Tale 42
A/N: This chapter will ruin your childhood. Read with caution.
Tale 42
The Show
Maaliwalas ang kalangitan.
Nakangiti ang haring araw habang nakikipaghabulan naman ang mga ulap sa mapaglarong hangin. Alastres na ng hapon subalit mukang hindi napapagod ang haring araw sa pag-ngiti sa mundo. Mainit ang panahon. Isang pangkaraniwang araw ito para sa mga mag-aaral ng Atlantis Royal University.
Makikita ang ilan na abalang nagrereview para sa nalalapit na mga exams. Ang iba ay masayang nagkwekwentuhan.
“Nabalitaan nyo ba? Hailey already marked the transferees as her main target.”
“Yeah. Nabalitaan ko yan sa isa kong blockmate sa Programming. Kawawa naman yung mga transferees.”
“Oo nga eh. Mukang wala naman silang ginagawang masama kay Hailey pero napag-diskitahan pa rin sila.”
“Masyado kasing takaw-pansin ang kagandahan nila. For sure naiinsecure lang yung bruhang si Hailey.”
“Ssshhhhh! Sira ka ba?! Kapag may nakarinig sayo at nakarating yan kay Hailey hindi lang ikaw ang mapapahamak. Baka madamay pa pati pamilya mo.”
“Subukan lang nya! Marami kaming koneksyon sa pulisya.”
“Tsk. Gagi ka! Hindi mo siguro nabalitaan yung nangyari sa isang estudyanteng nag-attempt magsampa ng kaso kay Hailey last year. Natalo sya sa kaso! Walang natira sa kanya kundi yung damit na suot nila ng pamilya nya nung araw na yun. Lahat ng ari-arian nila naglaho. Kaya kung ayaw mong matulad sa kanya, manahimik ka na lang. Or better yet, lipat ka na lang ng school.”
Hindi na nakatugon pa ang kausap nito. Natakot ito sa kanyang narinig.
Sa kabilang banda, walang kamalay-malay ang magkakaibigan sa nadaramang awa ng mga mag-aaral ng Atlantis para sa kanila. Kasalukuyan silang abala sa special training ni Eclipse, ang Stillwater ng Aralon, ang imortal na halimaw na personal silang tinuturuan ng mahika.
“Javen it is very important that you master Healing Magic. Ikaw ang magiging backbone ng mga kaibigan mo sa ano mang laban na haharapin nila. Although your talent is mediocre, may napakalakas na mahika na natutulog sa loob mo. Your potential is limitless, and with me as your master you are destined to be the best Magic Doctor in the entire history of Aralon.” Saad ni Eclipse habang busy sa pagsusulat ng mga simplified version ng mga komplikado at pinakamalalakas na healing spells mula sa kanyang thousand years of memories.
“Napakaswerte mo sapagkat nasa iyong harapan ngayon ang Stillwater na tinaguriang Goddess of Alchemy and Healing Magic.” Pagmamalaki pa ni Eclipse
“Ikaw si Febris?” nawindang na saad ni Javen at maging ang mga kaibigan nya na nagtratraining kasama ang mga familiar ni Eclipse ay napalingon matapos marinig si Javen.
“What?! No! Why do I always get confused as Febris? That woman is the Healer Goddess. I'am Altha, the Goddess of Alchemy and Healing Magic!” saad ni Eclipse na agad napahinto sa pagsusulat sa whiteboard. Kasalukuyan silang nasa malawak na bakuran ng mansion ng mga Clifford sa gitna ng kagubatan.
“Altha? Come to think of it, there really is a goddess called Altha. But she's just a minor goddess so----" agad tinakpan ni August ang bunganga ni Flay noong mag-umpisang dumilim ang kalangitan na tila uulan.
“Ha-ha ang cool.. Isa ka palang Dyosa.” Awkward na saad ni Javen
“Hmmp! It was only for a few hundreds of years. I was also a queen of several kingdoms erased by time. Anyway, as I was saying, Healing Magic is one of my forte considering that my powers originated from the healer god--" saad ni Eclipse na hindi na naituloy ang kanyang sasabihin sapagkat agad nabalot ng lungkot ang kanyang puso matapos maalala ang tanging lalaki na kanyang inibig. Kahit lumipas na ang libo-libong mga taon at kahit dose-dosenang beses na syang isinilang at namatay, iisang lalaki pa rin ang laman ng kanyang puso. Si Amber, the healer god, the god of the woods.
“Ang swerte mo Javen!! For sure magiging isa kang super powerful na Healing Mage!!!” masiglang saad ni Aliya to lighten the mood
“Ikaw Aliya, magtraining ka kasama si Alivia, mula ka sa pamilya ng mga Montregomie, side branch kayo ng pamilya Lockwood sa labas ng Bloodwood. So in short, kamag-anak mo ko. May natutulog na kapangyarihan sa loob mo. Wag mo ipahiya ang angkan natin. Kahit mukang wala ka nang pag-asa, mabuti na ding i-try mo. Shoo. Dun ka kay Tiny.” Pagtataboy ni Eclipse kay Aliya na ikinasimangot ng huli.
Makikita sa isang sulok ang batang si Alivia na abalang nagmemeditate habang nasa ibabaw ng kanyang ulo si Tiny, ang maliit na pagong na isa sa apat na pamilyar ni Eclipse. Hindi malinaw kung anong klaseng training ang ginagawa nila sapagkat muka lang isang normal na pagong si Tiny na trip lang tumambay sa ulo ng batang si Alivia.
“Bilisan nyo pa ang pagtakbo! Ano ba? Mga pagong ba kayo? No offense Tiny. Bilisan nyo!!” sigaw ni Damnable, ang pulang ibon na Familiar ni Eclipse habang lumilipad ito sa ibabaw ng ulo nina August at Tanisha. Masakit na ang mga binti ng mga babae subalit pinilit nilang bilisan pa ang pagtakbo.
“Sa tingin nyo ba lalakas ang magic nyo kapag lampa yang mga katawan nyo?! Nananaginip kayo ng gising mga bata! Kung gusto nyong makagamit ng mga spells na ituturo ko, palakasin nyo pa ang katawan nyo! Bilisan nyo pa ang pagtakbo!!! Walang gagamit ng Enhancing Magic! Takbo! Takbo!!!” sigaw pa ni Damnable at halos maiyak na ang dalawa sa nakakabinging boses ng ibon. No wonder pinangalanan itong Damnable ni Eclipse.
“May napakalaking potensyal ka na maging isang malakas at tanyag na mago. Mayroon kang talento sa Summoning Magic, hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala ang binatilyong aking nakilala isang daang taon na ang nakararaan. Sya ay may napaka husay na talento sa Summoning Magic tulad mo. Naging maingay ang kanyang pangalan subalit sya ay maagang pumanaw sapagkat masyado syang naging kampante na walang makatatapat sa kanya haanggang isang araw, nakaharap nya ang isang makapangyarihang Evoker. Such a waste of talent.” Buntong hininga ni Blabbermouth, ang madaldal na butiki na isa din sa mga Familiar ni Eclipse, nasa harap nito si Flay na pilit pinapahaba ang pasensya para makinig sa kadaldalan ng butiki.
“Importante na matutunan mong ma-master ang Summoning Magic at pati na rin ang Evocation Magic. Kung may sapat pang panahon, ituturo ko din sayo ang Celestial Magic. Bihira lamang ang mga taong may sapat na talento para mamaster ang tatlong Contractual Magic na ito. Syempre espesyal na kaso ang Dragon Princess sapagkat nananalaytay sa kanyang ugat ang dugo ng pinakamakapangyarihang lahi. Ikaw ay may pambihirang talento at ang kapalarang nakaguhit sa palad mo ay hindi rin ordinaryo. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari limang libong taon na ang nakararaan. Nakilala din namin ang isang dalagang may malalim na kaugnayan saamin at kay Eclipse, sya ay naging reyna ng isang nasyon. At ang babae tatlong libong taon na ang nakararaan, sya ay isa lamang tagapag-silbi sa isang matandang kaharian subalit dahil ang kanyang kapalaran ay may malalim na kaugnayan saamin, sya ay naging isang emperatris na sumakop sa mga karatig na kaharian. Kaysarap balikan ng mga alaala ng kahapon.” Buntong hininga pa ni Blabbermouth at hindi na maipinta ang muka ni Flay. Namamangha sya sa mga kwentong kanyang naririnig subalit sumasakit na ang kanyang ulo sa kadaldalan ng butiki sa kanyang harapan.
“Anyway, ang nais ko lang sabihin ay dapat mo ring pagtuunan ng pansin ang elemental attribute mo. Kahit pa hindi kabilang ang Lightning Attribute sa Main Elemental Attribute, hindi nangangahulugan na ito ay mahina. Bagkus ito ang isa sa pinakamalakas na elemento. Bibihira lamang ang mga taong may ganitong Attribute tulad mo. Naaalala ko pa noong minsan kong nakasalamuha ang isa sa pinakatanyang mong ninuno, si Freya Walker, naging isa syang kilabot na mage dahil sa isang napakalakas na magic spell na tanging sya lamang ang nakakagamit. Nakapanghihinayang na hindi nya naipasa sa mga sumunod na henerasyon ang sekreto saa likod ng kanyang spell na Dance of the Thousand Lightning. Such a shame. What a shame.” Naiiling na saad ng butiki at kahit pa masakit na ang tenga ni Flay sa pakikinig sa kadaldalan ng butiki, napukaw nag pansin nya sa huli nitong sinabi.
Hindi maiwasang mapangiti ni Charm sa itsura ng mga kaibigan nya ngayon.
“Princess stop getting distracted. Magfocus ka lang sakin. Alam natin pareho na malakas ka, pero as of now ang tanging magic na nagagamit mo ay ang kakarampot na magic na naka-seal sa loob ng katawan mo.” Saad ni Unbearable, ang puting pusa na familiar ni Eclipse. Abala ito sa paghimod sa kanyang mga paa na parang isang noble at may class na pusa.
“Kakarampot pa lamang ito?” kahit si Charm ay nabigla sa narinig sapagkat alam nya sa sarili nya kung ano ang mga kaya nyang gawin sa kakayanan na mayroon sya ngayon. Subalit tinawag itong ‘kakarampot' ng pusa sa kanyang harapan.
“Tss. Obviously wala kang ideya sa kayang gawin ng lahi mo. Ordinary dragons can easily destroy kingdoms. You are a royal blooded one, you are a hundred times stronger than ordinary ones.” Sagot ng pusa
Just how powerful is her bloodline?
“Your magic is originally divided into three parts. One part is inside you, your Familiar, and then your Celestial Spirit. Then the part inside you was sealed away by Cassiopeia. As of now, the magic that you are currently using is the remnants of your magic that was accidentally awakened.” Paliwanag ng pusa
“Eclipse will personally teach you. But as of now, I will help you strengthen your connection with your familiar and Celestial Spirit. Your magic will grow stronger if you succeed in summoning them because two third (2/3) of your original power is inside them.” Paliwanag ni Unbearable
Hindi masyadong inaalala ni Charm ang tungkol sa Celestial Spirit nya because as of now, Regis is her loyal servant slash friend slash faithful servant slash diehard servant. In short alipin nya ang God of Celestial and Heavenly Bodies. Ang tanging inaalala nya ay ang Familiar nya. Minsan nya nang nakausap ito. Palagi syang binabalaan nito na masyadong mapanganib kung tatawagin sya ni Charm. Ngayon mas nauunawaan nya na kung bakit. She can flip the world of Aralon upside down once she succeed in summoning her Familiar. That's how powerful she'll be. Dahil dito ay mas naging desidido sya na wag bawiin ang kapangyarihan nya na naka-seal sa loob ni Arren. Regarding her cousin, isang bagay ang nadiskubre ni Charm. Crystal is missing for years now. Walang nakakaalam kung nasaan ito ngayon.
Sa ganitong paraan lumipas ang mga araw.
***
“Sigurado ka ba??” tanong ni Aubrey, ang pinakamaimpluwensyang myembro ng theater organization, kay Flay na nakangiti habang binabasa ang script na kanilang gagamitin sa play para sa nalalapit na Founding Anniversary ng kanilang school. Sasapit ito two weeks after their exams.
“Yes. This is perfect. I will persuade my friends to take part in it. You don't need to worry.” Nakangiting tugon ni Flay
“Pero ang pinaka-importanteng role ay mapupunta sa taong yun. Okay lang ba talaga??” kinakabahang tanong ni Aubrey dahil kahit sya ay natatakot banggain ang taong tinutukoy nya
“Wala ka bang tiwala sakin??” nakangiting tanong ni Flay with matching Manipulation Magic to persuade Aubrey. Hindi nya direktang minamanipula ang babae, iniimpluwensyahan nya lamang ito.
“Don't tell everyone about this special role. We will surprise everyone.” Nakangiting dagdag ni Flay
Tumango naman si Aubrey. “Fine. If you are this confident, then I will support you.”
***
And so, the bullying days continues. Unfortunately for Hailey, all her efforts are for naught. Tila isang karagatan ang grupo nina Flay. Kahit subukang batuhin ni Hailey ng paulit-ulit ang magkakaibigan, tila lumulubog lamang sa isang malawak na karagan ang bawat batong inihahagis nya. Walang epekto. Walang saysay.
Habang tumatagal ay parami ng parami ang nakakapansin sa kawalan ng epekto ng efforts ni Hailey. Tila pader na hindi mabuwag ang magkakaibigan. Habang tumatagal ay lalo silang namamangha. Mukang may panibagong mga halimaw ang sumulpot. At mukang kahit si Hailey ay wlang magawa sa mga ito.
Dumaan ang exam days kung saan na-stress si Flay sa Calculus. Pero aside from that, dumaan ng matiwasay ang mga araw. Several days from now, the celebration of the school's founding anniversary will commence.
Naging masigla ang atmosphere sa paaralan. Tila mga bagong layang preso ang lahat matapos ang nakakapressure na exams. Nag-umpisang maglagay ng mga palamuti ang mga staffs ng school. May mga nakapaskil na ring mga posters ng ibat-ibang event ng mga organization sa araw ng pagdiriwang. Subalit isa sa mga poster na nakapaskil sa ibat-ibang sulok ng paaralan ang talagang nakapukaw sa pansin ng lahat.
Isang binibini na mukang nagmula pa sa ibang mundo ang makikita sa larawan. Malaporselanang kutis, mapupulang labi, natural rosy cheeks, long blonde hair and a kind smile. Isang prinsesa! Yun ang unang impresyon ng lahat. Isang prinsesa mula sa isang fairytale book ang babae! Sa background ay mayroon pang ilang magagandang mga kababaihan na muka ring mga prinsesa!
Syempre, ang babae sa posters ay walang iba kung hindi si Flay at ang kanyang mga kaibigan. Ito ang poster ng pagpapaunlak ng kanilang organization para sa musical play na may cliché na pamagat. Clash of Princesses Royals.
Parami ng parami ang napapaisip kung ano ang mangyayari sa play.
“Princesses? Fairytale??”
“Childish.”
“Anong tingin nila satin? Kinder? Elementary?”
“Pero bakit Clash?? Maglalalaban ba sila? Feeling ko action-packed ito.”
“Childish pero mukang may twists.”
“Hmmm? Muka namang interesante.”
“We should watch. I heard the transferees are heavenly!”
“Tsk. Exaggeration lang yun. For sure ginamitan ng photoshop itong poster nila.”
“Oo nga. Muka silang mga diwata. For sure pinothoshop ito.”
“Tsk. Mali kayo. Nakita ko na sila ng personal one time sa cafeteria. Sobrang ganda nila!”
“Totoo yun! Para silang mga Dyosa sa lupa.”
“Nabalitaan ko sa forum na maganda nga daw sila. Di ko akalain na sasali sila sa theater.”
“We should watch! Mukang may mangyayaring interesante.”
“Agree. Plus I want to personally see kung totoo yung rumors about their divine beauty.”
“Bwisit!!!” singhal ni Hailey matapos makita ang poster kung saan nakangiti si Flay.. Agad dumistansya ang mga mag-aaral na malapit kay Hailey.
“They are clearly opposing me!” reklamo ng babae
“I don't think they are stupid enough to do that. Maybe it was just a coincidence. The school's founding anniversary is nearing, it was just a theater act so don't overreact Ms. Hailey.” Pagpapakalma sa kanya ng lalaking nerd na nagpapapypay sa kanya ng isang magarbong pamaypay.
“Don't overreact? Hindi mo ba nababasa ang title ng play nila?? Clash of the Princesses Royals! Clearly, mensahe nila ito para sakin! They want to overthrow me!” galit na bulyaw ni Hailey sa kawawang nerd na hindi na nakatugon pa. Totoong isa syang reyna. Reyna ng mga feelingera.
Ilang breath in at breath out ang ginawa ni Hailey bago sya muling nagsalita.
“Do everything you can to ruin this show.” Utos nya habang may sinister na ngiti.
**
“I can't believe we are actually doing this.” Buntong hininga ni Javen noong nasa backstage na sila at nag-aayos para sa mangyayaring palabas. Ngayon ang unang araw ng kanilang pagtatanghal.
“Don't worry Javen, yan din ang sinabi mo noong sumali tayo sa Game of Storms sa Aurum, hindi ba at nagwagi tayo sa bandang huli??” nakangiting tugon ni Flay
“I’m sure that this will be fun.” Saad ni Aliya
“Super.” Nakangiting tugon ni Flay at napangiti din ang magkakaibigan dahil sa excitement.
Samantala, sa loob naman ng theatro ay parami ng parami ang mga manonood. Nandito sila out of curiosity. Alam ng lahat ang rumor about the beauty of the transferees. Nais nilang masilayan at mahusgahan kung totoo ba ito o hindi.
“I hope I won't be disappointed.”
“Muka namang maganda ang kwento.”
“Hindi pa nagsisimula pero inaantok na ko.”
“Excited na ko makita yung mga transferees.”
“Hmm. Mukang maraming manonood. Puno na agad ang theatro.”
“I heard they were marked as Hailey's main targets. She’ll definitely do something to ruin the show. Everyone is here to enjoy the drama.”
Noong mag-umpisang mamatay ang mga ilaw ay saka lamang din namatay ang mga bulungan sa loob ng theatro.
“Nagsimula ang lahat isang normal na araw para sa prinsesa ng kaharian ng RoseLands. Isang sumpa ang iniwan ng isang palaka sa prinsesa matapos nitong abandunahin ang pangako ng isang halik kapalit ng mga pagpapakasakit ng mahiwagang palaka para sa Prinsesa.” Simula ng isang malalim na tinig ng narrator at may mga usok pa na bumalot sa medyo madilim na stage.
Makikita sa stage ang shadow play ng mga anino na tumutugma sa narration na inilalahad ng narrator ng dula.
“Noong koronahan ang prinsesa at naging reyna sya ng kaharian, isang isinumpang supling ang naging biyaya at sumpa sa kaharian. Ang sanggol ay pinangalanang Aurora, sya ay nagdadala ng matinding kamalasan sa mga nasa paligid nya. Sa kabila ng kamalasan na kanyang dala, walang makapanakit sa kanya sapagkat lalong minamalas ang mga taong sumusubok saktan ang batang si Aurora. Dahil sa sumpa ay pilit nilalayuan ng lahat ang batang si Aurora. Lumipas ang mga taon ng pag-iisa at kalungkutan sa prinsesa.”
Isang malungkot na himig ang bumalot sa buong theatro. For some reason ay tila pinipiga ang puso nila kahit di naman nakakaantig ang kwento. Yung sound effects lang ang nagdala!
“Isang prinsepe ang minsang napadpad sa kaharian at agad nahulog ang kalooban ni Aurora sa prinsepe sa kanilang unang pagkikita.” -narrator
Mula sa isang props na balkonahe ay makikita si Flay na nakasuot ng isang marangyang victorian dress. Lahat ng mga kalalakihan ay agad natigilan at napatulala sa kagandahan ni Flay.
Isang gwapong binata naman ang nasa ibaba ng balkonahe at nakatingala kay Flay. Sya ay si Andrew, isa sa mga senior members ng org at syang madalas makakuha sa mga lead roles. Nagtagpo ang kanilang mga mata at kahit ilang beses na silang nagrehearse ay hindi pa rin maiwasang kabahan ng binatang gumaganap na prinsepe.
“Sa kasamaang palad ay hindi sila pareho ng nadarama. Ang prinsepe ay may iba nang napupusuan. At sya ay naglalakbay upang hanapin ang prinsesang kanyang iniibig.”
Kasabay ng sinabi ng narrator ay ang pagtalikod ng prinsepe mula kay Flay.
Agad itong umani ng reaction mula sa mga manood.
“Bulag ka ba Pare?!”
“You just turned your back on my dream wife!”
“Aabangan kita sa kanto mamaya! Kapal muks mong tinalikuran ang future babes ko!!”
“Oyy balikan mo si Aurora! Pangarap ko sya tas babaliwalain mo lang!!!”
Naging wild ang mga lalaking manonood, napapailing naman ang mga kababaihan.. ang OA kasi ng mga lalaking audience.
“Sino ang ginoong yun, Scarlet?” tanong ni Aurora sa isang babaeng nakabalabal ng kulay pulang tela at mukang Little Red Riding Hood
“Si Prinsepe Philip yun Bes. Ang pogi noh?” tugon ng babaeng gumaganap na Scarlet, si Aubrey.
Bes? Napapaisip ang mga manonood kung seryoso ba ang play na kanilang pinapanood. Bakit gumagamit sila ng mga balbal at modern terms?
“Bakit sya naparito sa ating kaharian?” tanong pa ni Flay/Aurora
“Nabalitaan kong may hinahanap syang isang prinsesa. Singputi daw ng nyebe ang kutis, sing-pula ng dugo ang labi, sing-dilim ng gabi ang itim nitong buhok. Hindi alam ni Prinsepe Philip ang pangalan nito kaya sya ay naglalakbay sa ibat-ibang kaharian.” Tugon pa ni Scarlet
Kumunot ang noo ng mga manonood. Duh! Si SnowWhite ang tinutukoy nya!
“Subalit bakit?” tanong pa ni Flay na mukang inosente at puno ng pagtataka
“Upang maging kanyang reyna! Hindi ba at napaka-romantiko nya? Isang beses lamang nyang nasilayan ang prinsesang kanyang hinahanap pero halos libutin nya na ang lahat ng kaharian mahanap lamang ito!” excited na tugon ni Scarlet
“Agad nabalot ng inggit ang puso ni Aurora. Dahil sa kanyang mapait na nakaraan ay lumaking isang mapang-aping prinsesa ang dalaga. Sila ng kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Scarlet ang itinuturing na pangunahing Bullies sa buong kaharian.” Lahad ng narrator
“Hanapin mo ang hinahanap nyang prinsesa at dispatchahin mo agad. I will be his one and only queen.” Declare ni Aurora
At nabalot ng usok ang stage kaya walang makita ang mga manonood.
“Wait a minute? Si Aurora ay si Sleeping Beauty diba? Bakit parang masama ang ugali nya sa kwento?”
“Ikaw ba naman ang ipanganak na may sumpa at layuan ng lahat, ewan ko lang kung maging mabait ka.”
“Bakit si Naruto? Si Sasuke at Gaara? They knew loneliness pero di naman sila naging masama??”
“Naging kalaban si Sasuke. Kalaban din si Gaara nung una nilang pagkikita ni Naruto.”
“She reminds me of Elfen Lied's Lucy.”
“No, Aurora's a princess dude. Magkaiba sila ng pinagdaanan.”
“Tsk. Otakus.”
“Masyadong twisted ang personality ni Aurora. Sya ba ang bida? Bakit parang antagonist sya??”
Habang nagdidiskusyon ang mga manonood ay mabilis na naglaho ang usok. Natahimik ang lahat matapos makita ang stage.
Literal na nalaglag ang panga ng lahat. Hindi nila mapaniwalaan ang kanilang nasasaksihan.
Sapagkat ang stage ay punong-puno ngayon ng tubig. Pero wala namang aquarium sa stage kaya paanong napuno ng tubig ang lugar?
May isang sirena na lumalangoy sa gitna ng tubig. Isang babaeng may pamilyar na muka. Si Aliya. Simpleng transformation magic lang ang ginamit nina Flay para lagyan ng buntot si Aliya. Containment magic naman ang ginamit nila para sa tubig na nakikita ngayon ng mga manonood. Maging ang mga mismong myembro ng theater organization ay nagulat pero ika nga nila, ‘the show must go on’ kaya mamaya na lang nila iisipin kung paano nangyari ang mga nangyayari ngayon sa stage.
“Bes kurutin mo nga ako. Nananaginip yata ako.”
“Bes magkasama ata tayo sa panaginip.”
“Nasobrahan ata ako sa tinira kong rugby kanina, nagha-hallucinate na ko.”
“Pucha, saan nila kinuha ang budget para dito?”
“Totoong sirena ata yan?! Pano nila napuno ng tubig ang stage na wala namang aquarium!”
“Besshie alis na tayo. May sa maligno ata ang theater na ito.”
“Ano ba kayo? Palabas ito! Props at costume lang yan!”
“Samantala sa kailaliman ng karagatan, isang sirena ang pilit tumatakas mula sa kaharian ng Atlantis. Si Prinsesa Ariella. Nais nya nang talikuran ang buhay sirena sapagkat nahulog aang kanyang kalooban sa isang binatang prinsepe sa ibabaw ng lupa at handa syang hanapin ito!” Narrate ng narrator
Mabilis na naglaho ang tubig. Gumamit ng transformation magic si Charm para ibalik ang mga paa ni Aliya at kasabay nito ay nag-change outfit sya sa isang kisap mata.
“Prinsepe Philip nang ikaw ay aking masilayan mula sa iyong paglalayag sa mapaglarong karagatan ay agad nahulog ang aking kalooban sa iyong katapangan. Mahal ko, hintayin mo ako.” Madramang saad ni Aliya habang nakatanaw sa malayo at feel na feel mag monologue..
“Sa kabilang banda, hindi nanaman naging matagumpay ang paglalakbay ng Prinsepe kaya sya ay bumalik sa kanyang kaharian, ang SkyLands.” -narrator
Makikita sa stage ang trono ng isang hari na may fake na putting balbas at gintong korona. Ang hari ay nakkasuot ng Jersey at may nilalarong bola ng basketball sa kanyang mga kamay.
“What the fudge.” React ng isang manonood
“Pfffffttttt. Whahahahaha!”
“King of the Court!”
“Ama nasa inyong harapan ang inyong anak at nagbibigay galang. Kababalik ko lamang po mula sa paglalakbay mula sa RoseLands.” Saad ni Andrew, ang prinsepe, sabay bow sa hari na naka-Jersey.
“Oh! My son! Welcome back, man! How ya doin'?” rap ng hari ng SkyLand
“Maayos naman po ako Ama.” Tugon naman ng prinsepe
“That's mah' boy! Nyways, yah still foolishly lookin' for that gurl?” rap pa ng hari
“Opo. Hindi ko maunawaankung bakit hindi ko sya matagpuan sa lahat ng sulok ng mga karatig nating kaharian Ama.” Tila naghihimutok na saad ng prinsepe
“Mah’ son, I support your determination but I cant just watch yah suffer like this, man. So I invited every princesses from all nations and kingdoms nearby, yo'l be the host of the event that will commence two weeks from now, man..” Saad ng hari habang umiikot ang hawak na bola sa kanyang hintuturo.
“Nabigla ang prinsepe sa kanyang narinig. Hindi nya lubos akalain na susuportahan sya ng kanyang ama sa kanyang naging desisyon. Sumapit ang itinakdang araw at napuno ng sigla ang buong kaharian. Ilang mararangyang kalesa ang nagsidatingan para bumisita sa kaharian. Lulan nito ang mga prinsesa ng ibat-ibang kaharian.” Narrator
May nagpaulan ng confetti sa buong theater kaya naging masigla ang atmosphere sa lugar, idagdag pa ang masiglang awitin na maririnig at lalong lumawak ang ngiti sa labi ng bawat isa kahit pa walang kwenta ang palabas na kanilang pinapanood.
“All hail the Princess of CinderLands, Princess Ellah.” Malakas na announce ng isang side character at makikita ang engrandeng pagpasok ni Katie sa scene, ang kamado at mabait na member ng org nila na noon ay palaging nagiging second lead. Si Katie ay nakasuot ng glass shoes na kitang-kita sapagkat knee length lamang ang suot nitong magarbong saya.
“All hail the Princess of SandLands, Prinscess Jasmina!” malakas na announce ng side character at lumitaw ang isang magandang babae lulan ng isang lumulutang na magic carpet. Si Tanisha!
“All hail the princess of SunLands, Princess Rapunzel!” lumitaw si Javen na may napakahabang buhok na sumasayad sa sahig. May mga tumutubong bulalak sa paligid nya.
“All hail the princess of SnowLands, Princess Elsy!” announce ng side character at lumitaw si August suot ang isang simpleng gown, subalit ang nakakamangha ay ang pagbagsak ng nyebe sa loob ng theater! Ang ilan sa mga manonood ay agad napahimig ng kantang Let It Go sa kanilang mga isipan.
“All hail the princess of RoseLands, princess Aurora!”announce ng side character at lumitaw si Flay suot ang isang magarbong itim na victorian dress, lahat ng mga bulaklak na naka-display sa lugar ay nangamatay, may usok na dahan-dahang gumagapang sa sahig. It was very sinister. Aakalain mong si Maleficent ang dumating sa halip na si Prinsesa Aurora.
“All hail the Princess of IvoryLands, princess Snowy!” announce pa ng side character
Lumipas ang isang minuto subalit walang lumitaw. Nagkatinginan ang ilan sa mga manonood. May technical problem ba?? Nasaan na si SnowWhite? Este Snowy?
“Ehem. It seems that princess Snowy will not be able to show up.” Saad ng side character.. “All hail the princess of BeastLands, Princess Bella!” sa pagkakataong ito ay si Charm naman ang lumitaw sakay sa isang malaking Lobo, yung giant wolf na nakilala nila sa Bloodwoods na ngayon ay official pet na ng batang si Alivia. Anyways, Charm look like a badass princess. Maging ang mga manonood ay napanganga matapos makita ng malaking Lobo.
Isang awitin ang inihanda ng ibang myembro ng org habang naglalakad ang magkakaibigan papalapit sa hari ng liga. Sabay-sabay silang ngumiti at muntik nang maging bato ang kawawang actor na gumaganap bilang hari, the smile of an Aralonian mage can petrified normal humans, imaginin nyo na lang kapag nginitian kayo hindi lang ng isa kundi lima. “Binabati namin ang hari ng SkyLands, King James.”
“A-ang gaganda.”
“Matapos silang makita feeling ko pwede na kong mamatay ngayon.”
“So totoo pala talaga yung rumor tungkol sa kanila.”
“Mali ka! Hindi nabigyan ng hustisya nung rumor ang taglay nilang ganda. Comparing them to fairies is still an understatement!”
“Nakakatakot ang sobra nilang kagandahan.”
“Parang hindi sila napapabilang sa mundo natin. Feeling ko paghinawakan natin sila madudumihan sila.”
“Tsk. How can you even think of something so sinful?! How can we, ugly human beings, dare touch such divinities? Even entertaining the thoughts is already a sin!”
“T-tama ka! Dapat natin silang protektahan! Simula ngayon wala nang pwedeng mag-claim na future wife nila ang isa man sa mga dyosa natin!”
“Tama! Tama! Kailangan nating makaisip ng plano para iligtas sila mula kay Hailey!”
“Tama kayo dyan mga kabaro! Protektahan natin ang mga dyosa! Tayo na ngayon ang Divine Protection Squad!”
Walang kamalay-malay sina Charm na may nabuo na agad isang samahan ng mga diehard fans matapos nilang lumitaw.
“Nagkaroon ng isang piging at masayang salo-salo. Sa kabila ng kasiyahan, isang tao ang pinipilit lamang ang kanyang ngiti. Si Prince Philip. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap ay hindi nya pa rin masumpungan ang dalagang bumihag sa kanyang puso.”
Makikita si Prince Philip na kumakain ng mansanas sa isang sulok habang nakatanaw sa labas ng props na bintana. Pero walang may pakialam. Lahat ng manonood, babae man o lalaki, ay nakafocus ang atensyon sa grupo nina Flay na nasa kabilang bahagi ng stage at umaarteng nagkukumustahan.
Lumapit naman ang lalaking gumaganap bilang King James sa grupo nina Flay.
“How ya doin' young ladies?”
“I have this crazy idea. You see mah boy over there, he's looking for a girl that may never ever be found. I'm already getting old and mah son needs a queen. Why don't we have a little competition?” -King James
“A competition?” tanong ni Tanisha na nakaupo pa rin sa kanyang magic carpet
“Yeah, a competition. Who ever gets his attention will be the winner. And the winner will get my consent for mah son's hand in marriage. So what do yah think?” -King James
“Shouldnt it be the other way around? It should be Prince Philip asking for our hand in marriage.” -August
“Well uhm technically yeah. But whatever. I’m just following the script.” Sagot ni king James sabay palakpak ng tatlo at may tumugtog na violin.
“And so the Clash of Princesses will now commence! Who will win the Prince' heart?” -narrator
Naunang lumapit si Katie aka Princess Ellah sa prinsepe. “Hey Prince Philip, I have a pumpkin carriage, wanna join me escape the party?” aya nito in her most seductive effort
“Thanks for the offer princess, but I'am the host of the party so I must humbly decline.”
“Ngumiti lang si Princess Ella sa rejection sabay talikod. Naiwan pa ang isa sa mga glass slippers nya sa paglalakad palayo pero agad nya itong binalikan para i-reserved para sa mas deserving na prinsepe.” -narrator
This time si Javen naman ang kumilos, sa halip na lapitan ang prinsepe ay huminto sya sa gitna ng stage at nagsimulang tumugtog ng flute na unti-unting umantig sa puso ng lahat.
“Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa labi ni Prinsesa Rapunzel sapagkat napagtanto nya na hindi man lamang sya tinapunan ng tingin ng prinsepe na nakatanaw sa labas ng bintana bakas ang pangungulila.” -narrator
Isang pamilyar na awitin ang maririnig sa background habang naglalakad si August. Muling umulan ng nyebe sa buong theater na ikinamangha ng mga manonood. Tinalo pa nito ang snow sa isang themedpark! Huminto sya sa gitna ng stage at doon nagsimulang magcast ng spell. Lumikha sya ng isang bloke ng yelo sa gitna ng stage. Bigla na lamang yung lumitaw na ipinagtaka ng mga manonood! Sa isang iglap ay naging isang ice sculpture na kawangis ng prinsepe ang bloke ng yelo. Paano nangyari iyon? Napapaisip ang lahat. Feeling nila nanonood sila ng magic show sa mga kakaiba nilang nasasaksihan.
“Hindi rin nagtagumpay maging si Princess Elsy. Gagawa na lamang sya ng snow man kasama ang kanyang kapatid pag-uwi nya sa kanyang kaharian pampawala ng stress sa nangyari.” -narrator
“Price Philip! I can show you a whole new world. I have a genie that can grant you all the riches in the world. Why don't you become my king?” saad ni Tanisha at kasabay nito ang paglitaw ng napakaraming ginto at mga kayaman sa stage. Halos lumuwa naman ang mata ng lahat ng mga manonood. Mukang totoong mga kayamanan ang nakikita nila. Pero ang nakakagulat ay bigla na lamang lumitaw mula sa kawalan ang mga kayamanan! Nililinlang na yata sila ng kanilang mga mata!
“Princess Jasmina is truly a humorous person. How can I qualify to be your king?” tumatawang saad ni Andrew, ang prinsepe. Maging sya ay nagugulat sa mga nangyayari. Sobrang impromptu ng mga makatotohanang props. Wala naman silang napag-usapang ganito noong nagpapractice palamang sila kaya naman nabibigla din sya sa mga kaganapan.
“Haha you may regret this someday.” Mapagbirong saad ni Tanisha sabay tawa. Tumalikod na sya matapos yun at bumalik kung nasaan ang mga kaibigan nya
“He is clearly madly inlove. I do not want to waste my time.” Komento ni Charm na gumaganap na Princess Bella
“I will also abstain in this competition.” Nakangiting saad ni Flay
“Kampante na si Prinsesa Aurora na sya ang pipiliin ng prinsepe sapagkat natagpuan nya na ang prinsesang hinahanap ng prinsepe. Si Snowy! Si Aurora ang dahilan kung bakit hindi nakadalo ang binibini sa piging. Gamit ang sumpa ng lason sa isang mansanas ay niligpit na ni Aurora si Snowy kaya wala nang magiging sagabal sa kanila ng prinsepeng kanyang iniibig.” -narrator
“What? Patayna si Snowy?”
“Wait? So hindi yung stepmother ni SnowWhite ang kalaban? Si Aurora ang kalaban?”
“I thought this is a princess story?! Why is it sooooo dark like the DC universe?”
“If the prince kiss her she will awaken right?”
“Sino ba kasi si Snowy? Bakit mas bet sya nitong si Prince Philip kesa sa mga dyosa natin?”
“Walang kamalayan ang lahat sa nangyari kay Prinsesa Snowy. Nagpatuloy ang kasiyahan. Nadisappoint naman si King James sapagkat nabigo ang mga prinsesa sa pagkuha sa atensyon ng kanyang anak.” -narrator
“ITIGIL ANG KASAL!!!” sigaw ng isang tinig kaya napukaw ang atensyon ng lahat. Isang babae ang lumitaw. Maganda ito subalit napaka-wild ng itsura. Tila naglakbay ito ng napakalayo. It was Aliya.
“Nilangoy ko ang karagatan, tumawid sa pitong bundok, tatlong ilog, disyerto at mga kagubatan makarating lang dito!” announce nya at agad naglakad papalapitsa prinsepe.. “Ang ‘yong dugot laman! Bawat hibla ng yong buhok! Bawat hangin na dumadaan sa ‘yong baga! Lahat ng yun ay akin lamang! Oppa! Akin ka lang!” sigaw ni Aliya na parang baliw
“Sino ka?!” sigaw ni King James
“Ako si Prinsesa Ariella! Ang future wifey ni Oppa! Anak namin sina Crispin at Basilio!” sagot ni Aliya “Tanggapin mo itong botelya na naglalaman ng kaliskis ko! Akin ka lang! Akin!”
“Nababaliw na ang babaeng yan. Dakpin sya!!” utos ng hari at may lumitaw na mga naka-armor para pigilan si Aliya sa pagdamba sa prinsepe.
Agad nagwala si Aliya na parang baliw.. “Akin lang sya! Akin lang si Oppa!!”
Binuhat na sya ng mga kawal paalis sa stage.
“My childhood is ruined.”
“Naging isang sasaeng si Ariel.”
“Kung kpop idol ako tapos ganun itsura ng sasaeng fan ko, I will be overwhelmed.”
“Wife material pa rin si Aliya kahit baliw character nya.”
Sa totoo lang ay lihim na natatawa ang magkakaibigan sa naging performance ni Aliya. Pangbest actress ang drama nito.
Isang humahangos na kawal ang sumulpot sa stage.
“Masamang balita Kamahalan!!!” sigaw nito
Agad umarteng nagulat si King James. “Maghunos dili ka! Nasa harapan mo ang hari!” sigaw ng isang kawal
“P-patawad Kamahalan. May dala po akong masamang balita!”
Tumango si King James. “Magsalita ka.”
“S-si Prinsesa Snowy… Si Prinsesa Snowy ay.. Sya ay natagpuang wala nang buhay sa kanyang silid sa palasyo!”
Napasinghap lahat ng nasa stage. Kunwari nagulat lahat ng extra. Pati sina Charm ay nagkunwaring nabigla sa narinig.
“Impusible!!” bulalas ng hari na hindi na nagra-rap ngayon
“Ito po ang buong katotohanan Kamahalan!”
“Dalhin mo ko sa kanyang silid! Tawagin ang lahat ng mga espesyalista at mga doktok!” utos ni Prince Philip
Muling nabalot ng usok ang stage.
“Agad nagtungo ang lahat sa direksyon ng silid ni Prinsesa Snowy. Nais nilang malaman kung ano ang nangyari sa prinsesa. Kung totoo ang ibinalita ng kawal ay maaaring masira ang magandang reputasyon ng SkyLands. Maaari pang humantong ito sa gera laban sa kaharian ng IvoryLands!” -narrator
Muling naging malinaw ang stage. Isang kama ang nasa gitna ng stage kung saan may nahihimlay na isang tao. Sa simula ay hindi nila agad nakilala ang babaeng walamg malay sa kama. Pero matapos mapagtanto kung sino ito ay napuno ang kumusyon ang buong theatro.
“Impusible!!!”
“W-what??”
“Sya si Princess Snowy??”
“Paano ito nangyari?”
“Hindi naman ako namamalikmata diba mga brad??”
“Hindi brad. Nakikita ko din ang nakikita mo.”
“S-Si Hailey yan diba??”
“Bes nakikita mo din sya? Ibig sabihin hindi talaga ito panaginip!”
Agad lumitaw ang mga karakter ng kwento.
Agad natigilan ang mga karakter. Makatotohanan ang pagkagulat sa kanilang muka. Tila maging sila ay hindi ito inaasahan. Sa totoo lang ay ngayon lang nila nalaman na parte si Hailey ng kwento sapagkat may extra na nagsusub tuwing rehearsal nila noon. Totoo silang nagulat ngayon!
“This can't be happening!!” nag-aalalang bulalas ng hari na mukang hindi matanggap na namatay si Snowy pero amg totoo ay di nya lang matanggap na nandito si Hailey
“Hindi ito maaari!!” nagulat ding saad ni Prince Philip.. “Hindi maaari! S-sya ang babaeng hinahanap ko!”
Nagulat ang lahat ng karakter sa tinuran ni Andrew, alam nila ang mangyayari sa kwento kaya nagulat sila na may lakas loob ang binata na manatiling in-character. Na-encourage silang ituloy aang laban
The show must go on!
“Ikinalulungkot ko ang nangyari.” Saad ni Flay sabay hagod sa likod ng Prinsepe
“Hindi ito maaaring mangyari.” Tila nababaliw na ang prinsepe na ang totoo ay hindi matanggap na si Hailey ang gumaganap na Snowy. Alam nya ang mga mangyayari, at hindi nya matanggap na si Hailey ang naririto ngayon. Natatakot sya.
“A good bye kiss is highly recommended mah son.” Saad ng hari at nagkaroon ng pagnanais si Andrew na isubsob sa inidoro ang aktor na gumaganap na hari dahil sa sinabi nito. Subalit pinigilan nya ang bugso ng kanyang damdamin at piniling ituloy ang pagdala sa kanyang karakter.
“O-our love may have ended before it even started, but I will always remember you in my heart." Saad ng prinsepe at dahan-dahan at buong pag-iingat na inilapit ang kanyang muka kay Hailey. Wala syang planong halikan ang babae. Hindi pa sya nasisiraan ng bait. Alam nya na may sungay ang dalaga. He will simply fake the kiss. Unfortunately for him, lihim syang sinipa ni Flay kaya napasubsob ang muka nya sa muka ni Hailey. And viola! Agad nagising si Hailey sa impact.
“What the F?!” react ni Hailey sabay libot ng tingin sa paligid.. Nagtataka sya kung paaano sya nakarating sa lugar. Nasa bahay laang sya kanina and then bigla na lang syang napunta dito.
“H-how did you awaken?! You're already dead!” sigaw ni Flay na in-character pa rin
“The magic of love.” Komento ng hari
“What the friggin' F is happening here? Bakit ako nandito?! Did you abduct me?!” sigaw ni Hailey
“Abduct you? Did you lost your memories princess Snowy? You decided to come because the SkyLands invited you. Why are you suddenly accusing them of something so inhuman like abduction?” drama ni August
“That's not the point! She's already dead! She was poisoned! How did she survived that?!” Flay
“How did you know that she was poisoned?” may pagdududa sa tono ng Prinsepe na masayang si Flay na ang kanyang kausap sa halip na si Hailey.
“Ahm.. because.. because…” tugon ni Flay na kunwaring hindi makasagot
“Did you poisoned her?” hindi makapaniwalang tanong ng prinsepe
“Wag ka mambintang.” tugon ni Flay sabay iwas ng tingin
“Oh my gosh! You actually poisoned her?!” hindi makapaniwalang tanong ni Katie na gumaganap na Ellah.
“What the fudge is happening here? Is this a prank? You actually dare to play a prank on me?!” sabat ni Hailey na halatang naiirita na
“Princess Snowy are you okay? You are usually sweet and angelic.. Why are you acting like this??” tanong ni August na in-character pa din
“Shut up! Who do you think you are?! Akala nyo ba natutuwa pa ko sa inyo? Well---" hindi naituloy ni Hailey ang sasabihin nya nung ikumpas ni Flay ang kamay nya…
“Will you shut up?! Nakakairita ka.” Saad ni Flay
Pinilit ni Hailey na magsalita subalit walang tinig na kumawala kahit anong gawin nya. ‘Anong nangyayari??!’ sa isip ni Hailey
Natigilan ang mga manonood. Nakikita nila ang effort ni Hailey na magsalita pero hindi nito magawa. Totoo bang umaacting ito?
“Wag mo syang sigawan Princess Aurora!” saway ni August
“Kanina ka pa Princess Elsy! Bakit mo ba sya kinakampihan?!” tugon ni Flay
“She's a friend of everyone. And she's acting weird now. Am I not allowed to be worried?” si August
“Did the poison changed her??” tanong ni Charm
“The poison is meant to kill her, not changed her.” Flay
“So you really poisoned her! How would you know that if you're not the culprit!” bintang ni Ellah
“Princess Aurora is it true? You poisoned her?!” tanong ng prinsepe
“So what? Buhay pa naman sya diba??!” tugon ni Flay at kunwaring napasinghap ang lahat
“What?! Oh my gosh! So it's true?” August
“How could you do that?” Tanisha
“That's just sooo bad.” Katie
“You do realized that you just attempted to murder someone, right?” Javen
Umiling-iling lang si Charm.
“Why are you blaming me? Can't you see that Prince Philip is crazy for her? No matter how I look at her she's too ordinary.” Saad ni Flay
Na-offend si Hailey sa narinig nya. With her pride and temper it's not surprising that she just instantly charge and attack Flay. But she don't know who she's dealing with this time.
Isang flying kick ang lumipad sa direksyon ni Flay. Agad napatayo ang ilang manonood na minsan nang naging biktima ng sipa ni Hailey. They know how powerful her kick is. Even men were rendered breathless, worst knock out, by her kicks. That’s how powerful Hailey's kick is!! Everyone was scared for Flay's life. She looks so fragile, she may die if she don't dodge!
But contrary to everyone's expectations, Flay simply smirk..’This girl is suicidal!’
Lahat ng mga manonood ay napanganga sa sumunod na nangyari.
Isang daliri.. Isang daliri lamang ang ginamit ni Flay upang pigilan ang flying kick ni Hailey. Isang daliri lang! Ang flying kick na kayang magpabagsak sa isang lalaki ay pinigil lang ng isang daliri ng babae na mukang babasagin at mahina!
Ang hindi alam ng lahat, gumamit si Flay ng Enhancing Magic sa kanyang sarili. She's extremely powerful and strong at the moment. Isang pitik nya lang ay pusibleng gumuho ang buong stage kung nasaan sila!
“Princess Aurora! Princess Snowy! Chill!” awat ng hari ng SkyLands
Hindi makapaniwala maging si Hailey. Confident sya sa kanyang sipa. Minsan na syang nagchampion noon sa isang karate competition dahil sa makapangyarihan nyang sipa. Paanong nangyaring napigil ito ng isang daliri lang? Isang sipa ang muli nyang pinakawalan. Pero tulad kanina ay sinalag ito ni Flay gamit lamang ang isa nyaang daliri.
Gustong magreklamo ni Hailey sa nangyayari subalit hindi nya mahanap ang kanyang boses. Bumaling sya sa direksyon ng magkakaibigan. Kung isang halimaw itong isa, then she'll just attack the others! Kung naririto si Avril ay maaaring natatawa na ito ngayon sa mga iniisip ni Hailey. Hindi nito alam na ang pagbangga sa grupo nina Charm ay kahalintulad ng pagbangga ng sarili sa konkretong pader. Sasaktan lamang ni Hailey ang kanyang sarili.
Isang sipa ang ibinati ni Hailey kay Javen na ikinagulat ng huli. Hindi nito akalain na sya ang una nitong pagbabalingan ng atake. Subalit kahit pa nabigla ay agad nakabawi si Javen at nag-cast ng isang repeling magic. In-emphasized ni Eclipse ang importansya ng defensive magic para sa isang healing mage kaya naman aside sa Healing Magic ay nagfofocus din si Javen sa pag-aaral ng mga magic na maaaring ipandepensa sa sarili at sa mga nasa paligid nya. At dahil sa Repeling Magic ni Javen tila isang malakas na sipa ang tumama pabalik kay Hailey matapos nyang bumangga sa isang kakaibang pwersa na bumabalot kay Javen. Tumilapon palayo si Hailey na ikinagulat ng lahat.
“I-I'm sorry.” Usal ni Javen na hindi sinadya ang mga nanagyari. Hindi nya akalain na masasaktan ng makatotohanan ang babae.
Sa halip na manatiling nakahiga sa sahig, mabilis na bumangon si Hailey na may nagbabagang galit sa mga mata.
“Huminahon ka Prinsesa Snowy!” awat ni August
“Hindi ako si Prinsesa Snowy!” bulyaw ni Hailey at nagulat sya na bumalik na pala ang boses nya. Iniisip nya na lang na siguro ay may sore throat lang sya kanina.
Si August naman ngayon ang binati nya ng isang suntok. Pero agad nya din itong pinagsisihan noong tumama sa isang bloke ng yelo ang kanyang kamao. Saan nanggaling yung yelo? May ilan na nasaksihan ang bigla nitong paglitaw at napapakanta na lang sila ng Let It Go. Walang kamalayan si August na forever nang tatatak sa puso ng bawat nakasaksi sa nangyari ang pagganap nya sa karakter nya ngayon.
“What do you mean? Are you an evil spirit who took over her body after she died by the poison?” tanong ni Tanisha
“Evil spirit?” napikon si Hailey sa kanyang narinig kaya si Tanisha naman ngayon ang pinagtangkaan nyang sipain subalit isang kumpas lang ng kamay nito ay may malakas na hangin ang biglang tuumama sa kanya at halos hindi sya makahinga, napaupo sya dahil sa pwersa ng hangin!
“See? She's evil!” Flay
“But why is she weak?” tanong ni Javen
“Maybe she's the lowest of the lowest? Weakest evil spirit?” si Katie
“Yeah probably.” Flay
“Let's not forget the fact that it was you who poisoned her.” Sabat ni Charm
“Oh come on. Focus muna tayo sa pagpapaalis sa evil spirit na ito okay?” Flay
Napalingon si Hailey kay Charm. Ito ang babaeng sinampal nya sa cafeteria! ‘Kanina pa itong tahimik. Siguro ay natatakot or baka ito ang pinakamahina?’
Napangiti si Hailey. Si Charm ang napili nyang bagong target! Hindi sya maaaring magkamali! Agad nyang sinugod si Charmaine pero bago sya tuluyang makalapit, isang pares ng mga mata ang nakapagpahinto sa kanya. Nanlambot ang kanyang tuhod matapos makita ang isang malaking Lobo sa likod ni Charmaine. Nanlilisik ang mapupula nitong mga mata at ang mga pangil nito ay tila matatalas na kutsilyo.
“B-bakit ka m-may kasamang Lobo?” natatakot na tanong ni Hailey
Nanatili lang poker face si Charm.
“Oh? She's afraid of dogs??” nang-aasar na puna ni Flay
“That's clearly not a dog!” ganti ni Hailey.. “Jasper where are you?!!!” sigaw ni Hailey
“Sino si Jasper??” tanong ni Flay
“Another evil spirit? Probably a ghost?” tugon ni Katie
“No. Si Casper yung tinutukoy mo. Plus he's a friendly ghost, not evil.” Charm
Isang humahangos na nerd ang sumulpot mula sa mga manonood. “M-ms Hailey..”
“Bakit ngayon ka lang?!” bulyaw ni Hailey
“I-I'm sorry…” paumanhin ng nerd at kitang-kita ang malalaking butil ng pawis nito.. Mukang tumakbo pa ito mula sa malayo.
“Hmmp! Tawagan mo si Atty. Castor.. Sabihin mo gawin nya na yung binigay kong instruction.” Utos ni Hailey at agad sumunod yung nerd at nagdial sa phone.
“Hahahaha sa tingin nyo nanalo na kayo dahil lang sa may kakaiba sa inyo? Hah! My family will ruin yours!” saad ni Hailey
“Oh my gosh! Feeling ko hindi na sila umaarte.”
“Mukang seryoso si na si Hailey. Hindi na sya umaacting.”
“May bagong biktima nannaman sya.”
“Akala ko may laban na sila. Pero sino ba naman ang kayang bumangga sa pamilya ni Hailey?”
“Kawawa naman sila.”
“Pfffftt. Wahahahaha! So tumawag ka ng alalay para pagbantaan ang mga kaharian namin?” tanong ni Flay
“That's so bad Princess Snowy!” Javen
“She's truly an evil spirit.” August
“Now she's our common enemy.” Charm
“She's funny don't you think?” Flay
“Yes. She's just a princess of a small kingdom yet she threatens us.” Tanisha
“Huh! Mga baliw! Ipagpatuloy nyo lang yang pag-arte nyo! Mamaya iiyak kayo!” Hailey
“M-ms Hailey..” kinakabahang tawag ni Jasper, yung nerd.
“What?!” bulyaw ni Hailey
“Kailangan mong makausap si Atty.Castor.” sagot ni Jasper sa mahinang tinig.. Agad tinanggap ni Hailey ang phone..
Ibat-ibang ekspresyon ang bumakas sa muka ni Hailey matapos marinig ang tinig sa kabilang linya..
“No.. Please.. Wag mo na itong iparating kay dad.. W-what? Alam na ni Dad? P-pero why are you afraid? Sino ba sila para matakot kayo??”
Mabilis na nagbago ang muka ni Hailey. Kanina ay bakas ang pride at pagkairita sa muka nito. Ngayon ay napalitan ito ng takot.
Sinubukan lang naman nyang banggain ang mga Montregomie, ang isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamaimpluwensyang noble family sa buong Aralon noon. Just imagine how wealthy they are! They kept a low profile pero isang natutulog na halimaw ang pamilya Montregomie.
“A-apologize?? Bakit kailangan kong mag-apologize sa kanila??” tanong ni Hailey sa kausap nya sa phone
Agad nawindang si Hailey sa sunod nyang narinig. Her father’s businesses were swallowed by the Montregomies. Her family just lost their footing in the business world! Kung noon ay isa syang business heiress, ngayon ay nawala na ang lahat sa kanya. Nanlambot ang tuhod nya sa narinig. Mabuti na lamang at agad syang nasalo ng nerd na matapat sa kanya.
“So do you see our point now? The reason why we never bother to give you a second look everytime is because you’re just a fly in our eyes. You keep dancing in front of us like a clown. It's actually very funny.” Natatawang saad ni Flay
“So pinaglalaruan nyo lang ako?” muling nabuhay ang galit sa puso ni Hailey
“Tama na Ms.Hailey.” awat ni Jasper, the nerd.
“Bitiwan mo ko! Akala nila magpapatalo ako ng ganun-ganun na lang!” nagwala si Hailey.. Agad natumba si Jasper dahil sa lakas ni Hailey.
“Oh knock it off.” Saad ni Flay
“Can't you understand? You are not a match for us.” Naiiling na komento ni August at agad nabalot sa yelo ang kalahati ng katawan ni Hailey.
‘Anong nangyayari?’ for the first time ay nabalot ng takot ang puso ni Hailey
“Your brave heart is noteworthy. However, you are too conceited.” Charm
“T-tama na! Hindi nya alam kung sino ang binabangga nya. Mga mage kayo ng Aralon, isa lang syang normal na tao, maawa kayo sa kanya!” nabigla sina Flay noong humarang si Jasper the Nerd para harangan si Hailey na ngayon ay nababalot na ng yelo ang kalahati ng katawan.
“Oh? You're a child of an Aralonian mage..?. Interesting.” Komento ni Flay
“Y-yes. Please spare her.” Pagmamakaawa nito
“Uh. This is awkward. I think he misunderstood our intentions. Mukang tayo pa yung masama ngayon.” August
“Jasper! Ipinapahiya mo ko!” Bulyaw ni Hailey
Humarap si Jasper sa direksyon ng babae at saka seryosong sinabi. “Hindi mo sila kaya.”
Natigilan si Hailey matapos magtama ng kanilang mga mata. Nahulog ang suot na salamin ni jasper kanina kaya naman fully expose na ang muka nito ngayon. At nawindang si Hailey sa kanyang nasaksihan. Napakagwapo ng binata!
Napanganga din ang mga kababaihan sa mga manonood. Malinaw nilang nakikita ang kagwapuhan ng lalaki lalo na ang mga malapit sa stage. Perfect jaw, pointed nose, makapal pero attractive na kilay, at napakaganda at kaakit-akit na mga mata. Kulay tsokolate ang mga mata ng binata at napaka-sexy nito tumingin kaya maging si Hailey na nawindang. Si Jasper ba talaga itong kaharap nya?
“Hailey Levine, always keep in mind that there is always a higher mountain than the one you just conquered. Hindi dahil nagawa mong apakan ang iba, ay magagawa mo nang apakan ang lahat.” Sabat ni Charm
“Be honored, Charm remembers your name.” saad ni Javen
“You also need to open your eyes. Mukang hindi mo nakikita ang effort ng lalaki sa tabi mo. Kawawa naman sya.” Dagdag pa ni Flay..
Hindi nakatugon si Hailey. Masyado syang naging mapagmataas. Kung hindi pa sya naumpog ngayon ay baka habambuhay syang magiging mapagmataas.
“Tsk. Fine! Nanalo kayo ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ako babawi.” Matapang na saad ni Hailey. Although nabili ng mga Montregomie ang malaking share ng kumpanya ng kanyang daddy, hindi sya natatakot.
“Fine. Let's make this a friendly game then.” Tumatawang saad nina Flay
“Ahm… So kami pa din ba ang magkakatuluyan sa ending??” sabat ng prinsepe dahil nalihis na ang mga nangyayari mula sa original script
“No.. may iba nang prinsepe si Prinsesa Snowy.” Saad ni Flay sabay bato ng isang mapang-asar na ngiti kina Hailey
Agad na- conscious si Hailey matapos ma-realized ang kahulugan ng sinabi ni Flay. Malay nya bang may mala-godlike feature pala ang alalay nya? Pero syempre kahit pa sobrang gwapo nito hindi nya ipapahalata na affected sya. May iniingatan din syang pride!
“No!!!!!! Akin ka lang Oppa!!” sigaw ng isang tinig at napalinga-linga ang lahat kung saan nagmumula ang tinig.
“Oh my gosh?!”
"Anong nangyayari??!”
Agad nagpanic
ang mga manonood noong mag-umpisang mapuno ng tubig ang stadium..
“Huh??”
“Bakit hindi ako nababasa??”
“Kurutin mo nga ako. Hindi naman ito ilusyon diba?? May tubig talaga? Pero bakit di tayo nababasa??”
“Wait lang! Ang bilis tumataas ng tubig!!”
“Waahhhh!”
“Hindi ako makapapayag na mapunta ka sa iba! Akin ka lang Oppa!!” sigaw muli ng tinig.. Kasabay ng rumaragasang tubig ang paglitaw ni Aliya na nasa mermaid form nya.
“Oh no!” bulalas ni Flay
“We're gonna die!” August
“Kailangan nating tumakas!” Charm na agad sumakay sa Lobo
“Let's go!!” sigaw ni Tanisha at agad sumakay ang lahat sa magic carpet nya.
“At nasulat na, ang kaharian ng Skylands ay kikilalanin bilang New Atlantis ng mga sumunod na henerasyon. Nabura sa mapa ang Kaharian ng SkyLands subalit sa pagsasara ng kurtina ng ating kwento, isang pagkakaibigan ang nabuo. At patatatagin nito ang alyansa ng mga kaharian. Ito ang alamat ng Atlantis Royal University. Ang ating unibersidad ay dating nasa ilalim ng karagatan. Dito na nagtatapos ang ating kwento.” Saad ng narrator at nagsara na ang kurtina ng stage.
Wala nang may pakialam sa ending. Lahat ay nagpapanic dahil puno na ng tubig ang buong theater.. At nalulunod na ang lahat!
“Eh?!!”
“Wait! I can breath?! And talk! And swim!”
“OMG! This is awesome!”
“Anong klaseng liquid ito? Bakit hindi tayo nalulunod?!”
Habang namamangha ang lahat ng manonood ay natatawa naman ang magkakaibigan. Hindi nila akalain na ang spell na itunuro sa kanila noon ni Prof. Wanda sa Elemental Magic Class ay mapapakinabangan nila dito sa mundo ng Gaia.
“Gaano kalaking budget ang inilaan nyo para sa walang kwentang palabas na ito??” tanong ni Hailey
“Secret.” Nakangiting tugon ni Flay
Sa naging tugon nya ay lalong nakumbinsi si Hailey na bigating mga tao ang kaharap nya. Pusibleng mga royal blood ito sa ibang bansa! Sigurado syang napakalaking halaga ang kailangan para maisagawa ang mga makatotohanan at mala-magical na naganap na play kanina. At hindi na sya malilinawan pa kailan pa man.
Sa bandang huli, hindi na lamang isa ang halimaw ng Atlantis, anim na sila ngayon. At ang limang dumagdag ay higit pang mas nakakatakot sa nauna. Kawawa naman ang mga estudyante ng Atlantis.
*****
Sa kabilang banda, tahimik ang gabi sa mundo ng Aralon. Wala ang kambal na buwan at maging ang mga bituin ay nagkukubli sa likod ng mga ulap.
Isang matandang lalaki ang nakatanaw sa kadiliman na bumabalot sa karagatan.
Sa likod ng matandang lalaki ay mayroong isang magandang dalaga. Ang kasuotan nito ay isang bestidang sumasayad hanggang sa buhangin ng dalampasigan kung nasaan sila subalit medyo bulgar ang itaas na bahagi ng kanyang kasuotan. Walang kapintasan ang dalaga maliban na lamang sa isang malaking peklat na makikita sa tapat ng kanyang puso. Ang kanyang mga mata ay may kakaibang kislap subalit kung ito ay mapagmamasdan ng matagal ay mapagtatanto na wala itong buhay. Sino mang tititig sa mga mata ng dalaga ay matatakot sapagkat ang dalaga ay matagal nang pumanaw.
“Mahal ko, isang delubyo ang lillitaw sa ating mundo.” Saad ng dalaga
“Mahal kong Elaya, matagal ka nang lumisan at nararamdaman kong malapit na akong sumunod sayo. Ang mundong ito ay hindi na natin obligasyon ngayon. Ang bagong henerasyon na ang syang papasan sa kanilang balikat sa kapalaran ng ating mundo.” Tugon ng matandang lalaki. Ang matanda ay isang kilalang Necromancer. Ang kanyang pangalan ay kilala sa bawat sulok ng limang kaharian sapagkat iilan lamang ang nagiging matagumpay sa kanyang larangan.
“Mahal ko natatakot ako para sa kinabukasan ng bagong henerasyon. Ang pwersa na kanilang kahaharapin ay hindi pangkaraniwan. Kailangan mong balaan ang limang kaharian.” Saad ng dalaga
Natawa ang matandang lalaki. “Hindi ba at sinubukan ko na? Nilapitan ko na ang lahat ng koneksyon ko sa limang kaharian. Mga kaibigang manunulat. Mga kaibigang may maingay na pangalan. Hindi sila nakinig saakin. Sinabi nila nahihibang na ako dahil sa aking katandaan.”
“Kaawa-awa sila. Ipanalangin natin na malampasan nila ang paparating na delubyo.” Saad ng dalaga at saka hinawakan ang kamay ng matanda
Isang kilabot ang bumalot sa puso ng matandang lalaki noong maglapat ang kanilang mga palad. Agad nyang naramdaman ang pwersa mula sa kabilang buhay. Ang kaharian ng mga pumanaw na. Ang kaharian ni Ur, ang dyosa ng kamatayan.
Enerhiya na puno ng galit at paghihinagpis.
Enerhiya ng poot at pasakit.
Enerhiya na kayang manakit.
Enerhiya na hindi nabibilang sa mundong ito.
Minsan na itong naramdaman sa mundo ng Aralon. Maraming buhay ang nawala. Maraming buhay ang nasayang. Ang Elven Illness. Ang delubyo ilang taon na ang nakararaan. Pero patikim pa lamang ito.
May paparating na higit pang nakakatakot.
Mula ito sa isang lugar na hindi dapat magambala kailan pa man.
Pero huli na ang lahat.
Ito ay nagambala na.
At walang kamalay-malay ang lahat na papalapit na ito.
Dalawang taon ang lilipas.
Marami na ang nagbago.
Pumanaw na ang matandang Necromancer.
Walang nagbigay pansin sa babala ng matanda. Maliban na lamang sa isang grupo ng mga kababaihan na kababalik lamang sa mundo ng Aralon.
Ang mga babaeng itinakdang babago sa mundo.
~~~~~~
A/N: Hello lovely people! It's been a while. Medyo mahaba itong author's note ko kaya wag basahin kung ayaw.
Well, first of all sobrang haba ng chapter na ito, 9500 words kaya ngayon ko lang natapos haha sana di kayo naumay. Yung normal chapters are usually around 3000-4000 words lang, nagulat din ako sa kinalabasan ng chapter na ito. Nyways, bago pa man ako maging si Blabbermouth, I would like to say Thank You to all of you. Yung mga votes nyo ang dahilan kung bakit nakamit ng story na ito ang Rank#3 sa Adventure category for several days last August. And we are celebrating 17k+ reads! Hooray to everyone! I know it's not much compared to other successful stories in this community, pero sana po alam nyong napapasaya na ko ng ganitong bagay, kasi sino ba naman ako diba? Nagsusulat lang talaga ako for fun kaya chill lang din ang mga stories ko. Anyway, next ud na lang po muna yung special mention sa mga taong walang sawang nagpaparamdam ng suporta at pagmamahal sa kwentong ito. Thank you po. Keep up the love everyone. Ciao~
xoxo
LazyMissy13
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top