Tale 46
Tale 46
~The Princess, the Beast, and the Queen~
"There was a story about an evil dragon who terrorized kingdoms and empires of the ancient times. When the dragons went extinct and the humans started to build kingdoms, Heian the dragon of darkness destroy cities because of his animosity towards humans. The god Coelum struck him with his power and sealed away the dragon in a place that cannot be touch by humans. When the last dragons vanished and the gods went away, the secret to Heian's prison was forever lost in time."
-Dragons and Gods, a collection of tales by J. Forbes
Sa isang liblib na bahagi ng marangyang syudad ng Theos, isang lihim na pagpupulong ang kasalukuyang nagaganap sa isang pribadong silid.
"Kung wala tayong gagawin, she will overshadow all of us." Saad ng isang babaeng may takip na veil ang kalahati ng muka. Sa mga mata nito ay mahahalata na maganda ang babae, itinatago nito ang kanyang muka sapagkat ang pagpupulong na nagaganap ay isang bagay na maaaring ikasira ng lahat ng tao sa loob ng silid.
Hindi bababa sa sampu ang bilang ng mga tao sa silid. Although hindi nila alam kung sino-sino ang bawat isa, sigurado silang mga malalaking pangalan ang nasa likod ng pagkukubling kanilang nakikita sapagkat ang nag-paunlak sa kanila sa pagpupulong na ito ay walang iba kung hindi si Myka, ang apprentice ng Witch of Havoc.
"She's a monster, we are not her match." Saad ng isang dalagita
"Don't forget that the next part of the exam is in our favor. We will be sent inside the World of Beasts, alone. We can use communication magic to not lose track of each other and tracking magic to locate other examinees too. Plus I can mobilize other examinees without problems." Saad ng babaeng may veil
"What are you suggesting?"tugon ng isang binata na pango, puno ng balbas ang muka at mukang isda, in short panget. Isang uri ng transformation magic to hide his true appearance. This guy is possibly a girl in disguise.
"Tomorrow is the Magic Hunt. Accidents happens on this part of the exam all the time." Sagot ng babae and she's obviously hinting something based on her choice of words.
"Accidents huh?" natatawang saad ni Myka, she obviously understand what the girl in veil meant.
"So you want to join force and ambush her?" ang binata ang naglakas loob gumawa ng conclusion.
"Yes. But not just her, all of her friends too." Sagot ng babaeng may takip na veil ang muka
***
Magic Hunt is a simple hunting game. Bawat examinee ay kailangang maghunt ng isang specific beast sa loob ng ibinigay na oras ng Council.
Ginaganap ang hunt sa loob ng isang Dimensional Fortress na pagmamay-ari ng Council na tinatawag na World of Beasts.. Isa itong independent dimension na may sariling ecosystem. Dito ay malayang maglaban-laban ang mga examinees para sa target. Ang parteng ito ng exam ay napagdesisyonan na i-extend ng dalawang araw upang mabigyan ng sapat na panahon ang lahat na i-explore ang lugar.
Natagpuan ni Charm ang kanyang sarili na mag-isang nakatayo sa isang kagubatan. Wala syang nasesense na lifeforms nearby. She's completely alone. Sa nakalipas na dalawang taon ay natutunan ni Charm gisingin ang dragon instinct sa loob nya, she can feel all lifeforms. Ito rin ang dahilan kung bakit may kakayahan syang marinig ang tinig ng mga puno at halaman sa Aralon simula pa lamang noong sya ay bata pa.
Tulad ni Charm ay mag-isa lamang ring lumitaw ang lahat. Sa sobrang lawak ng Dimensional Fortress ay maituturing na itong isang maliit na mundo kaya naman tinawag itong World of Beasts. Maliit lamang ang pusibilidad na magtagpo ang landas ng mga examinees, unless maglalaan sila ng effort hanapin ang iba pa. Pero because this is a hunt, it's not practical to look for others, mas mabuti na magfocus sa mismong pakay nila, ang Hunt.
Maraming uri ng beasts ang naninirahan sa lugar na ito. Sa outer core matatagpuan ang mga low level beasts. Sa middle core ang mga decent level beasts. At sa inner core matatagpuan ang mga highlevel and dangerous classes of beasts.
Isang uri lamang ng beasts ang kailangan nilang i-hunt subalit ang beast na ito ay matatagpuan sa tatlong parte ng lugar. Ang Syr. Sa outer core ay matatagpuan ang mga infant versions nila na mukang mga sibuyas na singlaki ng kalabasa. May paa at kamay sila at singbilis sila ng kidlat. Sa middle core ay ang matured version nila na anyong sibuyas pero singlaki na ng isang oso, they actually look cute and cuddly because of the thick fur on their bodies. Pero mapanganib sila dahil they are carnivores and yes, they eat mages. Sa inner core naman matatagpuan ang adult version nila na according to rumors ay malahalimaw din ang size, kaya daw nitong wakasan ang buhay ng isang mage sa isang pitik lamang ng kamay nito, iilang tao pa lamang ang nakaka-encounter sa mga Syr ng inner core kabilang na si Elora ng Council. Masyadong mapanganib ang mga beasts sa inner core kaya bihira lamang ang naghuhunt sa lugar. The World of Beast is also famous for the darkness that shrouded the entire place. The outer core still have slight visibility, the middle core is really dark and the inner core is filled with complete darkness.
Sa middle core ay isang babaeng may blonde hair at gray eyes ang naglalakad na tila namamasyal lamang sa lugar. She's accompanied by luminous butterflies. Muka syang isang dyosa na namamasyal sa mundo ng mga mortal. Makikita ang isang malawak na ngiti sa labi ng babae, si Flay. This place is like a playground for her. She's a summoner and she mastered the art of communicating with all sorts of beasts and spirits and dignified creatures. She even studied all of their weaknesses and strengths so this hunt is just like a walk on her own garden.
Javen is a bit struggling. But she have one of the best defences among all of her friends so nothing in this dimension can threatens her.
Nakakunot ang noo ni Aliya. Hindi sya makapagdecide kung saan magha-hunt. Ang mga beast sa outer core ay one point each so kailangan nya ng marami nito para makakuha ng mataas na score. Sa middle core ay five points each ang isang beast pero higit itong mas mapanganib kesa sa counter part nito sa outer core. Habang sa inner core naman ay ten points ang katumbas ng isang beast subaalit bihira lamang ang naghuhunt dito dahil sa panganib na dala ng lugar. "Sino ang ihu-hunt ko? Si Charmander? Si Charmeleon? O si Charizard? Ang hirap pumili." Buntong hininga ni Aliya
August is as chill as ever. With her ice magic, nothing can scare her in this place. Mas nataatakot pa nga sya na baka sa halip na atakihin sya ng mga beasts, ay magsilayo ang mga ito sa kanya dahil sa takot. Paano na lang sya maghuhunt pagganun ang nangyari?
Tanisha have the same worries. Fortunately, she's born to be a hunter. She's currently as light as the wind. Her presence blends in with the darkness of her surrounding. With her bow and arrow nothing can escape from her.
Alivia is probably the only person who isn't struggling right now. She's the earth priestess and every beasts in this forest loves her. Instead of hunting them, they willingly followed her.
Charm on the other hand is actually at the inner core right now. Nilalayuan sya ng lahat ng mga beasts sa outer at middle core kaya naman pinili nyang dito magtungo to hunt. Sa kanyang likod ay makikita ang isang kulay asul na apoy na masayang lumulutang-lutang sa ere. Ito ang Fiscio na nakuha nya mula sa Trial of Fire two years ago sa Imperial Academy of Magic.
"Blue this place is perfect for you." Komento ni Charm dahil napansin nyang mas masigla ang alaga nyang fiscio sa lugar na ito compared sa labas.
Malambing na ikinuskos ng fiscio ang kanyang sarili sa pisngi ni Charm. Although they are made of fire, they cant hurt their masters. Para kay Charm ay may malambot na bulak na dumampi sa kanyang pisngi. Although Blue is extremely weak, she still loves him because he's very sweet like a puppy. Sa totoo lang ay nagsisilbi lang ilaw si Blue sa kadiliman, yun lang ang purpose nya dahil sobrang hina nya.
"This place feels strange to me." Saad ni Charm dahil may kakaibang pull ang lugar habang papalapit sya sa pinakapuso nito.
Sa simpleng paglalakad ni Charm ay maraming uri ng beasts sa inner core ang nagambala. They are all territorial, and despite sensing a strange power from Charm, these beasts won't allow anyone strolling on their territory. And because of that, Charm take them all down. Lahat ng beasts na humaharang sa kanya ay knock-out sa kanya. Tanging mga Syr lamang ang inilagay nya sa CosmoBag na kanyang dala dahil yun lamang naman ang pakay nya sa lugar. Ang Cosmo Bag ay isang magic tool na parang bulsa ni Doraemon, even the entire cosmo can fit inside.
Samantala, lingid sa kaalaman ni Charm ay may isang grupo ng mga mages ang lihim syang tina-track down.
"Bakit nandito sya sa Inner Core??" kinakabahang tanong ng isang binatilyo
"She's courageous alright? She's alone but she still choose to tread this path."
"Pero hindi ba kayo nagtataka.. Tila walang kahit isang beast sa lugar na ito?"
"They're probably hybernating, asleep, or they just don't care so they don't attack despite our intrusion on their territories. But stay alert."
"But it's still weird. We lost several comrades when we faced a Syr at the entrance of the inner core."
"Just be thankful. If we face another beast here, we have no other choice but to escape or else we'll die."
"Hey. I think I found her." Saad ng nasa pinaka-unahan ng grupo
"Good."
Abala si Charm sa pag-iihaw ng isang edible beast para sa kanila ni Blue noong maramdaman nya ang presensya ng napakaraming mages na patungo sa direksyon nya. She can already guess their motive.
Lumingon sya sa direksyon ng lider ng grupo. Nabigla ito sa pagtama ng mga mata nila ng dalaga. Gumagamit na sya ng isang mataas na uri ng cloaking magic pero agad syang nakita ng babae.
"What's the point of hiding??" tanong ni Charm habang abala pa din sa kanyang iniihaw.. Masigla namang kumakain si Blue sa tabi nya. She kinda miss Snow, her pet tiger.
"You are truly enigmatic. Even now I'm still not sure how powerful you are." Saad ng lider
"State your business here. If you simply want to hunt, I wont give you guys a hard time. But if you have something else in mind, choose your words nicely." Saad ni Charm
"I admire your courage. Even if I'm stronger, I won't threaten others like you do. In terms of strength you might be superior, but there is also power in numbers." Saad ng isang lalaki
"This is not courage." Saad ni Charm in a very casual manner. "In my eyes, all of you are already dead. Why should I be afraid of some small potatoes?"
"P-potatoes?"
"Did she went insane because of fear?"
Lumitaw ang mga familiar ng mga witch na member ng ambush team. Inilabas naman ng mga wizard ang kanilang wand at makikita din ang singsing na suot ng mga sorcerers.
"Ha! You are courageous indeed! But don't belittle us, we were sent here to eliminate you because you are a threat to everybody."
"Big words coming from small fries. These potatoes are just crazy. How dare they threaten the rightful ruler of Aralon?" isang nangkukutyang tinig ang umagaw sa atensyon ng lahat
Isang munting binibini ang makikita sa balikat ni Charm. Napakaganda nito at nakasisilaw ang nagliliwanag nitong pakpak sa likod. Isang fae! Fae is the highest form of fairies, they are extremely powerful, they were only part of myths because they are too strong that some says they are comparable to dragons.
"S-summoning magic??"
"As the queen of Andina I command you to return back to our world. Do not help these puny mages to offend the future ruler of this world, unless you want their futures to be doomed." Saad ng Fae at kasabay nito ay naglaho ang mga familiar ng mga witch na naririto ngayon
"A-anong nangyayari?"
"Hindi ko ma-contact ang familiar ko."
"M-my familiar abandoned me?"
"I-I-I cant believe this."
"How can that Fae command our familiars?"
"This is crazy. Is she using forbidden magic?"
"That fae is also a monster."
"Relax guys. Right now you are facing the princess, the beast and the queen. Don't be afraid. Your deaths will be painless." Malambing na saad ng Fae, patuloy lang na kumakain ang Fiscio na si Blue habang naiiling naman si Charm.
"Stop scaring them Euphie. You might give them a heart attack if you continue talking." Sabat ni Charm
Ang fae sa kanyang balikat ay ang kanyang familiar na si Euphie. With the help of Eclipse, she managed to tamed her unruly familiar who is also the current ruler of the world of Familiars, Andina.
"Let's stop wasting time. Will you come at me one by one or are you gonna attack at once? I prefer the latter to save time." Saad ni Charm
Napikon ang mga mage and I know you already know what happened next. They messed with the wrong person.
Sa isang liblib na parte ng Middle Core na napalilibutan ng kadiliman, makikitang nakahandusay sa lupa ang katawan ng ilang mga tao. Duguan sila pero humihinga pa. Puno ng takot ang mga puso nila. Hindi isang malakas na beast ang sanhi ng nangyari sa kanila kung hindi isang malakas na mage.
"Anyone else?" tanong ng mage na nasa gitna ng mga nakahandusay na katawan. Kulay blonde ang kanyang buhok at kulay gray ang kanyang mga mata. Si Flay.
"Anymore random dogs wanting to fight? Come on, just come out already! I will take you on so just attack! Come on! Anyone? Stop wasting my time!" hamon nya pero nanatiling tahimik ang lugar.. Ang kaninang nagkukubling mga kasamahan ng mga natalong mage ay piniling tumakas sa takot na mabiktima sila ng halimaw na babae.
"M-mayabang! Maswerte ka dahil iilan lang kami. Sigurado akong nasa panganib ngayon ang mga kaibigan mo!" sigaw ng isa sa mga sugatang mage na ikinatakot ng mga kasamahan nito
'Putcha naman! Nahihibang na sya! Ayoko pang mamatay!' sa isip ng ibang mga mage at gusto na nilang tuluyan ang kasamahan nilang naglakas loob na magsalita.
"Pfffttt.. Hahhahahahahahahahahahaha." Napuno ng tawa ni Flay ang lugar
Lalong natakot ang lahat sa sinister na tawa na bumabalot sa lugar na iyon. Pakiramdam nila ay katapusan na nila.
"Pinapatawa mo ko. Sa tingin nyo ba mas mahina sakin ang mga kaibigan ko? Hahahaha.. Yan na yata ang pinakanakakatawang bagay na narinig ko simula nang bumalik ako dito sa Aralon. Pfftt." Saad ni Flay
Matapos nyang tumawa ay nangilabot ang lahat noong sumilay sa labi ni Flay ang isang ngiti. "I'm not worried for them. Mas worried pa nga ako para sa mga kasamahan nyo. Sana buo pa sila."
Hindi nagkamali si Flay. Nasa mabuting kondisyon ang mga kaibigan nya, lalo na si Alivia na tila reyna ng mga beasts. Ni hindi nya kailangang maglaan ng effort, ang mga beasts ang nagpoprotekta sa kanya.
"..117, 118, 119, 120, 121.. Hm? 122, 123.. 123 Syrs! Not sure if this is good enough but thanks guys, nakatipid ako ng effort at oras sa paghuhunt.." masayang saad ni Aliya habang maluha-luhang inilalagay ng mga bugbog saradong umatake sa kanya ang mga syr na na-hunt nila patungo sa cosmobag ni Aliya.. Gusto na nilang maiyak. Kung alam lang nilang malahalimaw ang masiglang babae ay hindi na sana nila inatake pa ito. Ang mga syr na pinaghirapan nilang i-hunt ay napasakamay lang nito! Tinakot sila ni Aliya na hindi na sila makakaalis ng buo sa lugar na yun kapag hindi sila nakipagcooperate sa gusto nya. She's a cruel monster. Aliya was just joking pero dahil nasindak na ang mga taong ito kanina ay akala nila isa iyong threat, when she realized that, she just happily went with the flow. Nakatipid pa sya ng oras at effort!
Samantala, matapos itumba lahat ng mga mage na umatake sa kanya ay ipinagpatuloy na ni Charm ang kanyang paglalakbay. She's targeting Syrs.
"Blue naramdaman mo ba yun??" tanong ni Charm matapos matigilan dahil sa kakaiba nyang nararamdaman
Nagtataka naman ang fiscio dahil wala naman syang nararamdaman. He just purred like a kitten.
"Follow me. I can sense something from that direction." Saad ni Charm and she cast a spell to glide in the air, agad namang sumunod sa kanya ang fiscio na syang nagbibigay liwanag sa madilim na lugar..
Habang papalapit si Charm sa pinakapuso ng lugar, lalong dumidilim ang paligid. Kahit ang liwanag mula sa fiscio ay tila nilalamon ng kakaibang kadilimang ito.
Nais pigilan ni Blue si Charm na tahakin ang daang ito dahil sa kakaibang presensya ng lugar. He yelp to beg her to stop. Nag-aalala sya para kay Charm.
Hindi naman napansin ni Charm ang nararamdamang takot ni Blue. She was too focus on the strange feelings she get from here. A stange.. calling.
"Yes my child, come closer to me." Tawag ng tinig
Hindi mapaniwalaan ni Charm ang nakikita nya.
"H-how??" hindi makapaniwala nyang tanong
Sapagkat sa harapan nya ay isang sinaunang halimaw ang matatagpuan.
Isang dragon.
"You finally appeared my child, a human strong enough to meet me in a place that cannot be touched by mortals " Saad ng dragon at ang tinig nito ay sa isipan lamang ni Charm naririnig. Telepathy.
The dragon is chained. And he is imprisoned in a cage made of metals that Charm cannot identify. Isang alamat ang sumagi sa isipan nya tungkol sa isang dragon. Heian, the dragon of darkness.
"Finally."
Hindi makahinga si Charmaine. Pakiramdam nya ay isa lamang syang mahinang mortal sa harap ng dragon. Sinusubukan nyang tawagin si Euphie subalit nabigo sya. She cannot reach her.
"I can finally leave this place. Thank you my child."
Napaluhod si Charm nang maramdaman ang isang mabigat na pwersa sa kanyang balikat. Her dragon instinct is screaming danger right now.
"Heian." Usal nya and something flicker in the eyes of the dragon
"It surprise me that someone still remembers my name."
"Release me at once." Saad ni Charm, pinilit nyang tumayo with all the strength she could muster at the moment. Hindi sya papayag na magpatalo sa isang dragon lamang. She's a royal blooded one, this old lizard is beneath her.
Nang makita ni Heian ang paninindigan sa mga mata ng dalaga ay nabahala sya.
"Foolish little one, you think I will release you just because you said so?"
Lalong bumigat ang pakiramdam ni Charm. May umagos na dugo mula sa kanyang bibig pero hindi sya nagpatinag. Nanatili syang nakatayo.
She's not afraid. Not because she's blinded by her own strength. Alam nyang mas makapangyarihan ang dragon sa harap nya. Her real powers are sealed away, while the monster in front of her is a true dragon in flesh.
She's not afraid because she can feel something from the dragon in front of her. Empathy. She can't believe that someone as prideful as a dragon is locked up in chains. It hurts her pride as a dragon too.
"Give me yourself my child, help me escape from this damnable chains."
"I can't help you." Sagot ni Charm
May nangungutyang ngiti na gumuhit sa labi ng dragon. Kasabay nito ay may pwersa na humihila kay Charm papalapit sa dragon.
Panganib.
Alam nya na hindi maganda ang kahihinatnan ng lahat sa oras na makamit ng dragon ang gusto nya.
Kahit gaano pa makapangyarihan si Charm laban sa mga mage, hindi nya magawang tapatan ang lakas ng isang dragon. Hinihila sya papalapit ng pwersa at ang tanging nagagawa nya ay manatiling nakatayo habang unti unti syang hinihila ng pwersa.
Nagulat si Charm noong maramdaman nya si Blue. Pilit syang hinihila ng munting apoy papalayo sa dragon.
"Do not interfere." Ang sunod na lang namalayan ni Charm ay ang pagtilapon papalayo ng kanyang fiscio na si Blue.
No. Unti-unting nabubuhay ang galit sa loob nya. Ang malambing nyang fiscio, hindi nya matanggap na may nanakit dito.
Muli nyang nakita ang apoy na bumalik patungo sa direksyon nya. Pero sa pagkakataong ito ay sa pagitan na nila ng dragon. Ang kaninang bolang apoy ay nagbago ng anyo. Sa kagustuhan nitong protektahan si Charm ay may nahihimlay na kapangyarihang nagising sa loob nito. Lumaki ng lumaki ang apoy na tila nais na nitong sakupin ang buong lugar. Maging sina Flay at ang ibang mga kalahok ay napalingon sa direksyon ng Inner Core dahil sa isang liwanag na tila bituin sa isang madilim na langit.
Naramdaman ni Heian na isang threat ang apoy sa kanyang harapan. Kung hahayaan nya itong ma-develop ng tuluyan ay maaari syang masaktan nito.
"Foolish little creature." At muling tumilapon si Blue
"Blue." Usal ni Charm dahil unti-unti nang dumidilim ang liwanag nito.
Hindi matanggap ni Charm na wala syang magawa para protektahan si Blue. She never felt this helpless before. Even the Stillwater of Aralon never made her felt this weak before.
"Wala kang karapatang saktan sya." Baling nya sa dragon, kanina ay may nararamdaman pa syang awa para sa kauri nya. Pero ang kakarampot na awang iyon ay naglaho dahil sa ginawa nito kay Blue.
Isang bolang apoy ang lumipad sa direksyon ng dragon at kumunot ang noo nito dahil sa nangyari. Pero kahit pa direkta na syang inatake ng fiscio ay hindi sya nasaktan. Muling tumilapon papalayo si Blue.
"Tama na Blue." Sinubukang pigilan ni Charm ang kanyang fiscio pero hindi sya pinapakinggan nito
Muli itong lumipad sa direksyon ng dragon. Nais nitong pakawalan ng dragon si Charm.
"Tama na Blue!" nasasaktan na si Charm sa nakikita nya. Tila isang mapupunding bumbilya na ang liwanag ni Blue. Natatakot sya sa pusibleng mangyari dito.
Sa muling pag-atake ni Blue sa dragon... tuluyan nang namatay ang liwanag nito.
"Good riddance. That pests in the form of fire was annoying."
"Hey little child, why so quiet?"
"Hmm?? Are you mad? Haha that was just a moving carbon dioxide mix with nitrogen, water vapor and oxygen. Just a ball of fire. Why so sad little girl?"
"You." Kahit pa ramdam ni Heian na mas makapangyarihan sya kaysa sa babae sa harap nya, nakaramdam sya ng kakaibang takot noong salubungin ng dalaga ang mga mata nya.
Asul na mga mata. Pamilyar sya sa malamig na mga matang ito. Hindi sya maaaring magkamali.
"I-isa kang ice dragon..?"
Magkaharap na sila ng babae. Pero sa hindi nya malamang dahilan, hindi nya matagpuan ang lakas na ituloy ang plano nyang pag-absorb sa babae. Natatakot sya sa kanya.
"Heian my friend, why so foolish?" isang mapaglarong tinig ang umagaw sa pansin ng dragon
Isang lalaki ang makikitang nakaupo sa hangin. Relax na relax ang posisyon nito na tila may malambot na sofa syang inuupuan. Ang buhok ng lalaki ay kalahating itim at kalahating puti. Ang tangi nitong kasuotan ay leather na pantalon at furred coat na gawa sa ballat ng white tiger.
"Y-you.. Why areyou here?" tanong ng dragon
"Isnt it obvious? You messed up big time. Why are you so stupid? You're probably getting senile because you are too old now."
Isang magandang nilalang naman ang makikitang nakaupo sa balikat ni Charm. Muka itong isang bata subalit ang mga mata nito ay puno ng karunungan. Ang pakpak nito ay nakasisilaw sa ganda. Isang fae!
"Even you? What are you two doing here?"
"Hmm? That lady in front of you is my beloved master." Nakangising tugon ng lalaki habang kumakain ng mansanas
"Same. Same." Dagdag naman ng fae
Realization dawn on the dragon. May kilabot na dumaloy sa buo nyang katawan.
"I lost track of her so I check out what's happening. Turns out that she stumbled on a thorny situation." Saad ng lalaki, si Regis ang Celestial King
"You see, she's extremely weak now but the powers that she uses to resists you is just the tip of the iceberg. She's several folds stronger than you. If you are still clueless to who she is, oh well, you just offended the Dragon Princess." Saad ni Euphie, ang reyna ng Andina at syang familiar ni Charm
Agad pinanlamigan ang dragon. Ilang libong taon na sya nakakulong sa lugar na ito. Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang takot na nararamdaman nya towards the royal blooded ones. Kahit kay Coelum na syang nagkulong sa kanya sa lugar na ito ay hindi sya natatakot, sa mga ice dragon lamang.
"Y-you're highness." Puno ng kaba ang dragon matapos maramdaman ang malamig na tingin ni Charm
"Oh oh. She's really furious right now." Natatawang saad ni Regis at saka lumapit para pakalmahin si Charm.
"Princess calm down.." saad ni Regis dahil ang kaninang madilim na kapaligiran ay unti-unti nang nababalot ng yelo.. makikita ang pagkislap ng mga ito sa kabila ng kadilimang bumabalot sa lugar.
"Blue. He's gone." Saad ni Charm
"That's not true. Can't you feel him?" nakangiting saad ni Regis
Napalingon si Charm sa lalaki dahil sa naging tanong nito.
He's right. She can still feel him.
Lumingon si Charm sa isang direksyon.
Kung hindi mag-uukol ng sapat na atensyon ay hindi agad mapapansin ang isang munting liwanag. Tila ito isang alitaptap na malapit nang maglaho.
Halos mapaluhod si Charm dahil dito. Blue is still here!
"Cancer. Leo." Tawag ni Charm at may dalawang simbolo sa kanyang kamay ang nagliwanag.
"Princess." Sabay na saad ng dalawang celestial spirit
"Can you help me fix him? He's dying." Saad ni Charm
"Of course, Princess." Saad ni Cancer
"Anything for you Princess." Magalang na saad ni Leo
"I can help heal his dying soul." Saad ni Cancer na isang makapangyarihang telepath.
"I can reverse the hands of time to restore his broken body." Saad naman ni Leo na kayang kontrolin ang oras
"Thank you." Saad ni Charm
"What do you want us to do with this idiot dragon?" Tanong ni Euphie
"Do whatever you want." Sagot ni Charm na wala nang pakiaalam. Si Blue lamang ang inaalala nya sa mga oras na ito.
"Why don't we help him escape?" saad ni Regis
Agad nangilabot si Heian. Sa nakalipas na ilang libong taon, kalayaan ang pinakahinahangad nya.
"You and your crazy ideas." Naiiling na saad ni Euphie
"Of course it's not for free! Why don't we make him serve the princess? What do you say Heian?" suggest ni Regis
Serve? Dragons are prideful beings. Kahit pa matindi ang takot nya sa mga ice dragons, hindi nya kailanman ibinaba ang sarili nya into a servant. Pero ito lang ang tanging chance na mayroon sya! Maaaring hindi na sya makalaya sa lugar na ito kailan pa man. Papayag ba sya?
"I don't need him." Saad ni Charm na bumasag sa pag-asang nag-uumpisa pa lamang mabuhay sa puso ng dragon
"Aww. Okay. Let's leave now then." Masiglang saad ni Regis, lahat ng nais ni Charm ay sinusunod nya
"W-wait." Pigil ni Heian sa kanilang pag-alis
"Do you still need something?" hindi interesadong tanong ni Charm
"I will serve you, just help me escape." Buo na ang desisyon ng dragon, hindi nya nais mabulok sa lugar na ito!
"Like I said, I don't need you." Sagot ni Charm
"I'm powerful, you can find me useful one way or another." Pangungumbinsi pa ng dragon
"I'm willing to be your servant for a decade, then you can release me after that." Saad ng dragon noong mukang nag-iisip si Charm
"Huh. Pinapatawa mo ko. Wala ka sa posisyon na magbigay ng kundisyon." Malamig na saad ni Charm
"B-but.." hindi makatugon ang dragon dahil tama ang sinabi ni Charm, sya ang humihingi ng pabor dito
"Come on Heian. Show some sincerity. Isang dekada lang? Nakaka-ooffend ka. You're a dragon so you clearly know how long your lifespan is. The princess is half human so for sure she'll live shorter than you. Why don't you serve her for a lifetime?" suggest ni Regis
"Y-yes. I'm willing. Just help me." Sang-ayon ng dragon
"Fantastic! What do you say Princess?" excited na saad ni Regis
"Whatever.." saad ni Charm
"And she just agreed." Naiiling na saad ni Euphie
"Help her Princess. Only you can help him." Saad ni Regis
"Huh??" tanong ni Charm
"You have to unlock this cage and break those chains and then transform him into a smaller being to prevent an uproar in the outside world and you also need to make sure that he won't backstab you." Saad ni Regis
"Too much work. I'm busy. Let's just leave him here." Saad ni Charm
"N-no! Please help me." Natatakot ang dragon na maiwan dito.. Charm is his only chance, he cant let it slipped by.
Napabuntong hininga si Charm. Tinatamad man sya subalit kahit pa masamang nilalang ang dragon na ito ay hindi sya mapapanatag na ang isa nyang kauri ay nakakulong dito na parang isang halimaw.
"I don't really need you to do anything for me. All I'm gonna ask is for you to behave yourself. If you do anything, anything that I find harmful for all mankind, I will do everything with all of my power, with all the resources and help that I can get to get rid of you. Are we clear on that?" saad ni Charm
"Y-yes Your Highness." Tugon ng dragon.. Sa ilang libong taon nya sa lugar na ito, ang tanging nais nya lamang ay muling masilayan ang mundo. Wala syang planong gumawa ng kasamaan. He's even willing to be a servant to the Dragon Princess.
"Good. Then let's do this. Let's see how strong is Coelum's power." Nakangiting saad ni Charm na ngayon ay excited subukang sirain ang kulungang nilikha ng pinakamataas na god, si Coelum.. She have Regis and Euphie. She also have the twelve celestial spirits. What can't she do?
At sa ganitong paraan lumipas ang oras na ibinigay ng Council.
"They are finally back!"
"Look! Lady Myka hunt 50 infant syrs and 9 matured syrs!"
"Lady Erella hunted 53 infant syrs and 8 matured syrs!"
"Lady Attina hunted 56 infant syrs and 5 matured syrs!"
"They are all amazing! Last year the highest hunt was 53 infant syrs and 7 matured syrs!"
"Look! It's really weird that there are a huge number of examinees who only manage to hunt 5 infant syrs. They were given two days. How come their hunt were so fruitless?"
"That's not the worse yet, there are several examinees without anything! Look over there!"
"This is a first. Is it really hard to hunt syrs?"
"No way. Last year the lowest number of hunt was ten. This is the first time that some coudnt hunt anything."
"Did something happen inside? Like robbery?"
"Impossible! They are all mages! Who could possibly committ rubbery towards so many mages?"
"Look! Prince Nero!! He's soooo cool! 67 infant syrs and 12 matured syrs!"
"Denis Flint also did well. 49 infant syrs and 6 matured syrs."
"Lady Merida hunted 12 infant syrs and 15 matured syrs."
"Princess Quarts hunted 70 infant syrs and 4 matured syrs."
"Kumusta kaya ang hunt Nina Lady Charmaine?"
"For sure kasama ulit sila sa top!"
"We can't be sure. With their previous performance for sure maraming mag-aattempt na i-ambush sila."
"Hindi ba bawal yun?"
"Of course. Pero no one can control the events inside the World of Beasts."
"He's right. Kahit pa may magcommit ng ambush o murder ay walang makakapigil dito. As long as they can cover their tracks, wala nang magagawa ang council!"
"That's just inhuman!"
"Best target yung grupo Nina Lady Charmaine. Isa silang malaking threat para sa mga malalaking pangalan na kasali dito sa exam."
"Kasalanan din nila. They stand out too much."
"Hindi nila kasalanan na sadya silang malalakas!"
"Hindi sapat na malakas ka lang. Kung malalaking pangalan ang makakabangga mo, sure dead ka na."
"Aside sa Witch of Carnage, wala silang ibang backing. People will still target them! Lalo pa at kumakalat ang mga balita na nawawala ang kilabot na Witch of Carnage."
"For sure kokonti lang ang mahuhunt nila."
"Siguradong pagkakaisahan sila sa loob ng World of Beast."
"Medyo naaawa tuloy ako sa kanila."
"Baka matulad sila sa iba na wala man lang na-hunt."
"Look!"
"Huh?"
"Pakikurit nga ako.. Hindi ko kasi mapaniwalaan ang nakikit-aray! Masakit yun ahh! Bat mo ko kinurit? Huhu"
"Namamalik mata ata ako guys."
"Paano nangyari na may nakapaghunt ng 405 infant syrs??"
"H-halimaw ba sya??"
"Isnt she one of the dark horses of this exam? Aliya Montregomie??"
"Shet she's not the only one. Look!"
"387 infant syrs and 23 matured syrs?"
"Sino sya??"
"Tanisha Aenai!!"
"Impusible ito diba?"
""Seryoso, saan sila galing? Why are they so monstrous??"
"342 infant syrs! Javen Lambert! Muka syang mahina pero isa pala syang halimaw!"
"May isa pa!"
"Si Flay Eclipse Walker!"
"Shet! 97 matured syrs! Considering na five points ang isang matured syr that would be equivalent to.. ahm.. 485!"
"Monsters!"
May ilan na hindi na maitikom ang kanilang mga bibig sa sobrang pagkagulat. Hindi na maiproseso ng kanilang isipan ang kanialang nasasaksihan. Masyado na itong nakagugulat! Sa buong kasaysayan ng Licentiam Exam, tanging ang Witch of Carnage lamang ang nakapag-hunt ng more than one hundred infant syrs at more than 20 matured syrs. Not even Elora of the Council managed to achieve that feat. Pero ngayon, ang mga babaeng wala namang pangalan, wala namang kahit anong pinanghahawakang reputasyon, mga babaeng ngayon lang nila nakita, sumulpot lamang sila out of nowhere. Sila pa yung gumagawa ng bagay na hindi nagawa ng kahit sino. They are creating history.
"Wala pa sina August, Alivia at Charm??" Nag-aalalang tanong ni Javen dahil isang oras na lamang at matatapos na ang exam, isasara na ng Council ang portal at sa oras na mangyari iyon ay hindi na makakalabas pa ang mga maiiwang examinees. This will automatically spell their doom. Sa lahat ng mga naiwang examinees sa mga nakaraang exam, wala nang nakabalik pa sapagkat isang taon ang pagitan ng pagbubukas ng portal. No one can survive for an entire year inside the World of Beasts. It's dark, and deadly. Bawat sulok ng lugar ay puno ng mga panganib at halimaw. The council can't help them either because the magic to open the portal to the world of beast requires 12 powerful casters. And the amount of resources burnt as fuel to open the portal is massive too. This is one of the reasons why the council is the only people capable of hosting such an important exam.
The world of magic is dark and dangerous. Walang may pakialam kung may mawalang buhay sa ginaganap na exam. As long as it was an accident, no one will complain.
Hindi mapalagay si Myka. Hindi nagtagumpay ang mga plano nya! Ligtas sina Aliya, Javen, Tanisha at Flay. At mas marami silang na-hunt kaysa sa kanya!
Ganito rin ang nararamdaman ni Erella. She was the girl in veil who mobilised so many examinees just to make sure that the monstrous girls lose in this part of the exam. But it was a failure. May tatlo pa na hindi bumabalik galing sa World of Beasts, including Charmaine. Hopefully ay nagtagumpay ang mga tauhan nya sa pag-ambush sa mga babae!
Muling nabalik ang atensyon ng lahat sa portal. Isang babaeng may white almost silver hair ang makikitang lumabas sa portal.
August White. 478 infant syrs, 25 matured syrs, 5 adult syrs!
Sa pagkakataong ito ay Hindi na talaga makapaniwala ang lahat. Marami sa kanila ay nagdududa, ang ilan ay naiinggit, at mayroon ding humahanga. August managed to hunt five adult syrs! What does it mean? She's extremely powerful! Even mages hunting in group would never claim that they can hunt down an adult syr, they can fight them and they can run away from them but hunting them? It's impossible. Mga malalaking pangalan lang sa kasaysayan ang nagawang makapag-hunt ng isa o dalawa nito. Ang ilan sa mga ito ay naging mga hari o reyna sa kanilang mga kaharian o di kaya naman ay mga mage na naging alamat tulad na lang nina Elora at Cassiopeia.
Hindi pa dito natapos ang kanilang pagkabigla. Isang munting bata ang lumitaw mula sa portal. Kung hindi nila nakita ang results ng mga nauna nitong performance ay iisispin nila na naliligaw lamang ito. Si Alivia, ang Earth Priestess.
"Holy cheesecake! Is this kid still human?"
"W-what the fudge?!"
"Paano na lang tayo mabubuhay ng mapayapa ngayon? They are monsters!"
"702 infant syrs."
"46 mature syrs..?"
"Sya ang totoong halimaw!"
"Gusto ko nang magpatiwakal! Bakit nung ako ang kumuha ng exam last year 25 infant syrs lang ang na-hunt ko? Paano sya nakapag-hunt ng 702?!"
"Hindi lamang yun. 46 mature syrs is equivalent to 230 points. Sya na! Sya na ang first place sa parteng ito ng exam!"
Hindi na talaga magkamayaw ang lahat sa diskusyon sa kanilang nasasaksihan. Sa mga oras na ito ay unti-unti nang kumakalat sa buong syudad ang mga nagaganap. Maging ang mga malalaking pangalan na nagtungo sa Theos upang makisaya, mga duke, mga prinsesa at prinsepe na nakarinig sa balita ay Hindi na mapalagay.
"LADIES AND GENTLEMEN, NAIS NAMING IPAABOT NA SA ILANG MINUTO AY ISASARA NA NAMIN ANG PORTAL NA NAG-UUGNAY SA DALAWANG DIMENSION. GAWIN NYO NA ANG INYONG MAKAKAYA UPANG I-SUMMON PABALIK DITO ANG SINOMANG NAIWAN SA LOOB, KAIBIGAN O KAAWAY MAN ITO. ANO MAN ANG MANGYARI SA SINUMANG MAIIWAN AY HINDI NAMIN AAKUIN. ANG KANILANG MGA KAPALARAN AY NAKASALALAY SA KANILANG LAKAS AT SA INYONG TULONG. MAYROON KAYONG SAMPUNG MINUTO UPANG GAWIN ITO. MARAMING SALAMAT SA INYONG PAG-UNAWA." Announce ng isang myembro ng Council
Nabalot ng pag-aalala sina Javen at Aliya para Kay Charm. Pero matapos makita ang kampanteng muka Nina August ay agad silang kumalma.
"Sandali lang. Wala pa dito si Lady Charmaine?"
"Hindi pa sya nakakalabas?"
"May nangyari bang masama sa kanya?"
"Sya ang number one target ng lahat kaya pusible ba na--- Nakakalungkot kung totoo."
"She's a miracle worker. Malay nyo lumitaw sya sa last minute? "
"Pero wala pa sya! Paano kung Hindi na sya lumitaw pa?"
"Sayang naman ang talento nya."
"Pero bakit parang walang pakiaalam ang mga kaibigan nya?"
"Fake friends."
"This is a tragic ending for someone so talented."
Maging si Nero ay nag-aalala. Nasaan na si Charmaine?
Hindi din mapalagay so Harvin. Maituturing na sya ang number one fan ni Charm matapos ang Game of Storms two years ago. Nag-aalala sya na baka hindi lumitaw so Charmaine muka sa portal.
Kalmado lamang si Princess Quartz. She don't understand the result of Charm's Thirteen Scales. If the gods favours her, Charm will come out alive. But if they hate her, for sure an unexplained enmity exists between her and the gods. Pero pakiramdam nya ay may mas malalim na reason pa kung bakit naging abo ang mga scales sa presensya ni Charmaine.
Lihim namang nagbubunyi si Erella sa mga nangyayari. Without Charm on the picture, she can still shine.
Nananalangin naman so Myka na sana ay Hindi na lumitaw pa ang halimaw na babae.
Maging si Elora, ang head ng Knights division ng council, ay nagtataka. Nasaan na si Charmaine?
Lumipas ang ibinigay na sandali ng Council. Sinimulan na nilang isara ang portal.
"This is really a tragedy."
"Hindi ba nila maaaring hintayin si Lady Charmaine?"
"Hindi maaari. Sapagkat bawat minutong dumadaan ay malaking halaga ang nasasayang ng Council."
"Gaano kalaki ba ang kailangang pondo para panatilihing bukas ang portal?"
"Walang nakakaalam. Pero may mga balita na sa bawat exam ay gumagastos ang council ng halaga na katumbas ng ari-arian ng isang malaking angkan."
"So ibig sabihin ba kasingyaman ng isang buong kaharian ang council?"
"Pusibleng higit pa."
"Kung ganoon, bakit Hindi nila hintayin so Lady Charmaine?"
"Hindi lamang resources ang kailangan. Hindi na kayang panatilihing bukas ng elders ng council ang portal. May limitasyon din ng mahika nila."
"Pero nakakapanghinayang naman kung sa ganitong paraan lang magwawakas si Lady Charmaine."
"Mabuti nga yun. Sa palagay mo ba mabubuhay ng mapayapa ang ibang mga mage knowing that she exists?"
"Tama. Just look at the Witch of Carnage. Everyone lives behind her shadows. Maraming malalakas na mages pero tanging sya lamang ang tanyag."
"Pero sayang pa din."
"Maaari kaya syang mag-survive sa loob ng isang taon?"
"Impusible yan."
"Mas mabuti na din siguro na nangyari ito."
"Bakit kasi sya masyadong pa-VIP. Anong tingin nya? Ang council ang maghihintay sa kanya?"
"Tsk. Baka naman kasi masyadong syang nagpabida tapos dun sya nag-hunt sa inner core."
"Oo nga. Baka wala na sya!"
"Impusible!"
"Kahit buhay pa sya. Huli na ang lahat.. Sarado na ang--- Huh?"
"A-anong nangyayari?"
"Nagbago ba ng isip ang council? Binubuksan ulit nila ang portal?"
"Pero mukang nagtataka din sila??"
Isang babae ang makikitang naglalakad palabas ng portal. Blanko lamang ang ekspresyon sa kanyang muka. Noong itikom nya ang kanyang kanang kamay ay makikita ang pagsara ng portal sa kanyang likod.
"Shet! She's alive!"
"She really did showed up at the last minute!"
"Bakit parang binuksan nya yung portal?"
"Impusible. Imagination mo lang yun. Nagbago lang siguro ang isip ng council."
"Hindi eh. Kinokontrol nya talaga yung portal kanina..?"
"You're just imagining things."
"Y-yung score nya... 513?"
"513 Adult Syrs????!"
"Impusible.. Namamalik mata lang siguro tayo. Baka 513 infant syrs."
"H-hindi. 513 adult syrs talaga yung hunt nya."
"Haha wag ka nga mag-joke. Hindi sya isang diyos para magawa yan. B-baka naman 513 matured syrs? Pero pucha impusible din yun."
"513 adult syrs.."
"F-five hundred?"
"Goodbye guys magbibigti na ko."
"Pare pasama. Ayoko na din mabuhay."
"H-hindi na sya tao."
"513 adult syrs with ten points each. Does that mean that she'll have the highest score? 5,130??"
"Wouldn't that be the highest in the entire history??"
"I don't think that anyone can beat her. Not even Prince Nero!"
"She's not just a monster.. S-she's more than that."
"W-what exactly is she?"
"She's probably a goddess..?"
"A goddess among us mortals?"
"Impossible!"
"If not a goddess then what is she?!"
"She's someone even the gods can't touch!"
"Yeah! She shattered the Thirteen Scales! She's probably a Divine being!"
By now, Charmaine have conquered everyone's heart. They have acknowledge her dominance.
Maging sina Erella at Myka ay nanlambot ang mga tuhod.
Kung ihaharap sila sa isang matured syr ay hindi sila confident na magagawa nila itong talunin. Ano pa kung nasa hundreds ito? By now, may kung anong takot ang nabuo sa puso nila. Hindi nila nais makaharap ang babae sa darating na Magic Duel. Nais pa nilang mabuhay.
Walang pakialam si Charmaine sa iniisip ng lahat sa mga oras na ito.
Nabaling ang kanyang atensyon sa isang direksyon.
Isang pamilyar na mahika ang nararamdaman nya mula doon.
It's warm.
At hindi sya maaaring magkamali.
It's Arren.
~~~~~~~~~
A/N: Hey everyone! An advance celebratory chapter for you all! Happy 30k reads. Hooray! Happy one year anniversary din sa story na to. Yey! Spread the good vibes everyone.
Sorry minadali ko na talaga yung chapter. Dapat sa sunday pa ko mag-a-update pero natapos ko sya i-type ngayon. Madaming typos sorry. Special mentions is not possible at the moment. Forgive me. Gusto ko sana i-acknowledge ang lahat ng readers na nag-eeffort bumoto at magkomento pero pasensya na po. Next time na lang po huhu
Kung mahina ang puso mo, skip mo na lang yung sunod kong mga sasabihin. Thanks.
Possible na November na ang sunod na update. Sorry haha. Love yah guys. Ciao~
xoxo
LazyMissy13
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top