Tale 25
Tale 25
The Forbidden Island
~Flay~
Hindi ko mapaniwalaan ang nakikita ko..
Kasalukuyang nasa isang bakuran ng isang munting bahay si Roma at abala sa paghahalaman..
Anong nangyayari???
“Amira, magpahinga ka muna..” saad ng isang matandang babae mula sa loob ng bahay.
She address Roma as Amira, ibig sabihin alam nito na isa itong prinsesa. Kaya bakit nya ito hinahayaang magbungkal ng lupa???
Nagpasalamat si Roma pero pinili nitong ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
“Princess Briar!” nag-aalalang tawag ni Avril at agad nilapitan si Roma
Natigilan saglit si Roma at agad napatingin sa aming direksyon.
“Amira, anong ginagawa mo??” nag-aalalang tanong ni Avril dito
“Bakit kayo nandito??” nagtataka namang tanong ni Roma saamin
“Hinahanap ka namin! Akala namin ay kung napano ka na! Anong ginagawa mo dito???” balik tanong ko
“Amira mga kaibigan mo ba sila??” tanong ng matandang babae kay Roma
Tumango naman si Roma.. Sino kaya ang matandang babae???
“Amira anong nangyari?? Bakit ka nandito??” tanong naman ni Avril
“Mahabang kwento.” Tugon ni Roma
“Bakit hindi muna kayo tumuloy sa loob? Maliit lamang ang tahanan ko kaya naman pagpasensyahan nyo na lamang sana ito.” Anyaya ng matandang babae kaya nagkatinginan kami nina Javen
“Don’t worry.” Saad ni Roma at ibinaba ang hawak nyang asarol. Sinamahan nya kami patungo sa tahanan ng matandang babae.
***
“Mga pirata???” tanong ko at tumango naman si Roma
“I was on my way home. Nalaman ko na ipinapatawag ako ni Ina kaya naman agad akong umalis. Pasensya na at hindi na ako nakapagpaalam sa inyo.” Saad ni Roma
“So nadakip ka ng mga pirata habang pabalik ka sa kaharian nyo??” tanong ni August
“Hindi ka man lang nanlaban?? Mag-isa ka lang naglakbay sa karagatan??” tanong ko
“I tried. Pero dahil sa Game of Storms mahina pa ako. And yes, I was sailing alone. Nadakip ako at dinala dito sa isla dahil doon..” sagot ni Roma
“Then bakit ka naghahalaman sa labas??” tanong ko pa
“Hindi ako sinaktan ng mga pirata.. Dinala nila ako dito noong nalaman nilang isa akong mage.. Noong una hindi ko sila maintindihan, pero matapos kong makita ang kalagayan ng isla ay agad kong naintindihan ang gusto nilang mangyari. Kailangan nila ng tulong.” Sagot ni Roma
“Pero bakit paghahalaman??” tanong ni August
“Mahina pa ang magic ko. At kahit pa bumalik ang buong lakas ko ay hindi yun sapat para muling buhayin ang isla.. Mahirap ang bayang ito hindi dahil mahina ang agrikultura kung hindi dahil sa paniniwala ng mga tao na inabanduna na sila ng Gorgona.. Walang mage sa isla para tulungan sila.. Mahina ang mentalidad ng mga tao lalo pa at alam nilang inferior sila sa mga mage.. Kaya naman bilang isang mage, gusto kong ipakita sa mga tao na kung willing akong maglaan ng oras sa paghahalaman, bakit hindi din nila subukan??” saad ni Roma
“Ibig sabihin gusto mong ipakita sa mga tao na sila lang ang makakatulong sa mga sarili nila??” tanong ko
Tumango si Roma..
“Hindi ba at isa kang prinsesa?? Bakit hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo bilang isang prinsesa??” tanong ni August
“Don’t be stupid. Kahit isang Amira si Prinsesa Briar, wala syang ganoong klase ng kapangyarihan..” malungkot na saad ni Avril
“Noong una kong nakita ang kalagayan ng lugar na ito, naisip ko na balang-araw dapat may gawin ako. Balang-araw kapag may sapat na akong kapangyarihan at posisyon, tutulong ako at babalik sa lugar na ito. Pero noong isang gabi ay namatay ang asawa ni Lady Kanla dahil sa isang karamdaman at may napagtanto ako dahil dun. Kelan pa ang balang-araw??? Gaano karaming tao na ang namatay kapag dumating ang araw na iyon?? Huli na ang balang-araw.” Saad ni Roma at ramdam ko ang lungkot sa tinig nya.
Karaniwang tahimik lamang si Roma. May pagka-insensitive sya at kung minsan masyado nyang sineseryoso ang mga joke ko. Kung minsan naman, sya ang unang nakakaunawa sa isang sitwasyon. Kaya naman ang makita syang ganito ay lalong nakapagpalalim sa paghanga ko sa kanyang pagkatao. Kung magkakaroon ng bagong reyna ang kaharian ng Gorgona, si Roma ang pinakakarapat-dapat para doon..
Ngumiti ako.. “Okay naiintidihan na namin ang sitwasyon. Gusto mong tulungan ang islang ito gamit ang munting kapangyarihan na mayroon ka. At bilang mga kaibigan mo, tungkulin naman naming tulungan ka.” Saad ko
Mga mages kami, pero hindi kami mga diyos para maibalik ang buhay sa isla. Hindi namin kayang ibalik ang berdeng kabundukan, ang mga hayop, ang malinis na hangin, at ang malinis na tubig. Kailangan namin ng maraming oras at panahon para maisakatuparan yun. Sa ngayon mga munting tulong lang ang maibibigay namin, pero kahit ganun handa pa rin kaming ibigay ang best namin.
“Pero may kakaiba sa islang ito.” Sabat naman ni Tanisha at agad kaming napatingin sa kanya
“Ahm, Roma this is Tanisha, kaibigan ni Charm. Tanisha this is Roma, kaibigan namin.” Pakilala ko sa kanila. Medyo late ang introduction kasi ang totoo nakalimutan ko talagang ipakilala sila sa isat-isa.
“Anong ibig mong sabihin??” tanong ni Javen kay Tanisha
“She’s talking about the weird atmosphere of this place.. There’s an abundant amount of a familiar energy here. But it’s weird that there’s no mages ever born here.” Saad ni August
“What energy??” tanong ko dahil wala naman akong nase-sense na kakaiba sa lugar
“Are you perhaps sensing Dragon Energy??” tanong ng matandang babae na naghahanda ng tsaa. Maliit lamang ang bahay kaya naman nasa isang sulok lamang ang kusina ng bahay.
“Yes.” Tugon ni Tanisha
“Wait?? Kami lang ba ni Tanisha ang nakaka-sense nito??” tanong ni August at nagsitanguan naman kami.
Ngumiti si Tanisha kay August. “Like I said, we are the same.”
Wow. So totoo talaga yung about sa pagiging dragon priestess nilang dalawa???
“Lady Kanla ano po ang tungkol sa Dragon Energy??” tanong ni Roma
“May mga kwento dito sa aming isla. Hindi Forsaken Island ang pangalan ng islang ito noon, sabi nila tinatawag na Forbidden Island ang lugar, ang iba naman ay tinatawag itong Sacred Island of Dragons.” Saad ng matanda
“Forbidden Island?? Sacred Island of Dragons?? Ibig sabihin ang lugar na ito ang------” tanong ni Tanisha at agad natigilan.
“Anong meron sa islang ito Tanisha??” tanong ko
“According to the stories of my tribe, this place is the burial ground of dragons.” Saad nya
Burial ground???
Tumango naman ang matanda.. “Sagrado daw ang islang ito. At ang mga ninuno namin ay mga manlalayag ng karagatan na minsang sumagip sa mundo.. Sa totoo lamang ay wala na halos naniniwala sa mga kwentong ito, lalo na mula sa mga kabataan ng isla.. Sagana sa enerhiya ang isla, pero walang isinisilang na mage sa lugar na ito.”
“Napansin ko din po yun. Kung sagana sa enerhiya ang isla, bakit walang mage sa lugar na ito??” tanong ni August na napapaisip din. Pero sa totoo lang inulit nya lang naman ang sinabi ng matandang babae.
“Sabi sa mga kwento, mga manlalayag ng karagatan ang aming mga ninuno at hiniling nilang manatiling ganoon ang mga sumunod na henerasyon. Marahil para sa mga ninuno namin ay isa yung karangalan, pero para sa mga mamamayan ng isla ngayon, isa yung sumpa.” Tugon ng matanda
“So mga pirata po ang ninuno ninyo??” tanong ko
Tumango ang matanda bilang tugon..
“Bakit unti-unti na pong namamatay ang isla??” tanong ko pa
“May alamat sa aming isla na tanging mga dragon lamang din ang makakapagsalba sa aming bayan. Sinasabi na may isisilang na dragon na babago sa mundo. Pero wala nang mga dragon ngayon. Wala nang magsasalba sa isla. Yun ang dahilan kung bakit walang ginagawa ang mga tao dito kahit pa unti-unti nang namamatay ang isla.. Sumuko na sila.. Wala nang pag-asa sa mga puso nila.” tugon ng matanda
“Bakit ninyo iaasa ang kapalaran at kaligtasan ng isla sa isang alamat??? Hindi nyo man lamang ba susubukang iligtas ang mga sarili nyo??” tanong ni Javen
“Sinubukan na namin ija.. Pero kahit anong gawin namin, patuloy na namamatay ang isla. Hanggang sa sumuko na ang mga tao.” Saad ni Lady Kanla..
“Dragon lamang ang makakapagsalba sa isla?? Kung ganun, hindi dapat kayo mawalan ng pag-asa.” Saad ni Tanisha
“Nagmula ka sa isang Dragon Tribe tama ba ako?? Alam kong tulad namin ay naniniwala din kayong may darating na dragon na babago sa mundo. Pero---“ naudlot ang sasabihin ni Lady Kanla noong makita nitong nakangiti si Tanisha
Bakit sya nakangiti???
“Dumating na po sya..” saad ni Tanisha
“Ang presensyang ito..” narinig kong usal ni August at agad itong tumingin sa labas ng bintana.. “Charmaine..”
Nagulat ako noong maramdamang yumayanig ang paligid..
Earthquake???
Agad kaming lumabas ng tahanan ni Lady Kanla..
Nagulat kami sa nasaksihan..
Ang kaninang patay na lupa ay kulay berde na ngayon..
Hindi lamang yun, presko at sariwa na ang hangin.
“That’s weird?? This place felt familiar.” Dinig kong saad ng isang babae. May kasama itong bata na may brunnete na buhok.
“I think that’s because this place is the Sacred Island of Dragons.” Saad ng bata at nakatingala sya sa babae.
Itim na buhok.. Electric blue eyes.
Charm.
~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top