Tale 73

Tale 73
Prelude to the End


There is nothing more beautiful than the way the sea refuses to stop kissing the shore no matter how many times it was sent away by the shore.”
-TheSirenAndThePirate, written by S. Harper

Sa isang bangin malapit sa malawak na karagatan ng Gorgona, isang babaeng may mahabang puting buhok ang makikita, sa tabi nya ay isang binatang may raven na buhok at kulay abo na mga mata na nakatanaw sa malawak na karagatan.

Ito ang islang tinatawag na Forsaken Island. Subalit para sa mga dragon ay ito ang Sacred Island of Dragons. Ito ang kanilang graveyard.

Isang gravestone na gawa sa isang pangkaraniwang bato ang nasa harap ng dalawang Tao. Ilang mga salita ang naka-engraved sa bato,

The First Human Queen.

“She's very beautiful.” Saad ng dalagang may puting buhok.. May lungkot sa kanyang mga mata.

Tumango naman ang binata.

“The reason why she vanished years ago is because she was transported back in time. She was the Priestess of Ice Dragon Magic. The bringer of spring and the peaceful winter. The first human queen, Lady Crystal.” Saad ng babae

“Im sure she had a wonderful adventure and a very colourful life.” Saad ng binata

“I hope so.” Tugon ng dalaga

Hindi nagtagal ay magkahawak-kamay na naglaho ang dalawa.

Samantala, sa isang munting syudad sa hilagang bahagi ng kaharian ng Ventus, makikita ang ilang madudungis na tao sa loob ng mga metal na kulungan. Nakadisplay sila na tila mga produkto sa pamilihan. Makikita ang ilang mga Tao na may marangyang kasuotan na sinasaktan o di kaya ay tinatapaktapakan ang ilan sa mga binili nilang ‘alipin'.. Sa pinakamalaking Auction House ay makikita ang masiglang bidding ng mga Tao para sa mga ‘alipin’ na may potensyal sa mahika o alkemya o iba pang sining. Kahit pa mahigpit na ipinagbabawal ang slavery sa ibang mga kaharian, pangkaraniwan lamang ito sa liblib na syudad na ito na mas kilala ng lahat bilang Land of Shiva.

Lahat ng mga alipin na nabibili sa lugar na ito ay nasa ilalim ng isang hypnotismo kung kaya wala silang magawa kung hindi maging masunurin sa kung sino man ang kanilang magiging amo.. Karamihan sa mga naipagbebentang alipin ay nagiging mga lihim na tagapagsilbi ng mga kilalang pamilya na lihim na bumibili sa lugar na ito. Karamihan sa mga alipin ay gumagawa ng mga maduduming trabaho para sa kanilang mga amo.. Dahil sa kanilang sobrang katapatan dulot ng hypnotismo ay sila ang pinakamagandang kandidato para sa mga lihim na assassination at iba pang maduduming trabaho. Hindi sila magsasalita ng mga bagay na ikapapahamak ng kanilang amo kahit pa buhay nila ang nakasalalay. Karaniwan ay namamatay sila ng walang katarungan. Karamihan ay namamatay sa pagnanais na maisakatuparan ang misyon na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga amo. Namamatay sila na walang libingan o pagkakakilanlan.

“Balita ko ay wala na ang reyna ng Aragon. Binitay sya noong nakaraang linggo lamang.”

“Tsk. Sinusuportahan ko pa naman ang pag babalik nya sa Slavery. Hindi mabuti para sa negosyo ko ang pagkamatay nya.”

“Siraulo ka ba? Hindi mo ba alam na tinangka nyang patayin tayong lahat gamit ang isang kakaibang mahika!”

“Tama sya! Isang uri ng sacrificial magic ang plano nya sanang gawin! Hindi pa malinaw kung ano ang totoo nyang pakay sa pagtatangkang isakripisyo ang milyon-milyong buhay. Hindi ipinaliwanag ng Council kung ano yun.”

“Pero ito lang ang tanging digmaan kung saan mababa ang bilang ng mga namatay.. Maraming nasaktan at nasugatan, pero karamihan sa mga nawalan ng buhay ay dulot ng ilang aksidente.”

“Nabalitaan ko rin yan. Mas marami pang napatay na sariling kawal ang Matriarch ng mga Romanov dahil sa malalakas na spell na ginawa nya. The Council of Magic simply subdued them.”

“I heard that the Romanov Matriarch is really powerful! What happened to her after the battle?”

“According to rumours, she took her own life after her pathetic lost to the Witch of Catastrophe.”

“Hindi pa rin ako makapaniwala na binuwag na nila ang monarkiya ng limang kaharian. At sumang-ayon ang bawat pinuno ng apat pang kaharian!”

“It wasn’t just the Council of Magic who urged them to abdicate their thrones, it was the mages from the top 15! Who wouldn’t be scared?”

“Balita ko ay nais magsilbi ni King Victorino ng Ventus bilang isang opisyal ng Council of Magic.”

“Balita ko pa ay pinili ni Pharaoh Rima ng Udarra na maging normal na mamamayan. Sinasabi na naninirahan sya sa isang liblib na isla sa Gorgona! Kung saan, walang makapagbigay ng eksaktong lokasyon!”

“Hindi yan ang pinakanakakagulat! Ang dating HARI ng Gorgona na si King Eric ay piniling maging isang farmer! Tinalikuran nya na ang mundo ng pulitika!”

“Wala namang nakakaalam kung ano ang piniling gawin ng Reyna ng Ignis.”

“Dahil wala nang monarkiya, wala na ding kaibahan ang mga noble birth sa mga normal na mamamayan.. Balita ko pa ay nirerequire sila na ibigay ang kalahati ng kanilang mga ari-arian upang paghatihatian ng mga nangangailangan!”

“Isa pa yan sa pinoproblema ko! Balita ko ay magiging States na ang bawat kaharian! Siguradong maaapektuhan ng mga pagbabago sa pulitika ang negosyo ko!”

“Hindi ko maintindihan kung ano yung eleksyon na gusto nilang mangyari! Sinasabi nila na nasa kamay nating mga mamamayan kung sino ang nais nating maging pinuno. Naniniwala ba kayo dun?”

“Kalokohan lang yan!”

Sa gitna ng mainit na diskusyon ng mga Tao, isang sigaw ang umagaw sa kanilang atensyon.

“Tsk.. Bumalik ka dito! Isa ka lang alipin! Ang kapal ng muka mong tumakas!” sigaw ng isang slave trader habang hinahabol ang isang babae. Madumi ang kasuotan ng babae at mapayat ang pangangatawan nito, gayun pa man ay makikita ang determinasyon sa mga mata ng dalaga.

“Ngayon lang ulit ako nakakita ng isang alipin na nakawala mula sa hypnotismo.” Puna ng isa sa mga bystander na slave trader

Bihira lamang mangyari na makawala ang isang Tao mula sa hypnotismo na kanilang kinasasadlakan. Maaaring ang taong yun ay may psychic power na mas malakas kesa sa caster ng hypnotismo na ginagamit sa mga slaves o di kaya ay isa syang mago na may matibay na mental state. Hindi madaling humuli ng malakas na psychic. Lalong mas mahirap dumakip ng isang mago.

“Bumalik ka dito! Gusto mo bang masaktan?!” galit na bulyaw ng humahabol na slave trader. May kasama syang mga alipores sa paghabol sa dalaga. Hindi nya ito pwedeng pakawalan dahil isang mayamang mangangalakal ang nagkainteres sa magandang muka ng dalaga. Habang ipinoprosesa nila ang transaksyon ay bigla na lamang tumakbo ang babae! Kailangan nila itong muling dakpin ano man ang maging kapalit!

Puno naman ng takot ang puso ng dalaga. Ang pangalan nya ay Ellen. Isa syang mag-aaral sa isang hindi kilalang magic school sa Udarra. Isa syang psychic na aksidenteng nadakip ng mga slave trader ilang buwan na ang nakakaraan. Hindi sya nagtangkang tumakas kahit pa Hindi sya tinablan ng hypnotismong ginagamit ng mga slave traders dahil sa takot na patayin sya ng mga ito. Matagal nyang hinintay ang araw na may bumili sa kanya. Ito lang ang pinakamagandang sitwasyon para tumakas. Hindi nya lang akalain na dahil sa tagal ng paghihintay at kawalan ng sapat na nutrisyon dahil hindi sila pinapakain ng tama ay magiging mahina sya. Hindi pa sya tuluyang nakakalayo nung makaramdam sya ng panghihina. Tuluyang nawalan ng lakas ang kanyang tuhod at natumba sya. Napuno ng luha ang kanyang mga mata. May isang pares ng porselanang mga paa ang nasa kanyang harapan. Nakasuot ito ng ginintuang sandalyas at isang mahabang puting saya. “T-tulong... Pakiusap..” ang tanging mga salitang kumawala sa kanyang bibig..

“Binibini ang alipin na yan ay pagmamay-ari ko.. Salamat sa paghuli sa kanya.” Saad ng matabang slave trader na humahabol sa babae. “Get her.” Utos nya sa mga alipores

“Don’t touch her.” Malamig na saad ng babae

Natigilan ang lahat.. Napakalamig ng tinig ng babae. Sa tindig at pananamit nito ay alam nila na hindi ito pangkaraniwang Tao.

Tumingala si Ellen at pilit tiningnan ang anyo ng babaeng may malamig na tinig. Nakasuot ito ng isang mahabang puting saya na may mga gintong desenyo. Mahaba ang kulay puting buhok nito na may isang gintong hairpin. May suot itong kulay gintong maskara na tumatakip sa kalahati ng muka nya. Gayun pa man ay malinaw na nakikita ng babae ang mga mata nito. Ang mga mata nito na ang isa ay asul na kasing lamig ng yelo, at ang isa ay kulay ginto na tila isang angel's halo. Muka itong isang dyosa na bumaba sa lupa.

“B-binibini interesado ka rin bang bilhin ang alipin na ito? Ipagpaumanhin mo pero may nauna nang bumili sa kanya.” Saad ng slave trader matapos makabawi sa petrifying coldness ng tinig ng babae.

“B-binibini pakiusap tulungan mo ko.. Ayokong sumama sa kanila..” umiiyak na saad ni Ellen

“Tsk.. Matagal pa ba yan? Nagmamadali ako.” Iritableng saad ng isang lalaki.. May suot din syang maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang muka. Karaniwan sa mga mayayaman na kliyente dito ay ikinukubli ang kanilang pagkatao. Sya ang mayamang mangangalakal na bumili Kay Ellen.

“G-ginoo mayroon lamang kaunting aberya.. Aayusin namin ito kaagad.” Sagot ng slave trader

“Hmmmp!”

“Binibini mas naunang bilhin ng ginoo ang alipin na yan.. Mukang bago ka lamang rito at hindi mo pa alam ang mga sinusunod naming batas. Kung gusto mo ay bibigyan kita ng 10% discount sa unang alipin na gusto mong bilhin, marami pa akong mga alipin na pwede mong pagpilian.” Saad ng slave trader sa dalaga

“Magkano nya binili sayo ang taong ito?” tanong ng dalaga

“M-m-magkano?” kinakabahang tanong ng slave trader

“Yes, tell me the price. I'll buy her for thrice the original price.” Saad ng dalaga

Napalunok ng laway ang slave trader. “F-five pieces of gold. She's worth five pieces of gold.”

“Tsk.. Watch your mouth! Hindi ba at first come first serve ang patuntunan ninyo dito?” sabat ng mangangalakal

Tumango naman ang slave trader.. “Tama. Tama. Nauna ang ginoo kaya sa kanya mapupunta ang alipin na ito.”

“100 pieces of gold.” Sabat ng babae na ikinatigil nilang lahat

“One hundred?!” napalunok ng laway ang slave trader

“Mmn.” Simpleng tugon ng dalaga.. Wala pa ring mababakas na emosyon sa muka nito.

“Ginoo ipagpaumanhin mo pero...” saad ng slave trader sa mangangalakal. Isa syang negosyante kaya hindi nya palalampasin ang mas malaking kita!

“Tsk.. Two hundred! I'll buy her for two hundred pieces of gold!” galit na saad ng mangangalakal

“Three hundred.” Saad ng babaeng nakasuot ng puting saya

Nagsimulang mag-umpukan ang mga Tao.. Interesado sila sa nagaganap na drama.

“Four hundred!” namumula na sa iritasyon ang mangangalakal... Unang kita nya pa lamang sa babaeng si Ellen ay agad nyang nagustuhan ang muka nito. Ngayon lamang sya nakatagpo ng ganito kagandang alipin. Kahit ang alipin na nabili nya sa Auction House last month ay Hindi kasing ganda ng dalaga. Pinagsawaan nya na ang alipin na yun kung kaya naghahanap sya ngayon ng panibagong laruan. Hindi sya papayag na hindi mapasakamay ang dalaga!

“Seven hundred.” Kalmadong saad ng dalaga na ikinasinghap ng lahat ng nakarinig.. Bigla na lamang syang nagjump from four hundred to seven hundred! Sa Auction House lamang naiibenta ng ganito kataas na halaga ang mga slaves!

“S-seven hundred fifty!”

“Nine hundred.” tugon ng dalaga na muling ikinasinghap ng lahat.. Why would she always jump by several hundred? Wala ba syang awa sa kalaban nya?

Naikuyom ng mangangalakal ang kanyang kamao.. “1000!!” sigaw nito

Nagbuntong hininga ang babae.. Tila naaawa ito sa pagiging desperado ng lalaki. Binuksan nya ang kanyang Cosmo bag at rumagasa ang napakaraming gold coins.

Napanganga ang lahat sa kanilang nasasaksihan..

Tila isang dam ng tubig ang kumawala. Bumaha ng napakaraming gold coin sa buong kalsada..

Sigurado ang lahat na nagkakahalaga ito ng at least a few hundred thousands! Sa dami nito ay kaya na nitong bilhin ang lahat ng mga alipin na ipinagbebenta sa buong Land of Shiva..

Matapos makita ang napakaraming ginto ay alam na ng mangangalakal na natalo sya. Wala syang ganito kalaking halaga! Kung sino man ang babae ay siguradong Hindi sya pangkaraniwan. Hindi nya dapat ito bangain pa! Mabilis syang umalis sa lugar sa takot na ipaligpit sya ng babae kapag nainis ito.

Nagniningning naman ang mga mata ng slave trader.. Gusto nya nang magswimming sa nakikita nyang mga ginto!

Lumuhod ang slave trader sa harap ng babae.. Nais nya nang sambahin ito! “You are the noblest woman in this world! Would you really spend so many gold coins to buy this one slave?”

Pinunasan ng slave trader ang laway na nagbabadyang tumulo sa kanyang bibig.. Sa kanyang mga mata ay tila isang Diyosa ng Kayamanan ang babae..

The girl in white look down on him.. “Of course not.”

Tila naging bato ang lahat. Kanina ay kinaiingitan nila ang slave trader dahil napakaswerte nitong makatagpo ng isang gastador na noble birth. Ngayon ay naguguluhan sila sa nangyayari.

“B-but...”

“I want to buy all the slaves here. A slave is usually worth five to ten gold coins, three gold coins for the young, sick and elderly am I correct? Well I have more than three hundred thousand gold coins here, it's more than enough to buy all of them.” Saad ng babae

“P-pero sabi mo—” gustong maiyak ng slave trader

“Hmm? You mean her? I'll buy her at the price of 1001 gold coins. The guy earlier said that he'll buy her for only 1000 right? 1001 is obviously higher than his so I have the rights to buy her. The rest of the gold is enough to buy the other slaves with at least double the price.” Saad ng dalaga with a ‘Im very negotiable’ tone

“..........”

Nabalot ng katahimikan ang lugar..

“Artemis mahaba ang pila sa tindahan ng Imperial Berry Muffins kaya natagalan ako.. Hmm? Anong meron?” sabat ng isang lalaki na may hawak na mga muffin..

“Thanks..” saad lang ng dalaga.. Hindi sya nag-abalang magpaliwanag.

The two of them stood there like a divine couple. Napaka-out of place nila sa lugar.

Pinagmasdan ng lalaki ang paligid at agad naunawaan ang sitwasyon.

“You wanna buy all the slaves? What for? We can just free them.” saad ng lalaki

Umiling ang babae.

“I-isnt that—”

“It’s Arren Gavriil Lockser! The Wizard of Inferno!”

“B-bakit sya narito?!”

“Just who is she?”

“Why is she with the Wizard of Inferno?”

Agad nakilala ng lahat ang lalaki dahil wala itong suot na maskara.

“Artemis do you want me to burn down this place?” tanong ni Arren sa dalaga

“Yes.”

Agad napalunok ng laway ang lahat.

“I already bought all the slaves. Use these money to start anew. From now on this place doesn’t exist. If you don’t leave before sunset, you will be burnt along with this place.” Malamig na saad ng babae..

With a single thought, Charm freed all the slaves from the hypnotism that they were under.

Nabalot ng kaguluhan ang buong lugar.

Magkahawak kamay naman na naglakad papalayo ang dalawa.

That night, the Land of Shiva was engulfed by flames. It took hundreds of years to established the land, but it only took a night to wipe it off the map.

Samantala, sa isang mansion sa bayan ng Aureus sa dating Queendom of Ignis, makikita ang isang lalaking may kalahating itim at puting buhok, nakasuot sya ng itim na leather na pantalon at coat na gawa sa balat ng tigre. Sa balikat nya ay may nakaupong isang Fae.

“Miss ko na si Master!!! Uwaaahhh!” atungal ng isang batang may asul na buhok at mga mata, si Blue.

“She’s on a honeymoon.” Saad ng lalaki

“That's not a honeymoon stupid. They're not yet married.” Kontra ng Fae

“Then what is it? A date won’t last a week either!” reklamo ng lalaki, si Regis

“Just think of it as a vacation. They want to spend more time together, just understand them will you?” Saad ni Euphie.

“Kapag nalaman Kong may ginawa ang lalaking yun na hindi dapat, I will shred him to pieces!” Regis

“You sound like a grandpa. Oh wait, you're older than that. I keep forgetting that you used to date Hara, one of the Princess' ancestors..” Euphie

“Tsk. Mas matanda ka sakin Ancient Fairy Queen.” Ganti ni Regis

“You're still as close as ever.” Sabat ng isang tinig

Isang babaeng may mahabang itim na buhok at asul na mga mata ang naglalakad papalapit sa tatlo. Kasalukuyan silang nasa Hardin ng mansion ng mga Clifford. Ito ang mansion na pagmamay-ari ng lolo ni Charm.

“Queen Cassiopeia.” Nakangiting bati ni Euphie

“Drop the formalities Euphie. We were friends when I was young.” Nakangiting tugon ni Cassiopeia

“We didn’t get the chance to serve you for long, you were frozen in time for hundreds of years.” Regis

“Yes, my parents entrusted me with something. But I'll just let the two lovebirds handle it for me.” Nakangiting tugon ni Cassiopeia

“Aren’t you worried? If they failed, you will have to serve Ur for a really long time after you die.” Tanong ni Euphie

“I trust the two of them.” Nakangiting tugon ni Cassiopeia

Nagkatinginan sina Euphie at Regis. Patuloy naman sa pagnguya ng cake si Blue.

“Mukang may mga bisita.” Saad ni Cassiopeia

“They probably found out that the Princess is back.” Regis

“Kumusta na pala si Heian?” Euphie

“He went to the dark continent to train. The dark energy of the black snow is good for him. He will surely come back once he receive the news of Charm's return.” Cassiopeia

“Titaaaaaaa!” Boses ni Aliya

Nakangiting binati ni Cassiopeia ang mga panauhin. Si Cobalt ang unang bumati sa kanila sa pinto pagdating nila. Cobalt started to live here ever since Cassiopeia awakened two years ago. He decided to stay with his adopted mother in place of Charm.

“Is it true? Nakabalik na po si Charm??” excited na tanong ni Flay

“We heard about the incident in the Land of Shiva. The girl in white in the rumours is Charm right? Gavriil won’t hang around with other women except for Charm so it's got to be her!” Aliya

“Is she okay? How is she?” Javen

“Is she not here?” Roma

“Calm down girls.” Nakangiting saad ni Cassiopeia

Agad namang tumahimik ang apat.

“She’s back. But she's not here.” Cassiopeia

“Where is she Tita?” Aliya

“Travelling with Gavriil. I’m not sure either.” Nakangiting tugon ni Cassiopeia

“Those lovebirds!” reklamo ni Flay

Mas pinili pa ni Charm magbakasyon kasama ang jowa nya.. Hindi man lang sya nag-abalang magpakita sa kanila! They felt betrayed! Huhuhu

“Why do you sound so bitter dear? Aren’t you and Cobalt went on a trip a few days ago as well?” tanong pa ni Cassiopeia kay Flay

“I-it's not the same tita.. We were just checking if the reconstruction of some of the cities we attacked were in proper order.” Flay

“Is that true Cobalt? Im already getting old, I want a grand child na kasing cute ni Blue!” nakapamewang na tanong ni Cassiopeia kay Cobalt na nananahimik sa isang tabi

“......” Cobalt

“The two of you should start dating as soon as possible!” Utos ni Cassiopeia

“We’re properly dating Mom.. But a grandchild..” napatingin sya kay Flay na sumenyas na dapat syang magpaliwanag ng maayos or else lagot silang dalawa sa Witch of Carnage.. Tumikhim si Cobalt.. “I want to properly treasure Flay. We decided to take it slowly so I hope you will understand.”

Tumango-tango si Cassiopeia.. Madali naman syang kausap. Masyado lang naprepressure si Flay dahil isang living legend ang Witch of Carnage.

Nagthumbs-up si Flay Kay Cobalt na sinuklian naman nito ng isang ngiti.

“Bakit kailangan nyong maging sweet sa harap naming mga walang jowa?” reklamo ni Aliya

“Arent you dating Sir Lennox? I heard a lot of rumours about the two of you these passed two years.” Tanong ni Javen Kay Aliya na naging sanhi ng pagpula ng buong muka nito.

“Im not dating him!” tanggi ni Aliya

“Are you sure? Your blushing face is screaming the opposite.” Flay

“I’m not dating him!” Gigil ni Aliya

Natawa si Flay.. “Fine, fine. I'll stop teasing you.”

“You should! I also heard a weird rumor from August and Atticus, they say that Eon is interested in you Javen. Is that true??” Aliya

“No. We just often talks about magic and stuffs. But I don’t think he's interested in me..” Javen

Nagkatinginan sina Flay at Aliya. Hindi sila makapaniwalang may kaibigan silang kasing dense ni Javen.

“How about you Roma? Your engagement with Prince Eugene of Ventus is voided right? Is there any progress with you and Ashley?” tanong ni Flay

Umiling si Roma..

“I thought he was a playboy? Bakit ang torpe nya pagdating sayo? Do you need our help?” tanong ni Flay

Ngumiti si Roma.. “No need.. I can handle him.”

“Ahh. Young love.” Nakangiting saad ni Euphie

“Ehh? Who is this cute toddler?” tanong ni Aliya sabay buhat kay Blue na ngumunguya ng ice crystal

“That’s Blue. The adorable little angel that I’m talking about. When I first saw him in Charmaine's arms, I thought he was my grandchild.” Cassiopeia

“For sure President’s reaction was epic..” natatawang saad ni Flay

“Saan sya napulot ni Charm??” curious na tanong ni Aliya

“He’s that blue Fiscio..” sabat ni Regis

“Ehh? Celestial King and Fairy Queen! Kanina pa ba kayo dyan?” Aliya

“Muntik ko na ding makalimutan na nandito kami. Hindi ko akalain na Hindi nyo man lang mapapansin ang presensya namin. Hangin lang ba kami dito?” Regis

“Hehe sorry, I think Tita Cassiopeia outshine your presence.” Flay

“Euphie iiyak na ba ako? Una iniwan tayo ng prinsesa para sumama sa lalaki nya, ngayon naman ginaganito tayo ng mga kaibigan nya.” Regis

Hindi sya pinansin ni Euphie.. “Bakit pala kayo lang ang narito?” tanong nya kina Flay

“August is with Atticus right now. I think they went on a date or something.” Aliya

“Bakit bigla kayong pumapag-ibig? Nashoshock ako sa totoo lang.” Euphie

“A lot of things could happen in two years.” Flay

“Anyway, I heard Tanisha is busy because she's going to be the new guild master of her guild. She still probably don’t know about Charm.” Javen

“I don’t know about Alivia, she's probably busy as well?” Flay

“Samara and Astrid went to help in destroying the Death Magic Formation. They're still busy for sure.” Aliya

“Circe wants to hang out with us too but she's busy preparing for her wedding with Prefect Gray.” Roma

“How about Avril?” tanong ni Javen

“She went back to Gorgona. She's worried about my brother.” Roma

“Brother?” curious na tanong ni Aliya

“Nero.” Roma

Sabay na napasinghap sina Flay at Aliya..

“Eh? Hindi nyo ba napansin? There is something about the two of them. Napansin ko yun noon  nung minsan tayong tinulungan ni Nero na tumakas sa Aurum para iligtas si Roma.” Javen (see Chapter 21 for reference)

Nagkatinginan sina Flay at Aliya.. Paanong napansin ng dense nilang kaibigan ang ganung bagay?

“Anyway, kelan pa po nakabalik si Charm?” pag-iiba ni Aliya sa usapan

“Last week. She was very happy to see me. I expected a very teary reunion, but she instantly took off. She didn’t even stay for long, iniwan nya lang sakin ang tatlong ito then umalis na sya.” natatawang tugon ni Cassiopeia

“Wala man lang po ba syang iniwang clue kung saan natin sya pwedeng matagpuan?” Flay

“Clue? No. A message? Yes.” Regis

“Message? What message?” Aliya

“She said to meet her at the land of the Festival of Rebirth.” Euphie

“Festival of Rebirth?” nagtatakang tanong ni Aliya

“Forsaken Island.” Javen

“Let's go get our friends. Charm is waiting!” Flay

***

Sa dalampasigan sa isang isla sa Gorgona, makikitang naglalakad sa tabi ng dagat ang dalawang tao. Magkahawak ang kanilang mga kamay. Nakatanaw sila sa papalubog na araw na nagpipinta sa kalangitan sa matingkad na kulay ng apoy. Tila nagliliyab ang langit, subalit sa halip na galit, nagbibigay ito ng ibang impresyon. Warmth.

“Artemis..”

Lumingon ang dalaga sa matangkad na binata sa kanyang tabi.

“I’ve decided to never let go of your hand from now on.”

Ngumiti ang dalaga. “Yes, let’s stay like this for the rest of our lives.”

Nakangiting ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang paglalakad habang nakatanaw sa papalubog na araw.

Hindi nila kailangan ng mahabang paliwanagan. Hindi nila kailangan ng matatamis na mga salita. Just a simple promise is enough. They can understand each other with just a glance. Their love already defies the boundary of death. They knew each other for two lifetimes now.

Charm is Elda’s reincarnation. She awakened the memories of her past.

Gavriil is Ean’s host. He shared his memories. He knows all of his sadness, pain and longing.

In this vast universe, they still found each other.

Maybe it is fate that brought them together.

But one thing is for sure, in this lifetime, it doesnt matter whether one is Elda’s reincarnation and the other is Ean’s host. It’s all in the past. In this life, it’s only him and her, Gavriil and Charm. Nothing matters anymore, except for their love.

“I think we came at a bad time.”

“Mukang nakakaabala tayo sa moment nila.”

“Uy ang ganda ng sunset oh!”

“Javen may dala ka bang Imperial Berries? That’s a local fruit of Udarra, ang taas ng price sa Aragon.”

“I have some Imperial Berry Muffins.”

"I recently discovered a tea shop in Ventus that sells Imperial Berry tea. We should visit some time."

“Wag kayong mag-usap about pagkain. Nagugutom ako.”

“It’s been a while everyone.” Nakangiting bati ni Charm sa mga kaibigan na biglang sumulpot gamit ang teleportation portal ni Eon.

“Uwaaaah! Charm!” agad tumakbo papalapit si Aliya para yakapin ang kaibigan. Kasunod nya sina Flay, Javen, Roma, August, Tanisha, Alivia, Astrid at Samara. Mabilis nilang sinipa papalayo si Gavriil mula sa dalaga.

“Tsk. Wag nyo syang ipagdamot sakin.” Reklamo ni Gavriil

“You’ve been with her for more than a week now! Hindi mo man lang kami ininform Pres! Hmmp!” maktol ni Flay

“Oo nga! Miss na miss na namin si Charm. How dare you!” Aliya

“You can’t monopolize her!” August

“She’s also important to us.” Roma

“We missed her too.” Alivia

“Moment naman namin with Charm. Please back off..” Javen

Nagusot ang muka ni Gavriil. Bakit pakiramdam nya ang dami nyang kaagaw sa dalaga..?

“This is not fair.. Why are you so clingy to the princess but not to me?!” reklamo ni Atticus kay August. Inirapan lang sya ng dalaga.

“Im really jealous!” ngitngit ni Ashley habang nakahawak sa balikat ni Cobalt..

“Then stop being a chicken, you should already confess.” Tugon ni Cobalt

“......” Ashley

“Welcome back Charm!” masayang saad ni Aliya

“Yeah, welcome back!” saad nina Flay

“How’s your trip to the other world?” Eon

“I bet you made another legend over there?!” Atticus

“Of course she did!” August

“You look stronger now.” Astrid

“She probably did a lot of torturous trainings there.. We all know that Charm is powerful not just because of her lineage but because she’s so diligent with her trainings.” Aliya

“The princess is indeed a hard worker.” Nakangiting sang-ayon ni Samara

“I’m happy to see that you look healthy Princess. Please dont overwork yourself.” Tanisha

“She’s right Charm. You’ll get fatigue if you overdo your training. Please take care of yourself more.” Javen

Ngumiti si Charm.. “Thank you. I’m glad to be back. Na-miss ko kayo.”

“Uwaaahh! Charm~” Aliya

Muli nilang dinumog si Charmaine para sa isang group hug.

“Okay, enough of that!” sabat ni Gavriil saka pumagitna para bawiin si Charmaine mula sa mga karibal nya.

Sinimangutan sya nina Aliya.

“We have a small cabin on the top of that hill.. We should head back and prepare food, we can talk more over dinner.” Saad ni Gavriil

“Cabin? T-the two of you are living together?” hindi makapaniwalang tanong ni Aliya

“Aliya do you want them to sleep on the streets? They need a place where they can stay.. Why are you blushing? What kind of indecent thoughts do you have? Pfft hahaha..” pang-aasar ni Flay

“.....” Aliya

“She’s guilty.” Tanisha

“Aliya I cant believe that you are this kind of a person.” Pang-aasar din ni Astrid

“Yes, I cant believe that she’s this malicious.” August

“Pfffttt... Your face is priceless.” Tawa ni Flay habang nakaturo sa muka ni Aliya

Ilang pagsabog ang maririnig sa dalampasigan sa liblib na parte ng Forsaken Island na tumakot sa ilang mga ibon na mabilis na lumipad papalayo sa lugar. Sa gitna ng mga pagsabog ay makikitang naghahabulan ang magkakaibigan habang patuloy na nag-aasaran. Malinaw na maririnig ang kanilang tawanan sa kabila ng nakabibinging detonation ng malalakas na spells na ginagamit nila.

Sa paglitaw ng kambal na buwan sa kalangitan, makikita ang isang bonfire sa ibabaw ng isang burol kung saan isang cabin ang nakatayo.

Maririnig ang masayang tawanan at kwentuhan ng magkakaibigan na nakapalibot sa apoy.

Inalala nila ang mga bagay na pinagdaanan nila ng magkakasama. Inalala ang unang impresyon nila sa isat-isa noong una silang nagkakilakilala. Pinagtawanan ang mga kalokohan nila. Iniyakan ang alaala ng nakakatakot nilang training sa ilalim ng Stillwater. Nag-asaran. At syempre, kumain ng marshmallow sa bonfire.

Nabalot ng kanilang tawanan ang lugar.

Mapayapa ang gabi.

Mapayapa ang kanilang mga puso.

May ngiti sa labi ng bawat isa.

Hindi nila naisip na mabilis na magbabago ang lahat.

Isang bagyo ang paparating.

Hindi ang masayang gabing ito ang wakas.

This is only the prelude to the end.

~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top