Chapter Five

My eyes widened

Vicente Gael Gallardo III's

Alas singko nang umaga iyong call time papuntang Baguio at iyong meeting place ay sa tapahan ko. Hindi ko alam kung pupunta nga si Sariel, pero mas maganda kung nandito siya kasi ayoko alagang maipit kay Biga ngayon. I want to have fun. I want to be free. Si Sariel lang iyong naiisip kong pwede kong maging panangga sa kalandian ni Biga sa akin.

Kasalanan ko rin naman kung bakit kami napunta dito, hindi ko naman dapat siya hinayaan na ganituhin ako. Noon kasi, palagi kong iniisip si Timothy pero hindi na ngayon, nakikita ko na kung paano niya sinisira ang buhay ko.

"Hi, Gael." Nakita kong dumating na siya. Kasama niya iyong ibang ka-batch ko. Hindi ko nga alam kung paanong napasama siya dito gayong hindi naman siya kasabay sa batch namin, I am way ahead of her and yet, she's here.

I just smiled. Ikinagulat ko ang paglapit niya sa akin para halikan ako. Bahagya ko siyang tinulak. Tumawa lang siya.

"Bagay talaga tayo." She even whispered.


"Everyone is here, Gael. Tara na, para maaga tayong makarating ng Baguio."

I sighed. Mukhang hindi naman darating si Sariel. Sumakay na ako sa van. Si Biga ay katabi ako. She was touchy. Jusko, kung alam ko lang sana, dinala ko na lang ang sasakyan ko. Dalawang oras akong magtitiis sa kanya. Pinanlalakihan ko siya nang mata pero yumakap lang siya sa akin. Hinayaan ko na lang. Wala naman akong magagawa pero mamaya, kakausapin ko na talaga siya. Ayokong tumagal ito. I need to tell her to back off.

Sa kakaisip ko ay nakatulog na ako, pagkagising ko ay nasa Baguio na kami at papunta na kami sa hotel. Si Biga ay halos ipasok na ang mukha niya sa jacket ko. Biglaan ko siyang inalis sa dibdib ko tapos ay agad akong umalis sa kinauupuan ko. Nakahinto naman na ang sasakyan. Nakita kong papungas-pungas pa siya habang pababa.

"Gael, bakit mo naman ako iniwanan roon? I was so sleepy pa kasi." Humawak siya sa braso ko. I was shaking her off pero daig niya pa iyong linta. Nginitian ko na lang siya at sumunod na kamo sa classmates at batchmates namin. Hindi pa rin ako nagsasalita. Noong nagkaroon ng kwarto ay sumama pa rin siya sa akin.

"Gael—"

"Shut up!" Sigaw ko kay Biga. Halatang nagulat siya. "Sawa na ako, Biga, hindi na kita pagtitiisan. Tang ina, buong buhay ko nandyan ka, ginugulo mo ako! Sinisira mo lahat ng babaeng lumalapit sa akin! Hindi mo naman lang ba naisip na baka mahal ko sila?! Na mahal ko si Mariah pero dahil makasarili ka, nawala siya sa akin?"

Hindi naman siya nakapagsalita, hatalang gulat na gulat ang luka-luka. Huminga ako nang malalim.

"Gael, hindi mo ba naiintindihan? We are meant to be together." Sabi niya. "Iyon ang sabi sa akin ng manghuhula, we are meant to be together." Giit niya pa. I felt so frustrated. Gusto kong bunutin lahat ng buhok ko sa ulo dahil hindi ko alam kung paano ko ipaiintindi sa kanya na hindi ko siya gusto at kung may nararamdaman man ako sa kanya ay walang iniwan iyon sa pagmamahal ng magkapatid. Ilang beses ko na bang sinabi iyon sa kanya pero hindi niya iniintindi? Noong huling beses kong ipinamukha sa kanya na kapatid ko lang siya ay dumiretso siya kay Mama at sinabi niya nang walang pasintabi na may anak si Mariah sa pagkadalaga.

It's not that I didn't want to tell my family – it's just that I was waiting for the right time. Isa pa, hindi naman niya kwento iyon. I was just protecting Mariah. Alam ko kung paano mag-isip ang Mama ko and Biga just knew what buttons to push.

I was really in love with Mariah. I planned so many things for us. Latag na talaga ang lahat. Mahal ko siya, mahal ko si Mia Cara. Sa isipan ko, hindi man siya sa akin galing, buong puso ang pagmamahal at pagtanggap ko sa bata. I planned on adopting her right after I married her mother but all those planse flew out of the window because my mother talked to Mariah and she broke up with me.

Para kasi kay Mariah, uunahin niya ang kapakanan palagi ng anak niya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya hinangaan ng sobra.

"Wala akong pakialam sa manghuhula o sa kung anong problema mo, Biga! Pagod na ako sa'yo! Tigilan mo na ako at kapag hindi ka pa nakinig, kukuha ako ng R.O para hindi ka na makalapit sa akin!" Singhal ko sa kanya. Sumakay na ako sa van at tahimik na naghintay roon. Bakit ba kasi hindi ko dinala ang kotse ko? Putang ina talaga.

Pumasok na rin si Biga sa loob ng van. Marahil ay may nakarinig sa pagtatalo naming dalawa kanina kaya naupo si Reggie – iyong isa sa mga kaklase kong lalaki sa gitna naming dalawa. They were all silent while we were inside that van. Ayoko siyang tingnan. Si Biga ang dahilan nang lahat ng ito.

I sighed again. Dahil kay Biga, kailangan kong harapin ang katotohanan na ang babaeng mahal ko – hanggang ngayon ay minamahal ng ibang tao. I know how happy she is right now. Kitang – kita ko iyon sa mga mata niya tuwing titingnan niya si Mia Cara, Caro Mio at Miguel. Masaya rin naman ako para sa kanya pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan para sa sarili ko. Napapaisip kasi talaga ako – it should have been me. Akin dapat ang buhay ni Miguel ngayon. Nakakalungkot talaga.

Nakarating kami ng Baguio. We stayed in a rest house owned by one of our classmates. Si Biga ay patingin – tingin lang sa akin. Hindi siya lumalapit – maybe she knew that I am upset. Sumama ako sa mga batch mates kong lalaki, kami – kami ang magkakasama sa kwarto. Siniguro ko talagang hindi ako maiiwang mag-isa dahil kilala ko si Abigale at alam kong marami siyang balak gawin.

"Gael, bakit pa kasi hindi mo na lang kagatin si Biga? Babae iyon. Laman tyan pa rin." Sabi ni Reggie. Nagtawanan pa sila ni Romer – iyong isa pa naming batchmate. I made a face.

"Kaibigan ko si Tim. Kababata ko si Biga, hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano sa kanya. Isa pa, kapatid iyong tingin ko sa kanya." Wika ko habang naglalapag ng gamit sa kama. Tumingin sila sa akin.

"May hitsura naman si Biga. Kagatin mo na!" Nagkatawanan pa sila. Hindi ko na lang sila pinansin. I checked my phone – hoping that Sariel had texted or called pero wala talaga. Ang buong akala ko talaga ay sasama siya sa akin. Excited pa naman siya noong nag-uusap kaming dalawa. Si Sariel lang talaga ang naisip kong pinakamadaling paraan para iwasan ako ni Biga. I saw Biga's reaction everytime she sees Sariel.

It's the easiest way out. I had it all plan – isa lang naman ang plano ko – iyong hindi ako aalis sa tabi ni Sariel.

"Darating daw si Tim mamaya." I said. Si Tim lang ang nag-text sa akin.

I sighed again. Hay, Sariel. Mali talaga ang akala ko...

xxxx

Sariel Aura Consunji's

BINABASA ko iyong mahabang text ni Gael sa akin habang nakaupo ako sa loob ng isang fast food joint na may napakasarap na fried chicken na ayon sa lahat ay nakapagbibigay ng JOY. Gusto kong matawa kasi para siyang babae. Kung makapag text siya sa akin, para bang may ginawa akong karumaldumal sakanya. Naisip kong turukan din siya ng pampatulog – iyong mas mataas na dosage kaysa doon sa sinaksak ko sa jowa niya – kaya lang natatamad akong tumawa. Ang haba ng byahe ko.

Kanina pa akong alas singko nang umaga dito sa Baguio. Pakiramdam ko na ay nauna pa ako sa kanya. Isinama ko si Helga kasi noong magpaalam ako kay Miguel sa text kagabi ay tinawagan niya ako para pagalitan. Bakit daw ako sasama kay Gael Gallardo nang ako, hindi daw baa ko nag-iisip. Hindi naman ako sumagot. Natatamad akong kausap siya at para matapos na lang ang pagbubunganga niya ay sinabi kong isasama ko si Helga. Si Helga naman nang sinabi kong pupunta kami sa Baguio ay nag-empake agad. Ang dami niyang dala, samantalang ako, ilang damit lang ang dala ko, sabagay, marami rin akong dala, iyong mga wiccan candles na itim, iyong Ouija board ko, iyong mga panghanap ko ng multo.

Excited talaga ako.

"Boss, saan ba tayo tutuloy?" Tanong ni Helga sa akin habang iniinom niya iyong gravy.

"Itatanong ko pa rito kay Gael Gallardo kung nasaan na siya. Ang haba kasi niyang mag-text. I doubt kung tapos na siyang manumbat." Walang abog na wika ko. Napangisi si Helga.

"Boss, kayo ba niyan?" Tanong pa niya.

"Anong kayo?" Nakatitig lang naman ako sa kanya. Napailing si Helga.


"Wala boss. Hindi mo nga pala alam iyon."

Binalingan ko ang phone ko at nagtext na ako kay Gael.

Nasaan ka?

Hindi naman nagtagal ay nag-reply na siya.

Nasa Burnham park ako. Ano pupunta ka ba? Sana kung hindi nagsabi ka man lang sa akin. Para kanga no. Excited kang sumama pero ikaw iyong wala dito. Pupunta ka ba?!

Naiisip kong nanlalaki na ang butas ng ilong niya.

"Ha. Ha. Ha. Natatawa ako."

Napatitig sa akin si Helga.

"Bakit?"

"Wala, Boss."

"Tumayo ka na riyan. Pupunta tayo ng burnham." Wika ko pa. Napakamot ng ulo si Helga.

"Boss, mag-taxi na lang tayo."

"May dala tayong sasakyan." I told him. Kinuha ko ang susi na nailapag ko sa table. Kamot nang kamot ng ulo si Helga. Naririnig kong napapapalatak pa siya. Hindi ko nga alam kung anong problema niya – ang komportable naman ng dala kong sasakyan.

Paglabas namin ay hinanap ko agad ang kotse namin. Dala ko iyong isang karo. Malapad kasi iyon, isa pa, iwas carnap.

"Boss, mayaman ka naman diba, bakit hindi na lang iyong magandang kotse mo ang dinala natin? Nakakahiya baka akala nila may libing."

"Gusto ko nga patugtugin iyong hindi kita malilimutan habang nasa traffic para naman makadaan tayo kaya lang baka nakakahiya."

Sumakay na kaming dalawa. Nag-seat belt ako pagkatapos ay nagmaneho na papunta sa Burnham park. Paborito kong lugar ang Baguio – hindi dahil may multo kundi dahil dito ako madalas dalhin ni Papa. Noong bata kasi ako gustong – gusto ko ng strawberry, tuwing season nila, aakyat kami nila Papa dito at mamimitas. Dapat nga bibili siya ng strawberry farm pero luhi lang daw iyon, sabi ni Mama kaya ang binili na lang ni Papa ay rest house na kalaunan ay naging INN.

Nakarating kami ng Burnham park. Pinagtitinginan yata kami dahil sad ala kong sasakyan pero wala akong pakialam. Naglakad na ako. Palingon – lingon ako at hinahanap ko ang ma-dramang si Gael. Galit na galit si Miguel sa akin kagabi. Ilang beses niyang sinabing matigas ang ulo ko pero hindi ako nakinig.

It's him or the diplomat hotel. I hat to choose the latter. Matagal ko nang pangarap ito.

Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang grupo nila na nagpapakuha ng litrato doon sa may lake. Nakatingin lang ako sa kanila. Medyo marami sila. Si Gael, hindi man lang nakangiti sa picture. Para bang ang dami niyang problema. Matapos iyon ay naglayo – layo sila.

"Saan tayo susunod?" Tanong noong isa.

"Bencab?"

"Malayo pero sige."

Hindi talaga ako nagsasalita – natatamad kasi ako. Hinintay ko lang siyang mapatingin sa direksyon ko. Nagtama iyong mga mata namin at ganoon na lang ang ngiti niya nang makita ako. Halos takbuhin niya ako.

"Sariel!" Sigaw niya. Medyo may kalayuan kaming dalawa. May ilan tao pa siyang nilagpasan. Hindi ko naman inaalis ang tingin ko sa kanya. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

I blinked. Masyado siyang malapit. Gael was smiling, and then to my surprise...

His lips touched mine.

My eyes widened. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top