Tale 59
Tale 59
Separate Paths
"Always be like air, it's presence is not felt, but it's absence will make everyone dead."
-WizardInTraining, a guide to Wizardry by Helena Fox
Ang guild na White Wolves ang kinikilalang number one guild sa buong kaharian ng Ignis. Bawat myembro ng guild ay kinikilala bilang mga elite mages. Mayroon silang apatnaput' walong myembro na parte ng top 1000, habang ang guild master naman nila ay ang Sorceress of Storms na rank 64 sa Tree of Origin.
Si Magnolia ang isa sa pinakabatang Rank A wizards ng White Wolves sa edad na twenty three, she went through hell to climb up the ranks kaya Hindi nakapagtataka na makaramdam sya ng iritasyon sa presensya ng isang bagong muka. Isang rookie! Hindi ito dumaan sa normal recruitment ng kanilang guild. Isa syang backdoor recruit. Worse, she was given the same rank as Magnolia kahit wala pang nagagawa kahit isang misyon ang rookie! Soooo unfair! Kilala ang kanilang guild master sa pagiging just and fair nito, pero bakit parang may nagaganap na favoritism? Hindi ito makatarungan!
"I heard her name's August. Napakabata nya pa. She's only twenty.. I wonder kung saang noble family sya nagmula para makatanggap ng special treatment mula sa guild master." Saad ni Danaya, 27, isang Rank A sorceress at kaibigan ni Magnolia.
"Her background must be supeeeeeeer deep to climbed the ranking just like that." Saad pa ni Fhona, 25, isang rank A witch na kaibigan din nina Magnolia at Danaya.
"Pero ang weird, I don't even know her. Saang noble family sya nagmula? Bakit never ko pa syang nakita before?" Magnolia
"Same here. I don't know her." Fhana
"Oh come on, maybe she's from a different kingdom. Hindi naman natin kilala ang lahat ng nobles ng buong Aralon, duh." Danaya
"Kung sa bagay. Baka isa syang fresh grad ng Aurum MU.." Fhana
"Hala, baka isa sya sa mga babaeng yun!" Bulalas ni Danaya
"Sino?" Magnolia
"Yung mga bagong mage ng top 25!" Danaya
"Impusible! Hindi pa bumabalik sina Julius at ang team nya na pinadala para irecruit ang mga bagong top 25!" Fhana
"Tama si Fhana. Impusible yan.. Si Julius ang number one Rank S mage ng White Wolves, ilang linggo na sya sa misyon at dahil di pa sya bumabalik, ibig sabihin Hindi nya pa narerecruit ang mga mage na pakay nya." Magnolia
'Kung sa bagay. May point kayo. Haha napakaimpusible nga ng iniisip ko." Danaya
"Tsaka napakababa ng chance na marecruit ng sinoman ang mga myembro ng top 25. Since napakabata pa nila, there is a higher chance that they would join in order to grow and make a living so everyone is taking the chance." Fhana
"But I heard that the new mages of the top 25 are forming a guild. There are rumours that they are working for the Witch of Apocalypse! Everyone is wary because if it's true, they will be the strongest guild ever. They can even surpass the Council in terms of raw strength!" Magnolia
"Pero of course, raw strength is not enough. They need resources, fund and connections too." Danaya
"Besides, the five kingdoms would not allow the rise of a possible threat---"
"Shhh.. The rookie! Dadaan sya." Magnolia
Agad tinaasan ng kilay ng tatlong babae si August noong dumaan ito sa kanilang harapan. Sinuklian ito ni August ng isang malamig na poker face.
"Nice pigtails." Saad ni August saka nilampasan ang tatlo
"What the F! Nakita nyo yun?! Ang yabang ng rookie na yun! And she's definitely mocking my hair!" react ni Magnolia pagkaalis ni August
"My gods! Sino sya sa palagay nya?!" Danaya
"Hmmmmmmmp! Turuan natin syang lumugar! She needs to learn her lesson!" Fhana
"Ipamuka natin sa kanya na seniors nya tayo dito sa guild!" Magnolia
"Turuan natin sya ng leksyon!" Danaya
Nag-apir ang tatlo. Kawawa naman sila. Wala silang kamalayan na gumagawa sila ng hukay para sa mga sarili nila.
Side ni August: "Her hair is really cute. Maybe I should try that hairstyle sometimes." Sa isip ng dalaga habang inaalala ang pigtails ni Magnolia.
***
Ang Silver Dawn ang tinaguriang #1 guild sa buong Gorgona. Ang guild master nito ay ang Wizard of Cataclysm na ranked 40 sa Tree of Origin ranking. Mayroon silang apatnapu't dalawang myembro na pasok sa top 1000.
Si Trenton ay ang ten years old na apprentice ng Wizard of Cataclysm. Kahit pa dugo at laman sya ng guildmaster ng Silver Dawn, Master ang tawag nya sa kanyang ama.. Malaki ang paghanga nya dito. Idolo nya ito. Balang araw ay sya ang hahalili dito bilang guild master ng Silver Dawn, Hindi na sya makapaghintay! Nais nya nang lumakas!
Ngayong araw ay kababalik nya lamang kasama ang ilang mages ng kanilang guild mula sa isang mission. Hindi sya parte ng naging misyon, bagkus ay tagapag-obserba lamang sya bilang parte ng kanyang training. Karaniwan ay agad syang sinasalubong ng bukas palad ng buong guild, subalit kakaiba ang araw na ito.
Isang batang babae ang nakaupo sa paborito nyang pwesto sa lounge ng guild! Sino ang batang yun?! At bakit masaya at magiliw syang kinakausap ng lahat?!
"Trenton nagbalik ka na pala!" puna ng isa sa mga Rank B mage ng kanilang guild
"Trenton!"
"Nandito na sya!"
"Dalian nyo! Ipakilala nyo ang future girlfriend nya sa kanya!"
"Hihi Trenton halika, may ipapakilala kami sayo."
Agad kumunot ang noo ng batang lalaki. Ano ang pinagsasasabi ng mga gurang na ito? Hindi nya maunawanaan dahil sa age gap nila.
"Sino sya?" naiiritang tanong ng batang lalaki
"Hala, mukang walang sparks."
"Trenton, maging magalang ka, isa syang prinsesa mula sa Crystal Nation."
Iba ang Gorgona sa apat pang kaharian. Ito ang tanging kaharian sa Aralon na may nasasakupang sub-kingdoms. Ang Garden of Sirens na tahanan ng mga sirens, ang reyna nito ay ang ina ni Roma. Ang Crystal Nation na puro mga tao ang mamamayan. Ang Moonlight Lake na tahanan ng mga water sprites at water spirits. Ang huli ay ang subkingdom na tinatawag na Pure, isang lupain na nagpapakita ng diversity sapagkat dito matatagpuan ang ibat-ibang mamamayan na mapayapang nabubuhay ng magkakasama. Ang apat na subkingdoms ang syang bumubuo sa kaharian ng Gorgona na hawak ng pamilya Alexus.
So prinsesa ang batang babae?
"Wala akong pakialam. Bakit sya nandito?"
Napaface palm ang mga guild members ng Silver Dawn. This kid is hopeless.
"Trenton meet Princess Alivia, sya ang future wife mo!"
"Wife? Pagkain ba yun? Tsk. Hindi ako interesado! Paalisin nyo sya dito!" Trenton
Napasinghap ang lahat.
"Hoy! Bakit di ka namamansin? Bingi ka ba?!" Trenton
Lumingon si Alivia sa direksyon ng batang lalaki. Napapaisip sya kung sino ang maingay na batang ito.
"Hindi mo siguro ako kilala? Ako lang naman ang susunod na guild master ng Silver Dawn! Ang master ko ang pinakamalakas na mage! Kaya ka nyang tirisin!" Trenton
"Hindi pa naman ikaw ang guild master ngayon. Wala ka pang karapatang mag malaki dahil ang Silver Dawn ngayon ay achievement ng current guild master, Hindi ng future guild master." Saad ni Alivia
Nagkatinginan ang mga tao. Mukang hindi maganda ang naging simula ng dalawang bata. Paano na ang plano nilang matchmaking?
"H-hoy prinsesa ng Crystal Nation! Wala akong pakialam sa opinyon mo! Umalis ka dito! Hindi ito lugar para magfieldtrip ka!" Trenton
Isang karate chop ang tumama sa ulo ng batang lalaki.
"Anong field trip ang sina sabi mong bata ka? Sya ang pinakabagong myembro ng guild natin!" Saad ng guild master ngSilver Dawn, si Triton.
"M-master?" nagulat na saad ni Trenton sa pagsulpot ng kanyang ama.. Then saka lang naproseso ng utak nya ang sinabi nito.. Bagong myembro??
"Pero isa lang syang bata!" reklamo ni Trenton
"Pero makapangyarihan sya." Triton
"Hindi ako naniniwala!" Trenton
Isa muling karate chop ang tumama sa ulo ng bata. "Wala akong pakialam. Malakas sya maniwala ka man o hindi. Magpractice ka pa ng magpractice para lumakas ka din! Magkaedad lang kayo pero isa na syang napakalakas na mage!" saad ni Triton, mas malakas pa ang magic ni Alivia kesa sa kanya, pero Hindi nya ito aaminin sa harap ng anak nyang iniidolo sya, masisira ang image nya dito.
Sumimangot si Trenton. Totoo ba na isa nang mage ang batang babae? Mukang mahina ito. Agad nyang binelatan si Alivia at saka sya tumakbo patungo sa training room bago pa man sya makarate chop muli ng kanyang Master.
Mukang mauunahan pa ni Alivia na magkalovelife si Aliya!
***
Samantala, ang guild na tinatawag na Mermaid Tears ay isa sa mga pangunahing guild ng Gorgona. Sinasabi na ito ang karibal ng Silver Dawn sa titulong number one! Ang guild master ng guild ay ang Witch of Amazon, top 47 sa ranking ng Tree of Origin.
Mahigpit na patakaran ng guild na tanging mga babaeng myembro lamang ang maaaring maging parte ng kanilang guild. Ang mga lalaki ay walang silbi! Ang mga kababaihan ang mas nakahihigit na kasarian!
"Lady Samara napakalakas ng mahika mo!" buong paghangang saad ng mga guild members ng Mermaid Tears
"Maraming salamat." Mayuming tugon ni Samara. Napalilibutan sya ng mga kababaihan na nakabaluti, muka silang mga mandirigma sa halip na mga mage. Masyadong out of place si Samara na mukang isang porcelana sa gitna ng mga bato. Maganda ang bawat isa sa guild, subalit dahil sa kanilang bihis ay nakakaintimidate silang tingnan. Sa halip na humanga ay matatakot lamang ang titingin sa kanila.
"Kung nanaisin mo ay handa akong isuko ang titulong guild master sayo Lady Samara. Mas nababagay ka bilang aming pinuno!" pagtatapat ng Witch of Amazon sa kanyang saloobin. Sobra ang paghanga nya sa babae. Kabilang si Samara sa top 15, isa sya sa pinakamalakas na mage sa buong mundo! Hindi ba at mas nababagay syang pinuno nila?
Natawa si Samara. Tila musika ang kanyang pagtawa sa pandinig ng bawat isa sa guild. Nahuhumaling ang lahat sa taglay na kakaibang temperament ng dalaga. Tila kahit bumagsak ang langit ay mananatili itong kalmado.
"Maraming salamat sa appreciation mo sa taglay Kong mahika, subalit mas nais kong magsilbing suporta mo Lady Primrose." Saad ni Samara
"S-sigurado ka ba??" tanong ni Primrose, ang Witch of Amazon
"Yes, you will lead us in the light, and I will support you in the shadow." Nakangiting sagot ni Samara
"O-okay Lady Samara." Saad ni Primrose
Ngumiti si Samara. "Let's get along well everyone."
Sa mga Sandaling ito ay si Samara na ang idolo ng lahat. Tila isang dyosa ang tingin sa kanya ng bawat myembro ng Mermaid Tears. Way to go Samara!
***
Ang Jinx Clovers ang may hawak ng titulong Number One guild sa buong Aragon. Mayroon silang pitumpu't walong myembro na pasok sa Top 1000 mages ng Aralon including their guild master, the Wizard of Grim.
"Welcome to the guild, we as the strongest among our peers are responsible in maintaining peace and order. We are obliged to carry out our missions with less or without casualties." Seryosong saad ni Falomina sa bagong recruit nila. Isa syang rank S witch ng Jinx Clovers at sya ang naatasan na mag-orient at magtour sa new recruit ng kanilang guild.
"Sorry to disappoint you Barbie Doll, but I don't give a shit about peace and order. And casualties? Expect casualties because that's what I do, fire is both a friend and a foe, bitch." Saad ni Astrid habang chill na chill na ngumunguya ng chewing gum
Nagsalubong ang kilay ni Falomina. Unang kita nya pa lamang Kay Astrid ay Hindi nya na ito gusto. She's a backdoor recruit. She's wild, untamed, rebellious. She totally hates this kind of people. Falomina is the embodiment of righteousness, hard work, morality and virtue. She never once break a rule. She never go back on her words. She and Astrid are total opposites. Kung hindi lamang dahil sa taglay na kapangyarihan ni Astrid, marahil ay Hindi sya pagtsatsagaang kausapin ni Falomina.
"Well it's up to you Ms. Astrid, the Clovers is a diverse group of people with different types of magic. Since fire is commonly known as a destructive magic, then we won't expect you to hold back just because we asked you to." Nakangiting sabat ni Felicia, isang Rank S wizard ng Jinx Clovers, unlike Falomina, mas chill ang isang ito. Mahinhin sya at mukang magaan kausap.
Tumango si Astrid. "I like you better than this stiff Ms. Righteousness, what's your name again?"
"Felicia Luna Walker. And this stiff girl is my younger sister, Falomina." Nakangiting tugon ni Felicia
"Walker? Hmmm? San ko ba narinig ang apilidong yun noon?" napapaisip na tanong ni Astrid
Inayos ni Falomina ang suot nyang eyeglasses, "Dahil muka namang nagkakasundo kayo, aalis na ko. Ngayong araw gaganapin ang semi-annual guild recruitment sa DresRossa. Kasama ako sa recruiters and I'm already late." Sabat ni Falomina
"Sure, take care of yourself on the way." Paalala ni Felicia sa kapatid
"I'm not a kid. Farewell." Pa alam ni Falomina
"Farewell, bitch." Astrid
Hindi na pinag-ukulang pansin ni Falomina ang sinabi ng dalaga, she's slowly adapting to Astrid's way of talking.
"So tell me how to climb the rankings, I wanna be an S rank soon." Saad ni Astrid
"Do not worry, with your personal strength and ranking in the tree of origin, it won't be long before you become a Rank S, Ms. Astrid." Nakangiti at kalmadong tugon ni Felicia
"That's good to hear. I really like your calm demeanour, you remind me of someone. Nararamdaman Kong magkakasundo tayo." Astrid
"I'm glad to hear that." Felicia
Somewhere in Gorgona, sa isang silid sa guild na tinatawag na Mermaid Tears, bigla na lamang napabahing si Samara. "May nakaalala ba sakin?" sa isip ng dalaga
***
Ang Onyx Anchor ang binansagang ikalawang pinakamalakas na guild ng Aragon. Mayroon silang pitumpu't anim na myembro na parte ng top 1000mages ng Aralon kabilang na ang kanilang guild master, ang Wizard of Euphoria.
"This is the main hall where every job offers from the outside is being posted. That girl working on the counter is Layla, once you choose a certain job, just ask Layla for the details. She will guide you." Paliwanag ni Maya, isang Rank A witch na naatasan magtour sa tatlong new recruit. Importante ang tour na ito sapagkat kabilang sa mga bagong recruit ang Witch of Slaughter, si Flay Eclipse Walker. Marami nang narinig na tsismis si Maya ukol sa babae. Marami na daw itong binawing buhay, at sa bawat laban na kina harap nito ay bumabaha ng dugo. Who would want to mess with a psycho like her?
"Any questions?" tanong ni Maya
"Nakapaskil na ba sa board na yan ang lahat ng job offers? Or is there a certain rule or any unspoken rule to follow in accepting jobs? For example, paano naiiba ang job offers per ranking? Ano lang ang pwedeng tanggaping job offer ng isang rank C? Rank B? Rank A? And Rank S?" tanong ni Flay
Napalunok si Maya. Muka namang mabait at very approachable si Flay subalit Hindi pa din maiwasang matakot ni Maya. "G-good question. Actually ang mga job offers lang na nasa board ay para sa mga Rank A to Rank C mages ng guild. May mga requirements na dapat mameet para sa bawat job offers sa board. For example, Class C jobs lamang ang maaaring tanggapin ng mga Rank C mages at Hindi na pwede ang mas mataas pang class. Same sa higher rank. Class A jobs for Rank A mages pero pwede silang tumanggap ng class C and class B jobs pero hindi pwede ang class S. Mababali lamang ang rule na ito sa mga job offers kung saan required na bumuo ng isang team, halimbawa nito ay kapag ang isang Class B job offer na pwedeng tanggapin ng isang Rank C as long as may mga Rank B sa team na binuo nila."
"In short, pwedeng tumanggap ng masmababang job offer ang mga mage na may mataas na rank..? Pero ang mga mababa ang rank ay Hindi pwedeng tumanggap ng mas mataas na job offer. Pero paano ang mga job offer para sa mga Rank S mages?" usisa pa ni Flay
"Nasa second floor ang job offers para sa kanila. Restricted area yun at Hindi applicable ang pagbend ng rule. Tanging mga Rank S lamang ang allowed tumanggap ng mga job offers mula sa 2nd floor." Maya
"Kahit pa may kasamang Rank S ang isang Rank A sa isang job offer na required na bumuo ng group, bawal pa din po?" tanong ng isa sa mga naging recruit
Tumango si Maya. "Strictly for Rank S lamang."
"May mga katanungan pa ba kayo?" Maya
Umiling sina Flay..
"Then let's move on." Maya
Lumabas sila ng gusali. Malawak ang nasasakupang lupain ng Onyx Anchor, tila isang malawak na subdivision ang lugar dahil may nakalaan na quartets para sa bawat myembro.
"Ang gusali na kulay puti ay ang magic hospital. Ang isang yun naman ang Training area. May recreational building din tayo kung saan pwede magrelax ang mga myembro. Madalas dyan nakatambay ang lahat kaya feel free to join in on the fun." Maya
Inilibot ni Flay ang kanyang paningin sa lugar. Humahanga sya sa ganda ng nasasakupang teritoryo ng Onyx Anchor. Maaliwalas ang paligid at masagana ito sa mana! Higit sa lahat napakakomportable ng pamumuhay ng lahat sapagkat nandito na ang lahat ng pangangailangan nila!
Napahinto ang mga mata ni Flay sa isang parte ng lugar. Isang bakanteng lote. Subalit sa pinakapuso nito ay may isang altar, at sa paanan nito ay isang pamilyar na gintong punyal ang nakatarak.
"Ms. Maya ano ang lugar na iyon?" tanong ng isa sa mga bagong recruite na napansin din pala ang bakanteng lote tulad ni Flay.
"Ahh yun ba? Isa iyong hindi natapos na altar." Maya
"Bakit Hindi natapos ang pag gawa sa altar? Tsaka para saan po yung punyal??" usisa ng isa
"Isang mahaba at komplikadong kwento. Kilala nyo ba si Cohen?" tanong ni Maya
"Opo! Isa din syang Rank A mage tulad mo Ms. Maya!"
"Tama kayo.. Ilang linggo na ang nakakaraan, isang masamang pangyayari ang sinapit nya." Maya
Agad na-curious ang mga new recruits. Kumunot naman ang noo ni Flay. May Hindi sya magandang kutob sa direksyon ng usapan na ito.
"Ilang linggo na ang nakararaan, isang pillar ng liwanag ang lumitaw sa kaharian ng Gorgona. Si Cohen ang syang naatasan na mamuno sa pag-imbestiga dito. Doon ay nakaharap nila ang mortal na karibal ng ating guild, ang Violet Thunder, ang number 3 guild ng Aragon." Maya
"Nakipagsagupaan ba sya sa Violet Thunder ms. Maya? Sila ba ang nasa likod ng masamang sinapit ni Sir Cohen?"
Umiling si Maya.. " Nakipagpaligsahan sila sa Violet Thunder, subalit Hindi sila ang nasa likod ng masamang pangyayari."
"Kung ganoon ay sino?"
"Isang scammer. Isang rouge beast tamer na nagpakilala bilang Liza Soberano, nilinlang nya ang lahat na isang makapangyarihang magic tool ang punyal na nakikita nyong nakatarak sa paanan ng altar. Nakipagbid si Cohen sa Violet Thunder at nagwagi sa pagbili ng punyal sa isang napakalaking halaga! Hanggang ngayon ay baon pa din sa utang ang kawawang si Cohen! Kaya naman bilang paalala sa kahihiyan na sinapit ng ating guild, isinumpa ni Cohen sa altar ni Coellum na hindi nya malilimutan ang scammer na iyon! Kailangan pa man!" Maya
"Nakakatakot naman."
"Tandaan nyo ang pangalang Liza Soberano, dapat nyo syang iwasan.. Nasa wanted list na sya ng ating guild." Maya
"Napakasama nya!"
"Paano kaya nakakatulog sa gabi ang scammer na yun?"
"Oo nga. Halos hindi na natutulog si Cohen kakatrabaho upang makapagbayad ng utang." Maya
"Grabe. Wala sigurong kunsensya ang scammer na yun!"
"Sobra sya. Maitim sigurado ang budhi nya!"
Hindi na maipinta ang muka ni Flay sa mga Sandaling ito dahil sa naririnig nya. Hindi na sya sigurado kung tamang desisyon na dito sya sumali sa Onyx Anchor.
~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top