Tale 62

Tale 62
Eleutheria


There is a belief among the magical folks that states that the world begun as white and shall end white. Thus, the royal families erased winter and bath this world with their light.”
-TheBirthOfTheRoyalFamilies, by J. Forbes


Sa kaharian ng Uddara, isang binibini ang makikitang naglalakbay sa mainit na disyerto sakay sa isang magic carpet. Ang babae ay si Myka Rivero. Kabilang sya sa Top 1000 mages ng Aralon. She’s currently ranked as top898 on the Tree of Origin. Ang kanyang master ay ang Witch of Havoc na originally ay kabilang sa top 15 subalit top 20 na lang ngayon matapos ang huling Licentiam Exam. Sariwa pa sa kanyang mga ala-ala ang kanyang pagkatalo. Iniwan sya sa alikabok ni Charmaine at ng mga kaibigan nito. Humahanga sya at nasusuklam ng sabay.

Sa kasalukuyan ay pabalik sya mula sa kanyang unang mission sa sinalihan nyang guild, ang Heaven's Will. Mayroon syang stable na posisyon dito. May mga humahanga sa kanyang talento at mayroon din namang hinuhusgahan sya. Sa makatuwid, kuntento sya sa kasalukuyang kalagayan ng guild.

May balitang may karamdaman ang guild master ng Heaven's Will at nais ng kanyang master na Witch of Havoc na sya ang matalaga sa posisyon sa oras na matuluyan ang kasalukuyang guild master. Plano nyang gumawa ng isang solid foundation sa guild sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga mahihirap na misyon. Sa tantya nya ay kakailanganin nya ng ilang taon. Kung mapapasakamay nya ang posisyon ay magiging worth it ang lahat. Eh ano naman kung malakas ang grupo nina Charmaine? Maaari silang nagkaroon ng mataas na posisyon subalit karaniwan ay Hindi interesado ang top25 sa mga ganoong bagay, kaya kung magiging isang Guild Master si Myka ay tila di na nalalayo ang achievement nya sa top25. Excited na syang maging isang guild master!

Pero tulad ng hinala nyo, nadurog ang puso nya matapos mabalitaan na si Javen na ang bagong guild master. Kaawa-awang nilalang.

Samantala, wala namang kamalayan si Javen sa pagkadurog ng puso ni Myka. Abala si Javen sa pagpirma ng ilang mga dokumento.

“All done.” Saad nya matapos pirmahan ang huling papeles na hawak nya.

“Mistress Javen since tapos mo na pong bigyan ng approval ang mga mage na lalabas ng guild upang gumawa ng misyon, maaaari mo na pong simulang basahin at piliin ang mga job offers na tatanggapin natin para sa susunod na linggo.” Saad ni Hector, ang pinagkakatiwalaang mage ng dating headmaster. Sya ang humalili sa mga tungkulin ng Wizard of Aesthetics noong nabedridden ito dahil sa wrinkles. Si Hector ang syang tumutulong Kay Javen upang matutunan nito ang mga tungkulin nya bilang bagong guild master.

“Maraming salamat sir Hector dahil nandito ka.” buntong hininga ni Javen

Ngumiti si Hector. “Walang ano man mistress.”

“Ano ba ang mga karaniwang misyon na tinatanggap ng ating guild?” Javen

“Normally ay mga misyon na pagpuksa ng mga halimaw sa disyerto. Or di kaya naman ay escort missions ng mga caravan patungo sa mga oasis, maraming mga bandido na gumagala sa mga disyerto. Lately marami tayong natataggap na job offers para sa nangyaring delubyo sa munting rehiyon ng Althea pati na rin mga misyon na related sa pag-aaklas sa maliliit na bayan.” Hector

Napahinto si Javen dahil sa kanyang narinig. “A-anong sinabi mo??”

Nagtaka si Hector sa naging reaksyon ng dalaga. “May mga nangyayaring pag-aaklas lately?”

“H-hindi yun.” Javen

“Escort missions?” Hector

Umiling si Javen.. “Delubyo sa Althea? A-anong ibig mong sabihin??”

“May nangyaring sakuna sa munting rehiyon ng Althea. Ayon sa balita ay may dumaang buhawi na lumipol sa populasyon. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Council ang nangyari.” Hector

“Buhawi?? Impusible iyon sapagkat kailangan pa man ay hindi pa nakakaranas ng buhawi ang Althea.” Javen

“Hindi rin malinaw ang balita, maaaring isa itong natural phenomena o dikaya naman ay mayroong mga mago na aksidenteng nadamay ang bayan sa isang laban. Wala pang malinaw na dahilan. May problema ba Mistress?” Hector

Hindi nakatugon si Javen. Ramdam nya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Natatakot sya. Natatakot syang isipin ang maraming posibilidad. Ang mga taong tumulong sa kanya at sa kanyang kakambal, ano ang kalagayan nila ngayon? Ang mga ngiti nila sa kanyang ala-ala ay napalitan ng dugo. Hindi nya mapapatawad ang sarili nya kung may nangyaring Hindi maganda sa mga taong itinuturing nyang pamilya.

Nagulat si Hector noong biglang tumayo si Javen. Maputla ang complexion nito.

“Sir Hector ipagpaumanhin mo subalit kailangan Kong personal na magtungo sa Althea. Ayokong abalahin ka pa ng higit sa ginagawa mong pag tulong saakin ngayon subalit kailangan Kong umalis, maaari ko bang iwan ang guild sa mga kamay mo habang wala ako?” tanong ni Javen

“Walang problema Mistress. Pero ayos lang ba ang pakiramdam mo? Bakit kailangan mong umalis ng bigla an?” Hector

Hindi agad nakatugon si Javen.

Bumakas ang pag-unawa sa muka ni Hector. “Hindi kita pipiliting sumagot Mistress. Mag-ingat ka sa paglalakbay. Hihintayin namin ang pag babalik mo.”

“Maraming salamat.” Saad ni Javen

Sana ay may oras pa sya. Sana ay hindi pa huli ang lahat.

***


Si Magnolia ang isa sa pinakabatang Rank A wizards ng White Wolves na kinikilalang number one guild sa buong kaharian ng Ignis. Bawat myembro ng guild ay kilala bilang mga elite mages. Mayroon silang apatnaput' walong myembro na parte ng top 1000, habang ang guild master naman nila ay ang Sorceress of Storms na rank 64 sa Tree of Origin.

Sa edad na twenty three ay nagawa ni Magnolia na maging isang Rank A wizard gamit lamang ang sipag at tiyaga, she went through hell to climb up the ranks kaya Hindi nakapagtataka na makaramdam sya ng iritasyon sa presensya ng isang bagong muka. Isang rookie! Hindi ito dumaan sa normal recruitment ng kanilang guild. Isa syang backdoor recruit. Worse, she was given the same rank as Magnolia kahit wala pang nagagawa kahit isang misyon ang rookie! Soooo unfair!

Sa kasalukuyan ay may ginaganap na regular training program para sa bawat mago ng guild. Tinatawag itong Survival of the Mages.

Simple lamang ang kailangan gawin ng bawat myembro ng guild. Kailangan nilang makarating sa dulo ng isang mahiwagang maze. Ang maze ay kilala sa buong Ignis bilang isang sacred treasure na nagmula pa sa sinaunang panahon. May mga halimaw na nakakulong sa loob nito na syang pinakamalaking balakid sa pagsasanay. Sa halip na training ay nakagawian na ng mga myembro ng guild na ituring itong isang kumpetisyon kung kaya't excited na ang mga kalahok.

Puno ng pagtataka si August sapagkat kasali sya sa mga nagregister na kalahok. Kakabalik lamang nya galing sa una nyang misyon kung kaya impusible na sya ang nagregister para sa training programme na ito. Iniisip nya kung sino ang nagsali sa kanya dito. Impusible na ang guild master sapagkat alam nito na hindi nya kailangan ang pagsasanay na ito. Kung ganun ay sino?

Napansin ni August na tila pinagbubulungan sya ng ibang mga kalahok, hindi nya alam kung bakit. May nagawa ba syang kasalanan? Pero ano? Hindi nya ipinabulgar sa guild master ang tungkol sa kanyang pagkatao, pusible ba na alam na ng mga ito ang totoo nyang katauhan bilang isa sa top15? Pero sa halip na takot o pagkamangha, tila puno ng awa ang mga mata ng mga ito sa tuwing nahuhuli nya silang nakatingin sa kanya. Ano kaya ang problema?


Is it really okay? Hindi ba magagalit si Headmaster kung pagkakaisahan natin ang new recruit?”
“Shhhhh! She's a Rank A Witch, she can handle her self. This will serve as her initiation.”
“Pero hindi naman natin ito ginagawa sa mga bagong recruit. So why do we have to do this?”
“Because she's annoying. Hindi mo ba narinig sina Magnolia? Sila ang nagplano nito dahil sa ugali nung new recruit.”
“Well she's always alone, but I don’t think she's bad.”
“Tinarayan nya ko!”
“Same! Sinungitan nya ko!”
“Masyado lang kayong sensitive.”
“Tsk. Mas mabuti na ito, para matuto syang lumugar. Kaybago-bago nya ang yabang nya na.”
“Haaayyss. Bahala na nga. I'm just going with the flow.”


Isang Rank S Wizard ang nagpaliwanag ng rules. Ramdam ang excitement ng mga guild members. Napakacompetitive nila. Kilala ang maze na ito bilang pinakaimportanteng pagsasanay. Dahil sa pagtrato ng mga guildmembers sa training na ito bilang isang competition, kinikilalang nilang Alpha ang may hawak ng pinakamataas na puntos sa pagsasanay. Ang kasalukuyang Alpha ay ang guild master, sya ang may pinakamataas na puntos sa pagsasanay na ito sa kasalukuyang panahon. Sa buong kasaysayan ng guild na White Wolves, ang mga Alpha ang humahaliling guild master kaya naman excited ang lahat. May mga Rank A at Rank S na lumahok dahil umaaasa silang makakakuha sila ng mataas na puntos. Ang karamihan sa kanila ay ilang taon nang sumusubok subalit hindi pa rin magawang lampasan ang record ng kasalukuyang guild master.

Sapagkat puno ng ibat-ibang klaseng halimaw ang maze, nakasalalay ang puntos sa uri at dami ng mapupuksang halimaw ng bawat kalahok. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit may maze na puno ng halimaw sa loob ng isang guild, marahil ay iniisip nyong napakawalang sense ng bagay na ito sapagkat sinong matinong tao ang makakatulog ng mahimbing sa gabi habang may mga halimaw sa loob ng bahay mo. Right? Well, espesyal ang maze na ito sapagkat ang mga halimaw na naninirahan dito ay hindi kailanman maaaring lumabas ng maze, isa itong sumpa at biyaya dahil bawat halimaw ay narerevive ng paulit-ulit sa loob ng maze, subalit sa oras na lumabas sila, instant death. Tila sila mga halimaw sa loob ng mga RPG games, walang kalayaan. Walang kamatayan. Ito ang Maze of Imprisonment. Kung saan nagmula ang maze na ito, walang nakakaalam. Kahit ang guild na White Wolves ay walang historical record ng maze. Isa itong misteryo para sa lahat.

Pagpasok ng bawat kalahok sa loob ng maze ay agad silang nagtungo sa ibat-ibang direksyon. Kailangan nilang pumuksa ng mga halimaw! Tila nakalimutan nila ang plano nilang pagkaisahan si August. Masyado silang na-excite sa pag pasok sa maze.

Bored na naglalakad si August. Walang halimaw na nakakasurvive sa nakamamatay na lamig na taglay nya. The Witch of Frost, August White.


“Danaya sa likod mo!” babala ni Fhana sa kaibigan

Umilaw ang suot na singsing ni Danaya, isang pakpak na gawa sa apoy ang lumitaw sa likod nya, agad natupok ng apoy na pakpak ang orc na umatake mula sa kanyang likuran.

“Phew! That was close!” buntong hininga ni Danaya..

Pinahid ni Magnolia ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo.. “Nagawa nating talunin ang sampung Level A monsters, 3 points ang bawat isa sa kanila. Sumatotal, nine points sakin at kay Fhana, twelve points naman sayo Danaya.”

“Masyado pang malaki ang gap natin kay Headmaster, may total points sya na 108.” Buntong hininga ni Fhana

“Think positive! Kung patuloy nating susuportahan ang bawat isa, malayo ang mararating natin.” Cheer ni Danaya

“Tama si Danaya. Team work ang susi para magtagumpay. Together everyone achieves more! Nabasa ko lang yun somewhere teehee~!” Fhana

“Pfft wala kang originality.” Danaya

Tumango-tango naman si Magnolia. “Wait lang, di ba kayo nagtataka, bakit hindi pa natin nakakasalubong or naeencounter yung new recruit..?”

“Baka na-culture shock sya masyado, Hindi nya siguro akalain na ganito ka-harsh ang training ng guild natin. Baka nag-forfeit na sya kanina pa.” Danaya

“Tama si Danaya, baka na bigla sya sa mga nangyayari. She's new, for sure hindi pa sya sanay sa mga ganitong bagay. Baka Natakot sya sa mga halimaw..?” Fhana

“Tama kayo, she's pathetic. Tara na lang magfocus sa pagpuksa sa mga halim— eeehhhh? She's here! Yung new recruit!” bulalas ni Magnolia

“Saan?” sabay na tanong nina Danaya at Fhana

Tama si Magnolia, bored na naglalakad si August sa direksyon nila. Kanina pa napapansin ni August na madalas syang naiiipit sa laban ng mga ibang kalahok. Sa umpisa ay iniisip nya na baka nagkataon lamang. Until marealize nya na sinasadya ng mga ito ang nangyayari. Sa halip na atakihin ang mga halimaw ay bigla na lamang lumilihis patungo kay August ang mga pag-atake ng mga guildmembers, sina sabi nila na “aksidente” lamang ang lahat. Pero may hangganan ang pasensya ng dalaga. She doesn’t have the likeable temperament of Samara or the coolheadedness of the foulmouthed Astrid or the calm innocence of Alivia nor the levelheadedness and maturity of Tanisha. August is the cold rage. Dahil sa iritasyon ay agad nyang ininterrogate ang isa sa mga  guildmembers. Napag-alaman nya kung sino ang puno't-dulo ng lahat. Sina Magnolia, Danaya at Fhana.

“Oh hello new recruit, nandito ka pa pala. Akala namin nagforfeit ka na pffft.” Magnolia

“Hey pigtails, may problema ba kayo sakin?” direktang tanong ni August

Agad nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan. Hindi nila nagustuhan ang tono ng pananalita ng babae.

“Tsk. Wala nang saysay para itago pa ang totoo, obvious naman sigurong ayaw namin sayo, hmmp!” Magnolia

“Why? May ginawa ba akong kasalanan?” nagtatakang tanong ni August

“Wala naman. Nakakairita lang ang ugali mo.” Danaya

“Masyado kang mapagmataas. Marahil ay may hindi lamang tayo pagkakaunawaan subalit habang tumatagal ay paalala ka ng palala. Sino ka ba sa tingin mo? Mga seniors mo kami, you should respect us.” Fhana

“Respect? Paano ko naman kayo rerespituhin kung hindi nyo naman ako nirerespeto? Pagkaisahan, yun ang plano nyo hindi ba? Are you soooo bored? Why are you all being childish?” August

Childish? Napipikon na talaga ang tatlo.

“Sino ka ba sa akala mo? Isa ka lang namang backdoor recruit. Marahil ay binili mo lang ang posisyon mo! Wala kang ideya sa hirap na pinagdaanan namin marating lang ang posisyon namin, tapos ikaw na new recruit Rank A agad? Anong pinakain mo kay guild master?” Magnolia

Nagsalubong ang mga kilay ni August. Hindi nya nagustuhan ang mga narinig nya.

“Minamaliit nyo ko dahil lang backdoor recruit ako? Sinasabi nyo na hindi ako nahirapan sa pagkamit sa posisyon ko. Hahahahaha nakakatawa kayo. Kung madali lamang ang pinagdaanan Kong training, ano pa yung sa inyo, chillax lang? Wala kayong ideya sa mga pinagdaanan namin ng mga kaibigan ko. Wag nyo Kong maliit in at husgahan ng wala naman kayong basehan. Kung nagdududa kayo sa kakayanan ko, bakit hindi nyo ko subukan? For sure magsisisi kayo.” Iritableng saad ni August

“Huh! Big words! Ang lakas naman talaga ng loob mo! Tingin mo ganun ka kaespesyal? Tingin mo kaya mo kaming taluning tatlo?” Magnolia

“Ayoko sanang gumamit ng dahas, for sure masasaktan kayo sa mga mangyayari, pero mukang kailangan kong isampal sa mga muka nyo ang katotohanan, I deserve what I have right now because I worked hard for it. So, shall we start?” hamon ni August

“Cocky little brat.” Magnolia.. Agad syang nagcast ng isang malakas na spell.

“Magnolia ito ang----” hindi makapaniwala maging sina Fhana at Danaya.. Nababalot silang apat sa isang confine space. Tila isang barrier.

“Hmmm? Not bad. This is a strong spell known as the Perfect Cube. It cannot be destroyed by any type of magic. A perfect shield. A perfect barrier. Also, it's the perfect spell to confine or imprison someone.” Saad ni August na ikinagulat nina Magnolia.. This is a rare magic, bakit alam ito ng babae?

“Hmmmp! Since alam mo kung ano ito, kabahan ka na. Wala ka nang matatakbuhan. Tuturuan ka namin ng leksyon.” Danaya

Nagsmirk si August. “Pffft. You girls are funny. Hindi nyo pa rin ba naintindihan? Kayo ang dapat kabahan. Hindi ako nakakulong dito kasama KAYO. Nakakulong kayo dito kasama AKO. At hindi nyo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.”

Napalunok ang tatlong babae.

May hindi sila magandang kutob.

May masamang mangyayari.

***

Sa isang liblib na parte ng syudad na tinatawag na Aridus sa kaharian ng Ignis, isang grupo ng mga mago ang nagtipon-tipon sa isang sikretong silid underground. Ang bilang nila ay labing dalawa, bawat isa ay may taglay na kakaibang mahika. Malakas na mahika.

“Hindi nagtagumpay ang grupo ni Beige sa pag-aaklas sa Ventus. Personal silang hinarap ng crown prince ng kaharian, si Prinsepe Easton.” Saad ni Bones

“Tsk. Binalaan ko kayong hindi magandang ideya ang pag-atake sa Ventus. Hindi kayo nakinig sakin.” Ivory

“Tsk tsk. Sadyang palpak lang si Beige. Dapat ako na lamang ang syang namuno sa pag-aaklas na iyon.” Seashell

“Manahimik ka Seashell, mas walang pag-asa kung ikaw ang itinalaga namin.” Vanilla

“Wag kang patawa Vanilla. Sigurado akong kaya Kong magwagi kung ako ang namuno sa pag-aaklas.” Confident na saad ni Seashell

“Tama na, wag kayong magtalo.. Wala man lang bang concern dito sa kalagayan ni Beige? He's barely alive. Muntik na syang hindi makatakas.” Sabat ni Parchment

“Tama si Parchment. Wala nang magagawa ang pagtatalo nyo, hindi nagtagumpay ang ating plano. Kailangan nating maging maingat sa susunod nating hakbang.” Bones

“Mali ka, kailangan nating gumawa ng mas malakas na ingay. Kung gusto nating magwagi, kailangan natin ang suporta ng mga Tao.” Eggshell

“Wag kang padalosdalos Eggshell, walang gugustong makinig sa sasabihin ng isang rebeldeng grupo. Ang pinakamainam na kilos natin ay ang pagiging tahimik.” Flax

“May punto kayo pareho, pero mas sang-ayon ako kay Flax, masyadong malakas ang royal families, kung gusto nating manalo, kailangan nating maging masekreto. Mas madaling talunin ang isang katunggali kung harapan mo itong makakalaban, pero mas mahirap dumepensa mula sa isang kalabang hindi mo nakikita.” Navajo

“Kung ganun ay hindi na ba muna natin itutuloy ang pag-aaklas sa Uddara?” tanong ni Lace

“Hindi na mun—”

“Itutuloy pa din natin.” Saad ni Alabaster, ang kinikilalang pinuno ng grupo

“Sigurado ka ba Alabaster?” Flax

“Hindi magandang ideya magpadalos-dalos.” Dutch

“Tama sila Alabaster. Nakita natin ang lakas ng Ventus, kailangan nating pagplanuhan ang susunod nating kilos.” Champagne

“Navajo say something, sayo lang nakikinig si Alabaster.” Ivory

“Sang-ayon ako Kay Alabaster. Ito na ang tamang panahon para gisingin ang nahihimbing na puso ng mga Tao. Sobra na ang pasakit na idinudulot ng royal families.” Navajo

“Pero hindi ba masyado pa tayong mahina?” Vanilla

Umiling si Alabaster. “Limang taon nating pinagplanuhan at pinaghandaan ang bagay na ito. May tiwala ako sa bawat isa, magagawa nating magiba ang pundasyon ng royal families. Ilang taon na nilang nililinlang ang mga mamamayan ng Aralon.” Alabaster

Nagkatinginan ang bawat isa.

“Sa tingin ko ay dapat natin syang lapitan.” Sabat ni Ivory

“Ang Witch of Apocalypse? Huh! No way!” Seashell

“Pero may punto si Ivory, hindi tumutugon sa royal summons ang Witch of Apocalypse.” Vanilla

“Masyadong delikado, ilang beses ba natin itong kailangan pagtalunan?” Flax

“Hindi natin alam kung ano ang intensyon nya. Maaaring lihim syang naglilingkod sa royal families.” Bones

“Tama si Bones, nabalitaan kong bawat isa sa mga kaibigan nya, ang mga bagong top 25, ay sumali na sa mga guild. Sapat na patunay na yun na naglilingkod sila sa royal families.” Lace

“Hindi yun sapat na rason. Maaaring nais lang nilang maglingkod sa mga mamamayan.” Parchment

“Stop being naive. We can’t trust anyone outside our circle. Itutuloy ang plano ayon sa napag-usapan. Hindi tayo hihingi ng tulong mula sa Witch of Apocalypse, tama ba Alabaster?” Navajo

Tumango si Alabaster. “Oras na para lagyan ng tuldok ang pang-aalipusta nila sa mga Tao. Wawakasan na natin ang nobility case na syang tanging nakikinabang sa yaman at kasaganahan ng mundong ito. Ipaparamdam natin sa royal families ang galit ng mga Tao. Panahon na para makilala nila ang Eleutheria.”


~~~~~~~~



A/N: Hi everyone! Wag basahin kung ayaw.

Sorry for not updating sooner. I have no proper excuse but still, please forgive me. And thank you for your patience. I'm honestly not satisfied with this chappy and I dont update regularly, pero ganun pa man, sana ay hindi kayo magsawang sumubaybay. There's still a long waaaaaay for Charm and the gang to reach the end, sana ay samahan nyo sila hanggang sa huli. Yun lang naman, thank you everyone!

xoxo
LazyMissy13


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top