Tale 39
Tale 39
Trials
Puno ng curiosity ang mga estudyante ng Imperial Academy of Magic. Nakansela ang kanilang mga klase sapagkat may biglaang announcement ang kanilang Headmaster.
Nagtungo ang lahat sa open Arena ng kanilang paaralan. Isang lumang mansion ang kanilang school at hindi ganoon kalaki ang papulasyon ng mga estudyante. Wala pang isang libo ang mga mag-aaral. Dahil dito ay higit na napagtutuunan ng pansin ng mga professors ang bawat mag-aaral.
Napapaisip ang lahat sa rason kung bakit sila tinipon sa lugar. Noong marating nila ito ay natagpuan nila ang kanilang headmaster na may kausap na mga bagong muka.
Tahimik at organized subalit puno ng pagtataka na naupo ang bawat isa sa mga bakanteng upuan sa open arena.
Disiplinado man ang bawat isa sa mga mag-aaral, hindi sila mababakasan ng resistance. Tila natural sa kanila ang pagiging disiplinado. Hindi ipinilit. Malayang desisyon nila ito na ikinamangha nina Flay na lihim na inoobserbahan ang mga mag-aaral.
"Magandang araw mga minamahal kong mag-aaral ng Imperial Academy!" nakangiting bati ni Headmaster Lockwood at nagboom ang boses nya dahil sa mga magical floating speakers sa paligid ng arena.
"Isang hindi pangkaraniwang bisita ang ngayon ay nasa inyong harapan. Ang dragong priestesses at ang dragon princess!" announce pa ni Headmaster Lockwood
"Ang dragon princess?!"
"Sino sya sa mga babae? Is she the blonde one? Or the one with the silver hair?"
""I bet she's the one with the arrow! She look strong!"
"No way! It's probably the kid! She's the youngest and the most enigmatic!"
Ang kaninang kalmadong mga estudyante ay napuno ng excitement. Para sa kanila ay isang alamat ang tungkol sa Dragon Princess. Ang iba sa kanila ay mga survivors mula sa pamilya Lockwood. Ang iba naman ay mula sa mga pamilya ng Dragon Clans na piniling humiwalay sa kanilang clan para libutin ang mundo at maencounter ang paaralang ito. Ang ilan ay mula sa mga dating aristocratic families na nawalan ng kapangyarihan dahil sa royal families or dahil sa mga kalabang noble families. Habang ang iba naman ay mula sa mga normal na pamilya na biniyayaan ng magic subalit hindi makapag-aral sa paaralan ng mga noble families tulad ng Aurum.
Kung ang Aurum Magique University ay para sa mga noble families. Ang Imperial Academy naman ay para sa lahat ng taong may magic pero hindi makapag-aral nito.
Ito ang mapait na katotohanan sa mundo ng Aralon ngayon. Tanging mga noble birth lamang ang maaaring mag-aral ng magic.
Ang mga normal na mamamayan na ipinanganak na may mahika ay hindi nabibigyan ng pagkakataon makapag-aral ng mahika. Sa mga normal school lamang sila nagkokolehiyo at nag-aaral ng mga normal course. Yes, may mga engineering at management students sa Aralon.
At tanging ang mga noble birth lamang na walang magic ang nakakapag-aral ng alchemy. Bihira lamang ang mga scholar na tulad nina Javen, Jaden at Avril na mula sa mga normal na pamilya. Isang malaking karangalaan ang maging alchemist at mage ang isang normal na mamamayan, yun ang nais ng mga kababayan nina Jaden at Javen para sa kambal.
May ibang mga paaralan na nag-ooffer din ng courses like Assasinations, Rangery, Psionics, Thievery, Necromancy at, Ninjutsu para sa mga normal na mamamayan. Pero iba pa rin kapag isa kang graduate mula sa prestihiyosong paaralan tulad ng Aurum.
"As you all know, the Dragon Princess will change our world. And she is here ro prove herself. And how do we prove our selves in this academy? Magic Trials!." Amnnounce pa ni Headmaster Lockwood
Agad nag-cheer ang mga mag-aaral.
"She will first face the Trial of Stones!" announce pa ng headmaster
"Marahil ay pamilyar ka na sa Trial of Stones. Ito ay isang test para malaman kung anong uri ng mahika ang nababagay sayo. Each stones corresponds to a certain type of magic. The lighter ones represents the ten accepted magics. While the darker ones represents the three forbidden magics." Paliwanag ni atticus at saka itinuro ang isang magic circle na napalilibutan ng labingtatlong bato.
"Lady Charmaine you may start your trial." Saad ni Headmaster Lockwood
Marahang naglakad si Charm patungo sa magic circle.
"She's the Dragon Princess??"
"She looks...... normal."
"Don't judge a book by it's cover."
Noong marating ni Charm ang gitna at sentro ng magic circle ay agad itong nagliwanag.
"Just how special is the Dragon Princess from the legends?"
"How many stones will react?"
"I bet at least seven!"
"At least eight!"
"When I took the trial, two stones reacted to me! When Prefect Atticus took the trial, five stones lit up for him and he became a legend. But since it's the actual dragon princess nine will be possible!"
"She's the Dragon Princess, she can lit up every stones!"
"That's impossible! Get a hold of yourself girl! She's a dragon not a god! Ten is already an overestimation! Thirteen is not possible!"
"You'll never know! Dragons can fight gods! Thirteen is possible!"
Natigil lamang ang mainit na diskusyon sa paligid noong mabalot ng liwanag ang arena.
Sa simula ay halos hindi makahinga sa antisipasyon ang lahat. Subalit noong magsimulang lumutang isa-isa ang mga bato paikot kay Charm ay muling napuno ng violent reaction ang mga estudyante.
"Elemental Magic!"
"Conjuring!"
"General Magic!!"
"Evocation Magic! She has an affinity for Forbidden magic too!"
"Woah! The fifth stone lit up! It's the one representing Celestial Magic!"
"And Summoning magic too?!"
"She's truly awesome!"
"She has high affinity for all the types of Contractual Magic! Evocation, Celestial and Summoning!"
"Healing Magic! That's the seventh stone!"
"Look! Even the stone of Enhancing magic reacted!!"
"As expected of the princess! She's soooo cool!"
"Wait! Another stone is reacting!"
"Isn't that Travelling Magic?!"
"Omo! The stone for Transformation Magic is reacting violently!"
"And the stone of Life Magic seems to love her!"
"Eleven stones!!! She's monstrous!!"
"That's already the limit right?!"
"The remaining two will probably not react. She's already monstrous, she has to be a god in order to make the other two react."
"She's the Dragon Princess! Nothing is impossible!"
"Will the stones for Manipulat--- Holy shizzzz! The stone for Time Alteration Magic reacted too!!! In the entire history of mages only four including Eon managed to do that!!!"
"Ohgods! Even the stone for Manipulation Magic give in! All thirteen stones reacted to her! She's soooo heavenly! Soooo cool! Sooooo awesome!"
"Ang OA nila." Bulong ni Flay sa mga kaibigan
"Charm is awesome so it's expected." -Aliya
"So this is the talent of a royal blooded dragon." Sa isip ni Headmaster Lockwood
"Thirteen means she can master all types of magic right?"
"She's even more talented than the infamous Witch of Carnage!"
"Awesome!!"
"Congratulations to the Princess for passing the trial with flying colors." Nakangiting saad ni Headmaster di kalaunan..
Tumango lamang si Charm.
"The next test is the Trial of Fire." Announce ni Headmaster Lockwood
"The Trial of Fire is simple. You just have to choose a flame and make them agree to follow you." Paliwanag ni Atticus kay Charm
"A flame??" tanong ni Charm
"Yes. A flame of life. It's like an egg that will hatch into a certain magical beast. The flames will give birth to a Fiscio, a powerful beast that can't be easily tamed. But once you tamed them, they will follow you until death." Sagot ni Atticus
"A Fiscio? You guys are crazy! They are extremely dangerous! They can only be summoned through evocation magic! Plus even evokers can't fully control them!" sabat ni Flay
"Yes, but this is the dragon princess, surely those beasts can at least recognize how majestic she is right?" -Atticus
"Yes Charm is majestic! But fiscios rely on instincts! We can't be sure if they will even recognize her." Komtra ni Flay na aware kung gaano kadelikado ang sitwasyon
"Don't you trust her?" tanong ni Atticus with a smirk.. Agad natahimik si Flay. May tiwala sya kay Charm. Pero hindi nya maiwasang mag-alala.
"Don't worry. I'll be fine." Saad ni Charm saka kalmadong nagtungo sa magic circle.
"Will she be able to do this?"
"I remember when I took that trial. Those flames almost burn me alive. They tried to kill me. Huhu."
"Me too. They hate me so much that I almost died huhuhu."
"Only the headmaster managed to tamed one in the entire history of our school."
"Yes, and she only succeed when she was in her prime. She was more than 50 years old that time."
"This is really exciting! Will they accept her?"
"I bet yes!"
"She's extremely talented! The probability of a flame accepting her is high!"
Noong pumasok si Charm sa loob ng magic circle ay nabigla sya sa malakas na magic na kanyang naramdaman. It was extreme. Full of hatred. But it's not a fiery anger. Instead, it was a cold rage. A cold rage from these flames.
"Hmm. Interesting." Komento nya sa mga apoy na tila curious na nakamasid sa kanya
"Eehhhhhhhhhhhh?!"
"A flame choose her! That was fast!"
"No way! A second flame choose her too!"
"And a third one!"
"What the heck?! Another one choose her!"
"This is insane!"
Hindi makapaniwala ang lahat. It was almost impossible to make a flame choose you. Pero hindi lang isa ang pumili kay Charm. All the flame inside the magic circle is reacting to her presence. Tila may kompetisyong nagaganap! Nais magpapansin ng lahat ng flame kay Charm!
"Kurutin mo nga ako. Hindi naman ako nananaginip dib—Ouch! Masakit yun hah!"
"Ohgods! Are they competing for her?!"
"T-this is... this is... this is awesoooooome!"
"All the flame choose her as their master!"
"Headmaster this is unexpected. Will it be okay to let her have all of them??" tanong ni Eon kay Headmaster Lockser
"Only fate can tell." Tugon ng headmaster
"I know she's awesome. But this is beyond being awesome!" komento ni Flay
"The dragon princess is truly marvelous." -Tanisha
"And miraculous." -August
"But what will happen now? Will she keep all of them??" tanong ni Javen
Normally, ang mga flames ang pipili sa magiging master nila. Pero sa pagkakataong ito, ang mga flames ang gumagawa ng effort para piliin sila ni Charm. This is truly a miracle. Everyone will remember what they witnessed today for the rest of their lives.
Samantala, sa kabila ng blankong ekspresyon na nakapaskil sa muka ni Charm, ang totoo ay nahihirapan syang magdecide kung ano ang kanyang gagawin. Hindi nya alam kung magagawa nya bang maglaan ng oras para sa sa mga Fiscio.
'One should be enough.' Sa isip ni Charm at agad inabot ang isang kulay asul na Fiscio. Ito ang pinakanaiiba sa lahat kaya ito ang pinili nya. Hindi nya na pinag-isipan pa. Lol Charm, the best ka talaga!
"Why did she choose a defective one?"
"It's not defective. It's just weak."
"But why would she choose that one?"
"Maybe there's something special in it. We just can't see. We are not as poweful as her."
"You're right."
Syempre walang espesyal sa Fiscio na pinili ni Charm. Blue flames are considered defective because they are extremely weak. Hindi alam ni Charm ang tungkol dito. Kakaiba lang ang kulay nito kaya nya pinili. Ni hindi nya ito pinag-isipan. Pero syempre, hindi na malilinawan ang lahat tungkol dito kailan pa man.
"Congratulations Lady Charmaine. You passed the Trial of Fire." Bati ng Headmaster
"What's the next trial about?" tanong lang ni Charm
"The next one is the Trial of Heart. This will test the resolution of the Pristesses. Are they loyal to you? Are they willing to fight for you? Will they die for you?" sagot ng headmaster
"So it's a trial for us." Saad n tanisha
"Will it be okay for only the three of us to take the trial? Samara and Astrid is not yet with us." Tanong ng batag si Alivia
"Sino sila??" tanong ni Flay
"The Fire and Water Dragon Pristesses." Tugon ni Tanisha
"Bakit nyo sila kilala??" nagtatakang tanong ni August
"The dragon tribes are allies. The Mages of the North cut off ties with us so you probably don't know." Sagot ni Tanisha
"Oh? So that explains why you weren't worried about Charm when she was taken away from us before. That time when Roma went missing and we were all headed to the Port of Omelar." Saad ni Javen
Tumango naman si Tanisha.
"So the rest of them aren't pristesses?" tanong ng headmaster habang nakatingin kina Flay
"No. They are my friends." Simpleng tugon ni Charm
"Well that's also okay. This trial will test their resolution to follow you." Saad ni Headmaster Lockwood
"Okay! Lets do this!!" excited na saad ni Flay
"Wait. You don't seriously expect me to do this right. Don't forget that I'm just a normal human being." Sabat ni Aliya
"Don't worry. This is the trial of the heart." Tugon ng headmaster
"So how do we do this trial??" excited na tanong ninFlay
"Simple. You have to light up the Fire of Gael." Tugon ni Atticus
"Gael? The last dragon of fire, teacher of Lady Lanakila the first Fire Priestess??" tanong ni Tanisha
"Yes." Tugon ng headmaster
"Lanakila?" tanong ni Aliya na clueless about the Priestesses
"The first priestesses are Lady Crystal, Lady Ooryuu, Lady Anka, Lady Lanakila and Lady Anahira. They ruled over Aralon after the era of dragons." Paliwanag ng batang si Alivia
"And Gael is a dragon?" tanong pa ni Aliya
"Yes, he taught Lady Lanakila his magic." Tugon ni Tanisha
"And this trial is about Fire Dragon Magic?" tanong ni Flay
"Not exactly. We will only use Gael's fire." Tugon ni Eon
"Okay. Let's do this!" declare ni Flay
Tinipon sina Flay sa gitnaa ng arena at saka sila binigyan ng tig-isang stick. Sa pinakagitna nila ay si Charm na pinalilibutan ng magkakaibigan.
"That's a stick created from an Alpine Tree of Ashes na tumutubo lamang sa maalamat na lugar ng Godhalt. You only need to summon the Fire of Gael through your will to serve the dragon princess. We will give you an hour to finish the trial." Paliwanag ni Eon
"And if we fail??" tanong ni August
"Then you may leave." Tugon ni Atticus
Napakunot ang noo ni Headmaster sapagkat tila hindi nagulat ang kanyang mga panauhin noong banggitin ang Godhalt. Tila alam na ng mga ito na totoo ang maalamat na lugar.
"We must passed this as fast as we can. Let's not make the princess stand here for an hour." Saad ni Tanisha
"Yeah. I don't want to stand here for an entire hour either." Tugon ni Flay at natawa ang magkakaibigan
"They're not even priestesses and they want to serve the princess? Leaches."
"Let's see if they truly deserve staying by the princess' side."
"Tsk. I can serve the princess way better than them."
"If I can be by the princess' side, I'll be loyal to her till death."
"They look weak."
"Come on, give them a chance to prove themselves."
"Psh. Muka silang mga spoiled brat na nobles."
"Wag masyadong judgmental guys."
"Correction lang, three of them are priestesses."
"Whatever."
Halata ang pagkadisgusto ng mga mag-aaral ng Imperial Academy sa grupo nina Flay. Isang alamat para sa kanila ang Dragon Princess kaya naman isang malaking karangalan ang makapaglingkod sa kanya. Hindi sila aware na hindi tagapagsilbi sina Flay kundi mga kaibigan ni Charm.
Sumulyap-sulyap si Aliya sa mga kaibigan para obserbahan ang ginagawa ng mga ito. Nakapikit lamang sila at nagcoconcentrate sa pagsummon sa apoy. Agad ding ipinikit ni Aliya ang kanyang mga mata. Loyalty? Courage? Wala syang pakialam sa mga bagay na tulad nito. Ang nais lamang nya ay manatiling best friend ni Charm forever!
"One of them is just a normal human."
"Although this isnt a trial of magic, isnt it ridiculous for her to be there?"
"She's just a weak human, she probably want the benefits of staying beside the princess. She's not going to pass this."
"Don't judge her; we don't even know her."
"She's just a human."
Maging sina Eon at Atticus ay may kutob na hindi papasa si aliya sa trial. Hindi nila alam kung bakit isinali ito ng kanilang headmaster. Wala itong magic kaya wala din itong silbi sa Dragon Princess.
"The headmaster probably made a mistake."
"Yes. How can a normal human serve the princess?"
"For sure she's not even loyal to her."
"Agree! That girl is definitely---- ehhh?"
"W-what?"
"Am I seeing things??"
"How is this possible?"
"T-that girl---"
"How could she---"
"Impossible!"
"She just---- She just summoned the flames of Gael!"
"No way!!"
"Is this a miracle?"
Maging sina Headmaster Lockwood ay nabigla.
Sapagkat ilang minuto pa lamang ang nakalilipas subalit nakalikha na agad ng apoy si Aliya sa kanyang stick. Nauna pa ito kesa sa mga priestesses!
Isa-isang nagkaroon ng apoy ang mga stick na hawak ng magkakaibigan.
Nauna si Alivia pagkatapos ay sina Tanisha at Flay saka pa sina August at pinakahuli naman si Javen.
"A-ang bilis naman yata nila??" maging si Atticus ay hindi makapaniwala
Hindi mahirap para sa magkakaibigan ang trial. They are blindly following Charm after all. Ni hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila, pero pinili pa rin nilang sundan si Charmaine. Isa lang ang rason: dahil kaibigan nila ito.
Samantalang ang katapatan sa prinsesa ay natural nang nananalaytay sa ugat ng mga priestesses. Idagdag pa ang mga paglalakbay nila kasama ang prinsesa, mas lalong lumalim ang kanilang panananalig dito.
"Surely this isnt enough to prove my worth." Saad ni Charm
Ngumiti naman ang headmaster.
"You are sharp. As expected of the princess." -Headmaster Lockwood
"There are two more trials for you. And if you can suceed in these then we will blindly follow you even if you walk on a sea of fire or face a thousand arrows." Seryosong tugon ni Headmaster
Tumango lamang si Charmaine bilang tugon.
"Ang ikaapat na trial ay tungkol sa aming divine guardians." Panimula ng headmaster
"Guardians??" curious na tanong ni Flay
"Yes. Two mysterious entities serves as our guardianss against disasters. But several years ago, the two of them quarreled and ends up leaving us defenceless. We were invaded by the royal guards and so our glorious days as warriors and hunters became nothing but history." Paliwanag ng headmaster
"You want me to mend the bond of your guardians." Tanong ni Charm
"Yes." -Headmaster
""Pero nasaan yung tinutukoy nyong guardian??" tanong ni Flay
"They are everywhere." Saad ni Charm
"As expected, you are truly sharp. What you said is correct. Our guardian is the spirit of the Wind and Rivers." Saad ni Headmaster Lockwood
"How did you know??" tanong ni Flay sa kaibigan
"I can talk to nature spirits." Simpleng tugon ni Charm
Charm is gifted with the ability to communicate with nature. She's the dragon princess after all. Ang problema lamang ay hindi nya masyadong kabisado ang lahat ng linggwahe sa Aralon. Minsan nya na ding nasabi ang tungkol sa bagay na ito noon. Back read ka na lang sa Chapter 8 bes.
"We know that this trial might seem impossible. So I will give you a choice." Saad ni Headmaster Lockwood
"What kind of choice??" -Charm
"I will tell you the contents of the other trial, you can choose which ever you have the most confident in." -Headmaster
"Okay lang na isang trial lang ang gawin nya??" tanong ni Aliya
Tumango ang headmaster. "Sa totoo lang ay tapos na ang trial. Since the Stillwater sent you here, I'am hoping for a miracle to happen."
"Then tell us what the other trial is about." Saad ni August
"Our ancestor is dying. If you can save her then we will be in your debt for the rest of our lives." Tugon ni Headmaster Lockwood at nakita ni Charm ang sinseridad sa mga mata ng Headmaster.
"Lead me to him." Saad ni Charm attumango naman ang Headmaster
Napuno ng pagtataka ang lahat noong maglaho ang prinsesa at ang headmaster.
"What exactly is happening?"
"Arent you listening? The princess is going to save the ancestor."
"Will she succeed?"
Muling lumitaw sina Charm na lalong ipinagtaka ng lahat. Ang bilis naman nila nakabalik?!
Ang mas ikinagulat ng lahat ay ang ekspresyon na nakapaskil sa muka ni Headmaster Lockwood. Kasiyahan, pagbubunyi, panananalig.
Malinaw sa lahat ang nangyari.
Pero paano nagtagumpay ang prinsesa? Is she that powerful even in the field of Healing Magic? Marami nang nilapitan ang headmaster para hingan ng tulong. Malalakas na mages, mga Master Alchemists, maging mga Psychic ay nilapitan na din ng headmaster pero nabigo syang makahanap ng solusyon.
Sa pagkakataong ito ay naging isang living idol si Charm saa puso ng lahat.
The students will follow her even if the school won't allow it. She's the princess after all. The rightful ruler of Aralon.
Ang hindi alam ng lahat ginamit lamang ni Charm ang rare healing potion na nakuha nya kay Nero noon matapos ang Game of Storms sa Aurum. Minodify ito ni Javen na isang healing mage sa tulong ng kakambal nitong isang alchemist. Nakialam din ang celestial spirit na si Cancer kaya sa totoo lang ay wala talagang ginawa si Charm.
"Princess is truly magnanimous and miraculous." Saad ni Headmaster Lockwood. "To show our gratitude, we will follow you to battle even if it cause us our lives."
"I'm not yet done." Sabat ni Charm na ikinatigil ng pagbubunyi ng lahat
"A-anong ibig mong sabihin Mahal na prinsesa??" tanong ni Eon
Hindi tumugon si Charm.
Isang simbolo ang makikitang nagliliwanag sa kamay ni Charm. Nag-anyong isang susi ang kaninang kakaibang simbolo.
"No way!" nagulat na react ni Flay
"Did she finally learned it?" react ni Javen
"I need your help, Aries." Saad ni Charm
Isang babae ang lumitaw.
Ang mapupungay nitong mata na tila nag-aakit. Ang magandang hubog ng katawan. Ang maamong muka. Ang malakas na mahika.
Isang celestial spirit!
Celestial Magic!!
Sariwa pa sa ala-ala nina Flay at Javen noong minsang ipagtapat ni Charm na Celestial Magic ang mahika na 6 nitong matutunan. Hindi mapigilan maging proud ng dalawa para sa kaibigang isang henyo sa mahika!
"Can you fix it??" tanong ni Charm
"It's just a love quarrel Princess. I can fix this with a snap of a finger." Tugon ni Aries at tulad ng sinabi nito ay agad naramdaman ng lahat ang pagbabago sa paligid.
"I will bid farewell to the Princess. Call me if you need me." Nakangiting saad nito bago naglaho
"A-anong nangyari??" tanong ni Atticus
"The guardians just had an LQ for the passed several years. Now they're back together again." Tugon ni Charm
"Ahm.. Does that mean that they will now abide their duties??" tanong ni Atticus
"Seems like it." -Charm
"Finally! Hindi ko na kailangang magpatrolya! I'm free!!" bulalas ni Atticus
Isang batok ang inabot ni Atticus mula kay Eon na kanyang Assistant Prefect.
"Don't make it seem too obvious that you hate your job to death. You'll set a terrible example as a prefect." Naiiling na saad ni Eon
"Yeah. Yeah. Whatever." Masaya pa ring tugon ni Atticus na walang pakialam kay Eon
"Saving our ancestor makes us indebted to you for life, now that you also help us on the issue of our guardians, we will do anything for you Princess." Seryosong saad ng headmaster
"You may think that this isnt a big deal at all, but to all of us in this academy, the ancestor is like a second father." Saad ni Eon at agad itong sinundan at sinang-ayunan ng mga estudyante
"Mending the bond of our guardians also meant a lot to us. Everyday we worry that the royal guards might come back to haunt us. But because of you, we can now rest easy. You already saved the ancestor, you were given the chance to only choose one trial but you still decided to accomplish both. Your generosity is forever in our hearts Princess. We will do as you wish even if you tell us to die, we will." Saad ni Atticus na may seryosong muka
"We are now your followers Princess. May the heavens punish us if we ever betray you." Saad ni Headmaster Lockwood
Tumango si Charm.
Wala syang planong tanggihan ang tulong na iniooffer ng Headmaster. She needs all the help she could get for the war.
"Long live the Dragon Princess!" sigaw ng isa sa mga estudyante
Agad itong nasundan ng isa pa.
"Long live the Dragon Princess!!"
"Long live the Dragon Ptincess!"
"Long live the Dragon Princess!"
Nagsimula ito sa isa hanggang sa lahat na ng mga mag-aaral ay nagchachant.
Dumagundong sa buong paligid ang chanting na nagdulot ng kilabot at excitement sa puso ng magkakaibigan.
"Long live the Dragon Princess!"
"Long live the Dragon Princess, rightful ruler of Aralon!"
***
Ilang araw makalipas ang pangyayari sa Imperial Academy, isang binata ang abala sa ilang mga nakatambak na papeles sa kanyang working table.
"Bro chill ka lang. Why are you in a hurry?" saad ng isang binata na prenteng nakaupo sa upuan katapat ng working table.
"Kung tinutulungan mo ko, hindi sana ako nahihirapan." reklamo ng lalaking abala sa pagbasa at pagpirma sa mga papeles.
Ang isa sa kanila ay may seryosong muka at nakasuot ng salamin. Si Arren Gavriil Lockser.
Ang isa naman ay nakangisi at mukang may pinaplanong kalokohan sa kaibigan. Ang bestfriend ni Arren, si Jin.
Kaka-resume lamang ng klase subalit may mga paper works na agad kailangang asikasuhin ang presidente kaya naman abala ngayon si Arren. Hindi naman mapigilin ni Jin hindi asarin ang kaibigan.
Mayamaya pa ay pareho silang natigilan at sabay na napalingon sa bintana.
Isang babae ang nakaupo sa bintana at pinagmamasdan ang magkaibigan.
"Charmaine?!" nabiglang tanong ni Jin
"Artemis bakit ka narito?" tanong naman ni Arren
"To bid farewell." Simpleng tugon ni Charm
"Ehem. Dude excuse ko muna sarili ko. Ayoko maipit sa kakesuhan nyo ng jowa mo." Sabat ni Jin sabay bato ng isang mapang-asar na ngiti sa kaibigan.
"Hindi ko sya jowa." Sabay na saad nina Charm at Arren
"Pfftt. Okay, okay. Haha ang cute nyo talagang dalawa." Natatawang saad nito
"Jin." Tawag ni Charm kaya muling napalingon ang binata
"Hmm?" tanong nito
"Thanks for staying by his side." Saad ni Charm
"He's my bestfriend. Saan sya pupulutin kung wala ako diba? So no need to say thanks." Nakangising sagot ni Jin
"Kapal ng pagmumukha mo bro. Kung wala ako saang kangkungan ka kaya naroroon ngayon?" ganti ni Arren sa kaibigan
"Sa kangkungan siguro sa palasyo namin? Sorry bro, prinsepe kausap mo." Sagot ni Jin sabay belat pa sa kaibigan na ikinailing na lang ng huli
"Bye Charmaine. See you around." Paalam ni Jin sabay kindat pa bago ito lumabas ng silid
Matapos lumabas ni Jin ay agad nabaling ang mga mata ng dalawa sa isat-isa.
"Bakit ka narito?" tanong ni Arren
"To say goodbye to you. Javen went ro her twin. Flay went to visit Roma." Tugon ni Charm at saka naupo sa upuan sa tapat ng working table ni Arren
"Are you going back to Earth??" tanong ni Arren
"Yes. And I don't know for how long." Tugon ni Charm
"I see." Saad ni Arren
"Then bye." Saad ni charm at akma na sanang tatalikod pero agad tumayo si Arren kaya natigilan ang dalaga
"Yun lang ba ang saaabihin mo??" tanong ni Arren
"Yes." -Charm
""Wala ka man lang idadagdag?? For example 'thank you' or 'take care'??" -Arren
Umiling naman si Charm.
"Hindi ka talaga mabuti sa kalusugan ko." Saad ni Arren at saka iniligay ang kanyang kamay sa tapat na kanyang puso na animo ay nasasaktan na ikinakunot-noo naman ng dalaga
"What do you mean?" -Charm
"Wala!" naiinis na tugon ng binata.. "Take good care of your self. Don't over practice magic. Do not overestimate your powers. There is always a limit for a mage because our body is still mortal. You may feel like a god who can crush anyone like an ant. But no. There is someone out there that is always stronger than us. Take care and continue to grow. Let's meet again in the future. " sincere na pamamaalam ni Arren
"Yes dad." Tugon ni Charm
Isang pitik sa noo ang inabot nya mula kay Arren.
"Seryoso ako." Saad pa ng huli
Ngumiti si Charm. "I know."
"Ahm by any chance, wala ka namang planong bisitahin si Kuya at magpaalam sa kanya diba??" tanong ni Arren
"Actually plano ko syang puntahan after kitang kausapin." Tugon naman ni Charm na ikinadilim ng muka ng binata
"Gusto mo pa rin ang kuya ko? Hindi ka nya gusto. Tsk. Wala kang pag-asa sa kanya." Naiinis na saad ni Arren
"Che! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Naiinis ding tugon ng dalaga
Si Arren lang talaga ang nakakagawang asarin at inisin ang babae.
"May iba nang nagmamay-ari sa puso ni Kuya matagal na panahon na. Kaya wag ka nang umasa." Saad ng binata at saka hinawakan ang braso ni Charmaine. Hinila nya ito papalapit sa kanya at wala nang nagawa pa si Charm dahil sa pagkabigla. Nagtama ang mga mata nilang dalawa.
"Sakin ka lang tumingin. Sakin lang." saad ni Arren at malinaw na nakita ni Charm ang maraming emosyon sa mga mata ng binata
Hindi nakatugon si Charmaine.
"Artemis kapag dumating ang araw na iniiwasang mangyari ni Tita Cassiopeia, mangako ka sakin na ako ang mamamatay at hindi ikaw." Seryosong saad ng binata na ikinabigla ni Charmaine
"Alam mo ang tungkol sa propesiya??" nagulat na tanong ni Charm sapagkat hindi nya inaasahang alam ito ni arren
"Hindi ko alam ang tungkol sa kung ano mang propesiya ang tinutukoy mo. Pero alam kong may mangyayari. At binalaan na ako noon ni tita na isa sa ating dalawa ang kailangang mamatay para sa katuparan ng dapat mangyari sa hinaharap. At kung darating ang araw na yun, mangako ka sakin Artemis, mabubuhay ka."
Napahigpit ang kapit ni Charm sa braso ng binata.
"Hindi ko hahayaang mamatay ka Arren."
"Wag kang tanga Artemis. Alam kong alam mo ang tungkol sa isa pang nilalang na natutulog sa loob ko."
"Hindi mo kailangang mamatay. Ikaw yung wag tanga Arren. Hindi ko hahayaang mamatay ka."
Umiling si Arren at saka binigyan si Charmaine ng isang malungkot na ngiti.
"Hindi mo naiintidihan Artemis. Hindi ko sya kayang kontrolin. Sa oras na gumising sya, kailangan mong gawin ang lahat para wakasan ang buhay ko. Dahil kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sayo, ganoon din kalalim ang galit nya sayo. At sa oras na tuluyan na syang magising at mawalan ako ng kontrol, gagawin nya ang lahat para patayin ka. Kaya pakiusap, kapag dumating ang oras na yun, patayin mo na lang ako."
~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top