Tale 23
Tale 23
The Forsaken Island
~Javen~
"So you're saying she's in the Forsaken Island??" tanong ni Flay
"If your psychic friend's coordinates are accurate enough, then she's without a doubt in the Forsaken Island." Tugon ng kapitan ng Nauta II, ang pagmamay-aring barko ni Nero, ang third prince ng Gorgona Kingdom.
"I'am sure. I can't communicate with her telepathically because of the distance between us. But I'm sure about the coordinates of her whereabouts." Saad ni Avril
"May problema po ba kung nasa Forsaken Island sya??" tanong ko sa kapitan
Tumango ang kapitan.. "The Forsaken Island is a place of death and danger. People starved to death. The moral of the people is low because of the poverty eating away at the life of the island. It's a place where lawless criminals turn to when they have no place to go."
"This is a search and rescue operation. So it's normal that we'll be facing danger." Saad naman ni Flay
"Pero si Charm—" nag-aalala kong saad habang inaalala kung paano biglaang naglaho si Charm habang patungo kami sa Port of Omelar kagabi.
"Don't worry. She's safe." Saad ni Tanisha, yung babaeng bumulusok mula sa kalangitan kagabi.
"Hindi ko alam kung bakit tayo nagtitiwala sa sinabi nya." Sabat ni August at agad itinuro si Tanisha.. "Hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang isang ito. Dapat may nagpaiwan para hanapin si Charmaine!"
"Ice Priestess, ikaw higit sa lahat ng mga taong naririto, ang nakakaalam na mapagkakatiwalaan nyo ako." Sagot ni Tanisha
"Stop calling me Ice Priestess. Cause I'm not. What exactly is this game that you're playing?? Seryoso ang mga nangyayari! Knock the priestess-thing off!" naiinis na saad ni August.
Sa totoo lang hindi ko maunawaan kung ano yung tungkol sa paggiging priestess na sinasabi ni Tanisha.. Nagmula ba sya sa isang tribo?? O sa isang kulto???
Pero isang rason lang ang dahilan kung bakit ko pinaniwalaan ang mga sinabi ni Tanisha. Dahil naniniwala si Charm sa kanya. May alam si Charm sa mga bagay na sinasabi ni Tanisha.
"Tanisha I still don't get it. You're claiming to be a Wind Priestess. You call August an Ice Priestess. And you said Charm was taken by the group of the Earth Priestess??" tanong ni Flay noong kami na lamang magkakaibigan ang magkakasama dito sa may deck ng barko. Naglalayag kami patungo sa Forsaken Island.
Tumango si Tanisha.. "It's kinda complicated. But I'am telling the truth."
"She's not lying." Sabat ni Avril na mukang binabasa ang isipan ni Tanisha
"I don't get it.. Are priestesses mages too?? What are your purpose?? I never heard about any priestesses before..?" tanong pa ni Flay dahil ito ang unang beses na nalaman namin na may nag-eexists na tulad nila.
"It's really difficult to explain. There could only be five priestesses per generation. According to the stories of my tribe, priestesses are the first human magic users.. Our ancestors were apprentices of dragons." Tugon ni Tanisha
"Apprentices of dragons?? Such crappy-fairytales exists in your tribe??" sabat ni August
"They're not fairytales... You and I are the same. It's me who should be wondering why you're so clueless about your own history." Tugon ni Tanisha habang seryosong nakatingin kay August
"You're right. I'am clueless.. I was the heir of my tribe. I was the next tribe chief and the next tribe priestess. But my entire tribe vanished. I'm just a normal witch now." Tugon ni August na mukang naiinis na talaga.
Ahm. Medyo nagiging tense na ang atmosphere.
"Ok chillax lang kayo." Awat ni Flay
"Tama si Flay. Hindi ito ang oras para mag-away-away tayo." Dagdag ko naman
"Since Avril confirmed that Tanisha is telling the truth, I don't see why we have to further doubt her. So for now, why don't we just focus on the issue at hand? Roma is at the Forsaken Island. And if it's true that the place we are heading to is dangerous, we have to be prepared.." saad ni Flay
"She's right. Saving Princess Briar is our top priority at the moment. We cannot afford to lose anyone just because we didn't come prepared." Sang-ayon ni Avril
August crossed her arms pero hindi na ito nakipagtalo pa. Pinili namang manahimik ni Tanisha.
The journey at the sea lasted for hours.
The Forsaken Island is a bizzare place. The island is covered by thick fog. Without enough navigational knowledge, one will easily get lost within this seemingly endless fog.
"So this is the Forsaken Island??" usal ko
"I heard that the island is under the rule of the Kingdom of Gorgona. If Roma is out here, could it be pirates who took her??" tanong ni Flay
"Pirates are not common on the other kingdoms. But here in Gorgona Kingdom, they are the true rulers of the sea. They are a huge headache for the Royal Family.. So the possibility of pirates abducting Princess Briar is high." Tugon ni Avril
Dumaong ang aming barko sa isang liblib na parte ng isla... Ikinukubli ng hamog at malalaking bato ang barko kaya naman hindi ito kaagad madidiskubre ng mga naninirahan sa isla.
Napagdisisyonan na kami na lamang nina Flay ang lilibot sa isla dahil masyadong magiging kahinahinala kung maraming bagong muka ang makikita sa lugar.. Lalo pa at mahahalata mo agad sa aura ng kapitan na myembro sila ng royal army.. Ayaw sana ng kapitan na pahintulutan ang gusto namin, pero nanindigan kami.. Kahit mga estudyante lamang kami, nanindigan si Flay na hindi naman kami mahihina.. Ipinagbilin ng kapitan na agad naming ipagbigay alam sa kanya sa oras na may maengkwentro kaming panganib. Sumang-ayon naman kami.
Nagsuot kami ng mga roba upang ikubli ang aming mga sarili noong nagtungo kami sa pinakamalapit na kabayanan..
Pag-apak pa lamang ng aking paa sa lugar ay agad akong kinilabutan. Gawa sa mga pawid ang mga tahanan ng mga tao.. May mga batang naglalaro ng habulan, luma at sira ang mga kasuotan ng mga bata. Hindi lamang isa o dalawang tao ang nakita naming nanlilimos sa tabi ng daanan, marami sila.. Madumi ang kapaligiran at may nabubulok na amoy sa paligid na dinadala ng hangin patungo sa amin.. Kahirapan. Yan ang isinisigaw ng lugar.. Makulimlim ang kalangitan na lalong nakapagpalungkot sa lugar na ito.
Ibang-iba ang lugar na ito sa bayan na kinalakihan nina Flay. Masasabing isang masaganang lugar ang DresRossa. Habang ang lugar na ito ay lugar ng kahirapan.Hindi ako nagmula sa isang masaganang lugar tulad nina Flay. Isang munting rehiyon lamang ang Altea kung saan ako isinilang. Simple lamang ang pamumuhay ng mga tao doon dahil ilang dekada nang walang isinisilang na mage sa aming bayan. Kaya naman nang isilang ako na may mahika, itinatak na nila sa aking isip sa murang edad na ako ang nakikita nilang pag-asa para muling ibalik ang kasaganahan sa aming bayan.
Nang makita ko ang lugar na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman... Natatakot ako na ganito din ang sasapitin ng aking bayan sa oras na hindi ako magtagumpay na maging isang mage.. At naaawa din ako sa mga naninirahan dito. Ito ba ang rason kung bakit tinatawag na Forsaken Island ang lugar?? Pinabayaan ng kaharian ang lugar na ito. Tila tinalikuran at sinukuan na ito ng kaharian ng Gorgona. Naaawa ako sa mga taong naninirahan dito. Hindi makatarungan ang buhay na mayroon sila..
"Bakit tila tinalikuran na ng mundo ang islang ito?? W-wala bang mage sa lugar na ito??" mahinang tanong ni August
"Masagana ang mga lugar na biniyayaan ng isa o higit pang mage. Pero hindi lahat ng lugar ay mayroong mga mages. Isa ang lugar na ito sa mga hindi pinagpalang lugar." Saad ko
Nagmula ako sa isang lugar sa kaharian ng Udarra kung saan walang isinisilang na mga mages. Kaya naman noong nalaman ng lahat sa aming bayan na isinilang ako na may mahika, ibinuhos ng bayan namin ang lahat ng tulong na maaaring ibigay ng isang mahirap na bayan para makapag-aral ako at ang kakambal ko na may talento sa Alchemy sa Aurum Magique University. Yun ang rason kung bakit masyado akong seryoso sa pag-aaral. Pasan-pasan ko ang pag-asa na maiahon sa hirap ang aming bayan.
Hindi ako nobility tulad nina Flay, Roma, at Charm.. Kaya naman ako sa aming magkakaibigan ang pinakanakakaunawa sa hirap na dinaranas ng mga tao sa islang ito.
"Princess Briar." Usal ni Avril at agad natigilan sa paglalakad.
Natigilan din kaming lahat noong makita ang kalagayan ni Roma.
....
....
....
....
Nagbubungkal ng lupa si Roma gamit ang isang asarol..
....
....
....
"Sya ba ang taong ililigtas natin??" tanong ni Tanisha
Walang nakasagot sa tanong nya.
Anong nangyayari???
~~~~~~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top