Tale 45
Nope, hindi ito isang ilusyon. Enjoy~
Tale 45
~A Legend is Born~
“Tristius one of the last water dragons, is known for his playful antics. One day he decided to play tricks on the young goddess, Aevetes. He told her many lies including falling in love with her. The young goddess was flattered and because of her youth decided to brag about it to all of her friends, unfortunately Tristius denied all of her claims leaving the young goddess in shame and fury. The young goddess was so infuriated that she used up all of her powers to put a curse on the water dragon, turning him into a lizard. The once proud and mischievous dragon, was reduced to a helpless little lizard that some says still walks the world as the last dragon of Aralon.”
-Dragons and Gods, A collection of tales by J. Forbes
Sa isang maliit na laboratoryo ay makikita ang isang binatilyo na abalang sinusuri ang ilang naka-display na mga halamang-gamot na maingat na nakalagay sa mga bubog na botelya.
“Ginoong Francis maraming salamat sa pagpapaunlak sa aking liham. Hindi na maganda ang kalagayan ng aming bayan dahil sa kumakalat na epidemya.” Saad ng isang matandang lalaki na nakasuot ng putting coat
“Walang ano man po iyon Doctor Judar. Matapos suriin ang mga ito ay masasabi kong tama kayo, mapapabagal nito ang pagkalat ng epidemya subalit hindi ito sapat upang tuluyan itong puksain. Magpapadala ako ng ilan pang nga eksperto upang suriin ng mas masinsinan ang mga halamang gamot na ito gayun din po ang epidemya na kumakalat dito sa inyong bayan.” Tugon ng binatilyo, si Francis na ang totoo ay isang babae na kailangang magpanggap bilang isang ginoo.
“Maraming salamat Ginoong Francis. H-hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko. Marami na ang pumanaw sa aming bayan. Hulog ng langit ang iyong pagdating.” Maluha-luhang saad ng matanda
“Wag nyo pong pakaisipin iyon. Tungkulin ko po ito bilang myembro ng palasyo.” Tugon ni Francis at matapos ang ilan pang formalities ay nagpaalam na din sya upang bumalik sa palasyo
Noong makalabas sya ng gusali ay isang malungkot na tanawin ang bumati sa kanya. Mga nangangayayat na tao, ang iba ay dulot ng epidemya, ang iba naman ay dahil sa kahirapan. May mga batang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng kanilang mga magulang. May mga matatanda na nakatulala na lamang sa kawalan, tila naghihintay na lamang ng pagsapit ng kamatayan.
Hindi na bago kay Francis ang ganitong tanawin. Sa nakalipas na dalawang taon ay namulat ang kanyang mga mata sa madilim at mapait na realidad ng Aragon. Ito ang pinakamakapangyarihang kaharian. Maunlad ang mga malalaking bayan tulad ng DresRossa. Subalit walang perpektong mundo. Walang perpektong kaharian. Maraming maliit na bayan na sakop ang kaharian ng Aragon. Ang mga lugar kung saan masagana ang mga pananim dahil sa mga mage ay pinapatawan ng mabigat na buwis. Ang mga mahihirap na bayan tulad ng isang ito ay may maliit na buwis subalit tila tinalikuran na ng kaharian. Kakaunting tulong lamang ang natatanggap nila. Although laganap ang magic sa Aralon, hindi ito isang perpektong mundo. Maraming mga oportunista at ganid na mages na hindi basta-basta magbibigay ng tulong kung wala naman silang makukuhang kapalit. Isa pa, tao lamang din ang mga mages, hindi nila kayang pasanin ng mag-isa ang lahat. Hindi nila kayang iwaksi ang lahat ng problema ng mundo sa isang kumpas lamang ng kanilang mga kamay. Kaya nag-eexists ang ibat-ibang mga organisasyon tulad ng mga guild, at ng Council of Magic upang magsilbing medium ng tamang paggamit ng magic sa Aralon.
Mabigat man sa kalooban ay pinili ni Francis na wag bigyang pansin ang mga nakita nya.
Ilang masasamang tingin ang natanggap nya mula sa mga tao. Halatang hindi sila masaya na makita ang myembro ng palasyo sa kanilang lugar.
“Mga ganid.”
“Mga walang-puso.”
Naririnig ni Francis ang bulungan ng ilan sa mga taong masamang nakatingin sa kanya. Pero nanatiling diretso ang kanyang tingin patungo sa kalesang naghihintay sa kanya. Nagpatuloy sya sa paglalakad at sinalubong sya ng mga kawal. Sumakay sya sa kalesa at walang lingon-likod na nilisan ang lugar.
Makalipas ang ilang oras na paglalakbay ay narating na ni Francis ang Aragon City, ang Capital ng Kingdom of Aragon kung saan matatagpuan ang Romanov Castle kung saan nakatira ang pangunahing royal family. Ang tahanan ni Queen Olive, ang kakambal ni Francis.
Karangyaan ang isinisigaw ng lugar. Mga bahay na gawa sa ginto at pilak, mga posteng gawa sa mga matitibay na marmol. Mga pampublikong establishemento na gawa sa emerald, sapphires, turquoise at ruby. Ang kalsada ay gawa sa purong dyamante. Nakasisilaw na yaman. Yaman na tanging mga mamamayan lamang ng Aragon City ang nakikinabang.
Nagtungo sya sa palasyo na higit na mas magarbo kumpara sa lahat ng mga gusali sa buong Aragon City.. Agad nyang hinanap ang kanyang kakambal.
“Kanina pa po kayong hinihintay ni Queen Olive.” Saad ng isang babaeng tagapagsilbi at saka binuksan ang pintuan patungo sa malaki at magarbong private bathhouse ni Olive.
“Ah, finally. Akala ko ay hindi ka uuwi kaya heto ako at nagdesisyon na magrelax dito mag-isa.. Kanina pa kitang hinihintay para ayain dito at makakwentuhan ka. I really miss you.” Nakangiting bati ni Olive matapos makita si Francis
Matapos ang mga nasaksihan nya kanina ay puno ng dissatisfaction ang puso ni Francis matapos makitang nagrerelax lamang si Olive sa isang kulay gintong tubig. Sa amoy na bumabalot sa silid ay alam nyang mga rare and expensive oil ang ginamit sa tubig. May isang gwapong tagapagsilbi pa ang abalang nagsusubo ng ubas kay Olive. Subalit dahil mahal na mahal nya ang kanyang kakambal ay pinili nyang wag ipahalata ang dissatisfaction na kanyang nararamdaman.
“Galing ako sa Azah Village, hindi maganda ang kalagayan ng kanilang lugar. Gustuhin ko mang paunlakan ang alok mong magrelax pero kailangan ko na ding bumalik sa laboratoryo ko upang agad kong matulungan ang mga tao sa lugar na yun.” Sagot ni Francis
Bakas ang pagkadismaya sa muka ni Olive. “Hindi ba ang bayan na yun ang bayan na hindi makabayad ng sapat na buwis simula pa noong namumuno si Ama? Nagapadala na ako ng tulong na naaangkop mula sa ibinabayad nila, kailangan mo ba talagang personal na bisitahin sila? Bakit hindi si Guilbert ang syang magtungo rito? Sya ang pinunu ng Azah Village hindi ba?”
“Hindi maganda ang kalagayan nila. Hindi sya makakabisita ng personal ngayon Kamahalan.” Sagot ni Francis
“Tsk. Mga tao talaga. After mong bigyan ng isang slice ng tinapay gugustuhin na nilang kainin ito ng buo. Mga ganid. Wala na nga silang naiicontribute sa kaharian sila pa yung demanding.” Naiiritang saad ni Olive
“Mga nasasakupan mo pa rin sila kamahalan.” Paalala ni Francis
“Tsk. Since mabuti akong reyna, padalhan mo sila ng mga espesyalista. Magcost cutting ka sa mga gamot, nalalapit na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lady Freya na anak ni Duke Hugh ng Country of Dulor ng Udarra, ayokong mapahiya tayo.” Saad ni Olive
“Pero hindi ba at mas kailangan ng mga tao ang--" naudlot ang mga salitang sasabihin ni Francis noong sumabat si Olive
“This is how Aragon works. The strong is always on top, habang ang mga walang silbi ay mga palamuti lamang na nagpapalawak saating teritoryo. Ito ang turo ni Ama. Ito rin ang turo ni Lolo sa kanya at pati na rin ng ating mga ninuno sa bawat henerasyon. Or are you trying to break our ways?” may tono ng paghahamon sa tinig ni Olive
“N-no.” Francis
“Good.” May matamis na ngiting saad ni Olive sa kanyang kakambal.
Tumango lamang si Francis subalit isang buntong hininga ang pinakawalan nya pagkalabas ng pinto.
Her twin sister is already out of control. Sinusubukan nyang punan ang mga pagkukulang nito sa mga mamamayan ng Aragon sa mga munting paraan na kaya nya pero habang tumatagal ay nawawalan na sya ng pag-asa.
Napahinto sya sa paglalakad noong makasalubong sa pasilyo ang isang pamilyar na binata. Agaw pansin ang kakaibang kulay ng mga mata nito. Ang isa ay gray almost silver in it's color, habang ang isa ay almost gold, a shade of an angel's halo. It was a perfectly imperfect pair of mismatched eyes.
“He's here again.” Sa isip ni Francis
Nilampasan sya ng binata na tila hangin lamang sya na hindi nakikita.
Sinundan nya ng tingin ang binata hanggang sa makapasok ito sa pinto kung saan nagmula si Francis kanina. Ang private bathhouse ni Olive.
Lalong lumalim ang buntong hininga ni Francis.
She have an evil twin sister. And she's willing to do anything for her. She's evil too.
***
Samantala, mararamdaman ang pinaghalong kaba at excitement sa Royal City of Theos. Ngayong araw ang pagsisimula ng Licentiam Exam for Mages. Ito ang pinaka-engrandeng pagtitipon sa nakalipas na mga taon.
“Have you heard? A dark horse appeared during the test of the Heaven's Stone.”
“Of course! Sino ang hindi nakakaalam sa balita?”
“I heard it was confirmed that she's really the daughter of the infamous Witch of Carnage!”
“She's definitely as monstrous ! Just like her mother!”
“Hmmp. I don’t agree.. The Heaven's stone is just a test of talent. After kong ipaimbestiga si Ms.Charmaine Clifford, nadiskubre kong na-kicked out sya mula sa Aurum.”
“What?!”
“Paano nangyari yun?”
“According sa investigation, talented daw si Ms. Charmaine at minsan silang nagkampyon sa Game of Storms ng Aurum kahit pa mga freshmen lang sila ng mga kagrupo nya. Mayabang daw sya. Mapagmataas. Lumaki daw ang ulo after manalo sa Game. Gumawa sila ng kalokohan dahil akala nila palalampasin lang ng school, pero nagkamali sila. They were kicked out!!”
“Woah!”
“Ngayon pa lang parang nayayabangan na ko sa kanya!”
“Kaya pala feeling VIP sya masyado!”
“Pati yung mga kasama nyang babae! Sino ba ang mga yun?”
“No idea.”
“Nakakairita sila. Kaya pala pa-VIP sila masyado nung gabi ng Test ng Heaven's Stone, sadya pala silang mapagmataas.”
“Sana mataasan ni Prince Nero ng result ang mga babaeng yun.”
“Pusible pa rin naman yang mangyari. The exam is not just about talent. It will test your strengths, knowledge, and experience.”
“Oo nga noh? Since na-kick out sila sa Aurum for sure in terms of knowledge, strength and experience ay mas lamang si Prince Nero na mas matanda sa kanila at tsaka nagtapos ito mula sa Aurum. Same goes sa other examinees na nagtapos mula sa mga kilalang school, for sure mas knowledgeable sila.”
“Tsk. Chismis lang yan. Estudyante ako ng Aurum at sa tingin ko naman mababait silang mga estudyante noong nasa Aurum pa sila. Tsaka malalakas sila nung freshmen palang sila.”
“Kung mabait sila bakit sila nakick out?”
“May nangyari two years ago na alitan sa pagitan nila ng Headmaster ng Aurum. Mahirap ipaliwanag. Basta!”
“Tsk. Wala akong pakialam kung masama ang ugali nya o kung mabait sya. Ang importante ay malakas sya! Sa mundo ng mga mage ang salita mula sa bibig ng mga nasa rurok ng tagumpay ang palaging tama. Ang salita mula sa mga talunan ay palaging mali!”
Nagpatuloy aang mainit na diskusyon ng mga manonood. Majority sa kanila ay si Charm ang pinaguusapan.
Samantala, nais nang maging invisible ni Charm dahil ramdam na ramdam nya ang tingin ng lahat ng tao. Pero nanatili syang kalmado. So far, she just hates attention. Hindi na sya ang dating Charmaine na takot sa atensyon ng ibang tao.
“Do your best guys. Hindi makakatulong satin kung mananatili tayong lowkey forever. Ang magiging result nito ay may malaking impact sa future natin. Pero please lang, wag nyo naman ipe-perfect. Baka ipatumba tayo ng mga bigshots pagnadiscover nilang pusible tayong maging threat sa lipunan.” Paalala ni Flay at nagsitango naman sina August
“GOOD DAY EVERYONE! TODAY WE ARE OFFICIALLY STARTING THE ANNUAL LICENTIAM EXAMINATION OF MAGES!”
Boom ng isang tinig mula sa mga floating speakers.
Napuno ng excitement ang lahat. Licentiam Exam is not an ordinary Pen and Paper Exam. Unlike normal exams, ginaganap ang Licentiam Exam sa harap ng maraming manonood para ipakita na walang nangyayaring pandaraya. May limang parte ang examination. Tower of Spells. Thirteen Scales. Magic Hunt. Mountain of Burden. And lastly, Magic Duel.
Ang Tower of Spells ay isang tore na may exactly one hundred floors. Bawat floor ay may sampung magic Spells na kailangang mapangalanan. Pahirap ng pahirap ang difficulty ng bawat floor at kailangan ng matinding kaalaman upang mapangalan ang bawat spells ng bawat floor. Kung may isa na hindi magawang pangalanan automatic na hanggang doon lamang ang limit ng isang mage. Ang magiging basehan ng score ay kung hanggang anong floor aang naabot ng isang examinee at kung ilan ang spells na napangalan nya sa floor na yun.
The Thirteen Scales is a bit special. It is a magic ancient tool that can determine one's fate and fortune. The thirteen scales represents the thirteen Primary Gods of Aralon. If a mage is being favored by a certain god, the scale representing that god will react. Ang score ay nakabase sa dami ng scales na nagreact sa examinee.
Magic Hunt is a simple hunting game. Bawat examinee ay kailangang maghunt ng isang specific beast sa loob ng ibinigay na oras ng Council. Ginaganap ang hunt sa loob ng isang Dimensional Fortress na pagmamay-ari ng Council. Isa itong independent dimension na may sariling ecosystem. Dito ay malayang maglaban-laban ang mga examinees para sa target.
The Mountain of Burden is a test of strength and endurance. Isa itong bundok na mayroonglimang libong hakbang. Habang pataas ng pataas ang naaakyat ng isang examinee ay pabigat ng pabigat ang kanyang buong katawan dahil sa gravity magic ng bundok. Ang score ay nakasalalay sa kung gaano kataas ang naakyat ng isang examinee. Hindi maaaring gumamit ng magic dito. Physical strength lamang ang puhanan sa parteng ito ng exam. Ang top 100 lamang sa parteng ito ng exam ang qualified para sa huling parte ng examination.
Ang Magic Duel sa pagitan ng mga Examinees ay kahalintulad ng Game of Storms ng Aurum Magique University. Except, hindi ito isang teamfight kung hindi individual battle. One on One ang laban hanggang sa sampu na lamang ang matira.
Ang top 10 ng Magic Duel ang syang magquaqualify magtry itake ang Ranking Exam of Mages.
Tumatagal ang exam ng limang araw. Pero flexible ito at maaari pang magbago depende sa magiging desisyon ng Council of Magic na syang namamahala sa exam.
Mararamdaman ang tensyon sa mga examinees. Pinanood nilang lahat ang pagkumpas ni Elora sa kanyang kamay. Lumitaw ang isang mataas na tore sa malawak na kapatagan na sakop ng City of Theos.
Agad napanganga ang lahat ng mga nakasaksi sa nangyari. Isang Teleportation Magic!! Isa sa pinakamahirap na general magic ang Teleportation. Pero isang kumpas lamang ng kamay ni Elora ay agad lumitaw ang isang tore na halos maaabot na ang mga ulap. Just imagine, teleporting one's self is already a challenge for some mages, pero si Elora ay nagawang magteleport ng isang napakataas at napakalaking tore! At mukang hindi man lang sya pinawisan! That's the second most powerful mage of Aralon!
Ilan sa mga examinees ang hindi na nagbigay pansin sa awesomeness ni Elora sapagkat nasa magaganap na exam ang kanilang isipan. Ang Tower of Spells. Naka-random ang bawat Spells na mapupunta sa isang examinee. Pero iisa lamang ang difficulty ng bawat palapag. May mga sadyang malas na kahit sobrang talented ay may naeencounter na isang spell na hindi sya pamilyar sa first floor pa lamang kaya hindi nakakapasa. Mayroon namang mapapalad na nakakrating sa mataas na floor dahil ang napupuntang mga Spells sa kanila ay pamilyar sila. Ang parte ng exam na ito ay susubok sa Knowledge and Luck ng isang examinee.
Ilan sa mga kalahok ang hindi matanggap ang naging resulta ng Test of Heaven's Stone kaya naman inaabangan nila ang magiging performance nina Charm sa mismong exam. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga balitang kumakalat ukol sa magkakaibigan. Hindi pa sila graduate pero nagtake na sila agad ng exam. They are overestimating theirselves! Kahit pa mataas ang potential nila for sure kulang pa sila sa kaalaman. Besides, sigurado ang lahat na dark violet lamang din ang result ng mga babae! For sure ay si Charmaine lang ang may pag-asang may gray or black light result sa heaven's stone. Isa si Erella sa mga taong ito. Hindi nya matanggap ang mga nangyayari. Buong akala nya ay sya ang magiging top 1 pero dahil kina Nero at Myka ay naging pangtatlo lang sya. Tapos bigla na lamang lumitaw sina Charmaine out of nowhere! Lalong lumubog ang rank nya!
Sa pagkumpas ng kamay ni Elora ay nasa loob na ng tore ang mga examinees!
Natagpuan ni Charm ang kanyang sarili na mag-isang nakatayo sa isang malawak na silid. Ang disenyo nito ay tila isang magarbong silid sa isang marangyang palasyo.
Ganito rin ang sitwasyon ng iba pa. Mag-isa lamang sila kahit pa ang totoo ay nasa mahigit limang daang katao ang kasalukuyang nasa loob ng tore.
Sa harap ni Charm ay may lumitaw na larawan. Isang larawan na likha mula sa liwanag ang nabuo. Muka itong 3D picture in a holographic form but magical. Ipinapakita nito ang isang buhawi.
“Ventus Vortic.” Saad ni Charm at may narinig syang Ting! na nagpapahiwatig na tama ang kanyang kasagutan
Sunod na ipinakita ng larawan ang isang bolang apoy.
“Fior Rund.” Saad ni Charm, ito ang mga basic spell na natutunan nya sa pagbabasa sa grimoire ng kanyang mama noong four years old sya. Mga basic spell ito para sa mga freshmen student ng mga magic school, pero literal na basic spells ito kay Charm na natutunan na ito sa napakamurang edad.
Matapos ang ikasampung Spell ay lumitaw ang isang hagdanan sa harap ni Charm. Ang hagdan patungo sa ikalawang palapag.
“Tingnan nyo! May nakarating na sa ikalawang palapag!”
“Sino??”
“Wow! It's her!”
“Si Myka! Ang apprentice ng Witch of Havoc!”
“Look! Nasa second floor na rin si Prince Nero!”
“Huh? Sino yung ikatlo? Flay Eclipse Walker?”
“WHOAH! Charmaine! Nasa second floor na rin sya!”
“What? Ang bilis naman nya?”
“Look si Erella din!”
“Nauna pa si Lady Charmaine kesa kay Lady Erella?”
“Basic spells lang naman kasi ang first floor. Napag-aralan nya siguro sa Aurum noon.”
“Sa bagay.”
“Pagdating nya sa 40th floor dun natin malalaman kung magaling ba talaga sya.”
“Yan ay kung makakarating sya sa 40th floor.”
“Malay mo naman. Luck is also part of this exam.”
“But you need knowledge to back it up.”
Isang daang magical board ang makikita sa labas ng tore. Makikita dito ang pangalan ng mga kalahok na nakaabot na sa bawat floor na nirerepresent ng bawat board.
Patuloy na umuusad ang pangalan ng lahat ng kalahok.
“So easy.” Naiiling na saad ni Erella sa mga spells na naeencounter nya
“Focus.” Sa isip naman ni Myka
“13th floor!! Nasa 13th floor na Prince Nero!”
“Si Lady Myka din!”
“Hmm? Sino ba si Flay Eclipse Walker? Nasa 13th floor na din sya?”
“Pati si August White? At Lady Charmaine!”
“Si Lady Erella!”
“Sino si Alivia Adelina de Gallia? Sounds familiar? But who is she?”
“The princess of the Crystal Nation! Princess Alivia!”
“Isn't that a smal country of Gorgona?”
“Yes. But I heard that the princess is still young. Kasali pala sya dito!”
“Tanisha Aenai?”
“Grabe dikit ang laban! Normally dapat may nauuna palagi!”
“Hanggang anong floor ang maaabot nila? Ito ang magiging basehan kung magiging maganda ang mga susunod na parte ng exam dahil dito madidiskubre kung gaano karaming kaalaman mayroon ang isang mage!”
“So far ang pinakamataas sa recent generations ay 90th floor para kay Lady Elora ng Council, 78th kay Prince Easton ng Ventus Kingdom, 77th kay Prince Titus ng Gorgona, 75th floor para kay Princess Ramila ng Udarra, 75th floor kay Princess Maliya ng Ignis. At syempre, 99th floor sa Witch of Carnage!”
“Kung magtatake kaya si Queen Olive ng exam gaano kataas kaya nag maaabot nya?”
“Maybe around 80+? She's the strongest mage of this generation!”
“This year's examinees are promising. For sure may lilitaw na malalakas mula sa kanila!”
Habang abala sa diskusyon ang lahat ay patuloy na umuusad ang oras.
Noong sumapit ang ikatatlo ng hapon ay makikita sa muka ng lahat ang pagkabigla. Hindi maipinta ang ekspresyon sa kanilang mga muka.
Nero Cyril Alexus, 75th floor, 8 Spells. Myka Rivero, 73rd floor, 9 Spells. Erella Jonah Barucs, 73rd floor, 3 Spells. Attina Montemaria, 72nd floor, 7 Spells. Quarts Remi Anna Artemina, 72nd floor, 6 Spells. Denise Flint, 71st floor, 9 Spells. Merida Lioness, 71st floor, 6 Spells. Harvin Knightly, 71st floor, 5 Spells.
Nagtipon-tipon sina Myka sa harap ng Tower of Spells. Pitong pangalan na lamang ang patuloy na umuusad sa mga oras na ito.
Aliya Montregomie, 82nd floor, 3 spells and still counting. Javen Lambert, 84th floor, 9 spells and still counting. Alivia Adelina de Gallia, 85th floor, 6 spells and still counting. Flay Eclipse Walker, 86th floor, 8 spells and still counting. Tanisha Aenai, 88th floor, 4 spells and still counting. August White, 88th floor, 9 spells and still counting. Charmaine Artemis Clifford, 92nd floor, 7 spells and still counting.
“Nililinlang yata ako ng mga mata ko.”
“Pakisampal nga ako. Nananaginip yata ako.”
“Nagdadaya ba sila??”
“Paano nangyari ito??”
“Impusible!”
Hindi lamang ang mga manonood ang nabibigla, maging ang ibang mga examinees ay hindi maitikom ang kanilang mga bibig sa pagkabigla. Alam nila kung gaano kahirap ang mga spells pagtungtong sa 40th floor. Majority ay nakarating sa 50th floor at ang pinakamababa ay sa 46th floor. Hindi sila makapaniwala na may makakaabot sa 90th floor! She's truly the daughter of the Witch of Carnage!
Nais manatiling kalmado ni Myka subalit nangangamba sya sa mga natutunghayan nya. Dapat si Prince Nero lamang ang mahigpit nyang katunggali! Saan nanggaling ang mga halimaw na ito?!
Pilit na pilit na lamang ang ngiti sa labi ni Erella ngayon. Mga epal! Obvios na mas bata ang grupo nina Charm kaysa sa kanya, bakit ngayon pa lumitaw ang mga ito? Inaagaw nila ang atensyon na dapat ay sa kanya! Hindi ba at isa syang rare talent? Over the years ay sya lamang ang may pinakamataas na potensyal pagdating sa Celestial Magic. Everyone praises her achievements. Pero sa pagsulpot nina Charmaine ay nasapawan sya. She was overshadowed. And she can't accept it! Surely these girls has a weakness? There has to be! At kailangan nya yung malaman para bawiin ang spotlight na originally ay dapat sa kanya.
Pagkamangha naman ang nararamdaman ni Merida. She's a simple minded person who only focuses on improving herself. Seeing younger mages doing so great inspires her to do better.
Nakakunot ang noo ni Princess Quartz. Wala syang pakialam sa politics kaya ano man ang namamagitan kay Charmaine at sa Pharaoh ng Uddara na kanyang ina ay wala syang pakialam. Pero seeing Charmaine’s performance today sparks something inside her. Insecurity. How can a normal noble birth like Charmaine be so powerful? Same goes for the Witch of Carnage. How come they are so monstrous? Despite her negative feelings, she still reminded herself not to offend the girl. It's better not to have anything to do with such a monster. With that thought in mind, she decided to turn her back to return to her quarters to rest. Tomorrow is the Thirteen Scales. She have to be prepared. She decided to pray to the gods.
A look of satisfaction is plastered on Harvin's face. Feeling isang proud na tatay sya sa mga oras na ito. That's my Lolita Witches! The workers of miracles!!
Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Prince Nero. Ngayon pa lamang ay sigurado na sya na balewala na ang lahat ng efforts nya sa nagdaang mga taon. Gayun pa man ay wala syang sama ng loob, alam nya na darating ang oras na walang kukwestyon sa magiging resulta ng exam ngayon. Balang araw malalaman ng lahat sa buong mundo na minsan nyang nakatunggali ang isang halimaw. Darating ang oras na walang magnanais na makaharap sya, kaya dapat pa syang maging proud na minsan nyang nakalaban ang babaeng ito. Dahil walang duda, darating ang araw kung saan mahihirapang huminga ang isang mage makasalubong lamang ang tingin ng babae. Nero should be proud, right?
Nagtapos ang exam ng Tower of Spells na nasa line of nine ang narating na floors ng grupo nina Charm. Paanong hindi, sa loob ng isang araw sa nakalipas na dalawang taon ay libo-libong spell ang pinapakabisa ni Eclipse sa kanila. Surely, this part of the exam is just a walk in the park for them.
Pinili nilang wag i-perfect ang exam dahil ayaw nilamg magstand out ng sobra, ang di nila alam ay iniwan na nila sa alikabok ang lahat ng kakumpetensya nila.
“Congratulations!”
“Ang galing nyo!”
“For sure kayo ang lilitaw sa top ng overall ranking!”
Magiliw ang naging pagsalubong ng maraming manonood sa paglitaw nina Charm. Matapos makita ang resulta, nadiskubre nila na masyadong maaga ang naging paghusga nila sa mga babae. With their talent and knowledge for sure ay malayo ang mararating nila. Kahit pa hindi maging maganda ang resulta ng mga susunod na exam ay siguradong mahihila na ng resulta ng Tower of Spells ang kanilang scores para makapasa. What more kung mag-excel pa sila sa isa o dalawa sa natitirang apat na parte ng exam? For sure they'll be on top!
Syempre hindi pa rin nawawala ang mga taong nagdududa sa kredibilidad ng kakayanan nina Charm. Ang iba ay iniisip na mapalad lang sila dahil madadaling spells ang nakaharap nila, with there age and background napakaimpusible na mas marami pa silang kaalaman kaysa sa ibang kalahok. May ilan pa nga na lihim na nagdududa na sa Council, baka may nagaganap na favoritism! Pero walang may lakas loob na magsalita para kwestunin ang resulta ng exam, kung ang royal families nga, hindi basta-basta kayang banggain ang Council, sila pa kaya na mga ordinaryong noble lamang? Karamihan sa mga taong ito ay mga faithful fans ng ibang mga kalahok tulad ni Erella, Nero, Princess Quartz at iba pa.
Noong sumapit ang ikalawang araw ay walang kamalay-malay ang lahat na mabibigla nanaman sila sa mga mangyayari.
“For sure Lady Charmaine is favored by the gods. Napakaswere nya na ipinanganak sya na mayroong malakas na magic.”
“Pero syempre mas pinapaboran pa rin ng mga gods ang royal families! For sure sina Prince Nero at Princess Quartz ang magiging top sa round na ito.”
“For sure Lady Erella will have a great result too! Sya lang ang tanging mage sa nakaraang mga taon ang mayroong great achivements sa Celestial Magic!”
“Tama ka! Celestial magic is the toughest magic!”
“Lady Erella is surely favored by the god Rex!”
“For sure pati sina Flay, August, Tanisha, Javen, Princess Alivia and that girl Aliya is also favored by the gods.”
“Not necessarily, mga noble birth lang sila. Siguro ay pinapaboran lamang sila ni Fortuna, the goddess of luck kaya madadaling spells ang napatapat sa kanila kahapon.”
Nagpatuloy ang mainit na diskusyon. Nabalot lang ng katahimikan ang lugar noong lumitaw ang labingtatlong scales na gawa sa ibat-ibang klase ng bato.
Naguumpisa ang exam mula sa nasa bottom ng rankings. Isa-isa silang umaakyat sa isang elevated platform kung nasaan ang thirteen scales. Karamihan sa mga kalahok ay may natatanggap na reaction mula sa dalawa o tatlong scales. May isa na nasa rank 200 ang nakatanggap ng reaction mula sa limang scales! Kapag walang pakialam sayo ang isang god mananatiling balanse ang scale. Kung pinapaburan ka ng isang god ay magrereact ang scale by tipping to the right. Kung hindi ka gusto ng isang god, it will tip to the left. Pero never pang nangyari sa history ang pagtip ng scale sa kaliwa. Gods normally don’t care.
Makikitang humihikab si Flay sa kanyang upuan habang nagbabasa naman ng Manga si Aliya na dinala nya pa galing Earth. Natutulog sina August at Tanisha habang nakikipaglaro naman si Alivia sa isang pusa na nakaupo sa kanyang lap. Sina Javen at Charm lamang ang mukang responsable na nagbibigay pansin sa kaganapan sa kanilang harapan. Bored na bored na ang magkakaibigan. Since sila ang nasa top ng ranking kahapon ay sila ang last na susubok sa exam.
Nong sumapit ang ikalima ng hapon ay makikita ang pag-akyat ni Erella sa elevated platform sa pinakapuso ng lugar. Kalmado ang kanyang puso at panatag ang kanyang kalooban. Malakas ang pananalig nya na ang God of All Celestial and Heavenly Beings na si Rex ay pinapaboran sya. Sa totoo lamang ay wala syang pakialam sa ibaang gods and goddesses, si Rex lamang ang kanyang tinitingala sapagkat ito ang patron ng Celestial Magic. Kabilang din si Rex sa Mighty Five, ang top five sa thirteen major gods and goddesses of Aralon.
Nag-umpisang gumalaw ang kulay pulang scale, ang Scale na nagrerepresenta kay Ambire, the God of War and Ambition.
Sunod na gumalaw ay ang kulay rosas na scale, Eros the God of Love and Pride. No wonder may lovelife ang bruha, nabihag nya lamang naman ang puso ng isa sa mga prinsepe ng Ignis.
Kasabay ng kulay rosas na scale ang kulay lilac, Aevetes the Goddess of Youth and Desire.
“Tsk. Bakit hindi pa rin nagrereact ang scale ni Rex??” sa isip ni Erella
Nagsimula ding magpakita ng reaction ang kulay Asul at kulay orange na scales. Mul the god of water, safe travels, music and happiness. Fortuna the goddess of luck, valor and heroism.
Hindi nagtagal ay makikita din na nagrereact ang kulay violet na scale, Erythros the god of darkness and hunting.
Anim na scale! Lahat ng kalahok ay dalawa o tatlo lamang ang results pero si Erella ay anim! Even Princess Quartz only managed to get the reaction of five scales.
Hindi masaya si Erella. Nanatiling walang reaction ang scale na nagrerepresenta kay Rex. Hindi nya ito matanggap. Marami ang nakapansin sa dissappointment sa mga mata ni Erella pero hindi na nila inungkat ang tungkol dito dahil maging sila ay nabigla. How can the most gifted in the arts of Celestial Magic not be favored by the patron god of it?
Sunod na umakyat si Myka, confident sya sa parteng ito ng exam sapagkat bago sya maging apprentice ng Witch of Havoc ay isa syang believer at member ng Church of Coelum. But contrary to expectation, anim na scales lamang din ang nagrect sa kanya. Hindi sya makapaniwala, pero thinking that princess Quartz, a royal blood only got a reaction from five scales eases her worries. At least lamang sya ng isa sa isang royalty, that's already an achievement worth braging for a lifetime.
Sunod na umakyat si Prince Nero. Lihim syang nananalangin ng isang magandang resulta. At hindi sya nabigo! Seven scales reacted to him! Mas nakahihigit sya sa dalawa nyang nakatatandang kapatid na nakatanggap lamang ng reaction mula sa anim na scales.
Matapos bumaba ni Prince Nero sa platform ay si Aliya naman ang sunod na umakyat.
“It's their turn.”
“Yung mga dark horse na!”
“How many gods are in their favor?”
“A lot! That’s for sure!”
“No way. Ni hindi ko nga sila kilala! They just pop up out of nowhere! The gods favored the royals, not just some random people!”
“The gods are not short-sighted. They favor royals and vagabonds alike.”
“Tsaka they are not just any random people, hindi mo ba nakita ang result nila sa Tower of Spells?!”
“Hmmp! Tingnan na lang natin sa result nila ngayon!”
Hindi lamang ang mga manonood ang nakatutok sa mga mangyayari, maging ang ibang mga kalahok ay nakaabang din.
Pag-apak pa lamang ng mga paa ni Aliya sa platform ay sabay-sabay na gumalaw ang labing dalawa sa labingtatlong scales. Nabigla ang lahat dahil dito. Pero ibat-iba ang dahilan ng kanilang pagkabigla.
“N-no way.”
“Paano nangyari toh?”
“S-six scales actually tipped to the left?!”
“Six scales? Doesthat mean six gods hate her?”
“This is a first! Six gods like her. Six of them hate her. And only one remained neutral, Rex.”
“I never heard of a case like this before!”
“This never happened before. Gods usually don’t care. What kind of offense did she committed to make the gods hate her?!”
“Is she a practitioner of black magic?!”
“One god hating you is already scary, what more if there's six of them?!”
Nanatiling balanse ang scale ni
para kay Aliya. Habang ang scale naman nina Caritas the goddess of selfless love and joy, Eros the god of love and pride, Febris the healer goddess, Fortuna the goddess of luck, Coelum the god of wisdom, at Lucere the goddess of Light turned on her favor. Erythros the god of darkness, Ur goddess of the Underworld, Delle goddess of fertility and nature, Mul god of Water, Ambire god of war and ambition, and Aevetes goddess of youth and desire hate her.
Maging ang Council ay hindi alam kung paano magrereact. Ngayon lamang ito nangyari sa buong kasaysayan ng Licentiam Exam. Gods never cared for anyone. They show some favoritism sometimes but they never shown the opposite. This is a first. Maging sila ay hindi lubos maisip kung anong sanhi ng pagkamuhi ng mga gods. Sapagkat kahit ang pinakamasasamang kriminal, mga mage na nagpapractice ng forbidden magic, mga mage na nagpapractice ng dark magic through sacrificing lives never received this kind of a reaction from the gods. The gods don’t care.
Makikita ang pagpipigil nina Flay sa kanilang pagtawa. Others may not know the reason, but they kinda understand how things turned out this way. Aliya is a blood relative and a direct apprentice of Eclipse, the Stillwater of Aralon and once known as the goddess Altha. Surely Eclipse have some fueds with the other gods. Hindi na din magugulat sina Charm kung may ilan sa mga gods ang ayaw din sa kanila for the same reason.
Noong si Javen na ang sunod na umakyat sa platform the same thing happened to her.
Rex, Coelum, Eros and Ur remained neutral. Caritas, Delle, Fortuna, Lucere, Erythros reacted positively. Normally a slight tipped on the right already indicates the favor of a god but Febris’ scale tipped all the way to the right showing how much she favored Javen who specialized on healing magic. The scales representing Mul, Ambire and Aevetes both tipped to the left. Four neutral, six in favor, and three hates her.
Hindi naman magkamayaw sa pag-iisip ng rason ang mga manonood. Dalawang beses nang na-defy ang common sense nila. Dalawang magkasunod na kalahok ang nakatanggap ng negative reaction mula sa mga gods! This is a ground breaking news!
Sunod na umakyat ang batang si Alivia sa platform. Of course, a dragon priestess is indeed special. Aside from Ambire and Aevetes who tipped to the left, all the remaining scales slightly tipped to the right.
“What the fudge!”
“Isnt this insane?”
“Ten gods are in her favor!”
“She also received animosity from two gods. Seriously, did they offended the gods together?”
“They are defying common sense! Lahat ng alam natin ay binabali nila.”
“Mga halimaw sila.”
“I'm starting to feel scared. Are they still human?”
Si Flay ang sunod na umakyat sa platform. Tanging ang scales lamang nina Rex, Ur at Coelum ang nanatiling balanse. Caritas, Eros, Febris, Delle, Fortuna, Erythros and Lucere’s scales turned on her favor. Mul, Ambire, and Aevetes hates her. Three neutral, seven in favor and three hates her.
Tanisha and August received the same result as Alivia's. Ambire and Aevetes have bloodfueds with Eclipse so despite being a dragon priestess, the two gods are still displeased that the three priestesses associated theirselves with Eclipse.
Sa mga oras na ito hindi na maitikom ng lahat ang kanilang mga bibig. Sapagkat hindi lamang isang examinee ang nakatanggap ng negative reaction mula sa mga gods, there's six of them!
Agad namatay ang ingay at komusyon sa paligid noong makita nilang tumayo si Charmaine at nagsimulang maglakad patungo sa platform.
Aminin man nila o hindi, sya ang pinakainaabangan ng lahat. Simula pa lamang sa test of Heaven's Stone ay nasa top 1 ang kanyang pangalan. What does it mean? She's as monstrous as her mother! The Licentiam Exam will be her stepping stone to start her own legend. She can be the next Witch of Carnage. Or she can be more than that. She can be her own legend.
At hindi nabigo ang lahat. Hindi nasayang ang kanilang antisipasyon nararamdaman.
Pag-apak pa lamang ng mga paa ni Charmaine sa platform ay isang malakas na pwersa ang yumanig sa lahat. Napahakbang patalikod ang mga manonood. Napasandal naman sa kanilang mga upuan ang mga myembro ng Council. Ang mga mahihina ay agad napaupo sa lupa na tila may malakas na pwersang tumulak sa kanila.
Noong bumalik ang kanilang atensyon sa platform kung nasaan si Charmaine ay hindi nila mapaniwalaan ang kanilang nasaksihan.
Agad napatayo sina Prince Nero mula sa kanilang mga upuan.
Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ni Erellah. Nanlalaki naman ang mga mata ni Myka.
Lahat ng mga manonood ay natulala.
The scales were rendered to ashes. Not a single scale remained.
The six people before Charmaine defied common sense by showing everyone that gods can also be against your favor. But never in their wildest dreams did they even think that someone could actually turn the scales into ashes!
“W-what is going on??”
“How?!”
“I-impusible ito.”
“Something is wrong with this exam!”
“W-what does it mean?”
“Do the gods hate her?”
“Is she too strong that even the scales can't judge her relationship with the gods?”
“Is she a monster?!”
Hindi nakakagulat na nabigla ang lahat sa mga nangyayari. Maging si Charm ay hindi inaasahan ang mga naganap. Lumingon sya sa direksyon ng Council at nakitang nakanganga din ang mga ito sa kanya.
Keep in mind that even the Witch of Carnage took this exam, and although she created storms during her youth, she didn't affected the scales the same way Charmaine do.
The scale survived the passage of time. The scale is considered as an indestructible relic. But now it turned into ashes because of the mere presence of Charm.
Noong bumaba si Charmaine sa platform ay agad nahawi ang daan para sa kanya.
Some are in awe. A lot are scared. Many are envious.
Charmaine Artemis Clifford.
Ano pa man ang kalabasan ng Licentiam Exam ngayon, one thing is for sure, her name will echo in every corner of the world.
Today's event will be written in history. Because a new legend is born.
The legend of a girl against the gods.
~~~~~~~~~
A/N: Hey pips! I'm back with this surprise early chapter. Maaga ko natapos ang chapter so I decided to upload it early too, pambawi lang. And nope, walang extra chapter sa darating na weekend. Haha
Anyway, thank you guys so so soooo much for all the love and support. Special mentions is not possible at the moment, maybe next chappy na lang po sorry bout that. Again, thank you. Ciao~
xoxo
LazyMissy13
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top