Tale 38
Tale 38
Imperial Academy of Magic
~August~
Honestly, I'm just going with the flow.
I honestly don't know why we end up here.
And I honestly think that this is the worst idea ever.
I'm just being honest here!
"This is not a good idea." Bulong ni Javen saamin habang naglalakad kami sa isang hallway na sobrang tahimik at walang katao-tao.
"I totally agree." pagsang-ayon ko kasi pareho pala kami ng nadarama ni Javen
"Is this a haunted school?" tanong ni Flay
"Nope. Nasa klase ang mga estudyante ngayon." Tugon ni Atticus
"They are surprisingly well-behaved." Komento ko
"And what do you mean by that?" baling sakin ni Atticus
"Nothing. Normal schools are usually chaotic." Tugon ko
"Manners and good behaviour is a must in this school." Saad ni Eon
"Kung ganon bakit ganyan yung prefect nyo??" tanong ko naman
"Are you trying to pick a fight with me little girl?" baling sakin ni Atticus kaya napahinto kami sa paglalakad
Little girl? This dude thinks too highly of himself. Mukang magkaedad lang naman kami. Sya nga yung napakachildish.
"I'm just trying to ask questions big boy." Tugon ko
Nagsmirk sya sakin. Sa halip na mapikon mukang natuwa pa sya sa sagot ko. Weirdo.
Huminto kaami sa tapat ng isang malaking pinto na gawa sa kahoy at ilang palamuting bato.
"The pinnacle of all creations, great or small, has come!" announce ni Atticus sa harap ng pinto
Hinintay naming bumukas ang pinto pero walang nangyari. Nanatiling tahimik ang paligid.
"It's us." Saad ni Eon
Bumukas ang pintuan na naging sanhi ng pagsimangot ni Atticus. Parang bata.
Agad pumasok sina Eon at Atticus sa loob.
Hinawakan ko sa braso si Charm. Ganun din ang ginawa ni Tanisha upang pigilan si Charm sa pagpasok sa loob.
Sinilip muna namin ang kabuuan ng silid at nadiskubreng isa itong silid na puno ng mga aklat. May table sa gitna kung saan may mga pinipirmahang papeles ang isang magandang babae.
"Come in." nakangiting saad ng babae noong mapansin kami
"What are you waiting for weirdos?" tanong ni Atticus saamin
Maingat kaming pumasok sa silid.
Wala namang lumipad na palaso or bumukas na sahig pagpasok namin sa loob.
"Magandang araw mga munting binibini. Maaari ko bang malaman kung bakit kayo narito sa lugar na ito?" nakangiting tanong ng magandang babae saamin
"We drag them here." Proud na sabat ni Atticus
"Shut up, man." Saway ni Eon at agad tinakpan ang bibig ni Atticus. Nagrereklamo ito pero hindi sya pinansin ni Eon.
"My name is Autumn Lockwood. The headmaster of this academy." Nakangiting pakilala nya
Headmaster? And I guess this is her office? Compared to headmaster Fridd's office this place looks simplier but a lot more cozy and relaxing. It looks like a private study room than an office to me.
Pero wait lang. Tama ba ko ng dinig?
Sinabi nya bang isa syang Lockwood?
"My name is Charm and this are my friends. We were looking for this place." Sagot ni Charm
"Huh?" tanong namin
"I see." Nakangiting saad ni Headmaster Lockwood
Sinabi ba ni Charm na ito ang lugar na hinahanap namin? Come to think of it, this school looks like an old mansion. Ito na ba ang mansion ng mga Lockwood?
"My brother is here, am I right?" tanong ni Charm
"Your brother?" nabakasan ng pagtataka ang maganda at kalmadong muka ng babae
"Yes. Cobalt Lockwood." Tugon ni Charm
"Odd. I never knew he have a little sister." Tugon ni Headmaster Lockwood na napapaisip. "Don't worry. He is safe." Saad nya pa
"What brings you home Charm?" tanong ni Headmaster Lockwood
"Don't get me wrong. I'am not a Lockwood. But I'am here for a reason." Tugon ni Charm
"Hmm I get it now. You are Cobalt's family outside am I wrong?" tanong ni Headmaster Lockwood
Hindi tumugon si Charm. Ang dami kasing tanong nitong si Headmaster Lockwood, mukang naiinip na si Charm.
"So what brings you here??" tanong pa ni Headmaster
"Who cares?! I want them! Enrol them here!" sabat ni Atticus
"Tsk. Wag kang makulit." Saway ni Eon sa nagpupumiglas na si Atticus
"I'am looking for the Stillwater." Simpleng tugon ni Charm at nakita ko kung paano nabura ang ngiti sa labi ni Headmaster Lockwood
"I'm sorry to disappoint you. But I can't help you with that matter." Tugon ni Headmaster Lockwood
Nagsukatan silla ng tingin ni Charm.
Kami naman ay tahimik lang. Alam namin na delikado ang babae sa aming harapan. Nakangiti sya subalit may kung anong panganib na nagmumula sa kanya.
"Headmaster mawalang galang na." sabat ni Eon
Lumingon ang headmaster sa gawi nya.
"Sya ang Dragon Princess." Saad ni Eon na ikinakunot ng noo ng headmaster
"Sigurado ka ba?" tanong nito
Tumango lamang si Eon.
Tumayo ang headmaster at saka nagbow.. "Forgive my blindness Dragon Princess. I sincerely apologize for not recognizing you."
"Ahm I think kasalanan nila kasi hindi nila agad sinabi sayo." Sabat ko sabay turo kina Atticus
"Ano kamo? Kasalanan pa namin? Kayo yung hindi agad nagpakilala!" reklamo ni Atticus
"Hindi obligasyon ng prinsesa na ipakilala ang kanyang sarili. Maaaring magtangka kayo ng hindi maganda sa oras na malaman nyo ang kanyang totoong pagkatao." Sabat naman ni Tanisha
"Pero mali din na sisihin nyo kami!" reklamo pa ni Atticus
"Eh bakit kailangan nyo din kaming sisihin?" tanong ni Aliya
"Hush now young ones." Awat naman ni Headmaster Lockwood saamin
Agad kaming nanahimik.
"You must be the dragon priestesses from the legend. The people of the prophecy." Saad ni Headmaster Lockwood
"Prophecy??" tanong ni Flay
"The prophecy of the great war." Sagot ni Tanisha
Sa totoo lang wala akong alam sa prophecy na yun. Pero quiet na lang kayo para hindi ako magmukang ignorante.
"Are you not aware of it??" tanong ni Headmaster kay Charm
"I heard about it but not it's specifics." Sagot ni Charm
"Follow me." Saad ni Headmaster Lockwood
Isang portal ang bumukas sa pader.
"Whoah! Dr. Strange is that you?!" manghang tanong ni Aliya kay Headmaster Lockwood
"Wag kang umarte na parang nagulat. Lagi tayong sa teleportation portal ni Charm dumadaan." Komento ko naman
"Tsk. Basag trip." Pout ni Aliya
Nagtungo kami sa loob ng portal.
Natagpuan namin ang aming mga sarili sa loob ng isang madilim at malamig na lugar. Isang kweba.
"Bakit tayo nandito? Eww! May worms na gumapang sa paa ko! Huhu" reklamo ni Aliya
Ignoring her, everyone cautiously look around. Isa itong kweba. Pero may mga luminous butterflies na lumilipad sa paligid. Tila nagambala namin sila, pero dahil sa kanila ay malinaw kong nakikita na nasa isa kaming kweba.
"Ano ang koneksyon nyo sa Prinsesa??" tanong ng batang si Alivia sa headmaster
"Parte kami ng propesiya tulad ninyong mga Dragon Priestesses. May gagampanan kaming tungkulin sa pagtupad nito." Sagot ni Headmaster
Hindi ako naniniwala sa mga propesiya. Pero since involved kaming magkakaibigan, wala naman sigurong masama na maniwala ako incase na totoo na susuong kami sa gera. At least mentally prepared na kami. Diba?
"Pagmasdaan nyo ang mga larawang ito." Saad ni Headmaster na muling nagpabalik sa aking atensyon.
"Woah! Ang cool!" react ni Aliya sa mga gumagalaw na larawang nakaukit sa kweba.
"Ayon sa pag-aaral ng aming pamilya, inukit ang larawang ito gamit ang mahika ng mga dragon. Isa itong propesiya na iniwan ng Dragon of Time, ang hari ng mga dragon at kapareha ng Ice Dragon na syang reyna." Saad ni Headmaster Lockwood
"Cool." React namin
"Isa sa mga propesiyang ito ay nangyari na ilang daang taon na ang nakalilipas." Dagdag pa ni Headmaster Lockwood
"Anong propesiya?" tanong ni Flay
"Ang propesiya ni Queen Crystal, ang Ice Priestess at ang unang mortal na reyna ng Aralon." Tugon ni Headmaster
Napukaw ng kanyang sinabi ang aking atensyon.
Queen Crystal. My ancestor. The first Ice Priestess. The first Queen.
"A-ano ang propesiya tungkol sa kanya?" tanong ko na kinakabahan na naeexcite
"Hmm? You must be the ice priestess of this generation." Saad ni Headmaster Lockwood at napatango naman ako
"During the Chaotic Era, when the dragons went instinct, the Priestess from another world appeared and saved the world." Saad ni Headmaster
Wala akong masyadong alam tungkol kay Queen Crystal sapagkat lahat ng mga dokumento ng aming tribo ay naglaho noong panahon na ipinatapon kami sa Hilaga.
"Nagmula sya sa ibang mundo?" tanong ni Flay
"Ibang mundo? Sa Gaia??" tanong ni Javen
"Parang si Miaka ng Fushigi Yugi??" tanong naman ni Aliya
Lahat kami ay lumingon kay Aliya.
"Enough na sa pagsegwey ng mga anime okay?" -Flay
Sumimangot lang si Aliya.
Nilingon ko si Charm at nakitang mukang malalim ang iniisip nya.
"Anong problema Charm??" tanong ko
"Wala. May iniisip lang ako. Wag mo kong intindihin." Tugon nya
"Kung interesado ka kay Queen Crystal, marami kaming mga dokumento tungkol sa kanya sa library ng aming paaralan." Saad ni Headmaster Lockwood at nakatingin sya sakin.. "Atticus accompany her later."
"Huh? Bakit ako?" reklamo ni Atticus pero hindi na sya pinansin pa ni Headmaster Lockwood
"Bakit kayo maraming dokumento tungkol sa kanya??" tanong ko
"Sapagkat malapit na magkaibigan si Queen Crystal at ang Stillwater ng aming pamilya." Tugon ni Headmaster Lockwood
"Malapit na kaibigan? Pati ba ang ibang mga priestesses ay kaibigan ng stillwater??" tanong ni Tanisha
Tumango si Headmaster Lockwood bago nya muling ibaling ang kanyang atensyon sa larawan.
"Ang ikalawang propesiya ay ang paglaho ng mahika sa mundo ng Aralon." Saad ni Headmaster Lockwood at lahat kami ay natigilan sa kanyang sinabi
"What?!" gulantang naming react
"Malaking papel ang gagampanan ng Stillwater sa propesiyang ito. Pero hindi nabanggit dito ang mga dragon kaya naman sa aking palagay ay sa hinaharap pa ito mangyayari." Saad ni Headmaster Lockwood
Maglalaho ang magic sa Aralon? No way! Parang napakaimpusible nito!
"May possibility po ba na hindi mangyari ang propesiya?" tanong ni Javen
"Hindi ko masasagot ang iyong katanungan." Tugon ni Headmaster Lockwood
Natahimik kami. Napapaisip. Ano ang mangyayari sa aming mundo sa oras na maglaho ang mahika?
"Ang huling propesiya ay kasalukuyang nangyayari ngayon." Muling saad ni Headmaster
"Ang huling dragon na may dugo ng mga mage ang isisilang upang baguhin ang mundo ng Aralon. Babaha ng dugo. Magiging isa ang liwanag at dilim. At muling babalik ang taglamig." Saad ni Headmaster Lockwood
"Si Charm ang tinutukoy na dragon na may dugo ngmga mage? So babaha ng dugo dahil sa gera? Makikipaggera ka Charm?" nagaalalang tanong ni Aliya sa kaibigan
"Magiging isa ang liwanag at dilim? Wala nang araw at gabi? Kelan na tayo matutulog?" tanong ni Flay
"Stupid. Ang tinutukoy dyan ay ang accepted at forbidden magics!" sabat ni Atticus
"Huh?" ako
"Sinong tinawag mong stupid? Gusto mo ng sapak?" asik ni Flay kay Atticus at agad syang hinawakan ni Javen sa braso
"Chill ka lang Flay. Tama lang ang sinabi nya." Sabat ni Aliya kaya sya tuloy ang nabatukan ni Flay
Tumawa lang si Aliya.
"Pero anong ibig sabihin ni Atticus?" tanong ni Tanisha
"Walang masamang magic. Pero mayroong masasamang mage. Maaaring gamitin ang accepted magics sa kabutihan at kasamaan. Ganun din ang Forbidden Magics." Paliwanag ni Charm
"Yun ang rason kung bakit namin nasabing parte kami ng propesiya. Sapagkat forbidden magic users kami. At kung mapapatunayan ng dragon princess na karapat-dapat sya, handa kaming tulungan sya sa gerang susuungin nya.." Saad ni Atticus
"Wag mong pangunahan si Headmaster." Saad naman ni Eon sabay batok kay Atticus
"Aray! Putcha naman Eon! Masakit yun hah!" reklamo ni Atticus
"Arte." Komento lang ni Eon na may blankong muka
"Tama ang sinabi ni Atticus, handa kaming suportahan ang prinsesa kung mapatutunayan namin na karapatdapat sya sa tulong na aming ibibigay." Saad ni Headmaster Lockwood
Agad namang nag-puff ang chest ni Atticus na animo'y proud sapagkat sinang-ayunan sya ni headmaster Lockwood. Isip bata talaga.
"Ayon sa propesiyang binanggit nyo, ibabalik ni Charm ang taglamig?" sabat ko
Tumango si Headmaster. "Noong panahon ni Queen Crystal ay mayroong apat na season. Tagsibol, Tag-araw, Taglagas at Taglamig. Ang apat na season ang nagpapanatili ng balanse ng mundo. Subalit nagbago ang lahat noong namuno na ang mga Romanov."
"Tag-araw lamang ang kinagisnan kong season." Saad ni Flay
"Ako rin." sang-ayon namin
"Summer lang palagi dito? Tag-ulan wala kayo? Kasi ganun sa pilipinas dahil hindi din apat ang season dun." Tanong ni Aliya
"Kailangan ng mahika upang tumawag ng ulan. Yun ang rason kung bakit hindi umuunlad sa mga lugar na walang mage." Saad ni Headmaster
Bigla kong naalala ang Forsaken Island. Bago dumating si Charm ay tila walang buhay ang isla. Ngayon lang naging malinaw sakin kung ano ang totoong purpose namin. Babaguhin ni Charm ang mundo. At kami ang susuporta sa kanya. Naglaho na ang doubt na namamahay sa aking puso. Iniisip ko na baka mali na banggain ang royal families sapagkat sila ang current ruler ng Aralon. Subalit mali ako. Si Charm ang dapat na mamuno.
Charm is the rightful ruler. The Dragon Princess. She will change this world for the better.
"Subalit kailangan mong maging maingat prinsesa." Agaw ni Headmaster sa aming atensyon
"Bakit?" tamong namin
"Isang pangitain ang nakita ng huling henerasyon ng mga Priestesses noong isinilang ka. You will wage a war to change the world. But a great foe will try to stop you. A man with a pair of mismatched eyes. He can wield the same magic that you do. He might be able to kill you." Babala ni Headmaster
"I know. Don't worry." Kalmadong tugon ni Charm
"Pero wait lang. Nasaan na ang Stillwater? Sya ang pakay namin dito." Paalala ni Flay saamin
"She's not here. She regained her freedom." Tugon ni Headmaster
"I think I already know where she is." Sabat ni Charm
"Anong ibig mong sabihin?" tanong namin
"We already met her before. Hindi ko alam kung bakit hindi natin agad napansin kung sino ba talaga sya." Sagot ni Charm
"Sino? Wala akong naaalalang malakas na mage na naencounter natin before." Tanong ni Flay
"Hindi sya malakas. Sa totoo lamg ngayon ko lang na-realized na wala akong naramdamang magic mula sa kanya. Pero sigurado akong sya ang Stillwater dahil sa mga kaalaman nya." Tugon ni Charm
"Wait ang tinutukoy mo ba ay si..." nabitin ang sasabihin ni Javen at nanlalaki ang matang lumingon kay Charm
"Eh? Sino??" tanong ni Aliya
"Wait! Don't tell me--- Kung sya nga yun, bakit pa tayo pumunta dito?" react ni Flay
Realization dawn on me.
"Sino ba kasi?" tanong ni Aliya
"Si Eclipse." Saad ko
"Huh???!" react ni Aliya
"Sya ang Stillwater. Sinadya nya bang ilihis tayo ng landas?" tanong ni Tanisha
"Pinaglalaruan nya ba tayo?" reklamo ko
"No. She probably sent us here on purpose." Saad ni Charm
"If the Stillwater sent you here, then she probably want you to prove yourself to us." Saad ni headmaster
"What for? Charm can change this world even without your help." Saad ni Flay
"Plus she have us. We can weild dragon magic too." Saad ko
"Too naïve. Do you actually believe that your powers alone can change this world? The Romanovs are descendants of Dragons too. Plus in the coming war, the priestesses won't be able to fight." Sabat ni atticus
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Flay
"Ang ibig nyang sabihin, sa oras ng gera ang totoo naming purpose ay i-summon ang aming dragon. At buhay namin ang magiging kapalit kapag ginawa namin yun." Sabat ni Tanisha
Natigilan ako.
Maging si Charm ay nabigla. Mukang hindi nya rin alam ang tungkol sa bagay na yun.
"Priestesses are the instruments to summon the last dragons. And in order for them to descend to this world, they have to take over our bodies. And it will destroy and kill us in the process." Seryosong saad ni Tanisha
"That's the sad fate of a dragon priestess." Saad ni Headmaster Lockwood
Natahimik kami sa narinig.
So we have to die huh?
I guess that's the price we have to pay in order to change this world.
But is it worth it?
***
~Francis~
"Olive kumalma ka lang." saad ko sa aking kakambal na ngayon ay paikot-ikot sa aking harapan.
"Those people will ruin my plans." Naiinis nyang saad sabay padabog na naupo sa trono ni Ama.
"Why don't you just get rid of them?" tanong ng isang mapaglarong tinig
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Paano nya nasabi yun? Mukang seryoso sya sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala.
"That girl is stronger than I expected. Since you know her I expect you can help me get rid of her. Do not disappoint me." Tugon ni Olive
"Of course my love. I will do anything for you." Nakangiting tugon ng lalaki
Gusto kong sumabat pero natatakot ako.
Natatakot ako dahil nagbago na ang kakambal ko.
Ang noo'y inosente at malambing kong kakambal ay handa nang gumawa ng kahit ano masunod lang ang kanyang nais.
Tinalikuran ko sila.
Kailangan kong balaan sina Flay at Charmaine.
Nasa panganib sila.
"Hep-hep-hep! Alam ko kung ano ang pinaplano mo." Saad ng lalaki na lumitaw sa aking harapan.
Itinulak nya ako kaya agad akong napaupo sa matigas na marble floor ng silid kung nasaan ang trono ng hari ng Aragon.
"Kahit malaki ang tiwala ko sayo, hindi kita binigyan ng permiso na saktan ang kapatid ko." Malamig na saad ni Olive at ang sunod ko na lang namalayan ay ang pagtilapon ng lalaki palayo mula sakin
"Okay okay I get it. You love your sister. But I suggests na wag mo syang aalisin sa paningin mo. Kahit ang mga taong pinakamalapit satin, kaya tayong pagtaksilan." Saad ng lalaki habang natatawa
"Wag mo akong itulad sayo." Saad ko
"Wag mo akong patawanin. Magkapareho lang tayo." Baling sakin ng lalaki habang naiiling
"Mali ka! Paano mo ito nagagawa? Kaibigan ka ni Charmaine!" tugon ko
"Wala akong kaibigan. Ang katapatan ko ay nakay Prinsesa Olive lamang." Tugon nya
Tuluyan na akong nanghina.
Hindi ko alam kung ano ang tama.
Dapat ko bang suportahan ang kapatid ko kahit pa alam kong mali ang gusto nyang mangyari?
Hindi ko sya kayang iwan.
Sana mapatawad ako nina Charmaine sa desisyong kailangan kong gawin.
At sana manatili syang matatag sa pagtataksil na ginawa ng isang taong pinagkakatiwalaan nya.
~~~~~~
AN: Thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kwentong ito.
GodessMana , Amethyst_hope , redeem_airryn , undecided_key , sjearl , KcireGonzales
ModernangMC , erich124 , user60814325 , rosemarie38 , Tintahari_M , tomzkie23 , Budotzkiee
GMRkcns , PammieEncina , kimian25 , allan2597 , greenywine , baellux , noy143 , Arnphe
ecinue22 , jonhpaulalicaycay , vayne_dyosa , Aejin18 , alexanana22 , SilentSushii
Thanks for the love dears! Hope you'll stick around till the end. Kayo lang ang reason kaya patuloy akong nag-u-update kasi sa totoo lang I'm super lazy in real life. My name says it all haha.
Anyway, check out my new story under General Fiction Category entitled as Ten Lifetimes. Thanks. Love you all!
Ang inyong abang lingkod,
LazyMissy13
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top