Tale 18



Tale 18

Player versus Player

~Circe~


[Muli tayong nagbabalik para sa second round ng Game of Storms!!!]


Namayani ang masayang sigawan ng mga tao.. Habang patuloy naman ako sa pagnguya sa kinakain kong popcorn..


"Hindi ako makapaniwala na aabot sina Flay sa second round.. Excited na ko sa laban nila.." saad ng katabi ko.. Nginitian ko lang sya.. Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko.. Marami akong kasama pero wala akong kaibigan kahit isa. Loner? No. Mataas lang ang standards ko sa pakikipagkaibigan..


Hindi ko rin inaasahan na tatagal sa laban sina Flay.. Nagulat nga kaming lahat na kasali pala sila.. Kaklase nya kami kaya alam kong may talent sya, ganun din si Roma. Pero mukang silang dalawa lang ang nagdadala sa grupo.. Maganda yung pinakita nilang team work kanina. Pero alam naman ng lahat na mahina lang si Javen, lalo na si Charmaine, ni hindi nga nya magawang i-summon ang familiar nya.. Tapos idagdag mo pang late enrollee yung isa nilang kasama.. Sigurado na akong hindi na sila makakalusot sa round na toh. Tsaka kanina ko pang naririnig sa mga nakapaligid saming sophomores na mas mahirap daw ang round na toh.


[This round is called PVP or Player versus Player. In other words, a one on one battle.. Ubusan ng players. Ang player na mananalo ang lalaban sa susunod na player ng natalong team. Maaaring ipasa ng nanalo ang laban sa teammate nya, pero hindi na sya maaari pang mag-laro matapos yun. Ang unang grupo na mauubos ang player ang syang talo.. You can't kill your opponent. But you can knock them cold. The winner of this round will proceed to the finals! So go all out!....]


[... Good luck and enjoy the game.. So ano pa ang hinihintay natin?? Let the game begin!!]


Napuno ng hiyawan ang lugar noong pumasok ang apat na team sa arena..


May isinet-up na dalawang magkahiwalay na ring sa gitna ng arena..


Mukang sabay na maglalaban sa magkabilang ring ang apat na team..


Mula sa dalawang big screen ay makikitang nag-uusap-usap ang bawat grupo.. Marahil ay nagdidesisyon na sila kung sino ang una at huling isasabak sa laban.


Naki-cheer ang mga kaklase ko.. I just rolled my eyes in secret.. Uhg. Why is this school so barbaric?? Can't they have a less dangerous event?? And gods! These people were actually enjoying this?! Para silang mga uncivilized people! Eww! I can't believe a noble birth like me is watching a barbaric show with this savage people! Ugh!


"Mapapagalitan nanaman tayo ng mga senior natin dahil tumakas tayo sa meeting.." narinig kong convo mula sa may likod ko


"I have to see this!!" sagot nung kausap nya


Noong lumingon ako ay agad kong nakilala yung nag-uusap.. Sina President Lockser at yung kaibigan nya, si Prince Jin.. Mukang kadarating lang nila.. Pinagtitinginan din sila ng ibang mga estudyante..


"Huh. So nakapasok pala talaga sya sa second round??" komento ni President


"Nice! As expected sa girlfriend mo.." tumatawang saad ni Jin


"She's not my girlfriend.." seryosong saad ni President


Uh? Di ba nila alam na may nakakarinig sa kanila??? Hindi ko type si President, sa totoo lang kung papipiliin ako sa kanilang dalawa, baka si Jin ang piliin ko kasi prinsepe sya. Pero impusibleng maging kami.. In short, I'm not interested in them in that way. Pero since sikat silang dalawa hindi ko mapigilang hindi makinig sa conversation nila about sa babae ni president.. For sure magiging issue nanaman toh.. Sino kaya yung tinutukoy nila?? Mukang kasali sa game yung babae..?


"Pero seryoso Bro, lagot talaga tayo. Hindi ko inaalala si Grey, pero kay Attina siguradong pulbos tayo.." saad ni Jin


Nanlamig ako nung marinig ko ang pangalang Grey..


Sigurado akong si Arres Grey Lockser ang tinutukoy nila.. Nabalitaan kong nakatatandang kapatid sya ni President Gavriil.. Ang alam ng lahat mabuting nilalang ang taong yun. Mayumi. Maamo. Isang anghel.. Pero kung alam lang nila. Ugh. Isinusumpa ko ang lalaking yun!! Kinikilabutan talaga ako! Huhu


"Don't worry about that. Ako na ang bahala..." sagot ni President


"Kahit sabihin mo yan hindi pa rin mapapanatag ang loob ko.. Pero since laban ito ni Charmaine, curious din ako sa kung anong kaya nyang gawin.." sagot ni Jin


Wait? Charmaine??? As in si Charmaine na kaklase namin??


"She's powerful.. I just need to confirm how powerful." Saad ni President na nakatingin sa big screen


"Bro wag mo kong dinadaan sa mga palusot mo.. Nag-aalala ka lang sa girlfriend mo.." biro ni Jin


"Like I said, she's not my girlfriend. At hindi rin ako nag-aalala para sa kanya. Mas nag-aalala pa nga ako sa magiging kalaban nya.." tugon ni President


I don't think si Charmaine na kaklase namin ang tinutukoy nila.. She's weak after all.. Hinintay kong may sabihin pa ulit sila.. Pero tumahimik na sina President. Noong lumingon ako nakita kong naka-focus na ang atensyon nila sa screen..


Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa nangyayaring laban..


Sa isang ring ay naglalaban ang isang member ng team ng mga senior wizards na nagmula sa department namin laban sa team na mula sa SMAW, I think team iyon nina Cobalt Lockwood, yung hottie na rumored adopted child ng kilalang Witch of Carnage.. Habang sa kabilang ring naman ay ang team nina Flay laban sa grupo ng mga senior witches mula din sa department namin..


Mukang madali lang matatalo sina Flay sa round na toh.. Anong magiging laban nila sa seniors namin?? Kung as a team baka may pag-asa pa sila. Pero one on one ito!


Si August, yung late enrollee naming kaklase, ang unang umakyat sa gitna ng ring.. Nakikipaglaban sya ngayon kasama ang familiar nyang isang white wolf..


Balita ko sya ang huling ice mage mula sa north.. Her entire clan vanished. Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila. Bigla na lang silang naglaho.. Walang makapagsabi kung buhay pa ang mga ito or kung hindi na..


And as expected, ice magic ang ginagamit nya.. Malakas naman sya. Pero kulang pa sya sa kaalaman. Senior Witch na ang kalaban nya, at mas marami itong nagagamit na uri ng spells kaysa sa kanya.. Pero alam nyo ba kung anong nakakagulat?? Sabay silang bumagsak ng kalaban nya after nilang magpalitan ng mga atake..


[Whoa! Ano ito?? Isang draw mga kaibigan!! Ngayon lamang ulit ito nangyari sa game! After ng naging mainit este malamig na laban ni Arista Redfox ng DCM sa freshman ice witch na mula rin sa kaparehong department, isang draw ang naging resulta ng laban nila!!!]


"Sya yun diba? Yung ice mage??" narinig kong tanong ni Jin


"Yeah. Sya yung ice mage na yun." Sagot ni President


Eh?? Anong pinag-uusapan nila??


[Trololol~ Sa kabilang ring, si Kyle Liori Rivaille naman mula sa DCM ang nanalo laban kay Ashley Vanderwood ng SMAO!!] announce nung DJ kaya nabalik ang atensyon ko sa arena..


Si Flay ang sunod na umakyat sa ring..


"Si Flay na ang lalaban!!" excited na saad ng mga kaklase namin


Flay Eclipse Walker. Anak sya ng isang kilalang baron mula sa City of Dresrossa.. Sa totoo lang hindi ko gusto ang pagkatao nya. Masyado syang makatwiran.. Feeling superhero.. Yung mga taong tulad nya ang unang namamatay sa totoong buhay... Pero I admit, she's talented kaya nga hindi ako nagulat noong milagro nyang natalo yung kalaban nya... Halos mapatayo ang mga kaklase namin sa tuwa..


[Holy guacamolie! Totoo ba ito?? Saan nanggaling ang mga freshman na ito??? Una draw, ngayon naman isang panalo!! The freshman from DCM miraculously defeated Henrietta Seam, her senior from DCM!!!!!!]


Umalingawngaw ang sigawan at cheer ng mga tao..


Sinwerte lang si Flay. She's talented pero nanalo lang sya dahil mukang pagod na din yung kalaban nya.. Sampung minuto lang silang nakapagpahinga after ng first round..


Masyado ko silang minaliit.. Ang hindi ko alam, may mga mangyayari sa laban na ito na makakapagpabago sa mga opinyon ko..


***


~Flay~


It was a miracle.. Wala na akong sapat na lakas para lumaban.. I already consumed most of my mana.. I could only use simple spells from now on..


"Flay you should rest.." narinig kong saad ni Roma mula sa baba ng ring..


"Flay pagod ka na.. Ako na lang ang lalaban.." saad ni Charm


"No. Leave this to me.." kontra ni Roma


"I'm okay.. Kaya ko pang lumaban.." saad ko


Pero wala na akong nagawa noong umakyat na sa ring si Roma..


"Magpahinga ka muna.." saad ni Roma


Tumango ako at saka bumaba sa ring..


[Woahhhhh!! Totoo ba itong nakikita ko?? It's Princess Briar Rose May Alexus!! Ngayon ko lang napansin na kasali sya sa kompetisyon na ito!!]


"Thanks..." saad ko kay Javen noong magchant sya ng isang recovery spell..


"Will she be okay?? Her mana is already low.. I should have gone up there instead.." nag-aalalang saad ni Charm


"It's okay Charm.. Roma's magic is strong.." saad ko


Malaki ang tiwala ko kay Roma.. Dahil sa lahat ng freshmen na nakasalamuha ko, isa sya sa may pinakamalakas na magic, not to mention she's been studying magic since birth..


Nag-umpasa ang laban ni Roma.. Magkakasunod na atake ang ginawa ng kalaban nya. Kombinasyon iyon ng ilang lightning type magic at conjuring magic. Pero hindi ito naging mabisa laban kay Roma.. Mabilis nyang naiiwasan ang mga pag-atake ng kalaban nya.. She used enhancing magic on her legs and calves.. Para syang lumilipad sa bawat matataas na pagtalon na ginagawa nya.. Roma counter attack using a fire type magic.. Her opponent was too busy trying to catch her, huli na noong napansin nito ang isang fire ball na lumilipad patungo sa direksyon nito.. Her opponent was sent flying off the ring..


Napangiti ako.. Mabilis ang naging laban.. Nanalo si Roma..


[Woahhhh!!!! The princess of Gorgona Kingdom wins!!]


Umakyat ang sunod na makakalaban ni Roma sa loob ng ring.. Isa itong matangkad na babae..


Hindi pa man nagsisimula ang laban ay ramdam na agad ang tension.. Mukang malakas ang isang ito..


Noong magbigay ng senyales ang referee na simula na ang laban ay agad sumugod ang matangkad na babae.. Sunod-sunod na sipa ang ibinigay nito na agad namang naiwasan ni Roma..


Gumagamit din ito ng enhancing magic!


Nang makita ng babae na hindi mabisa ang mga pag-atake nya ay agad syang umatras..


Muling nabuhay ang excitement sa mga manonood nang makita ang mainit na laban..


Sa ikalawang pagsugod nito ay sinubukan nitong gumamit ng isang roundhouse kick. Agad iyong nabasa ni Roma kaya umatras ito saka nag-cast ng isang wind magic.. Agad tumilapon ang kalaban..


Muling nagsigawan sa tuwa ang mga manonood..


Agad nakabawi ang kalaban. Muli itong sumugod kay Roma. Nagpalitan ang dalawa ng kombinasyon ng mga suntok at sipa. Sa bawat pagsugod ng kalaban ay nakakaganti si Roma. At sa bawat pag-atake naman ni Roma ay may naisasagot din ang kalaban nya..


Kinakabahan ako.. Mukang malakas itong kalaban nya..


Noong maghiwalay sila ay pareho silang hinihingal dahil sa naging palitan nila ng atake..


[Holy mother of raspberries!!!!!!! Tingnan nyo mga kaibigan! Sa kabilang ring ay may nagaganap ring isang mainit na laban!! Ang kilabot na si Cobalt Lockwood ay kasalukuyang nakikipagpalitan ng pag-atake laban kay Leos Vinn Scarlet ng DCM!!!!!]


Napuno ng malakas na tili ang arena.. Mga fangirls ni Cobalt Lockwood.. Psh.. Alam kong hot sya pero ang OA ng mga fans nya..


Thud


Napabalik ang pansin ko sa laban nina Roma noong napansin ko na natumba ang isa sa kanila...


[Ohoho~ Muli ay nanalo ang prinsesa ng Gorgona Kingdom!!! At napaka ganda ng ipinakita nyang laban!! She won by a knock out!]


Nag-cheer ang mga tao...


Maging kami ay proud na napangiti..


Nanalo ulit si Roma!


"Okay ka lang ba?? Kaya mo pa bang lumaban???" tanong ni Javen kay Roma


Lumingon ito sa direksyon namin at saka marahang tumango..


Hinihingal ito pero mukang handa na para sa susunod nyang laban..


[Woah!! Look at that!! Cobalt Lockwood won for the third time!!]


Napatingin akong muli sa kabilang ring... Pinupunasan ni Cobalt Lockwood ang ilang butil ng pawis sa noo nya. Sh*t! Ang hot nya!! Oh no! Loyal fan ako ni Grey-sama, hindi dapat ako tablan ng kagwapuhan ni Cobalt Lockwood!!


"Flay tingin ko talaga dapat mag-sub na ako kay Roma.. Hindi na sya tatagal sa kundisyon nya.." saad ni Charm kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko


Malaki ang tiwala ko kay Roma. Pero ganun din kay Charm.. Hindi ko pa rin lubos maunawaan kung anong kayang gawin ni Charm.. Pero naniniwala akong hindi sya mahina.. May naramdaman akong malakas na magic mula sa kanya noon..


"Roma tama na. Si Charm na ang bahala sa huling laban.." saad ko at kinailangan kong lakasan ang boses ko para marinig ako ni Roma mula sa loob ng ring..


Humarap ito sa direksyon namin at saka marahang umiling.. Nagtaka ako sa naging tugon nya.. Alam kong malapit na sya sa limit nya..


Umakyat na ang huling kalaban sa loob ng ring..


"Roma! Anong ginagawa mo?? Kailangan mo ring magpahinga.." saad ko


"Tama si Flay.. Hayaan mong ako naman ang lumaban.." sang-ayon ni Charm


Muling umiling si Roma.. "Hayaan nyong tapusin ko ang laban.. Si Charm ang huling baraha natin para sa next round.." huling tugon ni Roma bago tuluyang nagsimula ang laban..


Nang magbigay hudyat ang referee na simula na ang laban, nagulat ang lahat noong si Roma ang naunang umatake.. Sobrang bilis ng mga pangyayari.. Isang malakas na sipa ang ibinati nya sa kalaban.. Nasangga iyon ng babae, pero wala itong sapat na oras para mag-cast ng kahit na anong protection spell kaya nakita ko kung paanong literal na nabali ang mga braso nito na isinangga nya sa sipa ni Roma..


Napasigaw sa sakit ang babae.


Hindi na nag-aksaya ng panahon si Roma. Agad itong nag-cast ng isang water type magic at agad inalon palabas ng ring ang babae.. Wala na itong nagawa pa dahil sa namimilipit ito sa sakit..


Napuno ng sigawan ang buong arena...


Muling nanalo si Roma!


[And history was made people! Ngayon lamang ito nangyari sa kasaysayan ng Aurum Magique University!! Ang grupo ng mga freshmen mula sa DCM ang syang uusad patungo sa susunod na round!!!!!] tila hindi makapaniwalang announce nung DJ..


Agad naming sinalubong si Roma noong bumaba ito ng ring.. "Okay ka lang ba??" tanong namin


Tumango lamang sya bilang tugon pero agad kong napansin ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ilong na agad nyang pinunasan.. Senyales iyon na hindi na kaya ng katawan nya, sumobra sya sa paggamit ng magic..


[Tingnan nyo mga kaibigan!! Mukang matatapos na rin ang laban sa kabilang ring!! Nero Cyrille Alexus of DCM versus Cobalt Lockwood of SMAO!! Sino kaya ang matitirang matibay sa dalawang malalakas na nilalang sa loob ng ring!!]


"Roma hindi ba at nakatatandang kapatid mo yun??" tanong ko noong makilala ang kalaban ni Cobalt Lockwood..


"Yeah. He's my older brother.. We share the same father.." simpleng sagot ni Roma


Oh?? Since she's a princess marami nga pala syang half siblings... At mukang hindi nya kasundo yung Nero na yun..


[Oh!!! A paralysis spell??? Mukang nasa panganib na ngayon si Cobalt Lockwood!!]


Nabaling muli sa ring ang atensyon ko at nakitang nakahandusay ang paralisadong katawan ni Cobalt sa ring..


What the?!! Sinipa nung Nero na yun ang muka ni Cobalt Lockwood!!


Nakarinig ako ng galit na sigaw mula sa ilang mga manonood.. Mga fangirls siguro sila ni Cobalt..


"That heartless man.." naiiling na komento ni Roma sa kapatid nya


Kung hindi lang yun kapatid ni Roma, marahil nakapag-summon na ako ng kidlat ngayon at napatamaan sya.. Tatlong tadyak sa muka ang inabot ni Cobalt Lockwood bago pa umawat ang referee at idineklarang panalo ang kapatid ni Roma..


[And Nero Cyrille Alexus wins!! Ang grupo na ngayon ng mga senior sorcerers mula sa DCM ang uusad patungo sa last round ng game!!]


"So sila ang makakalaban natin sa last round.. Magpapatalo na ba tayo Charm?? Sabi mo kasi second place lang naman ang-" naputol ang sasabihin ko noong makita ko ang ekspresyon sa muka ni Charm..


She's furious.


~~~~~~~~~~


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top