Chapter 7: Engagement Ring

Chapter 7: Engagement Ring

Our contract was a secret. Pareho kaming pumirma na nakalagay din sa kasunduan namin na wala dapat ibang makaalam ng usapan namin bukod lang sa aming dalawa.

"I will talk to your family. Then after that we can plan for the wedding. May gusto ka ba para sa kasal natin? I'll hire some wedding organizers for you." he told me.

At nakikinig lang naman ako sa mga sinasabi niya sa akin. Ang nasa isip ko ay hindi ko na kailangan na pakasalan si Maverick. I sighed my relief. Parang iyon pa ang pinaka-importante sa akin. Because I didn't really like that guy! I hate him. And I don't even want to see his face ever again.

"Let's have dinner out." niyaya niya ako pagkatapos naming pumirma ng contract sa office niya.

"Wala ka na bang meeting?" Napatingin din ako sa malaking salamin na bintana ng opisina niya. Padilim na rin sa labas. Kaya siguro ay tapos na rin ang trabaho niya para sa araw na ito.

"I'm done with work. Shall we head out now?"

Tumango naman ako sa kaniya at sumunod na.

We went to an exclusive restaurant to eat our dinner. At ang mismong chef na siyang may-ari rin ng restaurant ang nag-entertain sa amin. And the food was really good, too.

"Ngayon lang ako nakapunta rito..." nasabi ko lang sa kaniya habang tumitingin-tingin din ako sa interior ng restaurant.

"This place is new." Harrison said.

"At kaibigan mo ang may-ari?" I asked him.

"Chef Ramon? You can say that." aniya lang.

Pagkatapos naming kumain at pagkalabas ng restaurant ay may nakasalubong pa kaming mukhang nakakilala kay Harrison at kakain din sila sa restaurant pagkatapos namin.

"Oh. Mr. Harrison Abella... Who is... this girl?" inusisa rin nito si Harrison.

"She's my fiancée..." and Harrison just answered straightforwardly.

Nanlaki naman ang mga mata ko na bumaling kay Harrison dahil sa sagot niya.

"Really?!" mukhang nagulat din ang nagtanong. "I thought she's just your younger cousin... maybe?"

Umiling si Harrison sa kausap. Pagkatapos ay niyaya na rin niya akong umalis na kami.

At nang nasa loob na kami ng sasakyan ay tiningnan niya ako. Napatakip pa ang mga braso ko sa dibdib ko dahil nakatingin siya sa damit ko. "What is it?" I asked why he's looking at me.

He sighed. "Wear your seatbelt." aniya at sumunod din naman ako agad sa sinabi niya.

Nagsuot na rin ako ng seatbelt at pinaandar na ni Harrison ang makina ng sasakyan niya. "I should've made you change your clothes first..." sabi niyang nakatingin na sa harapan.

Napatingin din naman ako sa damit ko. I'm still wearing my uniform from the university...

Pagkatapos ay hinatid din ako ni Harrison sa bahay. Sa labas lang siya at doon lang din ako nagpababa sa labas ng mataas naming gate. At hindi ko na rin naisip na imbitahin pa siya sa loob ng bahay namin. Wala rin naman siyang sinabi...

Pagkatapos ay nagpasalamat na lang din ako sa kaniya sa paghatid. "Thank you..."

He only nodded at me quickly before he went off. Napatingin pa ako sa sasakyan niya na paalis. Pagkatapos ay bumaling na rin ako sa gate namin at pumasok na sa loob.

But then news about us just suddenly spread right away the next day. Tingin ko ay dahil sa nakausap ni Harrison kagabi sa restaurant. Dahil siya lang naman ang pinagsabihan ni Harrison tungkol sa akin.

"Good morning, tita—" I went down to the kitchen after I woke up the next day. Kakabati ko pa lang kay Tita Rachel ng magandang umaga pero agad na rin niya akong inatake ng mga tanong.

"Hija! Kanina pa kita gustong ipagising kay Manang. Ano itong narinig naming balita na pinakilala ka raw ni Harrison Abella na fiancée niya, after you two were seen having dinner together at a fine dining restaurant?" tanong sa akin ni tita.

Umawang naman ang labi ko sa sinabi ni Tita Rachel. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ako nakasagot agad.

Then Ate Rosie and Papa talked to me, too. At pareho lang sila ng mga sinasabi ni Tita Rachel...

Nagpaalam muna ako na babalik lang sa kwarto ko. And then I find Harrison's contact number on my phone. We've already exchanged contact details yesterday. I called him. "Harrison!"

"Yes? What is it? Is something wrong?" Siguro ay nagulat din siya sa napalakas kong boses pagkasagot niya sa tawag ko.

I sighed heavily. "Have you heard the news about us?" I asked him. Because apparently ay kahit sa internet ay may balita na rin tungkol sa engagement namin ni Harrison. I didn't know that Harrison Abella was this widely known. At lahat pa yata ay mukhang nag-aabang ng balita tungkol sa kaniya.

"What news?"

Then I told him about the questions of my family to me now. Hindi ko na rin alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong nila ngayon sa akin.

"Are you still in your house right now?"

"Well, yes, papasok pa sana ako sa university pero ayaw na akong pakawalan nina Papa."

"It's going to be all right. I'll go there. I will face your family. At kung gusto mo pang pumasok sa class mo, you can prepare to go to your university now. Ihahatid din kita mamaya pagkatapos ko lang kausapin ang pamilya mo."

"Huh? Ngayon?"

"Yes. Papunta na ako."

"What? Seriously?"

Wala na rin akong nagawa. I went downstairs again to tell my family that Harrison will come over to our house. And they almost panicked and immediately prepared for Harrison's arrival. It's only Ate Rosie who was still calmer than her parents. Pagkatapos ay kinausap niya ako.

"What happened, Vien?" she asked me.

Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo kay Ate Rosie, because I trust her. But then I remember the deal I had with Harrison. Wala dapat makaalam sa naging kasunduan namin. So I just smiled to Ate Rosie instead. "Remember when you asked me if I like Harrison Abella? And I think that I have truly developed feelings for him..." Nakagat ko ang labi ko. "And these past few weeks I got myself busy following him around... Kasama ko po si Claire kasi mukhang friends din si Harrison at ang finance niya, ate. At hanggang sa napansin na rin ako ni Harrison..." I told my sister.

Kumunot pa rin ang noo ni ate sa akin. "Vien..." But as if she didn't know what to say to me, at ang bilis din talaga ng mga pangyayari. Na tinawag na lang din kami nina Tita Rachel dahil nand'yan na si Harrison. Kaya hanggang doon na lang din ang naging usapan namin ni Ate Rosie.

And like what he told me that he would face my family. Sinabi niya kanila Papa at Tita Rachel na totoo ang balitang nagdesisyon na kaming magpakasal. May mga tanong pa sina Tita Rachel at Ate Rosie pero si Papa ay mukhang tuwang-tuwa na at nakikipagkamay na agad kay Harrison. Kaya natahimik na lang din ang mag-ina...

"Sasabay na rin po ako sa sasakyan ni Harrison... uh, ihahatid niya na raw po ako sa university." I told my family.

Ate Rosie still looked worried for me after Harrison talked to them. Madali lang din silang nag-usap dahil pumayag na agad si Papa na magpakasal kami ni Harrison. Tita Rachel smiled at me although she also looked a bit worried for me like Ate Rosie. Pagkatapos ay hinayaan na rin nila kami ni Harrison na umalis.

"Are you okay?" Harrison asked me as he drove me to my university.

Bumaling ako sa kaniya at tumango naman. "I'm fine... Nabigla lang din ako..."

Then we arrived at my university shortly. Pero bago pa man ako bumaba sa sasakyan ay may binigay sa akin si Harrison. "What's this?" I asked him.

"Open it."

Sinunod ko naman siya at binuksan ko iyong binigay niya sa'kin. Pagkatapos ay nakita kong singsing iyon...

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "This is..."

"Your engagement ring." he said.

Tiningnan ko muli ang singsing.

Nasa tabi na ng daan ang kotse ni Harrison kaharap ang university namin. Pagkatapos ay siya na rin ang nagsuot sa akin ng singsing. "As I thought, it fits your slim finger perfectly..." he said, pagkatapos niyang isuot sa akin ang singsing.

Tiningnan ko naman ito ngayon na nakasuot na sa daliri ko. It's a beautiful diamond engagement ring...

Nag-angat muli ako ng tingin kay Harrison. He gave me a small smile. And then I smiled at him, too.

Author's note: Hi, readers! Chapter 15 of With You was already posted in Patreon and Facebook VIP Group! To join VIP, kindly message me directly on my Facebook account Rej Martinez or Facebook page Rej Martinez's Stories. Thank you so much for your support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top