Tale 20


Tale 20

The Calm Wind Is Fading

~Charm~


"Hi freshman! Congrats! You were awesome during the game!"

"You were so cool freshman! Congratz!"

"Can I have your authograph?? Everyone says that you're the Witch of Miracles.."

"Hey freshman! Congrats! Give me a high five!"

"Kyaa! I'm a fan! You were so so cool during the game!"

Agad kong binalot ang sarili ko sa invisibility cloak ko... Lahat kasi ng mga nakakasalubong ko dito sa hallway ay binabati ako.. Muka naman silang mababait, pero pwede bang wag na lang nila akong pansinin??

Lunes na ngayon.. Hindi ko pa ulit nakikita sina Roma after nung game.. Makaka-attend kaya sila ng klase ngayon?? Maaaring nagpapahinga pa sila hanggang ngayon dahil sa game nung Friday..

Unlike last time, hindi ako nakaramdam ng pagod even after using big spells during the game.. I'm several folds stronger than before.. Sa palagay ko, yun ay dahil sa sinabi ni Lady Anaya na leak sa seal ng magic ko.. Sa tingin ko totoong naka-seal nga ang magic ko. Hindi ko lang alam kung bakit at kung sino ang may kagagawan nito... At hindi ko rin alam kung sino ang dapat konsultahin ukol dito..

I removed my cloak when I arrived at our assigned room for our Summoning magic class...

"Charmaine!!!" masiglang salubong saakin ng mga kaklase ko

"Congrats!! Ang galing mo during the game!!"

"Congrats! Akala ko talaga mahina ka! Pero ang cool mo last Friday!!"

"True! Pede mo ba kaming i-tutor minsan!"

"Oo nga! Turuan mo kami nung mga ginamit mong spells!!"

"Oy oy oy! Tigilan nyo nga si Charm.. Matapos nyo syang maliitin noon, ang kapal muks nyo naman para umarteng close sa kanya ngayon.." asar na sabat ni Flay na lumitaw sa gilid ko.. "Tara na nga Charm.." tapos hinila na ko ni Flay patungo sa usual naming mga upuan..

Nadatnan ko doon sina Javen at Roma na prenteng nakaupo..

"Ok na ba kayo??" tanong ko sa kanila pagkaupo ko sa pwesto ko

"It's been two days.. I'm fully recovered now." Sagot ni Roma

"I'm okay. All I did last time was to support you so I didn't overexcert my magic.." tugon naman ni Javen

"Ako okay lang. Though gusto ko pang matulog kaso ayokong umabsent.." sagot naman ni Flay

"Ikaw ang gusto naming kumustahin.. Ok ka lang ba?? Sobra yung ginawa mo last time.. Fully recovered ka na ba ngayon??" tanong ni Javen

Tumango ako.. "Im okay.."

"Pero Charm nagulat talaga kami sa ginawa mo last time.. Alam kong hindi ka mahina. Pero hindi ko akalain na ganun ka kalakas.." saad naman ni Flay

"Hindi ba ganun din naman kayo? Maganda ang mga naging laban nyo.. Tsaka ang totoo nyan nag-aaral ako ng magic noong bata pa ako.. Pero itinigil ko yun because I lost interest.." saad ko

"You lost interest??" naguguluhang tanong ni Javen

Tumango ako.. "Masyado akong na-pressure ng sobrang expectations sakin ng mga tao.."

"Well kung ako ang pamilya mo, talagang magiging mataas ang expectation ko sayo.. Your talent is terrifying.." komento ni Flay

Nagulat ako noong biglang umupo si August sa bakanteng upuan sa tabi ko.. Kakadating nya lamang..

"You." Saad nya at saka ako tinapunan ng masamang tingin..

Ah??? Galit ba sya?? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya??

"During the test with the Heaven's Stone, I remembered that your magic is just a white light.. You're supposed to be weak.. Bakit at paano mo nagawa ang mga nagawa mo last Friday??" tanong nya, at hindi ako komportable sa tonong ginamit nya saakin..

"August wag mong awayin si Charm.." saway ni Flay

"Can't you see?? She's hiding something from you." Tugon ni August na halatang hindi natutuwa sa pagpanig saakin ni Flay..

"Everyone have secrets.." simpleng saad ni Roma na abala na ngayon sa libro nya

"Tama si Roma.. Ang pinakanakakapagtaka sa test na yun ay yung naging result nung sakin.. Kaya bakit si Charm lang ang inaaway mo??" saad naman ni Javen

"Wag kayong mag-away.. About that test. I think I already understand why I have that result.." sabat ko

Napatingin sila sakin...

"Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko naka-seal ang magic ko.." saad ko

"What??? Teka lang Charm. Paano mo nasabi yan? Hindi ba at ang lakas lakas mo during the game??" tanong ni Flay

"I don't think that's all I can do.. Noong nahuli ako ng mga slave traders last week, I fought with a strong sorcerer.. Pero mas malakas na ako ngayon kaysa noong mangyari yun. I met a priestess in an old village who said that my magic is sealed and now there is a leak in that seal so I'm still growing stronger.." Kwento ko

Hindi ko alam kung bakit muka silang nagulat sa sinabi ko.. Masyado bang nakakabigla na naka-seal ang magic ko??

"W-wait! Nakipaglaban ka sa isang totoong sorcerer??" hindi makapaniwalang tanong ni Flay

"Kaya ka ba nila nahuli?? Malakas ba sya?? Nasaktan ka??" tanong naman ni Javen

"I think he's an experienced sorcerer.. Pero don't worry, nanalo ako laban sa kanya.." tugon ko

"Tao ka ba Charm?? Or may lahi kang sprites?? Bakit ang lakas mo?? At tsaka bakit ngayon ka lang nag-open up ng tungkol sa mga nagyari??" react ni Flay

"Sorry.. Baka kasi ma-weirduhan kayo sa sitwasyon ko.." tugon ko

"Pero bakit ka malakas?? At paano mo nagamit yung malakas na ice spell ng tribe namin??" tanong ni August

Hindi ako nakasagot agad.. Paano ko ipapaliwanag na ang dahilan ay ice ang totong natural attribute ko?? At tsaka si Mom ang master ko kaya kung ano-anong malalakas na spell ang itinuro nito saakin noon..

Pero ito na ang pagkakataon kong sabihin ang totoo sa mga kaibigan ko..

"May sasabihin akong importante.. Pero kailangang sa atin lamang ito.." saad ko at saka nag-cast ng isang restriction spell na bumalot sa aming lima na tila isang maliit na dome na hindi nakikita ng mata... With this restriction magic, lahat ng mapag-uusapan namin ay hindi maririnig ng mga nasa paligid namin..

"Did you just casted a restriction magic right now??" tanong ni Roma noong mapansin ang ginawa ko.. Isang simpleng tango lamang ang itinugon ko sa kanya..

"Sobrang classified ba ang pag-uusapan natin?? Paano pagbiglang dumating si Prof Alana? Mabibitin ang usapan natin.." saad ni Javen

"Don't worry nasa faculty pa sya.." saad naman ni Roma na mukang gumamit ng tracking magic..

"Ok ok.. Spill the beans now.." saad ni Flay

"First of all this is top secret.. Pinagbawalan ako ni Headmaster na sabihin ito sa ibang tao pero dahil may tiwala ako sa inyo, gusto kong ipagtapat sa inyo ang totoo.." saad ko at okay lang naman sigurong sabihin ko ito sa kanila dahil mga kaibigan ko naman sila diba?

"Sigurado ka bang pati sakin gusto mong sabihin yan??" sabat ni August

"Kaibigan ka na namin ngayon kaya kasali ka.." saad ko at mukang nabigla sya sa sinabi ko.. Hindi na lang sya sumagot pa..

"Ang totoo nyan, hindi water ang totoong natural attribute ko, isa talaga akong ice mage tulad ni August.." saad ko

"Huh?? Kaya ba nahirapan kang mag-cast ng water spell dati?? Pero bakit mo kailangang isekreto iyon??" tanong ni Flay

"Wait lang, ibig mong sabihin magkamag-anak tayo??" tanong naman ni August

"Hindi ko alam kung magkamag-anak tayo August.. At para sagutin naman ang tanong ni Flay, ang totoo nasa panganib ang mga ice mage na tulad namin ni August.." sagot ko

Tumango naman si August.. "Totoo iyon.. Hindi ako nobility tulad nyo, pero ang dahilan kaya ako nandito ay dahil sa tulong ni Headmaster Fridd.. Dinadakip ng mga Travelers ang mga ice mage tulad ng ginawa nila sa buong pamilya ko kaya nasa panganib din ako.."

"Travelers?? Paano ka nakaligtas??" tanong naman ni Flay kay August

"I was out hunting alone noong mangyari iyon.. Noong bumalik ako sa bayan namin, wala akong nadatnan na kahit sino.. Ilang araw akong nanatili doon hanggang sa may dumating na mga tao at dinala ako dito.." tugon ni August

Siguro yung secret elite team nina Arren ang nagdala sa kanya rito..?

"Ang hindi ko maintindihan ay kung anong kailangan nila sa mga ice mage.." dagdag pa ni August..

Yan din ang gusto kong malaman..

"Roma! Roma! Pinapatawag ka daw ngayon ni Headmaster Fridd sa office nito.." nadinig kong saad ng isa naming kaklase at agad tumayo si Roma..

"I'll be back.. Ituloy natin itong usapan pagbalik ko.." simpleng saad ni Roma at saka lumabas..

"Eh? Bakit kaya sya pinapatawag ni Headmaster??" tanong ni Flay

"Ok class please settle down..." saad ni Prof Alana na kadadarating lang.. Agad naman naming sinabi na ipinatawag ni Headmaster si Roma kaya wala ito ngayon.

***

"Hindi pa rin bumabalik si Roma?? Asan na kaya sya?? Lunch na oh. Gutom na ko.." saad ni Flay habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.

"Oh! Kayo yung mga freshman na nanalo sa game last Friday diba?? Congrats!" bati nung isang lalaking nakasalubong namin

"Naging super popular tayo dahil sa game.." komento ni Javen at napabuntong hininga naman si August na mukang hindi rin natutuwa sa atensyon na nakukuha namin ngayon.

"Oy! Si president yun oh!" saad ni Flay at agad akong siniko sabay itinuro si Arren na makakasalubong namin ngayon..

Hindi nag-iisa si Arren.. May kausap syang ilang mga estudyante habang may pinipirmahang mga papeles.. Masyado syang abala bilang student council president..

Ni hindi man lang sya sumulyap saamin noong makasalubong namin sya..

Psh.. Edi sya na ang busy..

"Oy oy! Charmaine!!!" dinig kong tawag ni Jin na kasama pala nya.. Nilingon ko ito at nakita kong nakangiti ito saamin..

"Congrats! Ang galing mo last Friday!! Sayang hindi mo nakita kung gaano ka-proud si Gavriil sayo noong napanood nya ang laban m--- ouch! Ouch! Sandali lang bro! Ang pikon mo naman eh!" reklamo ni Jin noong pikutin ni Arren ang tenga nya..

"May kailangan pa tayong tapusing trabaho.." saad ni Arren habang hinihila si Jin sa tenga

"Pero hindi mo ba babatiin man lang ang crush mo- ouch! Este girlfriend—aray aray!! Wait lang! Titigil na ko! Bitiwan mo na ko.. Masakit sa tenga! Huhuhuhu" reklamo ni Jin..

Napailing na lang ako sa ginagawa nila.. Hindi ko maintindihan kung bakit iginagalang sila ng mga tao sa paaralang ito..

"Artemis mag-usap tayo mamaya.." saad ni Arren na hindi man lang lumilingon..

Wala naman kaming kailangang pag-usapan..

"Naks.. Luma-lovelife ka na talaga ngayon Charm!" masayang saad ni Flay noong makalayo na sina Arren

"Si Arren at ako??? Impusible yan.." tanggi ko.. Hindi ko ma-imagine.. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako..

"Ano bang ayaw mo kay President??" tanong ni Javen

"Everything.." sagot ko

Hindi ko maiintindihan yung expression ng muka nila sa naging sagot ko...

"Anyway, ano palang gagawin natin dun sa mga Earth Stone na napanalunan natin??" tanong ko

Hindi naman kasi namin yun mapapakinabangan sa ngayon dahil ang mga batong iyon ay ginagamit lang laban sa mga earth elementals gaya ng mga golems at gnomes.. Mas kapakipakinabang iyon para sa mga seniors or juniors na malapit nang magtapos, maari nila iyong gamitin kapag nag-aapply na silang sumali sa mga guild na gusto nilang pagtrabahuhan after graduation.. Hindi siguro nila naisip na may pusibilidad na may manalong freshmen kaya naman meant for seniors ang papremyo..

"Hmm?? Pwede kaya tayong makipagtrade ng nakuhang premyo sa team nina Nero?? Mas may pakinabang kasi satin yung healing potion na napunta sa kanila.." suggest ni Javen

"I don't know.. Sigurado akong galit sila sakin ngayon dahil sa ginawa ko sa kanila noong game.." saad ko matapos maisip ang pusibilidad na iyon.. Napasobra kasi yung ginawa ko.. Nagalit kasi ako sa ginawa nila kay Cobalt dun sa game..

Natigilan kami sa paglalakad noong mapansin na lahat ng tao sa loob ng cafeteria ay nakatingin saamin pagpasok pa lang namin sa pintuan...

Anong problema nila???

"Uh oh.. Nandito rin sina Nero diba?? Baka maipit tayo sa gulo.."

"I smell trouble.."

Napatingin ako sa isa pang grupo ng mga tao na papalapit sa amin ngayon..

Yung grupo nina Nero.. Yung nakalaban namin sa last round ng game..

"Speak of the devil.." pabulong na saad ni Flay saamin

Hindi ko maintindihan ang expression sa mga muka nila.. Galit ba sila sakin??

"Hello freshmen." Bati nung pinaka-leader nila, si Nero.

"Hello seniors!" nakangiting tugon ni Flay

Kahit pa nagngingitian sila, hindi ko pa rin maiwasang hindi mangamba..

Napuno rin ng tension ang paligid.. Tila kapareho ko ng nararamdaman ang mga taong nakapaligid saamin at nanonood sa mga nangyayari..

Bumaling ng tingin sa direksyon ko si Nero at ngumiti ito saka marahang inilahad ang kanyang kamay..

Gusto nya bang makipag-handshake??? Hindi ba sya galit sakin??

Nag-aalinlangan kong tinanggap ang kanyang kamay.. Pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari..

Maging ang mga taong nakapaligid saamin ay napasinghap at nagulat..

Nag-bow si Nero saka marahang hinalikan ang likod ng aking palad..

Natigilan ako sa ginawa nya...

"You have earned my respect.. May I know your name young lady??" nakangiti nitong saad

Kumunot ang noo ko.. Hindi ko gusto ang atensyon na ibinibigay sa amin ngayon ng mga tao..

Lahat ng mga tao pinapanood kami.. Alam kong isa syang prinsepe.. Pero isa lang akong ordinaryong nobility. Anong trip nya sa buhay?? Kulang ba sya sa pansin???

Agad kong binawi ang aking kamay mula sa kanya..

"Ah mawalang galang na, pero mukang hindi gusto ni Charm ang ginagawa mo.." sabat ni Flay

"Charm??? Her name is Charm??" tanong ni Nero

Tiningnan ko sya ng masama.. Hindi ko gustong may ibang tao na tumatawag sakin sa pangalan na mga kaibigan ko lang ang gumagamit..

"It's Charmaine to you.." saad ko

Muka namang naintindihan nito ang disgusto sa tinig ko..

Ngumiti ito.. "So it's Charmaine then.."

"Miss Charmaine." Saad ng isa sa kanila at tumango naman yung iba bilang pagsang-ayon

"Ah, sorry for the late introduction Miss Charmaine.. I hope you are familiar as to who I'am.. My name is Nero, third prince of the Gorgona Kingdom.. This man is Vladd, and this is Leos, and that one is Kyle and the last one is Levi.. You have proved your power so we will be your loyal supporters from now on.." dagdag ni Nero

Loyal supporters???

"Hindi nyo kailangang gawin yu-" naputol ang sasabihin ko noong excited na sumabat si Flay..

"Charm is very honored to have you guys as her loyal supporters.." –Flay

Huh??? Nagtataka akong tumingin kay Flay pero nginitian nya lamang ako..

"The honor is ours.." ngumiti si Nero at saka magalang na nagpaalam

"Wait! Wait! Wait!" pigil ni Flay sa mga ito

"May kailangan si Charm mula sa inyo.." saad ni Flay

Tumingin sakin yung limang lalaki.. Hindi ko rin alam kung anong sinasabi ni Flay kaya hindi ako tumugon..

"You see, Charm badly wants that magic potion that you received as prize for the game.." saad ni Flay

Oh?? So it's about that..? Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Flay..

"Hmm?? Then we will give it to you to prove our loyalty." Tugon nila

"No, I actually want to trade it with the earth stones that we have.." saad ko

"Woah?? Sigurado ka ba Miss Charmaine?? Those stones are rare gems.." hindi makapaniwalang react ni—ahh? Sino nga ulit sya?? Ipinakilala sya kanina ni Nero.. Sya ba si Vladd?? Levin?? Or Tristan?? Or Leon?? Helia? May binanggit ba syang Helia?? Ah. I can't remember..

"Yes I'm sure.. Let's trade.." tugon ko na lang.. Hindi ko na kasi maalala ang mga pangalan nila.

"If you really want the potion then we will give it to you without expecting anything in return.." saad ni Nero

"Wait lang Nero, sayang naman yung mga earth stones.." saad nung isa pa na hindi ko rin maalala ang pangalan.

"I said we will trade." Saad ko

Bumuntong hininga si Nero.. "Fine, if you insist young miss.. But we will only take half of them. Those stones are rare gems, you may think that they are not needed now, but surely you will find them useful in the future.."

Napatango ako sa naging tugon nya.. Inaasahan kong tatanggapin nya lamang itong mga bato.. Pero hindi.. He's not as greedy as I thought.. Hindi naman pala sya ganoon kasama..

My opinion of him has improved a little..

***

"As you all know Celestial magic is considered as the most challenging type of magic. Unlike summoning magic, you have to form a deeper connection to celestial beings in order to summon them. Summoning magic is a temporary contract between a mage and a magical creature while Celestial magic is a permanent contract between a mage and a celestial being." Paliwanag ni Prof Adrianna

"Prof Adrianna ibig nyo po bang sabihin parang familiar ang mga celestial beings??" tanong ni Corrine, isa sa mga kaklase ko.

"Not exactly. Familiars are witches' other halves. They were born when a witch is born. A celestial being is not. They are creatures that form contracts with mages. So even wizards and sorcerers can perform celestial magic.." tugon ni Prof Adrianna

"The only similarity between a familiar and a celestial being is their origin. Both of them are not from Aralon. They have their own worlds. Familiars are from a world called Andina. Celestials are from Gantandi." Dagdag pa ni Prof Adrianna

"Ang tinutukoy nyo po ay ang apat na mundo?? Mundo ng mga aatamis, ang Gaia. Mundo ng mga familiars, ang Andina. Mundo ng mga Celestial beings, ang Gantandi. At mundo natin, ang Aralon..?" tanong ni Flay

"Yes, that is correct Ms. Walker." Tugon ni Prof Adrianna

"Mayroon ding tatlong uri ng celestial beings. Celestial Spirits ang tawag sa pinakamataas na uri ng celestial beings, they are powerful magic users, labingdalawa lamang sila at sila ang pinakamalakas sa uri nila. According to legends, the combined power of the twelve Celestial Spirits is equivalent to dragon magic. Then mayroon namang mga Celestial Beasts, sila ay mga nilalang na nakakagamit din ng magic, muka silang mga holy beasts. Then ang pinakahuli ay ang mga Celestials, sila ay mga pangkaraniwang magic users, muka silang mga anghel." Saad pa ni Prof Adrianna

"Then totoo po ba na mayroong Celestial King??" tanong ni Javen

Natahimik si Prof Adrianna sandali.. "Sa totoo lang simula pa sa panahon ni King Lucas Romanov wala pang nakakakita sa isang mage na nagawang i-summon ang isang Celestial King. Hanggang ngayon pinagtatalunan pa rin ng mga eksperto kung totoo nga ba ang existence nito. Iilan lang din sa buong kasaysayan ang mga mage na nagawang i-summon ang mga Celestial Spirits. Kung totoo nga na mayroong Celestial King, hindi ko masasabi kung gaano ito kalakas dahil mas mataas ang posisyon nya sa labindalawang Celestial spirits."

***

Kakatapos lang ng klase ko sa Conjuring at Celestial magic at hindi pa rin bumabalik si Roma.. Nag-aalala na kami.. Pero sabi ni Flay baka daw nasa dorm lang ito.. May hindi ako magandang pakiramdam.. It's as if the calm wind is fading away. And a storm is slowly brewing.. And do you know what's more odd? Hindi ko na muli makausap ang Familiar ko.. Weird right?

Anyway agad akong nagtungo sa kalapit naming classroom na sa pagkakaalam ko ay room ng mga wizards in training.. Gusto pa sana akong samahan nina Flay pero pinili ko na lang mag-isa dahil for sure aasarin lang ako ng mga iyon.. *sigh* Hindi ko alam kung bakit sila natutuwang itambal ako sa balahurang si Arren..

At hindi ko rin maunawaan kung anong trip ni Arren sa buhay, wala naman kaming dapat pag-usapan pero heto ako at hinahanap sya..

"Ahm, excuse me. Nandito ba ngayon si President Lockser???" tanong ko dun sa isang babae na papalabas ng room..

"Fangirl ka ba nya?? Sorry hah, pero hindi ka pagkakaabalahan ng oras ni Gavriil.. He's too high profile." Mataray nitong sagot

Ah?? Naaasar ako. Napagkamalan pa akong fangirl..

"I'm not a fan.. Wala ba sya ngayon dyan??" tanong ko pa din at sinubukang silipin ang loob ng room nila pero hinarangan ako nitong babae..

"Wag ka ngang makulit.. Walang oras si Gavriil para sa mga fans nya.." saad nito

"Oy Kana ano yan?? May fans nanaman bang naghahanap kay president??" tanong ng isang babae na lumitaw mula sa loob..

"Yeah.. This girl is annoying." Sagot nitong babae

"W-wait! Hindi ba ikaw yun?? Yung freshman na witch na tumalo kina Senior Nero sa game???" tanong nitong isa pang babae

Hindi ako sumagot.. Bakit ba kahit saan ako pumunta may isa o dalawang tao na nakikilala ako agad..?

"Wala ba dyan si President ngayon??? Pwede bang pakisabi na hinahanap ko sya.. Salamat." Saad ko at saka sila tinalikuran bago pa man nila ako usisain about the game..

Sakto namang pagtalikod ko ay may tao pala kaya nabangga ako dito..

"Oy! Charmaine!! Hinahanap mo ba si Gavriil??" tanong ng isang masiglang boses.. It's Jin..

"Vice President kilala mo ba sya??" tanong nung mga babae

"Oo naman! This is Charmaine! Girlfriend ni Gavriil.." masayang tugon ni Jin na ikinalaglag panga nung dalawang babae..

"Hindi nya ko girlfriend.." kontra ko naman pero hindi nya pinansin yung sinabi ko.

"Hinahanap ka rin kanina ni Gavriil.. Nasa student council room sya ngayon.." saad nito

"Ano bang kailangan nya?? Wala naman akong naaalalang dapat naming pag-usapan.." tanong ko

"Baka magtatapat na sya ng pag-ibig nya sayo.." nakangiti nitong sagot

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.. "Mangilabot ka nga.."

Agad syang natawa sa naging sagot ko.. "You are truly an interesting fella.."

"And you are a weird person.." sagot ko

"Ahahahaha kung hindi ka lang type ni Gavriil for sure ide-date kita.." saad nya

"Hindi ka nakakatawa.. Hindi ko talaga alam kung bakit ang dami nyong tagahanga.." saad ko at ngumisi lang sya..

Nagpaalam na ko kay Jin at agad nagtungo sa ibinigay nyang direksyon..

Dinatnan ko na mag-isa si Arren sa student council room.. Agad nyang ibinaba ang hawak nyang pen, inayos ang suot nyang salamin at humarap sakin noong makita ang pagdating ko..

"Hindi mo sinabi kung saan kita pupuntahan.. Nahirapan akong hanapin ka.." reklamo ko at agad naupo sa sofa malapit sa working table kung nasaan sya..

"Are you stupid? Ako dapat ang maghahanap sayo dahil ako ang nagsabing mag-uusap tayo.." tugon nya

Sinimangutan ko sya.. Nakakainis talaga ang taong toh.. "Anong kailangan mo sakin? Wala naman akong naaalalang dapat nating pag-usapan.."

"Are you okay?? Hindi mo naman siguro sinobrahan ang paggamit mo sa magic mo noong game diba??" tanong nya

"Are you my mother?? Pfft.. I didn't, so don't worry, I'm okay.. Mas malakas na ako kesa sa dati.." sagot ko "Kung kakamustahin mo lang ako sana ginawa mo na lang kanina.." dagdag ko pa saka tumayo para umalis na sana..

"Artemis." Pigil nya sa pag-alis ko at nakita kong tumayo sya mula sa kinauupuan nya..

"May sasabihin ka pa ba??" tanong ko

Lumapit sya sakin at nakita kong sumeryoso ang muka nya.. "Balak kang isali ni Headmaster Fridd sa elite group na binuo nya."

"Elite group?? Yung grupo nyo nina Jin??" tanong ko

Tumango sya.. "It's a secret group of talented students of this school that teams up with powerful mages.. Ipinapadala kami sa mga delikadong mission sa loob at labas ng Aralon.."

"Ahm okay lang bang sabihin mo sakin yan?? Hindi ba dapat classified yan??" tanong ko

"Makinig ka.. Wag kang sasali sa grupo namin.." saad nya at ewan ko kung bakit mukang naiirita na sya sakin gayong wala naman akong ginagawang masama..

"Teka lang. Nag-aalala ka ba sakin?? Mas malakas na ko ngayon, kung sa tingin ni Headmaster na karapat-dapat akong maging myembro ng grupo nyo, bakit kailangan kong tumanggi???" tanong ko

"Nasa panganib ang buhay mo.. Hindi ko alam kung bakit gusto kang isali ni Headmaster sa grupo namin kahit alam naman nyang hinahanap ka ng mga Travellers.." saad nya

"Pero mas malakas na ko ngayon.." paalala ko sa kanya

"Akala mo lang yan.. Oo nga hindi ka kayang tapatan ng mga ordinaryong mages, pero paano yung mga mas malakas?? Kung sasali ka sa grupo namin hindi tayo makakasigurado kung palagi mo kong makakasama sa mga magiging mission mo.. Paano kung mapahamak ka??" tanong nya at medyo tumataas yung boses nya.. Bakit ba sya nagagalit??? Halos magkaharap na kami ngayon kaya naman nakatingala na ko sa kanya..

"Fine. Hindi ako sasali.. Bakit ka ba nagagalit??" tugon ko na may kunot-noo..

Bumuntong hininga sya..

"Kasi manhid ka." Sagot nya saka ako tinalikuran..

"What?? Hindi ako manhid.. At anong kinalaman nun??" nagtataka kong tugon

"Hey little brother, pwede mo ba akong tulungan na—" may dumating na isang lalaking may dalang box at natigilan ito noong makita ako.. "Eh?? Charm?? Naistorbo ko ba ang pag-uusap nyo??" tanong nito

Parang natuyo bigla ang lalamunan ko.. "Kuya Grey.."


~~~~~~~~~~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top