CHAPTER FOUR - TAUPE
"Art is Freedom. Being able to bend things most people see as a straight line." - Unknown
--------------------
Kay's POV
Inimis ko ang mga papel sa mesa ko nang dumating ako sa opisina kinabukasan. Nahihiya na ako kay Sir Guido. Pakiramdam ko abuso na ako sa kabaitan niya. Baon na ako sa utang dahil sa dami ng cash advance ko sa department, ang dami ko pang late, ang dami ko pang undertime. Tulad kahapon, kararating ko lang sa opisina pero kinapalan ko na ang mukha kong uuwi na agad dahil sa emergency na nangyari kay Jeremy.
Napapailing ako at napahinga nang malalim habang sumandal sa kinauupuan ko. Marahan kong hinilot-hilot ang ulo dahil sa problema na namang dumating. Dinala ko kasi sa ospital kahapon si Jer. Naaksidente siya habang nagpipilit na kumilos sa bahay. Bigla siyang nawalan ng malay dahil daw biglang nagdilim ang paningin niya. Bumagok ang ulo at pumutok. Seven stitches ang tahi niya sa ulo. Instead na dalhin ng nanay niya, hinintay pa akong dumating para ako pa ang magdala sa ospital sa asawa ko. Sinisi pa ako dahil hindi daw muna ako naglinis ng bahay at nag-asikaso ng mga pagkain na maiiwan para sa kanila. Kung nag-asikaso daw ako, hindi maaksidente si Jer.
Hindi na lang ako kumibo. Kung puwede ko lang sagot-sagutin ang biyenan ko ay ginawa ko na. Pero tinuruan ako ng magandang asal ng magulang ko. Kahit basura daw ang ugali ng kausap ko, basta nakakatanda sa akin, ako na lang daw ang magpasensiya kaya ganoon ang ginagawa ko sa nanay ni Jer.
Ang kulit pa niya. Pilit niyang hinihingi ang kulang ko daw na two thousand para sa pang-tuition ni Jerika. Para matahimik, ang tinitipid kong pera sa panggastos naming mag-asawa para sa susunod na linggo ay ibinigay ko na sa kanya. Bahala na kung saan ako kukuha ng panggastos namin.
"Ang suwerte mo naman. Kakapasok mo lang kahapon, umuwi ka naman agad. Sobrang lakas mo naman kay Sir Guido." Alam niyang nanunuya ang tono na iyon.
Umirap ako at ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga gamit sa harap ko. Umagang-umaga, bubuwisitin na naman ako ni Mahra.
"Bakit ba ang lakas mo sa kanya? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may favoritism dito? Hindi ka naman masyadong magaling." Binuklat-buklat pa nito ang mga folders na nasa mesa ko kaya mabilis ko iyong hinila.
"Kasi siguro, trabaho lang ang inaatupag ko hindi katulad mo na buhay ng ibang tao lagi ang trinatrabaho mo," hindi na ako nakatiis na hindi sumagot sa kanya.
Tumalim ang tingin sa akin ng babae. Halatang tinamaan sa sinabi ko.
"Saka, bakit ba ako lagi ang nakikita mo? Inaano ba kita? Inaano ka ba ng mga damit ko? Inaano ka ng itsura ko? Kung naalibdbaran ka sa akin, huwag mo akong tingnan. Huwag mo akong pansinin. Maghanap ka ng ibang mabu-bully." Padabog kong ibinagsak ang mga papel sa harap niya.
"Ang yabang mo. Akala mo kung sino ka. Kaya pala hindi ka ma-promote. Samantalang ako, wala pang one year, twice ng na-promote." Inayos pa nito ang mamahaling damit na suot. Parang iniinggit ako.
"Iyon naman pala. Ano ngayon ang ipinaglalaban mo sa akin? Mas magaling ka. Siguro ikaw ang may backer dito kaya kahit wala kang ginagawa, napo-promote ka." Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Pangit na 'to. Kung hindi ka pa mukhang hindi naliligo. Sasabihin ko sa HR na nuisance ka dito. Hindi kami makapagtrabaho ng maayos dahil nadi-distract kami sa kapangitan mo."
Ngumiti lang ako ng nakakaasar sa kanya. "Go ahead. Walang pumipigil sa iyo. Alis na. Marami pa akong gagawin."
Padabog akong tinalikuran ni Mahra.
Napabuga ako ng hangin. Problema na ang iniwan ko sa bahay, pagdating dito sa trabaho problema pa din ang pakikisama sa mga walang puso kong officemates.
Tiningnan ko ang schedule ni Sir Guido. Medyo maluwag ang sched niya. Two meetings lang today. Matatapos ko ang mga backlogs ko dahil ang iba dito ay last week pa ang deadline.
Napakunot ang noo ko ng isang piraso ng papel ang lumapag sa harap ko. Cheke iyon. Nakapangalan sa akin at nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos. Taka akong napaangat ng mukha at nakita kong nakangiti na nakadukwang sa akin si Xavi Costelo.
"Just say yes and you can cash it right now." Ang ganda ng ngiti niya sa akin. Ipinapakita ang pantay-pantay na ngipin. Nagkalansingan ang mga patong-patong na silver necklaces niya sa leeg. Kumislap din ang nose ring niya ng tamaan ng ilaw.
"Ano? Ano 'yan?" Umatras ako dahil ang lapit niya sa akin.
"Say yes to be my model for my painting. That's one hundred thousand, Kay. I know how you need money. Malaking tulong na 'yan sa-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil dinampot ko ang cheke at nilukot sa harap niya.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Ayoko 'di ba? Hindi ako maghuhubad para lang magkapera. Ano ba ito? Wala kang makitang ibang pag-tripan kaya ako ang kinukulit mo?" Hindi ko na natiis na hindi sagutin ang lalaki kahit pa nga anak siya ng may-ari ng kumpanyang ito.
"I am just trying to help. Ano bang masama dito? Bayad ito. Pagta-trabahuhan mo naman." Halatang napikon si Xavi.
"Pagta-trabahuhan ko? Paghuhubaran ko? Hindi ako ganoon. Uulitin ko, hindi ako maghuhubad para sa pera. Wala akong pakielam kahit isang milyon pa ang ibayad mo. Hindi ako papayag na maghubad sa harap mo." Madiing kong sabi.
Nagtagis ang bagang ni Xavi at inis na kinuha ang lukot na cheke.
"Mayabang ka. You think you can handle it all. I know what's happening on your life." Tumawa siya ng nakakaloko. "Pera na tinatanggihan mo pa. Akala mo naman may ipagmamalaki ka."
Tinawanan ko din siya ng nakakaloko.
"Hindi mo lang matanggap na ang isang mahirap na katulad ko ay tumatanggi sa pera mo. Kahit magdildil kami ng asin, hindi ko tatanggapin ang pera mo. Subukan mo si Mahra, mukhang kahit hindi mo bayaran ang babaeng iyon, maghuhubad siya ng libre sa harap mo. Hindi ka pa mapapahiya." Itinaas ko ang noo sa harap ni Xavi.
Namumula ang mukha ni Xavi habang nakatitig sa mukha ko.
"You'll regret this." Mariin niyang sabi sa akin.
"Huwag mo na akong takutin. Matagal na akong takot. Huwag kang mag-alala. Hindi pa naman ako magsusumbong sa Uncle mo. Pero sa susunod na gawin mo pa ito, magpa-file na talaga ako ng kaso against you at pagkakaperahan kita."
Hindi na sumagot si Xavi at tinalikuran na ako. Napapikit ako at napahinga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang nakita sa akin ng lalaking iyon at ako ang naisipan na pagtripan.
------------------
Xavi's POV
"Don't move. Hold your head like that."
Sumunod naman ang babaeng nasa harap ko at sinimulan kong magpinta sa kaharap kong canvass. Bawat hagod ng pintura sa canvass ay binibigyan ko ng pansin. Bawat kurba ng katawan ng kaharap kong model ay talagang sinisiguro kong makukuha ko.
Bahagyang gumalaw ang babae at talagang ikinainit ng ulo ko iyon.
"I said don't move! Ano ba ang mahirap intindihin doon?" Iritableng sabi ko sa babae.
"Oh my God, Xavi. What's with you? Bakit ang init ng ulo mo? Isang oras na nga ako sa ganitong posisyon pero parang wala ka pang naipi-paint diyan. Napapagod din ako 'no?" Inis na sagot sa kanya ng babae.
Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha at inis na binitiwan ang paint brush.
"Sorry, Mari. Sige. We could do this again tomorrow." Tinabig ko ang mga pintura na nasa harap ko at umalis sa kinauupuan at pabagsak na naupo sa couch na nasa loob ng studio ko. Nagbihis naman si Mari at tumabi sa akin. Dinukot ang sigarilyo na nasa bulsa ko at nagsindi.
"You're not in the mood." Komento niya at bumuga ng usok.
Umiling lang ako.
"I know you, Xavi. Matagal mo na akong model at alam ko kung kelan ka nasa mood o wala."
"I am just stressed because the exhibit is in a month at wala pa akong nagagawa."
"Kaya nga pinagbigyan na kita. Kahit hectic ang sched ko, pumayag na akong mag-model sa iyo. Grabe ka. Gusto mo pagtawag mo nandito agad ako. Kung hindi ka lang cute hindi kita pagbibigyan," tumawag pa ng malandi si Mari at ibinagsak ang kamay sa hita ko.
Ngumiti lang din ako at nanatiling nakasandal sa couch. Matagal na rin siyang nagpo-pose sa mga nude paintings ko. Maganda kasi ang katawan ni Mari. Makurba. Maganda ang tindig ng boobs kahit alam kong hindi natural. Nagagawan ko naman iyon ng paraan kapag naipinta ko. Pero talagang nagwawala ang ibang idea sa utak ko kaya wala akong mailagay sa canvass.
Si Kaydence kasi ang naiisip kong ipinta doon.
That fucking woman. Ano pa ba ang ayaw niya sa offer ko? I raised my offer up to one hundred thousand pero tinanggihan pa rin niya? Damn it. Kahit wala na silang makain ng asawa niya, pride pa rin ang paiiralin niya? Hindi pa siya magpasalamat at napansin ko siya. Hindi naman siya kapansin-pansin.
Naramdaman kong marahang humimas sa mga hita ko ang kamay ni Mari.
"I still have an hour before I go back to the agency. You might want to have a little good time para mawala ang init ng ulo mo," nakangiti siya ng makahulugan sa akin.
Marahan kong inalis ang kamay niya at lumayo.
"I'm sorry. I am not in the mood. Sige na. I'll call you if we are going to have a session tomorrow." Gusto ko na lang siyang umalis.
Ngumiwi ang babae at inubos ang hawak na sigarilyo at pinatay sa kalapit na ashtray.
"Alright. The great Xavi Costelo is not in the mood right now. What if I bring a friend later? Would you be in the mood then?"
Ngumiti ako ng nakakaloko. "Who? Joy?"
"Do you want Joy?" Kumindat pa siya sa akin.
Hinilot-hilot ko ang ulo ko. "If she's no longer mad at me."
Hinalikan ako sa pisngi ni Mari. "She cannot be mad at you. She is crazy to taste you again. I'll call her and expect us to be here later." Tinapik pa niya ang pisngi ko at tumayo na tapos ay tinungo ang pinto. Humarap uli siya sa akin bago tuluyang lumabas. "Jerk it off, Xav. Baka libog lang sa ibang babae ang nararamdaman mo kaya wala ka sa mood." Nag-gesture pa ng parang nagma-masturbate si Mari bago tuluyang lumabas.
Natawa na lang ako at tiningnan na ang sumarang pinto.
Napatitig ako sa canvass na nakapatong sa easel stand. May mga hagod na ng pintura iyon. Naka-porma na ang katawan ni Mari pero talagang hindi ako kuntento. Tumayo ako at itinapon iyon sa katabing basurahan. Muli akong kumuha ng blank canvass at nagsimulang magpinta. In my head, I know what I wanted to paint. The perfect shaped face, the innocent eyes, the lustful lips. Her lips were really to die for. Not thin, not too thick but perfect. Her nose was not perfect too, but it complimented her face. She was wearing eyeglasses, but I'll remove it in this painting. The hair was messy, but I'll make it sexy here. And her body...
Saglit akong napahinto sa pagpinta dahil hindi ko maituloy ang pagpinta ng katawan niya. I tried to start to paint her neck down to her shoulders down to her breasts. What does her breasts look like? Was it big? I don't know. She was wearing big clothes every time I saw her. Does she have a curvy body? Napahigpit ang hawak ko sa paint brush at hindi ko maituloy ang pagpinta sa canvass. Sinubukan ko uling iguhit ang nasa imagination ko pero hindi ko talaga maituloy. I needed to see the subject in front of me.
Malakas akong napasigaw at tinabig ko ang canvass at easel. Tumba ang mga iyon. Laglagan ang mga oil paints sa lapag. Tumapon din. Natapunan ang canvass na kanina lang ay pinipintahan ko.
"God damn you, Kaydence. Shit!" Ilang beses akong huminga ng malalim dahil talagang naiinis ako.
Ilang beses akong bumuga ng hangin para kumalma. Dumukot din ako ng sigarilyo at nagsindi para mawala ang stress ko. This is the first time na pinasakit ang ulo ko ng isang subject for my painting. Sinubukan ko na kumuha ng ibang model pero talagang iba talaga ang hinahanap ng imagination ko.
Napatingin ako sa canvass na nasa lapag at tinitigan ko ang natapos kong i-paint na mukha ni Kaydence na may unfinished body. Marahan kong hinilot-hilot ang ulo at batok ko dahil literal na sumasakit iyon.
"How will I make you say yes to me?" Wala sa sariling sabi ko.
Tahimik na tahimik ang buong studio ko. Walang kahit na anong ingay na maririnig kundi ang malalalim kong paghinga. Sigurado naman akong hindi papayag ang uncle ko kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa gusto kong pagkuha sa services ni Kaydence. Medyo overprotective si uncle pagdating sa mga tao niya.
"It's just one time, dear. One time. Wala naman tayong gagawin. I just want to paint your body," pakiramdam ko ay nasisiraan na ako ng bait na nakatingin pa rin sa mukha ni Kaydence sa canvass.
Humithit ako ng sigarilyo at bumuga tapos ay napatingin ako sa kalendaryo ng Costelo Metal Works. Napakunot ang noo ko at napangiti. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?
Dali-dali akong nag-dial ng telepono.
"Jet." Bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Dude, I am in a middle of something." Reklamo nito.
"This will be quick. Do you know someone who can investigate someone? I just need to know what's happening to this person."
Natawa si Jet. "Sino? Si Danica? 'Di ka pa ba nakakaget-over sa syota mong 'yun?"
"No, idiot. Hindi si Danica. Basta. May gusto lang akong pasundan so I would know my next move."
"'Tanginang 'to. May pa-ganun' pa. Wala, eh. Pero magtatanong ako. Balitaan agad kita."
"Sige. Thanks. Asahan ko, ha?"
Wala na akong narinig na sagot kay Jet.
Pinatay ko ang sigarilyo sa ashtray at napangisi nang tumingin sa canvass kung saan ko ipininta ang mukha ni Kaydence.
"Papayag ka din. I'm sure, you're going to strip naked in front of me."
Siguradong-sigurado na ako doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top