CHAPTER FOURTEEN - CRIMSON
"Morality like art , means drawing a line some place." - Oscar Wilde
------------------
Kay's POV
"Iba yata ang itsura mo ngayon?"
Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Mahra at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Maganda ang araw ko dahil hindi ako binuwisit ng biyenan ko. Maganda ang naging anniversary celebration namin ni Jeremy kaya ayokong dahil lang sa bitterness ng ibang tao, ay masira iyon.
"Mukhang magaganda ang bagsak sa ukayan kaya maayos ang damit na suot mo ngayon. Mukhang na-plantsa pa at mukha ka ding naligo," tumawa pa ito ng nakakainis at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Magmula ng maayusan ako sa salon noong anniversary namin ni Jer, sabi ng asawa ko dapat daw lagi na akong mag-ayos ng ganoon. Hindi ko naman daw kailangan na gumastos ng mahal para lang maging maayos. Maging presentable lang daw ako ay okay na. At dahil sinabi iyon ni Jer, gusto kong maging maganda ako sa paningin niya. Totoong sa ukay ako namimili ng damit dahil bukod sa praktikal na, malapit pa sa amin. Dapat lang talaga ay marunong maghanap ng maaayos. Katulad ngayon, ang suot ko ay isang black pencil cut skirt na hanggang tuhod at mustard sleeveless blouse. Maganda talaga ang damit na ito kahit mura ko lang nabili.
Napahinga lang ako ng malalim at padabog ang paraan na ginawa ko para ayusin ang mga papel sa harap ko. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Mahra ang kaliwang braso ko.
"At paano ka nagkaroon nito?"
Napatingin na ako sa kanya. Ngayon ay kunot na kunot na ang noo niya at tinitingnan ang suot kong bracelet na regalo ni Jeremy.
"Ano ba ang pakielam mo?" Inis kong binawi ang braso ko at inayos ang bracelet na suot ko.
"Ang mahal niyan. Bracelet pa lang mahal na tapos ang dami-dami pang charms na nakalagay? Mas marami pa sa charms ko?" Nasa itsura talaga ni Mahra na hindi siya makapaniwala sa nakita niyang suot ko. Parang na-disappoint talaga siya na mas maganda at mas mahal ang bracelet ko sa kanya.
Napailing na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin.
"Saan mo kinuha iyan? Ninakaw mo siguro, 'no? Hindi mo naman afford makabili niyan. So, feeling mo na nakapagsuot ka ng ganyan, makakasabay ka na rin sa amin?" Mataray pang sabi ni Mahra.
Napapailing na iniwan ko na lang si Mahra. Ang aga-aga, ang nega niya. Pero naramdaman kong hinawakan na naman niya ako sa braso.
"And your shoes. That's Louboutin. Paano ka nagkaroon niyan?" Talagang nanlalaki ang mata ni Mahra. Tingin ko nga ay mukhang hihimatayin pa. Ito ang sapatos na ibinigay din sa akin ni Jeremy noong anniversary namin.
"Mahal ako ng asawa ko, Mahra kaya niya ibinibigay ang mga ito sa akin. Siguro, maghanap ka ng boyfriend or matinong asawa na makaka-appreciate sa iyo para magbago-bago naman ang ugali mo. Mawala ang pagiging bitter at inggitera mo." Tinalikuran ko na siya at dire-diretso na akong pumasok sa office ni Sir Guido. Hindi ko na pinakinggan kahit ang dami-dami pang sinasabi doon ni Mahra.
Naabutan ko ang boss ko na nakaupo sa harap ng mesa niya at tutok na tutok ang atensyon sa ginagawa. Tahimik kong inilapag sa harap niya ang ilang mga folders na kailangan niyang tingnan.
Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. Parang naninibago sa itsura ko.
"You look good today, Kay. You look refreshed. Sana araw-araw kang ganyan," nakangiti pa ito sa akin.
Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.
Umayos ng upo si Sir Guido at nanatiling nakatingin sa akin.
"How are you, Kaydence? Sa sobrang busy ko hindi ko na natatanong kung kumusta na ba ang mga staff ko dito." Marahan pa nitong hinilot-hilot ang batok.
"Okay naman, Sir. Kaya naman po ang lahat ng trabaho."
Napatango-tango ito. "How's your husband? Is he doing good?"
"Okay naman po si Jer. May trabaho na nga po siya."
Nagliwanag ang mukha ng boss ko. "Really? Wow, that's good to hear. Kaya naman pala ibang-iba na ang aura mo. Sabi ko naman sa iyo 'di ba? Ang lahat ng problema na dumarating, malalampasan din. I am happy for your husband and for you."
"Thank you, Sir." Nakangiti kong sagot. Nakakaangat pala ng self-confidence kung ibang tao mismo ang nagsasabi sa akin na maayos ako. Kasi noon talaga, pakiramdam ko basurang-basura na ako.
"Kay," ngumiti ng alanganin sa akin si Sir Guido. "Will you please order flowers for me? Send it to Residences at Greenbelt. Kahit sa reception lang. It's for Mercedes. Put on the note these words," mabilis akong kumuha ng papel at ballpen para maisulat ang mga sasabihin ni Sir. "I am not proud, but I am happy. And happiness blinds, I think, more than pride. From Edmond Dantes." Parang nahihiya pang ngumiti sa akin si Sir Guido.
Pinigil ko ang mapangiti. Sa magta-tatlong taon kong pagtatrabaho dito sa kumpanya na ito, hindi ko nabalitaan na may asawa si Sir. Wala din akong naririnig na chismis na may girlfriend ito, wala ding babae. At kung ngayon man na may pag-ibig si Sir, ako ang unang-unang matutuwa para sa kanya. Deserve ng taong ito ang isang masayang love life. Sobrang bait, sobrang sipag. Nakapasuwerte ng babaeng mamahalin nito.
"Any flower preference, Sir?" Tanong ko pa bago ako umalis.
"She likes stargazer lilies. The pink ones."
"Okay, Sir. Sabihan ko po kayo kapag nai-order ko na." Ngumiti pa ako sa kanya bago tuluyang lumabas.
Hindi mawala ang ngiti ko habang pabalik ako sa table ko. Pero agad ding nawala dahil sa nakita kong mga tao na nag-uusap doon. Tumaas ang kilay ko kasi nakaupo pa sa upuan ko si Xavi Costelo habang nakikipag-usap kay Mahra na nakaupo naman sa mesa ko. Mali. Mukhang hindi lang sila nag-uusap. Naglalandian sila.
Wala akong imik ng makalapit ako doon. Napatingin sa akin si Xavi at mabilis na umalis sa upuan ko at isinenyas na maupo ako doon. Lumipat lang siya ng upuan. Pero doon pa rin sa tapat ng mesa ko. Lumapit lang kay Mahra.
Patuloy lang sila sa pag-uusap. Nakakairita ang paraan ng pagtawa ni Mahra. Halatang-halata na pilit na pilit ang pagbungisngis. Si Xavi naman, parang tuwang-tuwa na bentang-benta ang joke niya sa babaeng mababaw ang kaligayahan.
Tingin ko naman ay wala silang balak na umalis sa table ko. Magtatrabaho pa rin ako kahit nandito ang mga peste na ito.
Dinampot ko ang telepono ko at nag-dial sa flower shop para ma-order ang gusto ng boss ko. Hindi maiwasan na mapatingin ako sa dalawang naglalandian sa harap ko. Hindi man lang ako tinatapunan ng tingin ni Xavi. Parang hindi nga niya ako kilala. Tanging ang atensiyon niya lang ay na kay Mahra.
"If you are free tonight, then we could go somewhere." Nakangiting sabi ni Mahra sa lalaki.
Napa-rolyo ang mata ko sa kaartehan ng babaeng ito. Talagang project nitong matikman si Xavi. Napailing ako at tumalikod sa kanila habang naghihintay na may sumagot sa tawag ko mula sa kabilang linya. Kung puwede ko lang silang palayasin sa harap ko.
Pinilit kong huwag intindihin ang pinag-uusapan nila kahit na nga ang lakas ng boses ni Mahra. Ang dami-dami niyang paandar na mga sinasabi kay Xavi. Magaling daw siyang magluto, marunong daw siyang magmasahe. Leche. Ang arte.
"Hello? Leche?" Mahina akong napamura dahil sa nasabi ko sa sumagot sa akin. Buwisit talaga. Panira ng araw ang mga ito. Pati tuloy ako nawawala sa focus. "Sorry. Umm.. oorder ako ng bulaklak. Pakideliver sa Residences at Greenbelt. Kahit sa reception lang iwan alam na daw doon. It's for Mercedes. Pakilagay din sa note ito," kinuha ko ang papel kung saan isinulat ko ang bilin ni Sir Guido. "Ito mismo ang ilalagay, ha? Huwag kayong magkakamali. I am not proud, but I am happy. And happiness blinds, I think, more than pride. From Edmond Dantes."
Tingin ko naman ay nakuhang maigi ng kausap ko ang mga bilin ko para sa bulaklak. Nang ibaba ko ang telepono ay nakita kong nakatingin sa akin si Xavi. Amused ang itsura.
"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya. Tumingin din ako sa gawi ni Mahra at nakasimangot naman ang mukha niya sa akin.
"Count of Montecristo by Alexander Dumas," napapatangong sabi ni Xavi.
Kumunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Nag-umpisa na naman ito sa pagiging weird. Hindi ko na lang siya pinansin at inayos ko ang mga gamit ko doon.
"The quote that you said. It's from the book Count of Montecristo written by Alexander Dumas. Edmond Dantes is the boyfriend of Mercedes. Bittersweet story," napakibit pa ito ng balikat.
Napailing ako at hindi na lang siya pinansin. Hindi lang weird ang itsura ni Xavi. Tingin ko, pati ang takbo ng utak niya ay weird din. Ngayon ko nga lang narinig ang librong sinasabi niya.
Tumayo ito pinagpag ang suot na pantalon. Nagkalansingan ang mga nakasabit na kuwintas sa leeg. Nakasabog ang mahaba at kulot na buhok sa mukha.
"Nice chatting with you, Mahra. We'll talk again." Ngumiti si Xavi dito.
"Sana tonight na," parang bulate na inasinan ang itsura ni Mahra kaya inirapan ko siya.
"We will see," kumaway ito kay Mahra at dire-diretso ng pumasok sa office ni Sir Guido.
Kahit wala na si Xavi ay hanggang tenga pa rin ang tingin ng babae tapos ay napatingin sa akin kaya agad na napasimangot ang mukha.
"Inggit ka 'no? Asawa mo kasi putol ang paa. Samantalang ako. Ang future boyfriend ko, dumaan lang sa harap mo." Pagyayabang nito.
"Keep telling that to yourself. Goodluck," iniwan ko na rin siya doon. Baka masabunutan ko pa ang babaeng ito sa sobrang kaartehan niya.
--------------------
Xavi's POV
"Is your name Edmond Dantes now?"
Hindi mawala ang ngiti ko ng makapasok ako sa opisina ni Uncle Guido. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko. Alam na alam ko kung sino si Edmond Dantes. Si Uncle Guido ang nag-introduce sa akin sa libro ng Count of Montecristo.
"What are you talking about?" Taka niya.
Lalo akong napatawa kasi halatang na-stress si Uncle sa sinabi ko.
"You sent flowers for Mercedes. May girlfriend ka pala Uncle hindi mo man lang sinasabi sa akin. Akala ko, forever ka ng matandang binata."
Natawa si Uncle sa sinabi ko at napakamot ng ulo.
"I chose to be single because I love a woman that cannot be mine."
Nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sinabi niya. It got my attention. I never knew about this. He never told me about anyone. About any woman. Ang buong akala ko ay tanging trabaho lang ang focus ni Uncle kaya wala siyang panahon sa babae. Dati nga naisip ko na bakla pa si Uncle kasi kahit ipakilala ko ang mga magagandang models sa kanya, hindi talaga niya pinapansin ang mga iyon.
"Cannot be yours? Uncle, sa guwapo mong iyan hindi mo mapasagot ang babae? You can even get a woman half your age."
Napahinga ng malalim si Uncle at sumandal sa kinauupuan niya.
"She's married." Nangiti ng mapakla si Uncle at napahinga ng malalim.
Napalunok ako sa narinig na sinabi niya. Pareho kami ng pinagdadaanan ni Uncle?
"Married? Uncle, bakit ka nagtitiyaga sa isang babaeng may-asawa kung makakakuha ka naman ng single? Hindi ba sakit ng ulo iyan?" Nasasabi ko iyon dahil ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko kay Kaydence.
"When you love someone, you will weigh the pros and cons of the situation. The truth, she wanted to leave her husband, but I told her not to. They have children that will be affected if she leaves. Ayokong mangyari iyon. I could wait even if takes me forever waiting for her. Ayoko lang masira ang pamilya niya."
"But you are having an affair. Don't you think you are beginning to ruin her marriage?"
"You could say that, and I am not proud of it. Masaya na ako na nagkikita kami minsan. I have known her first even before she got married. But I don't have anything back then so anong laban ko sa isang mayamang lalaki na ipinagkakasundo sa kanya ng magulang niya. I know I fucked up when I continued the relationship with her even if she got married," napabuga ng hangin si Uncle. "I love her, Xavi. I know this is a wrong situation, but I just love her."
Wala akong masabi sa mga narinig kong sinabi ni Uncle. This is too much to bear. Hindi ko akalain na may itinatagong ganito si Uncle.
"How many years are you having an affair?"
Tumingin sa akin si Uncle at ngumiti ng mapait. "Twenty-nine years."
"What the fuck?! Twenty-nine years? Uncle you are out of your mind. You wasted so much time waiting for someone that you cannot have. Don't you think it's time to give up now? Go find someone na walang sabit." Gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Umiling is Uncle at ngumiti. "She's worth it. Every minute of the day that I am waiting for her, she is worth it. Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan na tumingin sa iba? I tried so hard. Different women every night. I broke up with her so many times. I told her I won't be back. But at the end of the day, I'll found my self calling her and asking for her forgiveness." Hinubad ni Uncle ang suot niyang salamin at naihilamos ang mga palad doon.
Pakiramdam ko ay sumakit din ang ulo ko sa sinasabi ni Uncle.
"I don't know what to say. Wow, Uncle. I've never imagined that you have a side like this. You are an animal."
Natawa si Uncle sa sinabi ko at isinuot na niya ang salamin niya.
"Kaya ikaw, huwag kang mai-inlove sa babaeng may-asawa. It's too hard. It's fucking hard."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
I think it's too late to say those words to me now.
"Magtiyaga ka na lang sa mga babae mo. Kahit araw-araw iba basta single. Because married woman is different. Iba silang magmahal. They are most loyal in the world. If they got you under their spell, it's hard to let go because their love is extra ordinary. You will love them until the end."
Napalunok ako at napakamot ng ulo. Parang ganito ang nangyayari sa akin ngayon kaya pinipilit ko ng iwasan si Kaydence.
"I sent her flowers today because it's our anniversary. We will see each other tonight. We will profess our love with each other. But just like any other day that we met, after the love, she will go back to her family. That's the sad part and I'll be left alone waiting for her again. Love is fucked up most of the time." Napahinga pa ng malalim si Uncle.
"I don't know what to say, Uncle. I don't know if I hate you or pity you."
Napatawa siya. "Hate me but don't pity because I chose this life. Kaya huwag mo akong gayahin."
Tumayo na lang ako at lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya.
"Akala ko pa naman kapag dinalaw kita ngayon you will give me something inspirational. Good luck on your love life," tumatawang sabi ko at tinungo ko ang pinto para lumabas na.
"How are you and your dad?" Pahabol niya bago ako lumabas.
Nagkibit lang ako ng balikat. "Fine. Maybe." Tapos ay tumawa ako at tuloy-tuloy ng lumabas.
Naabutan ko si Mahra na naroon pa rin sa table ni Kaydence na halatang hinihintay lang naman ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinisil ko ang puwet niya tapos ay bumulong.
"See you tonight. At my place. Wear something sexy," sabi ko at tuloy-tuloy ng tinungo ang elevator. Hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Kaydence.
Tama si Uncle. I should not follow his footsteps.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top