Tale 63

Tale 63
Sky Prison


Dragons have a penchant for gold, but one particular dragon once terrorised the world in search of golds. His actions angered the goddess Fortuna and a chaotic battle ensued. No one knows the outcome of the battle, but the dragon was never seen since then.”
-DragonsAndGods, a collection of tales by J. Forbes

Napaka-awkward na nginitian ni Flay ang isang pamilyar na binata sa kanyang harapan.

“Flay this is Cohen, and Cohen this is Flay, one of the top 25.” Pa kilala ni Maya sa dalawa. Si Maya ay isa sa mga Rank A Witch ng guild na Onyx Anchor. Habang si Cohen naman ay ang mage na aksidenteng na-scam ni Flay noon.

“Hindi ba napakacasual naman yata masyado ng pag-address mo kay binibining Flay? Isa sya sa top 25!” pasimpleng bulong ni Cohen kay Maya

“I-it’s okay.” Saad ni Flay sabay tingin sa ibang direksyon. Sana di sya makilala ng lalaki!

Nagtaka si Cohen sa ikinikilos ng dalaga. Bakit tila umiiwas ito? Nahihiya ba sya? Wait, wait, wait! Pusible ba na type sya nito?!

“Guys chillax lang! Bakit ang awkward ng atmosphere? Ito ang first mission ni Flay kaya cheer up!! Tara na!” masiglang saad ni Maya, matapos makasama ng ilang araw si Flay ay nadiskubre ng dalaga kung gaano ka-easy-going at kung gaano kachill si Flay. Lalong humanga si Maya dito, nagtataka na nga sya kung bakit may mga rumours na isang cold-blooded butcher ang Witch of Slaughter? Naging close sya kay Flay kaya agad nya itong inaya sa mission.

Hindi alam ni Flay na tatlo pala sila sa mission na ito sapagkat tinagpo lamang sila ni Cohen sa mismong lugar na nakatala sa job offer. Masyadong nagpapakahirap kumayod si Cohen kaya bihira lamang ito bumabalik sa guild. Flay makunsensya ka naman!

Kinakabahang nagmasid si Flay sa paligid. Hindi nya nais salubungin ang tingin ng binata. Baka makilala sya nito! May disguise ang dalaga noong una nilang pagkikita sa lupain ng Cinna sa Kaharian ng Gorgona. Subalit Hindi ba maaari mong makilala ang isang taong kinamumuhian mo kahit pa magpalit ito ng muka?

Kasalukuyang silang nasa isang kagubatan. Isang kweba ang kanilang pakay sa lugar. Ayon sa mga report ay may gumagalang mga halimaw sa loob ng kweba, every year ay nag papadala ng mga mage sa lugar upang mabawasan ang populasyon ng mga halimaw. Bawat nilalang sa Aralon ay may ginagampanang tungkulin kaya hindi maaaring puksain ng tuluyan ang kanilang bilang. Subalit dahil sa paglaki ng populasyon ng mga delikadong beasts and monsters ay kailangang mapanatili ang balanse ng bilang ng mga ito upang Hindi maging threat sa mundo. Ito ang karaniwang tungkulin ng mga guild sa mundo ng Aralon.

Ang kweba ay matatagpuan sa likod ng isang rumaragasang talon na sa sobrang taas ay may mga bahaghari na pumapalibot dito.

Blanko lang ang ekspresyon ni Flay. Kung saan-saan na sila nakarating magkakaibigan. Marami na syang nakitang kakaibang bagay. May mas weird pa ba kaysa sa mundo ng mga aatami na puno ng polusyon ang nalalanghap nilang hangin?

Subalit ikinabigla nya ang mundong kanyang nakita matapos makapasok sa kweba.

Nag-expect si Flay na isang madilim, creepy at eerie na kweba ang lungga ng nga halimaw. Subalit isang bagong mundo ang sumalubong sa kanya. Bughaw na kalangitan. Fluffy na mga ulap. At higit sa lahat, mga isla na lumulutang sa himpapawid. Isang paraiso!

“Woah..” Cohen

“Wow!” Maya

“MamaMia..” Usal ni Flay

“Mama Mia? Pangalan ba yun ng mommy mo?” tanong ni Maya

“H-huh? Hindi... Basag trip ka naman Maya.. Ang ganda na ng scene eh.” Reklamo ni Flay

“Huh? Bakit naman? Sino ba si Mama Mia?” Maya

“Ewan ko.. Naririnig ko lang yun sa mga aatami noong nasa Gaia pa ko.” Tugon ni Flay.. “Pero hindi na yun importante, ano ang lugar na ito??”

“Sky Prison. Ang tahanan ng mga mapanganib na beasts and magical creatures. Pati na rin ng mga sky giants.” Tugon ni Cohen.. “Ito ang ikalawang beses na nakarating ako sa lugar na ito, subalit hindi ko pa rin maiwasang mamangha.”

“Sky Prison? Yung legendary place? It actually exist?” Flay

“Yes. Pero tanging mga guild at mga royal officials lang ang nakakaalam nito. Masyadong mapanganib kung magiging aware ang mga normal na mamamayan ng Aralon.” Cohen

“Ang bungad ng kweba na dinaanan natin ay isa sa tatlong portal na nag-uugnay sa lugar na ito at sa Aragon..” Dagdag ni Maya

“Isa itong paraiso. Bakit ngayon ko lang nadiskubre ang lugar na ito? Maganda itong gawing tourist destination!” Flay

“Isa itong mapanganib na lugar binibini.” Paalala ni Cohen

Hindi nakakaramdam ng panganib si Flay. Marahil ay masyado na syang malakas? Hindi tuloy sya excited.

“Motherfuck*r.” Dinig nilang saad ng isang tinig di kalayuan

“Malapit ko na talagang sabunin yang bunganga mo.” Banta ng isa pang tinig

“Waaaaahh! Astrid?! Ate Falomina?!” bulalas ni Flay nang makilala ang nagmamay-ari ng tinig

“Flay?” Falomina

“Flay? Bakit nandito ka?” Astrid

“Work.” Tugon ni Flay

“Hello Clovers!” bati ni Maya sa mga babae

“Tsk. Andito pala ang mga maiingay na Anchors.” Falomina

“Hey Clovers! Pati na din sa mga unggoy na Anchors!” sabat ng isang bagong tinig, si Brennan ng Violet Thunder, sya ang madalas kabangayan ni Cohen sa karibal nilang guild. Sya ang katunggali nito noong aksidente silang na-scam ni Flay noon.

“Tsk.” React ni Cohen

“Hmm? May bago kayong member? Isang magandang Binibini. Bakit sa Anchors ka sumali? Mas bagay tayo, wanna have a drink later tonight?” bati ni Brennan Kay Flay

“No thanks.” Nakangiting tugon ni Flay

“Hmmm? You look familiar. Nagkita na ba tayo noon?” tanong nya kay Flay

“H-huh? Hindi pa.” Tanggi ni Flay.. Shocks! Mukang mas matalas ang pang-amoy ng isang ito kesa kay Cohen!

“Lumayo ka nga kay Binibining Flay! Hindi mo ba alam na parte sya ng top25?! Wag mo syang hawakan ng ganun na lang! She's sacred! “ saway ni Cohen

“Top25?” nabahidan ng takot si Brennan.. Isang pitik lang sa kanya ni Flay ay mapipisa na sya, mabuti na lang at hindi ito naasar sa kawalang-galang nya. Na-realized nyang nakasurvived sya mula sa bingit ng kamatayan ng hindi nya namamalayan. Pinagpawisan sya ng malagkit bigla.

“Hooooooly sheet of paper!” react ng isang bagong tinig

“OA mo Aliya.”

“Ang ganda dito! Parang isang parais---- ehh? Flay?! Astrid?! Waaaaahhhh!” bulalas ni Aliya sabay damba sa dalawang kaibigan na ikinatumba nilang tatlo.

“Fudge! Aliya ang bigat mo!” Astrid

“Aliya uso magdiet.” Flay

“Bakit kayo nandito?” tanong nito na dinedma ang sinabi ng dalawa

“Work of course.” Flay

“Same.” Astrid

“Magkakakilala kayo?” tanong ni Alfina

“Of course! We're friends!” Aliya

“Wait lang, kayo ba ang mga bagong mage ng top 25 tulad ni Flay?” Maya

“Ako oo. Si Astrid matagal nang top25.” Aliya

Napalunok sa kaba ang mga guild members. First time nilang makita sa isang lugar ang tatlo sa top25. Isa itong pangyayaring dapat maitala sa kasaysayan!

“Ikinagagalak Kong makilala kayo mga Binibini.” Cohen

“G-ganun din ako.” Brennan

“Pfffftt. Bakit bigla kayong naging formal? Just relax, hindi kami kumakain ng Tao.” Flay

“She’s right. They may be strong, but they’re just brats. Let's get going. May trabaho pa tayo.” Saad ni Falomina na kanina pa dedma, sya lamang ang S Rank mage na naririto.

“Brats? Tsk. Stiff-face malapit na ko mapikon sayo.” Saad ni Astrid

“Tsk, I don’t care.” Sagot ni Falomina

“Ate Falomina hanga na talaga ako sayo. Hindi ka man lang natitinag kay Astrid. Hahaha” Flay

“Tsk.. We're from the same guild so she's family now. Why should I be afraid of her?” Falomina

“That’s sweet, but I don’t give a f*ck.” Astrid

“Let's get moving.” Saad ni Falomina..

“Tsk. Wag mo kong utusan. Tustahin kita dyan eh.” Babala ni Astrid

“Psh..” Falomina sabay baling kay Flay.. “You should visit dad sometimes. He gets lonely easily, tumatanda na si dad and he misses you.”

“I will.” naka-smile na tugon ni Flay

“Take care of your self. Sky giants are everywhere, be extra careful.” Huling saad ni Falomina bago umalis hilahila si Astrid

“Tsk tsk tsk. Pareho silang tsundere.” Saad ni Flay habang tinatanaw ang papalayong pigura nina Astrid at Falomina.

“Isnt that your older sister?” tanong ni Maya

“Older sister?” Aliya

“Yep.” Flay

“Kapatid mo yun??!” react ni Aliya

“Ang kulit?” Flay

“Nakakagulat lang. You don’t talk much about them.” Aliya

“Talaga?” napapaisip na tanong ni Flay

“Yeeeees!” Aliya

“My sisters are really cool. Maybe I should introduce you girls to the two of them someday.” Flay

“That's a great idea.” Aliya

“Aliya ayokong sirain ang reunion nyo pero kailangan na din natin magtrabaho.” Sabat ni Alfina

“Ayy oo nga pala! Flay babye na.” Aliya

“Why don’t we join force?” Flay

Nagkatinginan sina Aliya at Alfina.

“This is the Sky Prison, I heard a lot of legends about this place. This is the place of exile for the Sky Giants.. They are dangerous. It will be more fun to work together.” Flay

“I think that's an excellent idea! With the two of us working together, we wont lose to anyone!” Aliya

“Hmmm? OK, I don’t mind working with you Anchors.” Alfina

“Same here, Sheeps.” Maya

“Then it's settled!” Cohen

“Pasama din ako.” Brennan

“Tsk. Hindi ka welcom—” Cohen

“You may tag along.” Sabat ni Aliya

“Mortal enemies ang mga Anchors at Thunders.” Bulong ni Alfina kay Aliya

“Psh, I don’t care. The more, the merrier!” Aliya

“Ehhhhhhh?!” bulalas ni Flay noong naglalakad na sila

“Problema mo?” Aliya

“Hindi mo naramdaman yun?” tanong ni Flay

“Huh? Alin?” Aliya

“Parang may humihila sakin.. Like strings..” Flay

“Imagination mo lang yan.. Or maybe a monster is nearby.” Aliya

“Weird. I have the same feeling whenever he is around.” Flay

“He? Sinong he?” usisa ni Maya

“Si Cobalt.” Flay

“Sino yun?” Maya

“Si Cobalt? Bakit naman sya mapapadpad dito?” Aliya

“I-I don’t know..? “ Flay

“Well whatever. For sure kasama nya yung dalawa pa.. Anyway, may kakaiba sa lugar na ito.” Aliya

“Paanong kakaiba??” Maya

“Mahirap ipaliwanag. Parang may nakamasid, or baka praning lang ako?” Aliya

“Praning ka lang.” Flay

“Tsk. Whatever. Anyway, ano ba itong Sky Prison?” Aliya

Napalingon sa kanya ang lahat.

“Ngayon mo lang talaga naisipan itanong?” Alfina

“Teehee~” Aliya

“According to legends, dito ipinatapon ang isa sa anim na pangunahing lahi.. Mga giants. After the dragons vanished, six races took the reign. Sprites, Elves, Giants, Fairies, Sirens and Humans. Giants were a bunch of savages who view the other races as preys. The other five join hands to vanished them here in the sky prison.” Flay

“Cool. Nasaan na yung iba pang lahi? Parang puro mga tao lang naman ang mamamayan ng Aralon?” Aliya

“Saang kweba ka nagmula? Bat parang clueless ka masyado?” Alfina

“Ngayon mo lang napansin? Lumaki ako sa Earth, malay ko ba ng mga alamat nyo.” Aliya

“Earth?” tanong nila

“Planet Earth, ang ikatatlong planeta sa Solar System. Mas kilala natin ito bilang Gaia.” Sabat ni Flay

“Taga-Gaia ka?” Brennan

“Paulit-ulit?” Aliya

“Ang cool!” Alfina

“Anong itsura ng Gaia? Ipinasara na ang mga estasyon na nagkokonekta sa dalawang mundo, paano ka nakatawid?” Cohen

“Illegal immigrant ako.” Aliya

“Ang astig!” Maya

“Of course! Pero wait. Wag nyo ipagkakalat.. Baka macourt martial ako dahil dyan. Pusibleng ma-void ang ranking ko.” Aliya

“Feeling military officer ka naman kung maka-court martial ka dyan.” Flay

“Wag kang basag trip pwede? Perohindi na yun importante. Hindi nyo pa sinasagot ang tanong ko. Nasaan na yung ibang lahi?” Aliya

“They still exists somewhere. Elves have low reproduction rate so they don’t stay in one place. They travel a lot. They have a close relationship with the human ancestors so they can be summoned in battle if you are powerful enough.” Flay

“Fairies are reclusive, no one knows where they reside in the present time. But there are proofs that they still exists, they are just hard to find. Actually, if you are powerful, you can also summon fairies.” Maya

“Sprites are on the brink of extinction. Air sprites reside on the foggy mountains of Ventus, Water Sprites coexist with humans of Gorgona.” Brennan

“The populace of Sirens are mostly in Gorgona, in the subkingdom known as the Garden of Sirens.” Cohen

“Actually Roma is a half siren.” Sabat ni Flay

“Aha..” Aliya

Di man lang sya nagulat.” Sa isip ni Flay

“Giants were exiled here. And then the humans with their monstrous reproductive ability, dominates the lands. The royal families are mostly mixed race though.” Maya

“There are other races but they have low population so they are hard to come across. If you can use contractual magic like me, you can summon them.” Flay

“Yabang mo. Psh.. Porket expert summoner ka na.. Anyway, malakas ba ang mga giants? Can they use magic?” tanong ni Aliya

“They are just brutes. It's rare to find giants who can use magic.” Sagot ni Cohen

“Plus they are just muscleheads.” Brennan

“They have a strong body, but they are indeed stupid.” Cohen

“Ahm bakit ang racist nyong dalawa?” komento ni Aliya

“Racist ka din naman minsan.” Flay

Inirapan lang sya ni Aliya

“Oh look, giants.” Sabat ni Maya

“Huh? Pero malayo pa tayo sa village nila. Bakit sila nandito sa may bungad?” Cohen

May tatlong giant na papalapit sa direksyon nila. Mabilis nilang nilakbay ang malaking distansya na namamagitan sa kanila.

“This is exciting.” Komento ni Flay noong iwasiwas ng isa sa mga giant ang hawak nitong hammer.  Mabilis na nagchant ng repelling magic si Flay kaya napaurong ang giant sa naging impact.

“They are strong so we have to be careful.” Paalala ni Alfina

“It usually takes at least three Rank A mages to defeat a regular giant, but since Aliya and Flay is here, I think we can win without a problem.” Maya

“But sky giants is not part of the job request right? We only need to exterminate beasts and monsters. We don’t need to kill these giants right?” Aliya

“Yes. But if we don’t kill them, they will kill us.” Cohen

“But we have Flay.” Nakangiting saad ni Aliya

“Tsk. Too much work..” saad ni Flay.. Isang magic circle ang lumitaw sa ilalim ng tatlong giants.

“A-anong nangyayari?” tanong ni Alfina

“Wait, is that--- Binding magic?” Cohen

“Binding magic? I thought the spell to bind giants are lost?” Brennan

“Maybe, but our master is a walking almanac.” Aliya

Napanganga na lamang sina Maya noong lumuhod na parang knight in shining armor ang tatlong giant sa harap ni Flay. It's binding magic indeed!

“Ibang level talaga kayong mga top25.” Maya

“Maliit na bagay.” Aliya

“Oyy wala ka namang ginawa.” Flay

“Moral support haha.” Aliya

“Pero bakit sila pagalagala dito sa bungad? Nasaan ang mga warden?” sabat ni Maya

“Itatanong ko sa kanila.” Saad ni Flay.. Ibinaling nya ang kanyang atensyon sa mga giants at saka ito sinubukang kausapin sa Seneca Alphabet, noong nabigo sya ay sinubukan nya ang iba pang linguahe.

“Wow. Ilang language ang alam ni Binibining Flay?” usisa ni Brennan

“Dont know. I heard she researched all the existing language of Aralon.” Aliya

“All? Pero may three hundred fifty five languages dito! Impusibleng lahat alam nya!” Maya

“Actually, mayroon exactly seven hundred ninety six kung isasali mo ang language ng bawat dark and dignified creatures pati na rin mga ancient and lost languages.” Flay

“Seven hundred ninety six?! Alam mo lahat pero Hindi ka pa nababaliw?!” Alfina

“Aha.. Matagal na akong baliw. Anyways, nakakabahala ang sinabi ng mga giants na ito.” Flay

“Anong sinabi nila?” Aliya

“Everyone is dead.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Maya

“May nangyari daw sa village nila. Iilan lamang silang mga survivors na sinusubukan tumakas.” Flay

May malakas na pagsabog ang naganap di kalayuan mula sa kinatatayuan nila.

“A-anong nangyari?” Brennan

“Astrid.” Sabay na saad nina Flay at Aliya

“The Witch of Arson.” Makahulugang saad ni Maya

“She should be the Witch of Explosions.” Aliya

“Mabubulabog nya ang buong sky prison.” Flay

“She's really powerful.” Brennan

“And amazing too!” Maya

“Her magic is truly terrifying.” Cohen

“She’s so cool!” Alfina

“Yeah, but she's scary.” Aliya

“And stupid. She’ll attract the attention of every beasts and monsters here.” Flay

“Yes. She's stupid.” sang-ayon ni Aliya

Namamangha na talaga sina Maya sa grupo nina Flay. Sila lang siguro ang maglalakas loob sabihan ng stupid ang kapwa nila top25.

“We should start hunting beasts before the other giants get here.” Suggest ni Maya

“Yes we should do tha----” bago pa man matapos ni Flay ang sasabihin nya ay agad syang napalingon sa isa sa mga giants.. “I think we have a problem.”

Napalingon ang lahat kay Flay.

“What problem?” Alfina

“All the giants are dead. Only a few survivors remained.” Seryosong saad ni Flay

“What?! Pero may estimated population of more than one hundred thousand giants dito sa sky prison.. Paanong nangyari namatay sila ng ganun na lang?” Nawiwindang na react ni Maya

“Sigurado ka ba Binibini? Kung isang village lang, pusibleng sinalakay lang ng iba pang village, pero kung lahat na, parang impusible..? Iilan lang ang nakakagamit ng mahika sa kanilang lahi pero ganun pa man, malalakas sila at hindi madaling patumbahin.” Brennan

“I'm not sure. Galing lang dito sa mga binded giants ang impormasyon.” Flay

“Binded Souls cannot lie. Pusible ba talaga na nangyari yun? Ano daw nangyari binibini?” Cohen

Patuloy na ininterogate ni Flay ang mga giants.. Agad nag bago ang ekspresyon nya sa mga isinisiwalat ng mga ito.

“We have to leave. Now!” saad ni Flay

“Huh? Bakit?” Aliya

“Wala nang oras magpaliwanag. Kailangan na nating umalis.” Seryosong saad ni Flay

“I understand.” Tugon ni Aliya

“Huh? Paalis na tayo?” Alfina

“Shocks.. Sina Ate Falomina at Astrid.” Usal ni Flay

“Wait, paalis na talaga tayo?” Brennan

“Yes.. Aliya mauna na kayong umalis. I'll get Astrid and my sister.” Flay

“Sabihin mo muna kung bakit.” Alfina

Flay gave them a deadly serious look. “You will all die if you stay here.”

“It’s a Death Magic Formation.” Biglang saad ni Aliya.. “I remember now. Yung kakaibang feeling noong naglalakad tayo kanina na parang may nanonood sa mga kilos natin. There is a magic formation surrounding this place. No, it covers the entire Sky Prison.” Kinakabahang saad ni Aliya

“A Death what?” Maya

“A Death Magic Formation. It's a combination of several magic circles scattered in a place that forms a certain pattern in order to create a magic formation. It's kinda simple and complicated at the same time. I'm not an expert on this field, but I can tell that it can kill us. All of us.” Seryosong saad ni Aliya

“So get out of here. Kailangan nyong umalis para balaan ang iba pa na wag silang tutungtong sa lugar na ito. It's too dangerous.” Bahala ni Flay

“Sandali lang. Aside satin sigurado na may mga ipinadala ding mages galing sa Cerulean Knights, Golden Fangs at Swift Stallions.” Cohen

“Flay I'll stay behind. Kailangan nating sirain ang formation.” Aliya

“Dont be stupid. It's already activated, anytime pwede tayong mabiktima. Kailangan nating balaan si Astrid. With all the commotions she's causing, it will only be a matter of time before all hell broke lose once more.” Flay

“I know the danger. I know it sounds stupid. But we have to destroy the formation first in order to prevent the lost of more lives.” Aliya

“We will stay behind as well. Hindi naman kami mga duwag na tatakbo na lang sa oras na makaamoy ng panganib!” Brennan

“Tama! Magpapaiwan kami para humanap ng iba pang survivors. Kailangan natin silang balaan na lumikas.” Maya

Nagbuntong hininga si Flay.. “Fine, fine. Every magic formations have a certain set of rules to follow. Most people think that magic can create whatever we desire. But as mages, we all know that that's not true. Magic follows a certain formula combine with the right amount of mana and the right elements in order to work. Same with magic circles and magic formations. According to master, the two big concepts that affects magic are the Law of Conservation of Mass and the Law of Natural Providence. In order to obtain something, something of equivalent value must be lost. Mages use mana to cast magic. With this large scale magic formation that reap lives, something deadly will be created.” Paliwanag ni Flay

“Ibig mong sabihin, this magic formation is set up in order to create something by sacrificing the lives of the giants?” tanong ni Maya

“That’s too evil! Instead of mana, they are using souls??” Aliya

“Who would do something so inhuman?” Cohen

“Isa lang ang naiisip kong salarin.. Travellers.” Brennan

“Travellers? Tama ka, pusibleng sila ang nasa likod nito.” Alfina

“Pero pusible din naman na hindi sila ang salarin..?” Aliya

“Kung hindi sila, may iba pa ba?” Maya

Hindi na tumugon si Aliya.

“That’s just speculations. Hindi pa tayo sigurado. But first, we have to locate the magic circles that form this magic formation.” Sabat ni Flay

“”She's right. Dapat tayong magmadali.” Cohen

“Aliya go East, I'll head West. Cohen and Brennan you go North. Alfina go get Astrid and my sister then head South. Maya you will guard the entrance and warn people to leave immediately.” Flay

“Ok!” sang-ayon ng lahat

“You can destroy a magic circle with powerful destructive magic spells. But the most effective and simple way is to counter it with a magic circle with symbols that has the same or more value. But since you guys are not very knowledgeable in the field of magic circles, just destroy it with magic. Okay?” Flay

Tumango ang lahat.

“And don’t forget to warn the people that you encounter on the way.” Paalala ni Aliya

“These two giants will accompany Cohen and Brennan. The third giant shall accompany Maya. Alfina will have Astrid so I'm not worried, but all of you must still remain alert and ready for whatever may come.Take care everyone.” Huling saad ni Flay bago sila naghiwahiwalay



“Whoever is behind this is just too evil..Excited akong pumunta sa mundong ito para makakita ng unicorns. Then ganito yung eksenang kinasangkutan ko. Mygods..” Sa isip ni Aliya habang pasilangan. She's riding a flying broomstick na nilikha nya gamit ang conjuring magic.

“Hmmm?” napahinto si Aliya noong may mapansin na kakaiba. Isang napakalaking pinto na nasa isang bundok.

“May magic circle sa harap ng pinto.” Puna ni Aliya at agad itong nilapitan.

“Let's see. May simbolo ng Buwan na nasa palad ng pigura ng isang babae, isang puno sa sentro ng magic circle na nagrerepresenta sa buhay ng isang tao, isang ilog oh wait this must be the river of death.. May buwaya pa, is this the symbol for the reaper? hmmmm.. Ano itong nasa gitna ng puno? Mansanas? Wait, wait, wait? Isang mata! Creepy ahh.” Komento nya habang pinagmamasdan ang magic circle.. “Para sirain ito, kailangan ng mga simbolo na may equal or more value.. Para sa buwan, simbolo ng araw sa likod ng isang Leon para mas powerful, sa puno ay simbolo ng puso for LOVE hehe, sa ilog ay simbolo ng tubig to represent flowing life, sa buwaya...? Hmmm? Magdradrawing na lang ako ng politiko, yun din naman value nun, oo nga, ang genius mo talaga Aliya! Para naman dito sa mata, hmmm? Ang alam ko lang na kayang tumapat dito ay ang symbol ng alpha and omega, beginning and end. Feeling ko mas malakas pa yun! Sige yun na lang!” bulong ni Aliya habang nagdodoodle sa magic circle..

Mukang may nagdoodle na three years old sa magic circle, pero ganun pa man kababa ang quality ng drawing ni Aliya, isang puting liwanag ang bumalot sa magic circle bago ito tuluyang naglaho.

“Genius ka talaga Aliya!” papuri nya sa sarili

Akmang tatalikod pa lamang sya noong bigla syang mapahinto.

“You are quite the talent, kid.” Saad ng isang tinig sa likod ng malaking pinto

“Ahm, sino ka?” tanong ni Aliya, hindi nya pinahalata na kinakabahan sya, mas malakas ang angking mahika ng nilalang na kausap nya.

“I'm someone long forgotten by the world.” Makahulugang tugon ng tinig

An ancient entity! Just like master Eclipse!” Sa isip ni Aliya

“You have the talent and power that can unbind me, are you interested in helping me? Don’t worry, I can give you enough riches as reward for lending me a hand.” Saad ng tinig

Shet. Trouble ito.” Sa isip ni Aliya.. “Ahm thank you for your kind words esteem senior, this little junior is just a humble mage. I'm afraid that I will only embarass my self if I offer my help. I'm not talented or powerful enough to lend a hand to such a mighty entity like you.” Pambobola nya habang tumatangging tumulong.

“Nonsense! I can sense that you have what it takes to free me. So come now kid, help me.” Kontra nung tinig

Tatanggi pa lang si Aliya noong mamalayan nya na hinigop sya papasok ng pinto. Hindi man lang sya nakapalag!

“Now, now, help me kid.” Saad ng tinig

Pinagmasdan ni Aliya ang paligid. Nalaglag sa lupa ang panga nya. Napalilibutan sya ng mga bundok ng kayamanan. Ginto, pilak, mga dyamante! Kahit saan sya lumingon ay puro kayamanan! Kahit ang sahig na inaapakan nya ay gawa sa marmol!

Hindi gahaman si Aliya, medyo lang, kapag naisip nya ang tagpi-tagping palasyo ng mga Sheeps ay hindi nya maiwasang maglaway sa mga kayamanan na nakikita nya.

“Ahm nasaan ka?” tanong ni Aliya

“Here.” Tugon ng tinig

Sinundan ni Aliya ang pinagmumulan ng tinig.

Sa pinakapuso ng lugar ay may isang bundok na gawa din sa ginto. Subalit noong pagmasdan ni Aliya ay narealized nyang huminginga ang bundok na ito. Pamilyar sya sa ganitong klase ng nilalang. Naalala nya si Heian. Isang dragon! Ang bundok na nakikita ngayon ni Aliya ay isang kulay gintong dragon!

“Holy mother of cheesecake!” Usal nya

“Now,now, quit gawking and start working.” Naiinip na saad ng dragon

“Isa kang dragon!” bulalas ni Aliya

“Duh.”

“Pero paano? Aside kay Heian, wala nang ibang dragon!” Aliya

“Buhay pa si Heian?! Ang dragon na kumuha sa lahat ng credits ng mga pinaghirapan namin! Magkasama naming sinasalakay ang mga bayan ng mga mortal noon! Pero ang taksil! Sya lamang ang nababanggit sa mga alamat! Unfair!”

“Sumasalakay sa mga bayan?” Aliya

“Hindi na iyon mahalaga. Girl, tulungan mo akong makaalis dito at mapapasakamay mo ang mga kayamanan na makikita mo.” Saad ng dragon

May masamang kutob si Aliya. May hindi magandang intensyon ang dragon na ito!

“Ahm ano pong mangyayari kapag tumanggi akong tulungan ka? But waaaaaaait, hindi ko sinasabing hindi kita tutulungan ah, pero parang ganun na nga, in other words, I'm just wondering if I have that option..?” tanong nya

“Obviously, matutulad ka sa iba pang mago na nauna sayo dito.” Sagot ng dragon

Anong ibig sabihin nun? Papatayin ba sya ng dragon?

“Fine, fine, titingnan ko po muna ang magic circle na nakapalibot sayo.” Saad nya.. “Shet! Lagot ako kay Flay! Abala naman itong dragon na ito! Haaays!

Komplikado ang magic circle, pero sa tantsa ni Aliya ay kaya nya itong sirain sa loob ng tatlo hanggang limang araw. Pero wala syang ganung oras! Kailangan nyang magmadali, mapapahamak ang mga kaibigan nya sa oras na di nya magawang sirain ang mga magic circle! Isa pa, may hindi magandang intensyon ang dragon na ito kaya hindi sya maaaring pakawalan ni Aliya. Muling in-analyze ni Aliya ang sitwasyon nya. Pwede syang tumakas ng walang kahirap-hirap. She's powerful enough to escape before this dragon could react. Pero pwede rin naman syang tumakas na may dalang mga kayamanan sa medyo mahirap at risky na paraan.

“Ahm medyo kumplikado ang magic circle na ito. Pero kaya ko itong sirain, kailangan ko lang ng sapat na kagamitan.” Aliya

Natuwa ang dragon. Base sa talentong ipinamalas kanina ng dalaga ay may malaking chansa na totoo ang sinasabi nito.

“Lalabas muna po ako para kumuha ng mga kagamitan.” Saad niAliya sabay talikod na parang yun yung natural na dapat mangyari. Napakacasual ng kanyang kilos!

“Hep, hep!” Pigil ng dragon

“Hooray?” tanong ni Aliya

“Sa tingin mo ba ay utak butiki ako para magpauto sayo?” dragon

“Ayy, hindi po ba? Akala ko lang pala since isa kang oversize lizard. Sorry, sorry hehe.” Aliya

“Inuubos mo ang pasensya ko. Sa tingin mo ba hindi kita titirisin ng buhay kapag nainis ako sayo?” dragon

“Pinapatawa mo ko. Alam naman natin pareho na hindi mo yun magagawa. Isa yang Imprisonment Magic Circle on a Godly Level. Kung sino man ang nagkulong sayo ay wala na syang planong pakawalan ka pa.” Aliya.. Sinabi nya yun dahil Hindi kaya ng normal na mga mago na sirain ang magic circle, pero ang totoo ay kaya nya talagang sirain ang magic circle na iyon.

“Tsk. Matapang ka! Akala mo ba ay hindi kita magagawang saktan dahil lang nakakulong ako? Marami na akong napaslang na mago bago ka lumitaw!” dragon

Isang babae ang lumitaw sa labas ng magic circle na nakapalibot sa dragon. Ang babae ay may balingkinitan na pangangatawan. Maputi ang kanyang balat subalit kapunapuna ang mga kaliskis na nasa katawan nya. Kaliskis ng isang dragon! Isang avatar!

“Pssh. It's just an avatar. You think I didn’t expected that? Well sorry to break this to you honey, but I did.” Saad ni Aliya

The dragon was taken aback. Ngayon lamang sya nakatagpo ng isang mortal na kaya syang sagutsagutin na tila ba wala lang ang pagiging dragon nya.

“You're just bluffing. Nagtatapangtapangan ka lang pero sigurado akong natatakot ka na!” gigil ng dragon.. Hindi sya naniniwala na totoo ang ipinapakitang katapangan ng babae.

“Tsk. I'm wary of you earlier. But after finding out what type of magic circle is imprisoning you, I'm sure that you won’t pose as a threat to me anymore. This avatar can surely reap the lives of ordinary mages, unfortunately, you met me..” nakasmirk na saad ni Aliya

“Nonsense!” hindi pa rin naniniwala ang dragon.. Agad umatake ang avatar.

“You’re just an oversized lizard! Eat this!” sigaw ni Aliya sabay conjure ng daan-daang espada. “Kainin mo ang technique na inspired sa Heaven's Wheel Armor ni Erza Scarlet!!”

Dumanak ang dugo sa marmol na sahig, huminto sa paghinga ang avatar na Hindi man lamang nakaiwas sa pag-atakeng ginawa ni Aliya.

“Don’t underestimate the power of an otaku!” Aliya

“P-paanong..?.... Paano nangyari ito?” hindi pa rin makapaniwala ang dragon

“Paano? Sinple lang, mahina yung avatar mo. For two years, I spar with a dragon more powerful than you, the Dragon Princess herself. Sa tingin mo sino ang mas malakas sa inyong dalawa?” saad ni Aliya

Napanganga ang dragon. The Dragon Princess?!

Pinagdaop ni Aliya ang kanyang mga palad habang nagniningning ang mga matang pinagmamasdan ang mga kayamanan.

“A-anong pinaplano mo?” may hindi magandang kutob ang dragon

“Since natalo kita, these treasures are now mine. Mas magandang mapakinabangan ito kesa nakatiwangwang lang dito. Diba?” nakangiting tugon ng dalaga

“They are mine! Those are my spoils from all of my kill! If you dare touch any of them I will--- No! Wag ang paborito kong chalice! Teka,teka! Wag mong pag-interesan ang bolang crystal na yan! Nooooooooo! Bakit mo binitawan?! Nabasag!!!! Ahhhhhh!” naghihysterical na ang dragon sa pinaggagagawa ni Aliya

“Ooooppps. Sorry? Nabasag hehe. Teka ano ito?” Aliya

“Wag yan! Yan ang paborito kong espada! Babalatan kita ng buhay kapag kinuha mo ya----- ahh! Yan ang paborito kong bracelet! Teka lang! Wag mo hawakan ang paborito Kong painting!!!!!”

“Ang ingay mo! Lahat na lang paborito mo!” reklamo ni Aliya

“Bakit kasi yung mga paborito kong kayamanan ang hinahawakan mo?!” gigil ng dragon

“Yun yung magaganda! Tsaka wag ka na mag react. Akin na ito lahat. Besides, idodonate ko ang iba dito sa charity. For sure naman inagaw mo lang din ito sa mga pinaslang mo. Tsk.” Aliya

“Hmmm? Ano ito??” tanong ni Aliya noong may makita syang isang espada na gawa sa kahoy.. Napaka-out of place nito sa lugar. Dalawa ang talim nito at nasa gitna ang hawakan. Isang two-edge sword! Wala nang iba pang espesyal dito at tila isang regular lang na espada. Pero may kakaibang vibes na nagmumula dito.

“Subukan mong hawakan ang espadang yan, mortal! Sisiguraduhin kong magsisisi ka!! Kunin mo na ang lahat iwan mo lang ang isang yan!!” bakas ang galit at pagkabalisa sa tinig ng dragon

Lalong na-curious si Aliya.. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi na ikinatigil ng pintig ng puso ng dragon. Napapamura na lang ang dragon sa kanyang isipan sa napakapasaway na babae sa kanyang harapan!

“Wow!” isang pamilyar subalit kakaibang sensasyon ang dumaloy sa katawan ni Aliya matapos hawakan ang espada!

“Yan ang Gladius  Lignea! Pinaghirapan kong kunin yan sa StillWater! Muntik nya na Kong patayin dahil dyan! Subukan mo yang kunin at hahuntingin kita kahit sa kabilang buhay!”

“Gladius Lignea? Yung iniwang relic ni Ember, the god of woods? Salamat sa trivia. So ikaw pala yung butiking ikinukwento ni Master Eclipse. Well,  sorry ka. This is a fated meeting. I’m a decendant of Ember and the Stillwater. This sword is now mine! Bwahahaha!” tawa ni Aliya habang iwinawasiwas ang espada.

Napanganga ang dragon. Hindi nya matanggap na muling nahanap ng espada ang rightful owner nito.  Pero ano pang magagawa nya?

“Sige na, kunin mo na yan. Iwan mo na lang ang iba pang kayamanan at hahayaan kitang mabuhay.” Saad ng dragon

“Neknek mo. I'm calling the shots here, not you.” Saad ni Aliya habang inilalagay ang mga kayamanan sa cosmobag nya..

“Teka lang, mag-iwan ka naman ng kahit konti.” Demand ng dragon

“Para ano? Para may maipain ka sa iba pang mago? No way! Kukunin ko lahat ito. Tawagin mo na akong ganid, I don’t care bwahahahaha!” Aliya na tila masamang tao

“Girl, utang na loob mag-iwan ka naman kahit konti..”

“Ayaw.” naka-smile na sagot ni Aliya

Wala syang itinira. Kahit ang marmol na sahig ay tinungkab nya.

She truly lived her title. Aliya Montregomie. The Witch of Avarice.

Umalis na masaya si Aliya.

Naiwan namang luhaan ang dragon.

~~~~~~~~~~





A/N: Hi guys! Two weeks akong walang update, sorry for that. Like I said, wala nang regular update so wag na kayong magulat na di na weekly ang chapters. Abala ako sa buhay ko ngayon huhu. Ganun pa man, mahaba pa ang road to forever ng ating mga bida. Wag nyo sana silang iiwan sa ere na parang yung ex nyo lang bigla na lang nang-iwan, or baka ikaw mismo gumawa nun sa ex mo, lol,  sorry sa mga tatamaan. Haha pasensya na hype ako ngayon, uminom ako ng kape. Peace yow. Wuvyu guys!

xoxo
LazyMissy13
RiAnn

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top