Tale 33

Tale 33
Meeting a God
~Charm~


Paikot-ikot.


Paikot-ikot ang aking paligid.


Pabago-bago ng kulay.


Nakakahilo.


Noong huminto ang lahat, ilang beses akong napakurap ng mga mata.


Nakabalik na ako sa tahanan ko sa Earth.


“Charm! Hintayin mo ko!” saad ng isang pamilyar na tinig


“Ayoko. Kakagatin mo ko Ate!” tugon ng boses ng isang bata


Agad akong napalingon sa pinagmulan ng mga boses.


May dalawang taong naghahabulan sa balkonahe ng aming mansion.


Ang isa ay isang teenager.


Ang isa ay ako. Ang batang version ko.


Natigilan ako. Isang reyalisasyon ang sumagi sa aking isipan.


Another Astral Projection.


Ito ang time na lumipat kami sa Earth matapos ang Elven Illness. Pero sino yung teenager na babae??


“Crystal, Charmaine, tama na ang paglalaro, halina kayo may ituturo akong bagong spell.” Nakita ko si Mama na nakapamewang sa dalawang babae


Crystal?


May naramdaman akong kirot sa puso ko nung marinig ang pangalan nya. Pamilyar ang babae. Hindi ko lang matukoy kung ano ang koneksyon naming dalawa.


Agad bumungisngis ng tawa ang dalawang babae na kanina ay naghahabulan.


“Mama malapit na lumubog ang araw, sabi nyo po ay maaari na kaming magpahinga.” Natatawang saad ng batang version ko


“Oo nga tita. Pagod na kami.” Dagdag nung teenager


“Wag nyo ko pinagloloko. Kung may energy kayong maghabulan, may energy pa kayo magpractice ng magic.” Tugon ni Mama


“Tita loosen up. Nasa Earth tayo. Kokonti lang ang mana dito. Nakakaloka magpractice. Hehe" saad ni Crystal


Napailing si mama habang natawa naman ang batang version ko.


“Fine. Fine. Mabuti pa ay maghanda na lang ako ng hapunan. Dito ka ba magdidinner Crystal??” tanong ni Mama


“Ahm hindi po. Uuwi si Dad ngayong gabi galing sa isang conference sa Cebu. It's rare for him to be home so I'll prepare him good food.” Sagot ni Crystal


“Hmm why don't you just invite him over?” tanong ni Mama


Medyo nagusot ang muka ni Crystal.


“Tita alam nyo naman na hindi pwede. He hates Aralonian people. Specially mages.” Malungkot na tugon ni Crystal


Bakas ang pag-unawa sa muka ni Mama. “It's okay. Kahit isa kang half-breed, I know your father loves you. Don't worry.”


Ngumiti ang babae. “Thanks tita.”


“Ate may ibibigay nga pala ko sayo bago ka umuwi. Hintayin mo ko.” Sabat ng batang version ko bago sya tumakbo patungo sa loob ng bahay


“Ang hyper talaga ni Charm. Last time kaming nagkasama ng ganito katagal ay noong four years old lang sya. Buhay pa si mama that time. Kaya nakakatuwa na malapit pa rin sya sakin.” Natatawang saad ni Crystal


“She likes you a lot. Ikaw lang ang pinsan na mayroon sya. Simula noong manirahan kayo dito sa Earth matapos mamatay nina Armin at Ariella palagi ka nyang hinahanap sakin.” Tugon ni Mama


Armin at Ariella. Si Dad at ang nakatatanda nyang kapatid na babae.


Hindi malinaw sakin ang naging dahilan ng pagkamatay nila.


Si Crystal ay anak ni Tita Ariella sa isang aatami.. She's my cousin.


Pero bakit hindi ko maalala?? Alam ko na mayroon akong pinsan. Pero for some reason, never akong nagkaroon ng urge na hanapin sya. Ni hindi sya sumasagi sa aking isipan. It's as if a spell was casted on me. Pero bakit? Nasaan na sya ngayon??


Bakit ko nakalimutan ang tungkol sa kanya?


“Crystal wala ka bang nararamdamang side effects sa seal na ikinulong ko sa loob ng katawan mo??” tanong ni Mom kay Ate Crystal


“Wala naman po tita.” Tugon nya


“Mabuti naman kung ganun. Sana hindi ka magtanim ng sama ng loob dahil sa ginawa ko.” Saad ni Mom


“Don't worry tita, masaya ako na matulungan si Charm. Kung tama ang sinabi nyo, mas mabuti na ito upang maiwasan ang mga dapat mangyari. Tsaka isa pa, dahil sa seal na inilagay nyo sa katawan ko, nakakagamit na ko ngayon ng magic. Though, nakakapanghinayang lang dahil kay Charm dapat talaga ito, for sure mahihigitan ka pa sana nya balang-araw. Unfortunately, kailangan natin itong gawin sa kanya.” Tugon ni Ate Crystal na ikinatigil ko


Mayroon din syang kapiraso ng seal ng magic ko?? Kung ganun, hindi lang si Arren ang naghahawak sa kapangyarihan ko?? Pati na din si Ate Crystal??


“Salamat sa pag-unawa Crystal. Sana maintindihan din ni Charmaine ang naging desisyon ko balang-araw.” Saad ni Mom


“I'm sure she will.” Nakangiting tugon ni Ate Crystal


Ang ngiting yun ang huli kong nakita bago nabalot ng liwanag ang paligid.


Naglaho ang lahat.


“Are you okay Princess??” tanong ng lalaking nakasuot ng coat na gawa sa balat ng tigre sa isang batang babae na nagdurugo ngayon ang tuhod.


Ang batang babae ay ako.


“I'm okay.” Malungkot na sagot ng batang version ko


“Are you sure? Why are you crying??” tanong ng lalaki


“I miss Arren.” Tugon nung bata


What?? Bakit ko naman mamimiss ang balahurang yun??


“Is he the one you often mention before? Your bestfriend Arren??” tanong ng lalaki


“Yes. Whenever I got wounded, he will just give me a kiss and the pain will always go away.” Tugon ng batang version ko


Seryoso. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko.


Nagusot ang muka ng lalaki. “Kiss?? Ninanakawan ka ng halik ng balahurang batang yun??” tanong ng lalaki


Napatingala ang muka ng batang version ko sa muka ng lalaki. “Don't bad mouth him.”


Oh my gods. Ako ba talaga ang batang ito??


“Sorry Princess. Ayoko lang na may nakikishare sayo. Ako lang ang maglilingkod ng tapat sayo hanggang sa huli kong hininga.” Tugon ng lalaki


“Huling hininga?? Are you dying Regis?? Are you sick??” nagaalalang tanong ng batang version ko


Ngumiti ang lalaki. “No Princess. I'm immortal so you don't have to worry.”


“If your immortal, how will you serve me until your last breath?? That's too contradicting.” Tugon ng batang version ko


“Basta.” Nakangiting tugon ng lalaki


“Anyway, today is your twelfth birthday. I have a gift for you.” Saad pa ng lalaki


May lumitaw na lalaki na tan ang kulay ng balat. Naka-shades ito at mukang kakagaling lang sa pagtambay sa Hawaii.


“This is Scorpio. The last of the twelve. He is now yours. Happy birthday Princess.” Saad ng lalaki


“Yey! Another friend! Thanks Regis!” nakangiting tugon ng batang version ko


Muling nag-warp ang paligid.


This time nakita ko ang sarili ko na mahimbing na natutulog sa loob ng aking silid.


Nakatayo si Mom sa tapat ng nakabukas na  pintuan ng aking silid.


Pinagmamasdan nya ang aking pagtulog.


“Mom.” Usal ko kahit alam kong hindi nya ko nakikita o naririnig. Miss ko na sya.


Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.


“I'm sorry sweetie. Sana maunawaan mo kung bakit ko kailangang gawin ito.” Bulong nya na nakaabot sa aking pandinig.


Nabalot ng liwanag ang aking silid.


Ang sunod kong nakita ay ang pag-angat ng katawan ng batang version ko patungo sa ere. Mahimbing pa rin syang natutulog.


May bumabalot sa kanyang isang sphere na gawa sa enchantment.


“Mom anong ginagawa mo??” tanong ko at gusto ko syang pigilan.  May kutob ako kung ano ang spell na ito.


Ito ang spell na bumura sa aking mga ala-ala.


“Mom! Please! Stop!” awat ko kahit pa isa lamang akong astral projection


“No Mom. Stop! Please Mom, don't do this.” Pagmamakaawa ko. Nakita ko na bigla syang lumingon sa direksyon ko.


Hindi ko alam kung narinig nya ko. Pero lumingon sya sakin.


“Charmaine.” Usal nya


“Mom?” tugon ko na nabigla sa nagyayari


“I'm sorry.” Saad nya


At naglaho na muli ang lahat.


Natulala na lamang ako sa muka ng lalaking may itim at putting buhok.


“Are you okay??” tanong ni Cancer


“It was Mom.” Saad ko


“Huh??” tanong nila


“It was Mom who sealed away my magic and my memories.” Saad ko


“What?? Why would the queen do that??” hindi makapaniwalang tanong ng lalaki


Hindi ako nakatugon.


“There has to be a reason.” Saad ni Piesces


Tumango ako bilang pagsang-ayon.


May rason si Mom.


Alam ko na mabigat ito para magawa nya sakin ang mga ginawa nya.


May iniiwasan syang mangyari.


She took away my powers and sealed it away. Sinigurado nya na hindi ko na ito mababawi pa. Dahil alam nyang mas matimbang sina Arren at Ate Crystal kaysa sa kapangyarihan ko.


The question is why and what could it be?


Masyado nang maraming misteryo na bumabalot sa aking buhay.


Sumasakit ang ulo ko.


“I have to go. Paano ako uuwi??” tanong ko


“If you can guess my name, then I can send you home.” Sagot ng lalaking nakasuot ng coat na gawa sa balat ng tigre


“Your name is Regis.” Sagot ko at agad nagningning ang kanyang mga mata


“N-n-naaala mo na ko??” maluha-luha nyang tanong


Masyado syaang mukang hopeful, yung mukang na-trap sa isang gumuhong gusali sa loob ng ilang linggo tas bigla nyaang nahanap ang liwanag, ganun yung muka nya ngayon. Ayoko sana syang saktan pero kailangan.


“Hindi. Pero alam ko na ang pangalan mo. Ikaw si Regis. Ikaw ang Celestial King. Yun lang ang alam ko.” Saad ko


“Yes Dragon Princess, I'am Regis. The Celestial King, ruler of Gantandi. But I'am also Rex, the God of all Celestial and Heaveny Bodies. At your service.” Nakangiti nyang saad sabay halik sa likod ng aking palad.


Napaawang ang aking mga labi.


“Until we meet again, my Princess.” Nakangiti nyang saad


Pagkurap ng aking mga mata ay nasa ibang lugar na ako.


“Charm okay ka lang??” tanong ni Javen


Nandito ako sa secret room ni Eclipse. Nakahawak ako sa doorknob. Huminto ba ang oras??


“Okay lang ba sya??” tanong ni Flay


“Masyado ba syang na-shock sa revelation ni Eclipse?” tanong ni August


Hindi ko sila pinansin.


Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.


Shocks.


I just met a god.


Regis. Rex.


The God of All Celestial and Heavenly Bodies.


And he's my servant.


~~~~~~~~




A:N: Hey folks! Lalo ba kayong naguluhan sa mga nangyayari?? Haha peace yow!
Sa phone lang po ako nagUD so as usual, walang dedic or mention, sarreh~
Typos, mispells, or whatever na mapapansin nyo is pagpasensyahan nyo na lamang po sana. Hopefully magtuloy-tuloy lang ang pace ng weekly update. Sa mga nagbabasa po ng isa ko pang story na kasabay kong sinimulang isulat, ang Another Life ay ongoing pa din po, hindi ko sya ioonhold kasi nagaattempt pa din naman akong magtype sa story na yun kaso nadidistract ako ng Witchcraft kaya wala pa din syang update until now. Pasensya na kayo.
And lastly, salamat po sa mga nageeffort bumoto at magkomento. Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsusulat. Di man po ako nagrereply sa comment, sana po alam nyo na napapasaya nyo ko sa positibo nyong pagtanggap sa kwentong ito. Maraming thank you po. Yun lang naman, ang haba na nitong epal kong author's note. Byeee~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top