Tale 21
Tale 21
The Wind Dragon Priestess
~Charm~
Natigilan ako nang makita si Kuya Grey.. Ibinaba nito ang dalang box sa isang table at saka nakangiting bumaling saakin.. Muka talaga syang anghel.. Kahit matagal ko na silang kilala, hanggang ngayon nagdududa pa rin ako kung magkapatid ba talaga sila ng balahurang si Arren..
"Long time no see Charm.. Hindi tayo nakapag-usap noong huli tayong nagkita.." nakangiti nitong saad.. Totoong hindi kami nakapag-usap noong araw na hinanap nila ko matapos akong madakip ng mga slave traders. Ang totoo iniwasan ko talaga syang kausapin dahil nahihiya ako sa kanya.. Inisip nya kayang mahina ako? Or inisip nyang ang tanga ko lang para madakip ng walang laban..?
"Kuya Grey hello.." tugon ko at pinilit ngumiti..
"I heard you participated in the Game of Storms.. Though I wasn't able to watch, congrats on winning.. As expected you're really strong.." saad nya sabay pat sa aking ulo... "Grabe ang laki mo na talaga ngayon.. Gaano katagal na ba noong huli kang bumisita saamin..?"
"Ahm mga apat na taon na din.." tugon ko.. Buong highschool life ko kasi nasa Earth lamang ako..
"Anong kailangan mo sakin Kuya??" sabat ni Arren
"Oh! Ito yung mga nawawalang gamit ng student council na ginamit last school fest.. Where should I put them??" tugon ni Kuya Grey
"Leave it there. Ako na ang bahala.." saad ni Arren saka muling bumalik sa pwesto nya kanina at muling nagsimulang asikasuhin yung mga papeles sa working table nya..
"Okay then.." nakangiting tugon ni Kuya Grey..
"Kuya about pala dun sa next mission natin-" saad ni Arren tapos tumingin ito sakin.. "Artemis bakit nandito ka pa?? May kailangan ka pa ba??" tanong nito sakin
Pinigilan ko na magsalubong ang aking mga kilay sa iritasyon kay Arren.. Sinasadya nya yun, pinapaalis nya na ko kahit pa ngayon lamang ulit kami nakapag-usap ni Kuya Grey.. Bwisit talaga sya..
"Wala na.. Aalis na ko.." sagot ko tapos ngumiti ako kay Kuya Grey.. "Mauuna na akong umalis kuya Grey.." paalam ko dito
"Eh?? Aalis ka na agad??" tanong nito saka bumaling sa kapatid.. "Gavriil bakit hindi muna tayo lumabas tatlo?? Let's have some coffee at the cafeteria.. Ang tagal na din simula noong huling nagkasama-sama tayong tatlo.." saad nito
He's really an angel.. *0*
"Next time na lang Kuya, busy ako ngayon.." sagot ni Arren kaya tinapunan ko sya ng masamang tingin..
"Hmm?? Then kami na lang dalawa ni Charm ang lalabas kung masyado kang abala.." nakangiti nitong saad..
Eh?? Kami lang dalawa?? Napangiti ako dahil sa saya.. Minsan lamang ito mangyari. Simula kasi noong mga bata pa kami, sa tuwing kasama ko si Kuya Grey palagi na lang sumusulpot si Arren at sinisira ang happy moments ko..
Narinig ko ang buntong hininga ni Arren kasabay ng paglapag nya sa hawak nyang ballpen..
Wait! Balak nya bang sumama?????? Subukan lang nya, magagalit na talaga ako sa kanya!
"Kuya tigilan mo ko.. Alam ko kung ano ang pinaplano mo.." saad ni Arren
"Hmm??? Wala akong pinaplano.." inosente nitong sagot
Anong problema nitong si Arren??
"Aisshhh.." naiinis na usal ni Arren saka ito padabog na tumayo mula sa working table nya... "I'll go okay?? Stop using her as bait.."
Natawa si Kuya Grey sa inasal ng kapatid habang ako naman ay naguguluhan sa mga nangyayari...
At bakit kasama sya?? Akala ko ba busy sya???
"Charm kumusta na pala si Tita Cassiopeia??" tanong ni Kuya Grey habang patungo kami sa cafeteria..
"She's still in a coma.. But she'll be okay.." tugon ko
"She's a strong woman. I know sooner or later magigising na sya.." saad ni Kuya Grey
Tumango ako bilang pag-sang-ayon.. Iyon din ang nararamdaman ko..
Kalalabas pa lamang namin sa main building ng school at patungo na sana sa direksyon ng cafeteria noong humahangos na lumapit sa akin si Avril, yung masungit kong roommate.. Hindi ko alam kung saan sya nanggaling dahil abala akong makipag-usap kay Kuya Grey, pero base sa itsura nya, mukang malayo pa ang pinanggalingan nya..
"Sandali lang Charmaine.." narinig ko ang boses nya sa isip ko kaya ibinaling ko sa kanya ang aking atensyon.. Ito ang unang pagkakataon na nilapitan nya ako para kausapin.. Madalas kasi nya akong dinededma kahit pa magkasama kami sa iisang kwarto..
"May problema ba??" tanong ko dahil bakas ang pag-aalala sa muka nya, ngayon ko lamang iyon nakita..
"Kaibigan ka ni Princess Briar hindi ba?? Magkaklase kayo at nakita kong magka-grupo kayo noong sumali sya sa Game of Storms last friday.." saad nya
Briar??? Hmm?? Kung hindi ako nagkakamali si Roma ang tinutukoy nya??
"Oo kaibigan ako ni Roma.. Bakit mo tinatanong??" tanong ko
"Hindi kita gusto pero dahil kaibigan ka ni Princess Briar kailangan kong hingin ang tulong mo.." sagot nya
"Sandali lang, anong relasyon mo kay Roma??? At bakit mo ko hihingian ng tulong??" tanong ko
"Wala akong oras magpaliwanag.. Nasa panganib ngayon si Princess Briar.. Wala akong ibang mahihingian ng tulong.. Alam kong malakas ka, tulungan mo akong iligtas sya.." sagot nya
Nasa panganib si Roma??
Agad akong napatingin kina Arren at Kuya Grey na nagtatakang nakatingin sa akin.. Hindi nila naririnig ang boses ni Avril.. Marahil nawe-weirduhan sila sa pagsasalita ko mag-isa..
"Kuya Grey pasensya ka na next time na lang ako sasama sa inyo.. May importante lang akong kailangang gawin.." paalam ko
"Anong problema??" tanong ni Kuya Grey
"Ahm hindi ko pa rin alam.. Pero kailangan ko nang umalis.." tugon ko at tumango naman si Avril bilang pagsang-ayon..
Bago pa ako tuluyang makaalis ay nahuli ni Arren ang aking braso.. "You are planning to do something stupid again, aren't you??"
"I'm not planning anything.. I'll talk to you after this.." saad ko at saka hinila ang aking braso mula sa pagkakahawak nya.. I felt uncomfortable noong makita ko ang pag-aalala sa mga mata nya..
"Artemis sandali lang.." pigil nya pero nakalayo na ako kasunod si Avril.. Mabuti na lang at walang naging komento si Avril sa mga nasaksihan nya..
Hindi ko maintindihan si Arren.. Madalas nya akong awayin kaya hindi ako komportable kapag masyado syang nag-aalala sakin..
***
"Nasaan ba si Roma ngayon??" tanong ni Flay noong mahanap namin silang dalawa ni Javen sa dorm..
"I'm not sure.. I had a vision, something bad is going to happen to her.. Before I got the time to warn her, I received news that she already left to return to Gorgona Kingdom.." sagot ni Avril, ngayon ko lamang narinig ang boses nito.. And I'm really amazed by her precognitive ability as a psychic..
Sa mga oras na ito ay patungo kami sa labas ng school.. Sinabi ni Avril na sinubukan nyang magpaalam kay Headmaster na payagan syang hanapin si Roma pero hindi sya pinayagan nito at sinabing ipagbibigay alam na lang nito sa Alexus Family ang pusibleng mangyayari.. Pero hindi mapanatag si Avril kaya gumamit sya ng Clairvoyance, isang psychic ability na similar sa tracking magic, nalaman nyang sa ibang direksyon patungo si Roma kaya kinutuban na sya ng masama at hindi nya na ito matrack ngayon..
"I'm her royal protector, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya ipinagbigay alam sa akin ang pag-alis nya.." reklamo ni Avrill..
It turns out that Avril is from Gorgona, same with Roma. And Avril is the King's scholar.. She's able to attend this school because of Roma's father.. And in return, Avril with her precognitive ability, is tasks to protect Roma from possible dangers..
"Paano pala tayo pupunta sa Gorgona??" usisa naman ni Javen
"Kailangan natin ng masasakyan, pero hindi ba ninyo kayang mag-teleport na lamang??" tugon at tanong saamin ni Avril
"Avril tao lamang din kami.. Kahit gustuhin namin hindi namin kayang gawin yan.." tugon ni Javen
"Pero don't worry, nagawan ko na yan ng paraan.." saad ni Flay
Anong ibig nyang sabihin??
Nasagot ang tanong ko noong matanawan ko si August sa labas ng mataas na gate ng school..
"Thanks for your cooperation.." bati ni Flay kay August
"Don't mention it.." tugon ni August
"August sasama ka??? Hindi ba masyadong mapanganib para sayo ang lumabas ng school??" tanong ko kay August
"I can say the same thing to you." Tugon nya lamang
"Sigurado ba kayong gagawin nyo ito ngayon?? Preliminary exams na ngayong Wednesday to Friday.. If you missed that, you have to ace the remaining examinations in order to pass this semester.." saad ng lalaking kasama ni August
Eh?? Hindi ba si Nero ito?? Yung kapatid ni Roma??
"It's okay... Roma's safety is more important right now.." tugon ni Flay
"Paano kung false alarm lamang ito??" tanong ni Nero
"Okay lang din.. At least Roma is safe.. Kailangan naming gawin ito, she's our friend.." tugon ko
Tumango si Nero saakin.. "If it's you, I have nothing to worry about, you will surely succeed.. Pero hindi ko alam kung ano ang pusibleng gawin sa inyo ni Headmaster sa oras na makarating sa kanya itong gagawin nyo, but I will try my best to find an excuse for you all.. And although that girl is only my half sister, I hope she's safe.." tugon nya
"I prepared this horses for you.. If you leave now, you will reach the Port of Omelar by tomorrow morning.. From there you must find my ship that will take you anywhere you request, I already sent messages to my crew so you won't have troubles in your journey in the sea.." saad pa ni Nero
Agad kaming sumakay sa mga kabayo na iprinovide ni Nero..
"Thank you.." saad ko at tumango sya..
"Safe travels Ms. Charmaine.. At sa inyo rin.." saad ni Nero at nakita kong nagtagal ang tingin nya kay Avril na hindi sya binigyang pansin..
***
Hindi pangkaraniwan ang mga kabayo dito sa Aralon. They don't have wings or horns unlike a Pegasus or a unicorn. But what makes them special is their lightning speed. Plus they are several times more intelligent than Earth's regular horses. Kaya nga kahit ilang libong milya ang layo ng bawat kaharian sa isat-isa, madali lamang lakbayin ang mga ito kung may ganito kabilis na kabayo.
Pero sa totoo lang, sa sobrang bilis nitong sinasakyan kong kabayo ilang beses na akong muntik makabitaw at tumulapon. Hindi komportable ang pagsakay sa ganito kabilis na kabayo. A mountain-like pressure keeps on weighting me down. And the wind, oh, the wind is as sharp as lightning against my face! Ang sakit sa muka! Mabuti na lamang at matalino itong kabayo at sya ang nag-aadjust para sakin. Plus I'm a mage, I won't fall off just because of that.
And eversince we left the school, my instinct is screaming danger. May mga matang nagmamatyag sa amin. Hindi ko alam kung napansin yun ng mga kasama ko pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Ilang beses ko na ring nahuhuli si Avril na sumusulyap saakin dahil marahil nababasa nya sa isip ko ang panganib na nararamdaman ko kanina pa.
Malalim na ang gabi at nasa kalagitnaan pa lang kami ng aming destinasyon noong mapagpasyahan namin na magpahinga sandali sa tabi ng isang lawa na aming nadaanan.
Bakas ang pagod sa muka ng lahat. Mabilis pero mapanganib na uri ng paglalakbay ang ginagawa namin lalo pa at halata na ngayon lamang din sila nakapaglakbay ng ganito kalayo sakay sa mga kabayo. May ilang makinaryang sasakyan tulad ng kotse dito sa Aralon, pero kalesa o karwahe ang karaniwang uri ng transportasyong panlupa dito. That way, hindi mo mararamdaman ang mala-bundok na pressure at ang matatalas na hangin na dulot ng mala-kidlat na bilis ng mga kabayo. Pero kung gagamit kami ng kalesa ay babagal ang ginagawa naming paglalakbay, hindi yun option para saamin dahil sinusubukan naming habulin at hanapin si Roma sa pinakamabilis na paraan.
Tahimik kaming kumakain ng isda na inihaw namin sa apoy kung saan kami tahimik na nakapalibot ngayon. Walang nagsasalita miski isa saamin.
Tahimik ang paligid at tanging ang mga dahon lang sa mga puno ang naglalakas loob na bumasag sa katahimikan habang isinasayaw sila ng banayad na hangin. Kalmado rin ang lawa na tila salamin na lumalarawan sa kalangitan na puno ng mga bituin na nakapalibot sa dalawang buwan. The atmosphere is actually very serene and surreal.
Tila wala kaming hinahabol habang tahimik kaming kumakain at bumabawi ng lakas.
Pero hindi rin nagtagal ang katahimikan at kapayapaang iyon.
May malakas na pagsabog na biglang umalingawngaw malapit sa amin. Tila isang bulalakaw ang bumulusok sa lugar kung nasaan kami. Nagliparan ang mga ibon na nabulabog ng matinding ingay. Lahat kami ay naalerto dahil sa nangyari.
Mula sa usok na bunga ng pagbagsak ng tila bulalakaw na bagay ay may pigura na unti-unting nagiging malinaw.
Isang babae.
Mayroon itong malaking palaso na sukbit sa likuran na syang unang nakapukaw sa aking pansin. Pagkatapos noon ay ang dugo sa balikat, tagiliran at bibig ng babae ang sunod kong napansin, huli ang maganda nitong muka. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay pamilyar sya.
"O-okay ka lang??" hindi napigilang tanong ni Javen noong makita ang kalagayan ng babae, pero dahil sa mga nangyari ay walang nagtangka na lapitan ito.
"Sino ka??" tanong naman ni August, completely cautious
Nagtagpo ang mga mata namin ng babae. Sa kabila ng nakakabahala nitong kalagayan, bumakas ang tuwa sa mga mata nito nitong makilala ako.
"L-lady Charmaine, I'am Tanisha, this generation's priestess of the Oryuu Vilage, paying my respect to the Dragon Princess." Magalang nitong pagbati sabay bow kahit halata na nahihirapan ito. At noong binanggit nya ang Ooryuu Village ay saka ko lamang na-realized kung bakit tila pamilyar sya saakin. Ang kasuotan nya ay mula sa Dragon village sa Ventus Kingdom.
Agad akong lumapit para alalayan sya noong makitang umubo sya ng dugo at tila nahihirapan nang manatiling nakatayo.
"Princess pasensya ka na kung hindi kita personal na nabati noon. I-I was in a secluded t-training back then so I didn't know that you were there." Paghingi ng paumanhin ng babae
"It's okay, hindi mo kailangan humingi ng paumanhin. Right now you need immediate medical attention." saad ko naman. Hindi ko mapaliwanag kung bakit, pero I can feel a certain connection with her kahit ito ang una naming pagkikita. Tulad ito ng naramdaman ko kay Lady Anaya noon. Isang magaan na pakiramdam.
"Kilala mo sya??" naguguluhang tanong ni Flay at agad nya akong tinulungan sa pag-alalay sa babae. Hindi ako nakatugon dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang isang sitwasyon na kahit ako ay hindi ko rin maunawaan.
"P-princess I fly here as fast as my powers would allow me to d-deliver this news to you. Princess my entire tribe was annihilated. The village is no more. And Grandma, the previous priestess is gone." Emosyonal na saad ng babae na tila nagmamakaawa sa akin na isalba ko sila.
Tila naman may kumirot sa puso ko noong marinig ang sinabi nya. Wala na si Lady Anaya.
"Princess you are our last hope. Please. Please save us." Saad ng babae bago tuluyang mawalan ng malay.
Hindi ko alam kung anong gagawin.
Parang kahapon lang ang tanging iniisip ko ay kung kailan kaya magigising si Mom at kung anong mangyayari kung mabulgar sa buong school ang tungkol sa totoo kong katauhan.
Subalit ngayon, matapos kong malaman ang mga bagay na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong paniwalaan, tila may napakabigat na pasanin sa aking likuran na pilit akong hinihila pababa.
~~~~~~~~~~
A/N: Merry Christmas everyone! I hope you're enjoying the ride so far! Marami pang exciting events na paparating so just relax and enjoy. Happy Holidays! Ciao~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top