CHAPTER FIFTEEN - CARMINE
"I am seeking, I am striving. I am in it with all my heart." - Vincent Van Gogh
---------------------
Kay's POV
Ganoon kaya talaga si Xavi? Talaga kayang iba-iba ang babaeng kasama niya araw-araw?
Iyon ang laman ng isip ko habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin. Ginabi na nga ako kasi tinapos ko pa ang mga trabaho na dapat tapusin. Nakakahiya naman kasi kay Sir Guido. Alam kong sobrang behind na ako sa mga deadlines sa mga reports para sa kanya pero hindi niya ako sinisita. Ngayong medyo nagiging okay na kami ni Jeremy, babawi naman ako kay Sir.
Napangiwi ako ng maalala ko na naman si Xavi. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong pasado alas-nuebe na. Magkasama na kaya sila ni Mahra? Ipinagluluto na kaya siya ni Mahra o nagmamasahehan sila. Bumuga ako ng hangin. Bakit ko ba iniisip kung ano ang ginagawa ng dalawang iyon? Matatanda na sila. Kung gumawa man sila ng bata ngayong gabi, bahala na sila sa buhay nila.
Kumunot ang noo ko dahil pagdating ko sa bahay, sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang malakas na boses ng biyenan ko. Napahinga ako ng malalim dahil alam kong si Jeremy na naman ang kinakastigo nito. Wala talagang awa sa anak ang biyenan ko na ito. Hindi ba nito nakikita na halos hilahod na si Jer sa pagtatrabaho para lang masunod ang mga kapritso nilang mag-ina?
"Ano 'tong nabalitaan ko na nag-hotel pa daw kayo ng asawa mo? Kulang na kulang na nga ang ibinibigay mo sa akin tapos inuuna 'nyo pa ang paggastos sa mga hotel-hotel na iyan. May naghatid pang kotse dito sa inyo. Aba, Jeremy! Hindi mo ba naisip na nagugutom kami ng kapatid mo," ang lakas ng boses ng biyenan ko.
Pinigil ko ang sarili ko at nanatili akong nasa pinto lang at pinapakinggan ang mga sinasabi nito sa asawa ko.
"'Nay, wala naman kaming ginastos doon. Bigay iyon ng kumpanya." Mahinahong sagot ni Jer.
"Ganoon? Dahil bigay ng kumpanya, kuntodo porma pa kayo. Ang yayabang 'nyong mag-asawa. Nauna 'nyo pang i-celebrate ang anniversary 'nyong walang kuwenta kesa ang intindihin kami ni Jerika."
"'Nay, anniversary ho namin iyon ni Kaydence. Ilang taon na rin hong nagtitiis ang asawa ko. Minsan ko lang siya mapasaya ng ganoon."
"Jeremy, ang asawa mo inintindi mo. Paano kami ng kapatid mo? Hindi ba kami nagtitiis? Kulang na kulang ang ibinibigay mo sa akin. Nangako ka sa akin noon na bibigyan mo ako ng maginhawang buhay. Pero ano ito? Ano itong nararanasan namin ng kapatid mo? Kulang na lang magdildil kami ng asin. Kulang na lang huminto sa pag-aaral ang kapatid mo," napa-rolyo ang mata ko dahil gumagaralgal ang boses ng biyenan. Ito naman ang panlaban niya kay Jer. Iiyakan niya para maawa naman si Jer at makunsensiya.
"'Nay, huwag ka ng umiyak. Sorry sa nasabi ko. Pinipilit ko naman hong bigyan kayo ng maayos na buhay. Lahat tayo gusto kong maging maayos. Ikaw, si Jerika, si Kaydence. Gusto ko sama-sama tayo at maging maayos tayo dahil mahal ko kayang lahat." Damang-dama ko ang paghihirap sa boses ng asawa ko.
"Awang-awa na kami sa sarili namin, Jeremy. Mabuti pa kayo ng asawa mo naranasan 'nyong mag-hotel. Samantalang ako. Kami ng kapatid mo hindi mo man lang mapatikim ng kahit lamig ng aircon. Talagang pinaparamdam mo sa amin na mas imporatante sa iyo ang babaeng iyo kaysa sa akin na nanay mo at kay Jerika na kapatid mo." Malakas na ang palahaw ng biyenan ko.
Naumay ako bigla sa kung ano-anong dinadrama ng biyenan ko kaya umalis na lang ako uli. Dumiretso ako sa tindahan na malapit sa amin. Karinderya din iyon kaya pumasok ako sa loob. Umorder ako ng isang bote ng Red Horse. Minsan lang naman ito. Gusto ko lang kumawala sa buhay na ito.
Hindi ako sanay uminom. Pero dati, kami ni Jeremy, nag-iinom kaming dalawa. Iyon na ang pinaka-bonding namin. Sa bahay lang kami. Mag-iinuman kaming dalawa tapos magkukuwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Aalalahanin namin kung paano kami nagkakilala, kung paano kami na-inlove sa isa't-isa. Kung paano kami nangangarap na magkaroon ng magandang buhay dahil sa pagtitiyaga namin.
Direkta akong uminom sa bote. Sunod-sunod ang lagok. Sa isip ko ay minumura ko ang aksidenteng nangyari kay Jer. Kung hindi sa aksidenteng iyon hindi magkakaganito ang buhay namin. Kahit pilit na ibinabalik ni Jer ang lahat ngayon, hindi na maibabalik ang dati.
Naubos ko ang isang bote at umorder pa ako ng isa pa. Dalawang bote lang naman ako. Gusto ko lang na pag-uwi ko, wala na doon ang biyenan ko at baka kapag nagkaharap kaming dalawa na nakainom ako, makalimutan ko ng biyenan ko siya. Baka masabi ko na ang lahat ng mga salitang kinikimkim ko ng ilang tao at kapag nasabi ko iyon, baka tuluyan akong hiwalayan ni Jeremy.
Kinuha ko ang telepono ko at nagbukas ng Facebook kahit wala naman akong masyadong post doon. Hindi naman ako active sa social media. Ginagamit ko lang kapag mayroon akong gustong tingnan o alamin. Binuksan ko sa IG. May account din naman ako doon pero hindi naman active. Tatlo nga lang ang followers ko. Si Sir Guido na katulad kong hindi rin active tapos dalawang taga Finance na hindi ko rin naman masyadong close. Tiningnan ko ang account ni Sir Guido. Maraming taga-opisina ang naka-follow sa kanya kahit wala naman siyang masyadong post. Nakita kong naka-follow sa kanya si Mahra at kahit naiinis ay tiningnan ko ang account niya.
Ang daming pictures. Sobrang active. Nakita kong ang recent post niya ay nakalatag na underwear sa kama. Ternong bra at panty iyon tapos may paper bag ng isang sikat na lingerie. Tapos ng caption:
He told me to wear something sexy that's why I am wearing this. #sexynight
Gusto kong ibato ang telepono ko sa kaartehan ni Mahra. Sigurado akong ang tinutukoy niya ay si Xavi dahil rinig na rinig ko naman ang sinabi ng lalaki sa kanya.
Diretso akong tumungga sa bote ng beer at ang account naman ni Xavi ang tiningnan ko. Napataas ang kilay ko at active din ang lalaki sa social media. Maraming mga posts ng mga previous exhibits, mga lugar na napuntahan, mga kasamang kaibigan. Maraming naka-tag sa kanya na mga pictures na kasama ng iba't-ibang mga babae. Magaganda. Mga sexy. Tingin ko mga models at artista. Sabagay, bagay naman kay Xavi ang ganitong mga babae. Nasa tipo nito na ito ang mga gustong klase ng babae. Hindi nito gugustuhin ang mga babaeng simple.
Patuloy ako sa pagba-browse ng mga pictures niya hanggang sa mapahinto ako sa isang litrato niyang nakahubad siya. Ngayon ko lang nakita na may mga tattoo din pala siya sa katawan. Marami. Akala kong mga ilang piraso lang sa braso niya. Pero in fairness, artistic ang pagkakakuha ng litrato. Hindi nakatingin sa camera si Xavi. Nakatali ang mahaba niyang buhok. May hawak na sigarilyo at bumubuga ng usok. 'Yung mukha niya ay seryoso na nakatingin sa kawalan. Parang nag-iisip ng malalim.
Inubos ko ang natitirang laman ng bote ng Red Horse. Gusto ko pa sanang umisa pero baka hindi na ako magising bukas at hindi na ako makapasok. Saka pakiramdam ko nahihilo na rin ako. Sexy na nga ang tingin ko kay Xavi. Pero ang totoo, sexy naman talaga siya. Maganda ang katawan ng kumag. Walang tiyan. Nagpatuloy pa ako sa pagba-browse. Maraming pictures si Xavi na wala siyang suot na shirt. Nakaka-demonyo ang itsura. Parang nang-aakit.
Pumikit ako at mabilis kong pinatay ang telepono ko. Mali. Mali ito. Kahit may tama na ako alam kong mali na tumingin ako sa ibang lalaki. May asawa na ako. Mahal ko si Jeremy kaya hindi dapat ako humahanga sa ibang lalaki.
Nagbayad ako at umuwi na. Kaya ko pa din naman na umuwi kahit tingin ko sa dinadaanan ko ay dumudoble na. Shit. Ito ang hirap ng uminom ng walang kahit na anong kinakain. Tinamaan yata ako.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong nakaupo sa sofa si Jeremy. Halatang inip na naghihintay sa akin.
"Ginabi ka. Pasado alas-onse na," hindi naman siya nagagalit. Nag-aalala lang.
"Dumaan lang ako sa tindahan. Nagpalipas. Nandito kasi ang nanay mo kanina," sagot ko at dumiretso ako sa kuwarto.
"Kay, nakainom ka ba?" Tanong niya sa akin. Alam kong sinundan ako ni Jeremy.
Hindi ako sumagot at dumiretso lang sa banyo. Naligo ako. Nahihiya din ako sa kanya dahil siguradong magtataka siya bakit ako amoy alak.
Paglabas ko ay nakaupo na siya sa kama. Nakasandal sa isang gilid ang mga saklay niya. Humugot ako ng damit sa aparador at nahiga din sa kama.
"Kay, amoy alak ka. Nag-inom ka?" Takang-takang tanong ni Jer.
"Konti lang. Hindi ko lang kasi matiis na kung ano-ano ang sinasabi ng nanay mo sa iyo."
Napahinga ng malalim si Jeremy.
"Pasensiya ka na. Alam mo naman si nanay. Ganoon lang talaga iyon."
"Ganoon naman talaga siya. Walang kakuntentuhan," wala sa loob na sabi ko. Napapikit ako. Gusto kong lapirutin ang bibig ko dahil sa nasabi ko. Iwas na iwas nga akong magsabi ng mga ganoong salita kay Jer tungkol sa nanay niya.
"Bayaan mo na, Kay. Ako na ang bahala kay nanay." Mahinang sagot niya.
Hindi na ako sumagot. Tumalikod lang ako ng higa sa kanya.
Naramdaman kong humiga sa tabi ko si Jer. Hinawakan ako sa balikat at naramdaman kong hinahalik-halikan niya ako doon. Mababaw na halik mula sa balikat paakyat sa leeg ko, sa batok. Napapikit ako. Sa totoo lang, may pangangailangan din ako at minsan, nakakaramdam ako ng ibang klaseng init ng katawan. Gusto ko ang ginagawa ngayon ni Jer. Dinadama ko ang bawat paghalik niya sa katawan ko.
Humarap ako kay Jer at hinuli ko ang mukha niya at hinalikan ko sa labi. Wala akong pakielam kahit amoy alak ako. Mainit ang paghalik ko. Mapusok. Nang-aangkin. Gumaganti rin ng halik si Jer sa akin. Nararamdaman kong gumagapang ang kamay sa katawan ko. Gusto ko iyon. Kailangan ng sex ng katawan ko ngayong gabi. Kailangan ko ang asawa ko.
Lalo akong nakaramdam ng ibang klaseng init. Gumagapang na rin ang kamay ko sa katawan niya habang patuloy sa paghalik sa kanya. Bumaba ang kamay ko sa beywang ni Jer at kinakalag ko ang pagkakatali ng suot niyang pajamas. Naramdaman kong pinigilan niya ako at napamulat ako ng mata at tumingin sa kanya. Kita ko ang frustration sa mukha ni Jer.
Nagtagis ang bagang ko at inis na bumitiw sa kanya tapos ay painis na tinalikuran siya.
"Kay, sorry." Mahinang sabi niya.
Hindi ako kumibo pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. Napapikit na lang ako at pinabayaan kong tumulo ang luha ko.
Itutulog ko na lang kung anuman ang lecheng init na nararamdaman ko ngayon.
---------------------
Xavi's POV
And Mahra followed what I told her earlier.
She was wearing a sexy lingerie when she came in my unit.
She was wearing a long trench coat and when she removed it, she was wearing nothing but a sexy lacy bra and thong panties. She was ready for anything that might happen to us tonight.
Wala naman akong handang kahit na anong pagkain. Just booze to set the mood. Tingin ko naman hindi rin siya kakain. Mukhang ako ang gusto niyang papakin.
"Buti naman at napansin mo na rin ako, Xavi. Ang tagal-tagal ko ng nagpapapansin sa iyo," kumagat-labi pa si Mahra habang nakaupo sa sofa ko na tanging undies lang ang suot.
Ngumiti lang ako at nag-abot ng isang baso ng wine sa kanya. Dire-diretso niya iyong ininom habang malagkit na nakatingin sa akin.
And this is fun. At least, ibang babae. Puwede na ito huwag lang pumasok sa isip ko si Kaydence.
Tinungo ko ang sound bar ko at naghahanap ng music na puwedeng patugtugin. Naramdaman kong pumulupot ang mga kamay ni Mahra sa beywang ko mula sa likuran at damang-dama ko ang kalambutan ng katawan niya.
"Can't wait, huh?" Natatawang komento ko habang pinapabayaan ko siyang likutin ang butones at zipper ng pantalon ko.
"Ang tagal kitang pinagpapantasyahan. Hindi ko na papakawalan 'tong pagkakataong ito," natatawang sabi niya at tuluyang ibinaba ang zipper ng pants ko.
Pareho kaming napatingin sa pinto ng may marinig kaming nag-buzz doon.
"You're expecting someone?" Kunot-noong tanong niya.
"None. Let me check," sagot ko at humiwalay ako sa kanya at tinungo ang pinto. Pagbukas ko ay nagulat ako ng biglang may humalik sa aking babae at habang hinahalikan ako ay nag-uumpisa na itong maghubad.
Gulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari kaya mabilis kong inilayo ang babaeng pumapapak sa akin.
"Sab?" Napatingin ako sa gawi ni Mahra at kita kong nagugulat siya sa nangyayari.
"I missed you, babe. Nabanggit kasi ni Geneva na nagpunta siya dito and sabi niya, you had a great time. Nainggit ako kaya nagpunta din ako," kumagat labi pa ito at tuluyang hinubad ang suot na dress.
Napakamot ako ng ulo at tumingin kay Mahra. Ngayon ay nakataas na ang kilay nito at masama ang tingin kay Sab.
"May kasama kasi ako ngayon," alanganing sabi ko kay Sab.
Tumaas din ang kilay nito at tumingin kay Mahra.
"Hmm. Open minded ako. Let me share," nakangiting sagot nito at lumapit sa mesa at nagsalin ng wine sa baso at ininom iyon.
Marahan ko ng hinilot ang ulo ko. Mukhang mauulit na naman ang nangyari noon na nagpauwi ako ng dalawang babae dahil hindi magkasundo kung sino ang mauuna sa akin.
Oo nga at gusto kong ma-divert sa iba ang isip ko pero hindi naman ganito. Sakit ng ulo ang ibinibigay nito.
"Xavi, ano 'to?" Tonong naiinis na si Mahra.
"Mahra, she is Sab. A friend. Sab this is Mahra." Napabuga ako ng hangin.
"And? What is she doing here?" Iritable na ang tono ni Mahra.
Tumaas ang kilay ni Sab at ngumiti ng nakakainis kay Mahra.
"I am here to have some fun. Okay lang akong may ka-share. I want to try threesome too." Kumindat pa dito si Sab.
Masamang tumingin sa akin si Mahra at nagkibit lang ako ng balikat.
"Take it or leave it. Hindi aalis iyan," tanging sagot ko at diretsong tumungga sa bote ng wine.
"At hindi rin ako aalis. Ako ang mauuna. Nauna akong dumating dito kaya maghintay ka," naramdaman kong lumapit sa akin si Mahra at hinila ako papunta sa kuwarto ko.
Tumayo din si Sab at lumapit din at kumapit naman sa isang braso ko.
"And you think I'll allow you na masolo si Xavi? Over my dead body. I have known him first kaya kung gusto mong tikman, sabay na tayo." Natatawang sabi ni Sab.
"Xavi, ano ba? Ayoko ng ganito." Parang batang nagmamaktol si Mahra.
"'Di umalis ka. Kung ayaw mo ng may kasalo, pumunta ka sa ibang araw. Kung gusto mo naman tikman, maki-join ka na lang sa amin." Tingin ko ay hindi mananalo si Mahra kay Sab. Sanay sa ganitong laro ang babaeng ito.
Sinamaan ito ng tingin ni Mahra at hinawakan ako sa mukha para halikan. Mainit si Mahra. Parang nagpapakitang-gilas. Pero marahan itong hinawi ni Sab at ito naman ang humalik sa akin. Mas nagpapakitang-gilas ito. Mas wild ang paraan ng pag-halik.
Nagulat ako ng biglang umaray ng malakas si Sab. Noon ko nakita na hinila na pala ni Mahra ang buhok nito.
"Ako ang nauna kaya ako ang mauuna kay Xavi! Umalis ka dito at huwag mo kaming istorbohin!" Galit na sigaw ng babae.
"I won't go anywhere! Mas nauna kong nakilala si Xavi. Kilala ko ang mga babae niyan at ngayon lang kita nakita. Sino ka ba?" Galit na rin si Sab at mukhang hindi naman nito uurungan ang babae.
Nagsisimula na silang magbangayan na dalawa. Ang akala kong gabi na mari-relax ako ay lalo lang dumagdag sa stress ko.
"Enough! Get out! Both of you!" Sigaw ko sa kanila.
Napatahimik ang dalawang babae at halatang nataranta sa narinig na sinabi ko.
"X-Xavi, umm kasi – siya-" parang maiiyak na si Mahra.
Umiling ako.
"Wala na ako sa mood. Umuwi na kayong dalawa. Get out," pagtataboy ko sa kanila.
Napasimangot ang mukha ni Sab at inis na dinampot nito ang damit at isinuot iyon. Tumingin ako kay Mahra at hindi siya tumitinag. Parang ayaw niyang umalis.
"Girl, huwag ka ng umasa na matitikman mo pa si Xavi ngayong gabi. If he said that you need to go, you need to go." Nang-aasar pa ang tono ni Sab.
Naiiyak na talaga si Mahra. Nagpapaawa ang mukha na nakatingin sa akin.
"Get dressed. Both of you. Out." Walang emosyong sabi ko.
Mabilis na isinuot ni Mahra ang trench coat niya at pahablot na kinuha ang bag at nagdadabog na lumabas. Ngumiti naman ng nakakaloko sa akin si Sab at nag-dirty finger sa akin bago tuluyang lumabas.
Napabuga ako ng hangin at malakas na isinara ang pinto ng unit ko. Pabagsak akong nahiga sa sofa at hinilot-hilot ang ulo. I just wanted to relax tonight. I wanted my mind to be somewhere else hindi 'yung iisang tao ang pumapasok dito.
Mahina akong napamura at napatingin sa mga used canvass na nakatambak sa isang gilid. Inis akong bumangon at kumuha ng isa doon. Naroon ang mga painting ng mukha ni Kaydence. Ipinatong ko iyon sa easel at tiningnan ang isang unfinished painting.
"What are you doing to me?" Para akong tanga na nakikipag-usap sa painting.
"You're messing with my head. I want you out of my head. Out of my system. You are fucking married. Why are you messing with my head?" Inis kong sinabunutan ang buhok ko habang nakatingin sa painting.
Inis kong dinampot iyon at inihagis. Lahat ng mga canvass na may painting niya ay pinaghahagis ko. I don't want this. I don't want this feeling. Ayokong matulad kay Uncle Guido na nagpaalipin sa maling pag-ibig.
I won't be like that. I won't let myself fall for a married woman.
Kahit alam kong unti-unti ay iyon na ang nararamdaman ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top