Tale 55

A/N: Super short, sorry. It's only 23 but nyways, Merry Christmas everyone! :)


Tale 55
Fated Meetings


People binded by fate will always meet even if the whole world is against it.”
-TheSorrowOfTheGods, translated by Alena Hart

Ang Silas ay isang mapayapang syudad noon. Nagbago ang lahat sa nangyaring insidente ilang linggo na ang nakakaraan. Nagkaroon ng matinding sunog sa labas ng syudad dahil sa isang magic duel na naganap doon.

Ilang katao ang natagpuang nababalot sa yelo. Pinaghihinalaan na sila ay mga myembro ng isang dark guild. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa din magawang kontrahin ng sinoman sa Silas ang spell na ginamit sa mga ito kaya hanggang ngayon ay Hindi pa nakokonpirma ang kanilang totoong katauhan. Sa kasalukuyan ay ilang mga mages na ang kumilos upang i-contain ang apoy, inaasahang sa mga susunod na araw ay tuluyan nang maaapula ang sunog.

Sa isang kilalang restaurant sa puso ng syudad makikita ang tatlong kalalakihan na abalang kumakain. Mahahalata sa kanilang kasuotan na nagmula sila sa ibang bayan. Maraming mamamayan sa Silas ang walang mahika, lubusan nilang hinahangaan at tinitingala ang mga mage. Ang tatlong lalaki ay talaga namang nakakapukaw pansin dahil sa kisig na kanilang taglay kahit pa makalat silang kumain.

“Oyy Eon sakin yang siopao!!” reklamo ng isa sa mga binata, si Atticus, sabay hablot sa sipao na kakagatan na sana ni Eon

“Anong sayo?! Nakaapat ka na! Tig-isa na nga lang kami ni Cobalt aagawin mo pa!” ganti ng lalaki sabay bawi sa sipao, si Eon.

“Ang ingay nyo.” Reklamo ng ikatatlong lalaki, si Cobalt.

Nagpatuloy sa bangayan ang magkakaibigan..

Sa mata ng mga kababaihan ay tila mga mythical gods na nag-tatawanan ang tatlo.

Sa mata naman ng mga kalalakihan ay mukang mga patay-gutom na nag-aagawan sa pagkain ang tatlong lalaki.

Isang magandang babae ang nag lakas loob lapitan ang tatlo.

“Hi.. Mga dayuhan kayo tama?? Ako nga pala si Mischa, anak ng duke ng Silas, kung mamarapatin nyo, I'm willing to accommodate your stay. I will also—”

“Shoo.” Pagtataboy ni Atticus sa dalaga na naging sanhi ng pagsasalubong ng mga kilay ng babae.

“E-excuse me? Did you just say ‘shoo’??” Hindi makapaniwalang tanong ni Mischa

“Aha. Bingi ka ba?” Atticus

“M-mga walang modo! May araw din kayo sakin!” Hindi na nakapagpigil ng galit si Mischa, bumaling sya sa direksyon ng kanyang mga tagapagsilbi.. “Mga alipin, Tara na!” naiinis na saad ng babae sabay walk out kasunod ang mga tagapagsilbi nya.

“What's up with that weirdo? Bigla-bigla na lang lumapit satin tapos lakas ng loob magalit..” Eon

“She's probably not fully evolved? Her brain is wired differently?” Atticus

“Mga siraulo. Walang babaeng matutuwa matapos ipahiya.” Nailing na saad ni Cobalt

“Ipahiya? When did I?” Atticus

“Your poor choice of words from the very beginning.” Cobalt

“Hayaan nyo na. Taong kweba kasi tayo kaya wala tayong alam sa mundo. Tapusin na lang natin itong pagkain.” Eon

“Taong kweba??” react ni Atticus

“Kayo lang. Wag nyo kong isali.” Cobalt

At nagpatuloy ang bangayan nila.

“Mga bata, alam nyo ba kung sino yung binangga nyo?” sabat ng isang tinig

Napalingon sina Cobalt sa direksyon ng isang lalaki. Sa bihis at tinig nito ay mahahalata na isa itong mage.

“Uh? Sino ka naman?” tanong ni Atticus

“Isa sa mga tagahanga ni Binibining Mischa.” Guy

“Huh? May tagahanga ang babaeng yun?” nagulat na tanong ni Eon

“Wait, sino si Mischa?” Atticus

“Yung weird na babae.” Cobalt

“She’s not weird! She's just fierce! And brave!” guy

“Ok, if you say so.” Saad ng tatlo na halatang Hindi interesado

“Hindi kayo naniniwala? Teka, mga mage ba kayo? Kung oo, hinahamon ko kayo sa isang duelo! Kailangan kong ipaghigati si Binibining Mischa!” guy

“Hindi kami interesado..” -yung tatlo

“Wala akong pakialam!” saad nung guy sabay conjure ng isang espada

“Dude why are you being unreasonable?” reklamo ni Eon sabay cast ng isang spell.

Hindi maunawaan ng lalaki kung bakit hindi nya matamaan ang tatlong lalaki kahit pa saang direksyon nya ikumpas ang kanyang espada! Tila hangin lamang sila!

Ito ang nakakatakot na aspeto ng Time and Space Alteration magic. It can alter the fabric of time and space to create or destroy distance. Kahit pa kaharap lamang ng lalaki sina Eon ay may pumapagitang libo-libong milyang distansya at espasyo sa pagitan nila. Paano mo mahihiwa ng espada ang isang taong milya-milya ang layo sayo..? Walang kamalayan ang lalaki, hindi nya maunawaan ang nangyayari. What sorcery is this?

“Dude cool off your head someplace else. Wag mong abalahin ang pagkain namin.” Saad ni Eon at agad naglaho ang lalaki sa pagkumpas ng kanyang kamay. Teleportation Magic!

Under General Magic ang teleportation magic, subalit kinukunsidera itong isa sa pinakamahirap na magic. Pero para sa mga taong tulad ni Eon na ang mastery ay alteration ng time and space, maliit na bagay lang ang teleportation. One of the reasons why it is part of the forbidden magics is because of the ease of teleportation magic that can be learned under Time and Space Alteration Magic. Just imagine, if this type of magic is widespread, anyone can gather an army and teleport them to invade any of the kingdoms. War can easily start!

Although marami ang nakasaksi sa nangyari, hindi naman nila naunawaan ang mga nasaksihan nila. Hindi pamilyar ang mga tao tungkol sa forbidden magics kaya Hindi na katakata na clueless sila. Ang iniisip na lamang nila ay baka sadyang malalakas na mage lamang ang tatlong lalaki.

Samantala, si Rikha na nagmamay-ari sa restaurant ay tahimik na nag-oobserba sa isang sulok. Parte sya ng top 500 most powerful mages of Aralon, subalit for some reason ay hindi nya makalkula ang lakas na taglay ng tatlong lalaki. Isa lamang ang kahulugan nun, they are stronger than her!

***

“Ahhh! Nabusog ako. Gusto ko na matulog.” Humihikab na saad ni Atticus habang naglalakad sila sa maingay na kalye ng Silas.

“Tsk. We have a mission. I don’t want to drag your lazy ass so keep yourself together, man.” Eon

“Who do you think I'am? I'm the pinnacle of all creations. I don’t need you to drag my ass anywhere, dude that's just gross.” Atticus

“That’s just a figure of speech. Ahh forget it. Your brain is not capable of understanding logic.” Pagsuko ni Eon sa walang kwentang kaibigan.

Nahinto lang sa pagbabangayan ang dalawa noong mapansin nila na sa ibang direksyon sila patungo.

“Cobalt saan tayo pupunta?” tanong ni Eon dito dahil ito ang sinusundan nila kanina pa.

“Red strings.” Usal ni Cobalt

“Huh?” naguguluhang tanong nina Atticus

“The strings of fate. Something is off.” Cobalt

“Dude we can’t get sidetracked now. Papalabas na ng Silas ang daang tinatahak natin. May mission tayo, wag mo kalimutan.” Paalala ni Eon sa pinsan nya

“Dude the strings of fate is Cobalt's gift. We can’t just ignore it.” Saad ni Atticus

“Let's get this sorted first. What exactly is wrong with the red strings bro? Is it more important than our mission?” tanong ni Eon

“I can’t explain. But we have to hurry.” Tugon ni Cobalt

***

Sa labas ng bayan ng Silas, patuloy pa ring tinutupok ng apoy ang ilang parte ng kakahuyan.  May ilang mga mage na abala sa pag-contain sa sunog subalit ilan lamang ang may sapat na kakayanan. This are Astrid's flames, the Witch of Arson ranked 11th on the whole world, ordinary mages can't even get close to her flames cause they might burn and die.

Sa pinakapuso ng naglalagablab na apoy ay matatagpuan ang remnants ng naganap na laban. Mga tipak ng bato, mga espada at patalim sa lupa, maging mga biak ng yelo na Hindi kayang tunawin ng apoy ay matatagpuan sa lugar.

Isang binata ang makikitang nakaupo sa isang malaking tipak ng yelo. Raven ang kulay ng kanyang buhok. Ang kanyang gintong mga mata ay nakatanaw sa malayo.

Sa harap nya ay isang lalaking kamukang-kamuka nya, subalit mas nahubog na ng panahon ang matured at sopistikado nitong muka. Ang kanyang kulay abong mga mata ay puno ng karunungan.

“Anyone is fine right? You just need a new body and you’ll return my little brother.” tanong ng binatang mas nakakatatanda

“No, I need a body that won't easily crumble until I find her..” Sagot ng lalaking may gintong mga mata

“Why don't you take mine instead? My little brother and I share the same blood. We are both your descendants. What do you think?” nakangiting tanong ni Gray

“You are both my descendants. But my blood runs thicker on this body's veins. You will die in a day or two if I take your body from you.” Sagot ng lalaki

“You won’t know that until you try.” Nakangiting saad ni Gray

“Don’t try to trick me little mortal. You are alive right now because I don't mind listening to an insignificant ant. Don’t test my patience.” Saad ng malaking may gintong mga mata

“Noble god Ean, how sure are you that she's alive?” tanong ni Gray

“She’s born on this generation. That, I'am sure.” Sagot ni Ean habang nakatanaw sa malayo

“But where is she? Don't you think it's too much of a risk for you if it was all a mistake?” Gray

Bumaling ang mga mata ni Ean sa binata, kasabay nito ay ang malakas na pwersa na tumama Kay Gray..

“Y-you....” Hindi naituloy ni Gray ang nais nyang sabihin dahil napaubo sya ng dugo. Isang perpektong bilog na butas ang makikita sa kanyang sikmura na wala na ngayon. Kung Hindi nya ginamit ang pinakamalakas na defensive magic na taglay nya, marahil ay naging alikabok na lang sya ngayon.

“Do not try to trick me little mortal. I already warned you.” Casual na saad ni Ean na tila Hindi sya ang may kagagawan ng mga nangyari. “I’m keeping you around not because you’re my descendant, I just don’t mind keeping an ant crawling beside me. But one must get rid of an ant that irritates them don’t you think?”

“An ant huh?” tanong ni Gray, but more to his self. Gusto nyang matawa sa kanyang sitwasyon. Gusto nyang matawa sapagkat napakahina nya. Pero kahit pagtawa ay Hindi na nya magawa, he's too weak.

“I truly admire your brotherly love. But I only keep useful people alive. I have no need for you.” Saad ni Ean

Ipinikit ni Gray ang kanyang mga mata. Sa ganito lang ba magwawakas ang lahat? Hindi nya ba talaga kayang iligtas ang kanyang nakababatang kapatid? Sa mundo ng ito, mabibilang sa mga daliri sa kamay ang mga taong importante para sa isang selfish na taong tulad nya. Dalawa sa mga ito ang pinakaimportante. Ang isa ay ang kapatid na Hindi nya makayanang iligtas. Ang ikalawa any isang babae. Circe. Nais nyang makita si Circe kahit sa huling pagkakataon.

“You're out of your mind. No, both if you are.” Saad ng isang bagong tinig

Tatlong lalaki ang makikitang nakatayo malapit sa kanila. Lumitaw sila mula sa hangin.

Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay Hindi maaaring magkamali si Gray. Kilala nya ang isa sa mga ito.. “Cobalt..?”

“I don’t know what's happening, but you're dying. And why is your little brother standing there like an idiot? Is he seriously planning to kill you?” tanong ni Cobalt

“Get out of here.” Saad ni Gray habang umuubo ng dugo

“Dude you’re dying.” Sabat ni Eon

“Get out of here.” Ulit ni Gray

“That's not Arren..” saad ni Cobalt habang pinagmamasdan ang lalaking may gintong mga mata

“Ants.” Bored na saad ni Ean. Halatang Hindi ito interesado sa kanila, ibinaling na nito ang kanyang atensyon sa pagtanaw sa malayo.

“Weird. His magic is weird.” Bulong ni Atticus

“He’s dangerous. Let's grab that dude and get out of here.” Saad ni Eon

Agad natigilan sina Eon noong maramdaman ang fluctuation sa ere.

“This magic.” Saad ni Gray na agad kinilabutan.. Isang malakas na pwersa ang paparating

“So my warden is coming.” Usal ni Ean

Sa isang kisap-mata ay isang mabigat na pwersa ang naramdaman ng lahat. Agad napaluhod sa lupa sina Atticus. A presence that demands respect and radiates dominance appeared out of thin air.

A divine being has descended!

“Ahh! Summer air!” sigaw ng isa sa mga babae, halata ang excitement dito.

“Ang mga mata ko! Nasanay sa dilim, ang sakit ng mga mata ko huhu!”

Agad napatulala sina Atticus.

Isang babaeng may blonde na buhok at grey na mga mata.

Isang babaeng tan ang balat, golden blonde, at green eyes.

Puting buhok, malamig na mga mata.

Green hair and sleepy eyes.

A little kid.

Fiery hair and phoenix-like eyes.

Blue hair like flowing water and calm eyes.

Sa unahan ng mga babae ay isang malamig na pwersa.

Isang babaeng may itim na buhok at asul na mga mata.

“Princess!”

~~~~~~~



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top