Tale 65

Tale 65
Eventful Years

"When dragons went extinct, they froze their own hearts. As the strongest existence with no one to stop them, their powers can be use for trivial things if passion overcame reason and emotion overcame rationality.”
-The Book of Khalel, translated by Alena Hart

Nakatanaw ang isang matipunong binata sa labas ng isang magarbong kalesa. Ang kanilang destinasyon ay ang tanyag na bayan ng Theos kung saan gaganapin ang taunang Licentiam Exam for Mages.

Exactly two years ago, the birth of a monstrous genius was witness by the world. The number one mage in the tree of origin, the Witch of Apocalypse, Charmaine Artemis Clifford. Sa nakalipas na dalawang taon ay nawalan ng balita ang mga tao tungkol sa dalaga. Tila naglaho ito na parang bula. Kung gaano kabilis nakilala ng lahat ang pangalan nito, ganoon din kabilis nakalimutan ng mga tao ang taglay nitong kapangyarihan. Alam nila na malakas ang mage na nasa top 1 ng ranking, pero dahil wala nang bagong mga kwento ukol dito, naglaho na din ang takot na nararamdaman ng lahat sa kapangyarihan nito.

“Gavriil may problema ba?” tanong ng isang magandang babae na nakaupo sa kabilang bahagi ng kalesa. May pag-aalala sa kanyang mga mata. Ang babae ay walang iba kundi ang reyna ng Aragon, si Queen Olive.

Marahang umiling ang binata. “Wala. Walang problema Kamahalan.” Nakangiti nyang tugon dito.. Hindi napansin ng dalaga na hindi umabot sa mga mata ng binata ang ngiti nito..  Oras na.

Samantala, sa  nakalipas na dalawang taon, ilang pag-aaklas ang naganap. Sa umpisa ay Hindi ito inalintana ng mga noble birth, nandyan naman ang royal army upang protektahan sila. Pero nagkamali sila. Ilang maimpluwensyang bayan na ang kasalukuyang hawak ng bandidong grupo na nagpakilala bilang Eleutheria.

Ayon sa mga kwento ay layunin ng grupo na baguhin ang mga namumuno sa limang kaharian at bigyang hustisya ang mga naaapi. Marami nang nahikayat ang grupo. Napukaw nila ang damdamin ng mga mahihirap, ng mga naaapi, ng mga biktima ng di makatarungang batas ng monarkiyang sumasakal sa mga tao. Ilang beses na nilang nakaharap ang royal army, at hindi sila matalo ng mga ito! Balibalita na maging ang ilang magic guild at dark guild ay nagkasundo na lihim na suportahan ang layunin ng grupo.

Hindi naging mapayapa ang nakalipas na dalawang taon. Nasaan na ang tinatawag na pinakamalakas na mage? Nagkaroon ng pagdududa ang mga Tao. Hindi ba at malakas ito? Nasaan ito ngayon?

Hindi lang ang grupong Eleutheria ang umagaw sa atensyon ng mga Tao. Isang mahiwagang grupo ang syang lumitaw isang taon na ang nakalilipas. Yumayanig ang mundo sa kanilang presensya, tila ba isang batalyon ng mga anghel na lilipol sa mundo ang kanilang mahiwagang presensya. Lumilitaw sila sa gitna ng mga laban. Dumadating sila na nababalot sa hamog, sa loob ng hamog ay may maririnig na mga yabag ng mga Tao, mga boses na nagchachant ng mahiwagang spell, lahat ng madadaanan nilang lugar ay napipintahan ng pula dahil sa dugo ngmga pinatumba nilang ka laban. Walang nakakaalam kung sino sila at kung saan sila nagmula. Kinilala sila ng mga tao bilang Armageddon sapagkat agad nagwawakas ang labanan sa kanilang pagdating. Isa silang pwersa na walang kayang pumigil. Tila ba sila lamang ang mananatiling nakatayo kahit sa huling mga oras sa pagsapit ng katapusan ng mundo.

“Balita ko ay ngayong taon kasali sa mga examinees ang pinakatalentadong prinsesa ng mga Alexus. Ang 8th princess, si Prinsesa Briar!”
“Hindi lamang sya ang royalty na kalahok ngayon taon, maging si Prinsepe Eugene ng Ventus! According sa rmga balita sya daw ang may pinakamalakas na Elemental Magic sa kasaysayan ng kaharian ng Ventus. Sya ang tanging mage na nakalikha ng elemental spirit!”
“Elemental Spirit? Ano yun?”
“Hindi ko din alam kung ano yun, basta mukang astig kaya nakakahanga!”
“Balita ko malakas din ang mahika ng sorcerer ng pamilya Hohenheim, si Sir Judah!”
“Pati na din si Lady Circe ng bayan ng Gandarva, may pambihira syang talento saTransformation Magic!”
“Hindi lamang sila ang inaabangan ng lahat! Ngayong taon din lalahok ang personal knight ni Queen Olive, si Sir Arren Gavriil Lockser!”
“Mukang mas magiging kapanapanabik ang Licentiam Exam ngayon taon! Last year walang kakaibang nangyari. Kumpara sa pasabog na dulot ng paglitaw ng Witch of Apocalypse two years ago, tila walang kwenta ang exam last year.”
“Totoo yan. Pero nawala na lang sya na parang bula.”
“Sabi sa mga balita ipinaligpit sya ng royal families dahil sa hindi nya pag tugon sa Royal Summons.”
“Hindi ako naniniwala. Sya ang pinakamalakas na Mage kaya paano sya matatalo?”
“Nagdududa din ako nung una. Pero maaaring gumamit sila ng patibong o di kaya ay pinagtulungan sya ng malalakas na mage.”
“Impusible pa din! Marami syang mga kaibigan na parte ng top25. Hindi man lang sya tinulungan?”
“Naghiwahiwalay na daw ng landas ang grupo nila. Huli silang nakitang magkakasama ay noong nagkrus ang mga landas nila sa isang misyon sa Aragon.”
“Pero magkakaibigan sila diba?”
“Balita ko ay naunang bumuwag sa grupo ang kasalukuyang Guild master ng Heaven's Will, si Ms. Javen..”
“Nabalitaan ko din yan! Almost two years ago, isang disyerto sa Uddara ang muntik nang maglaho sa mapa ng Aralon matapos nilang maglaban-laban. Akala ko magkakaibigan sila, pero muntik na silang magpatayan!”
“Balita ko wala namang nakakita sa naging laban, hindi ba?”
“Mayroon! According sa eyewitness ay isang nakakakilabot na laban ang naganap. Muntik na syang mamatay kung Hindi sya nakatakas gamit ang teleportation magic.”
“Totoo ba yan? Akala ko ay tsismis lang yan noon.”
“Akala ko din.. Sa umpisa ay walang naniwala sa eyewitness, pero matapos makita ng mga Tao ang disyerto na ngayon ay isa nang dagat, nakumpirma ng mga Tao ang balita!”
“Kung sa bagay. Wala ding naging komento ang magkakaibigan kaya pusibleng totoo!”
“Oo! Hindi nila itinanggi ang balita.. Hindi na din sila nakita pang magkakasama SIMULA noon.”
“Akala ng lahat ay magtatayo sila ng isang makapangyarihang guild. Sinong mag-aakala na maghihiwahiwalay sila at pagkatapos ay maglalaban-laban?”
“Totoo yan. Akala ng lahat ay magkakaibigan sila. Marahil ay Mali ang mga balita.”
“Ibig sabihin ba ay totoong patay na ang Witch of Apocalypse?”
“Hindi pa naglalaho ang pangalan nya sa Tree of Origin. Kapag namatay ang isang mage ay lilipat ang pangalan nila sa mga dahon at maglalaho sa puso ng puno.”
“O-oo nga ano?”
“Kung buhay pa sya, nasaan sya?”

Isang palaisipan para sa lahat ang biglang pagkawala ng pinakamalakas na mage ng kasalukuyang panahon.

Samantala, mabilis na kumalat ang naging resulta ng test of Heaven's Stone.

Karamihan sa mga pinakainaabangang kalahok tulad nina Circe ay nakakuha ng kulay Violet na result. Dark gray kay Roma at Black naman kay Arren.

“Congratulations Princess Briar! Ikaw ang nasa top 2 ng test of Heaven's Stone!” magiliw na pagbati ng isang babae kay Roma na pinalilibutan ng mga noble birth na umaasang makipagkaibigan sa kanya.

“Salamat.” Tipid na sagot ni Roma

“Oyy oyy! Give her some space! Sobrang close nyo, narinig nyo na ba yung word na personal space? Hindi ba kayo aware na ayaw ni Roma sa mga FC?! Tsk..” Naiinis na sabat ni Circe

Pinilit ikubli ng mga tao ang iritasyon nila sa dalagang katabi ni Roma ngayon.

“Congratulations din Lady Circe, pasok ka sa top 5 ng test of heavens stone..” pilit ang ngiti na pagbati ng isang babae

“Hmmp! It's just a test. Dapat lang naman na pasok ako sa top 5. Aba, kung hindi ako, sino pa?” tugon ni Circe

Napanganga naman ang mga nakarinig. This girl is too domineering! Ngayon lang sila nakakita ng taong sa halip na magpahumble after mapuri, lalong nagyabang!

“Pfft. As expected of someone who manage to get the attention of Team Leader Gray. Lady Circe is such an interesting girl.” Sabat ng isang mapaglarong tinig

“Prince Eugene!!” sigaw ng isa sa mga babae

“Prince Eugene! Congratulations! You are ranked 3rd on the test of Heavens Stone..” pagbati ng isa pa kay Jin

“Thank you.” Nakangiting tugon ni Jin.. Bumaling sya kay Roma at lalong lumapad ang ngiti sa labi nya.

“Princess Briar, it's nice to see you here.” Saad ni Jin

“I can’t say the same to you. We always crossed paths on Aurum so I grew tired of your face..” simpleng tugon ni Roma

Natawa si Jin sa naging tugon ng babae... “You and your friends are such interesting fellows, specially Charm. If only my cousin didn’t like you, I might consider actually marrying you. My life won’t be boring then hahaha.”

“Sorry to say this but even if you are interested, I still won’t marry you.” Poker face na tugon ni Roma

“Really?” curious na tanong ni Jin

“Yes. I don’t like to have an unfaithful husband. You might not understand this now, but marriage is something sacred to me. I will only marry someone whom I'm mutually in love with.” Simpleng tugon ni Roma

Ngumiti si Jin.. “You are being bias Princess, you might think that I'm a player but I already have someone in my heart. Sadly, we are engaged and will eventually end up together. We have to learn to understand each other. Unless, you help me break off this marriage.”

Hindi nakatugon si Roma.

“Think about it. For now, I will go, I can clearly feel the dagger looks from my cousin. Farewell Princess. See you around.” Nakangiting saad ni Jin.. Saka lamang napansin ni Roma ang isang pamilyar na muka sa mga audience. Si Ashley na nakatingin ng masama sa pinsan nyang si Jin.

Eversince mawala si Cobalt na best friend ni Ashley, nagbago ang personalidad ng binata. Mas naging seryoso ito sa kanyang pag-aaral. Nagtapos Ito last year ng kursong Bachelor of Arts in Assassination. Although isa syang prinsepe na walang mahika, marami pa ring nagtatangka sa kanyang buhay kung kaya mas pinili nya pag-aralan ang assassination upang maunawaan ang konsepto at taktika nito. Sa ganitong paraan ay mas madali syang magsusurvive. Fight fire with fire. Water with water. Assassination with assassination.

Nagtama ang mga mata ng dalawa. Hindi ito nagtagal. Muli na syang dinedma ni Roma hanggang sa matapos ang kasiyahan ng gabing yun.

Sa sumunod na mga araw ay ginanap ang Licentiam Exam of Mages. Tulad ng inaasahan ay sina Gavriil, Roma, Jin, Judah at Circe ang nasa top five ng exam. May limang parte ang exam, Tower of Spells, Elemental Stones, Magic Hunt, Mountain of Burden, and Magic Duel.

Ang Tower of Spells ay isang tore na susubok sa kaalaman ng mga kalahok pagdating sa ibat-ibang klase ng spells na syang pundasyon ng paggamit ng mga mage ng magic.

Ang Elemental Stones ay pagsubok sa affinity ng isang mage sa bawat elemento. Bawat mago ay may natural elemental attribute. Subalit required sila na matuto ng magic na gumagamit ng ibang elemento. Kung mas maraming element na kayang kontrolin ang isang mago, mas marami syang spells na maaaring gamitin.

Ang Magic Hunt ay isang pagsubok kung saan mag-a-assign ang council ng isang specific magic beast na kailangan i-hunt sa loob ng ibinigay na oras. Ginaganap ang hunt sa loob ng World of Beast, isang dimensional fortress na pagmamay-ari ng Council of Magic.

Ang Mountain of Burden naman ay isang mahiwagang bundok na nagrerestrict sa magic. Dito susubukin ang physical strenght ng mga kalahok.

And lastly, Magic Duel. Ito ay isang one on one battle kung saan matira matibay. Maghaharap-harap ang pinakamalalalakas. Kailangan ng swerte at lakas sa parteng ito ng exam.

Two years ago ay hindi kasali ang Elemental Stone sa Licentiam Exam. Sa halip, ang ikalawang parte ng pagsusulit ay kilala bilang Thirteen Scales. Dito sinusubok ang affinity ng isang mago sa mga Diyos ng Aralon. A true hero will always be favoured by the gods. Hanggang ngayon ay isa ito sa mga paniniwala ng mga Aralonian. Subalit ang Scales na inaakala ng lahat na isang indestructible magic relic ay naging alikabok sa presensya ng pinakamalakas na mago ng kasalukuyang panahon, si Charmaine Artemis Clifford, creating a legend. Hanggang ngayon ay sinasabi ng mga die hard fans nya na kaya nyang makipagtunggali sa mga diyos! How ridiculous! Maraming Hindi naniniwala, pero kung may mga taong tikom ang bibig, mayroon ding ipinagsisigawan ang paniniwalang ito. Isang halimbawa ng mga die hard fan ni Charmaine si Harvin Knightly, alam ng buong Aralon na nagtayo pa ito ng fansclub na may daan-daang mga myembro. Tinatawag nyang Lolita Witches ang grupo nina Charm!

Samantala, ngayon ang ikalimang araw kung saan gaganapin ang Magic Duel. Ramdam na ramdam ang excitement sa paligid. Gaganapin ang mga duelo sa naglalakihang mga dahon ng Tree of Origin. Tanging ang top 100 lamang sa overall ranking sa naunang apat na parte ng exam ang syang magpapatuloy sa parteng ito. At mula sa isang daan ay tanging sampu lamang ang matitira at mabibigyan ng pagkakataon na subukang makapasok sa Top1000 Tree of Origin Ranking.

Sa isa sa mga dahon, isang mage ang pilit pinapakalma ang malaimpyernong apoy na nakapaligid sa kanya.. Isa syang sorcerer na may natural attribute of fire, pero bakit muka syang isang kawawang yagit sa harap ng wizard na si Arren Gavriil Lockser?! Pareho lang silang may natural attribute of fire! Bakit napaka-unfair ng mundo. Muka syang isang kuneho sa harap ng isang tigre. Gusto nyang umiyak subalit walang luha na kumawala sa kanyang mga mata. Hindi ito isang duelo, this is bullying! Kawawa naman sya! Wuwu

“I concede!” sigaw ng mage na katunggali ni Gavriil..

Sa isa sa mga dahon makikita naman ang isang bugbog saradong mago na nakatingala sa isang magandang Binibini..

“Suko na po ako.. Huhuhu..” saad ng maskuladong mago.. Sa harap nya nakatayo ang isang magandang babae na may mahabang pulang buhok. Muka itong isang napakayuming dalaga, subalit kanikanina lamang ay binugbog sya nito na parang wala nang bukas. Habang panahon nyang dadalhin ang takot sa puso nya sa mga Sandaling ito. Prinsesa? Babae? Mali! Isa syang halimaw! Halimaw na bully huhuhu.

Ganito rin ang sitwasyon sa harap ni Jin ngayon.. Isang kawawang sorcerer ang tinangay ng isang ipo-ipo papalayo mula sa ring..

“Waaaaaaahhhhhhh!!” sigaw ng sorcerer matapos mamalayan na nahuhulog sya mula sa tree of origin. Alalahanin nyo na ang isang dahon nito ay may espasyo kung saan kasya ang isang ring, imagine kung gaano kataas ang tree of origin! Kapag nahulog ka mula dito ay  hindi lamang oras ang bibilangin bago marating ang lupa. Tao lamang din ang mga mago, hindi lahat nakakalipad. At kahit pa may floating spells ay hindi yun agad sasagi sa isipan ng isang taong puno ng takot at wala sa katinuan..

“Waaaaahhhh! Suko na ko!! Saklolo!!! Mommy!!! Huhuhu!!” Sigaw ng mago

Isang ipo-ipo ang muling bumalot sa sorcerer kaya hindi sya tuluyang nahulog.

Samantala, lahat naman ng nakakatunggali ni Circe ay agad sumusuko. Nagpapalit anyo sya bilang si Roma o Gavriil, akala ng lahat ay muli nilang nakaharap ang dalawa, alam naman ng lahat na halimaw sina Roma at Gavriil kaya matapos silang makita ay agad silang sumusuko.. Naghihikab si Circe. Hindi sya interesadong mag-aksaya ng oras at effort sa pakikipaglaban. She's full of class, bakit sya mag-e-engage sa isang barbaric activity kung pwede naman na sindakin nya na lang ang mga kalaban gamit ang Transformation magic nya diba? Pero akala lang pala nya na matatapos ang laban ng ganun kadali. Nagkamali sya.

Sa paglitaw nya sa sunod na dahon ay nakaharap nya si Judah, ang number one sorcerer ng Aurum sa batch nila! Expertise nito ang Life Magic, isa sa pinakamahirap i-master na magic!

“Prefect Gavriil, it is an honour to duel with you..” may halong excitement sa boses ni Judah

“Tsk.” Iritableng saad ni Circe.. She instantly dropped her disguise.. Agad nagbago ng ekspresyon ang muka ni Judah. Kanina ay excited ito na makaharap ang pinakamalakas na wizard ng batch nila. Napuno sya ng disappointment matapos makita si Circe. Ni hindi sya nag-abalang ikubli ang disappointment na ito na lalong ikinairita ng dalaga..

“Minamaliit nya ba ko?” sa isip ni Circe

“Tsk. Just a witch who uses transformation magic.. What can she actually do? Does she think that she can actually win against me?” tama ang kutob ni Circe na minamaliit sya ng lalaki..

Nagliwanag ang singsing ni Judah, isang nilalang na gawa sa dahon ang lumitaw. Isang Leaf Golem!!

Ang Life Magic ay hindi pagbibigay buhay, bagkus ito ay pagbibigay ng kamalayan sa mga nilalang na may buhay na kagaya ng dahon na parte ng Tree of Origin. Flora and Fauna are both living beings. By casting life magic on a living being, they can evolve into anything that the caster wanted. Pinakakaraniwan na golem ang nililikha ng mga Life Magic User dahil simple-minded beings lamang ang mga golem kaya sila ang pinakamadaling likhain. Kung may sapat na lakas ay maaaring maging elf o fairy ang isang dahon. Subalit kailangan ng pambihirang lakas at talento upang magawa yun. Kahit si Judah na talentado sa larangang ito ay hindi basta-basta makakalikha ng mga ganoong klaseng nilalang. Hindi lahat talentado sa contractual magic, kaya naman sa halip na magsummon ng mga magical beast, nililikha na lang nila ang mga ito.. Isa si Judah sa mga walang talento sa contractual magic, pero ganun pa man ay may pambihira naman syang achievement sa Life Magic. Nirereserve nya ang lakas nya sa pagevolve sa mga dahon bilang elf o fairy sa oras na makaharap nya si Roma o Gavriil kaya naman golem lang ang ginawa nya sa dahon. Pero sa tantya nya ay sapat na ito para talunin ang babae na ang alam lamang ay manakot gamit ang pagkatao ng iba.

“Minamaliit nya ko? Hmmp! Oras na para ipamuka sa kanya na malaking pagkakamali na maliitin ako.” Sa isip ni Circe

Ang Transformation Magic ay kilala sa pagpapalit anyo ng mga bagay-bagay. Madalas spy ang position sa guild ng mga mage na expert sa transformation magic dahil madali sa kanila na magblend in sa kahit anong klaseng environment. Sa gitna ng laban ay maaaring maging armas ang kahit anong bagay sa paligid nila. Pero tulad ng iba pang mahika ay kailangan ng pambihirang lakas upang magamit ito ng tama sa isang laban. Karaniwang isa o dalawang bagay lamang ang kayang itransform ng sabay ng isang mage. Malakas kumain ng mana ang transformation magic kaya hindi ito basta-basta ginagawang expertise ng mga mago. Lahat ng bagay may advantage at disadvantages.

Masyadong naging kampante si Judah. Akala nya ay mahina si Circe dahil ginagamit nito ang katauhan nina Roma upang mansindak at manalo. Ito ang pinakamalaking pagkakamali nya.

Naging alikabok ang Leaf Golem sa tabi nya.

Sa harap nya ay isang dambuhalang phoenix ang lumitaw. Napanganga si Judah. Isang mahirap na magic ang Transformation magic at wala pa syang nabalitaan na nagawang magtransform bilang isang mythical beast. Ito marahil ang una sa buong kasaysayan ng Aralon. Agad kumabog ang dibdib nya sa takot.

Mahina? Wala yan sa bokabularyo ni Circe. Kahit pa limang minuto nya lamang kayang i-maintain ang phoenix form nya, sapat na yun para talunin nya si Judah.

Nagpatuloy ang mga laban.

Ang hindi lamang inaasahan ng lahat, si Circe ang syang naging 4th place sa top 10. Nilampaso nya si Judah na naging 5th place na lamang.

Ang top 10 lamang ang binibigyan ng Council ng pagkakataon na subukan ang Ranking ng Tree of Origin.

Excited na ang lahat malaman kung anong rank ang maaabot ng sampung mago na napabilang sa top ten ng Licentiam Exam ngayong taon..

“Pusta ko na makakapasok sila sa top 500!”
“Tsk, tsk, tsk.. Mali ka.. Sa palagay ko ay ang top 5 lamang ang may pag-asa na makapasok sa top 500.”
“Sang-ayon ako.. Sa tingin ko pa, makakapasok sa top 100 ang top 3!!”
“Psh.. Kung ganun kadaling makapasok sa top 100 edi sana lahat ng sumubok noon nagawa na yun.”
“Bobo ka ba? Paano makakapasok lahat kung 100 lang yung kasya sa top 100?!”
“Mas bobo ka!”
“Wag na kayo magtalo.. Para saan pa yung pustahan? Sigurado naman na makakapasok sila lahat sa top 1000!”
“Ah bahala kayo!”
“Mas curious akong malaman kung ano ang magiging ranking ni Queen Olive kung susubukan nya ito..?”
“Oo nga. Mayroon syang apat na natural elemental attribute sa halip na isa. Bago lumitaw ang Witch of Apocalypse ay sina sabi na sya ang pinakamalakas na mago ng ating henerasyon.”
“Pero masyado syang duwag! Siguradong mas mahina sya kesa sa Witch of Apocalypse! Ayaw nya lang makumpirma nating mga normal na mamamayan..”
“Tsk, isa syang ipokritang reyna!”
“Tama! Tama! Balita ko ay pinirmahan nya na ang pagsasabatas ng pang-aalipin.. Kinailangan ng Witch of Carnage ng sampung taon para maalis ang pang-aalipin sa limang kaharian Pero muli nanaman yung ibinalik ng reyna ng Aragon!”
“Siguradong nalalapit na ang araw na pati ang ibang kaharian ay tutulad sa ginawa nya.”
“Hindi na nakapagtataka ang pagsulpot ng mga rebeldeng grupo. Kahit mga guild ay lihim silang sinusuportahan..”
“Akala yata ni Queen Olive ay mauuto nya tayo sa mga mabubulaklak nyang pananalita. Kung sa tingin nya ay uunlad tayo lalo kapag bumalik ang sistema ng pang-aalipin, pwes nagkakamali sya!”
“Gusto nya bang matulad tayo sa Land of Shiva? Isa yung malaking syudad sa hilaga na puno ng mga kriminal at gulo. Dati yung parte ng Ventus pero pinabayaan ng kaharian dahil hindi nila makontrol ang mga tao.. Uso ang pang-aalipin sa lugar na yun.”
“Hindi magandang move ang ginawa nya!”
“Tayong mga normal na mamamayan ang syang magiging biktima!”
“May ilan na ding noble families ang nagpapakita ng dissatisfactions sa pamumuno ni Queen Olive..”
“Hindi na ko magugulat kung isang araw may malakas na mago na aagaw sa trono nya.”
“Tama ka..”
“Interesante yan.. Hindi na ko makapaghintay na magdilang anghel ka..”

Habang abala sa mahinang pagtsitsismisan ang mga tao, walong portal ang sunod-sunod na lumitaw.

Napatulala ang mga manonood noong lumitaw ang walong babae na nagtataglay ng pambihirang presensya.

“Am I late?” tanong ng isang babaeng may kulay gray na mga mata at blonde na buhok.

“W-witch of Slaughter?” Kinakabahang tanong ng isa sa mga organiser na member ng Council.

Isang devilish grin ang isinukli ni Flay sa organiser.

“Tsk. Nandito din kayo?” iritableng tanong ni August matapos makita ang mga babae

“Long time no see mga ate.” Magalang na pagbati ng isang twelve years old na batang babae.. Si Alivia.

“Hindi magandang bagay na nagkitakita tayo ngayon dito.” Aliya

“Sang-ayon ako sayo.” Javen

“Tsk. Plano nyo ding i-take ulit ang Ranking? Kung sa tingin nyo aangat pa ang mga rank nyo, nananaginip kayo ng gising.” Saad ni Astrid

“Wag kang magsalita ng tapos Astrid, rank 11 ka hindi ba? Plano kong maabot ang mas mataas na rank kesa sayo.” Tanisha

Kalmado lamang na nakangiti si Samara sa lahat ng naroroon.

Napuno ng pagtataka ang mga tao... Kilala nila ang mga babae! They took the Licentiam Exam two years ago, except for the Explosive Duo na ahead sa kanila ng konti.. Plano na nila agad i-retake ang Ranking? At base sa mga narinig nila, mukang mainit ang dugo nila sa isat-isa..

Napalunok ang organiser. Alam nya kung gaano kamakapangyarihan ang mga babae. Bawat isa sa kanila ay may mataas na posisyon sa kanikanilang mga guild. Kasalukuyan silang mga Rank S mage sa bawat guild na kinabibilangan nila. Si Aliya ang nag-iisang rank S mage ng Black Sheep, balibalita na mas malakas lamang ng konti sa kanya ang guild master ng Black Sheep. Si August naman ang kasalukuyang Alpha ng guild na White Wolves, ang sabi sa mga balita, mas makapangyarihan pa sya kesa sa mismong guild master. Lastly, si Javen, sya ang guild master ng guild na Heaven's Will! Sino ang hindi matatakot sa bigla nilang pagsulpot?!

Walang rule na nagbabawal sa mga mage na iretake ang Ranking ng Tree of Origin kaya naman walang nakapigil sa mga babae sa pakay nila.

Hindi nagtagumpay makapasok sa top 1000 ang top 10 at top 9.. Nakapasok naman sa top 800 ang top 8 and 7.. Naging parte ng top 500 ang ika-top 6.. Habang nagtagumpay naman si Judah na makapasok sa top 300.

Nagsalubong ang mga kilay ni Circe.. Rank 89 lamang ang naabot nya sa ranking at hindi sya masaya dahil dito.. For sure aasarin nanaman sya ng demonyitong si Gray na nasa top 30! Para sa ibang mga tao ay isa nang henyo si Circe sa kanilang mga mata.. For sure hihimatayin sa tuwa ang kanyang mga magulang kapag nakarating sa kanila ang balita. Si Circe lamang yata ang tanging tao na hindi masaya sa achievement nya!

Nakangiti naman si Jin sa mga sandaling ito. Naabot nya ang Rank 28, higit na mas mataas ito sa ranking ng mga nakatatanda nyang kapatid. Pero walang bahid ng tuwa o lungkot sa mga mata ni Jin. Nanatili lamang ang usual nyang ngiti na syang maskara na nagkukubli sa mga totoo nyang iniisip.

Naabot naman ni Roma ang Rank 17.. Hindi sya kontento matapos makita ang resulta ng mga kaibigan nya. Kailangan nya pang magpalakas! Masaya syang makita na mataas ang ranking nina Flay, pero sa kabila nun hindi nya nais maiwan. Gusto nyang maglakad sa tabi nila, Hindi sya mahina para magtago sa likod ng mga ito. Nais nyang maging espada at pananggalang na magpoprotekta sa mga kaibigan nya!

Walang mababakas na emotion sa muka ni Gavriil. Rank 5.. Kulang pa ang lakas nya!

Samantala, nakasimangot si Aliya matapos makita ang ranggo nya. Top 15! Okay na sana, ang problema, mas mataas pa rin ang rank nina Flay kesa sa kanya!

Alivia, Rank 13.

Javen, Rank 12.

Samara, Rank 10.

Tanisha, Rank 8.

Flay, Rank 7..

Astrid, Rank 6.

August, Rank 4.

Ang Rank 9 ay ang personal Knight ni Queen Olive na nagngangalang Nyla. Ang Rank 3 ay si Elora ng Council of Magic. Rank 2 ay si Cassiopeia Clifford. At nananatili sa Rank 1 si Charmaine.

“Heavens! Those youngsters just dominated the top 15!!!!” halos himatayin ang isa sa mga manonood
“Buong buhay ko, tanging mga mago lamang na kulubot na ang balat ang NASA top 15! Isa nang milagro ang ginawa nila noon! Ngayon ay gusto na yata talaga nilang atakihin ako sa puso!” nanghihinang saad ng isang matandang mago na nanonood sa isa nyang apo na nagtatake ng exam ngayong taon.
“Halimaw... Mga halimaw sila!”
“Ngayon lang nangyari sa kasaysayan na nagawang sipain paalis sa ranking ng mas batang mga mago ang mga nasa Top na mga hukluban!”
“Ang mga matatandang mago ang pinakamalalakas noon dahil sa mahabang panahon nilang pag-aaral at pagpapalakas.. Pero sa napakamurang edad ay nagawa nilang makapasok sa top 10!!!”
“Akala ko milagro na ang ginawa ng Witch of Carnage at ni Lady Elora ng Council. Akala ko sila na ang pinakabatang mago na makakapasok sa top 10, nagkamali ako!”
“This is history being rewritten!”
“Napakaswerte natin na nasaksihan natin ang mga bagay na ito...”

“Tsk..” Tanisha

“Pfft.. Rank 8?? Akala ko plano mo Kong lampasan? Puro ka lang ba salita Witch of Obliteration?” may paghahamon sa tono ng pananalita ni Astrid

“Next year! Iretake ulit natin ang Ranking!” Tanisha

“Hahaha walang problema!” Astrid

“Hindi ako kontento sa ranking ko, siguraduhin nyong susulpot kayo next year. Pataasan tayo ng ranking!” Flay

“Wag kayo puro satsat! Hmmmp!” August

“Matataasan ko din kayo next year! Tsk.” Aliya

“Dream on Aliya. Mas tataas pa ang ranking ko next year, I can feel it..” Flay

“......” -mga tao... Anong rank pa ang gusto nilang maabot? Top 10 at top 15 na sila! Gusto nang maiyak ng mga Tao dahil sa takot sa mga naririnig nila..

“Maaabutan ko din kayo.” Sabat naman ni Roma sa mga babaeng nagtatalo pa din hanggang ngayon.

“Rank 17? Not bad for your first time trying the Rankings Roma.. Sa naaalala ko Rank 23 si Aliya sa first try nya.” Flay

“What’s the point? It's already been two years. Wala na si Charm.” Malamig na tugon ni August

Naging seryoso ang mga mata ng mga babae dahil sa mga salitang binitiwan ni August..

Wala na si Charm..

Gasp!

Nagulat ang mga Tao sa narinig nila..

Ano ang ibig sabihin nito??

Ano ba ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon??

~~~~~~~~~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top