CHAPTER ELEVEN - LAVENDER

"Art is the only way to run away without leaving home." - Twyla Tharp

Xavi's POV

            "Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko ang trip mong dito mag-inom. Kailangan pa tuloy natin magbihis ng ganito dito," parang naiirita si Jet sa suot niyang closed neck shirt na pinatungan niya ng blazer. Inis pa nitong hinimas ang ulong kalbo.

            "We need to blend in. Nakakahiya naman kung mukha tayong basura na pupunta dito. Baka kahit may pambayad tayo, hindi tayo papasukin. Saka para maiba naman ang ambiance natin. Lagi na lang tayong nagkikita sa mga patapong bar. Malay mo dito mas maayos na babae ang makuha natin," sagot ko sa kanya at kumaway sa waiter para magpasalin pa uli ng wine sa baso ko.

            "'Tangina, pa-wine-wine pa tayo ngayong gabi. Gin nga lang ang tinitira natin sa bar ni Toby," natatawang sabi nito at lumagok din sa kaharap na baso. "Ibinabagay mo ang sosyal mong itsura sa sosyal na wine na iniinom natin.

            Tiningnan ko ang sarili ko kasi talaga naman na ibang-iba ang itsura ko ngayon. Naka-merch shirt man ako ng paborito kong banda, pinatungan ko naman iyon ng blazer. Hindi rin ripped jeans ang suot ko. Matinong dark jeans at naka-boots ako. Tinanggal ko din ang patong-patong na silver necklaces na lagi kong suot. Wala din akong hikaw. Ang nose ring lang ang hindi ko tinanggal at mga suot kong malalaking metal rings sa daliri.

            "Ano bang nirereklamo mo? Libre ko naman 'to," inubos ko ang laman ng basong ininom ko at muling nagpasalin ng wine. Palinga-linga ako sa paligid ng Sage Bespoke Grill. Sa dulong parte kami pumuwesto ni Jet. Mabuti nga at nahatak ko ang kalbong ito para makasama dito. Kung hindi, mukhang kawawa na naman akong mag-iinom mag-isa. Well, hindi rin naman pala ako mag-iisa all night kasi siguradong may babae rin akong makikilala.

            "Dito ka ba maghahanap ng model mo?" Luminga-linga sa paligid si Jet.

            Napakamot ako sa ulo at natawa ako ng tingnan ko si Jet. Grabe ang combination naming dalawa. Sobrang contrast. Siya ay napakakinis ng ulo dahil kalbo, samantalang ako, naka-bun ang mahaba, makapal at kulot na buhok.

            "Kung may makikita, mas maganda." Napahinga ako ng malalim ng maalala ko si Kaydence. "May nakita na sana ako kaya lang ayaw pumayag. Kahit magkano yata ang i-offer ko hindi maghuhubad sa harap ko." Tumungga ako sa hawak kong baso.

            "Wow. Really? May tumanggi sa iyo?" Hindi makapaniwala ang itsura ni Jet.

            "Yeah. First time." Nagkibit pa ako ng balikat.

            "May tumanggi sa iyo? It's must be hard to accept. May tumanggi kay Xavier Philip Costelo." Napa-tsk-tsk pa si Jet. "Kaya ka siguro depressed."

            "Gago, anong depressed? Normal ako. Hindi lang ako makapagpinta pa dahil wala pa ako sa focus pero wala naman sa akin na tinanggihan ako." Muli kong naisip si Kaydence. Siguro kung hindi siya tumanggi sa akin, marami na akong naumpisahan na paintings ngayon.

             "Hindi ka depressed pero dito mo ako niyayang mag-inom sa ganitong lugar. This is not your gig, Xav. Kilala kita. Unless, may sinusundan kang babae."

            "Ang praning mo. Alam mo, epekto na 'yan ng kakahanap mo ng mga kung ano-ano. Saka kaya din kita niyaya dito para matigil ang utak mong umakyat ng bundok. Baka kakasama mo kay Venci isang araw malaman ko, ikaw na ang bathala doon at pinalitan mo na si Hunter Acosta." Natatawang komento ko.

            Nagkibit-balikat si Jet. "Anong masama? Maraming maganda 'dun sa tribe. May mga amoy lang pero, puwede na." Kumagat-labi pa ito.

            "Fuck you, Jet. Wala ka talagang patawad," tumatawang sagot ko. Muli akong umorder ng isang bote ng wine at nagsalin sa baso ko. Uminom ako doon at napahinto ako sa ginagawa ng makita ko ang pamilyar na pares na talagang hinihintay ko.

            And Jeremy brought his wife here.

            I can't take off my gaze to Kaydence. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa unang beses ko siyang nakita sa opisina ni Uncle Guido. I knew it that, that clothes will fit her perfectly. I am looking intently at her, memorizing the angles of her face, her long neck, her shoulders. Napahinga yata ako ng malalim ng makita kong nagmamalaki ang mga dibdib ni Kaydence sa suot na damit. Humakab sa magandang hubog ng katawan niya ang damit na binili ko para sa kanya. Ibinigay ko iyon kay Jeremy kasama din ang suot niyang damit ngayon. I provided their anniversary venue, hindi ko pa ba lulubusin ang padamitan sila?

            Bumaba ang tingin ko sa mga binti niya. She got a nice pair of legs too. Bagay din sa paa niya ang sapatos na binili ko rin para iterno sa damit na suot niya.

            Halos mapuno ko ang wine glass sa pagsalin ko at nanatili akong nakasunod ang tingin sa kanila habang umiinom. Sa bandang gitna sila inalalayan ng waiter na maupo. Halatang naiilang ang dalawa sa lugar dahil panay ang linga ng mga ito. Nasa itsura ni Kaydence na kinakabahan.

            That damn face that I cannot forget.

            Mas maganda pala kapag naayusan.

            Lalo lang naging seductive ang paraan ng pagtingin ni Kaydence dahil na-enhance ang kanyang mga mata gawa ng make-up. Smoky eyes na binagayan ng light shade of blush and lipstick. Her face was glowing and every time she smiles, everything lits up.

            I painted her face over and over on my canvass. Hindi ko lang talaga maituloy dahil hindi ko pa nakikita ang katawan niya.

            At malamang, hindi ko na nga rin maipinta dahil wala na namang pag-asa na makita ko pa.

            "Xav, I said ano ba ang klase ng model na hinahanap mo para sa painting mo? I mean, ang dami mo ng models na tiningnan. Ang dami mo ng na-meet. Wala ka paring nakikita sa kanila?"

            Nagtatanong akong tumingin kay Jet. "What? You're saying something?" Muli akong tumingin sa gawi nila Kaydence at ngayon ay pareho na silang nagtitingin ng pagkain sa menu. They can order whatever they want ngayong gabi dahil naka-charge naman sa akin lahat ito.

            "Sabi ko ano ba ang gusto mong model ngayon? Nagtataka kasi ako sa iyo kung bakit bigla kang nahirapang maghanap ng model. Dati naman hindi mo problema. Basta naghubad sa harap mo, kaya mo ng ipinta. Ngayon may pa-mood-mood ka pa. Umaarte ka na, Costelo." Tonong nang-aasar si Jet.

            Natawa lang ako at umiling. "I said, I wanted something different." Muli akong tumingin sa gawi ni Kaydence. Ang ganda ng mukha niya. Bagay na bagay ang make-up. Kitang-kita ang saya habang nakatingin ito sa asawa. Napangiti ako ng mapakla. Wala pang babae ang tumingin sa akin ng ganoon. Lahat ng babaeng tumitingin sa akin puro tinging may halong libog lang. O kaya, 'yung mga gustong makadikit lang sa akin dahil kilala ang pangalan ko. Kitang-kita ko na punong-puno ng pagmamahal ang tingin na iyon ni Kaydence kay Jeremy. Hinawakan pa nito ang kamay ng asawa.

            Napalunok ako at inubos ko ang halos kalahati pang laman ng wine ng baso ko at muling nagsalin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sumikip ang dibdib ko.

            What the fuck is this feeling?

            I am just attracted to Kaydence because she is perfect for my paintings. That's it. I don't feel anything for her at all. Pero bakit ngayon, naiinggit ako kay Jeremy dahil mahal na mahal siya Kaydence?

            Naiinggit at nagseselos.

            "Jesus Christ. What the fuck am I thinking?" Mahinang sabi ko at naihilamos ko ang kamay ko sa mukha at direkta na akong uminom sa kaharap kong bote ng wine.

            "Dude, medyo natatakot na ako sa 'yo ngayon. Nagsasalita ka ng mag-isa. Ako lang ang gumagawa niyan," natatawang sabi ni Jet.

            Napabuga ako ng hangin at dumukwang pa para mapalapit kay Jet.

            "Have you ever been attracted to a married woman?" Hindi ko alam bakit ko naitanong iyon.

            "Married woman?" Saglit na nag-isip si Jet. "Hindi yata. Sakit sa ulo 'yun. Bakit ako titingin sa may-asawa kung makakakuha naman ako ng walang sabit. Ayoko ng sakit ng ulo. Kalbo na nga ako, kakalbuhin ko pa ba ang sarili ko sa kunsumisyon?" Naiiling na sagot ni Jet. "Pero 'yung totoo, minsan mas hot pa talaga ang married women in terms of maturity. Pagdating kasi sa kanila hindi mo na titingnan 'yung outer looks kasi talaga namang kapag may-asawa na nagiging pabaya na sila sa sarili dahil maraming iniintindi lalo na kung may anak. Bihira na lang ang mga babaeng may-asawa na nakakapag-ayos sa dami ng iniintindi. Minsan ang nakaka-attract sa kanila ay 'yung kung paano nila dalhin ang buhay kahit maraming problema. Married women are good at those. Problemado na pero game face on pa rin. And I admire those kinds of women. Naiinggit ako sa mga asawa nila. Sana ako makatagpo din ng ganoong babae. 'Yung kahit maghirap kami, hindi ako iiwan."

            "Yeah. That's what I thought." Muli akong tumingin sa gawi ni Kaydence at ngayon ay inaayos niya ang mga pagkain na nasa harap ni Jeremy. Ipinaghihiwa pa ng karne ni Kaydence. Siya ang nag-aasikaso sa bawat galaw ni Jeremy. Nakita ko pang may kinuha siya sa bag. Parang pill bottle iyon. Pinapainom pa niya ng gamot ang asawa niya.

            "Bakit? Married woman ang type mo ngayon?"

            Napatingin ako kay Jet sa narinig na tanong niya at muli akong sumulyap sa lugar ni Kaydence.

            "Hindi, ah. Sabi mo nga, may makukuha naman ako na walang sabit kaya bakit ako kukuha ng sakit sa ulo? Naitanong ko lang naman sa dami ng mga nalalaman kong nahuhumaling sa may-asawa." Muli kong inubos ang laman ng baso ko.

            "Kaya nga huwag kang kukuha ng may sabit para hindi ka ma-Tulfo." Tumatawang sabi niya. "'Tangina, durog ang mga may kabit doon."

            Napatawa din ako. "Huwag kang mag-aalala, hindi mo ako makikita kay Tulfo. Baka sa mga porn sites pa."

            "Ay, cheers tayo diyan." Nakipag-cheers pa siya ng baso sa akin.

            Nagpunta lang naman ako dito para masiguro ko na pupunta dito si Jeremy at ang asawa niya. Ngayong nakita ko na sila, puwede na akong umalis at tumambay na sa mga bar na pinupuntahan ko. Mingle with single hot women, cuddling with them, having sex. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko at mas ginugusto kong mag-stay na lang dito at tingnan ang mag-asawang iyon kung paano nila iparamdam sa lahat ng tao dito sa restaurant na parang sila lang ang tao dito at wala silang nakikitang iba.

            Kaydence was so sweet to her husband. Caring, loving. Lagi lang siyang nakatitig kay Jeremy and I really envy him for that.

            Nakita kong may dinukot sa bulsa niya si Jeremy at napangiti ako. Bigay ko din iyon sa kanya. It was a Pandora bracelet na sabi ko ay i-regalo niya kay Kaydence para kumpleto na, na mapasaya niya ang asawa niya ngayong araw.

            Kitang-kita ko na nanlaki ang mata ng babae ng makita ang ibinigay ng asawa niya. Halatang nagulat ito dahil alam nito na mahal ang bracelet. Marami pang charms na nakapaligid doon. Kita kong parang nagtatalo silang dalawa. Parang ayaw tanggapin ni Kaydence ang bracelet at nagpapaliwanag si Jeremy. Tingin ko ay masyado talagang ma-prinsipyong tao ang babae. Mukhang nasira na ang mood nilang dalawa. Nakasimangot na ang mukha ni Kaydence at pailing-iling lang si Jeremy na pinabayaang nakalagay sa mesa ang bracelet.

            Napahinga ako ng malalim. Mukhang naging cause pa iyon para masira ang moment 'nung dalawa. Naisip kong medyo over na rin yata iyon. Siguradong mag-iisip si Kaydence kung saan kinuha ni Jeremy ang pinangbayad sa lahat ng ito.

            Nagpaalam ako kay Jet na magbabanyo lang. Gusto ko na munang makahinga.

            Diretso ako sa men's room at naghilamos tapos ay tiningnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. My face is still the same. I am still the same. The Xavier Costelo na gustong maikama ng mga babae. But right this time, parang isang babae lang ang gusto kong makita.

            Si Kaydence.

            Marahang kong sinampal-sampal ang sarili ko.

            "Fuck you, Xavier. Fuck you. Maraming ibang babae. Itigil mo kung ano ang nag-uumpisang mabuhay sa iyo. It's already dead end. The woman is married." Para akong tanga na kinakausap ko ang sarili kong repleksyon.

            Napabuga ako ng hangin at muling naghilamos.

            "This is just the effect of her rejection. This is just my ego talking. Just my fucking ego," sabi ko pa sa sarili ko.

            Inayos ko na ang sarili ko at tinuyo ang mukha at lumabas na. Pagbukas ko ng pinto ay sabay naman na bumukas ang pinto ng women's restroom at pamilyar ang mukhang nakita ko.

            "Xavi? What are you doing here?" Masayang bati ng babae sa akin.

            "Geneva," iyon na lang ang nasabi ko. Kaibigan ito ni Joy na naging model ko na rin at naikama na rin.

            Lumapit siya sa akin at hinimas ang dibdib ko pati ang mukha ko. Ang dikit-dikit ng katawan niya sa akin. Tago naman kasi ang restroom at hindi kami mapapansin ng mga tao.

            "Na-miss kita, baby. Bakit hindi mo na ako tinatawagan? Nagtatampo ako sa iyo. Nag-pose daw sa iyo si Joy," lumabi pa ito ng konti at dinama ng mga daliri niya ang labi ko.

            "Sandali lang naman iyon and I know how busy you are kaya hindi na kita iniistorbo," sagot ko sa kanya.

            "Miss ko 'to," at bago pa ako makasagot ay hinalikan na niya ako ng mainit sa labi. Grabe pumapak ng bibig si Geneva. Parang mauubusan. Ang wild.

            Doon naman bumukas uli ang pinto ng women's restroom at nanlaki ang mata ko ng makita ang babaeng lumabas doon at nakatingin sa amin ni Geneva.

            Halatang na-shock ang itsura ni Kaydence na makita ako doon at tingin ko, mas higit ang pagka-shock niya sa nakikitang ginagawa namin ng babaeng kasama ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top