Tale 68

A/N: Yes I'm back! :D
Sorry for not updating sooner. Peace yow!
Anyway, I'm not very satisfied with this chapter, so please tell me your thoughts in the comment section. And don't hate me for introducing new characters again.. Lol~
Happy reading everyone!


Tale 68
The True Ruler's Blood

They say that in the deepest part of Ur's Kingdom, breathing the air is like breathing in fire. After inhaling, something inside you will burn. Not your lungs, but your soul. This is the wail of the dead. Cries of anguish from billions of dead beings trapped in the Kingdom of Ur.”
-JournalOfTheNecromancerZafira, excavated by Professor Judar and translated by Lana Cross


Ang kontinente na tinatawag na Arcadius ang pinakamalaking kontinente sa buong Viribus. Dito matatagpuan ang apat na pangunahing angkan. Ang kanluran ay pinamumunuan ng White Tiger Clan. Ang timog ay hawak ng Scarlet Phoenix Clan. Ang hilaga ay nasa ilalim ng Obsidian Turtle Clan. At ang silangan ay pinamumunuan ng Azure Dragon Clan. Sa apat na pangunahing angkan, ang Azure Dragon Clan ang itinuturing na pinuno ng main continent dahil sa taglay nilang lakas. Bawat angkan ay mula sa apat na mythological beast subalit sa paglipas ng panahon ng pakikisalamuha sa ibang mga lahi tulad ng mga tao, karamihan sa mga myembro ng bawat angkan ay mga half-breed. Ang kanilang mga ninuno ay mula sa mag kakaibang mundo, subalit ang mga dragon ang huling lumitaw at sila ang may pinakamaraming bilang ng mga pure blooded beings.

Ngayon ang unang araw kung saan gaganapin sa Azure City sa silangan ang registration para sa taunang Roar of the Dragons. Ito ay isang tournament na ginaganap once every year upang subukin ang kakayanan ng mga kabataan na myembro ng Azure Dragon Clan.

Ang top 5 ng tournament ang syang magrerepresenta sa Intercontinental Arena of Heroes. Dito maghaharap ang representative ng apat na angkan at ang representative ng mga Elves, Fairies at Nightmares.

“Nabalitaan nyo ba? Lumitaw daw ang Celestial Tiger na itinuturing na diyos ng White Tiger Clan. Ang lakas ng loob nilang sabihin na malapit na nila tayong malampasan.”
“Hah! Patawa sila!”
“Hindi lang sila ang makapal ang muka. Nabalitaan kong ipinagmamalaki ng mga Fairies ang paglitaw ng Ancient Fairy Queen. Sina sabi nila na mas malakas ito kaysa sa ating mga Dragon!”
“Nananaginip yata sila ng gising..”
“Kalokohan lang yun.. Anong laban satin ng mga fairies ng isang maliit na kontinente? Isang pitik lang ng mga pure blooded dragons ng angkan natin, mapipisa na yung mga fairies na yun!”
“Stop badmouthing the fairies. My grandmother is half human, half fairy.”
“Tsk. Kung pure blooded dragons lang sana tayo, wala tayong kakatakutan sa mundong ito! Bakit ba kasi mas pinili ng mga ninuno natin na mag-asawa ng ibang lahi? Tsk!”
“Shhh! Respect the decisions of our forefathers! Lumipat sila sa mundong ito dahil Hindi na kaya ng dati nating mundo na magbigay ng sapat na supply ng mana at enerhiya.”
“Tama sya.. Kinailangan nilang magproduce ng offsprings na makakasurvive sa bagong mundong ito kaya tayo mga half breed ngayon. Igalang mo ang desisyon nila dahil para din sa kapakanan natin ang mga ginawa nila.”
“Oo nga naman! Tsaka hindi lang naman tayo, pati din ang Scarlet Phoenix, White Tiger at Obsidian Turtle Clan ginawa yun noong una silang dumating sa mundong ito. As a result, tayo ang pinakamalakas dahil tayo ang huling dumating.”
“Pero nakakapangamba pa rin.. Darating ang oras na papanaw ang mga natitirang pure blooded dragons. Pagnangyari yun, paano na lang tayo?”
“Tsk.. Mauunang maubos ang mga phoenix, sampu na lang ang ang pure blooded sa angkan nila. Pito naman ang sa White Tiger Clan.. Habang lima na lang sa Obsidian Turtle..”
“Mali ka, balita ko buhay pa ang pinakamalakas na ninuno ng Obsidian Turtle Clan, pero walang nakakaalam kung nasaan ito, in short anim pa ang pure blooded Obsidian Turtles sa angkan nila. Habang may tsismis naman na kumakalat na lumitaw ang Celestial Tiger ng White Tiger Clan so eight pa yung pure blood nila.”
“Sus, what difference would it make? Compared sa angkan natin na may natitirang seven Azure Dragons, four Fire-breating dragons, three Wind Dragons, Two Earth Dragons and one Ice Dragon, anong panama nila?”
“Tama ka.. Wala tayong dapat ikabahala.”

Samantala, sa di kalayuan mula sa registration, makikita ang isang binatilyo na may kulay puting buhok. Pinapalibutan sya ng apat na kalalakihan na hindi nalalayo ang edad sa kanya.

“Ang lakas ng loob mong magpakita dito!” Saad ng isa sa apat na lalaki, si Azul

“Ayoko ng gulo.. Nandito lang ako para magparegister sa kompetisyon..” saad ng lalaking may puting buhok, si Lucius

“Walang lugar ang mga ice dragon sa lugar na ito!” sigaw ni Demitri sa muka ni Lucius

“Tama sya! Pabigat lang kayo sa angkan!! Iisa na lang ang pure blooded ice dragon pero mas pinili pa nyang mahimlay! Wala man lang kayong kontribusyon sa pag-unlad ng angkan natin!” Indigo

“Tsk. Uulitin ko. Ayoko ng gulo.” Kalmadong tugon ni Lucius

“Tsk. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo ah!” sigaw ni Azul saka hinawakan sa kwelyo si Lucius

“Magsisisi ka kapag Hindi mo ko binitiwan.” Malamig na banta ni Lucius kay Azul

“Tinatakot mo ba ko? Wag mo kalimutang isa akong Water Dragon! Isa ka lang Ice Dragon!” Azul

“Wag mo din kalimutan na kaming mga Ice Dragon ang may royal blood. Umuurong sa takot ang mga ninuno mo sa tuwing makikita ang mga ninuno ko.” Lucius

“Phwe! Wag mo ipagmayabang ang nakaraan! Ano naman kung malakas kayo noon? Iisa na lang ang natitirang ice dragon. Lahat kayo half breed na..” Demitri

“Kapag muling nagpakita sa mundo si Lady Hamara, kahit ang mga pure blooded water dragons ay luluhod sa kanya! Sya lang naman ang pamangkin ng huling Dragon Princess na si Princess Cassiopeia! Lady Hamara is half royalty!” Lucius

“Tsk. Talaga? Kung ganun ang lolo ko ang apo ng last dragon queen!” Indigo

“Ang Lola ko sa tuhod ay pamangkin ng pinsan ng tatay ng huling Dragon king!” Wilhem

“Pffttt. Then my great great grandad is the Dragon Queen's ex-fiancee!” Dimitri

Kumunot ang noo ni Lucius.. These stupid dragons. They are a disgrace to their ancestors.

“Hundreds of years ago, Lady Crystal of Aralon visited this world.. She said that the Dragon Princess will one day appear in this world. You all should prepare for her arrival..” Lucius

“Pfft! Kalokohan! Ang dami nyong kasinungalingan! Palagi nyong sinasabi na ang mga royal ice dragons ay may dalawang anyo. Dragon form and human form.. Masyadong mataas ang tingin nyo sa mga sarili nyo! Kung totoo yan bakit ice dragon lang? Sana may human form din ang mga water dragon, fire dragon at iba pa!” Azul

“Hindi nyo kailangan maniwala kung ayaw nyo.. Binalaan ko kayo, sa oras na dumating sya, magbabago ang lahat..” Lucius

Sa gitna ng mainit na away ng limang binata, isang three years old na bata ang makikitang naglalakad sa kanilang direksyon. Asul na asul ang mga mata nito. Ang buhok nito ay bluish-white na kumikinang sa liwanag ng araw. Abala ito sa pagnguya sa isang.....

..... bolang crystal..

“Mister nakita mo ba ang Master ko??” tanong ng munting bata kay Lucius

Umiling si Lucius..

“Ganun ba??” ipinagpatuloy nito ang kanyang paglalakad pati na rin ang pagkain sa bolang crystal sa kanyang kamay..

“Sandali lang!” tawag ni Lucius dito at agad sinundan ang bata

“Hoy Lucius! Tsk. Tinakbuhan nya tayo!” naiinis na saad ni Azul

“Sandali lang bata!” tawag ni Lucius sa maliit na bata

“May kailangan ka ba sakin Mister?” tanong ng bata

“Ang bolang crystal na yan.. Isa yang Ice Crystal tama?” Tanong ni Lucius

Tumingin ang bata sa hawak nyang crystal.. Unti-unting rumihistro sa kanya ang sinabi ni Lucius.. Ice crystal? Waaaaahhhh! Nilinlang sya ng Master nya! Sabi nito magic crystal ang crystal na kinakain nya!! Kaya pala iba ang flavour nito!! Pero wait, mas masarap ito kesa sa magic crystal...

“Pwede ko bang malaman kung sino ang master mo?” tanong ni Lucius

Ngayon nya lamang nakita ang bata.. Gayun pa man, may hawak itong malakas na ice crystal! Maaari bang ang master nito ay isang ice dragon?

Umiling ang bata.. “Mister sabi ng Master ko don’t talk to strangers daw po.”

“Sayo na lang ito..” saad ni Lucius saka ipinakita ang maraming ice crystals

Agad nagningning ang mga mata ng bata.. Food!!!

“Uwaahh! Ang dami!!” masaya nyang saad

“Isa bang ice dragon ang master mo??” tanong ni Lucius

“Yep!” masayang tugon ng bata na ang atensyon ay nasa mga ice crystals sa kanyang kamay

“Anong pangalan nya??” tanong ni Lucius

“Charma—Wait! Inuuto mo ko! Huhuhu!!” bintang ni Blue

Nanatiling kalmado ang muka ni Lucius.. “Kilala ko ang lahat ng mga ice dragons dahil pamilya ko sila. Ngayon lamang kita nakita kaya sigurado ako na hindi nagmula dito sa silangan ang master mo.. Ngayon, ang master mo ba ay si Lady Hamara? Did she finally awaken from her slumber?”

“Hindi ko po kilala ang taong tinutukoy mo..” Blue

Nagtaka si Lucius sa naging tugon ng bata..

“Blue kanina ka pa naming hinahanap.” Saad ng isang malamig na tinig

Parehong napalingon sina Lucius at Blue sa kanilang likuran. Isang magandang babae ang nakita nila. Mahaba ang kulay puti nitong buhok at malamig ang asul na mga mata. Natulala si Lucius dito.. Sya ay si....

Sa tabi ng babae ay may isang matipunong ginoo. Itim ang kulay ng mahaba nitong buhok na isinasayaw ng hangin, maamo ang muka nito at may makinis na kutis. Mas maganda pa ito kesa sa mga babaeng myembro ng Azure Dragon Clan. Gayun pa amn, there is the air of manliness around this man.

“Master!! Mister Athanasius!” masayang saad ng bata at excited na tumakbo patungo sa dalawang Tao.. Ang maliliit nitong binti ay tila nagbobounce sa kanyang pagtakbo dulot ng sobrang excitement..

“Dont just run off Little Blue.. Little Charm worries about you.” Saad ng lalaki at tila pag-agos ng kalmadong tubig ang tinig nito..

“May nakita akong masarap na pagkain kanina. Pero paglingon ko pabalik, wala na kayo.. Master natakot ako. Tapos- Tapos gusto akong utuin nitong mister na ito... Uwaaah!” sumbong nito kay Charm

Napahakbang patalikod si Lucius noong nabaling sa kanya ang atensyon ng babae.

“H-hindi sa ganun..” depensa ni Lucius.. May kilabot na dumaloy sa buong katawan nya.. Isa syang ice dragon at hind nila alintana kahit gaano kababa ang temperatura. Subalit sa pagkakataong ito, pinanlamigan sya sa takot.

“Lets go.” Saad ng babae at saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad.. Sa tabi nya ay masayang naglalakad ang munting bata.

“L-lady Cassiopeia..” bulong ng binata sa kanyang sarili


“Master that looks delicious!” nagniningning ang mga matang saad ni Blue sabay turo sa mga nakadisplay na armour sa isang shop, nababalot ng malakas na mahika ang mga armour at karamihan sa mga ito ay may disenyo ng kaliskis ng isang dragon. The magic within the armours were incredible, no wonder Blue is interested.

Masigla ang kapaligiran at may mga makukulay na palamuti sa paligid.

“Is there a festival of some sort today?” tanong ni Charm kay Athanasius na nasa anyo ng isang matipunong ginoo.

Its the time of the Dragon's Roar.” Tugon ni Athanasius telepathically

Dragon's Roar?” Charm replied with her psychic power

A tournament that serves as a qualifier for the best warriors or mages that would represent the dragons on the upcoming Intercontinental Arena of Heroes.”  Athanasius

Interesting.” Charm

Do you want to watch?” Athanasius

I want to join..” Charm

“......” Athanasius

“I want to join.” Saad pa ni Charm habang nakamasid sa mahabang pila

“Gusto mo ba silang i-bully master?” inosenteng tanong ni Blue na abalang ngumunguya ng ice crystals.

“They’re dragons too. This tournament should be a challenge even for me.” Charm

Napapa-isip si Athanasius. Mukang hindi aware ang dalaga sa pagiging espesyal nya. Kawawa naman ang mga dragon na makakaharap nya sa laban.

Samantala, bakas ang boredom sa muka ng mga staff na syang nakatalaga sa registration ng gaganaping patimpalak bukas, ang Dragon's Roar.

“Pangalan.” Hindi interesadong tanong ng staff na nagsusulat sa mesa.

“Dimitri.” Tugon ng binata na nakatayo sa harap ng mesa

“Pakilagay ng kamay sa Disc.” Saad ng ikalawang staff na may hawak na flat object sa kanyang kamay, ang Disc of Valor. Isa itong magical tool na sumusukat sa lakas ng taglay na mahika ng isang nilalang. Ipinapakita nito sa numerical value ang nakalkulang mahika ng isang nilalang na nakahawak dito.

“357mc.” Saad ng staff

“Okay. Block B.” Hindi interesadong saad ng staff na nagsusulat. “Next.”

Agad nag-give way si Dimitri para sa kasunod nya. May malapad na ngiti sa kanyang labi.. Block B!! That's too awesome!

May limang block na humahati sa mga participants ng Dragon's Roar. Ang Block E ang pinakamahihina habang Block A naman ang pinakamalakas. Ang block E ay mga dragon na mayroong magic capacity na mas mababa sa 100. Rank D para sa mas mababa sa 200mc. Block C sa mas mababa sa 300mc. Block B sa mas mababa sa 400mc. Block A para sa mas mababa sa 500mc.. Aside sa limang ito, mayroong special na grupo, ang Block S na ang tanging napapabilang lamang ay mga mago o warrior na mahigit sa 500mc ang taglay na magic capacities. Bihira lamang may lumitaw na nilalang na napapabilang sa grupong ito.

“Pangalan.” Bored na saad ng staff

“Azul.”

“Pakilagay ng kamay sa Disc.”

“407mc”

“Block A. Next!”

Masayang naggive way ang binatang si Azul.

“Pangalan.”

“Luciuos.”

Agad napalingon ang grupo nina Azul sa binata.

“Tsk. Lucius... Isang ice dragon? Bakit ka sasali sa tournament? Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan.” Saad ni Azul

Hindi sya binigyang pansin ni Lucius.

“Pakilagay ng kamay sa Disc.” Hindi interesado ang mga staff sa personal na alitan ng mga kalahok.

“478mc.”

“Hmm.. Good.. You are the best one so far.. Block A.” Saad ng staff na abalang nagsusulat.

Natahimik naman sina Azul sa kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala. Gusto nilang kwestyunin ang naging results pero impusible. You do not mess with the organisation holding the Dragon's Roar. They are the elites of the dragon clan..

“Next.”

Kalmadong naggive way si Lucius sa kasunod nya. Masaya sya na naging worth it ang pagsasanay nya sa nakaraang mga buwan. Sya na lamang ang tanging pag-asa ng mga ice dragons. Hindi nabiyayaan ng talento ang mga kaedad nya sa pamilya nila, madali silang napagkakaisahan ng ibang mga lahi ng dragon dahil naging mahina sila sa paglipas ng panahon. Tanging si Lucius na lamang ang pag-asa para muling maitayo ang bandera ng mga ice dragons.

“Pangalan.”

“Artemis.”

Agad napalingon ang lahat dahil sa malamig na tinig ng isang babae.

“Sino sya?” usisa ni Indigo, kakambal ni Azul

“A-ang ganda.” Whilhem, kaibigan ni Azul

“Puting buhok? Ice dragon??” Azul

“Mukang hindi sya kilala ni Lucius.. Siguro isa syang dragon na may dugo ng mga elf? Diba puti din ang buhok ng mga elf??” Dimitri

“Bakit sasali sya sa Dragon's Roar?? Muka syang mahina..?” Indigo

“Tsk.. Nahihibang na siguro ang babaeng yan? Hindi nya ba alam na malalakas na mga kalalakihan ang makkaaharap nya sa laban?” Dimitri

Sabay-sabay na napailing ang magkakaibigan. Hindi nila sineseryoso ang babae. Muka itong mahina.

Ang dalagang si Artemis ay walang iba kung hindi si Charmaine. Sooner or later, kakainin ng mga binata ang mga salitang binitiwan nila.

“Pakilagay ng kamay sa Disc..”

Walang pag-aalinlangan na sumunod ang babae.

Mabilis ang mga nangyari. Nabalot ng komusyon ang registration ilang segundo matapos ipatong ng dalaga ang kamay nya sa disc.

Biglang sumabog ang Disc of Valor.

“Anong nangyari?” tanong ng kasama nyang staff na busy sa pagsusulat kanina

“H-hindi ko alam.” May takot na bumalot sa mga mata ng staff.. Bago sumabog ang disc ay may nakita syang bagay na hinding-hindi nya malilimutan. Nasa 500mc agad ang disc pagkapatong ng dalaga sa kanyang kamay, mabilis yung umakyat hanggang sa may anim na zeroes kasunod ng one na lumitaw bago sumabog ang disc.

“Namalik-mata lang siguro ako..” pagpapakalma ng staff sa kanyang sarili

“Ano ang magic capacity ng Binibini bago sumabog ang disc?”

“....... 500+??” tugon ng kasama nya.. Totoo naman, nagstart agad sa 500mc ang numerical value ng magic capacity ng dalaga. Hindi lamang sya sigurado sa naging final result nito kaya it's safe to say naman na 500+ yung magic capacity ng dalaga. Diba??

“Are you sure??”

“...... Ahm.... Aha.”

“Block S..” saad ng staff na ipinagpatuloy na ang pagsusulat.

“Okay.” Tugon ng dalaga

“We will resume the registration one hour from now.” Saad ng staff na tagapagsulat.

Na tahimik na ang mga binata.. Block S! Hindi nila gustong makaharap ang babae sa final round!

“This is your token of participation.” Saad ng ikatatlong staff bago lumabas  ang dalaga sa gusali.

“Thank you..”

“Sino yun?”
“Artemis daw ang pangalan?”
“Saang pamilya sya galing? Hindi sya pamilyar.”
“She’s a dragon, I can feel it in her aura.”
“She's powerful despite her age.”
“But why is she unfamiliar?”
“Yes.. Is she the rumoured golden child of the azure dragons??”
“No way! The golden child is a male dragon..”
“Then who is she??”
“Maybe she's a child that grew up with the elves??”
“Probably yes. No one seems to know her. Although it's rare for our clansmen to live outside our land, it's still possible.”
“But what kind of a dragon is she? Azure?”
“Who knows..? Let’s just look forward to tomorrow’s tournament..”

***

Ang Dragon's Roar ay ginaganap sa isang napakalaking Coliseum. Isa itong napakaimportanteng event para sa dragon clan sapagkat ang magwawagi sa patimpalak ay ang syang magrerepresenta para sa angkan sa darating na Intercontinental Arena of Heroes. Nakasalalay dito ang kanilang pangalan at reputasyon. Hindi na nakakapagtaka na puno ng manonood ang lugar.

Masigla ang bawat isa at sila ay mababakasan ng excitement sa magaganap na mga laban.

“Nakikita mo ba yung malaking bell sa entrance ng Coliseum? Isa yang ancient artifact na nilikha ng mga ninuno natin..” saad ng isang lalaki sa katabi nya
“Syempre alam ko! Yan ang Campana Regal na nilikha upang alamin kung sino ang may pinakapurong dugo ng dragon. Yan ang sanhi kung bakit ang mga Azure Dragons ang namumuno satin ngayon. Sila ang may pinakamakapangyarihang bloodline.”
“Pero sinasabi ng mga Ice Dragons na tutunog lang ang bell sa oras na lumitaw ang Dragon Princess, yun ang sabi sa kanilang alamat.”
“Tsk.. Ice dragons ang namumuno sa mga dragon noon. Pero mahina na sila ngayon..”
“Balita ko pa kapag daw lumalapit ang mga elders ng Azure Dragon bloodline, nagba-vibrate ang bell na tila winewelcome sila!”
“Ang astig! Samantalang wala man lamang reaction ang bell sa mga ice dragons. Puro lang kasi sila satsat.”
“Haha totoo yan..”
“Oyy tingnan mo! Sina Azul at Indigo! Ang kambal na azure dragons na may pambihirang talento!”
“T-tingnan mo kung sino yung kasama nila! Si Denim! Ang nakatatanda nilang kapatid na kilala bilang the Golden Child!!”
“Kasali din sya sa patimpalak ngayong taon?! Magiging maganda ang laban!”

Nakaturo ang ilong nina Azul at Indigo sa himpapawid. Enjoy na enjoy ang kambal sa atensyon na kanilang nakukuha dahil sa kanilang nakatatandang kapatid na si Denim.. Isa itong SS Block participant na mayroong 672 mc! Sigurado na sila na ang kanilang Kuya ang magwawagi sa huli!

Habang abala ang lahat sa sarisarili nilang mga mundo, isang Binibini ang tahimik na naglalakad papasok sa lugar.. Sa tabi nya ay mayroong isang munting batang lalaki na mukang isang anghel na kumakain ng ice crystals. Sa kabila ay makikita ang isang ginoo na may napakagandang muka.

Isang tunog ang syang bumasag sa kanina ay napakaingay na lugar.

Isa itong tunog na kailanman ay hindi nila inaasahan na marinig sa kanilang buhay.

Isang tunog na dumagundong sa tainga ng bawat isa.

Tumagos ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso na nagdulot ng takot, pangamba... at paggalang.

Ang kanilang mga mata ay automatikong nagpalit anyo sa mata ng isang dragon kasabay ng paglingon sa pinanggalingan ng tunog.

Ang Campana Regal.

Nakita nila sa ibaba nito ang isang babaeng may mahabang puting buhok na isinasayaw ng hangin..

Sa kabila ng nakabibinging katahimikan ay maririnig ang mabilis na pintig ng kanilang mga puso dahil sa takot na idinulot ng napakalamig na mata ng babae.

Her coldness sent chill to the soul of everyone.

She is looking down on them.

And somehow, they suddenly have the urge to bow down.

Her aura is way too domineering.

Like a queen.

No.. She's not just a queen.

This girl's domineering aura......

.....is the aura of a King.

~~~~~~~~


A/N: To be continued...
Mahaba dapat ang chapter na ito pero nahihirapan ako sa pagsusulat these days kaya pinutol ko na muna.

Nyways, here's a picture of what Athanasius would look like in human form. The media is not originally mine, please dont sue me haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top