. Kapag nandito talaga ako sa opisina ni Uncle Guido, gumagaang ang lahat. Kaya nga mas gusto ko pang mag-stay sa bahay niya kaysa ang umuwi sa bahay namin. Sa bahay namin lagi lang kaming magtatalo ni dad. Lagi lang kaming mag-aaway. Samantalang kapag nandoon ako sa bahay ni Uncle, cool na cool lang siya. Nakasuporta sa lahat ng ginagawa ko. Napakagaang ng pagtanggap sa lahat.
"I am still looking for my next model." Nagkibit ako ng balikat.
"Still haven't found what you're looking for? Ano bang klase ng model ang hinahanap mo para sa next painting mo? Napakarami mong kakilalang puwedeng mag-pose ng nude ngayon ka pa nagka-problema?" Inayos ni Uncle ang mga papel na nasa harap niya.
Napabuga ako ng hangin at muling napasandal sa lazy boy.
"Ayoko na ng mga models na nakukuha ko. Nagsasawa na ako sa kanila. I am looking for something different. Something fresh. Something innocent and yet there's fire from within. 'Yung tipong soft ang features pero alam mong nakakalibog." Nakatingin ako sa kisame habang sinasabi iyon. In my mind, the image of the woman that I want to paint was already teasing me.
Napakislot ako dahil naramdaman kong may tumama sa ulo ko.
A piece of rag.
"Xavier, ang aga-aga puro kamunduhan ang nasa utak mo. May nakakalibog ka pang nalalaman. Oo. Alam kong ang mga artists ay malilibog talaga pero ilagay mo naman sa lugar," tonong nanenermon na si Uncle.
"What? I am just telling what I was looking for my next model. Geez, Uncle. You're becoming grumpy." Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa.
"You cannot smoke in my office." Saway niya sa akin.
Magpo-protesta na lang ako ng pareho kaming mapatingin sa pinto dahil narinig na may kumatok doon. Maya-maya ay bumukas at pumasok ang isang babae na may bitbit na mga papel.
Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng naglalakad papasok. I looked at her from head to foot. Her unkempt hair that was just clamped. Loose hairs scattered on her face. The thick eyeglasses, pale face with no make-up on. The clothes. Sumakit yata ang ulo ko dahil sa nakikita kong suot niya. Lukot-lukot ang white blouse niyang suot. Halatang hindi na-plantsa. Her cream pants halatang overused na dahil may mga himulmol na akong nakikita. And even her shoes. Napangiwi ako dahil sa dumi noon. She was a total nerd or manang or I don't know what kind of fashion statement she has.
But there was something in her that makes me drawn to her.
Her eyes were like a searching tool. Gazing at me with so much fire.
Napataas ang kilay ko at bahagyang napangiti.
I think I found the model that I am looking for.
---------------------------
Kaye's POV
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong ayusin sa mga nakatambak na papel sa mesa ko. Ilang ulit ko nang binubuklat-buklat ang mga papel na naroon para lang makita ang files na ipinapahanap sa akin pero wala talaga doon. Inis kong inayos ang nalalaglag kong salamin. Siguradong mapapagalitan na naman ako ng boss ko kapag hindi ko nakita iyon.
Nagulat ako ng may ibinagsak na patong-patong na folders sa harap ko. Tiningnan ko ang gumawa noon.
"Mahra. Ano na naman 'yan?" Pinigil ko ang sarili kong mainis. Alam ko naman na sinasadya niya itong gawin.
Inirapan niya ako at naupo sa mesa at tiningnan-tingnan ang kuko na bagong manicure.
"I-xerox mo daw," sagot niya.
"Bakit hindi mo i-utos sa assistant mo. Marami pa akong gagawin dito." Inurong ko ang mga folders na dinala niya at hinanap uli ang files na hinahanap ko.
"Busy ang assistant ko so, ikaw na ang gumawa." Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Busy din ako. Marami din akong gagawin. Kung gusto mo, ikaw ang gumawa. Para magkasilbi naman 'yang bagong manicure mong mga kamay." Tinabig ko siya para mapaalis sa pagkakaupo sa mesa.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Maldita ka talaga. Kung hindi ka pa pangit. Itsura mo. Paano mo naatim na pumasok dito sa office na ganyan ang itsura mo? Sinisira mo ang image ng mga employees dito. Ang mga big time clients, foreign investors ikaw agad ang nakikita dahil ang pangit mo. Ang dungis-dungis ng itsura mo. Mukha kang hindi naliligo," itsurang nandidiri sa akin si Mahra.
"None of your business. Ito lang ang kaya ko. Hindi naman ako katulad 'nyo na inuubos ang pera pambili ng mga mamahalin at sosyaling damit at derma. May mas importanteng pinaglalaanan ang pera ko kesa sa mga kababawang ganyan," napahinga na lang ako ng malalim. Ayoko ng patulan ang babaeng ito.
Inirapan niya ako at parang may pandidiring lumayo.
"You're so ugly. Hindi ko alam bakit hindi ka pa tinatanggal sa company na ito. You don't belong here."
"Whatever. Pakibitbit paalis ang mga basura mo. Dumadagdag sa kalat ng mesa ko." Itinulak ko pa uli palapit sa babae ang mga folders na dala niya.
Ang sama-sama ng tingin niya sa akin. Kung puwede lang niya akong tirisin malamang ginawa na niya. Pero hindi ako magpapatalo. Kahit ganito ako, lalaban ako sa kanila.
Dahil kailangan ko ang trabahong ito.
Padabog na dinampot ni Mahra ang mga folders at parang nagmamartsang tinalikuran na ako. Para naman akong nakahinga nang maluwag at natuwa lalo nang makita ko ang files na hinahanap ko. Nagmamadali kong kinuha iyon at patakbong pinuntahan ang office ng boss kong si Guido Costelo.
Kumatok lang ako tapos ay dire-diretsong pumasok. Hindi ko na inintindi kung may ibang tao sa office niya. Sanay na naman akong laging may bisita sa opisina si Sir.
"Sir, ito na po 'yung files na pinapahanap 'nyo. Mamaya 'yung meeting 'nyo daw kay Mr. Nepomuceo na-move ng three pm. Kailangan lang ng confirmation 'nyo." Ipinatong ko sa mesa niya ang files na hinahanap niya.
"Three pm pa?" Napahinga ng malalim ang boss ko at tumingin sa lalaking nakaupo sa lazy boy na naroon. Tumingin din ako at nakita ko ang lalaking nakatingin sa akin. Nakilala kong si Xavi Costelo pala ito. Ang weirdong pamangkin ng boss ko. Ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinapasukan ko. Iniiwas ko agad ang tingin sa kanya. Kilala naman dito ang lalaki. Kilalang tirador ng mga chicks dito sa opisina.
Kaya naman pala parang palakang hindi maihi ang itsura ni Mahra kanina. Nandito pala ang sikat na playboy painter na ito. Alam na alam naman ng lahat kung gaano kabilis sa babae si Xavi. Well, alam na alam naming lahat kung gaano rin ito ka-bad shot sa daddy nito.
Matigas ang ulo ng lalaki. Puro barkada ang inaatupag. Puro pagpipinta na hindi naman gusto ng magulang nito. Alam kong pamilya ng mga Engineers ang mga Costelo pero mukhang naligaw si Xavi sa pamilya na iyon. Dahil ibang-iba siya kumpara sa mga nakilala kong mga Costelo.
Mahaba ang buhok. Puno ng balbas at bigote ang mukha, jeans, worn out shirt. Sneakers or boots. Iyon ang madalas na get up ng lalaki. Typical artist na mukhang may sariling mundo but still, women in this company were so into him. Kasi malakas ang dating ni Xavi sa mga babae. Tingin at ngiti lang nito ay parang hihimatayin na ang mga babaeng kasamahan ko.
"Sige, Kaydence. Sabihin mo kay Mr. Nepomuceno go ang meeting namin. Pero dito na lang siya pumunta sa office. Hindi na ako puwedeng lumabas dahil may conference call naman ako ng four." Sagot ng boss ko.
"Okay, Sir." Nakapa ko ang telepono kong nagba-vibrate sa bulsa ko kaya mabilis na akong lumabas. Agad kong kinuha ang telepono at napahinga ako ng malalim nang makita na si Jeremy ang tumatawag.
"Kay," mahina ang boses niya ng sabihin ang pangalan ko.
"Uminom ka na ng gamot mo?" Iyon agad ang bungad ko sa kanya.
Bahagya siyang umubo. "Ubos na kasi 'yung gamot ko."
Napapikit ako at pinilit maging kalmado ang boses.
"Pero good for one-month iyon 'di ba? Two weeks pa lang. Nagdo-double dose ka ba?"
"Sorry, pero minsan hindi ko talaga kaya 'yung pain." Dama ko na parang nahihiya siyang magsabi.
"Sige. Bibili ako mamaya." Iyon na lang ang nasabi ko.
"Saka nga pala, si nanay kasi tumawag sa akin. Kailangan daw ng pang-tuition ni Jerika. Baka may maitulong naman tayo."
"Kakabigay ko lang ng pang-tuition last month. Tuition na naman?" Pakiramdam ko ay sumasakit na ang ulo ko.
"Pasensiya na, Kay. Alam mo naman na wala ding aasahan sila nanay kundi tayo. Kung hindi naman tayo nag-asawa agad hindi naman sila maghihirap din."
Itinikom ko na lang ang bibig kahit may gusto pa akong sabihin.
"Susubukan ko kung makakapag-advance ako dito. Sabihan kita."
"Sige. Kailangan kasi sana nila mamaya."
"Susubukan ko, Jer. Hindi ako makakapangako. Bibili pa ako ng mga gamot mo."
"Pasensiya na uli, Kay." Alam kong nahihiya ang asawa ko sa akin.
Hindi na ako sumagot at pinatay na lang ang telepono at nanatiling nakatingin doon. Marahan kong hinilot-hilot ang noo at napailing. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng problema.
Hindi ko alam kung karma ba ang nangyayaring ito sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa mga magulang ko. Mas pinili ko kasi na makisama kay Jeremy at magpakasal kaysa sa plano ng magulang kong dalhin ako sa abroad para doon magtrabaho. Kaka-graduate ko lang sa college nang magdesisyon kami ni Jeremy na magsama dahil nabuntis niya ako. Bagay na hindi matanggap ng aking mga magulang. Itinakwil nila ako. Kinalimutan. Ilang beses akong nagtangka na humingi ng tawad pero sarado na ang pinto nila para sa akin.
Wala sa loob na nahawakan ko ang tiyan ko. Kung sana ay nabuo ang anak namin ni Jeremy. Siguro, mapapatawad pa ako nila mommy.
Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Sir Guido at nakita kong nakatayo doon si Xavi Costelo na may hawak na sigarilyo at nakatingin sa akin. Mabilis akong nagbawi ng tingin at umalis na doon. Marami pa akong dapat na gawin ngayon at po-problemahin ko pa kung saan ako kukuha ng pera para sa mga hinihingi ni Jeremy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top