Tale 36

Tale 36
This Isn't Goodbye


Nagpatuloy ang kasiyahan. Subalit mararamdaman pa rin ang awkward atmosphere sa lugar.


Abala si Charm sa pakikipagkwentuhan sa pharaoh.


Sina Flay naman ay piniling kumain. Maging sila ay nabigla din sa koneksyon ni Charm sa pharaoh. But since it's Charm, tinanggap na lang nila na lahat ng bagay pusible basta si Charm ang concern.


“Wow. This food looks…. exotic.” Komento ni Aliya matapos makita ang mga pagkain


“These are native food in this desert. You should try them. They're all good.” Saad naman ni Javen na tubong Uddara


“I still can't believe na mas close pa si Charmaine sa pharaoh kesa sakin na isang prinsepe sa Ventus.” Komento ni Ashley


“It's all thanks to Mom's influence.” Saad ni Cobalt


“Pero okay lang ba na iniwan natin si Tita Cassiopeia sa Earth?” tanong ni Aliya


“Charm put her under a spell. Plus that house is full of traps and formations created by mom. And Charm also casted a lot of protective spells around the house so that place is the safest place for mom.” Tugon ni Cobalt

“He's right. Ang pinakapinagtataka ko ay kung bakit kasama ka namin Aliya? Hindi ba at nagsschool ka? May pasok ka pa diba??” tanong ni August


“I can say the same thing to you. May klase din kayo diba??” balik tanong ni Aliya sabay subo ng isang Imperial berry.. Nagbago ang ekspresyon nya matapos nguyain ito.. “Oh my gosh. A-anong klaseng prutas ito? It's soooo good! No! It's heavenly!” bulalas nya


“Imperial Berry, native fruit here in Uddara. It's a fruit befitting an emperor dahil sa sobrang sarap. Pero hinay-hinay lang sa pagkain, mataas ang acidity nyan. Baka humapdi ang sikmura mo.” Tugon ni Javen


May mapaglarong ngiti na gumuhit sa labi ni Aliya.

“Aliya I can hear your thoughts. Hindi mo yan pwedeng dalhin sa Gaia para gawing business.” Saad ni Avril na ikinasimangot ni Aliya at ikinatawa ng magkakaibigan

“Hindi ba sila yun??”
“I think so.”
“Yeah, yeah, no doubt. Sila yung nag-cause ng gulo sa school last time.”
“Hindi ba at hinahanap sila sa Ignis?”
“Ang kapal naman ng muka nilang magpakita dito.”


“Tayo ba pinag-uusapan nila??” tanong ni Aliya habang kunot-noong nakatingin sa grupo ng mga kababaihan na hindi nalalayo ang age sa kanila.


“Hindi tayo. Kami.” Tugon ni August


“May ginawa ba kayong gulo kaya di kayo pumapasok ng school?” tanong pa ni Aliya

Nagkatinginan sina Flay. Hindi talaga sila magandang ehemplo para sa mga kabataan dahil hindi sila mga huwarang mag-aaral. Kids wag nyo silang tutularan.


“I don't know how to explain it.” Pasimula ni Javen


“Charm fought a magic battle with our headmaster.” Simpleng saad ni Roma

“Huh??” naguluhang tanong ni Aliya


“It's complicated.” Saad ni Flay


“I'm more curious with the result. Did she won??” excited na tanong ni Aliya


“She did.” Tugon ng magkakaibigan


“She's so awesome.” Komento ni Aliya habang ngumunguya ng Imperial berry


“So that girl is the daughter of the Witch of Carnage. No wonder she can fight a one on one magic battle with headmaster.”

“I knew ever since the game of storms that there's something fishy about her.”
“Shh. Tama na. Sabi ni Dad wag na wag nating babanggain si Charmaine.”
“Are you scared of her?”
“N-no. But I'm afraid we might anger her mom.”
“Tsk. You're right. Her backing is monstrous.”
“I think she's amazing.”
“Oh come on, Princess Olive is way better.”
“Stop comparing them. Princess Olive is a royalty, she's just a noble birth. But they are both powerful no matter their standing.”
“I'm a huge fan of her mom. I once saw her fought and capture a group of bandits in my homeland. She's so awesome.”
“But it's weird don't you think? There are no news about her mom lately.”
“Hmm? You're right. May nangyari kaya sa Witch of Carnage??”
“Come to think of it, dapat invited din sya dito.”
“Maybe she's busy? Yun siguro ang reason kung bakit si Charmaine ang narito ngayon?”
“Then how about those girls? Bakit sila nandito?”
“Shut it. Hindi mo ba sila kilala? Sila yung champion sa Game of Storms.”
“Mga freshman lang sila. Anong kinakatakot mo? Si charmaine lang naman ang totoong makapangyarihan sa grupo nila.”
“She's right.”
“Pero--"
“What? Are you scared of them too??”
“Th-that's Princess Briar. She's also strong.”
“We're friends of Princess Selena. What can the 8th princess do to us?”


Kanina pa naiirita si Flay sa mga naririnig nya. Di nya na lang pinapansin ang mga babae kahit pa gusto nya nang sabunutan ang mga ito.


“I want to learn magic too. Kukulamin ko sila.” Saad ni Aliya habang ngumunguya pa din ng imperial berries


“Magic shouldn't be use for evil.” Saad ng batang si Alivia


“Oo nga naman. Mas matured pa sayo yung bata.” Komento ni August


“Wag ako August. Nung nasa Earth pa tayo nahuli kitang pinagyelo yung maingay na palaka sa likod bahay nina Charm. Tas binato mo ng snowball yung isang nakakainis na bisita sa party ni Catherine, kala mo ata di ko napansin.” Tugon ni Aliya


Hindi nakasagot si August. Guilty sa accusation ni Aliya kaya natawa sila.


“Basag ka August.” pang-aasar ni Flay


“Tsk.” Lang ang naisagot nito


May isang babae na may blonde na buhok ang lumapit sa kanilang grupo, sa likod nito ay may isang lalaki at babaeng may silver na buhok.


“Mga kaibigan kayo ni Lady Charmaine?” tanong ng babae kaya napalingon sa kanya ang magkakaibigan.


“Yes. Why?” tugon ni Aliya


“My name is Louise of the Noble House of Alterias of Andorra. I'am a follower of Lady Charmaine.” Pakilala ng babae


“My name is Yvonne, I'am also a follower of Lady Charmaine.” Pakilala ng may silver na buhok


“I'am the same. And I go by the name Erigor.” Pakilala ng lalaki


“Follower??” tanong nila


“Parang sina Prince Nero??” tanong ni Flay


“Prince Nero is also her follower?” nagulat na tanong nina Louise


“Aha. Pati ang mga kaibigan nya. Wait, hindi ba mula din sa pamilya mo si Vladd Cailean Alteria? He's one of her followers too.” Saad ni Flay


“Si Vladd? Pero bakit walang sinabi ang kapatid ko?” nagulat na tanong ni Louise

“Kapatid mo sya? Wow. Small world don't you think?” amused na saad ni Flay


“Super. To think that we both decided to follow the same person.” Amused din na saad ni Louise

Nagpakilala din sina Flay kina Louise, Yvonne at Erigor.

“Your names are familiar. I think you're friends with my cousin.” Sabat ni Alivia

“Your cousin??” tanong nila


“Yes. She often tells me stories of her travels. She talks about you a lot. Her name's Creyon.” Sagot ni Alivia


“What? Pinsan mo si Creyon??” nagulat na tanong nina Louise
“Sino si Creyon??” usisa nina Tanisha


“One of Lady Charmaine's follower.” Tugon ni Erigor

“Wow. Andaming coincidencence na nag-uugnay satin.” Saad ni Javen


“They're not coincidences. Your fates are all intertwined.” Sabat ni Cobalt na kanina pang tahimik


Si Ashley ay abalang makipagsocialized sa iba pa nitong mga kaibigan na kasalukuyang narito sa party kaya naiwan si Cobalt kasama sina Flay.


“Oh! I forgot that you can see the strings of fate.” Saad ni Flay na ikinamangha nina Javen


“That's cool.” Komento ni Avril


“Is it because of your origin??” curious na tanong ni August


“Yes.” Simpleng tugon ni Cobalt


Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan hanggang sa may napansin si Flay.


“Teka nga Tanisha, bakit ganyan ang muka mo??” tanong ni Flay sa nanahimik na si Tanisha


“W-wala. Hindi lang ako maka-get over sa fact na close ang prinsesa sa royal families. I'm sorry Amira Roma, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang royal families sa pagkamatay ng buong tribo namin.” Mahinang tugon ni Tanisha


“Don't say sorry. Kahit ako may hinala na hindi lahat ng ginagawa ng limang pamilya ay mabuti.” Simpleng saad ni Roma


“Minsang sinabi sakin ni Mama na ang royal families ang sumira sa pangalan ng lahi namin dahil alam nila na isa kaming dragon tribe na maaaring maging threat sa kanila. I don't really understand pero tumatak yun sakin dahil paulit-ulit kong naririnig sa pamilya namin..” Saad din ng batang si Alivia


“Panget reputasyon ng pamilya mo??” curious na tanong ni Flay


“Yes.” Tugon ni Alivia


“Saang noble family ka ba nagmula??” tanong ni August


“Hindi ba nila alam??” tanong ni Tanisha kay Alivia

“Hindi.” Sagot ni Alivia


“Attention everyone!” malakas na agaw-pansin ni Prinsesa Ramila sa mga panauhin kaya naudlot ang usapan ng magkakaibigan


Nakuha din nya ang pansin ng lahat.


“Bilang pasasalamat sa inyong pagdalo, magkakaroon kami ng simpleng duelo na inyong matutunghayan.” Saad ni Princess Ramila na ikina-excite ng lahat


What's more exciting than a magic duel?!


Gaganapin ang duelo sa isang open arena sa labas ng palasyo. Dahil gabi na, mababa na ang temperatura sa disyerto. Maliwanag din ang kambal na buwan ngayong gabi.


Mayroong inihandang mga upuan na mag-accommodate sa mga panauhin. Nakahiwalay din ang pwesto para sa representative ng apat na kaharian. Sa pinakapuso naman nakapwesto ang upuan para sa pharaoh.


“M-mga santelmo ba yun??” tanong ni Aliya matapos makita ang mga bolang apoy na lumulutang sa ere.


“Santelmo?? Ano yun??” tanong ni Javen

“Sa Earth may paniniwala na mga ligaw na kaluluwa or spirit guide ang mga bolang apoy na lumilitaw kapag naliligaw ang isang tao.” Sagot ni Aliya

“Mga Pyr. Ilaw dito sa Aralon na ginagamit kapag may outdoor activities. Ginagamit sila sa sports, duels or games. Wala silang sariling pag-iisip, pero madalas nilang sinusundan ang movement ng mga living things para makita ng mga manonood ang isang activity na may sapat na liwanag tulad nitong magaganap na duelo.” Paliwanag ni Flay

“What?? So hindi multo ang santelmo?? Naka-program lang talaga sila na sundan ang mga tao dahil para silang may motion sensor?” nagulantang na tanong ni Aliya


“Ewan ko kung yan yung santelmo na tinutukoy mo. Pero dito sa Aralon, mga Pyr yan.” Sagot ni Flay


Windang na ibinalik ni Aliya ang kanyang atensyon na magaganap na duelo.


“Ang wild naman nila.” Komento ni Aliya noong magsimulang magpalitan ng pag-atake ang dalawang swordsman sa gitna ng ring


“Isa yang uri ng Elven Swordsmanship.” Saad ni August. “Although mukang ang wild ng mga kilos nila, accurate ang bawat pag-atake na nililikha nila. May mga rules silang sinusunod.”


Isang sword dance ang sumunod sa naunang duelo.


“Ang smooth.” Komento muli ni Aliya


“It's a Water Sprite type of Swordsmanship.  Although it looks smooth on the surface, it's actually raging and powerful.”


“Bakit ang dami mong alam sa paghawak ng espada??” usisa nina Flay


“My dad and my younger brother are swordsmen. I can also weild a sword.” Simpleng tugon ni August

“Weh??” react ng magkakaibigan


Kumunot ang noo ni August. Parang ayaw syang paniwalaan ng mga kaibigan nya.


“Hindi halata. Hindi ka pa nila nakitang humawak ng espada.” Sabat ni Avril na tanging nakakaalam sa iniisip ng bawat isa

“Nagmamagaling.”
“Oo nga. A mage who says she can weild a sword. What a funny lass.”
“I can't believe that they have the face to even stay here. I can understand Charmaine, Prince Ashley and Princess Briar’s presence here. But the rest of them are gatecrashers."


Napakunot ang noo ng magkakaibigan matapos marinig ang sinabi ng mga babaeng nakaupo sa bandang likod nila.


“Grabe andami talagang mga tsismosa ngayon. Yung tipong hindi naman kasali sa usapan pero super updated sa topic. Grabii lang.” malakas na saad ni Flay

“Sinabi mo pa. Ang malala pa dun feeling VIP guests pa sila. Tingin ata nila sa kanila umiikot ang mundo.” Dagdag ni Aliya


Nag-apir sila ni Flay. “Pareho tayo ng brainwave!”


“So tingin mo din nakakainis sila?”


“Oo naman! Tsaka ampapanget naman, muka silang mga palaka.”


“Hindi nila alam kung ano ang itsura ng palaka sa personal. Mga primitive kasi sila.”


“Ayy ganun? Kawawa naman sila.”


Kumunot ang noo ng mga babaeng tinamaan sa mga sinabi nina Flay at Aliya.


“Hey! Who do you think you are?! Gatecrashers lang naman kayo!”

“Oo nga naman! Tsaka sinong tinatawag nyong panget?!”

“Bulag ba kayo? Sa ganda naming toh tatawagin nyo kaming panget?!”


“May mga guilty. Wala naman akong sinabi kung sino pero may nag-react..” Saad ni Flay na ikinatahimik ng mga babae


“Tsk.”
“Cheeky brat.”
“May araw ka rin samin.”


“Do you want to try to duel??” tanong ni Prinsesa Ramila sa direksyon nina Flay

“K-kami??” nabigla sina Flay sa tinuran nito


“You're causing a ruckus back there. Kung hindi kayo interesado sa duelo, ipakita nyo samin na may karapatan kayo para maramdaman yan.” Saad ni Prinsesa Ramila

“You’re kidding Princess. We're just here as spectators.” Saad nung isa sa mga babae


“Yes. And I heard they're just freshmen. Mga alumni na kami, ano namang magagawa nila laban samin??” dagdag pa nung isa


“She's right. Ayaw naman namin na isipin ng iba na binubully namin ang mga estudyante pa lang gayong mga official witches na kami.” Dagdag nung isa pa ulit


“Hindi pa ba bullying yung ginagawa nyo mga SENIOR?” sabat ni Flay


“No of course not. Kayo ba ang pinag-uusapan namin kanina? Kung makapagreact ka parang guilty ka?” balik ng isa sa kanila sa sinabi ni Flay kanina

“Ipokrita.” Saad ni Flay sa hangin

“What? Kanina ka pa hah! Wala kang galang sa mga senior mo!” galit na baling nila kay Flay

“Hmmm?? Kayo ba kausap ko? Oh wait! You're overreacting! Are you perhaps guilty?” balik ni Flay


“Huh! Walang manners!” ganti nila


“Hmm? Are you talking about yourself Senior?” tanong ni Flay dito


“Flay wag na lang natin sila patulan.” Awat ni Javen sa kaibigan


“Relax. I can handle this.” Sagot ni Flay


“Tsk. If you want to duel then suit yourselves. Wag kayong iiyak kapag nasaktan kayo mamaya.” Saad nung isa sa mga babae


“Wow! Are you psychic? That's exactly what I want to say to you too.” Nakasmile na saad ni Flay


‘She's as warfreak as ever.’ Natatawang isip nina August sa inaakto ni Flay


‘It'll be really cool if she's also a priestess who can wield dragon magic. That way, she can make them cry with no effort at all.’ Sa isip naman ni Tanisha

Mages casts spells in order to use magic. Dragons and Pristesses wields magic with their thoughts alone.


“Pathetic little b*tches.” Naiiling na saad ng isa sa mga babae


“Seriously, are you talking about yourselves?” muling balik ni Flay


“I'm talking about you. Stupid!” tugon nung babae


“Stupid? Are we meant to be offended? The only thing offending me is your face. Is this a children’s party? Sobrang kapal kasi ng mga make-up nyo, muka na kayong clown.” Tugon ni Flay


Lalong nagsalubong ang kilay ng mga babae.


“Immatures.” Komento ng isa sabay roll eyes pa.

“Yes, keep rolling your eyes Senior. You might find a brain back there. Baka nagtatago lang  somewhere sa skull mo.” Saad ni Flay with an innocent smile

“Are you saying I'm stupid?” bulyaw ng babae

“Duh. Obviously.” Tugon ni Flay


“Are you insulting me?!” galit na tanong ng babae


“What? No way!I won't dare.  I'm not insulting you, I'm actually describing you. Kasi kahit naisin ko na insultuhin ka, mukang naunahan na ko ni Inang kalikasan by not giving you a brain.” Nakasmile na tugon ni Flay

“Cut it off, you won't win a batle of wits with this little witch. Let's just get on the duel and see what they can do.” Saway nung isa sa mga babae dun sa isa na inis na inis na.


“I hope you can show us some talent. I despise dogs who only knows how to bark but can't bite.” Saad ng isa pang babae na tahimik lang kanina


“Hmmp! We're not dogs. Stop underestimating us. We'll show you what we can do Seniors.” Saad ni Flay na na-excite lumaban matapos makita na mayroong mukang matino sa grupo ng mga babae.


“Flay enough.” Saway ni Charm


“Huh??” nagtatakang tanong ni Flay kay Charm na ngayon ay naglalakad patungo sa kanilang direksyon


“We're leaving.” Tugon ni Charm


Nagtaka ang magkakaibigan sa tinuran nito.


“Bakit??” tanong ni Javen


Nagdilim ang muka ni Charm. “Let’s go.”


“No matter where you go, you will never be able to find the answer that you're looking for.” Saad ng pharaoh na nakaagaw ng pansin ng mga panauhin


“You're wrong Ninang. That thing that you plan to do, I will never agree to it.” Saad ni Charmaine at saka lumingon sa direksyon ni Prinsesa Olive


Napangiti si Olive. Mukang ibinahagi ng pharaoh kay Charmaine ang kanilang mga plano. At tulad ng naging sagot ng Witch of Carnage, hindi rin ito sumang-ayon. Na-amused si Olive. Mukang mangyayari din kay Charmaine ang nangyari sa kanyang ina. Kailangan nyang maglaho para walang maging balakid sa mga plano nila.


“If you don't side with us, the same thing will happen to you.” Babala ng pharaoh na nanghihinayang sa kanyang talento


“Threatening me Ninang? The same thing won't happen to me. But I want to see you try.” Sagot ni Charm at may bumukas na portal sa harap nito


“You're not as powerful as HER. You're not a god Charmaine.” Saad ng pharaoh


“So are you. And you. And you. And you too.” Sagot ni Charm sabay baling sa mga representative ng apat na bisitang kaharian


“You are not your mother. How dare you to act so highly in front of us?!” tanong ng hari ng Ignis


Hindi ito pinansin ni Charm.


“When I first heard about this from headmaster Fridd, I had my doudts. But now I know who my enemy is.” Tugon ni Charm


“Just because you're HER daughter doesn't mean that you’re as strong as her.” Sabat ni Prinsesa Olive


Hindi sya pinansin ni Charm na ikinakunot ng kanyang noo.


Ngayon lang sya naetchapwera! Lahat ng tao halos lumuhod na sa lupa mapansin nya lang, pero si Charmaine ay hindi man lang sya tinapunan ng tingin.


“Avril.” Baling ni Charm dito


Nabakasan ng pagkagulat ang muka ni Avril matapos mabasa ang nasa isipan ni Charm.


“I understand.” Tugon ni Avril


Hinawakan nito sa balikat si Roma at agad itong nawalan ng malay.


Sinalo ito ni Prince Ashley na kababalik lang sa eksena.


“Anong nangyari??” tanong ni Ashley

Hinawakan din ni Avril ang balikat ni Ashley at agad itong nawalan ng malay. Agad nasalo ni Cobalt si Roma habang diretso semplang sa lupa si Ashley na walang nag-abalang umalalay man lang.


“Nero ikaw na ang bahala sa kanila.” Saad ni Charm at agad naman tumango si Nero

“W-wait. Iiwanan natin sila??” tanong ni Javen matapos marealized kung anong nangyayari.


“Yes.” Tugon ni Charm

“Pero Char--" naputol ang sasabihin ni Javen noong pigilan sya ni Flay


May kutob na si Flay sa rason ni Charm.

“We will meet them again.” Assured ni Flay kay Javen

Hindi nais iwanan ni Charm si Roma. Subalit kailangan.


Bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata nina August at Javen. Hindi rin nila nais iwanan si Roma. Pero kailangan sila ni Charm.


Bumaling ang atensyon ni Charm sa direksyon nina Louise, Yvonne at Erigor. May pag-unawa sa mga mata nila. Kailangan nilang magpalakas pa.


“This isn't goodbye.” Saad ni Charm sa mga taong iiwan nya


Naglaho na ang magkakaibigan.


This is the parting of people with deep friendship and trusts.

This is the parting of the people who will someday change the world of Aralon.


~~~~~~~~



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top