Tale 3



Tale 3

Bachelor of Magic in Witchcraft

~Charm~


Bachelor of Magic in Witchcraft... Yan ang course ko..


Halos kakasimula pa lang naman ng school year so pinapahintulutan pa ng school ang transferees na tulad ko.. So kahit papano hindi ako masyadong pinagtutuunang pansin nung ibang mga estudyante.. Pero isa na talaga ako ngayong practitioner of magic..


Goodbye normal life.. T.T


"Artemis nakikinig ka pa ba??" dinig kong tanong ni Arren kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko..


"Ah.. Eh.. May sinasabi ka pa ba???" tanong ko kaya naman tinapunan nya ko ng masamang tingin..


"Sabi ko hanggang dito na lang kita masasamahan, nasa ikaapat na palapag nitong school ang girl's dormitory, at sa ikalima naman ang saaming mga lalaki.. May Restraining magic ang school na ito para pigilang makapunta ang isang lalaki sa girl's dormitory at ang isang babae sa boy's dormitory.. Once na umakyat ang isang babae sa hagdanan ng 3rd floor, mapupunta sya sa 4th floor.. Kapag sinamahan kita paakyat sa hagdanan na ito ng 3rd floor, sa 5th floor ako mapupunta.." saad nya


"Ok.." tanging sagot ko.. Gets ko naman kasi sya.. -.-


Sabi ni Arren kanina, may limang palapag ang school building, sa unang palapag ay ang mga estudyante na nag-aaral under the department of SMAW or the School of Martial Arts and Weaponry, ang mga courses na inooffer under ng SMAW ay Bachelor of Arts in Assasination, Bachelor of Arts in Thievery, Bachelor of Arts in Ninjutsu, at Bachelor of Arts in Rangery..


Bachelor of Arts in Assasination ang kinukuhang course ni Cobalt, so nasa unang palapag ang mga klase nya..


Sa ikalawang palapag ay ang department na tinatawag na COSBA or the College of Science and Black Arts.. Ang mga courses under COSBA ay Bachelor of Science in Alchemy, Bachelor of Science in Necromancy, at Bachelor of Science in Psionics..


Dito naman sa ikatlong palapag matatagpuan ang mga klase under ng department kung saan ako mapapabilang, ang DCM o mas kilala bilang Department of Crafts and Magic.. Ang mga courses under DCM ay Bachelor of Magic in Witchcraft, Bachelor of Magic in Wizardry, at Bachelor of Magic in Sorcery...


Sa ikaapat na palapag, tulad ng sinabi ni Arren, ay ang girl's dormitory, then sa ikalima ay ang boy's dormitory..


Kung nagtataka kayo kung paano nagkasya ang lahat ng ito sa iisang gusali lamang, well the answer to that is simple.. Our school building was once the royal palace of the Queendom of Ignis, yep Queendom and not Kingdom because in this land, the Queen is the dominant ruler and not the king.. Sabi ni mama sakin noong bata pa ako na naBored daw ang dating reyna ng kaharian na ito sa lumang disenyo nitong palasyo kaya naman nagpatayo sya ng mas marami pang palasyo, at di naglaon ginawang isang magic school ang palasyong ito.. And believe me, this place is huge...



Ok back to reality, tuluyan na kaming naghiwalay ng landas ni Arren, may klase pa daw kasi sya kaya pinapunta nya na lang ako sa magiging kwarto ko dito sa dorm para mag-ayos ng gamit.. Allowed ang pets dito sa dorm kaya naman pagkapasok ko pa lang ng pinto ay sinalubong na ko ni Snow..


"Hi Snow..." I tickled her under her chin and she yawned..


"Nagugutom ka na ba???" Tanong ko, Snow simply yawned once more.. Ipinaghanda ko lang sya ng gatas at saka inumpisahang ayusin yung gamit ko...


So heto ako at nagbubukas ng mga box para mag-ayos ng gamit.. May bigla lang akong naalala... Aurum Magique University is a magic school and a boarding school as well.. At sa pagkakaalam ko ito lang ang magic school ditto sa kaharian ng Ignis.. So ibig sabihin din ba, dito rin nag-aaral si Kuya Grey..????


Nakalimutan kong itanong kay Arren ang tungkol sa bagay na yun kanina... Sa pagkakaalala ko Bachelor of Magic in Sorcery ang kinukuhang coarse ni kuya Grey.. And unlike BM Witchcraft and BM Wizardry na four year coarse, six years ang pag-aaral ng Sorcery, 4th year na ngayon si Kuya Grey, ibig sabihin tatlong taon ko pa syang makikita ditto sa school..


Biglang bumukas yung pintuan, at sa sobra kong pagkagulat bigla ko na lang nabalot ang sarili ko sa invisibility cloak ko.. It was a reflex action.. Hindi man lang nag-flinched si Snow mula sa pag-inom ng gatas kaya naman tingin ko hindi masamang tao itong dumating..


May pumasok na isang magandang babae dun sa pinto, black ang kulay ng buhok nya tulad nung sakin at sobrang bagsak yun na parang pangkomersyal ng shampoo... She have a small face and an obsidian color of eyes..


Inilibot nya ang mata nya sa kabuuan ng silid, and then bigla na lang kumunot yung noo nya nung mapansin si Snow na umiinom ng gatas dun sa may sulok...


"I know Im not alone in this room.. Show yourself b!tc#.." irritable nyang saad sa... wait! I heard her voice inside my head..??


Naglakad sya papunta dun sa may comfort room kaya nakatalikod sya sakin ngayon and I grab that opportunity to remove my invisibility cloak...


"H-hi..." akward kong bati kaya napalingon sya sakin..


Tumaas yung kilay nya..


"You must be the transferee..?" tanong nya sa isip ko at bakit ang taray ng boses nya?? Galit ba sya??


"Yes, I'm Charmaine Artem—" she cut me off


"Whatever.. Charmaine is enough..Mine's Avril.. We're gonna be roommates from now on.." saad nya sa isip ko


Mukang hindi sya takot kay Snow.. Buti naman kung ganon..


"Ok.. Ahm this white tiger is Snow.. And Im a witch in training so—" she cut me off again


"Who cares..? Let me make this clear, we are just roommates, we will never be friends so enough talk ok..?" mataray nyang saad sa isip ko


Tumahimik na lang ako..


Huhuhu.. Ansungit ng bago kong roommate.. T.T


Humiga sya dun sa isang kama sa kabilang side nitong saakin.. Mukang nanggaling sya sa klase dahil nakauniform pa sya, at teka, white and maroon ang kulay ng uniform nya, meaning taga COSBA sya..? And since may psychic ability sya, siguro Bachelor of Science in Psionics ang course nya??? First year din kaya sya tulad ko???


Anyway, iisa lang ang uniform ng bawat department, pero ibaiba ito ng kulay.. Medyo kakaiba yung design ng uniform nitong school dahil sa totoo lang muka itong costume na isinusuot ni Card Captor Sakura.. Knee-length dress ito na hanggang wrist ang haba ng kamay, at may necktie.. Parang pang-cosplay na loli.. Militarygreen and white ang kulay ng uniform ng SMAW,



White and maroon ang sa COSBA,



At navy blue naman ang sa DCM.


Magtatakip silim na nung matapos ako sa pag-aayos ng gamit.. Natulog lang si Avril at hindi man lang nagmagandang loob na mag-ooffer ng tulong.. And come to think of it, Avril sounds like Gavriil, katunog ng pangalan nya ang pangalan ni Arren.. Mukang hindi nga kami magkakasundo...


The next day I woke up remembering a pair of mismatched eyes in my dream, that's all I can remember, the rest of my dream was a blur, I cant remember its details.. Weird.


Eight AM ang unang klase ko so 7:30 pa lang ay nasa room na ako.. Ayokong maLate sa unang araw ko dito..


"Hi!! Ikaw yung transferee tama????" tanong ng isang babae with a friendly smile..


"Ah.. Ahmm.. O-oo.." sagot ko... Waahhhh.. Bakit kasi super pretty nitong girl..? Muka syang princess mula sa isang fairytale.. Long blonde hair, greyish eyes, rosy white skin, and a kind face..


"Wow.. Ang ganda naman ng mata mo..? Electric blue.." mangha nyang komento habang nakatingin sa mga mata ko..


"Ahm.. Thanks.." saad ko


Hindi na ko naka-contact lense at salamin ngayon.. Nakasuot din ako ng sky blue hairband para magmukang presentable.. Sa lugar na ito kasi alam kong hindi ako magsstand out dahil lahat kami ay pareparehong may magic sa mga dugo..


"I'm Flay Eclipse Walker, from the city of love, the city of Dresrossa in the Kingdom of Aragon... But you may call me Flay.." nakangiti nyang pakilala


"Im Charmaine Artemis Clifford.." pakilala ko


"Clifford??? Are you from around this country??? Are you a citizen of Aureus..??? Kamag-anak mo ba ang legendary Witch of Carnage na si Cassiopeia Clifford..?" mangha nyang tanong


"Ahm.. haha.. S-siguro..?" awkward kong tugon... Actually Cassiopeia Clifford is my mom.. -.-


"Oh! Javen!! Roma!! Come here! Greet Charmaine! She's the transfer student!!" masigla nyang saad dun sa dalawang babaeng kadarating lamang sa room..


Ngumiti yung isa at nakipagkamay sakin nung makalapit sya.. "Hi Charmaine! I'm Javen Lambert, from the small region of Altea in the Kingdom of Uddara.." pakilala nung babaeng medyo tan ang kulay ng balat, green eyes at golden blonde ang kulay ng hanggang balikat nyang buhok...


"This girl is Briar Rose May Aeliana Cassia la Fere von Anhalt Alexus, the 8th princess of the Gorgonian Kingdom.. But we call her Roma short for Rose May, ang haba kasi ng name nya.. And don't worry, muka lang syang masungit pero kahit isa syang Amira, ang totoo mahiyain lang talaga sya.." natatawang pakilala ni Flay dun sa babaeng singkit ang navy blue na mga mata, may pale white skin, at pulang buhok..


Amira?? Ibig nyang sabihin prinsesa??? May mga terminologies talaga dito sa Aralon na kakaiba sa Earth.. Buti na lang twins ang Earth at Aralon, so halos iisa lang ang language na ginagamit dito at sa Earth..


I nod and introduce myself again.. Gusto kong ngumiti pero tama bang ngumiti sa kanila or mas tama bang tumango lang..? Arrggg.. Why do I have to be socially awkward?? Nandito na ko sa Aralon. I shouldn't feel out of place anymore.


Anyway, kung nalilito kayo sa mga pinagsasasabi nilang lugar, well let me share what I know..


Dito sa Aralon, may limang royal families na namumuno sa limang kaharian.. At ang mga pamilyang yun ay ang: Youngblood Family ruling the Kingdom of Wind, Ventus.. The Artemina Family ruling the Kingdom of Earth, Uddara.. The Aurum Family ruling the Queendom of Fire, Ignis.. The Alexus Family ruling the Kingdom of Water, Gorgona.. And the Romanov Family ruling the Kingdom of Dragons, Aragon... Nasa Queendom of Ignis ang Country of Aureus kung saan nakatayo ang Aurum Magique University kung nasaan kami ngayon...


"Hey Charmaine, can we call you Charm?? I think it's cuter and shorter that way..??" tanong sakin ni Flay


It's weird.. They kinda remind me of Aliya... Somehow that makes me feel a little more comfortable.


"Sure.." sagot ko


"Yehey! Friends na tayo from now on ok??" nakangiting anunsyo ni Flay at tumango naman yung dalawa..


Napangiti ako.. They're my first friends in this school..


~~~~~~~~~~


A/N: Hey guys! The pics are not mine. Galing lang sila kay bestfriend google so please don't sue me. And I hope you are enjoying the ride so far. Kung may napansin kayong mispells, etc. kindly inform me please. Thankie~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top