Tale 40

Tale 40
Earth
~Charm~


Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi ni Arren.

Natatakot ako sa mga pusibleng mangyari.

Bakit kailangan na sya pa? Bakit kailangan na ikulong ni mama sa kanya ang kapangyarihan ko?

Hinding-hindi ko sya masasaktan kahit pa gusto ko syang bugbugin minsan dahil nakakairita sya.

Importante sakin si Arren.

Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Pero malinaw na kahit anong mangyari, hindi ko sya sasaktan.

Buo na ang desisyon ko na hindi bawiin ang kapangyarihan ko.

Kahit pa naiinis ako sa kanya palagi, hindi ko hahayaan na mawala si Arren saakin.

“Yes!! Na-miss ko ang mausok na hangin ng bansang Pilipinas!!” nagbubunying saad ni Aliya habang naglalakad kami kasabay ng maraming tao dito sa Bonifacio Global City.

May ilan na napapalingon saamin. Marahil ay dahil pamilyar sila sa muka ni Aliya na nakapaskil sa malalaking billboard around manila. Or baka sadyang agaw pansin lang ang mga kasama ko?

“Bakit dito tayo muling lumitaw??” tanong ni Javen

“Malakas ang koneksyon ng lugar na ito sa Aralon. Ito ang coordinate na una kong nakikita everytime na magbubukas ako ng portal.” Tugon ko saa mga kaibigan ko

“Marahil ay dati itong estasyon patungong Aralon?” saad ni Flay

Nagkibit balikat lamang ako.

“Dating estasyon??” tanong ni Aliya

“Malayang nakatatawid noon sa magkabilang mundo. Naghigpit na ngayon ang royal families kaya maraming ipinasarang estasyon ilang taon na ang nakararaan.” Saad ni Javen

“Pero why??” tanong pa ni Aliya

“Dahil sa advacement ng teknolohiya ng mga Aatami ay piniling limitahan ng royal families ang ugnayan ng dalawang mundo. Hindi nila nais makisali sa gulo ng mundong ito. Plus nakikitang threat ng mga Aralonian ang selfishness ng mga Aatami.” Sagot ni Javen

“No offense.” Pahabol ni Javen

“Don't worry. Naiintindihan ko ang point nyo.” Sagot ni Aliya

“Dati ring estasyon patungong Aralon ang Manila Bay. Pero hindi na safe dumaan dun ngayon. Nagkaroon ng sanitary issues.” Saad ko na may seryosong muka kaya tila hindi matukoy ni Aliya kung seryoso ba ako o hindi. Well, seryoso ako. Ayoko lumangoy sa Manila Bay kaya hindi kami dun lumilitaw.

Marami pang ibang coordinates sa ibat-ibang panig ng bansa. Pero since sarado na ito, bihira na lamang din maka-encounter ng mga mahiwagang nilalang ang mga Earthlings. Kung noon ay maraming kwento tungkol sa mga lamang-lupa, maligno, nuno, kapre, diwata, sirena, ngayon ay bihira na lamang dahil hindi na sila malayang nakatatawid sa mundong ito.

“Wait lang, parang may nakalimutan tayo?” saad ni Aliya at napahinto sya sa paglalakad so lahat kami napapreno din.

“Feeling mo din?? Ako din eh. Parang may naiwan tayo?” -Flay

“Kayo rin pala? Akala ko ako lang.” -August

“Kanina ko pang inaalala kung ano yung parang nakalimutan natin.” -Javen

“May nakalimutan ba tayong gawin?” -Tanisha

“Parang kulang tayo.” Sabat ng batang si Alivia

“Natural lang yun dahil hindi natin kasama sina Roma.” -Flay

Natahimik sila sa sinabi ni Flay.

Naguguilty tuloy ako sa naging desisyon ko.

Hindi ko lang gustong idamay pa sila. Myembro sila ng royal families, hindi sila dapat madamay.

“Pero parang may nakalimutan talaga tayo.” Sabat muli ni August

“Oo nga eh. Hindi ko maalala kung ano.” -Javen

“Tao ba ito? Bagay? Hayop? Lugar o pangyayari??” tanong ni Aliya

“Ewan ko.” -August

“Not sure.” -Flay

“Si Cobalt ba ang tinutukoy nyo??” sabat ko naman at sabay-sabay silang napalingon sakin

“Tama!” OA na react nila

“Oo nga noh? Kaya pala—hmmp! Sya kasi eh! Kala mo pogi. Assuming na crush ko sya tas ako pa binusted.” Dinig kong bulong ni Flay na ipinagtaka ko. Type nya ba si Colby?? I don't really mind if they end up together. Matutuwa pa nga ako. Kaso yung kapatid ko masyadong yelo ang puso. Napailing na lamang ako. Bahala na si tadhana.

“Babalikan ba natin sya??” tanong ni Javen sakin

“Nope.. His family is in there.. He'll come back on his own.” Sagot ko

“Isn't that Aliya Montregomie?”
“Who's with her?”
“May fashion show ba na gaganapin around here??”
“Pretty ladies.”
“Mga model siguro..?”
“Tara magpapicture.”
“Nakakahiya girl, magmumuka tayong PA.”
“Picture lang naman! Taralets.”
“Mga foreigner siguro sila?”
“Ang astig ng hair color nung isa. Otaku siguro.”
“Baka kpop fan?”
“Kung ganyan ang muka ko for sure nag-artista na lang ako.”
“Kabog na kabog mga sikat nating artista.”
“Malamang naman! Mga foreigner yan eh.”
“Friends siguro sila ni Aliya.”

Anlakas ng bulungan ng mga tao. Yung iba walang pake siguro late na sa trabaho nila kaya nagmamadaling maglakad, pero yung iba talagang huminto pa para kuhanan kami ng litrato.

“Bilisan natin maglakad.” Saad ko sa mga kaibigan ko

“Camera shy ka pa rin Charm.” Natatawang komento ni Aliya sakin

“Pero in fairness hindi ka na takot sa tao ngayon. Dati para kang taong kweba na takot sa atensyon.” Natatawang dagdag ni Flay

Napasimangot ako. Ganun ba ko kalala noon??

“Saan nga pala tayo pupunta??” tanong ni Alivia

“Why kid? Nagugutom ka na?” tanong ni Flay sa bata

“I'm not a kid. But yes Im hungry.” Nakapout na tugon ni alivia

“Kain muna tayo sa m*do.” Aya ni aliya

“Andaming kainan sa paligid Aliya, why m*do?” tanong ko kasi napaliligiran kami ng maraming kainan, so why?

“Why not?” tanong ni Aliya pabalik sakin

Hindi ako nakasagot.

Oo nga naman, why not?
So ayun, agaw atensyon kami habang kumakain. May ilan pa ngang crew at customer na ini-english kami tapos nagtatanong kung artista daw ba kami at kung saang bansa kami galing. Sina Flay ang nag-entertain sa kanila habang tahimik lang akong kumain.

Hindi naman bago sina Flay sa fastfood kasi may mga ganito ding kainan sa Aralon  na mas advance pa dahil sa magic. Tsaka mas masarap ang mga pagkain dun.

“Susugurin ba natin si Eclipse??” tanong ni Tanisha habang kumakain ng burger

“Isn't that dangerous??” tanong ni Javen na kumakain ng fries

“I don't think so. She's a good person. I can feel it.” Saad ni Flay sabay kuha ng fries mula kay Javen

“I think you and her are connected.” Sabat ni alivia habang abala sa kinakain nyang sundae. Nakatingin sya kay flay nung sabihin nya yun. May sundae sya sa pisngi. Ang kalat nya kumain palagi. Well, she's still a kid after all.

Napaisip si Flay. “I felt a certain connection with her. But I don't know how to explain it.” Numunguya nyaang saad

“Anong klaseng koneksyon?” tanong ni Javen

“Parang lukso ng dugo. Pero not exactly.” Saad ni Flay na napapaisip

“Kamag-anak mo sya??” tanong ni aliya

“No way. Pero may something kay Eclipse na parang ganun yung nararamdaman ko. Pero hindi ko sya kamag-anak. Basta! Ang hirap ipaliwanag.” Saad ni Flay

Hindi ko  sya naintindihan.

“Sa palagay ko ay si Eclipse lang ang makakapagpaliwanag sayo ng totoong kaugnayan nyo sa isat-isa.” Saad naman ni Tanisha at nagsitango kami bilang pagsang-ayon

Matapos kumain ay nagteleport na kami patungo kay Eclipse gamit ang glassdoor ng m*do.. Wala na akong care kung ano man ang naging reaction ng mga taong nakakita sa bigla naming paglaho.

“Eclipse we're back.” Monotone kong bati sa babae at nasamid sya sa iniinom nyang juice

“Back so soon huh?” komento nya habang pinupinasan yung ilong nya na may tumutulong juice. Uh? Masakit yun diba??

Patay malisya naman ang mga kaibigan ko na tila hindi napansin yung juice na umaagos sa ilong ni Eclipse.

Ehem. Ehem. Yeah we're back.” Saad ko na hindi alam kung ma-o-awkwardan ba sa sitwasyon o ano. Mabuti na lang wala masyadong reaksyon ang muka ko.

“We already know the truth.” Saad ni Javen

“Care to explain why you sent us there?” tanong ni August

“Did you met my descendants??” tanong ni Eclipse

“Yeah.” -August

“How about the divine guardians??” tanong ni Eclipse

“Charm meddle with their issue. They’re back to work by now.” Sagot ni Flay

“How about my great great grandson? Is he okay now??” tanong pa ni Eclipse

“Are you talking about their ancestor??” tanong ni Tanisha

“Ancestor?? That kid is just 250 years old.” Sagot ni Eclipse

“250 years old and he's still a kid? Gaano ba kahaba ang lifespan sa mundo nyo??” gulantang na tanong ni Aliya

“Don't misunderstand. 250 is already very old. Normally one hundred plus is the limit for our elders. Longevity pills and medicine can extend life but only by a few years. Only the royalties have the resources to extend life by several fold.” Paliwanag ni Javen

“Eclipse is just really old that's why she thinks 250 years old is still young.” Flay

Nakita kong natawa si Eclipse sa sinabi ni Flay.

“He's okay now.” Sabat ko naman para sagutin ang tanong ni Eclipse kanina..  hahaba pa ang usapan nila, mabuti pang putulin ko na.

“So you sent us there to fix your problems with your family?” tanong ni Flay

“She did.” Sabat ng isang tinig kaya napalingon kami sa likod. Wala nmang ibang tao.

“May multo ba dito??” tanong ni Flay

“Walang multo dito.” Sagot nung tinig

“It's a parrot.” Komento ni Alivia kaya napalingon kami lahat sa ibon na nakadapo sa isang figurine display. Kulay pula ito at nakapagsasalita. Isang parrot.

“Pffft. Tinawag ka nyang parrot. Hahahahahaha.” React nung kulay white na pusa habang gumugulong-gulong sa pagtawa.

“Shatap kitty!” saad nung parrot sa pusa at agad itong napatigil sa pagtawa

“Sinong tinawag mong Kitty? Ikaw na parrot ka!” galit na saad nung pusa na kanina ay nakikipaglaro sa isang butiki. Agad nyang sinugod yung parrot na mabilis na nakalipad para umiwas sa galit na pusa.

“Guys chill lang kayo. May mga panauhin tayo. Naalala ko tuloy bigla noong una ko kayong nakilala, ganyan na ganyan din ang naging reaksyon nyo sa isat-isa.” Sabat nung butiki at saka ko lang narealized na may naliit itong pakpak noong lumipad ito para dumapo sa figurine kung nasaan kanina yung parrot. “I suddenly remember that event from three hundred years ago, when our little Eclipse was reborn in that old cellar, we get to travel freely but you two will still fight whenever your paths crossed with each other. And that time from five hundred years ago too, when you two destroyed an entire country because you can't decide on what to eat, good ‘ol times.” Saad nung butiki habang nagrereminisce ng nakaraan

“Shut up Lizard!” sabay na saad nung pusa at parrot na mukang nabibingi na.

“I'm not a lizard. I still remember the times when I'm still in my real form. Everyone respects me and worships me. I remember the time from nine hundred years ago, I was flying----" hindi ko naa narinig pa ang mga sinasabi ng butiki dahil sa pagkumpas ni eclipse ng kanyang kamay, isang barrier ang pumagitan saamin at sa mga alaga nya. Nakikita kong patuloy pa ring nagkukwento ang butiki subalit hindi sya pinakikinggan ng dalawa pa. Ang pusa ay abala sa paghabol sa parrot habang ang parrot ay paikot-ikot sa silid na tila iniinsulto ang pusa na hindi sya maabot.

Napansin kong nakanganga si Aliya sa mga nagsasalitang hayop. Na-shock yata masyado.

Narinig kong tumikhim si Eclipse kaya muling nabalik sa kanya ang aking atensyon.

“Pagpasensyahan nyo na ang mga familiar ko. Sadya silang maingay. Lalo na si Blabbermouth, hanggang bukas na yan magrereminisce ng nakaraan.” Paumanhin ni Eclipse

“Familiar??” nagtataka naming tanong

“Yeah. Familiars ko sila. I'm part witch, part wizard and part sorceress.” Simpleng tugon ni Eclipse na ikinalaglag panga ng mga kaibigan ko

So a Stillwater is that weird.

“Ahm. Wow? You have three familiars. That's cool.” Saad ni Javen

Umikot ang upuan ni Eclipse paharap sa direksyon namin. She crossed her legs and raised one of her eyebrows. Then she smirk. “Three? I have four familiars little witches. I’m that awesome.”

Four??

Muli kaming lumingon sa direksyon ng mga familiars nya.

“Asan yung isa pa??” tanong ni Flay

“The turtle.” Saad ni Alivia sabay turo sa isang dreksyon. Sinundan namin ang itinuturo nya at nakita ang isang munting pagong sa likod ng isang display na halaman.

“That one look like a regular turtle.” Komento ni Flay

“He's timid. Just don't mind them. Anyway, have a seat. I already know what you want. This might take a while so you better sit down.” Saad ni Eclipse sabay turo sa mga upuan na biglang lumitaw mula sa kawalan. Conjuring magic.

Agad akong naupo dahil nangangalay na ko. Sumunod naman sila sakin at nagsiupo sa tabi ko.

“You want to know the truth about your origin am I right?” tanong ni Eclipse saakin at tumango ako bilang tugon

Somehow, I’m a little afraid to know the truth. But I want to know. I need to know.

“You are a dragon and a mage. Because your mother is a pure blooded dragon in human form and your father is a mage.” Simpeng saad ni Eclipse na tila isang casual na bagay lamang ang paglalahad nya sa totoo kong pagkatao.

“We already know that.” Sabay na saad ng mga kaibigan ko.

“Patapusin nyo muna ako.” Reklamo ni Eclipse

“Ang huling dragon na naitala sa kasaysayan ay ang seven dragons of Extinction.” Saad ni Eclipse

“Yes I heard about their legend!” -Flay

“Me too!” Javen

“The seven of them fought to death and that paved the way for the first mages to be born!” kwento ni Flay

“That's not what actually happened.” Saad naman ni Eclipse

“Their legend is passed down on every dragon tribes. Because the seven dragons created the first dragon priestesses.” Tanisha

“Pakiexplain..” saad ni Flay na tila batang excited makinig ng isang fairytale

“The dragons created the priestesses to save theirselves. Cause they are selfish beings. Tsk. I will beat them to a pulp once they return.” Tila naiinis na sagot ni Eclipse

“May galit ka ba sa kanila??” tanong ko

“Hmmp! Hindi kami close ng mga dragon na yun.” Sagot nya

“Wait lang. Bakit yun ang concern nyo? Para kasing ang intindi ko ay may plano pang bumalik ang mga dragon. Diba dedz na sila??” sabat ni Flay

“Nope. They are no longer in this world for now. They're hybernating somewhere.” Eclipse

“By somewhere, you mean inside the priestesses??” tanong ni Javen

“Not exactly. The priestesses is only the key to summon them back.” Eclipse

“Anong connection nito kay Mom?? Is she one of the seven dragons??” tanong ko

“Yep. She is.” Sagot ni Eclipse na ikinabilis ng tibok ng puso ko

“Paano? The dragons vanished hundreds of years ago?? Was she summoned by the priestesses??” ako

“No. She is different from the other dragons.” Eclipse

“Okay this is realy complicated for my brain to process. Pakipaliwanag po ng maayos.” Aliya

“What is the truth behind the legend of the seven dragons?? And what is the truth behind Charm's origin??” Javen

Tumingin si Eclipse sa direksyon nina Tanisha at Alivia. “You two knows the truth. So elaborate.” Utos nya saka muling ibinalik ang atensyon sa iniinom nyang juice at sa…. Wait, naglalaro ba sya ng Mobile Legends? Kaya pala mukang busy sya.

“Wait lang. Alam nyo naman pala ang buong katotohanan, bakit pa tayo nagpaikot-ikot??” reklamo ni Flay

“Don't misunderstand. Our tribes know the stories of the past. But we don't know about Queen Cassiopeia's origins. We don't know how she awakened.” Paliwanag ni Tanisha

“The seven dragons are Gael the Fire Dragon known for his cold personality. Odin the Water Dragon known for his playful antics. Paloma the Wind Dragon known for her motherly love towards mortals. Ainkel the Earth Dragon known for being the watcher of all life. And Caltein the Ice Dragon and true ruler of Aralon, master of lady Crystal and known for being just and wise. The five of them created the priestesses.” Saad ni Alivia

“And then there's Callum the dragon of Time, husband of Caltein, the dragon king, but he is known for being too wise so he never took part on mundane matters leaving the title of the true ruler to his wife. And lastly, the dragon princess of that time, Cassiopeia, the Ice Dragon. Little is known about her because she vanished along with her father Callum before the priestesses were introduce to the world.” Dagdag ni Tanisha

“I think I once read that story back in our tribe when I was still a kid. I thought it was just a legend.” August

“It's real. Their story really happened hundreds of years ago. They passed on their magic to the priestesses and then later on, the priestesses accepted their own disciples and bless them with their bloods paving the way for the birth of mages.” Tugon ni Tanisha

“We all thought that mages was born because of our ancestor's intermarriage with other magical beings..?” Javen

“That's also correct. That's the reason why there are powerful and weak mages. Those who originated from the blessings of dragons are normally more powerful. But sometimes they can be weaker depending on fate.” Tanisha

“So what about mom?? If she's one of those dragons, how come she's here now??” tanong ko

“As far as I'm concern, lil' Cassiopeia was frozen in time because I suggested for them to do so. She woke up about 25 years ago without her memories. Oh shizzzz! What's up with this game?! Tsk. I don't need a request for back up, my awesomeness is enough!” Sabat ni Eclipse na may kasama pang reklamo sa nilalaro nya. Nilamon na sya ng Mobile Legends.

“She was frozen in time? By Callum?? But where is he now? He is the dragon of time, he must be immortal!” tanong ni Javen

Lumingon si Eclipse sa direksyon ni Javen at tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. “Callum is dead. But his soul is closer to us than you can imagine.”

“W-what do you mean??” Javen

“Unlike the five who decided to raised priestesses who can summon them back, Callum decided to die and enter the cycle of reincarnation. I think he is fated to be born on this generation as a mage with powers comparable to Charm's.” paliwanag ni Eclipse

“You don't mean to say that he's reborn as Princess Olive? I heard she's extremely powerful. But I think she's still weaker than Charm though.” Flay

Nagkibit balikat lamang si Eclipse. Hindi naging malinaw saamin kung tama ba ang sinabi ni Flay.

“Okay. Information overload.” Dinig kong bulong ni August

“Does my mom knew she's a dragon??” tanong ko

“Yes. I was the one who explained things to her. When she first awaken as a twelve years old little girl, she accidentally destroyed a town in Aureus. Your grandfather decided to take her in to raise her as a potential mage. That’s how she met your father. And then so on and so forth. Do I really have to narrate their lovestory? Why don't you ask your grandfather?” Eclipse

“You don't really need to do that. I already know their story. Mom is an adopted child of my granpa but my dad fell inlove with her that's the reason why my grandfather can't accept her till now.” Saad ko.. I kinda understand my grandfather but as the daughter of my mom, I won't just accept his unacceptance of my mother. He doesn't like Cobalt too, maybe he was afraid that the two of us would end up just like my mom and dad. But Colby is my brother. History won't repeat itself.

“So it was that simple? A dragon frozen in time awakens and gave birth to the princess in this generation.” Conclude ni Javen

“It's not as simple as you think. Her draconic aura sustains mana in the entire world of Aralon. That's how powerful she is. When she awakens, Aralon lost it's source of mana. You might not feel it yet, but magic will vanish one day. Anyway, Something cause her awakening. Dragons are territorial. She sense danger in this generation. She awakens to defend Aralon.” Eclipse

Bigla kong naalala yung second prophecy about Aralon losing it's magic. I guess Aralon will never be able to change it's fate.

But if Eclipse was right about mom sensing danger, why did she decides to enter a half dead state??

“Why did she do that to herself??” tanong ko

“She's hybernating I think. I don't know why though.” Eclipse

Namayani na ang katahimikan matapos yun.

Ngayong malinaw na sakin kung paano ako naging isang dragon, paano ko naman sisimulang baguhin angbAralon?

Should I start by helping small regions? But that might take forever? Aralon may seem small to you all, but it's not! Each kingdom is as huge as a small continent of Earth. For example, The kingdom with the smallest landmass is  Gorgona. It's lands is similar to Australia but broken down into a mainland with several islands. They're main territory is beneath the waters.

As of now I have no plan to overthrow the current royal families. I have ties with them. What I want is to rid that world of slavery because it's so inhuman. I also plan to help regions suffering from poverty. In order to do that, I have to stop the plan of the royal families to create that THING. They think it's for the good of many. I think so too. But sacrificing lives doesn't sit right with me.

Plus I have to think of a way to bring back the four season to help bring back harmony in that world.

“Anyway, now that we already have the answers that we are looking for, are we returning to Aralon? Are we finally waging war?” Tanong ni Aliya

“Are you out of your mind? We have to think this through. We can't just wage war without a proper reason. We will only anger the people, specially aristocratic families. We have to win the heart of the people. If we suddenly wage war, even if we win we will only be seen as dictators greedy for power.” Sagot ni Flay

Hindi man halata pero matalino si Flay sa mga ganitong bagay. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, sino ba ang main protagonist ng kwentong ito? Ako pa ba?

“Smart. But in your current state, don't even think about winning. When you face them head on, you will  lose, worse, killed in battle. You can't just fight the entire five kingdom with your number. You are not gods. You will surely die.” Sabat ni Eclipse

“We are not yet ready.” Conclude ni Javen sa naging komento ni Eclipse

“Yes. That's why I decided to lend you a hand. I'm bored anyway.” Saad ni Eclipse at may something sa ngiti nya na nagpapahiwatig na tila naeexcite sya sa mga mangyayari.

“W-what do you mean??” kinakabahang tanong ni Tanisha. Sino ang di kakabahan? Mukang may pinaplano ang isang ito.

“You can stay here and I'll make you invincible in no time. I can see the potential in you.” Saad ni Eclipse

“You will teach us magic??” tanong ni Javen

“Yeah. Because I have no plans ro meddle with the oncoming war. So I'll lend you a hand here.” Eclipse

Nagkatinginan kaming magkakaibigan

“You think this is a good idea??” bulong ni Flay samin

“Well we can't go back to Aurum so maybe this isn't a bad idea afterall?” Javen

“Charm?” baling nila sakin

“I think this is once in a lifetime chance. We should grab it.” Tugon ko

Eclipse is an immortal being. We can learn a lot from her. Maybe she is even better than the entire education system of Aurum? Well I can never be sure. But it's worth the risk.

“So when will you start teaching us??” tanong namin

“Hmmmm?” humalumbaba si Eclipse na tila nag-iisip.. “Maybe every afternoon. After nyo bumalik galing school..?”

“Huh? Pero hindi namin plano bumalik ng Aurum..?” August

“Sinabi ko bang sa Aurum..?” balik tanong ni Eclipse

“Don't tel me plano mo kaming ipadala sa school ng mga Lockwood..?” Flay

“Nope. I'am already enough. You don't need to attend magic schools. Just a regular school here will be enough. Duh, who do you think I'am?” Eclipse

“You mean mag-eenrol kami dito??” tanong ko

“Yes. Isn't that exciting? I'm sure you'll enjoy your stay if you attend a regular school.” Eclipse

Mukang napaisip ang mga kaibigan ko. At sa itsura nila, mukang excited sila sa idea ni Eclipse.

Napabuntong hininga ako.

“Fine. We can all stay at my house. Let's enroll tomorrow. Although it's almost the middle of the semester, let's just use magic so we'll be accepted.” Ako

“That's really dirty. Using magic to manipulate people is bad. But I like that plan!” saad ni Flay

Nagsitango naman ang mga kaibigan ko.

Nagkatinginan kami ni Aliya na parehong hindi excited.

Ugh. Good luck samin.

~~~~~~~~


A/N: Surprise! Isang early chapter pambawi sa two weeks absence of updates. Overloaded ng info ang kabanatang ito, umabot sya ng 4100+ words compared sa normal chapters  na around 3000+ words lang, sana di kayo na-bored haha.
Nyways, Happy 9k+ Reads! Thank you sooooo much sa patuloy na pagsuporta. Hindi ko inakala na aabot sa libo-libo ang reads ng Witchcraft.
Alam ko madaming typos, grammatical errors, etc.. Sorry for that. Kayo na lang yung mag-adjust hehe sowwy busy lang aketch kaya di makapag-edit huhu.
Wala po munang special mention, next UD na lang po siguro.
Maraming thanks po sa mga masigasig bumoto, magkomento, at mag-add ng Witchcraft sa kanilang RL! You guys are awesome!
Thank you din sa mga silent readers kasi kahit di kayo nagpaparamdam alam kong nandyan lang kayo. Silent reader din ako most of the time. Haha
Ang haba na nitong napaka-epal kong A/N so I'll bid farewell for now. Thanks everyone! Stay tune! Ciao~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top