Tale 28

Tale 28
The Truth
~Flay~



Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag kung bakit humantong dito ang mga pangyayari.


Mag-isang nakipag-usap si Charm kay Headmaster kanina habang nagmimiryenda kami sa cafeteria. At ngayon ganito na ang nangyayari.


Kasalukuyang nagpapalitan ng mga pag-atake sina Headmaster Fridd at Charm.


Makapangyarihan ang mahika ni Headmaster Fridd. Dapat napabagsak nya na si Charm ngayon dahil estudyante pa lamang ito. Subalit tila hindi ganun ang sitwasyon. Hindi ko alam kung sino ang nakalalamang sa laban.


“Anong nangyayari??”


“Bakit sila naglalaban??”


“Is this a punishment challenge??”


“Hindi naman sila seryosong naglalaban diba??”


May ilang estudyante na lumabas ng school building upang matunghayan ang nagaganap na laban. Pilit iwinawaksi ng isipan nila ang pusiblidad ng katotohanan.


Charm is rebelling against the school.


That is the truth.


“Flay!!” narinig ko ang boses ni Louie amidst the chaotic battle.


Hinanap ko ang pinagmulan ng boses at nakitang papalapit sya kasama sina Jaden at Francis.


“Anong nangyayari??” tanong nya nang makalapit na sya ng tuluyan sa pwesto namin


Walang nakasagot sa kanyang tanong.


Seryoso ang muka ng mga kaibigan ko.


Tulad ko hindi din nila maunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito.


Nagsimula ang lahat sa Forsaken Island.


Ibinahagi saamin ni Charm ang tungkol sa pagiging  Pristesses nina Tanisha, Alivia at August. Sinabi nya na pinaniniwalaan ng mga Dragon Tribes na pinagmulan ng tatlo na isa syng dragon. Syempre tumawa ako ng madami kasi akala ko joke yung sinabi nya. Pero nung malaman kong seryoso sya, ang initial reaction ko ay matawa pa din. Natural lang na matawa ako. Impusible kasi. Pero syempre nagbago din ang isip ko after kong maalaala ang nangyari sa Forsaken Island. Kung paano biglang bumalik ang buhay ng isla matapos lumitaw ni Charm. Tulad ng alamat na pinaniniwalaan ng mga tao sa isla. They end up worshipping her. Nung gabi ng kaparehong araw ng pagdating namin sa isla, nagdiwang ang lahat at itinala na gagawin nilang taunang pagdiriwang ang araw na iyon. Tinawag nila ang gabing yun bilang Festival of Rebirth.


We left and headed to the Garden of Sirens. Isang sub-kingdom ng Gorgona kung saan namumuno bilang reyna ang mama ni Roma. Half human, half siren si Roma, nalaman lang namin nung nakarating na kami sa lugar nila.


Doon nagsimulang gumulo ang lahat.


Dahil nalaman namin na si Headmaster Fridd ang totoong rason ng nangyari sa mama ni Charm. Malapit naa magkaibigan ang mama ni Charm at ang reyna ng Garden of Sirens.Isiniwalat nito na si Headmaster aang nagpadala sa Witch of Carnage sa mission kung saan ito napahamak. Bumalik kami dito sa school para malaman ang totoo.. Syempre alam na din namin ngayon na nasa coma ang Witch of Carnage. Err. Alam ko magulo ang sequence ng narration ko. Sorry not sorry.


“Flay anong kaguluhan ito? Bakit nilalabanan ni Charmaine si Headmaster??” this time si Francis na ang nagtanong


Hindi pa rin ako nakasagot. Hindi ko na din alam kung ano ang tama.


Nagulat kaming lahat noong biglang nagyelo ang buong paligid.


Tumilapon papalayo si Headmaster Fridd.


Naglaho si Charm at muling lumitaw sa harap ni Headmaster. Teleportation Magic.


“Artemis tama na!” narinig ng lahat ang malakas na boses ni President Gavriil na kasalukuyang naglalakad palapit sa nangyayaring laban.


Walang naging reaksyon si Charm.


“Enough is enough Artemis! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” bulyaw ni president Gavriil


Agad akong nag-cast ng Enhancing Magic sa sarili ko. Pinatalas ko ang aking pandinig.


“Wag kang makialam dito Arren.” Malamig na banta ni Charm na hindi kami nililingon


“As if I can do that! You're out of your mind. Itigil mo ang ginagawa mo.” Tugon ni President Gavriil


Hindi nakinig si Charm. Sa halip ay may lumitaw na isang punyal sa kanyang kamay. Gawa yun sa yelo.


Nagsimula nang magkagulo ang mga estudyante.


Ang ilan ay nagtangkang makialam subalit nadiskubre namin na may harang na nakapalibot sa laban.


“Charmaine Artemis Clifford! You left me with no other choice!” saad ni President at saka mabilis na naglaho at lumitaw sa tabi ni Charm. Teleportation magic din yun.


Parang slowmotion ang mga nangyari.


Binitiwan ni Charm ang walang malay na Headmaster at saka mabilis na sinalo ang kamay ni President.


“Sinabi ko na wag kang makialam.” Saad ni Charm. Walang emosyon ang tinig nya. Pero kahit mula dito sigurado ako sa nakita ko. She's crying.


Maging si President ay natigilan.


“Alam mo ba kung ano ang ginawa nya??” tanong ni Charm


Hindi nakasagot si President.


“Sya ang may kasalanan ng nangyari kay Mama.. Tinanong ko kung bakit nya ginawa yun. At alam mo ba kung anong sinabi nya? Kailangang ligpitin lahat ng balakid sa Royal Families. Hindi na magigising pa si Mama.” Saad ni Charm. Singlamig ng yelo ang kanyang tinig pero para yung apoy na pumaso sa damdamin ko. Naiintindihan ko naa ngayon kung bakit galit na galit sya.


“Nauunawaan ko.” Saad ni President… “Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama.”


Binitiwan sya ni Charm. Nanatili lang nakatayo dun si President.


Napansin ko na papalapit na din ang ilang professors sa nangyayaring gulo.


“Tama na Ms.Clifford.” suway ni Prof Wanda


“Kalapastangan ang ginagawa mo!” dagdag ni Prof. Lionhart


“Just calm down young lady.” Saad naman ni Prof. Goldstein


“Ano ba kasing nangyayari? Bitawan mo muna si Headmaster at kausapin kami Ms. Clifford.” Saad naman ni Prof. Alana


Nagulat kami nang makita sina Tanisha at Alivia na humarang sa dadaanan ng mga professors.


“Get out of the way.”


“Mga estudyante ba kayo rito?? Bakit may bata? Kamag-anak ka ba ni Prof. Wanda?”


“Mga trespassers sila.”


“Hindi kayo maaaring dumaan.” Tanging saad ng batang si Alivia


Nagkatinginan kaming magkakaibigan.


Naunang kumilos si August na agad ding humarang sa mga prof. Agad kaming sumunod nina Javen at  Roma, pati na din si Avril.


“Anong ibig sabihin nito??” galit na tanong ni Prof. Lionhart


“Nagrerebelde ba kayo sa school?!”


“Ms. Lambert isa ka pa namang scholar! Maapektuhan nito ang grades mo!” banta ni Prof Adrianna.


Alam kong naapektuhan nun ang damdaman ni Javen. Pero nanatili syang tahimik.


“Labas sila dito.” Saad ni Charm


“Ang laban mo ay laban din namin.” Saad ko naman at tumango ang mga kaibigan namin bilang pag-sang-ayon.


“Hindi isang simpleng laban ang susuungin ko. Ang tadhana ko ay puno ng dugo at kamatayan. Ayokong madamay pa kayo.” Saad ni Charm. Alam naming nakikiusap sya.


“Kaibigan ka namin. Ano mang tadhana mayroon ka, tatahakin namin yun kasama mo.” Tugon ni August na ikabigla ng lahat. Sya ang palaging nagtutulak palayo kay Charm, kaya ang marinig ang mga salitang yun mula sa kanya ay lalong nakapagpasidhi sa aming desisyon.


“Tama sya. Ang Aurum Magique University noon ang tanging nakikita kong pag-asa para sa bayang pinagmulan ko. Pero mali ako. Marami pang ibang paraan para maging isa akong totoong witch. At yun ay ang sundan ka, ikaw aang babago sa mundong ito Charm.” Dagdag ni Javen, nakita kong sumulyap sya sa direksyon ng kanyang kakambal at humingi ng mahinang kapatawaran sa naging desisyon nya.


“Maraming salamat.” Saad ni Charm at nagsimulang maglakad patungo saamin.


Tiningnan ko si Headmaster Fridd at nakitang walang ibang ginawa si Charm sa kanya matapos nitong mawalan ng malay. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama. Yun ang sinabi ni President. At ito ang naging desisyon ni Charm.


“Kailangan na nating umalis.” Saad ni Charm


“Sa tingin nyo ay pahihintulutan namin kayong umalis ng ganun ganun lang??” tanong ni Prof Lionhart


“Matapos ang mga nangyari, pasensya na Ms. Clifford  pero hindi namin kayo mapahihintulutang umalis ng ganun kadali.” Saad ni Prof Alice


Nakita ko ang pagtalsik ng madaming dugo bago ko narinig ang sigawan.


May nakatarak na punyal sa palad ni President. Si Charm ang puntirya ng patalim.


“President!!” react ng  ibang mga estudyante


“Shet!” react ko dahil andaming dugo


Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Charm. Nagkatinginan sila ni President. Tila nag-uusap sila gamit lamang ang mga mata.


“Ayos lang ako.” Saad ni President at saka humarap sa direksyon ni Headmaster Fridd.


May malay na ito ngayon.


Hinayaan na sya ni Charm sa kabila ng kasalanang ginawa nya. Pero may lakas pa sya ng loob ngayong gawin toh? Nawala lahat ng natitirang respeto ko sa kanya.


“President Lockser do you know what you're doing??” tanong ni Headmaster


“I know exactly what I'm doing right now Headmaster. But how about you? Harming a student, engaging with magic battle with your student, trying to kill your own student. Are you not afraid of the consequences of your actions??” balik tanong ni President


Binigyan lamang sya ng isang nangkukutyang tingin ni Headmaster.


“Arren thanks for everything.” Sabat ni Charm na tila namamaalam


“If you leave, you will forever be named fugitives of the sacred law of Ignis.” Saad ni Headmaster Fridd


“Laws are never sacred. You will never be able to bind me. Or scare me with mere words alone.” Tugon ni Charm na kalmado pa din sa kabila ng napakaraming dugo na tumalsik sa kanya.


“You’re just like your mother.” Komento ni Headmaster Fridd


Tinalikuran na sya ni Charm without answering.


“…... Be careful Artemis.” Saad ni President na tila may ibaa pang gustong sabihin


Tumango lamang si Charm. Sumenyas ito sa amin na sumunod kami sa kanya.


Nakakailang hakbang pa lang ako noong marealized ko na nagbago ang kapaligiran.


Wala na kami sa Aurum Magique University ngayon.


Napaubo ako dahil sa kakaibang hangin na nalalanghap ko.


Maingay din ang paligid. Saka ko lang napansin ang ilang makinaryang sasakyan sa paligid.


“Hoy! Nagpapakamatay ba kayo?! Wag kayong humara dyan sa gitna ng kalsada!” bulyaw ng isang kutsero ng makinaryang sasakyan


“Pre mga foreigner ata. Mukang di ka naiintindihan.” Dinig kong saad ng isang lalaking nasa kabilang sasakyan.


“Let's go. Nakahara tayo sa gitna ng kalsada.” Saad ni Charm at agad kaming sumunod sa kanya.


“Ano ang mga makinaryang sasakyan na yun??” tanong ni Roma


“Jeep.” Tipid na sagot ni Charm


“How about that??” tanong ng batang si Alivia sabay turo sa mas malaking makinarya na may lulan na maraming tao.


“Bus.” Simpleng sagot ni Charm


“Ahm nasaan tayo??” usisa ko dahil may masama akong kutob matapos makita yung makinaryang tinawag ni Charm na ‘Bus'… Parang nakita ko na yun before? Sa K-drama at Anime na pinapanood ko noong highschool.


“Market-market.” Sagot nya


Nakahinga ako ng maluwag sa naging sagot nya. Grabe kinabahan ako dun! Akala ko nasa Korea or Japan na kami! Buti naman at mali ang hinala ko.


“Market?Market?” tanong ni Javen


“Isa ba itong pamilihan??” tanong ko habang nakatingin sa naglalakihang establishemento sa paligid. Parang napunta ako sa ibang mundo! Bakit ganito ang mga istruktura dito?? Medyo kinakabahan na ulit ako.


“Yes. Nandito tayo sa Market-market ng Taguig.” Sagot ni Charm na prenteng naglalakad habang para kaming mga bibe na nakasunod sa kanya.


Taguig?? Parang ngayon ko lang narinig ang lugar na ito..?


“Nasaang kaharian tayo ngayon??” tanong ni Tanisha


“Wala tayo sa Aralon.” Sagot ni Charm


“Huh??” react nila na nagtaka sa sagot nya. Pinanlamigan ako. May masama akong kutob.


“Nasa Earth tayo. Mas kilala nyo ang mundong ito bilang Gaia.” Tugon ni Charm


Natigilan kaming lahat sa narinig.


Shet. Sabi ko na nga ba.


~~~~~~~~



A/N: I will take a short break from writing. Iniinform ko lang kayo. Salamat po sa pag-unawa.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top