Tale 53

Tale 53
Shade of Gold


"The spirit of the dead only dwells on two places. One is on the kingdom of Ur. And the other is on the hearts of the living."
-JournalOfTheNecromancerZafira, translated by Lana Cross

Hindi maialis ni Charm ang kanyang mga mata sa apat na taong mahimbing na natutulog sa isang duyan. Payapa ang gabi at nakadungaw ang mga bituin sa kalangitan. Everything is perfect.

Naramdaman ni Charm ang kamay ng isang Tao sa kanyang balikat. Nilingon nya ito at isang pares ng kulay gintong mga mata ang sumalubong sa kanya.

“You shouldn't have seen this, my Warden.” Saad ng lalaki

Naramdaman ni Charm ang isang kakaibang pwersa. Napapikit sya noong tila nahuhulog sya sa walang hanggang kadiliman.

When everything came to a halt, Charm slowly opened her eyes.

She had a dream.

A dream about the future. With Arren.

“What was that?” tanong ni Charm, litong-lito sya. She want that future. She desire it. She starve for it.

Hindi tumugon ang lalaking may gintong mga mata.

“What was that?! Answer me!” demand ni Charm sa lalaki

“It was what your heart wants.” Sagot ng lalaki.. Walang mababakas na emosyon sa muka nya

Natahimik si Charm. What her heart wants?

“You want it so badly. A future with him.” Saad ng lalaki, somehow, there's a hint of sadness in his eyes, but right now Charm is overwhelm with mixed emotions so she didn’t noticed it.

“But he's dead.” Saad ni Charm.. Tumingin sya ng direkta sa mga mata ng lalaki..  “He’s dead but I swear to all the Gods, I will take back his body.” Seryosong saad ni Charm

Mabilis na naiwasan ng lalaki ang matatalas na tipak ng yelo na lumitaw kung saan sya nakatayo kanina.

“No need to rush. This body won't last long. It cannot contain my godly presence.” Casual na saad ng lalaki

“What??”

“This body will soon corrode because it cannot contain me.” Sagot ng lalaki

Natigilan si Charm. Hindi nya maatim ang ideya na masisira ang katawan ni Arren. He's dead. Sha cannot save him. And now even his body can’t be save? Hindi yun matatanggap ni Charm.

“Give me back his body.” Demand ni Charmaine

“Sure.” Tugon ng lalaki na ikinalito ni Charmaine

“The boy who owns this body is still inside me.It's faint. Flickering. Dying. But I can still pull him from the grasps of Ur. Isn't that good to hear?” saad ng lalaki, pero walang bahid ng lungkot o saya sa kanyang tinig

He's lying. “What do you want?” tanong ni Charm.. Ano ba talaga ang pakay ng nilalang na ito. Bakit sya binibigyan ng lalaki ng pag-asa? Anong kailangan nito sa kanya?

“Simple,I want a body that can contain me. And you can grant that to me. Why don’t we make a deal?” saad ng lalaki

Hindi tumugon si Charm. Pinag-iisipan nya kung nagsisinungaling ang lalaki o kung totoo ang mga sina sabi nito.

“What exactly are you?” Tanong ni Charm

“A god of course. “

Kumunot ang noo ni Charmaine.

“I see that you doubt my words.” Saad ng lalaki.. “It's up to you if you want to believe me or not. I only demand a body replacement. And I will give this boy back to you.”

“Stop spouting lies. Do you think I can actually provide you with a body that is capable of containing a god?!” Charm

“Of course, you have the Celestial King don’t you? Isn’t he a host to the Celestial God? Why don’t you give him to me instead? Then you can have this boy back.” seryosong saad ng lalaking may gintong mga mata

Regis?

“Give me an answer later. I will wait for you.” Saad ng lalaki

“No.” Saad ni Charm

“Don’t decide on impulse,  you might regret it for the rest of your life. Think this through young mortal, give me an answer soon.” Saad ng lalaki

Sa pagkurap ng mga mata ni Charm ay naglaho ang lalaki.

Bumalik sa normal ang kapaligiran.

Kulay itim na nyebe na tila walang katapusan.

“Princess!” nag-aalalang tawag nina Euphie.. They lost their connection with her for a short while.

“Sinaktan ka ba nya?” Nag-aalalang tanong ni Regis habang iniinspeksyon ang kanyang kalagayan

“No..” umiling si Charm

“Those golden eyes. Is he---” Heian

“A god.” Si Regis na ang tumapos sa sasabihin ni Heian

“What is he thinking? A mortal's body cannot contain a god!” react ni Euphie

“That is why he wants Regis' body.” Saad ko

“He wants Regis' body??” paglilinaw ni Euphie sa tanong ko

Agad akong tumango. I don’t want to conceal the truth from them.

Agad niyakap ni Regis ang kanyang sarili.. “He wants my body?? Single and ready to mingle pa ko pero Hindi ako napatol sa kalahi ko.”

“Siraulo.” Saad ni Euphie sabay batok kay Regis

Tumawa lang si Regis. “Pinapatawa ko lang ang prinsesa.” Saad nya. Nung lumingon sya Kay Charm ay blanko pa din ang ekspresyon nito. Mission failed.

“Princess I don’t mind giving my body if it will make you happy.” Malungkot na saad ni Regis

“No. I wont let you sacrifice yourself for me.” saad ni Charm

Na-touch si Regis sa sinabi ni Charm.

“We have to think of another way to save Arren.” Dagdag ni Charm.. “But first, who is he?”

Nagkatinginan sina Regis.

“That god is older than me, princess. Sorry but I don't know.” Sagot ni Heian

“I've been around since the existence of the previous dragon princesses, but I don't know him either. He knows that Rex is inside me, but he is confident that he can still use me, that can only mean two things, one is that he is strong enough to beat Rex, or two, he is just stupid and blind.” Sagot ni Regis

“I’m not sure, but I think I do know him.” Sagot ni Euphie na ikinalingon ng lahat

“There is a god that is not very well known. He died before the golden age of dragons. He killed his self after the death of his beloved. I heard he's looking for her soul in the afterlife. And his name is Ean, the god of famine.” Saad ni Euphie

Famine??

So the future that I saw, the future that I starve for, was it all an illusion?

“Ean! I once heard of that name before. One of the oldest god, his reputation is really, really bad.” Saad ni Regis

“How bad?” tanong ni Charm

“Kasing sama ng isang basang medyas na nakulob sa loob ng locker ng may putok mong kaklase noong highschool ka pa mahal na prinsesa.” Sagot ni Regis

“That bad huh? I guess I should not trust his words then..?” Charm

“Absolutely.” Regis

“Hmm?” react ni Charm at napalingon sya sa isang direksyon.

Isang pillar na gawa sa liwanag ang makikita sa malayo. Nagmumula ito sa….. Gorgona?

“We have to get back to my friends. Is there no other way to save Arren?” tanong ni Charm

“I think I already know a way!” saad ni Euphie

“Elda's magic!” saad ni Regis na narealized kung saan patungo ang flow of ideas ni Euphie

“Correct!” Euphie

“Elda's magic??” napapaisip na tanong ni Charm

“Yes! Elda is dead. But she left several powerful items that can suppress even the gods!” saad ni Euphie

“Like?” Charm

“Like the relic inside this temple. The Aegis!” saad ni Euphie

“The reason why he can't come out of that boy's body inside the temple is because of the Aegis.” Conclude ni Heian

“Precisely.” Euphie

“We can use the Aegis to suppress him. But it won't be enough to re-seal him.” Dagdag pa ni Regis

“We have to gather all the other relics of Elda.” Euphie

“But how will we trace them?” tanong ni Charm

“Simple. You have to conquer the Aegis. And once you succeed, you can use it to track the others.” Tugon ni Regis

“Wait! How can you make the princess do something so dangerous?! Elda's magic can kill dragons!” kontra ni Heian

“I have to try.” Saad ni Charm

“But Princess..” Hindi na mapipigilan pa ni Heian ang prinsesa

“Don't worry Princess.” Saad ni Regis, he tuck the few strands of Charm's loose hair behind her ear. “I won't let you get hurt.”

Tumango si Charm. “I trust the three of you.”

Charmaine re-enters the temple.

No magic can suppress her.

Ang mga kidlat pa ang umiiwas sa kanya.

Nagulat sina Regis at Euphie. Tila ang templo pa ang nagwewelcome kay Charm.

Noong hawakan ni Charm ang Aegis, agad syang napaluhod.

The conqueror of the gods.

Ala-ala ng libo-libong mga taon ang nakita ni Charm sa loob lamang ng ilang sandali.

Mabilis na nabalot ng yelo ang buong templo.

Nagtatalo ang kapangyarihan ni Charm at ang kapangyarihan na nais lupigin ang kanyang pagkatao.

The Aegis has been searching for a new master for millions of years now.

It finally found one.

Tumayo si Charmaine at marahang humarap sa tatlo.

“So this is the power of the gods.” Komento ni Charm, filled with a thousand years of knowledge, the wisdom of a god.

Umaagos ang dugo sa isa nyang mata, subalit tila hind ito napapansin ng dalaga.

Nakatulala sina Euphie sa prinsesa.

Isinuot ni Charm ang kwintas na Aegis.

Tuluyan nang nagbago ang kanyang kapalaran.

***

Mapayapa ang syudad ng Bronei subalit nagbago ito sa pagdating ng isang delubyo.

Tanyag ang top 1000mages bilang mga nilalang na mahirap abutin. Bawat isa sa kanila ay mga tala sa kalangitan.

May matataas silang posisyon sa mga guild na kinabibilangan nila. Ang mga mage na pasok sa top 500 ay bihira lamang magpakita. Sila ay madalas nasa secluded training upang palakasin pa ang kanilang magic.

Ilan pa lamang ang mga taong nakakita ng personal sa mga mage na nasa top 100. Lalong higit sa top 25. Hanggang sa mga larawan lang sila kilala ng mga tao. 

Tanyag si Cassiopeia Clifford sapagkat aktibo sya sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Aralon.

Sa kabila ng pagiging mailap ng iba pang mga mages sa top 100, alam ng lahat na kaya silang gawing sandwich ng mga ito sa isang kumpas ng kanilang kamay. They are extremely powerful. They are terrifying beyond comprehension.

Isipin nyo na lang ang nararamdaman ng lahat sa presensya ng isa sa top 25.. Then multiply that by eight. Nandito ngayon sa Bronei ang Ranked 23, 19, 16, 15, 14, 13, 12 at 11!! Isang delubyo! Isang delubyo ang magsamasama sila sa isang lugar!

Isang anino ang bumalot sa buong syudad ng Bronei. Tumingala ang lahat sa kalangitan at nakita ang isang nilalang na kahit kailan ay Hindi nila naisip na masisilayan nila. Isang Chelona!

Ang Chelona ay isang mailap at makapangyarihang nilalang mula sa mga alamat.. Mapayapa silang namumuhay sa himpapawid subalit nakakatakot kapag nagambala.. Ilan lamang ang kanilang bilang subalit kinatatakutan dahil sa kanilang laki at bangis. Mayroon din silang matibay na balabal sa katawan at kawangis sila ng mga pagong. Sa himpapawid sila lumalangoy at maging sa kailaliman ng karagatan ay maaari silang matagpuan. Mahirap silang mapaamo, kahit sa summoning magic ay bihira lamang silang tumugon. Kilala sila bilang isa sa mga beast ng Aralon na dedma sa epekto ng summoning magic.

Agad naalarma ang lahat. Maririnig ang pagtunog ng bell na hudyat na nasa panganib ang syudad.

Nagtago ang mga tao upang isalba ang kanilang mga sarili.

“Hehehey! Chillax lang guys!” awat ni Flay sa kaguluhan

“Stand down!” utos ni Nero sa mga kawal

“It's just my friend Elona picking us up. No need to panic.” Saad ni Flay

Napanganga ang mga tao. Friend?

“Thanks. We enjoyed our stay.” Saad ni Flay

Agad silang nagcast ng levitation magic para makasakay sa likod ng Chelona. Sinundan ng lahat ang direksyon nila. Hindi sila makapaniwala na may makakapagpaamo sa isang Chelona. Tunay nga na nababagay sa kanila ang kanilang ranggo!

Isang karangalan ang masilayan sila! Maaaring ito na ang una at huling beses na makikita nila ang mga babae. Wala silang karapatan makita sila lalong higit makadaupang palad man lamang ang mga ito.

Takot na takot naman ang mga taong sumisipsip Kay Aileen kanina. May mata sila pero Hindi nakakakita! Pilit nilang inaaabot ang isang tanso kahit pa may dyamante na sa kanilang harapan!

Lumingon sina Flay Kay Nero sa huling pagkakataon at sumenyas ng pagpapaalam. Ngumiti naman si Nero pabalik sa kanila.

Ilang araw matapos ang insidente ay dumagsa naman ang napakaraming guild members sa Bronei, hinahanap ang mga babae.

Ang mga nangyari ay magiging parte ng kasaysayan ng Bronei. Ang syudad na nakasurvive matapos sabay-sabay bisitahin ng walong mages mula sa top 25. Maging sa mga kalapit na lugar ay magiging mainit na usapan ito sa mga susunod pang mga taon.

***

Sa isang isla sa kaharian ng Gorgona, isang pillar na gawa sa liwanag ang nagpahinto sa mundo. Umabot ang liwanag na ito sa mga ulap. Bawat sulok ng limang kaharian ay nakita ito. Mabilis na kumalat ang mga balita na may kayamanang lumitaw sa isla. May ilan na nagsasabing isang halimaw ang nagising mula sa kanyang pagkakahimlay. Ano pa man ang katotohanan, lahat ay naging interesado dito. Agad nagtungo sa isla ang mga rogue mages na malapit sa lugar. Nagpadala din ng mga mage ang bawat guild upang imbestigahan ang kakaibang pangyayari. Maging ang royal palace ay nagpadala ng mga tao upang tingnan kung ano ang nangyari.

Samantala, ang mga taong nasa likod ng phenomena sa abandonadong isla ay masayang nagsa-sunbathing sa isang sikat na tourist spot sa karatig-isla.

“Bakit ang daming dumadaan lately? Lumilipad sila papunta sa isla kung saan tayo galing nung isang araw.” Saad ng isang babaeng nakaupo sa isang wooden beach chair, may hawak syang coconut juice at relax na relax na pinapanood ang pagdaan ng mga tao sa himpapawid sakay sa mga beasts o kalesang panghipapawid. Ang babae ay si Aliya.

“They were moths drawn to the flames.” Komento ni Flay na nakadapa sa isang mat sa buhangin. She's enjoying the warmth of the sun on her skin.

“They have no idea how dangerous that place is.” Saad ni Javen na nakaupo sa isang picnic mat na sa ilalim ng isang malaking payong

“That place almost drained me of my magic.” Reklamo ni Aliya

“Sabi naman kasi sa inyo na hintayin na natin si Charm.” Saad ni August

“We have no choice. Bawat magic circle na kailangan nating i-set up sa limang kaharian ay may timeline na sinusunod. Although lumalakwatsa tayo, kailangan nating ma-meet ang mga requirements ni Master Eclipse.” Saad ni Tanisha

“Mabuti na lang kumpleto ang limang priestesses. Kung tatlo lang kayo baka kung napano na kami. Baka naubos ang magic namin, worse case scenario, dead.” Saad ni Flay

“For now kailangan nating maglaylow. Our mana is depleted to the extreme. Halos wala na tayong pinagkaiba sa mga normal na mage.” Nakasimangot na saad ni Astrid

“We need to meditate and absorb more mana.” Saad ni Javen habang umiinom ng buko juice

“We just need to eat and everything’s great!” saad ni Aliya

“Oh please, tatawanan kita kapag tumaba ka.” Saad ni Flay

“Mabuti pa sina Alivia at Samara mukang nag-eenjoy makilaglaro sa mga sea creatures.” Komento ni August.. “I hate the summer heat.”

“Oh come on Ice Priestess, the sun is smiling, the sky is so blue, the birds are catching the wind. It's awesome!” saad ni Aliya

“Ngayon ko lang nakita si August na nakabathing suit.” Saad ni Javen

“Let's just enjoy this okay?” Flay

“Mabuti na lang madami tayong napanalunang gold coins sa Bronei. Same currency lang din ang ginagamit nila dito sa Cinna.” Saad ni Tanisha

“Maybe we should regroup. We can’t move on this island as a huge group. We might attract too much attention. We need to gather more mana before Charm returns from where ever she is right now.” Suggest ni Flay

“Tama ka dyan. For sure kumalat na mula sa Bronei ang balita na magkakasama tayong walo. Maybe we should really split up while we absorb mana. Para maiwasan na din natin yung mga naghahabol sating mga guild.” Saad ni August

“So how do we decide the groupings?” tanong ni Tanisha

“Simple lang, paghiwalayin natin sina Flay at Aliya.” Javen

“Great idea. Except the trouble will multiply by two. Double trouble lang.” August

“Maiba taya na lang.” suggest ni Aliya

“Ano yun??” tanong ng lahat

Ipinaliwag ni Aliya sa mga kaibigan kung ano yung ‘Maiba Taya'..

After several minutes, nakabuo sila ng dalawang grupo na may tig-apat na myembro.

August, Flay, Samara and Tanisha.

Aliya, Javen, Astrid and Alivia.

“We will head to the mountains to train.” Saad ni Flay

“We will stay here to eat.” Saad ni Aliya

“Aliya and I will work on a nearby lab to create replenishing potions.” Sabat ni Javen

“Contact us if any of you encounters danger.” Saad ni Flay

And so, they split up after the sun sets in the distance.

---

Sa kabundukan ng Cinna ay maraming mga rogue mages at guild members ang nagtayo ng camp upang magpahinga mula sa malayo nilang paglalakbay. Ang destinasyon nila ay ang abandonadong isla na pinagmulan ng liwanag.

Isang malawak na island ang Cinna. May isang syudad sa silangang bahagi ng isla na mayaman sa kultura at tradisyon. Kilala ang Cinna bilang tahanan ng mga pinakatanyag na beasts tamers ng Gorgona. Maging ang duke nila ay beast taming ang pangunahing negosyo. Ito ang bayan ni Aileen na kasalukuyang nasa Bronei ngayon.

Hindi maipagkakaila na maraming uri ng beast ang gumagala sa mga kabundukan. Sa halip na magpalipas ng gabi sa mga inn ng syudad ay mas pinili ng nakararami na magpalipas ng gabi sa wild bilang parte ng training.

Sa gitna ng kagubatan dalawang camp site ang makikitang nakatayo. Isang tingin pa lamang ay makikita na na may hindi magandang relasyon ang dalawang kampo. Ang isa ay may kulay pulang mga tent habang ay isa ay kulay blue. Ang dalawang kampo ay dalawang magkaibang guild. Tanyag sila sa pagiging magkaribal. Sa mga kompetisyon. Sa recruitment ng mga bagong myembro. Sa mga job offers. Ang kulay pula ay ang guild na kilala bilang Violet Thunder, malayo sa kulay pula nilang tent ang guild name nila. Ang kulay asul na panig naman ay ang Onyx Anchor, malayo din sa kulay asul, pero trip nila ang color blue kaya blue ang kulay ng tent nila, wag na lang tayong basag trip.

Lahat ng bagay ay isang kompetisyon para sa dalawang kampo.

Nabalitaan kong magpapaligsahan sina Sir Brenan ng Violet Thunder at Sir Cohen ng Onyx Anchor!”
“Anong paligsahan?”
“Beast hunting!”
“Mga A Class Mages silang dalawa sa mga guild nila Hindi ba? Kailangan ba talaga nilang magpaligsahan? Isn’t that childish?”
“No. Mortal na magkatunggali ang mga guild nila!”
“Oo nga! Ang sabi sa kwento kambal ang mga founder ng dalawang guild. Iisang babae ang inibig nila na ang nais ay makapangasawa ng isang guild master. Doon nagsimula ang alitan ng dalawang guild!”
“Pero sino ang pinili ng babae?”
“To this very day, no one knows.”
“Basta ang alam ng lahat, mortal na magkaaway ang dalawang guild sa habang panahon.”
“We should watch! This is going to be fun!”

Tulad ng mainit na balita, totoong magpapaligsahan ang dalawang pangunahing mages ng bawat kampo. Nagsimula lamang ito sa alitan kung aling camp ang may mas magandang palamuti at desenyo hanggang umabot sa paghahamon ng magic duel hanggang sa naisip nilang padamihan na lang ng hunting.

“Sumuko ka na lang! Ipapahiya mo lang ang sarili mo!” babala ni Brennan, isang class A wizard sa Violet Thunder. Nag tapos sya mula sa Aurum Magique Uni five years ago at nakapasok sa top 10 ng Licentiam Exam, nag rank sya bilang 976 sa Tree of Origin. Ngayon ay rank 988 na lamang sya dahil sa mga mage na nakapasok sa ranking na naging sanhi ng pag-adjust ng kanyang original rank tulad ng grupo nina Charmaine.

“Neknek mo! Ikaw ang mapapahiya Hindi ako!” sigaw pabalik ni Cohen, isa ding Class A wizard sa Onyx Anchor. Magkakalase sila noon ni Brennan. Rank 991 sya sa Tree of Origin Ranking.

Maririnig ang masayang cheer ng mga guild members ng kanya-kanyang kampo. May mga rogue mages din na Hindi nagpahuli sa kasiyahan.

Sa pagsisimula ng kompetisyon ay nasukat ang bilis ng dalawa. Enhancing magic! Nagpapaunahan silang makahanap ng beasts! Naiwan naman sa alikabaok ang lahat na masayang nagcheer. Hindi sila nangangamba para sa kaligtasan ng dalawa sapagkat lahat ng mages sa top 1000 ay tinitingala at iniidolo ng lahat!

Sa simula ay parang mga hayok sa dugo ang dalawa. First Blood. First Blood! Nais ng bawat isa na sila ang unang makakitil ng beast. Subalit habang tumatagal ay napapansin nila na tila wala masyadong beast sa lugar. Hindi ba at tanyag ito sa dami ng beast na pagalagala sa isla?

Nauubos na ang pasensya ng dalawa! Tatlumpong minuto na ang nakakalipas pero wala pa din silang nakkaencounter na kahit isang beast!

“Tsk. Masyado yata akong makapangyarihan kaya natatakot lumabas ng lungga ang mga beast sa lugar na ito!” pagmamayabang ni Cohen Kay Brennan

“Huh! Nananaginip ka ng gising! Kaya sila nagtatago ay dahil natatakot sila sa kapangitan mo!” tugon ni Brennan

“Gago! Kahit sino ang tanungin mo mas gwapo ako sayo!” ganti ni Cohen

“Mas gag—” agad huminto si Brennan sa pagtakbo, nagtago sya sa likod ng isang puno.

Ganoon din ang ginawa ni Cohen.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki mula sa pinagtataguan nilang mga puno.

Hindi isang beast ang dahilan ng kanilang aksyon. Mga beast! Napakaraming beast!

Kahit pa makapangyarihan sila, walang kasiguraduhan kung makakaalis sila ng buo kung haharapin nila ang ganito karaming beast ng sabay-sabay!

Pero hindi pa yun ang pinakanakakagulat. Sa gitna ng mga beast ay may isang babae. Isang napakagandang babae! Wala sya sa panganib, sa katunayan ay nakangiti pa ang babae. Sa kilos nya ay tila nagpapastol sya! Sa halip na tupa, mga beast ang pinapastol nya!

Narinig ng babae ang kaluskos sa mga puno kaya agad syang lumingon. “Who's there?!”

Nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki. Tumango sila sa isat-isa. Sabay silang lumabas sa kanilang pinagtataguan.

“Magandang araw binibini.” Magalang na pagbati ng dalawa

Ang babae ay walang iba kung Hindi si Flay. Busy sya sa pagpapractice ng magic nya so she's gathering beast for protection. She's currently absorbing energy to replenish her mana. She's wearing a disguise to avoid trouble. But she's not afraid kahit pa may sumulpot na dalawang mage na mukang malakas. All the beast on this island is a friend of her.

“Sino kayo at ano ang kailangan nyo sakin?” tanong ni Flay

“Ako si Brennan mula sa guild na Violet Thunder.”

“At ako naman si Cohen ng Onyx Anchor.”

Ilang daang escape plan ang dumaan sa isip ni Flay sa loob ng ilang segundong pagpapakilala ng dalawa. She can escape, but she's bored so she decided to stay.

“Napansin namin na isa kang beast tamer. Nasa kalagitnaan kami ng isang duolo. Maaari ba naming hiramin ang mga beast na kasama mo? Hindi namin babawiin ang kanilang buhay. Nais lamang namin malaman kung sino sa aming dalawa ang higit na mas maraming matatalong beast.” Paliwanag ni Cohen

“Tama sya binibini. Kung may mga beast kaming masasaktan ng higit sa nararapat ay handa kaming magbigay ng kaukulang bayad.” Dagdag ni Brennan

Isang lightbulb ang umilaw sa isipan ni Flay.

May tatlong bagay ang nakakuha sa kanyang interest. Una ay ang makita ng personal kung gaano kalakas ang mga myembro ng isang kilalang guild. Ikalawa ay ang maexperience silang makatungali. At ikatatlong ay ang monetary offer ng dalawa. Isn't this the same as hitting three birds with one stone?

“Paano ako makasisiguro na Hindi kayo masasamang Tao?” pag-iinarte ni Flay. Hindi nya nais maghinala ang dalawa na isa din syang mage. Ang kanyang disguise ay isang local citizen ng Cinna. Muka syang isang beast tamer. Nag disguise lang naman sya to blend in, malay ba ni Flay na may mauuto talaga sya..?

“Ito ang aming badge. Mga myembro talaga kami ng mga guild na binanggit namin binibini.” Saad ni Brennan

Ipinakita ng dalawa ang kanilang badge.

Tumango si Flay.

“Naniniwala na ako. Kung ganun ay paano natin sisimulan ito? Kayo ba ang unang aatake o kami ng mga kaibigan ko?” tanong ni Flay

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Hindi nila pinaghinalaan si Flay. Sa halip ay hinangaan pa nila ang katapangan nito. This should be the attitude of a real beast tamer!

Napangiti ang dalawa. She's like a very delicate kitten, but also a fierce tiger.

“You can attack first.” Saad ni Cohen at tumango naman si Brennan

Ngumiti si Flay. Kasabay nito ang mabilis na pagkilos ng mga spider monkeys. Hindi bababa sa tatlumpo ang bilang ng mga ito at sila ay sobrang liksi. Naglalambitin ang mga ito sa mga sanga ng puno. Mahirap sundan ang kanilang pagkilos.

Umulan ng spiderweb na kasing lapad ng daliri ng isang tao. Kasing tibay ng bakal ang mga spiderweb na ito.

Nagconjure ng espada ang dalawang lalaki. Gumamit din sila ng enhancing magic upang maging maliksi at malakas.

Hindi lamang ang mga spider monkey ang sumugod. Kumilos din ang tatlong Flame Hawk at isang dosenang goldbitter rats.

Sa mga oras na ito ay parami na ng parami ang mga rogue mages sa paligid na nanonood sa laban.

Napakunot ang noo ni Flay. Kung ganun ay may mga audience pala ang dalawang lalaki!

Nagkatinginan sina Cohen at Brennan. Mukang Hindi pangkaraniwan ang beast tamer na kaharap nila! Paano nito nakokontrol ang ganito karaming beasts?!

Inilabas ng dalawang lalaki ang kanilang wand noong nag-umpisang kumilos ang mga Sea Orphan Gorillas! Sa kanang kamay ay wand. Sa kaliwa ay espada.

Mahina lang ang mga spidermonkeys subalit masyado silang maliksi! Kahit lumipas na ang isang oras ay sampung spider monkeys pa lang ang natatalo ng dalawang lalaki.

“Okay! Formation!” sigaw ni Flay sa mga beast

Sa una ay nagtaka sina Cohen at Brennan sa isinigaw ng babae. Subalit pagkalipas ng ilang Segundo ay nauunawaan nila ang ibig nitong sabihin.

Hindi random ang naging pag-atake ng mga spidermonkeys. Planado ito! Nasa loob sila ng isang malawak na cage na gawa sa spiderweb! Sa pagdaan ng mga Flame Hawk ay nagliyab ang cage!

Mapanganib din ang Sea Orphan Gorillas na tanyag sa kakaibang lakas. Nag-iingat din ang dalawa sa mga goldbitter rats na kanina pa pinupuntirya ang kanilang espada. Ilang beses na silang nagconjure ng espada dahil sinisira ng mga ito!

Panganib! Yan ang sigaw ng instinct ng dalawang lalaki.

Whoah! Sino yung beast tamer na kalaban nila?”
“Ngayon lamang ako nakakita ng beast tamer na kayang makipagsabayan sa mga mage! At dalawa pa sila!”
“Sigurado akong tanyag ang babaeng yan!”
“Napakahusay nya para makontrol ang napakaraming beast ng sabay-sabay!”
“Nasa panganib na sina Sir Cohen!”

Sa katunayan ay Hindi gumagamit si Flay ng ano mang uri ng magic. Nakikipagkomunikashon sya sa mga beast gamit ang ibat-ibang lingguahe at napapasunod nya ang mga ito gamit lamang ang kanyang karisma at syempre suhol.

Pero hindi ordinaryong mage ang dalawang lalaki.

Nagconjure sila ng mas maraming espada na humiwa sa mga web.

Gumamit si Cohen ng Water-based magic to extinguish the fire and to capture the Flame Hawks. Water-based magic din ang ginamit nya para i-trap ang mga goldbitter rats sa bubble na puno ng tubig. Goldbitter rats can't swim so they were easily immobilised.

Earth-based magic naman kay Brennan upang hulihin ang mga spider monkeys at itrap sila sa mga vines ng puno. Gumamit din si Brennan ng Conjuring magic upang lumikha ng cage para sa mga Sea Orphan Gorillas.

Not bad.’ Isip ni Flay.. Hindi sya gumamit ng magic pero Hindi na din masama ang ipinakita ng dalawa.

“Maraming salamat Binibini. Napakahusay mong Beast Tamer.” Saad ni Cohen. Bakas ang paghanga sa kanyang mga mata.

“Tama ang sinabi nya Binibini. Maaari ba naming malaman ang iyong pangalan? Marami kaming kilalang mga myembro ng mga Beast Taming Guild sa Aragon, kung interesado ka ay handa naming ipakilala ka sa kanila.” Saad ni Brennan na mukang humahanga din

“Maraming salamat pero kailangan kong tanggihan ang offer nyo.” Magalang na saad ni Flay

“Kasali ka na ba sa isang guild? Maaari ba naming malaman ang iyong pangalan? Pati na rin ang iyong guild. Nais ka naming makatrabaho sa hinaharap.” Pagpapaunlak ni Brennan

“Tama sya Binibini.” Second the notion ni Cohen

“P-pangalan?” napaisip si Flay.. “Pwede nyo kong tawaging Liza Soberano. Isa akong rogue tamer, Hindi ako interesadong sumali sa ano mang guild.”

“Liza Soberano? Napakagandang pangalan!” Cohen

“Sa iyong talento ay pagkakaguluhan ka ng mga beast taming guild!” Brennan

Liza Soberano? May kilala ka bang Liza Soberano?”
“Sa husay nya ay dapat tanyag na sya pero bakit Hindi ko sya kilala?”
“Ngayon ko lamang din narinig ang pangalan yun.”

“Isang bagay lamang ang ipinagtataka ko. Paano mo pala nalipon sa isang lugar ang ganito karaming beast Binibining Liza?” tanong ni Cohen

Napaisip si Flay. Hindi nya naman maaaring sabihin na gumamit sya ng Summoning Magic. Isang ideya ang sumagi sa kanyang isipan.

Bumunot si Flay ng isang dagger mula sa kanyang bag. Mabuti na lamang at nagconjure na sya ng dagger nung isang araw pa. “Mayroon akong magic tool na kayang tumawag sa mga beast.”

“Isang magic tool??” Cohen

“Ngayon ko lamang nalaman na may ganyang klase ng magic tool.. Parang isang tool na nagagamit for summoning??” Brennan

“Ahh oo. Exclusive ito. Prototype pa lamang kasi ito.” Pagsisinungaling n Flay

“Prototype? May kaibigan kang inventor?” tanong ni Cohen

“Oo.. Isang Alchemist na nagfofocus sa Magic Tool Invention.” Sagot ni Flay na lumalalim na ang kasinungalingang hinuhukay.

Naging interesado ang dalawa. Hindi ba malaki ang maitutulong ng ganoong klase ng tool sa kanila? Just imagine, nagawang makipagsabayan ng isang beast tamer sa dalawang malakas na mage na nasa top 1000 ranking. Kung hindi nasaksihan ng maraming mga mata ang nangyari ay baka walang maniwala na totoo itong naganap!

“Ahm.. Mawalang galang na Binibini, pero maaari bang malaman kung handa ka bang hiwalayan ang Magic tool na yan? Handa akong magbayad ng kahit magkano para dyan.” Saad ni Cohen

“Huh?” nagulat na tanong ni Flay

“Sandali lamang, willing akong mag-offer ng five thousand gold coins para sa magic tool na yan!” sabat ni Brennan

Napasinghap ang mga tao. Five thousand?! Hindi yun maliit na halaga!

“Ten thousand! Handa akong magbayad ng ten thousand gold!” gigil ni Cohen

Nagsalubong ang mga kilay ni Brennan. “Labing dalawang libong ginto!”

“W-wait lang.” nais umawat ni Flay pero Hindi sya makasabat

“Labing limang libong ginto!” Cohen

“Lasing anim na libo at limang daang ginto!” Brennan

“Dalawampung libong ginto!!!” Cohen

Namumula na ang muka ni Brennan sa galit! “Dawamput limang libong ginto!!” sigaw nya.. Naging kompetisyon na din maging ang pagbili sa magic tool.

Natigilan si Cohen. Dalawamput apat na libong ginto lamang ang mayroon sya sa ngayon.Ito ay pinag-ipunan nya pa. Kaunting halaga na lamang ang naiwan sa kanyang vault sa guild. Pero Hindi sya papatalo kahit pa naubos ang pera nya!! Lumingon sya sa direksyon ng kanyang mga fellow guild members at agad nauunawaan ng mga ito ang nais nyang ipahiwatig.

“Sir Cohen mayroon akong dalawang libong ginto dito. Handa akong ipahiram ito sayo!” sigaw ng isang member ng Onyx Anchor

“Ako din Sir Cohen! Mayroon akong apat na libong ginto!”

“Tatlong libong ginto! Ipahihiram ko ito sayo Sir Cohen!”

“Maraming salamat mga kapatid ko sa Onyx Anchor. Pangako kong ibabalik ko ang lahat ng yan pagbalik natin sa guild.” Cohen

“Tatlumpong libong ginto ang handa kong ibigay para sa Magic Tool na yan binibini..” saad ni Cohen

Hindi naman papatalo ang Violet Thunder.

“Sir Brennan mayroon akong tatlong libong ginto! Ipapahiram ko muna ito sayo, wag lang tayo matalo ng mga lamang-lupang yan!”

“Sir Brennan! Ako din! May limang libong ginto ako!”

“Maraming salamat sa inyong lahat. Ibabalik ko ito agad pagmay pagkakataon na.” saad ni Brennan
“Tatlumpo at dalawang libong ginto ang offer ko Binibining Liza.” Saad ni Brennan

“Sir Cohen! May limang libong ginto pa ko dito! Ipapahiram ko ito sayo! Wag lang tayong matalo ng mga gorillang yan!”

Tumango naman si Cohen. Hindi na sya sigurado kung sapat pa ba ang naiwang nyang pera pambayad sa magiging utang nya ngayon pero Hindi na sya pwedeng umatras!

“T-tatlumpo at limang libong ginto!” saad ni Cohen

Lumingon si Brennan sa mga kasama nya subalit wala nang magsalita pa sa mga ito. Hindi nya natanggap pero mukang matatalo sya!

Natameme na lamang si Flay. Masyado nyang na-underestimate ang pagiging competitive ng dalawang lalaki! Pero anong gagawin nya? Masyado nang malalim ang ginawa nyang hukay para umahon pa sya!

“Binibining Liza Soberano, handa akong magbigay ng tatlumpo at limang libong ginto kung iyong mamarapatin na ibigay ang Magic Tool na yan saakin.” Magalang na saad ni Cohen.. Kalmado lamang sya sa labas pero deep inside ay nagpapaimpress lang sya kay Flay. Proud din sya na natalo nya si Brennan.

“Paumanhin pero—” naudlot ang sasabihin ni Flay noong maramdaman ang lamig sa mga mata ni Cohen. Hindi nito matatanggap kung tatanggihan sya ni Flay matapos nyang matalo si Brennan. ‘Hayyyss! Bahala sya! Ako na nga yung tatanggi dahil lugi sya pero may gana pa syang batuhin ako ng masamang tingin! Hmmp! Fine! Bahala sya!’’

Ngumiti si Flay. “Masyadong malaking halaga ang ibinibigay mo kaya Hindi ko alam kung dapat ko ba yang tanggapin..? Pakiramdam ko ay ako lang ang makikinabang sa transaksyon na ito.” Last chance mo na ito na bawiin ang deal!

“Wala kang dapat ipag-alala binibining Liza Soberano, maliit na halaga lamang ito.” Pagsisinungaling ni Cohen na nag-iisip na kung paano magbabayad ng utang.

Ganun naman pala! Okay!’… “Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa. Kahit Hindi ko lubusang gusto na mahiwalay sa aking magic tool ay ipauubaya ko na ito sayo ginoo.” pag-iinarte ni Flay

“Maraming salamat Binibini.” Masayang saad ni Cohen

Matapos ang transaksyon ay agad nang nagpaalam si Flay. Ipinagbilin nya na mag-ingat si Cohen sa pag gamit ng punyal. She's actually bashful for tricking him. She tried her best to convince him but failed. Oh well, mapilit sya eh.

Namangha ang lahat. Napakaswerte naman ni sir Cohen.

“I feel really bad.” Buntong hininga ni Flay noong makalayo sya

“Scammer.” Komento ni August na nakaupo sa sanga ng isang puno

“Shut up. I already feel bad about it.” Reklamo

“Just forget it. Those two don’t know how to listen.” Saad ni Samara

“Those two are too haughty. Are all guild members like that?” Tanisha

“I hope not.” Saad ni August. For some reason si Atticus ang naalala nya sa pagiging mahangin nina Cohen at Brennan. Walang-wala pa ang mga ito sa kayabangan ng isang yun.

“Seriously, I feel bad. That's just a flashlight in the form of a dagger.” Flay

“Wala ka nang magagawa. Just forget it.” Tanisha

“ Feeling bad about it is just a way of making your self feel less bad.” August

“You know that you don’t make any sense August.” Flay

“I mean, yung pagsasabi na ‘On no, I feel bad doing this, doing that' is just a way to make you feel less bad kasi ipinapakita mo na guilty ka unlike other people na masaya pa habang gumagawa ng masama. But what’s the point right? Scammer ka pa din.” August

“So should I stop feeling bad then?” Flay

“You should. Cause there's no point dwelling on such trivial matters. Those two needs to learn a lesson. Hindi sila marunong makinig. Gusto nila na sila ang masunod. Karma is a bitch so hopefully matuto na sila.” August

“Okay teacher, magiging mabait na po akong bata. I'll stop feeling guilty. Tatanggapin ko na na nagkamali ako. I learned my lesson too. Masama magsinungaling.” Flay
“Good. Nandito tayo para baguhin ang mundo patungo sa ikakabuti nito. Hindi para gumawa ng masama.” August

“Yes, teacher.” Flay

“Let's go.” Saad ni Tanisha at naglaho na ang apat na babae

Samantala excited naman si Cohen na subukan ang punyal.

Wala pa syang kamalayan na isusumpa nya ang pangalang Liza Soberano sa buong buhay nya.

---

Sa isang munting laboratory ay may dalawang babae na abalang naghahalo ng mga potion. Isang matandang witch ang namamangha habang pinapanood ang dalawa.

“Finally!” sigaw ni Aliya… “Ang aking masterpiece!”

Ipinakita ni Aliya ang isang botelya na may lamang likido na kulay Rosas. Napakahiwaga pagmasdan ng likido. Tila kumikinang ito.

“A-ano ang potion na yan?” Puno ng antisipasyong tanong ng matandang witch. Sa nakalipas kasing mga araw ay ibat-ibang klase ng potion ang nilikha ng dalawang babae. Ang ilan sa mga ito ay mga ancient recipe pa na matagal na panahon nang naglaho. Kaya naman sobrang excited ang matanda.

Ngumiti si Aliya. “Tulad ng The Bar Gin, mukang isang anghel ang potion na ito. Subalit isa talaga itong demonyo. Ito ang….

Diarrhea Potion!” announce ni Aliya

Napanganga naman ang matanda. Seryoso ba ang batang ito? Sa dami na nitong nagawang kamanghamanghang potion ay ang isang ito ang masterpiece nya?

Natatawa naman si Javen. “Aliya baka magkalapit yung Love Potion at Diarrhea Potion mo. Lagyan mo ng label. Pareho silang pink.” Paalala nito

“No. Mas mabuti nang walang label para surprise!” Aliya

Isang humahangos na bata ang lumitaw sa pinto. Si Alivia.

“Trouble.” Saad nya

Agad ibinaba nina Javen at Aliya ang mga hawak nilang kemikal.

“What happened?”

***

“Hindi ba ikaw ang Witch of Arson? Come on, bakit Hindi mo kami labanan?!” hamon ng isang magandang babae kay Astrid

“Wag kang masyadong mayabang Sorceress of Haste, wag mong kalilimutan kung sino ang kaharap mo.” Naiinis na sagot ni Astrid

Ang babae ay isang sorceress na tinalo nina Samara at Astrid sa Licentiam Exam three years ago. May malalim itong pagkamuhi sa Explosive Duo. Napadaan lamang ito sa isla at patungo sana sa abandonadong isla na pinagmulan ng kakaibang liwanag. Subalit napansin nya si Astrid kaya na isipan nyang maghiganti habang may pagkakataon pa.

“Alam ko kung sino ka. Pero mahina lang ang nasesense Kong mana mula sayo. Kahit saang anggulo tingnan, kaya ka naming durugin.” Sagot ng babae, sa likod nito ay may mga kababaihan na tumatawa. Labing isa ang biilang nila.

“Tsk. I can still burn you to ashes.” Banta ni Astrid. She's formulating an escape plan. She can fight with this one sorceress, but there's eleven of them so it would be suicidal. Hindi pa nagbabalik ang kanyang buong kapangyarihan.

“Stop bluffing. We both know that you're in trouble. “ sagot ng babae, she laugh mockingly.

“Oyy, sino ka para magsalita ng ganyan?” sabat ng isang tinig, si Aliya, sa likod nya ay makikita sina Javen at Alivia.

Naramdaman nina Aliya na Hindi naman malalakas ang mga babae. Subalit dahil mahina sila ngayon at dahil mas marami sila, they are a bit threatening.

“Sino naman sila?” tanong ng babae pero isang punyal ang pinalipad nya sa direksyon nina Aliya.

Magca-cast pa lang sana si Javen ng repelling magic pero agad syang natigilan.

Isang kamay ang pumigil sa punyal. Bumagsak ang punyal sa buhangin, completely frozen.

Hindi ko mapapatawad ang sino man na magtatangkang saktan ang mga kaibigan ko.” Saad ng malamig na tinig. Itim ang mahabang buhok ng babae. Napakalamig ng kanyang presensya.

Napaurong ang grupo ng Sorceress of Haste. Isang kakaibang takot ang bumalot sa kanila dahil sa lamig ng presensya ng babae. May kilabot ding dala ang mga mata nito. Ang mga mata nito na ang isa ay malamig na asul, at ang isa ay kulay ginto.

A cold ice blue.

And a bright shade of gold.

A mortal. A dragon. A god.

“Charm!”

~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top