Tale 35
Tale 35
Grand Entrance
Makulay ang paligid.
May nakaguhit na ngiti sa labi ng bawat isa.
Bakas ang masiglang atmospera sa hangin.
Ngayong araw ang kaarawan ng Pharaoh ng Kaharian ng Uddara. Si Pharaoh Rima Jade Artemina.
Buong kaharian ang nagbubunyi para sa kanilang pharaoh.
Maging sa bayan ng Andorra na isa sa pinakamalaking bayan sa kaharian ay nagdiriwang ang mga tao.
Sa mansion ng mga Alteria kung nasaan ang Duke ng Andorra ay matatagpuan ang dalawang babae na abalang nagsasanay ng paghawak ng espada sa kabila ng pagdiriwang sa labas ng mansion.
"Lady Louise ipinagbilin po ng inyong ama na maghanda po kayo para sa pagbisita sa palasyo ng pharaoh mamayang gabi." Saad ng isang tagapagsilbi sa isang babaeng may blonde na buhok na abalang nakikipagpalitan ng pag-atake sa isang babaeng may silver na buhok.
"Later." Tugon lamang ng dalaga at wala nang nagawa ang tagapagsilbi kundi umalis na may problemadong muka.
"Louise bakit hindi ka pa maghanda, masstress nanaman ang iyong ama kapag nakita ka nya mamaya." Saad ni Yvonne, ang babaeng may silver na buhok
"It's okay. Try to counter!" tugon ni Louise sabay kumpas ng hawak na espada na agad nasalag ni Yvonne
"You're getting good." Komento ni Louise matapos ang training nya kay Yvonne. Si Louise ay nagtapos ng kursong Batchelor of Arts in Rangery mula sa Aurum Magique University. Focus nito ang scouting, survival, tracking at self-defense. Nananatiling isang palaisipan kung paano ito nadakip ng mga slave traders noon. Maging ang mismong author ay napapaisip pa rin hanggang ngayon.
"Nasaan nga pala si Erigor??" tanong ni Louise
"Sinamahan nya ang nakababata mong kapatid sa pagpili ng isusuot para sa kaarawan ng pharaoh." Tugon ni Yvonne
"What?? Masyado ata silang naging close matapos umuwi ni Vladd para sa biglaang break ng klase sa Aurum." Komento ni Louise
"But what could be the reason. Bakit biglang nagkaroon ng break sa school." Usisa ni Yvonne
"The school won't give a proper explanation. Even my brother is being secretive about it. " Louise
"Kumusta na kaya si Lady Charmaine." Malungkot na saad ni Yvonne
"Wala man lang tayong balita sa kanya. Pati si Creyon hindi nagpaparamdam eversince umuwi sya." Nakasimangot na saad ni Louise
Habang abala sa pagmumuni-muni ang dalawa ukol sa kalagayan ni Charmaine, kasalukuyan namang abala si Erigor sa pagtulong sa kapatid ni louise sa pagpili ng isusuot nito para sa pagdiriwang mamaya.
"Ginoong Vladd, bagay na bagay po sa inyo ang konserbatibong kasuotan na iyan." Saad ng isang sales lady sa pinakasikat na botique sa Andorra.
"Nasasakal ako." Komento ni Vladd habang inaalis ang bowtie ng suot nyang tuxedo
Natawa si Erigor sa tinuran nito. "Kung mas gusto mo ng komportable bakit hindi yung mga native attire sa bayan na ito ang isuot mo?"
"Hindi pwede. Masyadong bulgar ang mga kasuotan dito sa Uddara. Pagtatawanan ako nina Nero. Lalo na nina Leos at Levi, malakas mang-asar ang dalawang yun." Naiiling na tugon nito
"Mabuti naman at may mga kaibigan kang honest at handa kang pagtawanan kapag muka kang nakakatawa." Saad ni Erigor
"Hindi ko alam kung sincere o nang-iinis ka." Saad ni Vladd
"Pareho." Nakangiting tugon ni Erigor sabay kuha ng isa pang tuxedo.. "Isukat mo to, mukang mas komportable kesa sa isang yan."
"Ikaw na mag-try, sasama ka din naman mamaya hindi ba? Wala ka pa ring isusuot." Saad ni Vladd
"Sasama kami ni Yvonne bilang mga tagapagsilbi. Hindi ko maaaring tanggapin ito." Sagot ni Erigor
"Sinong nagsabing hindi pwede. Ikaw ba magbabayad nyan? Ako diba? Tsaka baka hindi ka papasukin mamaya dun kapag muka kang alipin.." nang-aasar na saad ni Vladd
Natahimik si Erigor. Napapaisip. Paano kung totoong hindi sila papasukin sa pagdiriwang mamaya kapag ordinaryo lang ang suot nya??
"Kukunin ko ito. Pero hindi yung bow tie. Nasasakal talaga ako. Oyy Erigor, isukat mo na yan at baka magbago pa ang isip ko." Saad ni Vladd habang nananalamin kaya napilitan na ang huli na tanggapin ito
Samantala, habang busy pa ang dalawa sa nagaganap na bromance sa pagitan nila, isang balita ang mabilis na kumalat sa buong kaharian. Si Prinsesa Olive, ang Crown Princess ng Aragon, ang itinuturing na pinakamalakas na mage ng bagong henerasyon, ay kasalukuyang nasa Uddara para sa kaarawan ng Pharaoh.
"Abala si princess Olive para sa nalalapit na koronasyon nya kaya ang akala ng lahat ay hindi sya makadadalo mamaya."
"Nakita mo din ba sya? Kayganda nya sa personal!"
"Balita ko ay namana nya ang angking talento ni King Malcray Romanov. Sa halip na isa, apat ang natural elemental attribute nya kaya sya binansagang pinakamalakas na mage ng bagong henerasyon!"
"Sya ang susunod sa kasikatan ng witch of carnage!"
Sa isang parte ng pamilihan ng Uddara ay maingay ang balita ukol sa crown princess ng Aragon, subalit isang binata ang napapailing sa mga balitang kanyang naririnig.
"Susunod na Witch of Carnage? Huh! Nanaginip sila ng gising!. Walang binatbat si Prinsesa Olive sa kanya. Ang babaeng yun lang ang susunod sa yapak ng pinakamalakas na witch ng Aralon. Sya ang anak ng Witch of Carnage, kaya sya lang din ang gagawa ng kaparehong reputasyon sa limang kaharian." Komento ng binata. Sya ay walang iba kung hindi si Mace. Matapos maka-survive sa malabangungot nyang encounter kay Charmaine ay napadpad sya sa Uddara at maswerteng nakapagbukas ng isang maliit na tindahan. Wala na syang balita sa nangyari sa mga kasamahan nyang slave traders, pero sigurado syang hindi maganda ang kinahinatnan ng mga ito.
Noong sumapit na ang gabi, naging mas makulay pa ang paligid. Nagsindi ng mga lampara at mga makukulay na floating lanterns ang buong kaharian.
"Hayyysss. Ayoko talaga ng mga ganitong event." Komento ni Louise habang bumababa sa kalesa
"Ayaw din naman sayo ng mga event. Tingnan mo itsura mo, nagsuklay ka ba bago tayo umalis ng mansion ate??" saad ni Vladd
"Style toh Vladd! Style!" depensa ni Louise habang inayos ang kanyang buhok
"Mas presentable pang tingnan si Yvonne kaysa sayo." Dagdag pa ni Vladd
"Salamat Vladd." Saad ni Yvonne na lalong ikinasimangot ni Louise
"Ang malas ko talaga para magkaroon ng kapatid na panget." Buntong hininga pa ni Vladd
"Mas panget ka!" ganti ni Louise
"Isa akong wizard. Saan ka nakakita ng panget na mage ate?" tugon nito
"Ikaw!" tugon ni Louise
"Louise Scarlet Alteria. Vladd Cailean Alteria. Wala tayo sa mansion natin. Umayos kayong dalawa." Saway ng kanilang ina kaya natahimik na ang magkapatid
Ang Uddara ay napalilibutan ng disyerto, ito ang may sakop sa pinakamalaking kalupaan sa limang kaharian. Ang palasyo ng pharaoh ay nasa isang oasis. Ito ang nag-iisang establishemento dito. Magarbo at makulay ang loob ng palasyo.
Maraming mga panauhin ang kasalukuyang nagkukumustahan. Karamihan sa mga bisita ay mga bigshots sa limang kaharian. Bihira lamang dumalo sa mga pagtitipon ang pinuno ng bawat kaharian. Kadalasan ay mga representative lamng ang ipinadadala nila sa mga ganitong event. Madalas mga reyna o prinsesa at prinsepe ang dumadalo bilang sub ng mga hari. Sa kaso ng Ignis kung saan reyna ang dominant ruler, madalas ang hari ang dumadalo sa mga ganitong pagtitipon.
"Dude bat ganyan ang itsura mo??" tanong ni Kyle noong makita si Vladd
"Tuxedo?? Inaabangan pa naman naming makita ka na nakasuot ng native attire dito sa lugar nyo." nang-aasar na bati ni Leos
"Plano ka pa naman naming asarin." Disappointed na saad ni Levi
"Magandang gabi din sa inyo." naiinis na bati ni Vladd sa mga kaibigan.. "Nasaan pala si Nero??"
"As usual, marami syang kausap na bigshots. Wala syang time para sa mga kaibigan nya." Tugon ni Levi na nag-iinarteng nasasaktan
Si Kyle ay apo ng isang Duke sa Gorgona. Si Leos ay anak ng isang kilalang Baron na may -ari ng malalaking business sa Ignis. Samantalang si Levi ay apo ng isa sa mga elders ng Council of Magic.
"Sino pala yung mga kasama mo??" usisa ni Leos habang pinagmamasdan sina Louise na kauupo lamang ngayon sa isang reserved table
"Kilala nyo naman na si ate Louise at ang pamilya ko." Tugon ni Vladd
"Not that, yung may silver na buhok." Turo ni Leos
"Si Yvonne?" tanong ni Vladd
"Yvonne?? Saang pamilya sya nagmula??" usisa pa ni Leos
"Pre type mo??" pang-aasar ni Kyle kay Leos
"Hindi noh. Nagtatanong lang ako." Tugon nito na halatang hindi pinaniwalaan ng mga kaibigan nya
"That's Yvonne. A friend of my sister. She's not from a noble family, but she's a good wife candidate. Gusto mong ilakad kita??" tanong ni Vladd kay Leos
"Sira! Sinabi ko nang di ko type! Mga malisyoso." Naiinis na saad ni Leos na namumula na sa inis or sa kilig. Who knows.
Inasar pa sya ng mga kaibigan nya hanggang sa makalapit si Nero sa kanila. Nagpatuloy ang masayang kwentuhan ng magkakaibigan.
Samantala, si Olive, ang crown princess ng Aragon, na tinaguriang pinakamalakas na mage ng bagong henerasyon ay nasa isang pribadong silid sa palasyo ng Uddara. May ilang makapangyarihang tao ang kasama nya sa silid. Pinag-uusapan nila ang ilang mga importanteng bagay na makakaapekto sa limang kaharian.
"Pero mahal na prinsesa, kung itutuloy natin ang pagpapatayo ng gusaling iyon, mauubos na ang nakalaan nating pondo!" saad ng isang mataas na opisyales na representative ng Ventus.
"Mga ginoo, hindi nyo ba nakikita ang importansya ng proyektong ito? Para ito sa ikauunlad ng limang kaharian. Kung pondo ang kailangan, taasan nyo na lamang ang buwis na ipinapataw nyo sa inyong mga nasasakupan." Simpleng tugon ng prinsesa sabay flip sa kanyang buhok
Hindi agad nakatugon ang mga opisyales na kanyang kausap.
Alam nila na isang matalinong tactician ang prinsesa, pero kilala din nila ito bilang isang tyrannical na pinuno.
"P-pero mahal na prinsesa, masyado na pong mataas ang sinisingil nating buwis. Kung tataasan pa natin ito, baka hindi na ito matugunan ng mga tao." Saad ng isang naglakas loob na opisyal mula sa Gorgona
"Wala naman silang choice. Kailangan nilang magbayad sa ayaw o sa gusto nila. Para din ito sa ikabubuti nila. Make them understand. Use flowery words to fool them. Or use force to make them submit. Kayo na lang ang bahala. Ang importante matapos natin itong joint project na ito. Naiintindihan nyo??" maauthoridad na saad ng prinsesa bago ito tumayo mula sa gintong upuan at marangyang lumabas ng silid.
"Ang simple-simple ng instructions pero hindi nila magawa. Mga inutil." Naiinis na saad ni Olive noong makabalik na sya sa pribadong silid na nakalaan para sa kanya
"They don't see the world the same way you do Princess." Komento ng lalaking umaaktong tagapagsilbi nya
"They're all fools. Mabuti ka pa naiintindihan mo ko France. And stop calling me princess kapag tayo lang dalawa, you're my sister, I can't help feeling as though you're too far away from me." Saad ni Olive
"Wala tayo sa Aragon Princess. I'am your servant her. We can't act as we like." Paalala nito sa prinsesa
Olive pouted. "It's unfair. You were banished for years and when you finally returned you have to pretend to be my male servant. It's just unfair. So unfair." Reklamo nito
Ngumiti lang si France sa tinuran ng kanyang kakambal. Ang lalaki ay walang iba kung hindi si Francis na kaibigan nina Louie at Jaden. Isinilang syang walang mahika kaya naman ipinatapon sya sa edad na pitong taon matapos sumailalim sa test ng Heaven's Stone at matuklasang walang magic na nananalaytay sa kanyang dugo. Ang alam ng lahat ay namatay sya sa isang karamdaman. Kaya naman napilitan syang magpanggap na isang lalaking anak ng isang pinagkakatiwalaang Alchemist ng pamilya Romanov. Ngayon ay pinili nyang magpanggap bilang tagalagsilbi ng prinsesa upang muling mapalapit sa kanyang kakambal. Pumanaw man ang kanilang mga magulang, subalit hindi pa rin maaaring ipaalam sa ibang tao na buhay sya. Magdudulot ito ng malaking gulo. Sapagkat lahat ng myembro ng pamilya Romanov ay may magic. Malakas na magic.
"Malapit nang magsimula ang pagdiriwang." Paalala ni Francis sa prinsesa at nagtungo na sila sa silid kung saan ginaganap ang pagdiriwang
"It's Princess Olive."
"She looks even better up close."
"So graceful."
"She's the most powerful mage of the new generation."
"How to be like her?"
Lihim na napapangiti si Olive sa kanyang mga naririnig. Bilang isang royalty ay sanay na syang humarap at tumanggap ng papuri at pangbabash. She secretly enjoys hearing praises but she also knows how to act properly in front of others. She's the next ruler of Aragon afterall.
Mayroong apat na gintong trono sa elevated part ng silid. Dito nakaupo ang apat na representative ng apat na bisitang kaharian.
"Magandang gabi Prinsesa Olive." Bati ni King Silvan ng Ignis
"You grew taller." Casual na bati ng 1st prince ng Ventus kingdom na si Prince Easton, sya ang nakatatandang kapatid ni Prince Jin. Mas seryoso at matured ito kesa sa nakababatang kapatid.
"You look lovely as usual." Nakangiting bati ng 1st Princess ng Gorgona na si Princess Selena,half sister ni Roma.
"Ikinagagalak kong makita kayo." Nakangiting bati ni Olive
Kumunot ang noo ni Prince Easton noong makita ang lalaking tagapagsilbi ni Olive, pero wala itong sinabi. Bakas naman ang pagtataka sa muka ni Prinsesa Selena pero pinanatili nitong tikom ang kanyang bibig. Huli si King Silvan sa nakapansin sa malaking pagkakahawig ng Prinsesa sa tagapagsilbi nito, pero tulad ng naunang dalawa, hindi rin ito nagtanong. Si Olive ang susunod na pinuno ng pinakamalaking kaharian sa Aralon, walang may nais na ma-offend ito.
Hindi nagtagal ay muling bumalik ang kasiyahan at tawanan ng mga panauhin.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Batiin natin ng isang maligayang kaarawan ang mahal na Pharaoh." Malakas na saad ng isang babaeng nakasuot ng pandigma.
Mula sa malaking pintuan ay lumitaw ang isang magandang babae. Ang babae ay tila nasa mid 40s na subalit walang makapagkakaila na napakaganda pa rin nito. Her matured charm is truly captivating. Maging sina Louise ay namamangha sa ganda nito. Ang babae ay walang iba kunghindi ang Pharaoh ng Kaharian ng Uddara. Si Pharaoh Rima Jade Artemina.
Ang Uddara ay hindi tulad ng Ignis o ng iba pang kaharian sapagkat ang Pharaoh nila ay maaaring babae o lalaki. Ang importante ay kung sino ang pinakamakapangyarihang anak, doon mapapasa ang korona.
Magalang na bumati ang mga bisita habang naglalakad ang Pharaoh patungo sa pinakasentro ng kasiyahan. Patungo ito sa isang tronong gawa sa ginto at mga palamuting bato.
Tila pag-agos ng tubig ang payapa at kalmado nitong pagkilos. Matapos maupo ay pinasadahan nya ng tingin ang buong silid. Lahat ng mga panauhin ay nakaramdam ng kaba. Tila isang phoenix ang mga mata ng pharaoh. Walang makapagkukubli mula sa mga ito.
"Nais ipaabot ng pharaoh ang kanyang pasasalamat sa inyong pagdalo." Saad muli ng babaeng mandirigma na ngayon ay nakatayo sa tabi ng pharaoh. Ang babae ay walang iba kundi ang susunod na pinuno ng kaharian, ang 1st princess na si Prinsesa Ramila Amethyst Artemina.
"Nakatanggap ang mahal na pharaoh ng isang Espada na nilikha mula sa pangil ng isang omega fire-breathing dragon bilang regalo mula sa reyna ng kaharian ng Ignis." Announce ni Prinsesa Ramila
Nakatanggap ito ng wild reaction mula sa mga panauhin.
Espada na gawa sa pangil ng isang dragon! Kahit pa isa lamang omega dragon ang pinagmulan ng pangil, hindi pa rin maipagkakaila na mula pa rin ito sa isang dragon!
May tatlong rank ang mga dragon base sa pag-aaral. Omega, Beta at Alpha.
Omega ang mga pangkaraniwang dragon. Beta rank ang mga dragon na mayroong nasasakupang territory at may hawak sa mga Omega dragons. Ang Alpha ay maihahalintulad sa royalties na may hawak naman sa mga Beta. At ang pinuno nila ay mga Ice Dragon na syang may hawak sa mga Alpha.
"Isang Charm Mirror naman ang natanggap ng mahal na pharaoh mula sa Hari ng Ventus Kingdom." Announce muli ni Prinsesa Ramila
Kumpara sa espada na nilikha mula sa pangil ng isang dragon, wala masyadong impact ang sumunod na regalo. Kung nauna sana itong binanggit marahil ay umani din ito ng singhap sapagkat ang mga Charm Mirror ay tanging mga air sprites lamang ang nakakalikha. May abilidad itong makita ang totoong pagkatao ng isang nilalang na haharap sa salamin. Bihira lamang ito sapagkat mga purong air sprites lamang ang nakakalikha nito. At wala nang purong air sprites ngayon. Karamihan sa kanila ay may lahi na na ibang elemento.
"Isang Angel's Tear naman ang natanggap ng mahal na pharaoh mula sa Hari ng Gorgona." Announce muli ni Prinsesa Ramila
Ang Angel's Tear ay luha mula sa isang thousand years old feathered whale. Mahiwaga ang mga balyenang ito sapagkat nabubuhay na sila simula pa noong panahon ng mga dragon. Hindi sila basta-basta lumilitaw. Iilang tao pa lamang sa limang kaharian ang nakatagpo ng isang feathered whale. Sinasabing nagdadala sila ng kasaganahan sa mga taong pinagpapakitaan nila. Ang kanilang luha ay kayang dagdagan ng sampung taon ang buhay ng makatatanggap nito.
Nakaramdam ng panliliit ang mga panauhin. Kumpara sa mga regalong ito ay tila walang saysay ang kanilang mga regalo kahit pa napakalaking halaga ang inilaan nila para dito. Ang iba sa kanila ay pinapalubag na lamang ang kanilang kalooban sa pag-iisip na ang mga regalong ito ay mula sa royal families kaya wala na dapat silang ikagulat.
"Isa namang longevity blood mula sa isang Beta Dragon ang iniregalo ni Prinsesa Elizabeth Francheska Olive Romanov ng Kaharian ng Aragon." Announce ni Prinsesa Ramila na umani ng higit pang wild reaction.
Isang longevity blood mula sa isang Beta Dragon!
Kung ang mga labi ng mga dragon ay mahirap matagpuan, lalong higit ang mga napreserbang dugo nila! Mga fossilized blood ito na prinoseso at sumailalim sa mga pag-aaral upang makalikha ng Longevity Blood! Mga Grandmaster Alchemists lamang ang may karapatang humawak at mag-aral sa mga ito. Sa kasalukuyan ay mayroon lamang anim na Grandmaster Alchemists sa limang kaharian. Dalawa dito ay mula sa Aragon.
Ang Longevity Blood ay isang pill na kayang pahabain ang buhay ng gagamit nito. At sinasabi na ang Longevity Blood na mula sa isang Omega dragon ay kayang dagdagan ng isang daang taon ang buhay ng gagamit nito. Kaya ano pa ang epekto ng isang Longevity Blood mula sa isang Beta D ragon?!
"That's Princess Olive for you!"
"She just gave away such an amazing pill!"
"Aragon is truly the leading family!"
There was a factual belief in Aralon that the five kingdoms originated from the Romanovs. They ruled over Aragon while their four branch families ruled over the other four kingdoms. As the years passed by, each kingdom became independent entities. Although they are no longer bound by blood ties, Aragon is still the leading kingdom.
Napuno ng diskusyon ang buong silid. Marami ang namangha. Marami rin ang lihim na napailing. Masyado pang maaga para ipakita ni Princess Olive ang pangil nya! Hindi pa sya kinokoronahan pero nagawa nya na agad magbigay ng ganoon kahalagang bagay! Pero walla na lang sinabi ang mga panauhing ito. Hindi magandang ideya na banggain ang crown princess ng Kaharian ng Aragon.
Matapos ang announcement ay nagpatuloy na muli ang kasiyahan. Unti-unting nasanay ang mga tao sa indifferent na presensya ng pharaoh. Tila wala itong pakialam sa pagtitipon.
Masagana ang mga nakahaing pagkain. May umaawit na sikat na magical spell singer. Normal mages casts spells with the help of familiars, wands or rings. But spellsingers uses songs to casts spells. Iilan pa lamang mages sa kasaysayan ang naitatalang spellsingers. Si Cayson Orlein mula sa Noble Family ng Gorgona na may lahing siren ang nag-iisang spellsinger sa kasalukuyang panahon. He's an alumni of Aurum Magique University. Hindi pa sure ang author kung ano ang importansya nya sa kwento.
Habang masayang nagpaplastikan ang mga noble birth na bisita ay isang portal ang biglang bumukas sa gitna ng kasiyahan.
"—kasi nga si Naruto yung bida dun!"
"Bakit nga?? May malalim naman ang backstory ni Sasuke?"
"Ewan ko. Naruto yung title so pinanindigan na lang siguro nung author."
"Shut up guys. Masyadong pointless ang pinagtatalunan nyo."
"Di ka lang nakakarelate."
"Pero at least si Sasuke at Sakura pa rin ang nagkatuluyan sa ending."
"New generation na ngayon diba?? Sina Boruto at Sarada."
"Tama na! Ano bang meron sa anime na yan? Masyado kayong addict!"
"Manood ka din kasi para maka-relate k----" agad napahinto sa pagbabangayan ang mga babaeng biglang sumulpot mula sa kawalan
"Ehh??"
"Bakit dito tayo lumitaw??"
Lahat ng atensyon ay nasa mga bagong dating.
Base sa kanilang kasuotan ay hindi sila invited sa pagdiriwang.
Napuno ng bulungan ang silid.
Agad napatayo sa upuan sina Louise at Yvonne.
Maging si Nero ay nabigla.
Ang mga babaeng lumitaw ay walang iba kung hindi ang grupo nina Charm. Nasa likod nila sina Cobalt at Ashley.
"Sino sila??"
"Si Prince Ashley ng Ventus Kingdom!"
"Isn't that Princess Briar of Gorgona?"
"Sino yung mga kasama nila??"
"Hala! Nandito tayo sa palasyo ng mahal na Pharaoh Rima!" bulalas nung babaeng may maikling buhok, si Javen.
"Mga pangahas! Sino kayo?!" malakas na tanong ni Prinsesa Ramila at agad itong bumunot ng espada
"Napadaan lang po kami. Huhu." Paliwanag ni Flay
"This place is amazing. It's like ancient Egypt with a touch of modern architecture.." Komento naman ni Aliya habang pinagmamasdan ang lugar. Tila hindi sya concern saa mga nangyayari.
"Dakpin sila." Utos ni Prinsesa Ramila at agad lumitaw ang mga royal guards
Agad napatayo si Nero matapos marinig ang sinabi ni Prinsesa Ramila.
"Sandali lang Prinsesa Ramila." Sabat ni Nero na ikinabigla ng lahat
"Kilala ko sila. That's my sister Briar, 8th Princess of the Gorgonian Kingdom." Saad ni Nero introducing his introverted sister na hindi masyadong kilala ng ibang mga bisita.
"Yes, Prince Nero is right. That's our little sister, Princess Briar Alexus." Sabat ni prinsesa Selena, ang 1st princess ng Gorgona. Mahinahon ang tinig nito subalit mababakasan ito ng pagbabanta. Although magkakalaban sa posisyon ang bawat prinsesa at prinsepe para sa kapangyarihan, outside of their kingdom they are solid and unified.
"Princess Ramila magandang gabi. Sorry sa panggagatecrash namin. Hehe.." sabat ni Ashley sabay peace sign.
Kumunot ang noo ni Ramila noong makita ang pasaway na prinsepe ng Ventus na si Ashley.
"Escort them. I'll deal with them later." Monotone na saad ni Princess Ramila
Agad kumilos ang mga guardia at agad nilang pinalibutan ang grupo nina Charm.
"Tsk. They're in trouble."
"Kids this days. What a shame. They are tainting their family names by gate crashing."
Magsasalita pa sana si Nero upang ipagtanggol sina Charm subalit nabigla sya sa mga sumunod na nangyari.
Hindi lamang si Nero, ang lahat ng panauhin ay nabigla.
"Charmaine I'm glad you came." Nakangiting saad ng pharaoh
Kanina ay bored nitong pinapanood ang mga kaganapan. Sya ay tila isang Diyos na pinanonood ang ikinikilos ng mga langgam. Ni hindi ito nagsasalita na tila hindi deserve ng mga panauhin nya na marinig ang kanyang tinig. Kaya lahat ay nabigla sa unang salitang kanilang narinig ngayong gabi!
"It's been ages. I'm glad you're as healthy as ever. Happy Birthday Ninang." Tugon ni Charm at binigyan ang pharaoh ng isang ngiti
Lalong nagulantang ang lahat sa naging tugon ng babaeng tinawag ng pharaoh bilang Charmaine.
"Thank you. Come sit here. I want to hear a lot from you." Nakangiting saad ng pharaoh at sumenyas ito na maupo si Charm sa kanyang tabi.
Nakanganga na ngayon ang lahat. Sino ang babaeng ito para paanyayahan ng pharaoh na maupo katabi nya sa kanyang trono?!
Maging si Ramila ay nawiwindang. Ni hindi nya kilala kung sino ang babaeng ito! May isang ideya na agad sumagi sa kanyang isipan. Isang sikreto na iilang tao lamang ang nakakaalam.
"Amusing. Is she that person's daughter??" amused na tanong ni Prince Easton sa pharaoh
"Yes." Tugon ni Pharaoh Rima
Kumunot ang noo ni Prinsesa Olive sa naging tanong ni Prince Easton. May ideya na sya kung sino ang babae. Tanging mga panganay na prinsesa at prinsepe lamang ang nakakaalam ng isang sikreto. Noong isinilang ang anak ng Witch of Carnage ay naging ninang at ninong nito ang mga hari at reyna ng limang kaharian.
"S-sino sya??" nagatatakang tanong ng isang panauhin
"She is a very important guest." Tila hindi interesadong tugon ng pharaoh. Obvious na ayaw nyang kausapin ang mga panauhin
Sila yung invited pero dinededma sila ng pharaoh, habang yung gatecrasher ang ine-entertain nito!
"Sino sya? Saang noble family sya nagmula??"
"She's a very important guest. She's definitely a bigshot character!"
"Who could she be??"
Maging sina Louise ay nagulantang. Hindi nila inaasahan na ang kanilang nais paglingkurang pinuno ay close sa pharaoh ng Uddara.
Si France ay puno ng pangamba matapos makita sina Charm. Ngayon ay puno naman sya ng pagtataka sa kanyang nasasaksihan.
"This is absurb! Who is that young lady?! Mas importante pa ba sya kesa samin??" hindi nakapagpigil ang isang ginang na asawa ng isang baron mula sa Uddara na magtanong matapos makaramdam na parang mas importante pa ang isang gatecrasher kesa sa kanila na myembro ng isang noble house. Hindi naman mukang prinsesa ang babaeng tinawag ng pharaoh na Charmaine, ni hindi nga nila ito kilala!
"Of course she's more important. She's the daughter of the Witch of Carnage after all." Simpleng tugon ng pharaoh
Biglang natahimik ang lahat.
Tama ba sila ng narinig?
Daughter of the infamous Witch of Carnage??
Ibig sabihin apo ito ng dating duke ng Aureus sa Ignis??
Agad namangha ang bagong henerasyon. Walang hindi nakakakilala sa Witch of Carnage. Idolo ito ng mga kabataan.
May kilabot naman na agad gumapang sa katawan ng previous generation.
May isang balita na pilit pinagtatakpan ang pamilya Clifford ilang taon na ang nakararaan. About ito sa anak ng witch of carnage na aksidenteng nabalot sa yelo ang buong Aureus noong isinilang ito. Walang nakakaalam kung totoo ito. Wala ding nakakaalam kung ano ang itsura ng anak ng kilabot na witch of carnage dahil may balitang sa Gaia ito naninirahan. Pero ito ang agad nilang naisip matapos marinig kung sino ang babae.
Ang malamig nitong mga mata. Ang itim nitong buhok. Katulad na katulad ito ng sa kanyang ina.
Napatingin ang lahat sa direksyon ni Prinsesa Olive.
Sinasabi na ito ang pinakamalakas na mage ng bagong henerasyon.
Subalit sa paglitaw ni Charmaine, may pagdududang nabuo sa kanilang isipan.
A new monster have shown it's face wearing the skin of a fair maiden.
A storm is coming.
And it will change Aralon forever.
~~~~~~~
A/N: Hi folks! Nais ko lang magpasalamat sa mga readers na masipag mag-vote or floodvotes, magkomento (kahit pa hindi ako nagrereply), mga nag-a-add nito sa kanilang reading lists, at mga taong nagstart akong i-follow. Maraming thank you sa inyong lahat.
Rollcall muna tayo:
daisymendoza07 , noy143 , KcireGonzales , user09016023 , paularimarie ,EmerPabanil1 , Trishia_cutie
ancelrenz , Shakti_haan , Saichi021 , ecinue22 , Arnphe , SilentSushii , user75288363 , johnpaulalicaycay
And of course xxjericaxx
Thank you minasan! Kayo ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Keep up the love~
Ciao~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top