Tale 61

Tale 61
The Hundred Man Giant


"When heaven mandated a new ruler, it gave birth to a mage with the gift of four natural elemental attribute. He ruled over air, earth, water, and fire. He shaped the world as we know it today, and his descendants will be known as the Romanovs.”
-TheBirthOfTheRoyalFamilies, by J. Forbes

Sa isang kakahuyan sa kaharian ng Ventus, isang munting cabin ang nakatayo sa gitna ng mga nagtataasang punong kahoy.

May usok na nagmumula sa tsimenea. May mabangong halimuyak na nagmumula sa cabin.

“Siguradong magugustuhan ng prinsesa ang niluluto ko! Babalik agad ang lakas nya sa oras na matikman nya ito!!” saad ni Regis habang nilalanghap ang halimuyak ng niluluto nya

“Nakakagutom.” Natatakam na saad ni Euphie

“Hindi ito para sayo.” Pagsusungit ni Regis

“Tsk. Kahit wala kang kwenta, at least mahusay kang magluto.” Saad ni Euphie

“Manahimik ka na lang, wala kang sinasabing mabuti.” Nakasimangot na tugon ni Regis

“Wala ba kayong royal duties sa mundo nyo? Bakit ang dami nyong oras para magliwaliw?” sabat ni Heian

“Tinapos ko na lahat ng tungkulin ko para sa buong taon. I'am free as a bird!” Euphie

“Iniwan ko lahat ng trabaho kay Cancer. He's my secretary kaya bahala na sya bwahahaha.” Regis

Napailing na lang si Heian.. It's a miracle that Gantandi and Andina are both prosperous despite having such irresponsible and easy-going rulers.

“Hmmm.” sabay-sabay napalingon sina Regis sa labas ng bintana.

“May paparating.” Heian

“Mga mortal.” Euphie

“Dont tell me sila ang may-ari nitong abandonadong cabin?” Regis

“Anong gagawin natin?” Euphie

Ngumisi si Regis. “This is perfect. We need manpower.”

Si Dante ang pinuno ng mga bandido na kilala bilang the Dark Hand na kilabot sa mga kabundukan ng Ventus. Nagtungo sila sa kaharian ng Uddara upang tambangan ang caravan ng mga mangangalakal na patungo sa mga oasis ng Uddara.

Sa kanilang paglalakbay ay di sinasadya na magkataong may lumitaw na pillar ng liwanag di kalayuan mula sa kanilang lokasyon. Agad nila iyong inimbestigahan sa pag-asang makatagpo ng mga kayamanan.

Subalit tila kahit ang tadhana ay hindi nais na sila ay tulungan. Sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari ang hinarap nila. Una ay isang malakas na buhawi ang humarang sa kanila.  Marami ang nasugatan, pero hindi sila sumuko! Isang giant scorpion ang sunod nilang nakaharap. Isang madugong laban ang naganap. Hindi sila nagwagi, subalit nagawa nilang matakasan ang halimaw! Pagkatapos ay naipit naman sila sa isang magulong sitwasyon. Isang dark guild ang nakikipaglaban sa isang grupo ng mga witch! Ang mga bagong mage ng top 25! Mga ordinaryong tao lamang ang mga bandido, paano sila naipit sa laban ng mga mage?! Ninais nilang tumakas, subalit sa kasamaang palad ay lumitaw ang royal army! Napilitan silang lumaban. Subalit mas mapanganib pa sa halimaw ang mga nakatinggali nila!

Hinding-hindi malilimutan ni Dante, kasama ng buong Dark Hand, ang takot na naramdaman nila noong makaharap nila ang pinakamakapangyarihang mage ng kasalukuyang panahon, ang Witch of Apocalypse. Hanggang ngayon ay bumibilis pa rin ang tibok ng kanilang mga puso sa tuwing naaalala ang malamig nitong mga mata.

Halos ibuwis nila ang kanilang buhay sa pagtakas mula sa royal army ng Uddara. Napakaligaya nila na sila ay nakabalik na ng Ventus! Oh home sweet home!

Hindi na sila makapaghintay makabalik sa kanilang base. Kahit isa lamang iyong simpleng cabin ay iyon ang kanilang tahanan. Kahit pa payak ang kanilang pamumuhay ay masaya sila.

“Boss Dante, tingnan mo!” sigaw ng isa sa mga bandido matapos makita ang usok na nagmumula sa tsimenea.

“May nanghimasok ba sa base natin?! Ang lakas ng loob nila!” galit na bulyaw ng isa

“Sinong siraulo ang salarin?! Ayaw na siguro nyang mabuhay!”

“Nawala lamang tayo ng ilang araw ay agad nang may naglakas loob salisihan tayo!”

“Mga myembro ba sila ng Red Werewolves? Ang mga bandidong yun lang ang alam kong malakas ang loob na banggain tayo!”

“Tsk. Sino man sila, patay sila satin!”

Nanatiling kalmado si Dante. Hindi nya ugali magpadalos-dalos. Natuto na sya mula sa naranasan nila sa Uddara. Mas mabuting maging maingat.

“B1 at B2, you two should scout ahead.” utos ni Dante

“Yes Boss.” Tugon nina B1 at B2 at agad sumunod sa utos ng kanilang boss

“Humanda satin ang kung sinoman na nanghimasok sa ating base!”

“Tama! Tama!”

“Paano kung isang mage ang salarin?”

“........”

“H-hindi tayo takot sa mga mage!”

“Oo nga! Bakit tayo matatakot?!”

“Matapos makaharap ang Witch of Apocalypse, hindi na nakakatakot ang mga normal na mago! Wala silang binatbat sa pinagdaanan natin!”

“Tama! Tama!”

“Hindi tayo dapat matakot!”

“Oo!”

“Tahimik!” awat ni Dante sa mga tauhan nya. “Mas mabuti na ang maging maingat.”

“Y-yes boss!”

Lumipas na ang isang oras subalit wala pa rin silang natatanggap na balita mula kina B1 at B2.

Nabahala ang mga bandido. May nangyari bang hindi kanais-nais sa kanilang kabaro?

“Boss mukang hindi ordinaryo ang nakaharap nina B1 at B2.”

“Boss anong gagawin natin?”

“Tsk.” Kanina pa nag-iisip ng taktika si Dante. Hindi sya sigurado sa dapat gawin.

“Hatiin ang ating bilang sa apat na grupo. Palibutan natin ang base. Let us intimidate them with numbers. Now, move!” utos ni Dante at agad sumunod ang lahat

Mabilis ang naging kilos ng mga bandido. Mahahalata na sanay sila sa taktikang ito. Sa ilang sandali lamang ay napalilibutan na nila ang buong base.

“Makinig! Kung sino ka man na nanghimasok sa aming kampo ay binabalaan ka namin! Nasa teritoryo ka ng Dark Hands! Lumabas ka dito at harapin kami bilang isang tunay na lalaki!” sigaw ni Dante na umalingawngaw sa lugar

Hindi masyadong umaaasa ang lahat na lalabas talaga ang salarin. Sila ang Dark Hand, isang kilabot na grupo ng mga bandido. Ang kanilang reputasyon ay talaga namang nagdudulot ng takot sa mga mamamayan ng Ventus.

Nagulat sila dahil sa pag bukas ng pinto. Isang lalaki ang iniluwa nito. Naghihikab ito at mukang bored na bored. May suot itong itim na leather pants, furred coat at apron na kulay pink. May hawak itong ladle sa isang kamay at halatang galing sa kusina. Sino sya?

“S-sino ka?!” sigaw ni Dante

“Kayo ba ang may-ari nitong cabin? If yes, well I just wanna inform you that we're crashing in. We already made ourselves at home. I'm making dinner, if you’re hungry, you are welcome to join us. Ciao~” casual na saad ng lalaki

“Wow, thanks.” Nakangiting saad ni Dante “Sa tingin mo ba tanga kami para sabihin yun?! Sino ka at bakit ka narito?!!” bulyaw nya

“Just cooperate with me will yah? Busy ako sa pagluluto at ayoko ng masira ang mood ko. Maaapektuhan ang niluluto ko.” Sagot ng lalaki

“Aba’t!! Siraulo ka pala eh! Nanghihimasok ka ng teritoryo tapos nageexpect ka na makikipagcoopearte kami ng ganun lang?” sigaw ng isang bandido

“Ayaw nyo?” tanong ng lalaki

“Gago ka? Natural ayaw!!” sagot ng lahat

Makalipas ang limang minuto.

“Ang sarap po ng luto mo Master Regis!” papuri ng isang bandido habang masayang kumakain sa hapag-kainan. May malaki syang bukol sa ulo.

“Ito na yata ang pinakamasarap na sopas na natikman ko!” dagdag ng isa pa. May black eye sya.

“Pare subuan mo ko. Natatakam na ko.” Saad ng isa.. Bali ang mga braso nya.

“Master Regis ikaw siguro ang diyos ng mga sopas!” papuri ng isa pa na kulang ang mga ngipin dahil nasobrahan ng bugbog.

“Dante my friend, why aren’t you eating?” nakangiting tanong ni Regis kay Dante na puno ng pasa..

Napalunok ang kawawang si Dante. Isang halimaw ang lalaking ito. Natatanaw nya mula dito sa bintana sina B1 at B2 na nakasabit sa sanga ng isang puno, walang malay..

“B-busog lang ako Master..” palusot ni Dante

“You guys should stop calling me Master. The real master is asleep right now. Just call me boss.” Nakangiting saad ni Regis

Napalingon ang lahat kay Dante. Ang kanilang boss. Tumango naman si Dante.

“Boss Regis!” saad ng lahat.. This is the only way to survive!

“Good,good.” Regis

“What do you plan to do with them?” tanong ni Euphie

Agad namangha ang lahat noong makita ang fae.

Magkano kaya nila ito maibebenta?

Pero matapos maramdaman ang pressure na nagmumula dito, alam na nila na Hindi nila ito mapagkakakitaan.

“I’m planning to make an army out of them.” Regis

Napalunok ang mga bandido.

“Nahihibang ka na.” Euphie

Tumango-tango naman ang mga bandido. Nahihibang na talaga ito.

“Tsk. Tsk. Di nyo ko naiintindihan.. I can make you guys powerful. And rich. And handsome!” Regis

Nagningning ang mata ng mga bandido.

“You guys simply need to be obedient.” Saad ni Regis

Isang nakakakilabot na ngiti ang ang sumilay sa labi ni Regis.

Napalunok ang mga bandido.

“An army huh?” napapaisip na saad ni Euphie

An army of normal humans? Isang ideya ang sumagi sa isipan ni Euphie.

“Are you planning to make them do that?” tanong ni Euphie

Ngumiti si Regis. “Yes..”

“Naintindihan nyo ba? You need to go there. Then you need to jump. You little guy need to spin and then run to that direction. While you big guy, you will go to that direction. Aishhhh..  this is going to be tough.” Regis

Makikita ang mga bandido na paikot-ikot sa bakuran. May tumatalon na parang palaka. May umaakto na parang paru-paro. May nagbaballet. All in all, napaka-awkward. Si Regis lang ang nag-eenjoy sa napapanood nya. Umaakto syang tila isang choreo habang pinagmumukang tanga ang mga bandido.

“And louder your voice! Ulitin nyo ang chant na itinuro ko! From the top!!” sigaw ni Regis

Ladies and gentlemen, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.”  Sigaw ngmga bandido

Sa inyong harapan ay matutunghayan.

“Ulitin nyo ulit!!!” sigaw ni Regis

Ladies and gentlemen, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.
Sa inyong harapan ay matutunghayan.
Mga tapat na tagapaglingkod hindi alalay.
Handang ibuwis aming buhay.
Katapatan kay Lady Charmaine ay panghabambuhay.
Walang pakialam ano pa man ang inyong pakay.
Kung masama ang intensyon ay agad nang magba-bye.
O sa aming mga kamay ay kayo'y magiging bangkay!

“Break it down!” Pumapalakpak na saad ni Regis

Gusto nang maiyak ng mga bandido. Hindi nila alam kung para saan itong ginagawa nila..

***

“The Hundred Man Giant. Isang makapangyarihang formation na sa oras na maexecute ng tama ay kayang lumipol sa libo-libong mga mago.” paliwanag ni Euphie kay Charm na nakatanaw mula sa bintana..

“Pero para saan yung chant?” tanong ni Charm na hindi makapaniwala sa isinisigaw ng mga bandido sa bakuran

“It's the spell to activate the formation.” Euphie

Hindi nakapag komento si Charm. Bakit ang jologs nung spell?

“Anyway, I suggest na unahin mong i-train ang dragon words mahal na prinsesa. Magiging abala si Regis sa pagtuturo sa mga bandidong yun ng ilang buwan.” Euphie

Tumango si Charm. Ilang sandali pa ay napalingon sya sa kanyang likuran.

“Prinsesa.” Saad ni Euphie na agad naalarma sapagkat tatlong babae ang lumitaw mula sa isang teleportation portal.

“It’s okay Euphie “ saad ni Charm

Napanatag si Euphie noong mamukhaan nya ang mga babae. Kilala nya ang mga ito. Kaibigan sila ni Charm! 

“Roma.” Saad ni Charm sa babaeng may pulang buhok.

***

Sa isang tagpi-tagping kastilyo na binansagang “The Barn!” ng mga naninirahan ditong Sheeps, makikita ang dalawang babae na naglalakad sa isang pasilyo.

Ang isa ay may brunnete na buhok, si Aliya. Ang isa pa ay si Alfina, ang rank-A witch ng Black Sheeps.

Huminto ang dalawang babae sa tapat ng isang pinto. “This will be your room. Feel at home.” Masayang saad ni Alfina

Simple lamang ang loob ng silid, subalit napakacozy nito. “This is perfect! Thanks Alfina!” Masayang saad ni Aliya.. Hindi na sya makapaghintay simulan ang buhay bilang isang guild-member ng Black Sheeps!

“Since it's already late, I'll go ahead so you can rest. If you have questions, my room is just two doors away.” Alfina

“Thank you, good night!” Aliya

Masaya syang pumasok sa silid. May mga stufftoys sa loob ng silid! Ang cute! May bookshelf din na puno ng mga aklat. Agad nyang chineck kung ano ang mga ito. Grimoire! Mga book of spells ang mga ito. Mayroon ding ilang mga aklat na mukang nobela. Aliya easily got bored kaya iniwan nya na ang mga aklat. Agad syang nag pagulong-gulong sa kama.

She's sooooo satisfied. This guild is perfect for her! Isa na lang ang kulang sa buhay nya ngayon. Lovelife!

Maganda naman sya. May pleasing personality. She's also a low key genius. Bakit wala pa rin syang love life? Ito ang pinakamalaking misteryo para kay Aliya. Sa mga guild member na nakasalamuha nya kanina, wala man lang naka-attract sa kanyang atensyon. That Alfred dude was hitting on her, kaso hindi nya type. Totoo siguro ang forever? Forever alone na lamang yata sya.

Noong sumpungin sya ng antok at nahiga sa kama ay saka nya lamang napansin na may spacial magic pala sa kanyang silid. Sa kisame ay makikita ang mga bituin. It's mesmerizing.

Agad nyang naalala si Charm. Nakikita din ba ni Charm ngayon ang napakaperfect view ng mga bituin sa mundong ito? Kumusta kaya ang training nito? Nalulungkot si Aliya na wala syang maitulong sa kaibigan. Charm's powers are growing stronger, kailangan din lumakas ni Aliya upang magawa nyang makasabay sa kaibigan. Hindi nya nais maiwan. She wants to walk beside her, not behind her. Charm is her bestest friend after all!

Naalimpungatan si Aliya mga bandang alastres ng madaling araw. Sa Hindi matukoy na dahilan ay Hindi na sya dalawin pa ng antok. Masyado ba syang excited para sa first day nya bukas? Este mamaya?

Ipinikit nya ang kanyang mga mata sa pag-asang muli syang makakatulog.

Subalit nabigo sya.

Isang kakaibang tunog ang umagaw sa kanyang atensyon. Hindi sya sigurado subalit may narinig syang pag bukas at pag-sara ng isang pinto.

Napagdisisyonan nyang bumangon mula sa kama.. Sobrang tahimik ng gabi, malalim na ang pagtulog ng lahat. Tila  dumagundong sa buong lugar ang pag bukas ni Aliya sa pinto. Masyadong tahimik. Wala ding nakabukas na ilaw kaya walang makita si Aliya kung Hindi purong kadiliman.

Namangha si Aliya sa automatic na pag-on-and-off ng mga ilaw habang naglalakad sya sa madilim na pasilyo.

Tahimik syang naglakad. Pakiramdam nya ay nakatingin sa kanya ang mga nakaguhit na tao sa bawat painting na nakadisplay sa pasilyo.

“A-ang creepy.” Bulong ni Aliya

Habang tumatagal ay nagiging malinaw Kay Aliya ang tunog ng isang orasan.. Papalapit.. Papalapit na sya sa tunog.

“Why are you still awake?” isang malalim na tinig ang nagpatalon kay Aliya sa gulat.

Napahawak sya sa kanyang dibdib. Muntik na syang atakihin sa puso!

Bwisit na bwisit sya sa nanggulat sa kanya.

Mula sa kanyang likuran ang tinig kung kaya agad nya itong hinarap.

“Grabe ka! Ginulat mo k---”

Nabitin sa hangin ang mga salitang sasabihin nya. Isang matangkad na lalaki ang natagpuan nya sa kanyang likuran! Napakaperfecto ng gwapo nitong muka. Unang napansin ni Aliya ay ang mga labi nito na naka-curved sa isang napaka-sexy na smirk. Sunod ang mga mata nito na nakakapang-akit. Feeling ni Aliya mas mahaba pa ang mga pilik mata nito kaysa sa kanya! Nagtama ang kanilang mga mata, sa mga sandaling ito ay alam na ni Aliya. This guy is the One! Kyaaaah!

“Sorry for startling you. It’s still early, go back to bed little sheep.” Saad ng lalaki sabay pat sa kanyang ulo.

Natameme lang si Aliya.

Nilampasan sya ng lalaki without even saying goodbye. Pero hindi na yun napansin pa ni Aliya. She's shookt.

Sino ang gwapong lalaki? Is he a god? Even nymphs and muses won’t be able to sing a song that will give justice to this man's perfection and manliness! He is definitely the Man of Her Dreams!

Noong lumingon sya para itanong kung ano ang pangalan nito, wala nang ibang Tao sa pasilyo. Mag-isa na lamang syang muli.

Saka nya lamang narealized, hindi ba automatic nag-on-and-off ang mga ikaw kapag may naglalakad sa pasilyo? Bakit hindi ulilaw ang mga ito sa pag-daan ng lalaki?

M-multo?

Nagising si Aliya sa mga katok sa kanyang pintuan. Bose’s ni Alfina ang maririnig na tumatawag sa kanya.

Excited na nagtungo si Aliya sa “Pasture”, ang silid kung saan sila nagsasama-sama. Isa itong silid na mukang isang malawak na cafeteria na may bar tending station sa isang sulok.

“Feeling ko nasa Fairytail guild ako dahil sa vibes ng lugar na ito!” excited na isip ni Aliya

Masagana ang almusal na ikinasaya ng patay-gutom nating bida.

“Kumusta ang unang gabi mo dito? Nakatulog ka ba ng mahimbing?” usisa ni Alfred sa dalaga

“Yes.” Biglang naalala ni Aliya ang nangyari noong alastres ng madaling araw. “May tanong pala ako. May multo ba dito sa guild?”

Agad nasamid ang lahat ng nakarinig.

Nagtaka si Aliya sa reaction ng lahat.

“B-bakit?” Aliya

“May naramdaman ka bang kakaiba?” Alfina

“Nagparamdam na sayo agad yung multo hihi.” Lucia

“Wala namang nagparamdam sakin. Pero may nakita akong tao kagabi.” Aliya

Napatayo sa gulat ang lahat.

“Nakita mo ang multo?!”

“I-impusible! Ilang taon na ko nandito pero ni minsan Hindi sya nagpakita sakin!”

“Anong itsura nya?”

“Isa ba syang white lady?”

“Batang multo?”

“Or isang lalaki? Mandalas kasi akong makarinig ng mga yabag sa gabi.”

“Oo nga. May naririnig akong tumatawa sa kalagitnaan ng gabi.”

“Si Lucia lang yun. Naririnig ko din ang tawa nya minsan.”

“Pero bakit nagpakita sayo ang multo? Perks ba yun ng pagiging powerful mo?”

“Sandali lang! Pakinggan muna natin ang mga nangyari.” Sabat ni Alfina

“Ahm hindi ako sure kung multo talaga yung nakita ko.” Aliya

“Ano bang nangyari? Paano mo sya nakita?”

“Nagising ako nung mga bandang 3am.. Hindi ako makatulog. Then may narinig akong nagbukas ng pinto somewhere. Out of curiosity, I decided to check it out. Baka kasi akyat-bahay, mabuti na ding i-check diba? So nadiscover kong nakapatay ang mga ilaw. It was really creepy now that I think about it. Good thing is, automatic na nag-on-and-off ang mga ilaw sa pasilyo nitong palasyo..” Aliya

“Akyat-bahay?/You think sa Panget ng reputasyon natin may magtatangka pa?” Sofiya, yung nerd.

“Well malay ba natin?” Aliya

“Aliya's right. It was her first night here. Better safe than sorry. Anyway, about that automatic lights, it''s actually Lucia's magic. She's good with manipulation magic. She cast a spell to make the lightings automatic around the castle. Kailangan nating magtipid since napakalaki nitong kastilyo, kokonti lang ang job offers natin.” Alfred

Walang electricity sa Aralon. Iba ang power source na kanilang ginagamit.

“So that explains the weird lightings. Anyways, hindi pa ko tuluyang nakakalayo mula sa kwarto ko nung nagulat ako kasi may biglang nagsalita sa likod ko.” Aliya

“Y-yung multo??”

Nagtataka si Aliya kung bakit takot sa multo ang mga mage na kasama nya..

“I don’t know if he is truly a ghost..” Aliya

“Ano bang itsura nya?” usisa ng lahat

Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Aliya noong maalala nya ang napakagwapong muka ng binata. “Kyaaaaahh!” tili nya

Nagtaka ang lahat sa naging reaksyon nya.

“Bakit muka syang kinikilig??” tanong ni Alfina

“Don’t know hihihi.” Lucia

“Sobrannnnnng gwapo nya. Impusible na isa syang multo.” Aliya

“Gwapo? Baka si Boss lang yung nakita mo?” Alfina

“Nuh.. Hindi si boss yun.” Aliya

“Kung gwapo tsaka feeling mo di naman multo, bakit ka pa nagduda at nagtanong samin kung may multo? May iba pa bang nangyari?” Alfred

“Ah! About that. Napansin ko kasing hindi nag-on-and-off yung mga ilaw sa paglitaw at paglaho nya. Multo ba talaga yung poging lalaki kaninang 3am?” Aliya

“Natural multo yan! May sensor yung mga ilaw natin. Once na mayroong living soul nearby, automatic na iilaw yung mga bumbilya.” Alfina

“Unless it's boss. His presence is really weird. He is the Wizard of Death after all.” Alfred

“Nuh, like I said, hindi si boss yun.” Aliya

“Kung gwapo yung multo gusto ko din syang makita. Hik..” Saad ni Katana, yung babaeng umaga pa lang tumutungga na ng alak imbes na kape.

“Me too.” sang-ayon ni Alfina

“Girls. Tsk. Tsk.” Naiiling na saad ni Sabino

“Mas maganda sana kung hot babe yung multo.” Alfred

“Hay naku Alfred.” Alfina

“Anyway, Aliya plano mo bang tumanggap ng job offer sa first day mo?” tanong ni Sofiya, yung nerd na kumakain ng tinapay habang lumulutang sa ere..

“May mga unfinished jobs pa na nakapaskil sa board. Madalas kasi kaming pumalpak sa missions hihihi.” Lucia

“Yes, I will check it out later. Asan pala si boss.” Aliya

“Nasa gay bar siguro..?” Alfina

“Huh?” Aliya

“Or baka nambabae..?” Alfred

“Nagpapakalunod sa alak sa kung saang bar..?” Katana

“Nagsusugal sa casino hihihi..?”

“Isnt he too old to be doing all that?” nagtatakang tanong ni Aliya

“Too old? 24 lang si Boss oyy.” Katana

“Twenty four?!!” Hindi makapaniwala si Aliya

“Yeah. At the age of twelve naging isa sya sa Six Titans of Forbidden Magics. In the span of two years, his name echoes on all the corners of Aralon. He grew too arrogant, that was when he met the Witch of Carnage! He was beaten like a dog. Sayang, sana nakita ko yun. Tatawanan ko talaga si Boss!” Alfred

“W-wow.” React ni Aliya.. Humahanga na talaga sya sa boss nila. He's super strong. Besides, walang masama na matalo sya ng Witch of Carnage. Aliya views her tita Cassiopeia on the same level as Charm. She's unbelievably powerful!

“You guys surely loves to talk behind my back sooooo early in the morning.” Saad ng isang pamilyar na tinig habang naghihikab pa..

“Boss!!” masayang bati ng lahat

“Don’t fucking think of giving me hugs. I'm fucking tired. I was summoned in the palace so early in the morning tsk.” Iritableng saad ni Lennox noong akmang tatayo ang lahat para salubungin sya

Pero ganun pa man, tumayo pa rin ang lahat para salubungin sya.

Natawa si Aliya sa narinig. Their boss truly talks like a boss. Nilingon nya ito at nagtaka kung bakit di nya ma-spot-an kung nasaan ito.

“Pffft. You look weird boss. Ang gwapo mo sa suot mong tuxedo.” papuri ni Alfina sabay backhug sa isang pamilyar na lalaki.

Nalaglag sa lupa ang panga ni Aliya. Oh well, exaggeration yun. Pero nagulat talaga sya.

Sya yun!

Yung the One ni Aliya!

“Boss you're truly godlike. Just marry me already.. Cheers!!!.” Biro ni Katana sabay wagayway sa hawak na bote ng alak

“No no no! I will be his one and only wife hihihi..” Lucia

“Boss sana naging babae ka na lang huhuhu my heart.” Alfred

“Oyyy Aliya! Come join in on the fun!” Katana

“Diba mukang ibang Tao si boss kapag nagshave sya? Halika dito. Bolahin mo din si boss bwahahahaha!” Alfina

Nagtama ang mga mata nina Aliya at Lennox. Ngumiti ang lalaki. “How’s it going little sheep?!”

Feeling ni Aliya hihimatayin sya sa ngiting yun. Tila may nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa lalaki. Nag-aawitan ang mga anghel. Hindi alam ni Aliya kung saan nagmumula ang sound effects na naririnig nya!

Ito ba ang nararamdaman ni Sunako Nakahara every time na makakakita sya ng gwapong nilalang?! Hindi nyo kilala si Sunako Nakahara? Oh gods! I-google nyo please lang.

“I can’t do this. Masyado kang gwapo boss!” saad ni Aliya sabay karipas ng takbo

Hindi nya kayang huminga sa presensya ng lalaki. Sobrang gwapo nito. Tao ba sya?

“Anong nangyari kay Aliya?” Alfina

“I think she got pressured by your Alluring Magic boss.” Sofiya

“Pffft.” Hindi mapigilan ni Lennox na matawa. He is half human, half Nightmare, isang nilalang na may inborn magic na mang-akit. His Alluring Magic doesn’t affect those who knew that he have it. Bawat myembro ng Black Sheeps ay alam na nagtataglay sya ng inborn magic na ito kaya Hindi sila tinatablan ng kanyang mahika. Pero ito ang unang pagkakataon na may maencounter syang Tao na kayang labanan ang Alluring Magic nya without knowing about it. Hindi maiwasang ma-curious sya lalo sa dalaga.

Ito na ba ang simula ng matagal nang hinihintay na pag-ibig ni Aliya?

~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top