Chapter Two
Crossed
Gael Gallardo
"Birthday ni Mia Cara, invited ka ha."
Tuwing nakikita kong ngingiti nang ganoon si Mariah ay naiisip ko kung bakit ba hindi siya naging akin. Ang laki ng panghihinayang ko dahil nawala siya sa akin. Mahal ko talaga siya lalo na si Mia Cara. What's not to love about her? She is the mixture of everything, mabait, maalaga, mapagmahal, baliw, siraulo – she's like the ideal girlfriend all rolled into one.
"Love..."
Dumating si Miguel na karga si Maco. He kissed her. Napabuntong – hininga ako. Sayang talaga. Ako dapat iyon.
"What are you looking at?" Miguel Consunji asked me.
"Ah." Sabi ko na lang. "Wala, pre, papapirmahan koi to kay Mariah." Ibinigay ko iyong receipt kay Mariah tapos ay hinintay kong mapirmahan niya iyon tapos ay ngumiti ako. Tumalikod ako para bumalik sa truck. I took one good look at them and I realized that it should've been me beside her. Kung sana nagkaroon lang kami ni Mariah ng lakas ng loob para maipaglaban ang sa aming dalawa noon, sana ako ngayon ang kasama niya at hindi si Miguel Yabang na ito. Napakayabang. Akala mo kung sinong gwapo, mukha naman siyang hindi mate lalo na kapag nakikipagtitigan siya sa akin.
I drove away. Bumalik ako sa shop. Doon, natagpuan ko ang kapatid ko. Si Mona. Siya ang nag-aasikaso ng inventory sa ngayon. As usual, namamapak na naman siya ng tinapa. Madalas iyon, hindi ko alam kung bakit sarap na sarap siya. Dahil pa nga sa kanya, nakagawa kami ng tinapa flakes. Inuulam niya iyon, nakakatuwa kasi very supportive siya sa akin.
"Hi." I greeted her. Tiningnan niya lang ako sabay subo ng tinapa flakes.
"Inayos ko na inventory ninyo." Nakatawang sabi niya. "Dito muna ako. Baka make – up-an na naman ako sa bahay. May photoshoot sila ng mga items nila." She told me. Tumango lang naman ako. Naupo ako sa couch at tiningnan siya. Ang taba na ni Mona Lisa.
"Kamusta na kayo ni Timothy?"
"We're friends." Sabi niya.
"Nanliligaw daw siya."
"Sabi ko naman hindi pa ako handa. He asked me to a friendly dinner last night, we came up to his suit and in the elevator, he kissed me pero sinampal ko siya tapos nag-walk out ako kaya tumawag si Faith kanina at sinasabi sa akin na sobrang dami daw bulaklak sa bahay ninyo ngayon. Nakakahiya nga kay Uncle Vince."
"Okay lang kay Dad iyon. Hindi ko na itatanong kung kumain ka na, mukhang busog ka na." Wika ko matapos niyang tumayo. Medyo lumalaki ang tyan niya, sa dami pa naman kasi ng kinakain niya.
"Tang ina ka, bwisit." Sabi ni Mona sa akin. Tumawa lang ako nang tumawa. Bumalik na iyong driver para sabihin sa akin na ayos na ang pagkarga ng tinapa sa truck. Nagpaalam na ako kay Mona na aalis habang naglalakad sa hallway ay nasalubong ko si Tim.
Binati niya ako, nakalampas na siya nang pabalikin ko siya. Nakalimutan ko kasing binastos niya si Mona. Kaya pagharap niya sa akin ay sinuntok ko siya sa pisngi.
"Gago." I muttered saka lumabas. Sumakay ulit ako sa truck. Papunta kami ng Pangasinan ngayon dahil magde-deliver rin kami roon. May mangilan – ngilang palengke na nag-o-order ng tinapa namin. Nakakapagod itong negosyo ko pero masaya naman ako lalo na nakikita ko na iyong mga pinaghirapan ko.
Pagkakita ko sa arko ng Pangasinan ay napangiwi ako. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan iyong naranasan ko sa funeraria na iyon. Hindi ko na nga isinuot iyong pants na iyon. Itinapon ko na, quesehodang umuwi ako sa bahay nang walang pang – ibaba, basta wala lang makaalam kung anong nangyari sa akin, okay lang.
I sometimes dream about what happened to me inside that room – hindi ako mapakali sa tuwing gigising ako dahil pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin at any moment ay bigla na lang iyong lalabas mula sa kung saan at sasakalin ako.
Hinding – hindi na rin ako makikipag-blind date kahit na gaano pa kaganda ang babaeng makakasama ko dahil putang ina! Baka maulit na naman iyong nangyari sa akin.
Diretso na kami ng intersection nang biglang mabangga ang truck namin. Nagkatinginan kami ng driver ko. Bumaba kami kaagad at ang nadatnan ko ay grupo ng mga taong nag-iiyakan – lalong lumakas na iyakan dahil ang nabangga pala namin ay karo ng patay. Tumaob ang kara ng patay, nabasag ang mga salamin niyon, lumabas ang kabaong at tumaob rin iyon – dahil sa pagtaob ay lumabas mula sa kabaong ang katawan ng patay.
"Haru, Jusko!" Sigaw ni Mang Lito – ang driver ko.
"Mga walang hiya!" Sigaw ng babang may hawak na picture na sigurado akong kamag-anak noong nataob na patay. "Mga walang hiya kayo!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi magkandatuto iyong mga tao na kuhain iyong patay at ibalik sa kabaong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sitwayon. Napailing ako lalo nang makita kong parating na ang mga pulis.
Nag-iiyak iyong mga babae, hindi alam noong mga taga funeraria kung anong gagawin nila, iyong mga pulis naman, inimbitahan kami sa presinto. Wala akong nagawa. Masasayang ang mga tinapa ko, hindi naman agad masisira pero baka magalit ang mga lalagakan namin.
Pagdating sa presinto ay pinaghintay muna kami, tatapusin daw muna kasi ang libing bago magdesisyon ang pamilya sa kung anong hakbangin ang gagawin.
I sighed. This is gonna be a long day.
xxxx
Sariel Aura Consunji's
"Birthday ni Mia Cara, pumunta ka."
Kausap ko si Miguel sa phone nang umagang iyon. Nasa morgue ako at naghihintay ng iembalsamo, walang parokyano ngayon kaya petiks lang kami ng mga tao ko. Kanina may umalis na ililibing, hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon, siguro ay pabalik na iyon.
"Reregaluhan ko pa ba siya?" Tanong ko habang nagbibilang ng bote ng formalin sa cabinet.
"Unang pamangkin mo iyon. Bawasan mo na ang pera mo. May pamangkin ka na. Dalawa pa."
"Can I give her a witch's doll? A voodoo doll, perhaps?"
"Give her a normal doll, Sari, hindi iyong kawirduhan mo sa buhay." He hissed tapos ay binabaan ako ng phone. Napatingin lang ako sa phone ko saka lumabi.
"Tatawag – tawag siya tapos bababaan ako ng phone, anong logic noon?" I asked myself.
"Boss!" Tumingin ako nang marinig ko ang malanding boses ni Helga. Tiningnan ko lang siya. "Boss! Nabangga ng truck iyong karo, lumabas iyong kabaong tapos pati si Kuya lumabas! Nag-iiyak si Mrs ni kuyang patay!"
Nakatitig lang ako sa kanya. "Ano?"
Natigilan siya. "Boss, pangmalakasan na bai yang pagkagulat mo?" Tanong niya sa akin. "Ako nga frantic na, ikaw iyang mukha mo, walang reaction! Mas matindi ka pa kay Bella Swan."
"Sino iyon?" Tanong ko.
"My god! Anyway, nasa presinto na sila Kuya Victor kasama iyong pamilya, kailangan ka daw doon."
"Okay." Sabi ko na lang.
"Boss, facial expression please?" Sabi sa akin. I shook my head. Lumabas ako ng morgue para kunin ang motor ko. Mio lang naman iyon, ayoko lang nagko-kotse palagi, ma-traffic na rin naman dito sa Pangasinan.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa presinto. Nakita ko agad na nag-aargumento ang kliyente namin sa lalaking nakatalikod sa akin.
"Walang hiya kayo! Hindi ninyo na iginalang ang asawa ko!" Nakatitig lang ako sa kanila. Nakita ako ni Kuya Victor kaya napilitan akong lumapit.
"Mrs. Sy." Sabi ko. Tumingin siya sa akin.
"Sariel! Sariel! Walang hiya sila! Nataob ang bangkay ng asawa ko! Patay na si Pilong pero nakipaghalikan pa siya sa lupa."
Yumakap siya sa akin. I felt so stiff. Hindi ako sanay na niyayakap ako. Tiningnan ko iyong nakabangga sa kanila. He was a tall man in his purple shirt and khaki shorts. Clean cut naman ang gupit niya tapos apologetic naman siya kaya lang siyempre, iba ang usapan ngayon dahil patay na nga, naaksidente pa.
"Hindi ako makikipag-areglo! Dapat makulong ang mga lapastangang iyan!" Sabi pa ni Mrs. Sy.
"Mrs. Sy, kung tutuusin, hindi rin naman namin sadya iyon. Kahit naman i-review sa cctv kami iyong nasa right of way." Sabi noong naka -purple shirt. Napatitig ako sa kanya.
"Sinasabi mo ba na kasalanan ng karo ko kaya kayo nabangga?" I asked him in a calm way. He looked at me.
"Hindi nga ba? Kayo ang wala sa lugar." Sabi niya pa.
"Galit ako." Sabi ko. Parang nagulat siya sa sinabi ko at tiningnan ako. Agad namang lumapit si Mang Victor sa amin.
"Galit na po siya niyan." Wika ni Mang Victor. "Pero, mapag-uusapan natin ito, mga Ma'am at Sir. Mag-areglo na lang po tayo."
Napatingin ako sa pulis na para bang naguguluhan na sa nangyayari. Huminga ako nang malalim at nagsalita.
"Kami na lang ang reresolba chief. Kapag wala kaming napa-usapan, babalik kami sa inyo. Sumunod kayo sa amin." Wika ko sa mga dayo. Nang makalabas na kami ng presinto ay ibinilin ko kay Mang Victor na pasununurin ang mga tao sa funeraria. Sumakay ulit ako sa motor ko.
Nakabalik naman kaagad ako sa funeraria, nakita kong nakikipaglandian na naman si Helga sa mga papabols niya sa kanto. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya pumasok siya sa loob. Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating na iyong mga tao. Nauna ang partida ni Mrs. Sy, sumunod iyong mga dayo.
Nakapasok na iyong driver pero iyong lalaking naka-purple ay hindi makapasok – pasok. Nakatitig ako sa kanya.
"Papabol!" Helga screamed.
Binatukan ko siya.
xxxx
Gael Gallardo's
Ano bang masamang bagay ang ginawa ko noong nakaraang buhay ko to deserve all of these?
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako dahil nasa harapan ko ngayon iyong bahay na naakyatan ko dati. Tang ina! Hindi makatarungan! Dalawang buwan na ang nakararaan mula nang makapasok ako sa bahay na ito, at hanggang ngayon napakalinaw pa rin ng bawat detalye nang nangyari sa akin. Bakit nandito na naman ako ngayon?
Alam ko na isa sa mga kwarto sa bahay na iyon ay puro katatakutan. Hindi ako naniniwala sa multo pero naniniwala akong may halimaw sa bahay na iyon.
"Sir, pasok na tayo."
"Saan?!" Sigaw ko. Tiningnan ko iyong pinasukan nila. May dalawang malaking pinto roon. Hindi ko alam kung anong nasa loob noon. Lumunok ako at saka pumasok na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko any moment, lalabas iyong babae sa kabaong.
Nakapasok na kami sa loob. Ganoon na lang ang pamumutla ko nang makita na morgue ang pinasukan namin. Napahawak ako kay Mang Lito. Iyong babaeng huling dumating sa presinto kanina ay nakatingin sa akin na para bang isa akong malaking joke. Tang ina.
"Anong gagawin natin, Sariel?" Narinig ko si Mrs. Sy.
"Galit po ako." Sabi noong babae pero wala naman siyang reaction. Nakatitig lang siya sa akin, she is expressionless and it creeps me out. She reminds me of Wednesday Adams. That family creeps me out. Tang ina lang talaga.
"Iyan na iyong pangmalakasan niya," Sabi noong bakla.
Napaubo ako. Nagpipigil ngumiwi. I looked at them.
"Let's just settle this, whatever the cost is, babayaran ko. Iyong danyos sa asawa ninyo, iyong pagpapagawa ng karo ng patay – lahat, babayaran ko. Compute it, lahat iyon walang labis, walang kulang babayaran ko talaga." Sinabi ko na para matapos ang lahat.
"Helga, paki-compute." Sabi noong babaeng tinagurian kong Wednesday Adams. Agad na sumunod iyong Helga. I was just looking at them, at the place. This feels so weird.
Iyak nang iyak iyong babaeng natauban ng patay. Mayamaya ay bumalik iyong Helga. Binigyan niya ako ng resibo. Si Wenesday Adams ay nakahalukipkip -still expressionless.
"Okay, this is my calling card. I will have my legal consult see this, tapos I will contact you. Kailangan ko lang ng---"
"Ikaw iyon!" Sabi ni Wenesday Adams. "Ikaw iyon! Ikaw iyong lalaking pumasok sa kwarto ko noong gabing iyon at sumigaw ng Mama na akala mo nawawalang bata sa mall. Ikaw iyon."
Napakunot ang noo ko.
"Ika-ikaw iyong babae sa kabaong?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Wala nang iba." Ni hindi man lang siya ngumiti. Nakatingin siya sa akin nang pailalim.
Muli ay nag-usap kami. Matapos iyon ay lumabas na kaagad ako sa morgue. Pagdating ko naman sa labas ay may nasalubong akong body bag, napasigaw ako nang makita kong nakalabas ang ulo noon. Wala na siyang ilong.
"Relax." Napatingin ako sa likod. Naroon iyong babaeng bumangon sa kabaong. "Patay na iyon, di ka na noon maano, except kung zombie siya. He will eat your brains out, like groal!"
I jumped. "Ahhh! Tang ina mo wag kang lalapit sa akin!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top