Tale 52
A/N: Maikli pero at least may update! Peace. And I need your feedback on this chappy. Thanks guys! Enjoy~
Tale 52
Husband and Wife
Sa isang kusina kung saan masinop na nakapatas ang bawat kitchen utensils, isang babae ang makikita na abalang nagluluto.
Nakataas ang kanyang mahabang itim na buhok sa isang magulong bun. Nakafocus ang kanyang asul na mga mata sa kanyang niluluto.
“Mom! Mom! Have you seen my favourite jacket? I need it for our camping tomorrow night..?” tanong ng isang ten year old na batang lalaki. May hawak syang mga damit, books at flashlight. Ang bata ay mayroong itim na buhok at kulay Gray na mga mata na namana nito sa kanyang ama.
“Have you checked under your bed?” tanong ng Babae na Hindi inaalis ang tingin sa kanyang niluluto
“I did.” Sagot ng batang lalaki
“Have you checked under Allen's bed?” tanong pa ng babae
“What? Pinakialaman nanaman ni Allen ang mga gamit ko?” reklamo ng batang lalaki at saka mabilis na umalis. Maririnig ang boses nito na tinatawag ang pangalan ng nakababata nitong kapatid mula sa second floor.
Natawa na lamang ang babae habang pinapakinggan ang pag-aaway ng mga bata.
Hindi nagtagal napalingon ang babae noong narinig nya ang pag bukas ng front door.
“I'm home.” Announce ng isang tinig at maririnig ang mga yabag ng dalawang batang nagmamadaling bumaba ng hagdanan.
“Dad!”
“Daddy!”
“Boys, boys wait--- Ugh. Ouch that hurts... Cedric mabigat ka na, wag mo kong sakyan. Allen hindi fried chicken si daddy, please wag mo kong kagatin. Wag kayo masyadong excited dalawa. Nasan si mommy?.”
Napangiti ang babae habang naririnig ang tawanan mula sa living room.
Those silly boys.
“I’m home, my lovely wife.” Nakangiting saad ng lalaki noong sumulpot ito sa kusina. Makikita ang isang seven years old na batang lalaki sa balikat nito na tumatawa, habang hawak-hawak naman nito ang ten years old na batang lalaki na pilit kumakawala sa bear hug ng lalaki.
Lumingon ang babae. Ang tatlong pinakaimportanteng lalaki sa buhay nya ngayon ay narito sa kanyang harapan.
“What? Masyado ka bang nasstarstruck sa kagwapuhan naming tatlo??” nakangising tanong ng lalaki
“Tigilan mo ko Arren. Ilabas mo yung mga basura bago ka magpalit ng damit.” Tugon ng babae, si Charmaine.
Tumawa lamang ang lalaki, si Arren. “Yes boss.”
“Tutulungan po kita Dad!” presinta ni Cedric, ang nakatatanda sa dalawang batang lalaki
“Me too! Me too! I wanna help daddy!” segunda ni Allen, ang mas bata sa dalawa
“Okay boys, the best talaga kayo!” papuri ni Arren sa dalawang bata na ikinatuwa naman ng mga ito.
***
“Daddy, daddy hindi ba talaga tayo lalabas para i-celebrate ang birthday mo? Gusto ko ng jobilee!” tanong ni Allen na nakasakay sa balikat ni Arren
“Nope little man, hindi tayo lalabas. Ayaw mo ba ng luto ng mommy mo?” tugon ni Arren habang inaayos ang mga trash bag. Parang basta lang inihagis ng mga kapit-bahay nya ang mga basura nila!
“Pero mas masarap ang jobilee kaysa luto ni mommy.” Sagot ni Allen
“Isusumbong kita Kay Mom.” Sabat ni Cedric
Natawa si Arren. “Bago kami ikasal ni mommy, Hindi sya marunong magluto. Sana matutunan nyong i-appreciate ang effort ni mommy, okay?” saad nya sa dalawang bata
“Hmmm. Okay daddy!” Allen
“Yes dad.” Cedric
“Look who's here. Hi Pres!” bati ng isang tinig
Lumingon si Arren at nakita si Flay sa bintana ng kabilang bahay.
“Huh?? Bakit nandito ka? Akala ko nagbabakasyon kayong dalawa ni Cobalt sa Hawaii?” nagtatakang tanong ni Arren.. Nahanap nya na ang suspect sa pabalyang pagtatapon ng basura.
“Kakauwi lang namin.” Nakangiting tugon ni Flay
“Tita kasama nyo po bang umuwi si Cataleya? Pwede po ba kaming maglaro ulet?” excited na tanong ni Allen
“Of course baby boy. She's excited to see you and Cedric.” Sagot ni Flay
“Yehey!” pagbubunyi ni Allen na nasa balikat ni Arren
Matapos nilang magkumustahan saglit ay agad na ding bumalik ng bahay sina Arren.
Noong pumasok sila sa loob ng bahay ay agad tumakbo ang dalawang bata paakyat sa second floor upang maglaro ulit.
“Artemis..” malambing na tawag ni Arren Kay Charm na nakatalikod at busy pa din sa pagluluto.
“Subukan mo Kong hawakan at patay ka sakin.” Babala ng babae na Hindi man lang lumingon.
“I just want a hug.” Nakasimangot na reklamo ni Arren
“Maghugas ka ng kamay. Magpalit ng damit.” Saad ng babae at seryoso itong lumingon Kay Arren. “Wag mo kalilimutang ilagay ang mga maruming damit sa laundry.”
Napasimangot lalo si Arren.
Isang mabilis na halik sa pisngi ang ibinigay ni Charm. “Stop pouting.” Saad ni Charmaine
Nakangiting sumunod si Arren sa utos ng misis nya. Halos mapunit na ang pisngi nya sa lapad ng kanyang ngiti.
Noong bumaba si Arren mula sa second floor ay nakahanda na ang mesa.
“Isn't this too much??” tanong ni Arren matapos makita ang maraming pagkain
“It’s your birthday.” Sagot ni Charm
Napangiti si Arren. He planted a soft kiss on Charm's forehead.. “Something’s up my gorgeous wife. What is it? May surprise birthday present ka ba sakin? Masusundan na ba si Allen?” tanong ni Arren
“No.” tipid na sagot ni Charm
“Then gusto mo bang sundan na natin si Allen?” suggest ni Arren at isang uppercut ang natanggap nya mula Kay Charm.
“Mommy I also wanna punch daddy!” excited na saad ni Allen na pababa ng hagdan kasunod si Cedric
“Anak please behave. Saan mo namana yang pagiging brutal mo?” tanong ni Charm
“Of course sayo, my lovely Wife.” Nakangiting saad ni Arren kaya isa ulit uppercut ang natanggap nya galing kay Charm
Sunod-sunod na doorbell ang umagaw sa atensyon nilang apat.
“I'll get the door!” saad ni Cedric at agad tumakbo para buksan ang pinto
“I heard it's someone's birthday today.” Saad ng isang pamilyar na tinig na ikinangiti ni Charm
“Aliya!” bati ni Charm sa babaeng dumating
“I brought a cake.” Nakangiting saad ni Aliya
“Thanks for coming..I thought you're busy? Hindi ba at nagshoshooting ka ng movie? Pang-ilang leading role mo na ba ito simula noong bumalik ka sa showbusiness three years ago?” saad ni Charm sabay yakap dito
“I lost count already. Alam mo naman, maganda itong bestie mo.” Sagot ni Aliya na tumatawa
“Maganda pero wala pa ding love life.” Sabat ni Arren
“Charm pigilan mo ko, baka maupakan ko yang asawa mo.” Saad ni Aliya na kunwari galit
Natawa lang si Charmaine.
“Oh my gosh. Look at these adorable angels.” Saad ni Aliya at saka niyakap sina Cedric at Allen
“Knock knock.” Agaw pansin ng isang tinig.. “Nakabukas ang pinto so pumasok na lang kami.” Saad ni Flay
“Flay! Colby!” saad ni Charm at saka niyakap ang dalawa
“Charm magkapitbahay lang tayo. Masyado mo naman yata kaming namiss.” Saad ni Flay.. “Hi Pres! Heyppy birthday!”
“May dala kaming barbeque, specially made by my Hubby.” Proud na saad ni Flay
“Ceeeeeedric!! Alleeeeeeen!!” sigaw ng isang batang babae
“Cataleya wag masyadong makulit okay?” paalala ni Cobalt sa batang babae na kaedad lamang ni Allen
“Okay Papa!” sagot ng batang babae
“Be nice to Cedric and Allen.” Saad ni Flay pero dinedma na sya ng bata na excited na lumapit sa dalawang batang lalaki
Hindi pa tapos magkumustahan sina Flay noong isang katok sa pinto ang muling umagaw sa atensyon nila.
“Am I late?” nakangiting tanong ni Jin
“You’re always right on time bro.” Nakangiting tugon ni Arren sa best friend nya
“Jin I'm glad you could make it. Aren't you busy with all the official royal duties?” tanong ni Charm sa second prince ng Ventus Kingdom
“Mas importante pa ba yun kesa sa birthday ng best buddy ko? Syempre tumakas ako!” proud na sagot ni Jin kaya nabatukan sya ni Arren
“Proud ka pa? Takas ka lang pala. Pag ako nayari sa Kuya mong si King Easton, yari ka din sakin.” Saad ni Arren.. “Pero I'm glad you made it.”
“Dude ang brutal mo talaga sakin, prinsepe ako. Prinsepe!” reklamo ni Jin habang tumatawa
“Wala ka man lang dalang gift? Prinsepe ka ba talaga?” usisa ng isang panibagong tinig
“Ashley!” react ni Jin matapos makita ng pinsan nya, may dala itong malaking box. Isang regalo
“Roma!” excited na saad nina Flay at saka dinumog si Roma para sa isang group hug
“Pwede ba kaming sumali sa group hug na yan?” sabat ni August na nasa may pinto..
“August! Javen! Tanisha!”
“Hindi pa naman kami late for the party right?” sabat ni Astrid na ngumunguya ng chewing gum
“Alivia! Astrid! Samara!”
“How's life? Is it okay for you guys to be here?” tanong ni Charm
“I don’t mind closing my clinic for a while. Kung ang current queen nga ng Gorgona na si Roma willing iwan ang kaharian nya sa mga advisor nya makapunta lang dito, kami pa ba?” tugon ni Javen
“It’s been a while since nagkitakita tayo.” Saad ni Tanisha
“Walang break ang work sa Council.” Reklamo ni August
“I heard may boyfriend na si Alivia. Naunahan nya pa ko.” Saad ni Aliya
“True love will find you, don't worry ate Aliya.” Natatawang saad ni Alivia
“Roma nasaan si Magnus? Is he already seven or eight now?” tanong ni Flay
“Already with the other kids.. And he's turning eight soon. Ang bilis ng panahon.” Tugon ni Roma
“August kumusta yung kambal mo?” usisa ni Javen noong makita ang kambal na anak ni August na masiglang nakikipaglaro kasama sina Cedric at Allen
“They’re doing great now. They're as haughty as their dad. Hindi mo aakalain na sakitin sila just a few years ago.” Tugon ni August
“Bakit nga pala Hindi mo kasama si Atticus?” tanong ni Charm Kay August
“Oh please. He's as annoying as ever. Kung di ko lang sya maha—Aisshh. Basta..” sagot ni August na ikinatawa ng lahat
Habang busy ang mga nakatatanda ay ganoon din naman ang mga bata. May sarili silang meeting.
“I heard you're a crown prince Magnus? Ano yung crown prince? Pagkain ba yun?”usisa ni Cataleya
“No.. It's a title.” Tugon ni Magnus
“Title? Are you a movie?” tanong ni Allen
“Stupid. Of course not!” tugon ni Magnus
“Hey! Don't shout at Allen!” Depensa ni Cataleya Kay Allen
“Wag kayong mag-away.” Awat ni Cedric na syang pinakamatanda sa grupo
“Hmmp! Mga inutil, title lang Hindi pa alam!” sabat ni June, isa sa kambal na anak ni August
“Stop talking to them June, they won’t understand you. Mga mangmang sila.” Dagdag ni July, kakambal ni June.
“Sabi ni Mommy bad mag sabi ng bad words.” Komento ni Allen
“Tsk. You're such a big baby Allen.” Saad ni June sabay crossarms pa
“Pagmalaki na ko magiging teacher ako. Para tuturuan ko kayo ng good manners!” naiinis na saad ni Cataleya
“It’s good to have dreams Cataleya.” Papuri ni Cedric
“Hmmp! I have a dream too!” sabat ni June na nagpappansin lang talaga Kay Cedric
“At ano naman ang dream mo?” hamon ni Cataleya
“I want to be a doctor! Just like tita Javen!” June
“Me too!” segunda ni July
“I want to be a great wizard when I grew up!” Sali ni Magnus sa usapan
“Ikaw Cedric? What is your dream?” usisa ni June
“To be just like my dad!” proud na sagot ni Cedric
“You mean, a powerful wizard like your dad?” tanong ni Magnus
“Aha.” Sagot ni Cedric
“Ikaw Allen? What is your dream?” excited na tanong ni Cataleya
“Ahm.. Paglaki ko gusto ko lang maging patatas.” Sagot ni Allen
Napuno ng pagtataka ang muka ng mga bata. Hindi sila nakapagsalita.
“Patatas?” maging si Cedric ay nagtataka sa sagot ng kapatid nya
“Hmmm. Patatas. Gusto Kong maging patatas.” Ulit pa ni Allen
“B-bakit gusto mong maging patatas?” tanong ni July
“Ang tawag daw kasi sa taong walang ginagawa, couchpotato sabi ni daddy. Hindi ba patatas yun? Gusto ko maging ganun! Para maglalaro lang ako palagi!” paliwanag ni Allen
“Wow! Gusto ko din yun!” sang-ayon ni Cataleya
“Ako din! Gusto ko na lang maging patatas!” sang-ayon din ni Magnus
“Ako din!” Magnus
“Gusto ko na lang din maging patatas.” sang-ayon din ni July
Nagusot naman ang muka ni Cedric. Mukang may misunderstanding na naganap, bilang pinakamatanda sa grupo, Hindi nya alam kung paano icocorrect ito.
Nang matapos ang kasiyahan, pinili ng lahat na manatili sa bahay nina Charmaine upang magpalipas ng gabi.
Mahimbing na ang tulog ng lahat.
Malalim na ang gabi.
Sa likod bahay nina Charm ay may isang duyan sa munting porch.
Makikita dito sina Charmaine at Arren na nakatingala sa mga bituin.
Magkatabi ang dalawa sa duyan, nakaakbay si Arren sa babae.
Tahimik ang paligid.
Tanging ang pagbulong lamang ng malamig na hangin ang maririnig habang isinasayaw nila ang mga dahon sa mga puno.
Ipinikit ni Charm ang kanyang mga mata upang damhin ang kapayapaan ng gabi. Arren place a soft kiss on her head.
“Let’s stay like this forever.” Bulong ni Charm
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Arren.
“Artemis.” Tawag ni Arren
“Hmmm?” tanong ng babae
“Naalala mo pa ba nung mga bata tayo? How I would always hold your hand all the time?” tanong ni Arren
“Of course.” Tugon ni Charmaine
“Alam mo ba na ayoko nang bitawan ka? Gusto ko na sana habambuhay lang tayong ganun. You and me. Forever.” Saad ni Arren
“Pero palagi mo kong inaaway” Sagot ni Charmaine
“I was jealous, you have a huge crush on my brother then. Bullying you is my way of getting your attention.” Natatawang saad ni Arren
“Which is really childish.” Komento ni Charm
“Well I can’t deny that.” Natatawang tugon ni Arren
“But look at us now. We finally found happiness. We have Cedric and Allen. I have you. And you have me.” Saad ni Charm
“I love you, wife.” Bulong ni Arren
“I love you too.”
Tumingala si Charmaine at nagtagpo ang kanilang mga mata.
Tahimik ang gabi.
Pero malinaw na maririnig ang pagtibok ng kanilang mga puso.
Their feelings overflowed. Their lips are attracted to each other like two ends of a magnet.
It was a perfect moment.
But an exceedingly distracting sound cut through the perfect atmosphere.
It was a cough. An extremely sudden, perflexing, mood-killing cough.
Arren have no idea where this cough comes from, but he wanna beat up to death whichever idiot it is. Panira ng moment amp.
“I don't wanna ruin the moment, but Allen started crying and he's looking for you two.” Saad ni Jin na syang nanira ng moment
“Mommy. Daddy.” Tawag ni Allen
“Mom. Dad.” Tawag din ni Cedric na nasa likod ni Jin
“What happened baby?” tanong ni Charm kay Allen
Kinusot ni Allen ang kanyang mga mata. “I had a bad dream.”
“Cedric what's the matter?” tanong naman ni Arren
“I can't sleep. Magnus' snore is really annoying.” Tugon ni Cedric
“Come here you two.” Tawag ni Charm at agad naman sumunod ang dalawang bata.. Agad silang kinalong nina Charm at Arren
“I’m gonna go back to sleep.” Paalam ni Jin
“Yeah. Thanks bro.” saad ni Arren
Naghikab lang si Jin at saka nagsalute, then he went back inside the house.
Agad nakatulog ang dalawang bata sa lap nina Arren at Charm.
Nakaguhit ang ngiti sa labi nina Charm habang pinagmamasdan ang dalawang bata. These two are their treasures. Their legacy.
Ipinikit ni Charm ang kanyang mga mata.
Sa isang parte ng Earth, malayo sa ingay ng mga makinaryang sasakyan, isang duyan ang makikita sa porch sa likod ng isang simpleng bahay. Sa duyan ay makikita ang isang babaeng may mahabang itim na buhok. Nakasandal ang babae sa balikat ng isang matipunong lalaki. Mahimbing silang natutulog at sa kanilang lap makikita ang dalawang batang lalaki na nakangiting natutulog. Walang nakakaalam kung ano ang nasa panaginip ng dalawang bata. But it's surely a magical dream.
This moment is the picture of happiness, contentment and peace.
This moment is the future that will never come.
It's the future that is meant to happen…….
…..but will never happen.
~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top