Tale 51

Tale 51
The Prisoner

“Elda the goddess of war, dominance, valiance and justice is known as the conqueror of the gods. She is the daughter of darkness and light, the one who united the world. She stood face to face with Coelum during the War of the Gods. She fought with the goal of unifying the world and giving it to it's strongest inhabitants. She gave up her life as the collateral of the fulfillment of her will. Her death signifies the end of the era of the gods.”
-TheDeathOfElda, translated by J. Forbes

Ang bayan ng Bronei ay kilala sa pagmamahal ng mga mamamayan sa kasiyahan kung kaya pangkaraniwan na lamang sa kanila ang mga festive events at mga patimpalak.

Isang grupo ng mga kababaihan ang makikitang naglalakad sa maingay na kalye ng Bronei. Sila ay  tila mga kindergartener na nasa field trip.

“Na-miss ko talaga ang Aralon. Dalawang taon lang tayo nawala pero na-adapt ko agad ang buhay sa isang mundong walang magic. Can you believe that we survive on a world where self-service canteen exists?” dramatic na komento ni Flay

Tumango-tango naman sina August. Dito kasi sa Aralon ay kusang nagliligpit ng sarili ang mga pinggan at kubyertos. Magic!

“Aren’t we going to eat?” tanong ni Aliya na nakaramdam ng gutom matapos banggitin ni Flay ang salitang ‘self-serviced canteen'…

“Gutom na din po ako” sang-ayon ni Alivia

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit Hindi na lamang sila gumamit ng conjuring magic to create food. Well you can't do that inside a city. It's against the law. Malulugi ang mga restaurants and stores.

“Look over there.” Saad ni Tanisha

“Noodle Eating Contest??” tanong ni Javen

“Naiisip nyo ba ang naiisip ko?” tanong ni Flay

Tumango sina Aliya.

“Don’t even think about it. Let's just eat like normal people, please.” Buntong hininga ni Javen, pero for sure alam nyo na kung ano ang kinahantungan nito.

Nagugulat na lamang sina Samara at Astrid sa ginagawa nina Flay. Tamang mga tao ba ang nasamahan nila?

“Hahahahaha sino sa inyo ang tatanggap ng hamon?! Mr. NoodleKing ate 21 large bowl of noodles! Wala na bang hahamon? Sya na ba ang tatanghaling kampeyon ng kompetisyong ito?!” saad ng isang announcer.

Si Mr.NoodleKing ay isang matabang lalaki. Kapag nadapa sya ay gugulong sya at di na makakabangon pa kung walang aalalay sa kanya.

“Ako! Ako! Hinahamon ko sya!!” sabat ng isang babae, si Aliya

“Me too! Me too!” Flay

Nahihiyang nagtaas ng kamay sina Javen, Samara at Astrid.

“Ako din! Ako din po!!” Alivia

“Count me in too.” Tanisha

“Me too.” August

Pinagtinginan sila ng mga tao.

Nahihibang na ba sila?”
“Saan nila planong ilagay yung noodles? Ang liliit nila!”
“Ipapahiya lang nila ang mga sarili nila.”
“Mukang mga dayo sila. Hindi siguro sila na-inform na maanghang ang noodles. Kawawa naman sila.”

Habang abala ang mga bystanders sa pag-aalala sa magkakaibigan ay inihain na sa harap nina Flay ang malaking bowl ng noodles. Nailing naman si Mr. NoodleKing na obvious na obvious na minamaliit ang mga babae.

Sa unang subo pa lang Nina Flay ay agad silang natigilan.

Maanghang ang noodles. Nagkatinginan ang magkakaibigan.

“May naalala ako bigla.” Saad ni Flay

“Ako din.” Aliya

“Ramyeon.” August

“Yung ramyeon challenge na ginawa natin last year.” Saad ni Tanisha

Nagtawanan ang magkakaibigan dahil sa ala-ala. Masaya nilang kinain ang noodles. Although maanghang, ilang beses na mas masarap ang mga pagkain ng Aralon kaysa pagkain sa Earth kaya di katakataka na maganang kumain ang magkakaibigan.

Wala ding problema si Astrid sa anghang ng pagkain. She's the fire priestess, spiciness is nothing for her!

Kahit si Samara ay tila isang royalty na kalmadong kumakain, she's not bothered by the spiciness. She's always refresh, she is the water dragon priestess after all.

Noong mag-umpisang tumaas ng tumaas ang magkakapatong na bowl na pinagkainan nila ng noodles, pababa naman ng pababa ang panga ng mga manonood.

Makalipas ang isang oras ay makikitang masayang tinanggap ni Aliya ang cash prize ng patimpalak. Twenty thousand gold coins!

Umalis sila sa venue na busog at masaya habang nakanganga naman ang mga manonood sa pitumput’tatlong bowl ng noodles na naubos ni Aliya. Hindi pa counted dun ang kinain nina Flay. Kung di pa naubos ang supply ng noodles ay hindi pa sila matatapos sa pagkain.

Food can also be a source of mana, and with their monstrous powers napakalaking bilang ng mana ang kailangan nila. Hindi na nakakagulat na patay-gutom ang magkakaibigan.

“If we keep this up, makakaipon tayo ng malaking halaga.” Saad ni Flay

“Let's join more contests!” saad ni Aliya

“May magic contest dun oh!” turo ni August

“Noooooo! Wag magic contest.” Kontra ni Flay

“Why not?? “ tanong ni Tanisha

“Masyadong easy. Parang ibubully lang natin yung mga ibang contestants.” Sagot ni Flay

“You have a point.” August

“How about that?” tanong ni Astrid

“Potion making?” Alivia

“Sina Javen at Aliya lang ang expert natin sa larangang yan.” Flay

“How about that one?” tanong ni Aliya

“Beast taming?” tanong ni Flay na biglang naging interesado

“I want to try.” Saad ni Alivia

“Bawal sumali dun ang bata.” Saad ni August na ikinasimangot ni Alivia

“Javen and Aliya you should join on the potion making contest. August may sculpting event dun oh, sumali ka din. Tanisha may nadaanan tayong archery contest kanina, alam Kong gusto mong sumali. Alivia may candy shop dun oh, tambay ka muna dun. I'll join on the beast taming. As for the two of you, Samara and Astrid, I don't know what you guys are good at, so just do what you want.” Instruct ni Flay at Hindi na hinintay ang sagot ng mga kasama, she stroll towards the Beast Taming Competition like a bubbly kid going to a candy store.

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Hindi lang pala si Aliya ang gahaman sa grupo nila, pati pala si Flay pagnagigipit na sa pocket money nya.

Natawa na lang sina Javen at saka nagtungo sa mga contest na sasalihan nila.

The city of Bronei will soon meet a storm.

***

Si Aileen ang number one beast tamer ng Bronei. Isa syang noble blood mula syudad ng Cinna ng kaharian ng Gorgona. Ang kanyang ama ay isang baron at ang pangunahing negosyo ng kanilang pamilya ay ang pagpapaamo sa mga beasts upang ikalakal.

Pamilyar na ang lahat sa katotohanang si Aileen ang leading figure sa larangang ito dito sa Bronei, at maging sa buong Gorgona.

“Lady Aileen is truly fascinating.” Saad ng isang binata Kay Aileen

“Congratulations. For sure ay wala nang iba na hahamon sayo Lady Aileen.”

“Ikaw ang number one beast tamer Lady Aileen!” saad pa ng isang babae

Kalmado lamang si Aileen. She loves all the attention that she's currently receiving. But it's not enough to faze her. Mga mangmang na mamamayan lamang ang mga ito, their compliments are not worthy of her attention. Hindi sya tumugon.

Kahit naechapwera ay patuloy pa rin sa papuri ang mga tao.. They want to gain favor sapagkat alam nilang lahat na napakayaman at napakamaimpluwensya ng pamilya ni Lady Aileen. May koneksyon din sila sa palasyo sapagkat isang heneral ng hari ng Gorgona ang Tito ni Lady Aileen. Alam din ng lahat na parte ng top 1000 mages ang ama ni Aileen na isang wizard, top 900 ito.

“I heard that Prince Nero will visit Bronei.”

“Talaga?”

“He’s invited as a judge for the main event of the festival.”

“For sure Lady Aileen will be given a VIP seat near him. Ang swerte naman ni Lady Aileen.”

Napangiti si Aileen sa kanyang narinig. Si Prince Nero ay parang isang tala sa kalangitan na mahirap abutin para sa lahat. Sya ang third prince ng Gorgona at isang pribelehiyo ang masilayan sya. Kakatapos lamang din ng Licentiam Exam kung saan nakapasok ito sa top 700 ng ranking ng Tree of Origin. Lalong humanga ang lahat sa kanilang iniidolong prinsepe. Of course isa na dito si Aileen na pinagpapantasyahan ang prinsepe.

Sa gitna ng papuri ng mga tao ay isang babaeng may blonde na buhok at Gray eyes ang sumulpot sa gitna. Kakaiba ang kanyang kasuotan at halatang isang dayuhan.

“Excuse po. Ongoing pa po ba ang kompetisyon? Pwede pa po ba kong humabol?” inosente nitong tanong

Sa katunayan ay patapos na ang patimpalak at si Aileen ang syang tatanghaling kampeyon subalit tulad ng lahat ng patimpalak sa Bronei ay mayroong open challenge bago matapos ang kompetisyon. Iniimbitahan Ang lahat na hamunin ang taong nagwagi sa patimpalak. Para itong isang steal. But you need the necessary talent to back up your challenge.

“Sino naman sya??”

“Hindi nya ba kilala kung sino ang hinahamon nya?”

“She's too skinny. Tila isang pitik lamang ng isang beast ay madudurog sya.”

“Alam nya ba kung ano itong sinasalihan nya?”

“Maybe she's a mage kaya malakas ang loob nya.”

“Beast taming is an art, it's a special field of study. Ano naman ngayon kung isa syang mage? Not everything can be solve by magic.”

“Baka naman naliligaw lang sya. Baka yung baking contest sa kabilang kalsada ang sasalihan nya..?”

“Hindi po ako naliligaw.” Nakangiting saad ni Flay. Mga taong toh, masyadong judgemental. “Actually hinahamon ko po sya,” dagdag nya pa

Narinig ni Flay ang mahinang tawa ng mga kababaihan sa paligid. They are obviously mocking her.

“Sigurado ba syang alam nya ang pinapasok nya?”

“First time nya lang siguro dito. Pfft. A country bumpkin.”

“Hayaan na lang natin sya. Gusto ko makita kung paano nya ipapahiya ang sarili nya.”

Hindi pinansin ni Flay ang mga narinig nya. Kung pag-uukulan nya pa ng pansin ang mga taong ito ay baka umuwi silang luhaan dahil kinalbo sila ni Flay.

“Ija sigurado ka ba na hinahamon mo sya?” tanong ng matandang lalaki na syang tumatayong MC slash Announcer.

“Yes po. Sure na sure.” Sagot ni Flay

“Kung ganon ay simple lamang ang rules. Sa isang daang uri ng beast na nasa loob ng arena, pitumpo't walo ang syang napaamo ni Binibining Aileen. Kailangan mo lamang higitan ang kanyang nagawa upang ikaw ang tanghalin na kampeyon.” Paliwanag ng matanda

Isang babae mula sa mga manonood ang sumabat. “Wag mo din kalilimutan na kung suswertihan ka at magawa mong pantayan ang score ni Lady Aileen na alam naman ng lahat na impusible mong magawa, talo ka pa din.”

Tumango naman ang matandang lalaki. “Tama ang binibini. Hindi ka magwawagi sa isang tie. Kailangan mong mataasan ang score ni Binibining Aileen.”

“Okay, no problem po.” Nakangiting sagot ni Flay

Napailing naman ang mga manonood. Mukang isa lamang mag-aaral si Flay, marahil ay isa syang studyante sa isang magic school kung kaya minaliit nya ang patimpalak. She's gonna regret this for sure.

Noong pumasok si Flay sa isang pinto ay sa isang malawak na arena sya lumitaw. Ang pinto ay isang magic tool na ginagamit para sa teleportation. Isang projection ang makikita malapit sa tabi nina Aileen kung saan napapanood nila si Flay mula sa loob ng Arena.

“Lady Aileen will surely win this.”

“That girl is done for. May mapanganib na mga beast sa loob ng Arena na yun.”

“Ako lang ba ang naaawa sa kanya?”

“Tsk. Awa? Masyadong minamaliit ng babaeng yun ang contest na ito. She needs to learn her lesson.”

“Beast taming is a dangerous conquest. Let's not ignore her bravery.”

“Bravery? I don’t think so. It's just her ignorance that's making her look brave. She's probably a country bumpkin.”

Of course, reality is a lot cruel than everyone expects.

Yung akala nilang babae na titirisin ng mga beast sa loob ng arena ay masayang nakikipagchikahan, tawanan, nakikipaglaro at nakikipaghabulan sa mga beast.

“……………”

“……..uh…?”

“Is that a chupacabra? Laughing?”

“And a manticore playing fetch like a dog.”

“A yeti is bowing his head like he'd just saw his long lost master.”

“A glawakus and a windogo is playing jack n poy with her.”

“Please tell me na hindi lang ako ang nakakita nito.”

“Hindi ka nag-iisa. Makikita ko din ang nakikita mo.”

“May umiiyak na sasquatch dahil lang di nya pinapansin.”

“And aren’t gremlins too playful? They think it's fun to hurt people. Why are they sitting there like polite and well-behaved children??”

“Not just that. Isn't that a Penanggalan.. Paborito nilang pagkain ang mga bata at mga babae. Bakit itong isang ito ay tila isang maamong tupa sa harap ng babaeng yan?”

“Every beast inside the arena is submitting to her.”

“Paano nangyari yun? Is she really a tamer?”

“Aside from beast tamers, the only people who can do this are magic tamers. Mages who specialises in summoning beast and taming them.”

“It’s rare to find magic tamers this days though.”

“Sino sya? Ilan lamang ang mga magic tamers sa mundo and they are more or less famous people. But I never heard of this girl before.”

“Is she really a magic tamer?”

“Maybe she's just a beast tamer from a remote place.”

“Shet. Look at her score!”

“It can't be!”

“Hindi kaya nandaraya sya?”

“Impusible! Pero impusible din itong score nya!”

Nakangiting lumabas si Flay sa pinto. She truly enjoyed taming the beasts inside the arena. It was fun.

Natahimik naman ang lahat ng manonood.

Maging ang matandang announcer ay na-speechless.

“Uh? Aren’t you gonna acknowledge my win?” tanong ni Flay

“Y-yes. This young lady scored-- S-she scored a perfect 100!” announce ng announcer

Walang pumalakpak. Hindi nila mapaniwalaan ang nasaksihan nila.

“Congratulations young lady.” Saad ng matanda at aktong iaabot na sana kay Flay ang pouch na naglalaman ng twenty thousand gold noong biglang may sumabat sa eksena.

“Wait lang! This is absurd! Lady Aileen is the best beast tamer and everyone knows that! Baka nandaya lang ang babaeng yan!” reklamo ng babae

“She’s right. Sigurado na ba kayong sya ang panalo? Paano kung nandaya sya?” sang-ayon ng isang lalaki

“Sa tingin mo ba may hihigit pa sa score nya?” malamig na tanong ng matandang lalaki. Kanina ay muka syang uugod-ugod at konting ubo na lang ay sasakabilang buhay na, subalit iba ang aura nito ngayon. Aura ng isang malakas na mage. “Kinukwestyon nyo ba ang kakayahan naming husgahan kung may nangyaring pandaraya o wala sa aming patimpalak?”

Natahimik ang mga tao.

“Ipagpaumanhin mo binibini ang mapaklang pagtanggap ng mga taong ito sa iyong pagkapanalo. May mata sila subalit hindi nila nakikita ang ginto sa harap nila.” Paumanhin ng matanda

“It’s okay. No worries, sir. Hindi nyo kasalanan kung mga palaka sila sa ilalim ng isang balon.” Saad ni Flay at saka masayang tinanggap ang cash prize

“Tsk.” Halata pa din ang pagdududa ng mga tao

Ngumiti lamang si Flay sa kanilang lahat.

Sa mata ng marami ay tila isang ngiti ng probinsyana ang ngiti nya. Hindi nya siguro alam kung sino ang binangga nya.

Lumingon ang lahat sa direksyon ni Aileen at nakitang nakakunot ang noo nito. Marahil ay Hindi rin nito matanggap ang kanyang pagkatalo.

“It’s okay Lady Aileen. Ikaw pa rin ang dabest!” sipsip ng isang babae

“Tama sya. For sure nandaya lang ang babaeng yun.”

“Oo nga. Obvious naman napakaimpusible ng ginawa nya.”

“Tama sila Lady Aileen. Alam naman ng lahat na ikaw ang totoong nagwagi at Hindi ang babaeng yun.”

“Gusto mo bang ipaambush ko sya para sayo Lady Aileen? She's just a country bumpkin. No one will miss her.”

“No need.” Saad ni Aileen.. She's calm but furious. Hindi nya matanggap ang mga nangyari. Pero kailangan nyang maging kalmado. Wala sya sa teritoryo nya. Nanggigigil sya na makitang tumatawa si Flay habang kausap ang mga organiser na magiliw syang kinakausap ukol sa contest.

Isang kakaibang ingay ang pumukaw sa atensyon ng lahat. Maging sina Javen at Aliya na abala sa kanilang ginagawang potion, si August na gumagawa ng ice sculpture, si Tanisha na busy sa pagtanggap ng award, sina Samara at Astrid na kumakain ng bananacue sa isang stall at si Alivia na natatakam sa mga nakadisplay na candies ay nag-angat ng tingin.

Isang royal carriage ang dadaan.

May mga royal guards sakay sa mga puting kabayo ang makikita. Sa pagitan ng pila ng mga guardia, ay isang marangyang kalesa na may mga palamuting ginto. Isang pamilyar na flag ang makikita na wumawagayway sa tuktok ng kalesa. Ang simbolo ng Gorgona. Ang watawat ng kaharian nila.

“Magbigay galang sa prinsepe ng Kaharian ng Gorgona. Prince Nero Cyrill Alexus!” announce ng isa sa mga guardia

Agad nagbow ang mga Tao. Hindi sila lumuhod sa lupa na parang mga takot na livestock. Ang OA pagganun. Nagbow lamang silang lahat. Maging sina Flay ay nakigaya. Common courtesy sa mundong ito ang pagbibigay galang sa royal family lalo na kapag nasa teritoryo nila.

“Gosh! He's here. The prince is here!!” excited na saad ng isang babae

Halata ang excitement ng mga Tao. Gorgona is one of the most prosperous kingdoms. Although may mahihirap silang nasasakupang lugar, mataas ang paggalang ng mga malalaking syudad sa royal family sapagkat malaki ang pakinabang nila dito.

Isa ang Bronei sa mga syudad na diehard fan ng royal family. Isa din sila sa pinakapinapaborang syudad ng mga Alexus. Sa mga patimpalak pa lamang kung saan malaking halaga ang mga papremyo ay mahahalata na agad ang favouritism ng royal family towards the city of Bronei.

Sa simpleng pagdaan pa lamang ng kalesa ay napuno na ng excitement ang mga tao. Lalo pa nung himinto ito!

Isang matipunong binata ang iniluwa ng bumukas na pintuan ng kalesa. His aura is demanding attention and submission. Si Nero. Ang third prince ng Gorgona.

“Kyaaaahhhh! Prince Nero!!”

“Prince Nero I love you!!!!”

“Prince Nero!”

Nagsitili ang mga kababaihan. Ngumiti lamang si Nero sa kanilang lahat.

“Oh my gosh.”
“Bakit papalapit satin si Prince Nero?”
“Gods! Na sagot na ba ang mga panalangin ko? Nabighani na ba sya sa kagandahan ko?”
“Gaga! Si Lady Aileen ang pakay nya.”
“Ayy? Oo nga noh?”
“Si Lady Aileen lang naman ang tanging Tao dito na worth it ng atensyon nya.”
“Ang swerte naman ni Lady Aileen.”

Matapos marinig ang mga bulungan ay isang ngiting tagumpay ang gumuhit sa labi ni Aileen. ‘Huh! Mamatay kayo sa inggit!’ Napakasaya ni Aileen dahil tila ito na ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Feeling nya ay lumulutang sya sa alapaap. Naalala pa ba sya ni Prince Nero? Minsan na silang nagkita seven years ago. Hindi sya pinansin ng binata noon. Nagkukunwari lang ba itong suplado? Napansin ba talaga sya nito noon? Maraming pusibilidad ang pumasok sa isip ni Aileen. Unti-unti na syang nilalamon ng pantasya nya.

Isang ngiti ang isinalubong ni Aileen sa prinsepe. “Prince Nero masaya akong makita ka dit---”

“Excuse me, Miss.” Nakangiting saad ni Nero na nagtataka kung bakit paharahara sa daan ang babae.

Nilampasan sya ni Nero.

Hindi sya makapaniwala na nilampasan sya ni Nero. Maging ang mga supporters ni Aileen ay nagulat.

“Fancy meeting you here, Lady Flay of DressRosa.” Nakangiting saad ni Nero noong magkalapit sya sa babae

“Same to you Prince Nero.” Sagot ni Flay

Napanganga si Aileen matapos matunghayan ito. Naechapwera sya para sa babaeng ito?

“What brought you here in Bronei? And where is everyone else?” tanong ni Nero kay Flay

“They’re also here. We were bored waiting for Charm so we decided to play around a little.” Tugon ni Flay

“Huh? Lady Charmaine is not with you?” nagtatakang tanong ni Nero

Umiling si Flay. “We don't know where she went all by herself.”

Habang nagkukumustahan ang dalawa ay natahimik ang lahat. As in lahat. This is Prince Nero we are talking about. Ang prinsepe na tinitingala ng lahat! Sino ang babaeng kausap nya?! At bakit napaka-casual ng usapan nila na tila ba magkalevel silang dalawa. Tila usapan ng dalawang magkaibigan!

Since napukaw na din ang atensyon Nina Javen ay agad silang lumapit kina Flay.

“Bakit nyo kilala ang prinsepe ng Gorgona?” Bulong ni Astrid Kay Javen

“He's a friend and a loyal follower of Charm.” Bulong ni Javen pabalik na ikinalaglag ng panga ni Astrid. How did that happen? Isang prinsepe ang lalaking ito! Pero tagasunod lamang sya ni Lady Charmaine?! Kahit si Samara ay nabigla sa narinig nyang mahinang usapan nina Astrid at Javen. Kung alam lang nila na maging ang isang diyos ay alila lang ni Charm, for sure hihimatayin sila.

“If it isn’t the infamous Explosive duo.” Bati ni Nero sa dalawang babae

Explosive Duo?! Nawiwindang ang mga Tao sa narinig nila!

“I didn’t know that you the two of you are acquainted with my friends.” Saad ni Nero

Friends?! Nagugulantang ang mga nakarinig!

“You too Prince Nero. It's surprising that you know them.” Sagot ni Astrid

Nagpatuloy ang kumustahan nila na tila nakalimutan na nasa gitna sila ng maraming tao.

“Kamahalan mawalang galang na po, kailangan na po nating magpatuloy sa ating destinasyon.” Sabat ng Duke ng Bronei na kakababa lamang sa kalesa.

“Oo nga pala. Teka, bakit hindi natin sila isama? Mag-e-enjoy sila sa pupuntahan natin.” Sagot ni Nero

Isang complicated na ekspresyon ang bumakas sa muka ng Duke. Hindi nya kilala ang mga babae. Iniisip nya na baka mga kaibigan ito ng prinsepe mula sa paaralan kung saan sya nagtapos. Pero may klase ngayon sa Aurum, bakit sila nasa Bronei? Pusible ba na mga acquaintance ito ni Prince Nero mula sa ibang lugar. Kung sino man ang mga babae ay kailangan nya itong isama dahil yun ang nais ng prinsepe.

Bakas ang pagkadisgusto sa muka ng duke pero pinilit nitong ngumiti. “Walang problema kamahalan, isama natin sila.”

“No need. Okay lang kami dito. Mukang di kami welcome.” Sabat ni Flay

Tsk. Sino ba itong bratinelang ito? Gusto nya bang ipahamak ako sa prinsepe?” sa isip ng duke

“Tsk.. Iniimbitihan na pero choosy pa.” saad ng isa sa mga kasama ni Aileen

Narinig yun ng duke na agad ikinakunot ng noo nya. Lalo syang mapapahiya sa prinsepe sa pinagsasabi ng mga Tao! Lumingon sya sa nagsalita at papagalitan sana ito, pero matapos makita si Aileen kasama nila ay agad nagliwanag ang muka ng Duke.

“If it isn’t Lady Aileen! Nandito ka pala ija!” magiliw na bati ng Duke.. “Kamahalan sya ang tinutukoy kong beast tamer.”

Lumingon din si Nero. “Oh?” wala nang ibang reaksyon si Nero

“Bakit Hindi na lang si Lady Aileen ang isama natin, Kamahalan? She will be able to give us tips regarding the program.” Tanong ng Duke

“She’s not worthy to sit beside my friends here.” Sagot ni Nero

“No worries. Sya na lang ang isama mo. Okay lang po kami Prince Nero.” Saad ni Aliya

“Aalis na lang kami. Hindi rin naman kami welcome dito.” Saad ni Flay

“Tsk. Buti alam nyo.” Bulong ng isa sa mga followers ni Aileen

Nung narinig ng duke ang sinabi ni Nero ay may masama syang kutob. Pusible ba na hindi mga estudyante ang mga babae? Mga mage ba sila?

“Mawalang galang na kamahalan, subalit maaari ba naming malaman kung sino ang mga kaibigan mo?” tanong ng duke

“Hindi nyo sila kilala?” tila nagulat na tanong ni Nero.. “Kaya naman pala nagugulat ako sa katapangang pinapakita nyo sa hindi pagbibigay galang sa kanila.” Nailing na saad ni Nero

“Huh? Mga royalties ba sila sa ibang kaharian?” tanong ng isang bystander sa katabi nito

“I don’t think so.”

“Muka silang probinsyana. Sino ba sila?”

“Dapat ba kilala natin sila? Sino ba ang mga yan?” nagtatakang tanong ng mga tao

Nagtataka din maging ang grupo ng mga followers ni Aileen. Kanina pa silang naiimbyerna sa mga babae. Sino ba ang mga ito?

Ngumiti si Nero sa mga nasasakupan nya.

“The City of Bronei is very fortunate to be grace by the presence of the most powerful mages of Aralon.” Saad ni Nero

Nagulat ang mga tao. Mga mage ba ang mga babae? Parte din ba sila ng Top 1000 ranking tulad ni Prince Nero?

“You must have heard of Princess Alivia of the Crystal Nation?” tanong ni Nero

“Of course! Princess Alivia is an amira of one of our subkingdoms!”

“I heard she took the Licentiam Exam and reached rank 16 despite her age. A monstrous talent!” proud na saad ng isa

“You are correct. This is Princess Alivia.” Saad ni Nero sabay pakita kay Alivia na nasa likod nya kanina.. Abala ito sa pagkain ng lollipop.

Nagulantang ang mga tao.. Alam nila na bata pa ang prinsesa ng Crystal Nation. Pero Hindi nila akalain na ganito ito kabata! At dahil pasok ito sa top 25, she's frighteningly powerful! Iniisip nila kung may na-offend ba silang bata kanina, sana wala. Kasi baka si Alivia yun. She's frightening. Kaya nyang pulbusin ang buong Bronei!

“And this is Lady Aliya, ranked 23. Lady Javen, ranked 19. Lady Flay, ranked 15. Lady Tanisha, ranked 13. Lady August, ranked 12. And of course the Explosive Duo, the Witch of Alluvion and the Witch of Arson.” Pakilala ni Nero sa bawat isa

Parang isang kidlat ang bawat salitang namutawi sa labi ni Nero. Namutla ang duke ng Bronei. Nagreplay sa isip nya ang dissatisfaction sa muka nina Flay sa kanyang mga ikinikilos kanina.

Hindi lamang ang duke ang nanlambot. Maging ang grupo ni Aileen. Kahit pa kumapit sila na parang linta sa pamilya ni Aileen ay hindi sila maiisalba sa kanilang katapusan. They just offended the top most existences of Aralon! Gusto na nilang magtago sa saya ng mga nanay nila. They are so dead.

Keep in mind that everyone respects the Top 1000. Even dukes and noble births have to respect the top 500. The Council prioritize the top 100. The royal families have to think twice before offending the top 25. And even kings and queens have to be wary of the top 5.

Imaginin nyo na lang ang takot na nararamdaman ng mga taong nagsalita ng hindi maganda kanina.

They are soooooo doomed.

***

Samantala, isang babae ang makikitang nakaluhod sa kulay itim na nyebe. Madilim ang kapaligiran na hindi nasisikatan ng araw. Ang dark continent.

Ang babae ay may mahabang itim na buhok, ang kanyang asul na mata ay puno ng luha.

“Arren.” Bulong nya sa hangin habang patuloy na umaagos ang kanyang luha

Nakatulala ang babae sa  isang abandonadong templo di kalayuan.

“Kamahalan, mas mabuting lisanin na natin ang lugar na ito.” Magalang na saad ni Heian, ang itim na dragon sa tabi ng dalaga, it's towering size is unnoticeable because of the dark background.

Umiling si Charmaine.

The suppressing and restrictive magic of the temple will continue to harm Arren's body. Hindi ito pahihintulutang mangyari ni Charm.

“Princess please, this place is dangerous for you. This place is not for mages.” Saad ni Regis

“I can't leave Arren here.” Saad ni Charm

Nagkatinginan ang tatlo nyang kasama. Alam nilang walang makakapigil sa dalaga.

“Princess you leave us with no other choice.” Saad ni Euphie, kung kailangan nilang i-knock out si Charm ay gagawin nila. The Princess cannot stay here any longer.

“I don’t wanna do this but you have to leave.” Dagdag ni Regis

Humarap si Charm sa kanila. “I said, I will save him.” May diing saad ni Charm

Natigilan sina Euphie at Regis. They can stop her but they choose not to.

Nagkatinginan na lamang sina Regis at Euphie noong maglakad si Charm patungo sa direksyon ng templo.

“I will stand guard here.” saad ni Heian. Mas nais nyang manatili sa labas ng templo. He's not afraid of the gods, but that does not mean he's stronger. He is willing to fight one on one with a god, but Elda is said to be the strongest god, even stronger than Rex and Coellum. “Support the princess, this place is dangerous for us dragons.”

Tumango ang dalawa at saka lumitaw sa likod ni Charm.

“Princess allow me to pave the way for you. Elda's magic can harm yo---” naudlot ang sasabihin ni Regis noong dirediretsong pumasok si Charm sa templo

Agad sumunod sina Euphie at Regis subalit isang repelling magic ang humarang sa kanila.

“Tsk. You're already dead, you think you can stop me?” naiinis na saad ni Regis at saka dirediretsong pumasok sa templo breaking the magic  surrounding the entrance. This is the power of the Celestial King.

Casual na naglakad si Charm sa loob ng templo. Ang mga kidlat pa ang syang umiiwas sa kanya.

Kasunod nya sina Regis at Euphie na ang unang napansin ay ang relika na nasa gitna ng altar ng templo.

Agad nila itong nakilala. Ang Aegis! A necklace that can suppress even the gods! Bakit ito nandito?

“Hey Celestial King, why is the Aegis here?” Tanong ni Euphie

“How would I know that?” tugon ni Regis

“Ask your godly self. The celestial god probably knows.” Saad ni Euphie

“He's too indifferent. Plus I can't call out to him. The Aegis is suppressing him.” buntong hininga ni Regis

Patuloy na nagbangayan ang dalawa sa mahinang mga boses, hindi sila pinansin ni Charmaine.

Nakita ni Charm ang katawan ni Arren..

Maingat syang umupo sa tabi nito.

“Arren.” Tawag nya

Walang tumugon sa kanya.

He's dead. Pero Hindi ito matanggap ni Charm.

“Arren!” tawag nya pa ulit dito

He's dead.

“Arren!!” tawag pa rin nya

He's dead. Ilang ulit pinaalalahanan ni Charm ang kanyang sarili. Wala na si Arren.

Niyakap nya ang walang buhay nitong katawan.

Hindi nagsalita si Charm. She just allowed her tears to wash away the pain that will never go away.

He's dead. And a part of her died along with him.

Nabalot ng katahimikan ang templo.

Kahit ang kidlat at kulog ay natakot lumikha ng ingay sa sandaling ito

Hindi napansin ni Charm ang magic circle na nakapalibot sa kanilang dalawa ni Arren. Patuloy lamang syang umiiyak.

Nanlaki ang mga mata ni Regis.

“Ang magic seal.” Usal ni Euphie

“The princess absorb back her magic.” Komento ni Regis

“She’s not even aware of it.” Bulong ni Euphie

Lumipas ang ilang araw na hindi man lamang kumilos si Charm mula sa kanyang pwesto. Hindi na sya umiiyak subalit Hindi nya pa rin binibitawan si Arren.

His body is frozen because of Charm's magic.

Sa ikapitong araw ay tumayo si Charm.

“S-saan ka pupunta mahal na prinsesa?” tanong ni Regis noong naglakad si Charm patungo sa pinto.. Arren's body is floating behind her.

“To bury his body.” Tugon ni Charm

Magalang na tumango sina Euphie at Regis.

Pag labas ni Charm sa templo ay agad syang sinalubong ni Heian na magalang na nagbow sa kanya.

Malamig na hangin ang yumakap sa manhid na katawan ni Charmaine.

Singdilim ng kapaligiran kung nasaan sya, ang mundo ni Charm. Ngayon nya lamang naunawaan kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman nya. Ngayon nya lang naintindihan kung bakit si Arren lamang ang tanging tao na kaya syang asarin at pasayahin ng sabay. Ngayon nya lang naintindihan kung bakit ito lang ang tanging tao na kaya syang saktan. Ngayon nya lang naunawaan ang totoo nyang nararamdaman. Ngayon pa kung kailan wala na si Arren.

Isang pamilyar na presensya ang nagpahinto sa naglalakad ni Charmaine.

Maging sina Heian, Euphie at Regis ay naramdaman ito.

It feels nice to be free.” Saad ng isang tinig

Lumingon si Charm sa kanyang likod at isang pamilyar na muka ang nakangiti sa kanya.

Natigilan si Charmaine.

Pinagdedebatihan ng kanyang puso at isipan kung totoo ba ang kanyang nakikita o kung ilusyon lamang ito na dulot ng kanyang pagnanais makita muli ang ngiti ng lalaki.

“A-arren?” tanong ni Charm, and somehow, her shattered heart found something to hold on to. Hope. Hope that Arren is alive.

Ngumiti si Arren. Pero hindi pamilyar ang ngiti nya.

Maging ang kanyang presensya ay kakaiba para Kay Charmaine.

Arren's magic is warm. This man in front of him is fiery.

He is Arren but at the same time he's not.

Despite the unfamiliar vibes, Charm is sure that they have met before.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Eyes of god look back at Charm. Nakahuhumaling ito, kulay ginto. Walang bakas ng orihinal na kulay gray.

Hindi si Arren ang lalaki sa harap nya.

“Who are you?” tanong ni Charm

Isang ngiti ang isinukli ng estranghero.

“I’m the Prisoner. Thank you my Warden, for setting me free.” Saad ng lalaki

And Charm finally put the pieces of the puzzle together.

Prisoner.

Warden.

The seal.

Her mother's decision.

It wasn't to seal Charm's magic.

It was to seal the monster inside Arren.

It wasn't about her all along.

It was about Arren and the golden-eyed entity inside him.

~~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top